Hangad Kong Pasko: Oyayi

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 23 ธ.ค. 2020
  • Sa huling gabi bago sumapit ang Pasko, ating alalahanin ang paglalakbay ni Jose at ni Mariang lulan si Hesus sa kanyang sinapupunan-isang paglalakbay na mahirap at mapanganib, na nagtatapos sa napakapayak na pagsilang para sa isang Hari.
    Di nalalayo sa tinatahak nating daan ngayong taon na puno nang dusa’t pangamba, na marahil magtatapos rin sa mga payak na pagdiriwang ngayong Pasko. Mahirap, madilim, mapanganib man ang naging taon, ito’y magtatapos rin balang araw sa paghahari at pamamayani ni Kristong Hesus.
    Mula sa JMM Live Session na pinamagatang “Pasko Na!” noong taong 2017, inaalay muli namin ang awiting ito mula kay Father Arnel dC Aquino SJ.
    #HangadKongPasko #hangad2020
    --
    “Oyayi”
    2017 Live Performance
    Titik at Himig ni Arnel dC Aquino SJ
    Pagsasaayos ni JC Uy
  • เพลง

ความคิดเห็น • 5