Daily Devotion Day 32 MorningDevo 1 Pedro 1:6 ASND

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 25 ธ.ค. 2024
  • 1 Pedro 1:6 ASND
    “Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan,”
    Morning Devotion:Magalak sa Kabila ng Pagsubok
    Pagpapalalim:
    Ang buhay ay hindi talaga maiiwasan ang mga pagsubok. Bagama’t madalas itong magdala ng bigat at sakit, hindi ibig sabihin na nawawala na ang dahilan para magalak tayo. Ang sinasabi ni Pedro ay hindi tungkol sa pagtanggi o pagwawalang-bahala sa mga hirap, kundi sa pagkakaroon ng pag-asa sa gitna ng mga ito. Ang mga pagsubok na nararanasan natin ay hindi magtatagal-panandalian lang ito. Pero kahit minsan ay mahirap harapin, ginagamit ng Diyos ang mga ito para palakasin ang ating pananampalataya at tulungan tayong lumago bilang mga mananampalataya.
    Tandaan natin na walang pagsubok na nangyayari ng walang layunin. Ang lahat ng ito ay may dahilan-hindi lang para hubugin tayo, kundi para ipakita rin ang kaluwalhatian ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga hamon, naipapamalas ang Kanyang kapangyarihan, katapatan, at biyaya sa ating buhay. Kaya’t kahit may pinagdadaanan, maaari pa rin tayong magalak, hindi dahil masaya ang pagsubok, kundi dahil alam nating may magandang bunga itong dulot sa atin: paglago, pagtibay ng pananampalataya, at mas malalim na relasyon sa Diyos.
    Tanong sa Pagninilay:
    Ano ang mga pagsubok na hinaharap mo ngayon, at paano mo makikita ang kamay ng Diyos sa gitna ng mga ito?

ความคิดเห็น •