MAHAL KITA, PERO TAMA NA! | SPOKEN WORD POETRY | Dear Yen
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 4 ต.ค. 2024
- True love is selfless. It is prepared to sacrifice.
MAHAL KITA, PERO TAMA NA!
Sadyang mapaglaro ang tadhana
May mga bagay na akala mo sayo na pero hindi pa pala
Mga pagkakataong akala mo sumasangayon pero taliwas sayong pag aakala
Mga araw na akala mo masaya pero lungkot pala ang dala
Marahil iilan lang yan sa mga akala mong TAMA pero MALI PALA.
Nakakapagod magmahal sa isang tao na di ka kayang pahalagahan
Na sa araw-araw na dumadaan ikaw lang mag-isa yung lumalaban
Pero bakit parang ang hirap tuldukan
Na kahit alam mong nagmumukha kang tanga patuloy ka pa ring nakikipagsapalaran
Kailan mo ba ko balak isama sa mundo mo
Naghihintay ako, kahit alam kong di sigurado
Hindi ako yung tipong ipagsisiksikan yung sarili ko sa ibang tao
Pero bakit pag dating sayo
Tumutiklop yung puso ko
Mahal kita alam mo yan
Mahal kita sa paraang di ko alam kung may kahahantungan
Naghihintay akong suklian, yung pagmamahal na sana may makuha akong kasagutan
Hanggang dito nalang ba?
Hanggang dito nalang ba matatapos yung pagmamahal na gusto kong ipagmalaki sa iba
Yung pagmamahal na gusto ko sanang ipagsigawan kaya lang ako nalang mag isa
Yung pagmamahal na dapat ipinaglalaban ko pa pero wala na pala akong kasama
Yung pagmamahal na pwedi pa pero parang tama na
Kasi yung mismong taong dahilan nito ay sumuko na pala
Mahirap ipaglaban yung pagmamahal na dapat dalawa kayo
Yung pagmamahal na dapat masaya pero nagiging magulo
Yung dapat na malinaw pero nagiging malabo
Maraming beses sa isang pagkakataon
Na iparamdam sa taong mahal mo yung pagmamahal na dapat magpapaligaya din sayo
Pero kung sa tingin mo ay iniwan ka na nya
Matuto kang palayain ang sarili mong nanlilimos ng pagmamahal ng iba
Dahil kahit kailan ay di ka magiging masaya
Kung patuloy kang aasa sa kanya
Kaya matuto ka,
matuto kang pakawalan yung mga taong MAHAL MO PA, PERO TAMA NA!
CTTO of the photo.
#OriginalComposedByDearYen #MahalKitaPeroTamaNa #SpokenWordPoetry #DearYen
Kindly consider to subscribe! Thank you.
FOR COLLABORATION CONTACT ME THRU FB PAGE:
/ dearyen
Music Credit:
Piano Instrument: GPiano
/ gpianomusic
Dj erick Covers:
• Video
1 Hour City
• Ru Frequence - Emotion...
Bat ang sakit Di ko alm Kung bkit ako nasasaktan SA spoken na to😔😔😔