Joel Costa Malabanan - Napagtripan Lang

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 1 มิ.ย. 2024
  • NAPAGTRIPAN LANG
    Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan
    Madaling araw noon papauwi si Mang Juan
    Galing sa pabrikang pinagtatrabahuhan
    Nang bigla na lamang mula sa kung saan
    Lumapit sa kanya tatlong kabataan
    Bumunot ng baril sa kung anong dahilan
    At bangkay na naiwan si Mang Juan
    Kinabukasan ay nahuli rin ang mga salarin
    At nang sa presinto ang mga ito ay tanungin
    Ano ang motibo sa ginawang pagpaslang
    Sumagot ang isa “napagtripan lang!”
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    Napakababaw na dahilan
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    At isang buhay ang inutang!
    Isang araw naman ay mayroong naglalakad
    Na isang babaeng maganda at matangkad
    Nang bigla na lamang may lumapit na lasing
    Babae’y hinalikan sabay na nantsansing
    At dahil malakas tili ng babae
    May kalalakihang agad nagresponde
    Pinagtulungan, binugbog ang lasing
    Mabuti na lang at may pulis na dumating
    Nang tanungin sa presinto “Ba’t babae’y binastos?”
    Sagot ng lasing, “Pasensiya tsip at napagtripan lang!
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    Napakababaw na dahilan
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    Mag-ingat ka’t baka mapagtripan!
    Noong Bagong Taon ang marami’y nagsasaya
    Dumungaw sa bintana si Aling Maria
    Nang bigla na lamang, isang ligaw na bala
    Tumama sa noo niya at kumitil sa buhay niya
    At habang ang marami noo’y nagsasaya
    Kasambahay ni Aling Maria nama’y nagluluksa
    Kinabukasa’y nahuli rin ang nagpapautok
    Isa pa lang sarhento n gating PNP
    Nang tanungin sa presinto: “Di ba’t bawal magpaputok?”
    Sagot ng sarhento ay alam n’yo na “Napagtripang lang!”
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    Napakababaw na dahilan
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    At isang buhay ang inutang!
    Ang sabi ng kaibigan ko’y gumawa rin lamang ng kanta
    Ba’t di pa raw ballad o magandang lovesong kaya
    Ang sagot ko: “Pare pasensiya na
    Pagkat ito ay aking napagtripang lang!”
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    Napagtripan lang na kantahin
    Kaya’t sakali mang di n’yo nagustuhan
    Pasensiya na at napagtripan lang
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    Napagtripan lang na kantahin
    Napagtripan lang, napagtripan lang
    Lagot ako kapag inyong napagtripan din!
  • เพลง

ความคิดเห็น • 1

  • @joelcostamalabanan
    @joelcostamalabanan 27 วันที่ผ่านมา +1

    Lumang banda ko iyan na RABAY
    Musika, titik, akustik na gitara at boses: JOEL COSTA MALABANAN
    Lead Guitar: IVAN VILLARUEL
    Bass Guitar: NORMAN JAVIER
    Drums: ARTURO "Atoy" SIERRA
    Live Recording sa Meadowood, Bacoor, Cavite, Agosto 31, 2007.
    Salamat sa pag-upload.