Kahit Wala Na Tayo (Spoken Word Poetry)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ก.ย. 2024
  • Kahit Wala Na Tayo
    Naranasan ko nang bumitaw sa taong hindi ko pa nahahawakan
    Naranasan ko nang kumalas sa taong hindi ko pa nahahagkan
    Nasanasan ko nang sumugal na ang sandata lang ay pagmamahal
    Kaya't nang minsan akong matalo, ay nakita ko
    Na hindi pala sapat ang pag-ibig lang,
    Sapagkat kailangan mo rin ng tiwala
    Dahil sa bawat araw na hindi mo siya kasama
    Ay pahihirapan ka ng utak mong natatakot sa distansiya
    Idadamay niya ang puso,
    Babalutin ito ng kaba
    Ng pagdududa
    Hanggang sa dahan-dahan ay mawalan ka ng kumpiyansa
    Kung kakayanin pa ba
    Na ipagpatuloy ang nasimulan
    Kahit hinahadlangan ito ng espasyo sa pagitan
    Natagpuan kita kahit nasa magkabilang dako tayo ng mundo
    Nahanap kita kahit pagtatago ang ginugusto mo
    Hindi mo kailangan ng iba
    Sanay ka sa pag-iisa
    Pero hinayaan mo akong samahan ka
    Sapagkat nalaman mong hindi ako katulad mo
    Kailangan ko ng iba
    Takot ako sa pag-iisa
    Kaya't nanatili ka. Sinamahan mo 'kong tumaya.
    Kahit 'di ka sigurado kung mananalo tayo sa dulo.
    Kung hanggang saan nga ba ang tayo.
    Kung saan nga ba 'to patungo
    Sapagkat hindi tayo umuusad
    Dalawa tayong nakakulong sa kaniya-kaniya nating lungga
    Hindi makalaya, hindi natin magawang magkita
    At dito ko napatunayan na hindi palaging masaya
    Na mahirap pala talaga ang pagsugal nang walang baon na aral
    Na ang tanging pinanghahawakan lamang ay ang pagmamahal
    Parehas tayong naging handa, parehas tayong naging matapang
    Pero parehas din tayong nagpadalos-dalos nang kaunti lamang ang alam
    Ang pagluha mo, ay ang aking pagkabaliw
    Tinatanong ang sarili kung paano kita mapapakalma
    Kung ang tanging paraan na alam ko lang ay 'yung mayakap ka
    Pero hindi ko 'yun magawa
    Sapagkat nariyan ka, at nandito lang ako
    Boses ko lang ang maihahandog para sa paghilom mo
    At alam kong hindi 'yun sapat
    Parang kulang na kulang ang lahat.
    Pero kahit ganito, ay pinili mong mahalin ako.
    Kinaya mong magtiis. Kinaya mong lumaban.
    Kahit maubos ay paulit-ulit kang susugal
    At dito tayo nagkaiba.
    Hindi ko pala kaya na dito ay sabayan ka.
    Gusto kong magtira.
    Takot akong magmahal ng taong sobra akong mahal.
    Dahil baka 'di ko kayang matapatan.
    Di ko kayang masuklian.
    At ayokong sa dulo ay lubusan lang kitang masaktan
    Kaya bago tayo tuluyang magwakas
    Ay pinili kong magsimula na lang ulit
    Bibitaw ako hindi para kumalas
    Kung 'di para muling kumapit
    Sapagkat nakita ko kung gaano kahirap umibig
    Sa taong hindi mo naman katabi
    pero lagi mong nasa isip
    Kaya, hayaan mo 'kong tapusin muna ang tayo
    Para kilalanin kang muli
    Hayaan mong magpahinga ang puso
    Para lumaban siyang muli
    Habang may distansiya
    Ay mananatili tayong magkaibigan na lang muna
    Nang sa ating pagkikita ay mas maging matibay tayong dalawa
    Babalikan kita.
    At gusto kong malaman mo
    na kahit wala na tayo,
    ay mahal na mahal pa rin kita.
    #KahitWalaNaTayo #SpokenWordPoetryPh
    -
    For more updates, follow me on my social media sites listed below:
    FACEBOOK PAGE: / bcumla
    TWITTER: / beverly_cumla
    INSTAGRAM: @beverlycumla
    JOIN OUR FACEBOOK GROUP AND BE PART OF THE BEVIES:
    / 11935. .
    For business purposes, email me at:
    beverly.cumla@gmail.com -
    -
    #BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

ความคิดเห็น • 579