Huling Sandali - December Avenue (LIVE PERFORMANCE)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 19 ก.พ. 2023
  • Taken in Alaminos, Pangasinan during our Year-ender show.
    (December 31, 2022)
    #Lyrics:
    Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
    Sa tuwing ako'y papalapit sayo
    Maaari bang hingin ang iyong kamay
    Hawakan mo't huwag mong bitawan
    Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
    Sa tuwing ako'y nakatingin sayo
    Maaari bang huwag kang humiwalay
    Dahil sandali na lang
    Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
    Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
    Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
    Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin
    Hindi matigil ang gulo sa aking isip
    At para bang walang kasing sakit
    Alaala mong hindi ko malimutan
    Oras lang ang may alam
    Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
    Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
    Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
    Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
    At sa bawat minuto
    Ako'y 'di natuto
    Ipilit mang iba ako'y maghihintay sayo
    Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
    Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi
    Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
    Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
    Kahit sandali patawarin ang pusong 'di tumigil para sa'ting dalawa
    Ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin
    #hulingsandali #decemberavenue #liveperformance
  • เพลง

ความคิดเห็น • 619

  • @decemberavenue
    @decemberavenue  ปีที่แล้ว +152

    Don't forget to SUBSCRIBE! May 12-song set kaming iuupload sa Saturday! ISANG BAGSAK!

    • @laurabanit3496
      @laurabanit3496 ปีที่แล้ว +9

      It's ok Kay Kong asa sya. Happy I'm always support 😭😭

    • @ronalyncabatu8038
      @ronalyncabatu8038 ปีที่แล้ว

      super fav. ko tong song na to..

    • @jonathanlaban9820
      @jonathanlaban9820 ปีที่แล้ว

      @@laurabanit3496 so

    • @jonathanlaban9820
      @jonathanlaban9820 ปีที่แล้ว

      @@laurabanit3496 so

    • @wraithmj5555
      @wraithmj5555 ปีที่แล้ว +3

      Concert sa Alaminos City Pang
      Actually kasama ko pa siya dito eh dito nadin kami nag bagong taon akala ko siya na yung para saakin akala ko lang pala 😢
      6 Years and 5 months Goodbye 😢

  • @yelrahtv5262
    @yelrahtv5262 7 หลายเดือนก่อน +14

    Take note: wag ka magmahal nang taong dpa tapos magmahal Ng iba

  • @mgracediaz432
    @mgracediaz432 ปีที่แล้ว +40

    PAIN makes you Stronger
    TEARS makes you Braver and
    HEARTBREAKS makes you wiser..
    Watching from Johor Bahru Malaysia

  • @tops8316
    @tops8316 ปีที่แล้ว +75

    When I was working in BPO, I used to hear their songs. As always! Buong maghapon puro songs nila ang tumutugtog sa production floor. Then, I asked, "anong banda yan?" Doon ko lang nalaman na December Avenue ang band name nila. From then, I really wanted to watch December Avenue perform live. I didn't expect that it will happen when we spent our staycation during New Year's Eve in Alaminos. Sa dami nga naman ng pagkakataon, doon pa sa lugar na hindi ko inaasahan. My friend said, "Kuya yung favorite band mo will be performing tonight." Sabi ko, "Talaga ba?" Wow! Hindi lang live, libre pa!" Puro hugot songs from one of my favorite bands.

    • @aprilrosedizon8543
      @aprilrosedizon8543 10 หลายเดือนก่อน

      mahal n mahal kita sa hindi mo alam

    • @adzizgumandel3135
      @adzizgumandel3135 6 หลายเดือนก่อน +1

      Tagos parin ang kanta ❤️ ❤️ ❤️ nakaka relate kahit wala naman ngyari

  • @paulolicudo611
    @paulolicudo611 10 หลายเดือนก่อน +18

    "Hindi ka masasaktan, kung hindi ka nagmamahal ng totoo"

  • @GulfoDian
    @GulfoDian หลายเดือนก่อน +6

    Masakit 😢 December kasi
    December din kami itinakwil ng mama namin at pinili Niya yung taong bago Niya lang nakilala😢😢 At ngayon siya ay masaya na habang kami nangangarap na babalik pasiya😢

  • @johnmathewpakingan7831
    @johnmathewpakingan7831 ปีที่แล้ว +482

    Mas mahirap magpaalam sa taong wala man lang kayo nasimulang magkasama kase nagbaka-sakali ka lang na may chance ka. Masakit magpaalam kase alam mong inilaan mo na ang sarili mo na manatili sa kanya, pero siya yung may ayaw na manatili ka. Masakit magpaalam kung di ka pinili kase di ka naman pala kasama sa pagpipilian.

  • @zerksgaming1571
    @zerksgaming1571 ปีที่แล้ว +5

    Sa akin naghiwalay na kami dec. lng almost 9 years na kami ako nlng din ang kumakapit nun. Pero 7 months na pala syang merong karelasyon na tomboy sa trabaho nya. Nakipaghiwalay na ako nung nalaman ko. Grabe sobrang sakit hanggang ngayon damang dama ko pa din... Sobrang mahal ko sya ng higit pa sa buhay ko. Pero hindi sya lumaban para sa amin dalawa...😭😭😭

  • @chadkyrondoctolero2028
    @chadkyrondoctolero2028 ปีที่แล้ว +10

    Pinakilala ko sa kanya ‘yung December Avenue. From Fallin, Forever, naging Sa Ngalan ng Pag-ibig tapos ngayon ako na lang mag-isa at nakikinig sa Huling Sandali. Bilis lumipas ng 4 years grabeee!

  • @rhaprhapmejia1614
    @rhaprhapmejia1614 2 หลายเดือนก่อน +2

    This song is for my mother past away during pandemic 2021 covid-19 miss you mom I love you always.

  • @pukaka
    @pukaka หลายเดือนก่อน +3

    there's something about how they write melodies and lyrics that's bordering suicid*l yet so authentic to our collective experience.

  • @goeasy8916
    @goeasy8916 8 หลายเดือนก่อน +7

    I have loved a girl where she was really my ideal one. We bonded a lot. We sang together. We ate together. We shared moments as where I can really tell that it is more than friends. Having to hold her hand sometimes really felt comfortable while we are at the cinema.
    And then conflicts happened, I was forced to went home and got depressed for 2 years. She tried to find me when she was into distressed too but I was unable to reached as I had my social media hiatus. I needed to do that. Yet, I think that was my biggest mistake and I regret everything.
    As time went by, she got close to a man whom I introduced to her in our college days and they fell to each other, now they are married.
    I hid my feelings, yet I tried to make her feel what I truly meant to her. But I think the destiny doesn’t want us to be together at least in this lifetime. It seems like I became the bridge for her to find the ordained man for her.
    SHE IS MY TOTGA. In another life, I hope that we will end up together 💔

    • @altshift_
      @altshift_ 17 วันที่ผ่านมา

      Pano pag nabasa to ng recent girlfriend mo?

  • @dynx123
    @dynx123 ปีที่แล้ว +3

    8yrs ago may minahal ako ng sobra yung tipong sa sarili ko ay wala na kong itinira,
    Masaya kaming magkasama nung umpisa lahat kinakaharap namin na magkasama,
    At dumating kami sa punto na humantong na kami sa aming huling sandali...gusto ko pa sana ituloy kaso wala nang patutunguhan kung babalik pa ko sa nakaraan dahil masaya na kami parehas sa buhay ng bawa't isa. Pero salamat pa din dahil sayo marami akong natutunan, marami akong naitama sa lahat ng naging pagkakamali ko na naia-apply ko na sa buhay ko ngayon. Di ako nagsisi na minahal kita kaya maraming salamat dahil sa ngalan ng pag ibig nakilala kita, at hanggang sa huling sandali ng buhay ko babaunin ko lahat ng aral na natutunan ko sa nakalipas nating dalawa ❤

  • @ArysMedia
    @ArysMedia 11 หลายเดือนก่อน +1

    ang sabihin nyo, yan ang hilig ng mga filipino kantahin is all about love, borken, lahat tungkol sa relationship or pag ibig. minsan lang kayo kumanta tungkol kung ano nasa paligid nyo.

  • @Papa3ng
    @Papa3ng 6 หลายเดือนก่อน +3

    Ayoko na tapusin putchaa.. tinanggal ko na earphones sa unang chorus palang.. kakaiyak lang talaga to.. . . Salamat December Avenue!

  • @markhenrisontang7389
    @markhenrisontang7389 7 วันที่ผ่านมา +1

    Nagmahal ka dahil naging totoo ka sa kanya, nagpaalam ka dahil siya ang nagloko hindi ako, nagsorry ka dahil nagkamali ka pumili ng tao na hindi tapat sayo😭😭 sobrang sakit. Makaranas ng ganun na pinagpalit sa iba, hindi naman mahirap magpalaya basta alam mo yung kahahantungan nito

  • @bernadettecastejon
    @bernadettecastejon 8 หลายเดือนก่อน +8

    Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
    Sa tuwing ako'y papalapit sayo
    Maaari bang hingin ang iyong kamay
    Hawakan mo't huwag mong bitawan
    Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
    Sa tuwing ako'y nakatingin sayo
    Maaari bang huwag kang humiwalay
    Dahil sandali na lang
    Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
    Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
    Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
    Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin
    Hindi matigil ang gulo sa aking isip
    At para bang walang kasing sakit
    Alaala mong hindi ko malimutan
    Oras lang ang may alam
    Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
    Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon
    Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
    Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
    At sa bawat minuto
    Ako'y 'di natuto
    Ipilit mang iba ako'y maghihintay sayo
    Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
    Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi
    Kahit sandali palayain ang pusong 'di mapigil
    Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon na hindi na para sa'tin
    Kahit sandali patawarin ang pusong 'di tumigil para sa'ting dalawa
    Ang maling pagkakataon na ika'y magiging akin

  • @jevferrer5396
    @jevferrer5396 ปีที่แล้ว +23

    I celebrated my birthday watching a music festival, my first music festival experience, you were there. I was so excited to see you perform at hindi talaga ako nadisappoint. Habang kinakanta niyo itong kanta, I close my eyes kasi naiiyak na ako not because nakakarelate ako song but because at the very moment I felt free, your song made me feel free, your song made me feel a lot of things. Sobra yung experience hinding hindi ko makakalimutan. Hindi ko aakalain na kahit saglit, naramdaman kong maging malaya sa malungkot kong mundo. Salamat sa musika.

  • @alfredestinor8658
    @alfredestinor8658 หลายเดือนก่อน +1

    Masaya naman akong umuwi ng alas 4 ng madaling araw galing ng trabaho kahit mag-isa lang ako kaso pagtapat ko ng company ng Gardenia ang lakas ng patugtog ng kantang ito sobrang sakit! nag THROWBACK lahat ng sakit.

  • @donnadelacruz1054
    @donnadelacruz1054 ปีที่แล้ว +13

    HUHU HETO TALAGA YUNG SONG NYO NA HINDI AKO MAGSASAWANG PAKINGGAN, KAHIT NA MASAKIT 💔🥺 ILOVEYOU ALL DECAVE 💗💗💗

    • @rmp8540
      @rmp8540 ปีที่แล้ว

      Huhuhuhuhu

  • @D-I-V-I-N-I-T-Y
    @D-I-V-I-N-I-T-Y 6 หลายเดือนก่อน +6

    ang sakit talaga kapag nakita mo yung taong mahal mo na meron na palang kasintahang iba isipin mo yun plano mo na siyang ligawan pero eventually. nakita mo nalang siya na may kasamang iba ang sakit isipin pero wala tayong magagawa meron na siyang iba kaya sa may mga pinapag daan jan na masakit. i believe on you kayo niyo yan guys. i also feel you kasi naranasan ko din yan dati

  • @vincentcusay4714
    @vincentcusay4714 10 หลายเดือนก่อน +4

    Pinaka masakit na part yung nagpaalam ka sa taong hinayaang mong syang magmahal ng ibang tao kase alam mong dun sya sasaya . :)

    • @user-my3gw1nt7z
      @user-my3gw1nt7z หลายเดือนก่อน

      Like legit. Ganto na ganto naranasan ko

  • @sylentnoise932
    @sylentnoise932 8 หลายเดือนก่อน +7

    Almost killed myself to this song about 2 years ago. 2 years later and I'm still here. This song still tells my story.

  • @caezarbautista7048
    @caezarbautista7048 9 หลายเดือนก่อน +2

    I remember yung Mahal na mahal mo yung Tao kaso Hindi nya Alam
    Kasi Hindi mo Pinapa Alam, then ngkaroon sya Ng partner at tinanggap mo nalang na Di talaga pedeng maging kayo 😊 thank you parin, kahit sa huling pagkikita.

  • @darkstavlog
    @darkstavlog วันที่ผ่านมา

    One of my favorite local band solid sad song talaga😢

  • @hift6913
    @hift6913 ปีที่แล้ว +28

    Solid lods, tagal na neto pero ramdam pa din... I love how the song is created, from low and soft tapos pataaas ung para kang sasabog sa huli haha. And the lyrics itself na sa ilang minuto lang kaya mo nang ilabas lahat ng nararamdaman mo. Yung kahit napakataas nya pipilitin mong abutin kasi gusto mong isabay ung emotion mo. Galing ng nag compose, galing ng band, at ang malupit? SOLID MAG LIVE!!! May God bless your band more para makapag create kayo ng new songs like this... Thank you for sharing your songs and talents.

  • @angelomercado8448
    @angelomercado8448 8 หลายเดือนก่อน +3

    Mahirap magpaalam sa taong wala namang pakialam sa iyo..
    Dahil mulat sapul ikaw lang ung umaasa.. masakit pero wala tayong magagawa ..kelangan lang natin gawin is tanggalin nalang ung mga bagay na hindi para sa atin..

  • @gailyoo9014
    @gailyoo9014 8 หลายเดือนก่อน +24

    Bucket list: watching them perform live and singing my heart out to their songs❤❤❤

  • @listeningtomusiconyoutube
    @listeningtomusiconyoutube 19 ชั่วโมงที่ผ่านมา

    Ito nlng ulit yung artist n ngbibigay ng storytelling s mga kanta nla

  • @neljanabalab1197
    @neljanabalab1197 ปีที่แล้ว +56

    Honestly nakakaiyak medyu nka relate kasi aku sa lyrics nato na lumalaban aku sa relasyun namin ngayun na ilang yrs na kami peru parang aku na ang kumakapit sa relasyun namin yung tipong, alam kung aku na lumaban, parang nag hintay nalang asawa ko na magka mali aku para may ma rasun sa akin.. . , , kasal kasi kami kaya di aku bumitaw, peru kung dumating panahon na, sumama na siya sa iba, wla na aku magawa tanggapin nalang, di kasi siya kuntento kung anung merun kami ngayun parehas kami nag trabaho peru minimum lng sahud namin. Peru may sideline din aku minsan sa pg ba banda minsan malakas kita minsan sakto lng.. ,, kaya yung mga taong lumaban diyan kapit lang at dasal.. Godbless..

    • @jakealecog7027
      @jakealecog7027 ปีที่แล้ว +1

      Hayaan mo sya bro,,para hindi masayang buhay mo

    • @jakealecog7027
      @jakealecog7027 ปีที่แล้ว +1

      Hayaan mo bro

    • @donaldnamanama9846
      @donaldnamanama9846 ปีที่แล้ว +7

      1 Peter 5:7
      'Cast all your anxiety on him because he cares for you.'

    • @pamelladevera9874
      @pamelladevera9874 ปีที่แล้ว +3

      Kakapit lang din ako hanggang kaya ko ,salamat at nbsa ko to .di ako nag iisa 🥺

    • @alexandergaspar744
      @alexandergaspar744 ปีที่แล้ว

      Mahirap par masakit kasi pag nagloko naun babae ang hirap tanggapin

  • @katmanayao
    @katmanayao 3 หลายเดือนก่อน

    Manifesting makaattend ng live concert ng December Avenue sa 2024🧘🏻‍♀️✨

  • @user-rf7ni6kp2j
    @user-rf7ni6kp2j 4 หลายเดือนก่อน +2

    Durog Ako sa kanta NATO. Alam ko Naman na lumaban sya Ako lang tong nangbaliwala tas Ngayon na Wala na sya ramdam ko kung ganon sya kahalaga at kung gaano kalaki Ang nawala sakin . D lang sya pati buong pamilya Nya na na napamahal na sakin . Lalo Ngayon Yung pinapangarap namin na mag ka baby Meron na sya. 😔😔🥺🥺

  • @mojamojaadanarf3979
    @mojamojaadanarf3979 ปีที่แล้ว +2

    sa totoo lang masakit kpg iniwan ka.. pero tandaan nyo may taong nilaan sayo ng dyos.. kaya kpg iniwan ka.. tanggapin mo at palayain mo sya. dahil kapag pinilit natin ang taong hindi pra saatin.. paano na lang ang taong inilaan sayo ng dyos... minsan dumarating yan kapag huli na ang lahat...yung tipong dumating sya kung kelan hindi ka na pwedeng umalis pa...dahil may nagmamayari na sayo😔😔😔.

    • @joshuason8019
      @joshuason8019 2 หลายเดือนก่อน

      Exactly brother ang si lord ang totoo mag bibigay ng totoo partner sa buhay at Kung sya na un ay hindi na kayo mag hihinwalay pa

  • @BlackRose-fo2hy
    @BlackRose-fo2hy 7 หลายเดือนก่อน +2

    I'm still hoping to find someone again..i hope this coming christmas maging masaya rin ako.sna merong taong tatanggapin ako at yung mga ank ko.Kung wla man nkong second chance na magkalove life ulit,ok lng as long mhal ako ng mga ank ko,its more than enough.pero kung my darating man na kaloob ni god,i will love him and take care of him hanggang sa huling sandali na mgkasama kmi.

    • @joshuason8019
      @joshuason8019 2 หลายเดือนก่อน

      Meron inilaan si God na partner sa bawat isa invidual ma's maganda un galing kay God hindi kana nun masasamtan at tatanggapin mo dapat un sya NG buo buhay mo dahil si god na na bigay nun

  • @jggabayno
    @jggabayno 3 หลายเดือนก่อน +1

    I remember riding to work, listening to this song on loop while gazing out of the window; it brings back nostalgic memories.

  • @jrrosario1528
    @jrrosario1528 ปีที่แล้ว +9

    Eto yung song na nagreremind satin na, mahalin natin sila kahit sa huling sandali na makakasama natin sila. ❤️

  • @user-fj7ts1gm8z
    @user-fj7ts1gm8z หลายเดือนก่อน +1

    Sobrang lungkot ko nung nawala sya nung umalis sya sobra sakit nun for me hirap magmove on NG ilang taon

  • @princesfelpelayo2837
    @princesfelpelayo2837 10 หลายเดือนก่อน +18

    Pain makes us stronger ❤️ Thank You December Avenue ☺️

  • @joshuasimonpelegrina3824
    @joshuasimonpelegrina3824 ปีที่แล้ว +6

    5 years ago lagi kong pinapatugtog mga kanta niyo pero ngayon ko lang siya sobrang na-appreciate nung huling sandali na magkasama kami habang pinapakinggan namin magkasama sa isang live band na tinutogtog yung sa ngalan ng pagibig,umasa ako na sana siya yung kasama ko sa pagnood ng live performance niyo sa clark kaso wala na ,kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka na kahit hindi naging tayo Im always rooting for you.

  • @BeverlyAnneAbiog
    @BeverlyAnneAbiog 6 วันที่ผ่านมา

    Fave song of you😘 mapanakit ka tlaga DecAve🥺

  • @MaanSaito-mq5ls
    @MaanSaito-mq5ls 10 หลายเดือนก่อน

    Pag napapakinggan ko tong kanta to naalala ko yun baby ko kakamatay nya lang nitong May 21 2023 dahil sa SIDS ( Sudden Infant Death Syndrome ) Huling sandali na pala nya sa akin dapat sinulit ko na. Huling iyak huling ngiti at huling tili at tawa na pala nya yon. Sobrang sakit biglaan lahat nangyare talagang pinahiram lang sya sa amin ng diyos ng Saglit 😭💔

  • @gladielynisaac6464
    @gladielynisaac6464 2 หลายเดือนก่อน +1

    Mas masakit yung pariho nyu mahal ang isat isa pero kailangan mo lumayo kasi alam mo darating din ang panahon iiwan ka nya😢

  • @user-mf9xn7wp6e
    @user-mf9xn7wp6e 5 หลายเดือนก่อน

    Legit yung sakit! Ako yung andito pero sa iba sumama😊

  • @AkieChiro
    @AkieChiro 2 หลายเดือนก่อน +1

    Pinaka mahirap sa lahat yung iiwan ka ng taong pinaka mamahal mo.. Kaya kung mangyari man sa akin to.. sana kayanin ko.. 😢
    Mahal na mahal kita babe❤

  • @MarvinlyzMarvinlyz
    @MarvinlyzMarvinlyz 13 วันที่ผ่านมา

    Ito yung kanta ikaw nalang kumakapit sa pag mamahalan niyong dalawa kahit alam mong mamawala na siya sayo dahil may gusto na siyang iba at sa huling sandali na paalam nalang at malaya kana ang masasabi sakanyna

  • @Crowskull_006
    @Crowskull_006 ปีที่แล้ว +1

    Related sobra sa kantang to.
    Huling sandali,
    Ang hirap bumitaw sa taong masyado mong hinawakan ng mahigpit, para lang maramdaman nyang sa kanya lang aawit.
    Sa huling sandali, iba parin ang pinili,
    Sayang yun mga panahon. Tatapusin lang ng isang problemang kaya naman limutan sa kahapon.
    Pinili nyang iwan ako at hindi muling samahan lumaban. Na akala ko, akala ko. Totoo pa yung mga pangako nya na kahit anong mangyari hinding hindi nya ko iiwan.
    Sa umpisa lang talaga masaya, masarap sa pakiramdam na may nag aalala sayo at nag aalaga, nag mamahal. Pero sa huling sandali,
    Lungkot , bigat at pag durusa nalang ang mararamdaman mo hanggang sa makalimutan mo na ulit mag mahal.
    Tapos may darating ulit, pero hindi mo padin alam kung yun na ba yun para talaga sayo.
    Kaya 50/50 % nalang ang love na dapat sa sarili mo at sa taong mahal mo bukod na hun effort na binibigay mo sa kanya.
    Salamat december avenue sa song na to.
    💯💖👍🤘

  • @lestersula2824
    @lestersula2824 ปีที่แล้ว +1

    May Dream Band Na Gusto Ko Panoorin 🙏🥺🙏

  • @andrewleesuico4439
    @andrewleesuico4439 10 หลายเดือนก่อน +2

    Just listen to this song again and it reminded me how it hurts to give everything you've got pero di pa din sapat i chosed once again my love over my career and ended up left alone for being not good enough. So yeah kung sino pa yung dahilan ng pagiging masaya mo ay yun din ang makakasakit sayo ng sobra . Magmahal pa rin kayo pero magtira para sa sarili .

  • @appletique
    @appletique 28 วันที่ผ่านมา +1

    Never thought id be here listening after a soul wrenching heartbreak hahaha. 5 years.
    Fckd me over. Gave too much, lost so much. Okay lang sana if i lost the things i am most willing to lose but sadly lost myself on the process. I dont know what to do, i have to move forward for everything that was left kahit nawawala na sa sarili hahaha. You bet on our future but saw less in me and made youre choice to leave me without telling me i am unworthy of your time and love.
    So for you langga, if only i knew that that was the last day i was able to see you, wearing the same dress as what youve worn on our first date, i shouldve stayed longer. Gihatod unta taka sa airport. Gimingaw na kaayo ko saimo. But id be just fine.
    Huling Sandali will always be my song for you, langga. I love the song but i hate that in our love story, it is the most fitted definition.

  • @tiktokcrushphilippines8508
    @tiktokcrushphilippines8508 ปีที่แล้ว +4

    Napanuod ko na kayo nung January 2020. Sobrang sakit niyo pala mag performance ng Live. 😢😭💔 kahit hindi ako broken hearted at never nagka jowa pero dama ko yung sakit sa bawat lyrics ng pagkanta niyo. In short. Hugot kung hugot. Sana bumalik kayo ulit sa Dinagyang Festival this 2024. Miss na namin kayo!!! ❤

  • @grahamredteves-um8lv
    @grahamredteves-um8lv 6 หลายเดือนก่อน

    if there's a filipino here in this comment section isa na ako sa nasasaktan at tagos puso na nararamdaman ng kanta nila by tha way broken hearted kase ako 😥😥😭😭

  • @TitoBobby
    @TitoBobby ปีที่แล้ว +6

    Whoah kasarap sa ears! Naka linya ang audio 💙

  • @jelianjacaban3284
    @jelianjacaban3284 11 หลายเดือนก่อน +11

    I am always hoping one day , I'll able to watch this band on live with the person I don't wanna loose anymore ☝️

  • @donniepurificacion8770
    @donniepurificacion8770 5 หลายเดือนก่อน +1

    Pinaka masakit ang magpaalam ❤

  • @bryancabuenas7147
    @bryancabuenas7147 ปีที่แล้ว +10

    You will always be my favorite band, Dec Ave!!! Thank you for the solid lines, "ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa'yo" :(((

  • @josefbanday200
    @josefbanday200 10 หลายเดือนก่อน +3

    My GF just left me recently while raining this song came back to my mind and play it. I cried loudly as the rain gets heavier and the song hit me hard and remembered all the things we wanna do. I promised her that I will dance with her to the prom this 22 but I guess I will do it with another girl or in my imagination. It just hurt to remember the past, that time when your at lowest and she is there to cheer you up. If she reads this hoping that she will be again my lost piece in my puzzle

  • @edisondimatulac2550
    @edisondimatulac2550 ปีที่แล้ว +1

    sino ba di masasaktan sa kanta nyo?,, nanakit tlga kayo ng damdamin!

  • @markmorante255
    @markmorante255 9 หลายเดือนก่อน +1

    Mas masakit yung nagpapaalam ka ng walang dahilan di ikaw yung mali walang naging mali sayo pero napagod ka umintindi at nagparaya dahil alam mong duon sya sasaya "letting go for someone that youve dreamt about and the answered prayers but in the end she/he will be your worse nightmares"

  • @bryllealgabre-oe2wj
    @bryllealgabre-oe2wj ปีที่แล้ว +3

    Nanood Ako Neto sa cabuyao☺️🤭
    Solid tlga 💛❣️💛

  • @ceedeelina2929
    @ceedeelina2929 ปีที่แล้ว +1

    paano kung ito na pala yung huling sandali natin?
    gabi gabi magkasama, pero laging may pumipigil. mali pero pinagbigyan lang ang mga pusong pinipilit magwagi sa labang una pa lang, talo na. kung maari lang na hindi na bitawan at hindi na mahiwalay, iyon lang ang hihilingin. paulit ulit na ginagawa ngunit di pa rin natututo. pinipilit pa rin ang pusong hindi para sakin, ang oras na hindi na maibabalik, at ang mga sandaling pwede tayong magkasama. hindi na natuto, pero palaging pipilitin na maghintay sayo.

  • @ryobenedictos9535
    @ryobenedictos9535 5 หลายเดือนก่อน +1

    I remember this song, eto yung kanta sa radio nung araw na nawala yung father ko at papunta akong hospital 😭

    • @earljamese.baculi9772
      @earljamese.baculi9772 5 หลายเดือนก่อน

      I'm sorry for your loss, I hope this song helps you to heal

  • @Mr.JamesMadison
    @Mr.JamesMadison 12 วันที่ผ่านมา

    back at here again. luv it d.a

  • @BeverlyAnneAbiog
    @BeverlyAnneAbiog 6 วันที่ผ่านมา

    Mahirap magpaalam sa taong alam mong ayaw magpaalam😓

  • @husseinmustapha5079
    @husseinmustapha5079 10 หลายเดือนก่อน

    😢😢😢 for almost 15years na minahal ko sya ng totoo yun lang pala isusukli nya sakin ang ipagpalit ako sa iba😢💔💔💔

  • @thetravelingteacher1001
    @thetravelingteacher1001 29 วันที่ผ่านมา

    Yung vocals kahit hindi perpekto pero yung nagbibigay ng emosyon.

  • @Fyamtv
    @Fyamtv 2 หลายเดือนก่อน

    Basta pinoy Lupit pagdating sa kantahan mag buo ng masakit na kanta marami talaga ang maka relate

  • @shortclips1108
    @shortclips1108 หลายเดือนก่อน

    Ganda ng video, HQ!!! ❤ kasing ganda ng kanta and HQ din boses ng live. Solid! 💯

  • @rimajalojero4374
    @rimajalojero4374 ปีที่แล้ว +1

    na mimiss na kita tatay gameng salamat sa pag sisilbi mo sa bayan at sa pag aalaga sa amin.salamat at napag tapos mo kami sa pag aaral at kahit nasa langit ka na ay nagawa mo pang pag aralin si bunso😢i miss you tatay

  • @reynagalito5645
    @reynagalito5645 ปีที่แล้ว +1

    Bat may mga taong sobrang mapanakit ng damdamin.Di madali makalimot sa nakaraan pag mahal mo ang isang tao.Sobrang sakit napakasakit.Na bigla ka nalang hiwalayan na wala ka naman ginagawang mali.

  • @JuliusBausas-hd7ne
    @JuliusBausas-hd7ne 11 หลายเดือนก่อน

    Hindi ako naniniwala na wlang taong hindi na sasaktan!

  • @ZachmeisterTV
    @ZachmeisterTV ปีที่แล้ว +1

    I always listen to this music pero hindi naman ako broken hearted. Kung napanood mo kasi ang music video nito about sa batang may sakit.
    Naalala ko lang yung kapatid ko sa music na to every time it plays.
    15 years narin simula nung nawala ka samin.
    miss u bro. 😔

  • @ariannenicolemendoza3865
    @ariannenicolemendoza3865 ปีที่แล้ว +28

    one of my favorite bands of all time. too bad i wasnt able to attend this event even though it's near our place. still grateful for the inspiration your band has given to aspiring musicians.

  • @heneralmahuyang7458
    @heneralmahuyang7458 ปีที่แล้ว

    Nung nagconcert po kayo sa LapuLapu City,,inakyat pa tlaga namin ung bakod ng venue kahit me mga barbwire para lang makapasok,,kasi nilock na ng mga organizer ang entrance kasi puno na,.tlagang idolo po namin ng kaibigan ko ung mga kanta nyo po

  • @Paul-pg6xm
    @Paul-pg6xm ปีที่แล้ว +5

    Kudus sa engineer!
    Sarap sa tenga nang pagka mix!
    At syempre sa banda.
    Walang kupas!

  • @johannesangelorondael4554
    @johannesangelorondael4554 6 หลายเดือนก่อน

    Sobrang ramdam mo ung emosyon sa lyrics sa kanta bat ang sakit di nman ako broken pero pakiramdam ko broken ako hahaha 😭😂

  • @darklordace0520
    @darklordace0520 ปีที่แล้ว

    kaway kaway sa mga nasa hrap ng stage nung napanood to

  • @blinkpogi5427
    @blinkpogi5427 ปีที่แล้ว +11

    First time ko makapanood ng live performance niyo sa UP Fair grabe ang solid!!! 🥹

  • @johnreyjohn8198
    @johnreyjohn8198 ปีที่แล้ว +1

    Ito Yong kanta na kahit paulit ulit Kong patogtogin Hindi Hindi ako magsasawa'ng pakingan

  • @krishnaconsuegra7119
    @krishnaconsuegra7119 9 หลายเดือนก่อน +12

    When I was devastated because of love, I always hear your songs until I get sleep. Thank you so much! You're one of the people who helped me to moved on and continue to live my life. Thank you because your songs made me strong and give me peace of mind. Not just for the love problem but also for my personal problems that no one knows. Thank you🥺❤️ Continue to make songs cause you save so many people who live in pain and agony including me❤️ MABUHAY KAYO!!!!

  • @willardbacus8024
    @willardbacus8024 3 หลายเดือนก่อน

    Ang hirap ngang mag paalam sa taong minahal mo ng totoo kaso sa limang taon diko naramdaman ang pag mamahal kaya ako na umiwas ng di na masaktan.....

  • @baymax8803
    @baymax8803 ปีที่แล้ว +1

    Tarlac live ang lupet damang dama yung song nila sobrang lupet more power december Avenue

  • @pauldoria5743
    @pauldoria5743 6 หลายเดือนก่อน

    kung alam kulang dati na darating tayo sa ganito, di sana ginawa ko lahat para hindi tayo umabot sa puntong manghihinayang tayo sa mga masasayang araw na magkasama pa tayo. hindi sana umabot sa puntong ika'y nasa hukay na at hindi na talaga babalik pa 😢, sobrang sakit kasi yung huling sandaling kausap kita sa telepono yun na pala yung last na maririnig ko ang boses mo.. paalam at sana magkita pa uli tayo sa sinasabi mong panibagong mundo..

  • @princessdeleonjps24channel88
    @princessdeleonjps24channel88 6 หลายเดือนก่อน

    Thank u for coming here in NZ ❤ till next time

  • @elizabethbarona4251
    @elizabethbarona4251 4 หลายเดือนก่อน

    ito ung song na team song namin
    sobrang sakit nung di sya nagpaparamdam sakin lagi koto pinapatogtog 1 off may favorite song sorbang miss kuna sya
    hinding hindi ka mawawala sa pusot isipan ko andito ka natatak ❤❤❤❤❤

  • @rodelandrade4096
    @rodelandrade4096 3 หลายเดือนก่อน

    Solid ❤️
    Yung pain parang bumabalik '
    Parang nag flashback lahat 😢😢😢😢☹️

  • @Pardillo-fe2tw
    @Pardillo-fe2tw 5 หลายเดือนก่อน

    Now I'm 40 years of age but still I love your song and I really appreciate you all guys..love you all and Ang sakit ng kanta thank you kahit sa song masasabi ko Yun nasa loob ko

  • @arjayocuaman2487
    @arjayocuaman2487 ปีที่แล้ว

    Alaminos city Yan December 31 2022 nakakaproud Isa ako sa mga audience Dyan

  • @ajrioverostv618
    @ajrioverostv618 5 หลายเดือนก่อน

    Masakit sobra yung tipong akala mo ipaglalaban ka din ng taong ilalaban mo hangang dulo, inintindi mo ang lahat kahit na pulit ulit kang nasasaktan, sobrang sakit ng iniwan ka nalang bigla, hindi ka kinausap “sometimes we have to close chapters without closure”

  • @gladysmagyaya6985
    @gladysmagyaya6985 7 หลายเดือนก่อน +1

    sana makita ko kayo sa personal

  • @PersieTV2803
    @PersieTV2803 23 วันที่ผ่านมา

    Kung my "you'll be safe here" ng rivermaya
    "The day you said goodnight" ng hale
    "Magbalik" ng Callalily
    Darating din ang araw ang kantang to ay magiging isa dng kantang hnd makaka limutan ng mga taong dumaan panandalian sa mga maling tao sa kanilang buhay....

  • @dReamhiLL0089
    @dReamhiLL0089 4 หลายเดือนก่อน

    Tatlong bagay na mahirap sabihin..
    Pero pano kung sa iisang tao lang?
    Hirap sabihing "Mahal Kita."
    Hirap sabihing "Patawad"
    Hirap sabihing "Paalam"
    Kasi umaasa ka pa din.
    Na sa Huling Sandali..
    Kayo padin..
    Kahit ang sakit sakit na.

  • @skittletit8138
    @skittletit8138 ปีที่แล้ว

    i swear to God,i was here during this concert and because of me treating my girl to this event i got lucky wtih her coz she paid me back tenfold inside the hotel room

  • @kitbalagtas1260
    @kitbalagtas1260 ปีที่แล้ว +1

    i love you december avenue

  • @jayeguban2716
    @jayeguban2716 7 หลายเดือนก่อน

    Grabe sobrang tagos sa puso ung mga kanta..I've been trying to get well but nraramdaman ko prin ung sakit kc dami Kong beses nadapa at nagpunta sa mga maling tao at maling panahon..😢😢😢😢sorry kc marupok aq at madaling nagtiwala..sorry for my life..n sobrang patapon at walang direksyon..😢😢😢

  • @kobeatecson
    @kobeatecson ปีที่แล้ว

    kailan ko kaya kayo mapapanood ng live huhuhu naiiyak ako. 😭💛

  • @jeromemangle1290
    @jeromemangle1290 11 หลายเดือนก่อน

    One of my favorite band, sayang di ko kayu nakita in my province sa baybay city leyte

  • @jairusaguila1262
    @jairusaguila1262 ปีที่แล้ว

    Ang galing mo po, Jed Madela.

  • @jennerdelacruz
    @jennerdelacruz ปีที่แล้ว

    my favorite band❤❤❤😢

  • @Kweenamelia
    @Kweenamelia 9 หลายเดือนก่อน +2

    One of my all time fave band.

  • @avnerdacayo8813
    @avnerdacayo8813 ปีที่แล้ว

    thankfull nako nakilala ko si rica ♥️♥️♥️ aalis nasya alam ko sa sarili ko na napakaliit ng chance na maging happy ending.pero sobrang saya na alam kuna yung feeling ng itatagal kong taon nalang kase may mali sa katawan ko pero atleast dba nag stick ako na d ako nag hanap ng iba.mag kikita kami ulet at mag sasama sa simbahan pero hindi kasal.sobrang saya na yun ♥️♥️🥰🥰