Not too sweet Ermine buttercream recipe
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 10 ก.พ. 2025
- Hi guys for todays video share ko po sa inyo ang aking pang malakasan na buttercream recipe. Most requested, panalo sa lasa. A friendly reminder please use good quality butter, no margarine please.
Ingredients:
-1 cup/bar butter
-3/4 cup whiote sugar
-1 cup evaporated milk
-5 tablespoon all purpose flour
-1 teaspoon vanilla(optional)
Please see video for the step by step preparation.
Dont forget to like and subscribe guys!!! Happy Cake-ing...
Please feel free to leave a comment down below if you have tried this recipe or if you have any questions.
Hi ma'am!! I just wanna thank you for this recipe. I tried it earlier and ang saraaaap nya. Talagang hindi sya nakaka umay. Btw hinalf ko ung recipe and stable pa rin sya. Nakakatuwa. Thank you so so much maam 😍❤️
Opo masarap po talaga to, happy to hear na nagustuhan nyo po Tong buttercream recipe,happy cake-ing!!!
Hello po pwede lg po kahit ano brand ng vegetable shortening?
Yes po any brand
Thank you po 💓
Happy cake-ing!!!
Sna matuto aq ng pg bake,,slamat po s tutorial mam
You're welcome po, try nyo po mag bake soon happy Cake-ing!!!
Hello..watching po🤗❤️
Happy cake-ing!!!
Thank you po mam sa simpleng recipe na eto
Happy cake-ing 😍
Thank u ma'am 4 ds recipe ang sarap
Thank you at nagustuhan nyo po, happy cake-ing!!!
Thanks for sharing po.. itatry ko din po tong recipe nyo ..😊❤
Welcome.po happy cake-ing!!!
I always feared using buttercream, pero this looks promising. I'll try this. Sana po gumawa kayong vid ng endurance test ng mga frosting niyo like the boiled icing, butter cream and store bought frosting like whippit or everwhip hehe. more power to your channel maam!
Soon if may budget na tayo po ☺
marami po dito sa youtube ng stability test sa tatlo, upon what I watched, si boiled icing po ang stable in hot weather as long as tama po ang proseso ng paggawa, but for me buttercream at whipped cream ang mas ok pangfrost.
sa whipped cream I used pudding powder Jell-O to make it more stable.
Na try ko ito mam sa red velvet ko super yummy and stable.. salamat mam God bless
Eto din yong pang frosting ko sa red velvet cake ko po, happy to hear na nagustuhan nyo po, happy cake-ing!!!
Marami n akong na try s mga recipes
good am if no veg shorting wat pwd gamitin tnx more power
Hello po you can just skip the vegetable shortening po, especially pag no need e travel ng malayo yong cake
Plan ko po magbake wala pang ngbake dito sa amin... Sana matutu ako maam... Thank you... Plan ko din mg enroll myron dito amin 1500 sa kabing province po... Isang araw lng training
Hello po, mura na po yan for 1 day training, good luck sa training nyo po happy cake-ing
Hello, ho long can I keep this in room temperature? England summer is about 25C (if we are lucky). Also pwede b sya SA fondant?
Hi pwde po siya 24 hours room temp. Make sure lang na nka chilled for better stability, hindi po siya pwde under fondant kasi this kind of buttercream hindi siya ng hahar-den unlike American buttercream, happy cake-ing!!!
Hello po, can this withstand hot weather? First time ko po Kasi siya itatry, more on everwhip ako na Ang bilis matunaw. 😢
Hello yes po just make sure to add vegetable shortening,happy cake-ing!!!
Puwede po Ang buttercup or baker best? Wala po kasing golden crown butter Dito.
Margarine po kasi c buttercup at baker best, na try ko po siya iba yong consistency, super soft po yong outcome hindi siya gaano ka stable
@@merryssweetart hala ma'am buttercup pa Naman nabili ko. Can you pls give some butter brands aside from Golden crown? Huhu thanks po sa recos 😅
Hello po pwde po c buttercup pag condensed milk buttercream po may separate video po ako check nyo lang po dito sa Yt natin, other brands of butter po, Magnolia butter unsalted or salted, pwde din anchors butter
Hi po..what brand po ng shortening ginamit mo? Is it Crisco? Thanks.. I will try your recipe this weekend. 😊
Hi po medyo pricey pag crisco, I used marce leon or puratos brand na vegetable shortening 😊
Thanks for replying. By the way pano po ang proper storage ng shortening and gaano katagal shelf life, hindi pa po kasi ako nakakagamit.
Hi room temp lang po lagay nyo lang in a sealed container, yong shelf life depende sa brand po, yong gamit ko na brand, puratos or marca leon,umaabot din ng ilang months, basta keep an eye lang when Yong expiry date, na nka Saad sa packaging
Hi, thanks for the recipe saan Po mabibili Yung vegetable shortening? Among brand Po? Thanks
Marca leon po, sa mga baking stores lang po ako bumibili,meron din sa online
plan ko po gawin ang ermine sa lunes, puwede kaya same-day application din sa cupcake? need pa po ba i-ref nito bago i-apply o puwedeng diretso pipe na?
Pwde po same day application pwde din 1 day ahead po
Hello po ms.merry,ano pa pong brand ng butter pwedeng gamitin?buttercup lang po available at dari cream
Hi po I used golden crown po, or anchor na brand, c buttercup at dari cream ay margarine po sila...
@@merryssweetart hi maam, pwede ba ang sunny farms na butter ang gagamitin? Pure butter po ba siya? Hindi kasi nakalagay sa cover eh
Hi di pa ako nka try nang ganyan na brand po, pero ng tiningnan ko online butter po yong description nya, pwde po yan for this icing, happy cake-ing!!
Ito po ang hinahanap ko po maraming salamat po
Happy cake-ing!!!
Hi Ma'am, may butter ako peor 3/4nalang. 😅 Puwede parin kaya itong gamitin sa ermine o need talaga 1 whole?
Pwde po make sure to add vegetable shortening pra magiging 1 whole pa din siya 😊
@@merryssweetart 1/4.cup parin po ba Ang veg shortening?
Yes po, pwde din 1/2 cup vegetable shortening
Hello maam ung bakers best na butter maam pwede po? saka ung lard po na tingi tingi sa grocery pwede din po un?salamat po sa sagot
hindi po pwde yong bakers best based on my experience kasi margarine po siya, iba po yong outcome di siya stable Yong lard pwde po 😊
@@merryssweetarthello po ma'am pwedi po ba buttercup po Ang gamitin?
hi po. pwede po ba to ma’m sa flower piping? stable po kaya siya for flower decoration for cake?
Hello yes po pwde xa for piping flowers ,,happy cake-ing!!
@@merryssweetart thank you ma’m❤️
Ok lang po kaya ilagay ang cake sa freezer pagkatapos po malagyan ng buttercream? Gusto ko po kasi sana gawin muna 1-2 days before po ng bday. Thanks for sharing po.😊
Hi yes pwde nyo po advance gawin 1-2 days, sa chiller lang po, sa may baba lang ng ref, di ko pa na try sa freezer ilagay 😊
@@merryssweetart salamat po ma'am! God bless po!😊❤️
Hello thank you for this, mas bet ko ito kasi not so sweet. Mas mura po ba ito kesa whip cream? Ano po mas maganda sa dalawa?
Yes mas bet ko din po to compared kay whip cream(whippit). Oo mas mura din. When it comes to taste i recommend this one pp
Habang pinapanood ko ito, nagugustuhan ko siya I think mas madali pati gawin compared sa boiled icing. May concern po pala ako. 1. what if walang veg shortening? Ano pwede po ipalit? 2. Puwede po ba yun hand mixer lang if walang stand mixer?
If pang bahay lang po, di na kailangan e travel pwd na pong di mag add ng vegetable shortening po. Yes pwd hand mixer po, pero need nya continuous beating at longer beating time...
Anu po brand ng vegetable shortening ng gamit nyo
marca leon po or puratos na brand
Hi, ma'am! Thanks for sharing! Would your recipe be good to use for piping flowers or for russian tips? Sa lahat ng buttercream na natikman ko, etong ermine talaga ang kaya kong ubusin ang isang bowl. Hindi ako nauumay unlike sa ibang buttercream. Sana okay sya gamitin for piping flowers.
Hello yes po pwd xa for piping flowers, if medyo lalambot xa ref nyo lang po ng ilang minutes, same po tayo sa lahat ng butter cream recipes eto lang din yong kina kain namin hehehhe. Hindi po kasi over powering yong lasa ng butter at di nakaka umay yong tamis, happy cake-ing!!!
Yes exactly! Hindi sya lasang butter. Para lang syang whipped cream. Very light ang lasa. Concern ko lang talaga is kung pwede sya for piping. Nagtry ako gumawa noon kaso ang lambot at nabagsak talaga. I'll try yours. Thank you, ma'am!
Hello po, ask ko lng po kung madami na po bang magagawang pang icing ung isang butter?
Sa isang batch o single recipe kaya po nya e coat isang 7x7x4 inches at 12 pcs. 2oz cupcakes, o di kaya isang 8x2.5 inches na cake
Sa isang batch o single recipe kaya po nya e coat isang 7x7x4 inches at 12 pcs. 2oz cupcakes, o di kaya isang 8x2.5 inches na cake
Gumawa po kasi ako ng cream cheese frosting. Okay lang po kaya haluan ng AP flour and milk mixture yung runny cream cheese frosting ko?? 😞 magiging ok pa po kaya ang frosting ko?
Ayoko na po kasi sya dagdagan ng powdered sugar to thickened the consistency. Kaya naghahanap po ako ng ibang way to thickened my runny frosting huhu 😭
Hello po ganyan din ako before noong 1st try ko nang cream cheese frosting with powdered sugar, runny din yong outcome, di po ako sure if pwd haluan ng flour and milk mixture,
Pag need ko po ng cream cheese frosting, ang ginagawa ko po, whipped cream po yong based ko (whippit) tapos hinahaluan ko po ng softened cream cheese, stable po xa..
Pwede po ba ang baker's best na brand? Same pa rin po ba ang result?
Hello po iba po Yong result, di po siya ganun ka stable po
Pede po kahit anong shortening gamitin kahit nd po vegetable shortening? Thanks po
Mas recommended ko po vegetable shortening, hindi po kasi strong yong amoy niya at ok din ang lasa, compared sa lard, base sa mga nka try may after taste po siya
Spring lard po ang nasa description na nabili ko same lang din po ba yun sa vegetable shortening?@@merryssweetart
@Marlyn-n5p iba po siya pero pwede po lard Yong gamıtin niyo po!
@@merryssweetart sabi po kasi ng binilhan ko yun din daw po yun..😭
Gud eve po,ask ko lng kung pwede na kahit walang vegetable shortening?
Hello yes pwde po, especially pag no need e travel at di masyadong ma init yong weather pwdeng wala na pong veg. Shortening just make sure to use real butter pra stable pa din yong buttercream, happy cake-ing!!!
hi i'm a newbie po in baking. ask ko lang po kung anong mas magandang icing sa cake. boiled icing po ba or buttercream frosting?. thankyou sa mag aanswer.
hello po i used both po depende sa budget ni client, for personal consumption i prefer buttercream if u have left over pwd po e store sa ref, while c boiled icing di pwd e store pag may left over...
Thank you for sharing.. pwede po ba sa Russian tip yan?? Ty
Hi po di ko pa na try sa Russian piping tips po, Bibili pa po ako, I'll update the outcome po once available na,happy cake-ing!!!
Abangan ko po.. thank you
Ano po bang alternative sa vegetable shortening? Or pwd wag na maglagay nun?
If no need e travel ng malayo at super init ng panahon pwde na pong walang vegetable shortening, happy cake-ing!!!
Hello, mam kapag masyado malapot ung evap at flour mixture, pede ba dagdagan ng evap milk? Mejo naovercook un skn
Yes po pa kunti2x lang, mahinang apoy lang po para di madaling masunog 😁
Maam ilang cup po ang nilagay niyong vegetable shortening..
Hello po sa isang recipe u can add 1/4 cup po ng vegetable shortening
Maam last po n question hehe mga ilang cupcakes po pwd ifrost nitong recipe na to thank you po sensya n po gawa po kasi ako today para sa wife ko ako nman bake for her thanks again maam
Hello sorry di ako naka response agad kaya po nya 2-3 dozen ng cupcakes po
hi ma'am! Ask ko lang po if ilang recipe ang need kung 48 cupcakes ang gagawin?
Please double the recipe po if 48 pcs. Cupcakes, especially pag medyo madami yong pag ka pipe in every cupcake at regular size, pero if bite size lang kaya na po, single batch/1 batch of this icing recipe 😊
@@merryssweetart 3 oz po, kapag bite size anong size po marerecommend nyo sa cupcakes?
2oz po, pwde din 1oz po
Hi po! Thanks for your recipe. Ano po'ng measurement ng SHORTENING na ginamit mo?
Hello 1/4 cup po
Hello po, mas better po ba eto compared sa previous version na mixed ang sugar sa flour and milk and more shortening? Ano po difference sa outcome?
thank you po for the awesome vids!❤️
Hi yes this is better po mas fluffy and smooth,hindi over powering yong lasa ng butter, both recipe stable naman po, but between the 2 ito yong kadalasan na ginagamit ko po....
@@merryssweetart thank you po for responding, very helpful
Pag walang shortening,ano po pede ipalit?ty,godbless
Hi pwde na pong walang vegetable shortening, especially pag no need w travel,happy cake-ing!!
Pede po bamg ihalo n lng ung sugar s flour mixture at kung maglalgay po ako cream cheese, kelangan po b i beat ko xa separately bago ihalo s buttercream?
Hello po na try ko before na ihalo yong asukal sa flour mixture, di ko po nagustuhan yong outcome dixa ganon ka fluffy at mas matamis yong result, unlike this procedure, mas fluffy at airy dixa ganon ka bigat e pipe tska e frost, no need to beat it separately po, as long as nka room temp. At malambot na yong cream cheese, pwd nyo na po e add direct a little at a time, hope this helps happy cake-ing!!!
@@merryssweetart Thank u po for ur reply. Gagawa po kc ako carrot cake at yan po sana gagamitin kong frosting Btw scarlet mixer lng po gamit ko
Pwede po bang gumamit ng powdered sugar?? If yes..Gano po karami? Thank u for sharing your recipe.
Hi po in this recipe it requires regular white sugar po, not powdered sugar pero if nakukulangan po kayo sa tamis ng icing you can add 2 tablespoons to 4 tablespoons depende sa inyo po
Thank you sis.
You're welcome po 😊
Hi s isang recipe anong size mg cake ang kaya icover thank you
Hi kaya po nya isang 7x7x4 inches na cake with 1 dozen 2oz cupcakes
Pwedi po bang buttercup ang gamitin po? Sana masagot nyo po salamat
Hello po hindi siya ganun ka stable pag buttercup, madali lang siya mag melt
Mam, pde po ba powdered sugar gamitin and buttercup brand po para sa butter?
Hello po, for this recipe hindi po pwd ang powdered sugar, c buttercup po ay margarine hindi din pwd po,please use real butter po, may mura lang po golden crown nasa 60-70php
@@merryssweetart noted mam. Thank you SA pgsagot po. Ako po Kasi magbake SA bday cake Ng pamankin ko on 14, hoping na naging successful. I tried na po na magbake Ng chocolate moist cake and yema cake using yours din po and success Naman po mga iyon. SA piping lng din tlga need ko ipraktis and SA stable Ng boiled icing.☺️
@@merryssweetart hello mam, ilang cup po linagay nyo na veg. Shortening po?
Hello 1/4 cup lang po 😊
@@merryssweetart thank you po ❤️
good evening mam pwd din ba ako magtanong kong paano gawin yong pond ant icing ty poh...
Hi po for fondant po for covering cakes, i always use ready made yong DLA na fondant, pero if pang design sa cake like flowers, names, or any details, i recommend gumpaste po, may tutorial po ako nyan dito po sa channel natin
@@merryssweetart maron din ba pwding ma bilihan nang tylose powder sa mga comersyal na store?gostong gosto kong subokan idol.nasubokan ko yong build icung nyo very nice magagamit ko thank you idol
Thank u at nagustuhan nyo po yong boiled icing!! Sa grocery po, minsan may available na tylose powder, sa may baking ingredients section...
MAm stable ba sys s init Ng panahon
Sa ngayon na summer na summer super init, at outdoor expose sa sunlight yong party/birthday/occasion o yong event, I wont recommend po, pero if pambahay lang at no need travel sa malayo, pwde po eto maam
Hello po Maam.. Pwd po bang gumamit ng 1st class flour?
Hello po need po talaga all purpose flour, I wont recommend baka may changes sa consistency po, happy cake-ing!!!
@@merryssweetart Thank you po:)
Pde b to mgkflavor to make it mocha frosting?
Hello yes po pwde, you can add coffee powder, or coffee powder haluan nang kunting hot water, kunti lang para mas madaling ehalo sa frosting
@@merryssweetart another question po s isang recipe ilan o size po n mcoat/frosting?
Hello kaya po nya isang 7x4 inches na cake may kunting extra pa, pwde din 6x3 with 1 dozen cupcakes, if plain lang tapos di masyadong makapal yong icing kaya po nya isang 8x3 inches, if more on rosettes yong design please double the recipe,happy cake-ing!!!
@@merryssweetart salamat madam s matyagang pgsagot.. everwhip user kc aq s designing d aq satisfied s sharpness nung design bka kako mainit mxado s area nmin mas ok cguro kako buttercream pero ayoko ng matamis then I discover ermine buttercream which is less tamis than other buttercream frosting. Sana mdali lng at maachieved ko to. 🥰
And magustuhan dn sana ng kids ung lasa nsanay n kc cla s everwhip 😅
pwede po ba sya sa byahe if malayo
Hello yes po make sure na may vegetable shortening at naka chilled siya over night.
Ma'am pano po pag walang vegetable shortening Anu pwd gawin
Pwde pong wala na especially pag di na kailangan e travel o pambahay just make.sure to store ang cake sa ref/chiller happy cake-ing!!!
May substitution po ba ang vegetable shortening ma'am?
Hello if not available pwde napo wala, just make sure na nka chilled yong cake , at di ma expose xa direct heat of the sun, happy cake-ing
hi Mam, ilang araw pwd cya ma estore po sa chiller mam? pwd po cya ilagay lang sa pipe bag po mam
Hi po aabot po ng lagpas 1 week basta nkalagay sa isang sealed container, yes pwd sa piping bag lang if gagamitin din within 1-2 days,
Hi mam paano if wala pong golden crown na butter? Ang meron po dito sa sm cebu kadalasan bravo butter creme, dari creme,buttercup
Ang bravo,dari cream at buttercup, ay margarine po, pwd din po xa gawing icing, pero ibang recipe po, may ibang icing recipe din po ako dito sa yt natin, hanapin nyo lang po, condensed milk buttercream. For this specific buttercream recipe you can also use anchor na brand ng butter, medyo pricey pero masarap po xa sa buttercream po,
Maraming salamat po mam...sobrang thank you po sa pag reply sa concern ko po
Happy to help po, happy cake-ing!!!
Hi po kung wala po mabili ng butter na golden crown pwede po ba dari cream? Gaano kadami veg. sortening nilagay nyo? Thanks po.
Hi po, di po pwd yong dairy creme premium margarine po xa, if wla pong golden crown you can use magnolia butter po(unsalted or salted) 1/4 cup vegetable shortening
Ok salamat po and god bless 🙏
Galing👌 sana yung fondant nmn po..salamat😊
soon po if may oorder ulit ng fondant cake gagawan ko po ng video ☺
Hello po .pano po kung walang vegetable shortening?
pwd naman po wlang vegetable shortening, pero po if need e travel tapos outdoor yong venue or party tapos medyo ma araw much better if with vegetable shortening...
Hi. Ask ko lang po kung ilang swirl for cupcakes ang recipe na ito? And kung paano po kung gusto ko po sya lagyan ng flavor like chocolate? Can I add cocoa powder? If pwede po gano po karami? Maraming salamat po. Sana masagot huhu
Hello po sa isang batch ng recipe madaming cupcakes napo, 4 dozen or more swirl or rosettes design, yes you can add cocoa powder huwag lang po masyadong madami pra di mag iiba yong consistency for this batch you can add 2-3 tablespoons, if gusto nyo po ma achieve yong deep flavor ng chocolate you can use chocolate flavorade og chocolate ganache
@@merryssweetart ang dami po pala magagawa for cupcakes. Pag po kaya hinalf ko po ung recipe di po kaya magbago texture nya?? Thank u so much po sa pag reply.
Yes you half the recipe po, it wont change the consistency basta tama lang yong procedure, this type of icing is pwd nyo po e store sa ref just incase may left over, in a sealed container can last up to 2 weeks
hi po! ask po sana kung anchor butter, salted or unsalted po? salamat
Hello po pwd po salted pwd din unsalted, both po masarap
@@merryssweetart salamat po. . .😊
Ok lng po b butter cup ang gamitin?tapoz pwdeng lagyan ng food color?bottle spray?
Hi po i wont recommend buttercup po iba po yong kalalabasan po, madali lang xa mag melt, at iba din po yong lasa, di po advisable yong airbrush/diy airbrush for butter cream po...kunti lang po yong price difference ng buttercup at golden crown, nasa 30php lang po...
saan pong cake ito mas bagay? sa chocolate moist cake or vanilla most cake po? salamat po
Both cake flavor you've mentioned perfect pair po, even sa mga sponge cakes/chiffon, red velvet masarap po xa
bagay po kaya sya sa moist mocha cake? pede po kaya yung anchor na butter?
Yes pwd po sa mocha cake, pwd po anchor butter
may tendency po ba na masira ang buttercream na ito pag na overmixed po? planning to try it next week, this looks good
hello po if nasobrahan po xa ng beat lalambot po xa which Is normal for buttercream, balik nyo lang po sa ref pra ma improve yong texture titigas xa ng kunti, beat nyo lang ulit or just use a spatula and ready to frost na po xa
hi! I made this recipe and it was so good! I used it for my ensaymada and panalo! thanks for sharing < 3
Hi po ilang tbsp po ng shortining?salamat po
1/4 cup po approximately 4-5 tablespoons
Pwd Po gamitin any brand Ng butter
Yes po basta real butter huwag lang margarine, happy cake-ing!!!
Tanong ko po panu po Kung walang white cream Anu po pwedeng ilagy nung ksama Ng butter
Pwde napong wala,especially pag pambahay lang,di na kailangan e travel sa malayo
Ano po sukat ng vegetable shortening nyo?
Hello 1/4 cup po
Maam pede po Lard? Thank u
Hello yes po
Pano po kung gagawin mocha flavor pano po gagawin sa ermine
You can add coffee powder po
Bar butter. Pwd ba gamitin e yung evap milk?
hello yes po, evap milk po yong ginamit ko po dyan 1 cup evaporated milk
Hi ulit maam. Ask lang po ako ulit kung yung recipe ba na to anong size ng cake ang kaya??
Hi 7x4 inches n cake with 1 dozen cupcakes, or 8x3 inches na cake with 1dozen bite sized cupcakes!!!
hello po! pwede po bang hand mixer ang gamitin dito?
Hello yes po pwdeng pwde,happy cake-ing!!!
ok po, thankyou pooo
Mam kung mocha flavor po paano po sukat
You can add 2 tsp. Coffee powder po, u can adjust kung gaano ka tapang ng mocha Yong gusto niyo po ma achieve, pa kunti2x lang po Yong pag add
@merryssweetart thnk u po chef God bless po. ❤️
Anong size po ng cake ang kayang icoat ng sukat po na yan?
Hi kaya po nya isang 8x3 inches po, or 7x7x4 or 6x6x4 inches
@@merryssweetart pwede po ba haluan yang ganache (ganache recipe nyo po for moist chocolate cake) ?
Hello yes po pwdeng pwde 😊
Sa recipe nio po na yan ma'am, anung size ng cake ang pwedeng e-cover at sasaktu p din kya yan if magrorosette pa po...if sa 8x2 kakasya kya yang recipe na yan ma'am?
if 8x2 rosette yes kasya po, huwag lang masyado makapal yong crumb coat. This recipe can cover 8x8x5 inches po, or 6x4 cake with 1 dozen 2 oz cupcakes
@@merryssweetart ok po maam... madaming madaming salamat po sa reply nio po😊God bless and stay safe po
You're welcome po, happy Cake-ing!!
Pwede po bang lagyan ng cream cheese tong recipe na ito? Salamat po.
Yes po pwd (softened cream cheese) can add 1/4 cup to 1/2 cup
@@merryssweetart thank you so much po for always replying 😍
Happy to help po, happy cake-ing!!!
Puede pong lagyan ng flavor na may liquid or solid.
Yes po pwd2
Pwdeng pwde
Ilang cup po yung shortening na inilagay niyo po?
Hi nasa 1/4 cup lang po
Hi mam new sub po saan dapat ilalagay an vegetable shortening after po ba ng paste?
Hello po esasabay nyo po syang e beat sa butter po,
Ilang months po siya tumatagal sa ref?
Hi di ko pa na try e store ng months, usually small batches lang ako gumawa maam, maximum 2 weeks, make sure lang na nka sealed siya ng maayos, you will know then po if ever sira or di na pwde pag mag discoloration or ibang amoy 😊
Hi maam! Pwede ra gamiton ang powdered sugar?
Hi maam for this type of icing dli pwde maam, need gyd regular sugar
@@merryssweetart okay maam salamat kaayo ☺️
Happy cake-ing!!!
Hi po mam ask lng po, pag boiled icing po ba pwd din lagyan ng lard po?
Hindi pwde po pag boiled icing
@@merryssweetart ay slmt po
Hi maam. Ask ko lang po how to fix soupy or runny ermine buttercream? Hindi ko po alam bakit naging runny yung nagawa kong buttercream
Hello po so far di pa ako nka try na naging runny or soupy yong ermine ko po, anong brand ng butter ginamit nyo po? Baka mainit pa po yong cooked flour mixture? At nalagay na sa butter at sugar mixture po?
Try nyo po muna ilagay sa ref to harden a little bit at mix ulit
Golden crown butter po gamit ko. Chinilled ko rin po muna ung flour milk mixture bago ko po ginawa yan ermine ☹️
Possible pa po kaya nag thick yung frostings once I ref ko then mix again using hand mixer?
Yes po may chance na titigas yong icing at beat nyo ulit, but not too long baka titigas ng sobra
Kapag wala pong ref mam. Yung evap at flour. Okay Lang poba nakabalot naman sa plastik.
Help.yes pwde naman po, if runny po Yong result ng icing need po xa e ref saglit, tapos yong butter na gagamitin soft but slightly cold pa po dapat
pwede ppba yung buttercup?
Margarine po c buttercup, iba po yong outcome po especially sa taste po..
Hi maam, new subscriber here! Pwede po ba vegetable oil and substitute sa shortening po?
Hi hindi po pwde vegetable oil 😊, if pambahay lang po or no need to travel ng malayo pwde na pong walang vegetable shortening, happy cake-ing!!!
@@merryssweetart yung lard po?
@@merryssweetart kasi wala akong veg shortening eh
Hello yes pwde po lard
@@merryssweetart ilang cups po sa lard? Thankyou so much po! ❤️❤️
Pwede po ba mam na walang shortening kasi wala ako nyan
If no need na e byahe yes po pwd na wla..
Hello po! New sub here kya ngaun ko p lng napapanood mga vids nyo. Tanong lng po. Pede po bang i subs pwder sugar s reg white sugar. At reciioe n to, mako cover n po ba qng 7x4 cake with some designs? TIA😀😂
Hello po in this recipe need po regular sugar, pag papalitan nyo po ng powdered sugar di xa stable po, yes kaya nya po 7x4 inches na cake
Kasya pod dn ba xa sa 2 layers cake
please double tje recipe po
Sis Anu brand Yung vegetable shortening Yung gamit mo
marca leon po or puratos na brand
@@merryssweetart saan po nakakabili nyan
Sa baking store ko po xa nabili
Wat is evaporated milk..??
Hi evaporated milk is a fresh milk that has been heated so that 60% of the water content evaporates, this usually comes in a can and this is also unsweetened
Pwede po ba cornstarch? Salamat po
Di ko pa na try po using cornstarch po, di po ako sure sa outcome, best to use all purpose flour po, happy cake-ing!!!
hi! if 4 layer po yung cake, kasya po ba tong isang recipe?
Hello po anong size ng cake po? If 6 inches tapos 4 layers kaya po, sa akin kaya po ang 8x8x4 inches na cake, with manipis lang na filling tska icing...pero if may mga piping details pa like rosettes, pls double the recipe po, hope this helps happy cake-ing!!!
Hello po, ano po ba pinagkakaiba ng boiled icing, butter cream at store bought whipping cream sa isat isa po? Ano po ang best na gamitin for cakes? May ibang specific po ba sila na gamit? Thank you po sa response 😁
Hello po for me depende po kung magkano budget mo client, mostly boiled icing pag budgetarian c client, pang malakasan na icing i used is this buttercream icing,my best seller, c whipping cream ok naman din gamitin especially for beginners, madali lang xa e prepare...
Merry's Sweet Art so mas preferred nyo po gamitin ang buttercream instead of whippit, ever whip, ganon po?
Yes po I prefer to use this buttercream recipe..pero depende pa din po sa inyo if anong gusto nyo na frosting na talagang mag sta-stand out sa mga clients if plan nyo po mag pa order 😊
Merry's Sweet Art Thank you so much po!! laki po ng tulong ng videos niyo saaming mga baguhan at home baker. 🤍🤍
Hindi po ba sya madaling matunaw kapag mainit ang pananahon??
Hi po stable.naman po xa, basta di lang ma expose sa direct sunlight, na try ko po xa sa isang wedding outdoor po yong venue more than 6-8 hours ok pa din po, di xa ng melt, basta make sure lang na may vegetable shortening for added stability.
Ok din ba gamitin ang butterlicious??
Magnolia butterlicious? Nkagamit din po ako nyan if wla talaga ibang butter, just make sure na may vegetable shortening, happy cake-ing!!!
when stored for few days or a week, do i need to put the batter in the mixer or just mix with spatula?
hi sa mixer po
okay lang po ba ang buttercup?
Margarine po kasi si buttercup mag iiba po yong consistency
@@merryssweetart kaya pala palpak yong ginawa ko kahapon 😭😭😭
Yan din po yong sa akin nuon, palpak din 😞 kaya hindi na gumagamit nf buttercup pag ganitong icing
Ung measurement niyo po pede na po ito sa 8x4 na cake?
Hello yes po pwd, happy cake-ing!!!
Na try nyo po gumawa ng flowers.. Using this recipe
Hi yes po 😊
Paano po pag walang shortening na available?
Pwd po walang vegetable shortening if pambahay lang or no need e travel nang malayo,make sure lang na di xa ma expose sa direct heat ng sunlight
@@merryssweetart ❤️
Sis ilang oras itatagal nya s room temp. Pg inalis nsa ref. Ung cake n my frosting
hi po na try ko po xa in an open area po sa venue, no aircon 6 hours po, ok pa din po.
@@merryssweetart sis ng try ako knina ambilis mg melt, s pg mix k kya un sis, wla bng over beat, ng n combine kna ung flour mixture s butter minix klng sya ng 5 mins, inistop kna ok sya s ref pero ng inalis kna ambilis ng melt numipis ung frosting s cake
hi po aning gamit nyo po, hand mixer? kulang pa po if 5 minutes lang yong beating time anong brand ng butter po yong ginamit nyo po?
@@merryssweetart scarlet hand mixer sis, oleo butter blend sis,
Di ko pa na try yan na brand po, kulang pa po sa beat if using hand mixer and 5 minutes lang yong beating time, ng add po kayo ng vegetable shortening?
hi po ano pong shelf life pag sa freezer, ref, and room temp?
Hello po I haven't tried na e lagay sa freezer, pag may tirang buttercream po ako, nilalagay ko po sa isang sealed container lagay sa ref aabot xa 2 to 3 weeks,before nyo po gamitin, try to taste it muna if ok paxa, tapos if room temp lang na try ko xa 2 days, since this recipe contains butter, advisable talaga na sa ref or chiller Ilagay hope this helps happy cake-ing!!!
@@merryssweetart thank you ill try ur recipe
Regular white sugar po ba ginamit nyo?
hi yes po regular white sugar
Pwede po ba dairycreme? Ano po pwedeng butter
hi di po pwd ang dairycreme, premium margarine po xa which results to a watery buttercream. Im using golden crown ito po yong pinka mura nasa 70php, other brand like magnolia gold butter or anchor butter salted/unsalted
Sis gumawa ako ng butter kagabi bakit ganun sobrang lambot ng kinalabasan
Hi po anong brand ng butter ginamit nyo po, baka kulang pa po sa luto yong milk tska flour paste, may vegetable shortening po ba? Need din po ma beat mabuti yong butter tska sugar po
ilang cup po ang shortening po
hi nasa pinka dulo po ng video yong exact measurement po, 1/4 cup vegetable shortening po
From ref po, gano po katagal need ilabas yung butter before mixing? Thank you
Hello mga 1 hour po yong sakin,
@@merryssweetart hindi po ba maglalasang flour? Sweet parin po ba ang kakalabasan?
Di po xa maglalasang flour po, masarap po xa try nyo po 😊 di po over yong tamis
@@merryssweetart pwede po ba yung buttercup or golden crown po dapat
Margarine po c buttercup, mas ok gamitin c golden crown po
Mam regular sugar po Ang gamit dto?
yes po regular white sugar
Ok po thank you po
welcome po, happy cake-ing!!!