Kundiman ng Langit May isang kundimang naiiba, Daloy ay kay haba, waring hindi magwawakas; Nilikha buhat sa langit, ng Amang tapat umibig; Awitin, kundiman ng langit. Himig ay sinulat ng Kanyang dugo, Titik ay hinugot sa pusong ‘di magtatampo, Ang hatid ay kaligtasan, at ang ating kalayaan; Dinggin, kundimang ito. Kay hiwaga ng pag-ibig na dulot Mo, Kasalanan ko’y nilimot nang totoo; Sa kabila ng ginawa ko; ako’y mahal na mahal Mo, May hihigit pa ba sa pag-ibig Mo? Nilikha buhat sa langit, ng Amang tapat umibig; Awitin, kundiman ng langit. Sana’y tugunan ang haranang ito Na binuhay ng kamatayang pinangtubos, Sugat ay paghihilumin. Dungis nati’y lilinisin; Damhin, pagsuyong ito. Kay hiwaga ng pag-ibig na dulot Mo, Kasalanan ko’y nilimot nang totoo; Sa kabila ng ginawa ko; ako’y mahal na mahal Mo, May hihigit pa ba sa pag-ibig Mo? May hihigit pa ba sa kundimang ito?
napakahusay! Pagpalain po kayo!
Maraming-maraming salamat 🙏🏼❤️
Kundiman ng Langit
May isang kundimang naiiba,
Daloy ay kay haba,
waring hindi magwawakas;
Nilikha buhat sa langit,
ng Amang tapat umibig;
Awitin, kundiman ng langit.
Himig ay sinulat ng Kanyang dugo,
Titik ay hinugot sa
pusong ‘di magtatampo,
Ang hatid ay kaligtasan,
at ang ating kalayaan;
Dinggin, kundimang ito.
Kay hiwaga ng pag-ibig na dulot Mo,
Kasalanan ko’y nilimot nang totoo;
Sa kabila ng ginawa ko;
ako’y mahal na mahal Mo,
May hihigit pa ba sa pag-ibig Mo?
Nilikha buhat sa langit,
ng Amang tapat umibig;
Awitin, kundiman ng langit.
Sana’y tugunan ang haranang ito
Na binuhay ng kamatayang pinangtubos,
Sugat ay paghihilumin.
Dungis nati’y lilinisin;
Damhin, pagsuyong ito.
Kay hiwaga ng pag-ibig na dulot Mo,
Kasalanan ko’y nilimot nang totoo;
Sa kabila ng ginawa ko;
ako’y mahal na mahal Mo,
May hihigit pa ba sa pag-ibig Mo?
May hihigit pa ba sa kundimang ito?