Levaiz - 2023 Gloc-9 x Tribal 44 Bars Rap Challenge

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 16 พ.ย. 2024

ความคิดเห็น • 11

  • @PopularRap
    @PopularRap ปีที่แล้ว

    Nice pre

  • @CrischelleTalactac
    @CrischelleTalactac 11 หลายเดือนก่อน

    Galing nyo po talaga❤

  • @funnyu9943
    @funnyu9943 ปีที่แล้ว

    sheeeeesssshhhhh... fire 🔥🔥🔥

  • @LevaizMusic
    @LevaizMusic  ปีที่แล้ว +4

    LYRICS
    Tayo ba'y magkatulad, palaging puyat
    Mulat kakasulat ng tula't, pinagkakalat
    Sa bawat plataporma babad, inilalahad
    Mga kanta kong bumabakat, kagat sa balat
    Ako nga pala si Levaiz oh alam nyo na
    Don sa bayan ng Tanza, Cavite ako nagmula
    Samahan mo ko ngayon sa 'king muling pagbira
    Sakto mapula ang moon sa lakas ko'y mamangha
    Mala-bampira ang aking galawan dahil madalas t'wing gabi lamang
    Ako pwede makipag-rapbakan, don sa lotte nakipagsabayan
    Pagod man galing sa trabaho handa lagi 'to na sumalang
    Kapag hawak na ang mikropono ay biglang nabubuhayan
    Ng dugo, naku po, eto na umeskapo
    Na mga kataga kong tataga, tagos sayong bungo
    Lahat tayo'y mayroong pangarap na binubuo
    Bago makamtan may daraanan na baku-bako
    'Di ka dapat sumuko, bangon na dyan sa lapag
    Kaya merong pagsubok para tayo'y tumatag
    'Wag na wag maduwag, sumuwag, pumalag
    Namnamin bawat pagkain na hinain sa hapag
    Pero 'pag namatay ang apoy sa 'yong katawan
    Sana ay matandaan kung bakit mo sinimulan
    Magsibak muli ng panggatong sa kakahuyan
    Para uminit kailangan ulit nating silaban
    You have to feel it, Dapat 'di pinilit
    Kasagutan sa bugtong ay hindi laging sirit
    Kahit na-traffic man ang 'yong pag-awit
    Uusad rin kahit hindi ka sumingit
    Hangga't merong katiting na pag-asa ay 'yong abutin
    Ang mga nais mo't hinihiling ay 'wag mo basta ililibing
    Mabilis man o mabagal ang takbo ng iyong metro
    Ituloy mo noy, hoy! 'wag ka ngang boy intro
    'Wag mong hintayin na basta lang magbunga
    Dapat meron kang gawin para makuha
    Bago pitasin, pahinugin mo muna
    Kusa 'yang darating 'pag ika'y handa na
    Ayos ba? Sakto ba ang asintada?
    Diretso at smooth ang pagkaka-palitada
    Ganto ako magtrabaho tinatapos kagad
    Malupit at sulit kahit na wala pang bayad
    Ang hangad ko lang ay sumulat ng sumulat
    Magbabad, studio ang magsisilbing dagat
    Kalidad ng mga obra ko'y iaangat
    At sa aking pag-akyat, isasama ko lahat ng naniwala
    At wala, 'kong balak pa na manlamig
    Tuloy aking sigasig, hanggang marinig
    Sa aking tinig lahat ay mayayanig
    'Di padadaig, kung matumba man ako'y muling titindig

  • @E-DOHINYO
    @E-DOHINYO ปีที่แล้ว

    🔥🔥

  • @rosalindagono9897
    @rosalindagono9897 ปีที่แล้ว +1

    Gago galing mo pala hahahah 😮😮😮 ❤

  • @liljefpadolina3872
    @liljefpadolina3872 ปีที่แล้ว

    ang galing boss napakalinaw at napakahusay ng sulat.. matalino ka idol..

    • @LevaizMusic
      @LevaizMusic  ปีที่แล้ว +1

      Salamat po. 🙌🏻

  • @marcskierramos5977
    @marcskierramos5977 ปีที่แล้ว

    🔥🔥🔥