Good am. Pano po kung ung seller is 4th gen from the decedent na nkaname sa title tpos ang extrajudicial settlement nya na may pirma is from his parents lng pero ung parent nya may siblings pero patay na at may family ang mga ito ano pong kelngn nyang documents or requirements from deceased heirs since pang 4th generation na po sya na nagmana at di nabyaran ang estate mula s mga previous heirs? Salamat
Sir, Ask lang po, yung decedent namatay sa Los Angeles California, (last 2019) RESIDENT NA SIYA SA US. Ano po requirements sa BIR to Process the estate tax. BUYER po ako, yung lote lang din naman na Nabili ko ang nakalagay sa EJS namin. How to process at ano po requirements. Salamat po.
Good day po sir. Nakabili po ako sa lupa ng lolot lola ko pero matagal n silang patay mga anak nlng nila ang nakapirma po duon. At 3 n po ang patay dun. Need ko p po ba sila ikuha mga death certificate . Or tin number nalang . Hahabol po sana kami sa amnesty . Bale 1997pa po namatay anglolo At 2010 nmn lola ko. Wala pong magbabayad duon kaya po kaming mga nakabili ang gagawa ng paraan . Babayaran po ba nmin lahat ung estate tax or i base lang sa sukat ng nabili namin . Salamat po sa sagot sa madami kong tanong haha😅
Sir,ask ko lang po, mag aapply po sana kami sa pag ibig fund loan,then ung lote po na pagtatayuan namin ng bahay ay galing sa mother ng mama ko,then pinamana nya sa mama ko pero ung titulo ay hindi nalipat sa mama ko at namatay po ang lola ko.ngayon gusto po donate ng mama ko samin ung titulo,bale ano po ang process po nyan para matitulo at matransfer po ung lupa at malaki po ba ang gastos?at ung lupa po ay malayo sa commercial at mejo liblib po na lugar.salamat
good morning sir,pede magtanong ulit sir?yung lupa namen sir,may nakatayo na apartment,hnd namen alam,kala namen,yun pala,dalawa sa myembro nla magkapatid,may kasunduan dun sa may ari ng building,ang problema,hnd alam ng ibang kapatid na may kasunduan sila,pano namen ibenta ang lupa si?
curiuos lng ako sir,kasi nalita ko po ang zonal value sa year 2018 ay malaki,hnd namen inaasahan na ganun pala ka laki ang zonal value sa negros oriental
hello po, ask ko lang po paano ang process ng ganitong scenario namatay po ang nanay ko, nabayaran po namin yung estate tax nya at na-issue po ang eCAR ng estate nya, ang administrator ng estate nya ay tatay ko pero namatay na din po sya, hindi pa po namin naipalipat sa amin ng tatay at sa aming magkapatid bago namatay ang tatay ko. Tapos plano na namin bayaran ang estate ng tatay, paano po kaya ang magiging process kung ang hawak po namin na dokumento ay yung original title na nakapangalan pa sa Nanay at tatay ko at yung eCAR ng estate ng nanay ko.
Tanong po sir, regarding po sa estate tax, ang lupa (tax decleration) po b na bibilhin ko sa mga heirs ng namatay na mga magulang ay e su2bject po sa estate tax, hindi pa po kasi nakapangalan sa kanila, ble ang pangalan p ng mga magulang ang nakalagay sa Tax decleration ng lupa. maraming salamat po!
My dad died last year, Sept. Im the only child. Nasa title ng property, magkakapatid, 3 sila plus mga asawa, so anim. Dad ko lang namatay. 1) Kailangan ko pa ng EJS? Need ko lang magbayad ng estate tax, walang transfers, ano kaya needed. 2) Proceed nako sa BIR? Saka tama ba, matataxan lang is 1/3 shares of my dad and mom’s share in the property? 3) i have CTC, photocopy of death cert and phorocopy of Tax cert 2022 and tax receipts, ok na ba mga photocopy?
1. Need po ng EJS kung madaming heirs, pero kung isa lang ang heir, affidavit of self adjudication ang gagawin. Pwd po magawan ng new title ang 1/3 at pwd din hindi. May requirements po yan sa Register of Deeds. 2. Opo punta po kayo sa BIR para mag process ng estate. 1/3 share lang subject sa estate tax. 3. Need po certified true copy or original ng mga documents sa pagprocess.
@@birmattersguide2721 gaking nako BiR MKTI. just found out meron unclosed business si father ko sa laguna way back 1999. Ni hindi nag last yung business na yun for a year. May penalties ba yun?. It was a single proprietorship. Need ko daw certificate of closire from laguna rdo. Natatakot ako sa mga penalties :(
@@belp3961 wag po matakot, ang problema ay dapat hinaharap para ang problema ang matakot sayo. Punta po kayo sa rdo laguna, ipa check mo kung may mga open cases. Kuha ka ng certification sa LGU na matagal ng close yan. Then hingi ka ng requirements sa bir pano maclose yon.
hello po sir. ano po ang ka ibahan sa extra judicial settlement of estate with waiver of rights in favor in 1 heir AT affidavit of of self adjudication.
@@reytategarciano1416 kaya nga po extrajudicial with waiver kc more than 1 ang heirs, pero isa lang nakinabang kc nagwave ang iba, ang nagwaive ay consider parin na heir kaya extrajudicial pa rin ang document
Good evening ulit sir,pede po uli magtanong?ok lng po ba na yung isa namen na kamag anak ang e authorized na mag lakad ng mga doccuments?kukuha po kasi kame ng power of attorney at pepirmahan namen na pimapayag kame na sya mag lakad,hnd kaya kame maloko ng kamag anak namen,may bahid na kasi ang pagka tao nya,ok lng pp ba yun?
Pls help po, 2013 namatay po mother namin nalakad po namin ang estate tax, hanggang sa umabot na po kami sa register or deeds pero hindi po namin natapos kasi po pinabalik po kami at kulang daw po ung binayaran namin hanggang sa titulo di na po namin naasikaso, Conjugal property po ito ngayon po 2022 namatay po father ko saan po dapat ako mg sisimula sa pag aayos ng papel? Or saan po ako unang mag inquire po regarding sa issue ko po na may pending po kami na transfer title po sa propeety ng bahay 😥
Kung na subject na ng estate tax ang estate ng morher, yong estate tax nalang sa estate ng father ang kailangan po bayaran. Almost same requirements lang din yan, pero magdala ka CAR ng estate ng mother para makita ng magcocompute na nakabayad na sa estate ng morher.
Bakit po kinakuha ng BIR ng estate tax or tax return of the 1st deceased(predecessor) husband kung widower naman ang wife eh wife(next 2nd deceased) ang naka pangalan sa titulo? Diba dapat hindi na kasali ang asawa kung identity ay widower naman ang name ng nasa titulo? No children
Kung ang wife ang nakaname sa title tapos nakalagay na widow na sya, hindi na dapat e subject pa ng estate yong namatay na husband kc na acquire na ni wife ang property na widow na sya kaya wala na dapat pakialam yong deceased husband. Hindi ko po masasagot bakit may estate tax pa, unless may nakita si BIR na document na acquire ang property while buhay pa si husband, at nakapag patitle lang sila noong widow na si wife.
God morning po sir..tanong ko po sir Yong Lolo ko Lola ko po matagal Ng namatay den Ang titulo Ng lupa sa Lolo ko Hindi Napo na transfer Ang pangalan ...dalaw po cla cla anak ngmana sa lupa..paano po sir..gusto po namin hatiin ang angmlupa na papa ko ...paano po sir Hindi pangalan sapapa ko po.slamat po sir Sana matolongan monkami sir.
Good afternoon po ang tax declaration po ba na my lot number at cadastral issued by cenro na kinikilala ng cenro as claimant na namatay na ito po ba ay sakop ng estate tax? Salamat po
Halimbawa ang mayari maramung lupa or 5 na parcel. Poydi ba na isa lang ang bayaran, kasi yung lang ang beninta nika. Ang 4 hindi ay hindi na ba bayaran?
@@tadiossimplicioiihonor6959 in my opinion pwd po yan basta isa lang na lupa ang ilalagay sa document na Extrajudicial Settlement with Sale. Pero kung ilagay lahat ng lupa sa document kailangan mo bayaran lahat para sa Estate Tax.
good day..'Sir.. tanong ko po..,yun father ko ay residente sa san fabian, Pangasinan., dun pa sya naka register ng sr. citizen at pati adress nya dun nakalagay sa ID ng OSCA.. pero, dito po sya namatay sa San juan city, Manila..dito sa bahay ng mga anak nya..,namatay ang father ko nun October 2020 dito sa manila, pero inuwi namin ng Pangasinan para dun ilibing... paano po yun pag file ng estate tax at estate tax return, dun po ba sa pangasinan o dito sa san juan city dahil dito sya namatay. At paano rin po yun property ng mother ko dito sa san juan city, nasa name po kasi ng mother ko yun title na nakalagay ay married sa father ko sa titulo..kasama po ba sa estate tax ito.. at meron din property ang father ko naman sa La Union,,paano po pag file nun..,saan po dapat isama sa pag file ng estate tax return, dun ba La union din dahil dun yun property nya.. mahaba po mga tanong ko sir..,pasensya na,, salamat po...
Ang BIR Office na may jurisdiction ng estate ng namatay ay kung sino nakakasakop doom sa domiciled ng namatay. Tingnan nyo po ang death certificate, ano nilagay nyo na residence nya? Pangasinan or san juan manila? Pero base da kwento mo parang yong domicile nya ay sa pangasinan. Sa extrajudicial ilagay nyo nalang na residence sya ng pangasinan. Bali lahat ng propert mg estate doon nyo e process sa bir na may jurisdiction ng pangasinan. Then yong property na nakaname sa mother, presumed conjugal yan, kaya one half nun ay isasama din sa estate.
@@birmattersguide2721 Salamat Sir sa pag reply mo... Kaya lang po, ang nailagay ng kuya ko noon sa death certificate na residence ng father ko ay dito rin sa san juan city, manila.. nalito noon yun kuya ko sa pag fill-up sa death certificate..kasi nga dito namatay sa san juan city, kaya yun rin ang nailagay nya na residence ng father ko..., Paano kaya yun..dito nba sa san juan mag file ng extate tax at return..? wala nba remedyo para dun sa pangasinan mag file..? salamat po sir..
@@harriscorpo6571 dont worry marami kayong nagkakamali ng ganyan. Hehehe. May isang anak ba na pangasinan ang address? Yong mother nyo saan res address nya? San juan or pangasinan? Yong iba nyan kumukuha ng certification sa barangay na doon lang yan sa manila naabutan, pero actual residence nya ay sa province lalo na kung sa province din sya bomoboto. Yong sa case nyo pwd yan kc may mga ID sya na pangasinan ang address kaya lalabas na erroneous lang pagkakalagay ng address sa death certificate. Tapos sa extrajudicial ilagay na ang namatay ay residente ng pangasinan.
@@birmattersguide2721 Tama ka Sir..,tao lang kaya nagkakamali..,hehehe... Bale kasi yun kuya ko po ay naka resedente sa pangasinan, pero hindi dun sa san fabian. kundi dun sa bugallon, sa lugar ng misis nya... Yun mother ko naman ay dito nag register ng kanyang addrress, kasi nga dito rin sya nag register ng senior citizen OSCA ID nya.. Bale yun father ko, may ipapakita naman na OSCA ID na nakaregister dun sa San Fabian, Pangasinan, at makakakuha rin kami ng Brgy. Certificate dun sa tinitirhan namin lugar. Dun nga namin pa ipinalibing yun father ko..kahit dito namatay sa San Juan City, Manila. Regarding naman sa Extrajudicial..,para sa property dun sa province of La-union ay ang ilalagay na resident address ng father ko ay dun sa San Fabian, Pangasinan.. AT sa Extrajudicial ..,naman para sa property dito sa San Juan City, Manila ay yun resident address din dun sa San Fabian, Pangasinan... Ganyan po ba mangyayari...,Sir...,salamat...
@@birmattersguide2721 thanks dalawang 5k pala bayaran namin kac maliit lang naman lupa pag na zero daw sa compute ng bir 5k parin daw bayaran pag amnesty .
@@renans14 tama, 5k ang minimum sa estate tax amnesty per decedent. Its not really zero kc may penalty dapat yan for late filing & no notice of death if wala mag avail ng amnesty.
Question po pano po proseso kapag ang parcel ng kabuuang sukat ng lupa ay naipagbili ng mga tagapagmana pero hindi pa na babayaran ang estate tax amnesty at di pa nalilipat sa mga tagapagmana ang declaration. Ano pong gagawin ng Bumili ng lupa? Namatay ang owner ng year 2015
Pwd po ang magprocess ng estate ay ang nakabili ng lupa, kailangan lang nya makakuha ng SPA galing sa mga heirs na si buyer ang magprocess ng estate tax. Then e comply ang mga requirements sa pagprocess ng estate tax. Kung nakagawa na kayo ng deed of sale, kailangan nalang mag execute ang heirs ng extrajudicial settlement of estate with confirmation of sale. Pag walang estate tax clearance galing sa BIR hindi malilipat ang pangalan ng property papunta sa buyer. Another option is that ipa process nyo yong estate tax sa mga heirs. Kaya lang medyo mahabahabang usapan yan with the heirs kc hindi na sila mag interest sa pagprocess kc nabinta na ang lupa. Ok lang eto kung cooperative ang mga heirs.
@@birmattersguide2721 sya lng po kasi ang maykilala na buyer, at ang buyer na yung ang gumastos aa lahat ng doccuments,kaya sya ang en authorized namen
Ang pag online filing ay doon mo gagawin sa eBIRFORM System na makikita BIR website na www.bir.gov.ph, bali pagpumunta ka sa website e download mo ang latest version ng APP na eBIRFORM then e open mo sya sa computer mo, hanapin mo ang form 1801 at e fill out online and submit online. Kung hindi mo alam gawin, punta ka sa eLOUNGE ng BIR doon po kayo magpa assist, sa pagfill out nyan kailangan ang mga info na date of death, name of parties, address, info nga properties subject to estate tax.
Hello sir, hoping po sa response. tax decleration property po ang nabili namin. Namatay napo yong may ari nong 2018. Question ko po, may babayaran po ba na estate tax kahit tax decleration po ang property?
Sir namatay Po asawa ko Ng august 4,2021 me lupa Siya sa Nueva ecija sa titulo Kasama Ang 2 pa Niya Kapatid. PANO Po mapalipat iyon Meron Po Ako 2 anak. Iyon Po Isa Kapatid Niya ay sa abroad. Ano Po Ang dapat namen Gawin. Thank you po
Gagawa kayo ng extrajudicial settlement. Pipirma ang dalawang kapatid, pati ikaw kasama ang mga anak mo na hindi minor. Ung nasa labas na kapatid pwd naman sya mag SPA sa isang kapatid para ung isa nalang pipirma para sa kanya. Then comply the requirements na makkita dito sa video. Ang output nyan, makukuha nyo ang 1/3 ng property.
@@roygasconjr.1188 yong nasa abroad ang magpapagawa ng SPA doon sa abroad, then ipapadala dito sa pinas. Dapat yong SPA na may Apostile galing doon sa labas para maging valid dito sa pinas.
sir pa help po,my pina process po na lot ung friend ko ,ung tatay nila patay na ng 1990,ung nanay 1986 at my anak n patay naren.So ngayon binebenta na ung property at need ng estate tax,.ang tanong ko sir need pa ba kumuha ng CPA certificate?
Yong namatay ng 1986 at 1990 wala pang cpa certificate na requirement yon. Pero yong namatay 1992 up to present mayroon. Kung mahal magkuha ng cpa, magpapenalty ka nalang sa bir para sa NO cpa certificate.
Pwd po basta mag execute ng SPA ang mga heirs na nag authorized sila sa buyer na sila magprocess ng estate, TIN and other necessary documents and processes
Kasama po kasi nya ang buyer para mag assist at magbayad sa lhat ng taxes na babayaran,nasa mindanao kame,at nasa visayan naman ang property,kaya mahirap kme makarating dun kung walang buyer para mag assist at mag bayad ng mga buwis,hindi ko po alam kung paano umpisahan ang ang isusulat ko sa papel para yun ang dalhin at ang ipagawa sa lawyer,
@@paulcruz5736 automatic yon. From 1998 to 2017 ang standard deduction ay 1M. PERO kung nafile na estate tax dati tapos nag avail ng estate tax amnesty, wala ng standard deduction n e allow.
@@rodrigoadalid5650 ok lang yon. How about ang pagtanngap na ng pera kasama ba? Or dapat andon na kayong lahat? Ang pagluluko nasa ugali yan, wala yan sa papel, kaya dapat kilala nyo ang ugali.
@@birmattersguide2721 ah,hnd pa kame naka pirma,kasi magpapagawa pa lng,at hnd po namen pinag uaspan ang pag benta,pero kung nkasama.ang pag benta dun sa SPA,hnd kame pipirma kung hnd kame.kasama sa bayaran,
Sa accounting tawag dyan "Arms length transaction" ang presyong kayang ibigay ng seller, at presoyong kayang abutin ng buyer". Ok yan basta agreed by all parties.
good evening sir, ganito po yung scenario sir, may gusto kasi kaming bilhin na lupa, pero yung nakapangalan (husband) sa titulo ay pumanaw na bago ang train law, sa titulo naman po nakalagay dun na "married to ______"(wife) pero namatay din during the train law sir, tapos binebenta po ng heir, problema di po nila trinansfer, eto po tanong ko sir, yung pagcompute po ba ng estate tax ay mula sa huling namatay na nakalagay sa titulo which is the wife, o sa nakapangalan mismo na husband (died before the train law), pangalawang tanong po sir, portion lang po kasi ng lupa (with separate title) sir bibilhin namin, yun lang po ba cocomputen for the estate tax? maraming salamat sir sa pagtugon.
Ang esusbject sa estate ay husband and wife. Ang computation na gagawin ay yong applicable at the time of death. Whole area po ang subject sa estate tax. Pero sa sale, portion lang e susubject sa capital gains at doc stamp.
Good day! Buyer po ako, Mag kahiwalay po yung extra judicial settlement at yung deed of sale namin. Ask lang po, nagbayad na kami ng estate tax pero hindi kinuha ng BIR ang deed of sale. Sa pagrelease ba ng eCAR (estate tax) nasa name na po ba namin or sa name parin ng heir. Paano po pagdating sa RD, magkaiba po ang name nf eCAR (sa estate tax) at yung isang eCAR nasa name ko po. CGT and doc stamp bayad napo (eCAR po nasa name ko na released napo). Please advise po. 🙏
Pag ang nabili nyo ay whole area malilipat din agad yan ng ROD papunta sa name ng buyer, just present ecar for the estate and ecar for the sale. Pero kung portion lang ang nabili nyo, ang gagawin nyan ng ROD ay gagawan muna ng new title papunta sa mga heirs. Then pag may new title na, saka kana kumuha ng ecar sa bir para sa sale. Masmatagal ang proceso pagportion lang ang nabili kc pinagseparate nyo ang estate na document at deed of sale.
@@birmattersguide2721 whole property po ang Nabili ko. Kami narin nag settle ng estate tax. Ang concern ko po, bakit hindi kinuha yung deed of sale. mag kahiwalay po kasi ang extrajudicial settlement at deed of sale. Concern ko po baka sa release ng eCAR (for estate tax) , eh nasa pangalan parin ng heir. Please advise po. 🙏 Maraming Salamat po
@@birmattersguide2721 wala po. Extra judicial settlement among heirs ( October 2021) at deed of sale ( May 2022) mag kahiwalay po ito. Ano po gagawin ko. Please advise po 🙏
@@momswaknswak3304 nasubmit mo ba including ang proof of payments sa capital gains at doc stamp? May kinuha ba sila na original na deed of sale? Dalawa ba ang binigay sayo na claim slip (estate & capital gains)? Kung NO, dapat bumalik po kayo sa BIR kc ang magagawan lang ng ecar ay yong estate.
Upon submission of complete documents, 5 working days ang processing. Pero may time na lumalagpas sa 5 working days dahil sa mga intervening circumstances like kung nag ooffline ang system nila.
Sir, question po. Both parents ko po ay namatay na - 2012 and 2019. Malaki po ba babayaran naming estate tax? Kasi last year lang kami nag start mag ayos ng documents. Sana po masagot nyo. Salamat.
Dipindi po yan sa value ng property. Basta ang namatay ng 2012 may standard deduction sya na 1M, at ang namatay ng 2019 may standard deduction na 5M. kung hindi po lalagpas ang value, late filing ang bayaran.
Ask ko lang po sana panu po kung may nabili akong lupa eh namatay na po yung may ari kailangan po ba lahat ng proprties niya babayaran po ng estate tax eh yung isang property lang po ang nabili po .. salamat po
Pwd po na ang nabili mo lang na property ang isusubject sa estate basta sa EXTRAJUDICIAL SETTLEMENT WITH SALE yong property mo lang ang inilagay. Pag inilagay din ang ibang property ng namatay, lahat sa extrajudicial e subject sa estate tax.
Kung extra judicial po gawin namen,mayron hnd pipirma,kasi mayron isa sa heirs na hnd pipirma,pede parin po ba gagawin yun?at magkano po papagawa ng extra judicial settlement po?
Good am, nag request po ako ng cert of no improvement sa pasig city assessor's office,decline po yung request ko dahil may bahay Cert of no improvement is for vacant land or lot only. Property holdings cert po ang dapat i request? Thank you po.
Sir pag po ba halimbawa may mali sa name sa title vs sa PSA birth cert na kinuha tapos papamana naman na po sa anak ung real property anu pong need na supporting docs kc ang scenario po ung mother ko may 2nd name sa title pagkuha namin ng PSA BC single name lang sya eh ililipat po ung title sa anak
Pwd po yan gumawa ng affidavit of one and the same person from two disinterested parties. Pwd nyo rin itanong sa ROD kung tatangap sila ng affidavit na yan para sa clarification ng name.
Kung pagdala lang ng payment form papunta sa bank para magbayad ng estate pwd walang SPA yan. Pero kung magpacompute po kayo sa BIR, hindi po or pwd madeny si tenant kung wala syan SPA, unless heir sya ng decedent.
Kapag hinati hati po ba ang lupa,tapos hnd po aabot ng 3 million value ng kang share,may bayad po ba?magkano po ang madate ng bir sa tax?kasama po penalty po
Sa case nyo kahit hatiin po yan, mababayaran kc matagal ng patay ang decedent. May penalty na kc yan for late filing kc matagal na, nung time na yon siguro 3 months or 6 months lang ang period to file estate tax na wala pang penalty.
Hello sir.. question po, if sa title ay ang lolo at lola ang naka register, then aayusin po naming magpipinsan ang estate tax kasi wala na po ang mga magulang namin at kapatid nila, may estate tax din po ba ang mga magulang at mga tiyuhin namin na babayaran?
Sir, pano po pag ang property ng decedent ay hindi bayad by the time na namatay siya gaya ng Balikatan properties. Tapos nabayaran ko na lang 2 years after, pero pangalan pa rin ng father ko ang titulo. Naka mortgage pa actually ang titulo (for cancellation of mortgage pa with ROD). May estate tax ba pa rin ba na babayaran?
Kung ang property ay nakamortgage at the time of death, ang amount po ng liability or balance ng utang ay pwd po yan mabawas gross estate ng decedent para lumiit ang babayaran estate tax(need to submit proof of mortgage). Ang decedent po na namatay within January 1 1998 to December 31, 2017 ay mayroon standard deduction na P1M. Pag ang value ng property nya (net of liabilty or net of claim agains the estate) ay hindi lalagpas ng P1M ay exempt po eto sa estate tax, pro kung until now hindi parin kayo nag process sa BIR, kahit exempt sa estate tax may babayaran parin na penalty for late filing kc nung time na yon ay dapat maprocess or mafile ang estate tax return within 6 months from time of death. Kung ang decendent naman ay namatay January 1 2018 up to present ang Standard deduction ay P5M na, then ang time to file ay within 1 year na from time of death.
@@nelvaquinio7413 para sa akin kahit ano unahin mo ok lang, kc sa BIR na side magbigay kalang naman ng proof na existing ang loan at the time of death. Sa ROD naman, pwd mo na mapacancell ang loan kung bayad na, pro hindi mo malilipat ang name ng title sa mga heirs hangat wala kang clearance from bir na bayad or settled ang estate tax. Then kung pag ang value ng property ay hindi lumagpas sa standard deduction, ang isusubmit mo na proof na existing ang loan at the time of death ay walang effect sa babayaran para sa estate tax.
Doon ka mag hire ng surveyor sa inyo like sa amin ang lupa na pina survey ko nasa Northern Cebu pero ang surveyor na ni hire ko from Southern Cebu dahil yung taga amin talaga na surveyor super busy sila kaya doon nalang ako sa South nag hire pero ok lang yan dahil within Cebu lang naman. Kung taga Negros ka doon ka sa Negros mag hire para mas madali sa kanila dahil kabisado na nila yung mga map sa lupa doon.
Yong asawa at anak ang pwd magclaim ng share nya. Bali kung 5 ang anak ny, ang mana nya ay divide 6. Hindi tulad ng conjugal property na 1/2 agad sa wife plus share pa sa other half.
Magandang araw ang senario po ng sa amin may mga ari arian po ang mga lola at lolo po namin at napagka sunduan na po ibenta namin bilang mga taga pag mana At ang isa sa mga ari arian ay nawala at pinagawaan na po namin ng affidavit of lost sa amin abogado at naka pag pagawa na din po kami ng extra judicial settlement at isinasaayos na din po namin ang PSA isa daw sa mga requirements ng BIR at mabayaran ang Estate tax after po ba mabayaran nito estate tax how they long to process di ba my 3 consecutive week para ma published para makakuha ng panibago copy ng title
Ang pag publish sa news paper hindi na yan requirements ng BIR. Ang register of deeds na po mangangailangan nyan. Pwd naman e process na ang estate sa BIR kahit d pa tapos mapublish
Kelangan ba mgfile ng extrajudicial settlement kahit ndi pa decided ang mga heirs sa partition ng property lalo n at ns abroad iba mga kapatid? Pwd ba ipangalan n lng ang tax dec tulad ng heirs of decedent kasi nga wala p partition
Option nyo po ang pagprocess ng estate tax sa BIR kasama dito ang pagsubmit ng extrajudicial settlement of estate. Kaya lang pag nagprocess na kayo tapos lagpas na deadline may bayaran na po kayo na penalties. Pagnaprocess nyo ang estate pwd po naman yan ipangalan na "heirs of represented by" or pwd ilagay din lahat ng name ng heirs, basta ang intepretation nyan ay equally ang shares nyo.
Ask po uli. Ang properties ng lolo nmin n nakapangalan p s kanya ay hinati sa kanyang 2 anak n patay na rin. S pagbayad ng estate tax pwd b properties lng na napunta sa mother nmin ang bayaran.
@@astredmiranda1933 sa extrajudicial sasabihin nyo may 1/2 share kami from grandparents kc isa sa dalawang anak yong nanay namin. Sa extrajudial, ang ilalagay na mga heirs ay yong kayong magkakapatid lang para yong sa nanay at grandpatents nyo lang ang isusubject sa estate. So, para sa tanong nyo, hindi lang po ang nanay nyo ang isusubject sa estate, pati po dapat ang lolo at lola. Pro if in case nagpirma din sa extrajudicial ang mga pinsan nyo, dapat e process din ang estate nung kapatid ng nanay nyo.
Good eve po,may tanong lng po ako,hnd po kaya maloko kame nung isang kamag-anak namen na mag proseso sa doccuments,kasi yung kakilala lng daw nya ang gumawa ng SPA,ang inisil kasi namen,pag sa kakilala nya na abogado,baka matapos namen mag pirma ay baka padutungan nya ng benebenta na namen,at sya ang ina authorized,kasi maiksi lng po ang mga pangungusap na makalagay sa SPA
Possible po na mangayari. Dapat e specify isa-isa kung ano lang authority niya, dapat mayroon nakalagay na THE AUTHORITY DOES NOT EXTEND TO SELL OR TO TRANSFER PROPERTY OWNED BY THE HEIRS.
@@birmattersguide2721 cguro wala talaga kameng ibang paraan,kasi la naman kame pera panggastos ng doccuments,eto nlng po gawin namen,yung cnavi nyo po na,not to extend to sell
Sir pede maka henge ng pabor?pede po ba na gawan mo po kme ng kaunting pangungusap tunkol dun po,para yun po ang ipapasulat namen sa abogado?na pinapahintulutan nme na mag proseso ng doccumento,pero hnd pag benta,at hnd mag extend?ok lng po ba,sana po matulungan nio kame,yun nlng po talaga ang huli namen na gawin,para mabenta na ang lupa,at ng maka tikim naman ang mga magulang namen,kasi,matandang matanda na po ang mga magulang namen,at maka tikim kahit papanu,ok lng po ba?
@@birmattersguide2721 pede po ba na hum8ngi ng pabor po?baka pp pede mo kame gawan ng kaunting pangungusap na nagpapahitulot kame ng isang heir's na mag proseso ng doccuments po,kasi kasama nya ang buyer,dahil yun po ang magbabayad ng mga taxes,at hinde po kasama ang pag benta,kasi po,baka dugtungan nya pagkatapos namen pumirma sa SPA,sana po matulungan nio po kame,salamat po,god blessed po,
@@rodrigoadalid5650 dalawa e spa nyo para may kasama sya. Doon po kayo magpagawa ng spa sa lawyer na hindi nya choice. Alam kc yan ng abogado pano gawin ang spa kaya wala po ako sa posisyon para utusan sya ng isusulat.
Gud morning sir,pede ba magkaso kung ang lupa ay inaangkin ng isang kapatid?dahil buhay pa naman ang ibang kapatid,kaya sabi nya,hnd raw mabenta ang lupa dahil sya daw may ari,samatalang mga kapatid nya dilat pa ang mga mata
@@birmattersguide2721 opo?kasi mula nang lumayas lolo ko sa lugar nla at napunta sa mindanao,hnd na nkabalik sa lugar nla sa negros,dahil ayaw nya bumalik na hnd kasama asawa nya,kaya nakapangalan pa sa kanya ang titulo,dahil pina xerox namen ang kopya,na hawak nt tiyo namen
@@rodrigoadalid5650 ic, kon nakapangalan yan sa lolo nyo, mamanahin yan ng lahat ng heirs. Hindi yon maginging pag aarai ng isang anak lang for the reason na hawak nya ang original ng titulo.
Sir, May property po na Hindi nbyrn Ng CAR. Ano dapat e present sa BIR para sa CAR. LHAT PO NA PROPERTY NA ILIPAT NA K NA NMAN PO MGA PAPERS KYA NA ILIPAT NA . LHAT PO NG PAPERS NASA ROD NA PO.
Good Day po Sir. Ang situation nyo po ay nagprocess kayo before ng estate tax pro may property na hindi nyo isinama sa extra-judicial settlement sa kadahilanan na ang property ay malayo? Ngayon gusto nyo na sya e process para mailipat din sa inyo? Pag ganun po ang situation, gawa kayo nga ibang extra-judicial settlement para sa property na hindi nasama. Then, submit ulit ng death certificate ng decedent; TIN of the parties; Certified true copy ng tax declaration at certificate of no improvement kung walang improvement for effective revision at the time of death ng decedent; Certified True Copy ng Title from Register of Deeds; SPA kung hindi heirs ang mag process; then magbigay kayo ng copy ng previous CAR na naissue kahit xerox lang kc accumulated ang pag compute ng estate tax. E cocompute nyan ang estate tax for all properties of the estate then ibabawas ang dating nabayaran na estate tax.
@@birmattersguide2721 Thanks po sa pag reply. Yon pong property kasama po sa extra judicial byd na po state tax . D lang po nbyran Ang CAR Yong mga kasamang proprty NAKALAGAY SA extra judicial NAILIPAT na po. E2 Lang Isa Ang d nbyrn CAR. Ngayon po babayran na para mailiat na dn. Ano po mga dapat e present sa BIR?
Sir, yong property po na yan kasama sa extra-judicial settlement at nabayaran na ang estate tax pro hindi sya naissuehan ng CAR ng BIR. Pag paissuhan nyo ng CAR ang e present sa BIR ay ang death certificate; TIN of parties; extrajudicial; tax dec & certificate of no improvement (kung walang improvement) ng propeprty na yan; certified true copy ng title from register of deeds (kung may title); copy ng proof of payment ng estate tax; spa kung representative lang ang mag aayos; dalhin mo rin ang mga duplicate copy ng mga CAR ng ibang property kc baka kailangan mag attach ng mga photocopies noon. Tapos e present mo sa ONETT SECTION ng BIR District kung saan mo naprocess ang iba. Then ang babayaran nalang nyan ay P130.00 na certification fee at doc stamp. On the other hand, paki check po ang extra-judicial kung ilan ba ang properties na nakalagay don? Then ilan ba ang CAR na naissue sayo ng BIR? Then makikita mo sa bandang baba ng CAR kung ilan ang CAR na nagawa ng BIR, example mayron yan na kalagay na 1 of 5, 2 of 5, 3 of 5, 4 of 5, and 5 of 5 kung sa limang properties lahat. Kc baka nagawan nila ng CAR tapos d mo lang naclaim.
Good Day po Sir. Regarding po sa ROD requirements, hindi ko na po masasagot yan kc kulang po ako sa experience regarding Register of Deeds processes. For now hanggang BIR palang ang kaya ko mashare na ideas.
Good day sir,tan9ng po ako ulit,ang market value ng lupa sir,19,000,sabi ng pinsan ko,hnd na raw pede ibenta 19,000,dahil,ang buyer ang magpoproseso lahat,cla mag bayad ng tax para mapatitulohan ang lupa,sa surveyor,at sa BIR,,cla maglalakad,ang samen,mga minor lng,PSA,TIN #basta sa malakihang bayarin cla,magkano pede namen ibaba sa market value,dahil sila naman naglakad lahat ng foccuments,ped kaya mga 17?or mababa pa?sana po ay mabigyan mo kame ng kunting kaalaman para hndi kame malugi sir,salamat po
Try nyo 17. Pro for sure expect tatawaran pa yan. Hindi ako gaano makatulong dyan kc hindi naman ako financial adviser, hindi rin ako appraiser at wala akong alam sa lugar nyo. Titingnan mo kc yan kung paano magagamit ang lupa, whether for commercial use, industrial or agricultural.
good day sir,ask lng ko sir,yung lupa sir,6,462 square meter, hahatiin po sa dalawa ang kabuuan,kasi dalawa cla magkapatid ng lolo ko,tapos po yung kalahati na 3,231 hahatiin po ng 11 ka tao,kompyot namen sir,nasa 297.3 ang bawat isa sa amin,kung kame ong po mag lakad ng share namen na 297.3,sapat kaya ang ang 200 thousand sa pambayad sa lahat ng tax?kasama ang surviyor?297.3 lng po na square meter sir,salamat sa pagsagot sir?kasama po penalty pp,sapat kaya ang 200 thousand?
Sa estate tax, possible sapat na yan. Sa surveyor hindi ko alam ang rate nila. Pro kung including capital gains tax at doc stamp tax sa pagbinta, baka kulangin.
si registered owner po patay at asawa..5 na anak patay na po pero buhay pa po ang ibang mga asawa..yung apo po ng isa sa mga anak ang tagapagmana..kanino po ang kukunin kong certificate of residency
Ang Certificate of Residency ay kailangan sya kung ang mag apply for estate tax amnesty. Pwd din e support ang certificate of residency to establish jurisdiction kc ang estate ay doon e proproprocess sa BIR na may jurisdiction ng Domicile ng decedent. Sino ang kukunan ng Certificate? For estate tax amnesty, dapat kunan bawat decedent. For regular na estate tax, kailangan lang yan kung iba ang address ng namatay doon sa death certificate nya compared sa actual address.
@@birmattersguide2721 binigyan po kasi ako ng requirements ng bir at nakalagay po dun yung certificate of residency na may check po. nakalimutan ko lng po itanong kung sino sino po ang kukunin. sa decedent po ba kasama rin na kukunin ng certificate of residency mga asawa nila po..and yung brgy po na kukuhanan is saan po located yung property or kung saan po sila namatay
@@one.investph kung ang place of death ng decedent sa kanyang death certificate ay sa labas ng jurisduction ng RDO na yan, kukuha ka na ng certificate of residency ng actual residence ng decedent para magkaroon ng jurisdiction ang RDO. Pero kung ang Certificate ay nagsabi na hindi sya resident dyan, sa ibang RDO mo e file ang estate.
Death certificate; extrajudicial settlement; tax declaration at certificate of no improvement for effective revision at the time of death; Certified true copy ng title kung mayron; TIN ng mga heirs; Ang estate ng namatay kukunan din yan TIN bago makapag bayad ng estate tax (para makakuha ng TIN ng estate kailangan ang death certificate at extrajudicial settlement).
@@rodrigoadalid5650 tax declaration at certificate of no improvement ay kinukuha yan sa assessor's office. Ang certified true copy ng Title sa Register of Deeds yan kinukuha or land registration authority.
Hello po sir, pwede magtanong? Paano po kaya sir, noongJuly 2018 pa po namatay yung mother ko sir taz hanggang ngayon hindi pa kami nakaka file kase ngayon lang nalaman tungkol sa estate tax. Malaki naba mababayaran namin?
Para sa namatay noong 2018, train law na ang susundin sa estate tax. Pag ang value ng estate ng decedent ay hindi lalagpas ng P5M late filing lang ang babayaran na nagrange from P1k to P25k.
@@monjosephchavez4786 dipindi sa location ng property, at classification whether residential or agricultural. Makita yan pagkumuha ka ng tax declaration ng lupa at bahay sa assessor
Ask ko lang po sir pwede po bang magbayad ng estate tax kahit tax declaration lang po yong documents ng lupa?pwede rin po bang mag voluntarily payment sa estate tax pra maka avail lang ng amnesty tax act.yong isang heirs po kasi nasa abroad pa,wla na po panahon pra sa apostille spa,saglit lang po namin nalaman about amnesty tax,sna mareply niyo po ako sir.thanks!
Kung wala pang titile ang property OK lang yan. Regarding po sa voluntary payment? Hindi pwd kc ang payment form sa amnesty dapat pirmahan ng RDO or assistant RDO bago magbayad. Magpirma lang sila pagcomplete na ang mga requirements.
Hindi ko po masyado ma gets ang tanong. Regarding po, sa property ng estate, kung ang lupa ay may improvement like bahay or building, kailangan po eto isama sa pagcompute ng estate tax. If in case gumawa kayo ng extra judicial settlement pro hindi nasama ang building, kailangan nyo lang isubmit sa bir ang tax dec ng bahay para sa pag compute ng estate. Pro kung naprocess na ang estate at nabigyan na kayo ng clearance ng bir at hindi nasama ang building, gawa nalang kayo ng addendum sa sa extrajudicial para masubject sa estate tax ang building.
Good day po,may lupa ang lolo ko,pero namatay na sya noong 1991,at hnd nabayaran ang tax,ano po dapat namen gawin?para.ma claim namen ang lupa,magkano po kaya ang tax na mababayaran namen?6,462 square meter po un,magkano pa po ang lupa noong 1991?at magkano po ang lupa ngayon?nasa city po ang lupa sa bais negros?salamat po sa pagsagot po
Ang lupa ng lolo nyo ay paghahatian yan ng kanyang mga anak EQUALLY unless my will. Now, kung apat ang mga anak bali bawat anak ay may 25% share lang doon sa property. Now, kung patay na ang apat na mga anak, ang bawat 25% ay mapupunta doon sa mga apo. For example si anak A ay may 3 na anak; si anak B ay may 10 na anak; si anak C ay may 8 na anak; at si anak D ay may 1 na anak. Ang 25% share ni A ay paghahatian lang ng 3 nyang na anak; Ang 25% ni B ay paghahatian ng 10 nyang anak; Ang 25% ni C ay paghahatian ng 8 nyang anak; at ang 25% ni D ay mapupunta lang sa isa nyang anak. Para sa iyong katanungan, kung buhay pa ang parents nyo sila po ang magclaim ng kanilang share. Pro kung wala na ang parents, ang mga apo na ang magclaim ng share. Panu eto gagawin? Pupunta kayo sa abogado at magpapagawa kayo ng extrajudicial settlement ng estate ng lolo/lola. Pagpunta nyo sa abogado dapat may dala kayo na mga katibayan sa property, death certificate nung mga namatay na, then mga Valid government issued ID nyo. Pagnakapagawa na kayo ng extrajudicial settlement, e comply ang mga requirements sa videong eto para sa pagprocess sa BIR. After sa BIR pupunta kayo ng ROD para sa pagpatitulo. Then punta din kayo ng Assessor para sa palipat ng tax declaration. Para sa tanong nyo ng value nga property makikita yan sa tax declaration issued by assessor's office. Mayroon din sa zonal value ng BIR. Pro kung gusto nyo eto ibinta, pwd nyo eto ibinta mas mataas sa market value ng assessor at zonal value ng bir.
@@birmattersguide2721 salamat po,hnd po kasi namen alam kung magkano mababayaran namen sa tax,kasi po walang wala po kame,sa katunayan,ngayun lng namen nlaman na may lupa palang naiwan ang lolo namen,wala kamenh sapat na halaga para magbayad ng tax,kaya po,nagtanong po ako po,para nman po malaman namen kung magkano magagasto,kasi po,la tlaga kame pangbayad sa mga tax sa lupa na naiwan ng lolo namen
@@rodrigoadalid5650 ang tax na babayaran ay nakadipindi yan sa value ng property na makikita base sa mga required documents. Kung wala pong pambayad, pwd naman po mag binta ng ilang portion lang ng lupa para magkaroon ng pera pambayad. Dapat kc mahatihati yan early kc kung mag apo apo na yan magiging sanhi lang yan ng away ng pamilya.
may nakita pong buyer ang isa sa heirs po,yung buyer na daw po bahala sa gastos,kaso po,ang halaga na babayad ng buyer 10 milion lng po,mag nag sabi po na ang square.meter po ng lupa ngayon ay nasa 8 thousand per aquare meter,kompyot namen,aabot ng 50 kung 8k ang value,hnd po kaya masyagong malaki ang nabawas kung cla mag lakad ng mga.papeles?pancnya na po sa mga tanong ko po
Sir paano po kung maraming property yung decedents tapos nakatoka na po sa mga anak pero patay na din po yung mga anak bali mga apo na po yung magmamana tapos yung mga anak po ng isang anak ng decedent gusto na pong mabayaran na yung estate tax pwede po bang ang bayaran lang eh yung isang property na mamanahin ng isang anak na patay na din po?
Hello po, pwd isa lang ang isusubject ng estate tax, basta isa lang ang property na ilalagay sa extrajudicial settlement. Pro kung ang property ay nakapangalan pa sa grandparents, e susubject pa sa estate tax ang grandparents at mga anak na namatay na. Then if ever magprocess uli ng ibang property, kailangan nyo na e present ang clearance or car ng unang property na naprocess kc accumulated ang pagcompute ng estate tax. On the other hand, kung ang mga decedent ay namatay 2017 pababa, pwd po kayo mag apply for estate tax amnesty for all properties sa BIR para po kayo makatipid. Ang Estate tax Amnesty ay until June 14, 2021 lang, unless e extend ng Comissioner.
Gud evening po. Extra judicial settlement with sale po kasi ang i process namin. Paano po kung sa pagkuha po ng tax declaration s acessors office ay no improvement p ang naka record. Pero may bahay n po n nakatayo. Pwede po b n s pag issue n lng ng bagong titulo ipa register ung improvement s lot? Maraming salamat po & God bless po.
Baka hindi po yan na inspection ng assessor kaya NO IMPROVEMENT pa rin. Ipa inspection nyo po para magka tax declaration ang bahay. Pero kung nagmamadali kayo dahil sa baka magkapenalty, sige unahin nalang muna ang lupa.
@@birmattersguide2721Maraming salamat po s reply. Kung decedent TIN tax po ay 1904 BIR form ang kailangan. Ano po klase form kung ang babayaran n estate tax n namatay po sila 2013 at 2007? Para ma print n po kasi sana at mapag aralan ung form. Pasensya n po. Maraming salamat po s tulong nyo.
Gud pm po ulit. Anong klase form po s BIR ang Capital gain tax? Documentary stamp tax? Saka po un g iba tagapagmana po wala TIN. Minsan po nagtitinda lang ng gulay. Ano BIR TIN form po ang iapply? Maraming salamat po ullit.
Sir, ano po ba ang usual na ilalagay sa SPA kung ang brother ko ay nasa Australia pero hindi po makakauwi dito sa Pilipinas para magasikso din ng estate tax dahil since 2011 pa po namatay ang father namin at 2006 naman ang mother namin at ngaun pa lang po maasikaso ang estate tax dahil hindi naman po kami aware d2. At wala pong iniwang will ang father namin kung kanino po ipamamana ang property. 5 po kaming magkakapatid pero ang isa ay patay na noong 2016 pa. Hanggang ngaun po hindi pa namin alam kung paano ito uumpisahang asikasuhin dhil kailangan pa ng mga PSA naming lahat.
Yong nasa Australia po gagawa sya ng SPA papunta sa e authorized nya dito sa pinas. Ilagay sa SPA na ang representative ang e authorized nya magpirma sa extra-judicial settlement inbehalf sa kanya; sya rin ang mag aayos ng estate tax ng parents nya para sa share nya; sya rin ang mag asikaso sa BIR gaya ng pagkuha ng mga TIN, pagpiram ng mga necessary documents; sya din mag aayos or kukuha ng documents or magprocess sa REGISTER OF DEEDS, ASSESSOR'S OFFICE, PSA, REGISTRAR and Other Offices na madadaanan ng transaction. Ang SPA galing australia dapat po yon e daan sa consol ng australia or dapat ipa apostile ang spa para maging valid sa philippines. Since wala pong will, equally dapat ang sharing nyo, unless may isa sa mga heir nag mag waive ng rights nya. Sa abogado po kayo muna pupunta para sa pagawa ng Extrajudicial settlement para sa pag hatihati. Kung may anak po ung isang kapatid na patay na, may share din sila. Before mag punta sa abogado dapat may SPA na kayo from kapatid na nasa australia.
@@birmattersguide2721 May question pa po uli. The same process pa rin po ba ang ilalagay sa SPA nya kung Ako at isa ko pang kapatid ang mghahati sa property kaya magiging dalawang titulo na po. Dahil napagkasunduan na po naming apat na magkakapatid na babayaran na lang namin sila, yung nasa Australia at isa pa naming kapatid. Yung namatay po naming kapatid ay walang asawa at anak, kailangan pa po bang kumuha ng cenomar nya para katibayan?
Kung ganyan pinag usapan nyo, ang ipapagawa nyo sa lawyer ay extrajudicial settlement with sale kc ibibinta naman ang share nung dalawa sa inyo. Then ung namatay na kapatid pag hindi nyo ilagay sa extrajudicial hindi nyo narin yan kukunan ng cnomar or death certificate kc wala naman sya asawa at anak. Then ang content ng spa ganun pa din e authorized ang representative na mag process ng estatd at sale.
@@birmattersguide2721 Regarding po sa certification of no improvement na isa sa mga requirement sa estate tax amnesty, ano po ba ang kailangan bago kami makakuha ng certification of no improvement sa assesors office? Actually hindi po kumuha ng bldg permit dati ang mga parents nmin para dun sa extension na ginawa sa bahay nmin.
nag search ko sa zonal value, tapos nakita ko,zonal value BIR, pinindoy ko ang RDO ng negros,download ko ang excel,nakita ko zonal value,17,750,kasi nasa proper po yung area nakita ko ang street,tiningnan ko,ang laki pala ng zonal value,tapos 10 million lng babayad nung buyer,kaya ayaw pumirma ang tiyohin ko,kasi nag alangan sya
Ang 1904 po Sir ay Application Form yan para sa TIN ng Estate ng namatay at para din sa mga TIN ng heirs kung wala pang TIN ang mga heirs. Ang TIN na makukuha po d2 ay ilalagay yan sa BIR Clearance or Certicate Authorizing Registration (CAR) na e prepresent sa Bank para ma withdrew ang deposit. Ang TIN po ay kailangan yan sa BIR kc TIN base po ang mga transactions nila. May isa din po akong video dito sir regarding sa pagwithdraw ng deposit ng namatay without BIR clearance, applicable sa deposit ng decedent na namatay 2018 onwards.
Ang 1904 na Form ay sa BIR din yan makukuha. Para sa TIN ng Estate kailangan ka po dito mag attach ng photocopy ng Death Certificate at extra-judicial settlement or affidavit of self adjudication, then SPA ng representative na kukuha ng TIN if the latter is not one of the heirs. Ang videong eto ay para sa Real Properties ng namatay. Pro kung Bank Deposit lang ang concern nyo, paki disregard po ang requirements na Tax declatation, certificate of no improvement at Title, pro mag prepresent po kayo ng certificate of bank deposit na pirmado ng bank manager/bank representative na yan ang deposit AT THE TIME OF DEATH. Then ang content ng extrajudicial or affidavit of self adjudication ay sa amount of deposit lang.
Good day sir, pag bank deposit lang po ba ang concern,. Need lang po ba ng certification from the bank and deed of adjudication? Kasi marami po kasi hinihingeng requiements sir eh pera lang din po kukunin sa bank
@@Millionalonzo pag pera lang ang e subject sa estate ang requirements lang ay TIN ng estate at heirs; death certificate; self adjudication or extrajudicial; bank certification of deposit; and spa kung hindi heir ang mag process. Ibang usapan na ang real properties unless isinama mo eto sa extrajudicial or self adjudication.
Buyer po ako, pwede po ba ako ang magprocess ng estate tax (may Extrajudicial settlement of estate March 2021 and deed of sale May 2022 separate documents). Concern ko po: yung lote lang po ba na Nabili ko sa seller ang Subject sa estate tax. Hindi na po ba Masasangkot ang iba pa nilang property. Please advise po. Maraming Salamat po.
Para maprocess mo ang estate dapat may SPA ka from the heirs. Kung nakalagay sa extrajudicial ang ibang properties ng decedent madadamay yan sa processing ng estate, pero kung ang nabili mo lang ang nakalagay dyan yan la subject sa estate tax.
@@birmattersguide2721 Maraming salamat po Sir. Thank you po. 🙏 Sir yung EJS March 2021 wala po bang penalty ito sa BIR. (hindi rin naipublish ito). Required po ba sa BIR ang publication sa pagbabayad ng estate tax. Asawa nya namatay sa U.S.A. last 2019. Is the authorization letter from heirs instead of SPA pwede napo ba ito. Maraming Salamat po sa inyong tulong at information. Waiting po sa inyong good advise. 🙏🙏🙏
Sa ebirform po kayo pupunta na makikita sa bir website. E download ang ebir form package tapos e install. Then pag maopen na sya hanapin mo ang form 1801, then fill out nyo then submit.
Hello Sir, Heto po Scenario namin: Tatay ko namatay -2015 - Ok na ako dito, I already understand yung form for Computation (Form 2118-EA) . On this form 2118-EA, there's a Deduction from Gross Estate which is called " Share of Surviving Spouse". I understand na po ito. Nanay ko namatay - 2020.- What I do not understand yet is yung sa Nanay ( Form 1801) . On this form, do I need to indicate the value for Surviving Spouse ( but my father died in 2015 po). Paano ko po ilalagay sa form yung Share ng Tatay ko ( died in 2015) . I really appreciate your response po. Noel
Hello po, kaya po 1801 para sa nanay kc regular na estate tax na yan. Ung sa tatay qualified yon for estate tax amnesty kc namatay sya before Jan 1 2018. Para sa nanay, ang ilalagay mo nalang na value ay ang share nya sa property. For example ang value ng property 1M, then conjugal property sya, then may 4 sila na anak. Ang share ng nanay ay 600k nalang. Computed as conjugal share 50% of 1M is 500k plus inherited property of 100k. Bali don sa 500k ng tatay maghatihati ung nanay at 4 na anak kaya may 100k. Sa nanay wala ng deduction from surviving spouse kc sya ang huling namatay. Ang deduction lang na share of surviving spouse ay allowed lang doon sa tatay kc may surviving spouse pa sya. Pro sa nanay mo naman allowed sya ng standard deduction na 5M under the train law, kung ang share ng nanay hindi lumagpas ng 5M ma exempt po yan sa estate tax, pro be sure na mafile mo ang 1801 within 1 year from time of death para walang penalty for late filing.
@@birmattersguide2721 Hello po! Salamat po ng marami. Yun po kase form 1801 , merong Column A, B, and C. Ganito po pa ilalagay ko (based on your example)? Real Properties: Column A ( Exclusive Prop) - 0.00 Column B (Conjugal/Communal) - 1 Million Column C (Total ) - 600K Salamat po uli and God Bless po. Noel
@@nmalabuo1 sa column B dapat 600 din po, kc kung ebirform po ang gagamitin nyo makikita nyo na nakaformula yan, once maglagay ka sa B, automatic lalabas yon sa C. Yong sa C tama po kayo.
@@birmattersguide2721 So sa Part V -Schedules (Schedule 1 - Details of properties) , share din po ng Nanay ang ilalagay ko? Based on your sample : Column -FMV per TD - 600K Column -FMV per BIR - 400k ( assuming ito yung zonal value , share of Nanay Column - FMV whichever is higher Conjugal - 600K Tama po ba? Kung tama po ito, kelangan ko ba mag attach ng detailed computation kung paano nag-arrive ito, kase po baka tanungin ako ng taga BIR bakit hindi match ito sa FMV na nakalagay sa Tax Declaration and Zonal Value. Thanks po uli and God bless po. Noel
Yes po, hindi ko sya nadiscuss kc for regular lang na estate tax etong video ko. If ever po mag extend ng ng availment period ang estate tax amnesty baka magawan ko din yan ng video. (Estate Tax Amnesty ay until June 14, 2021 lang, unless magkaroon ng extension).
Hnd pa po namen napag usapan ang pera,sa aming pag uusap,pag pirma lng para mag proseso ng doccuments,hnd para mag benta,pero kung sinama ang pag benta,ibang usapan na yan,kelangan pag magbabayad ng pera,dapat andun kame,hnd pede sya lng mag isa,dahil may bahid na ang pagka tao nya
@@birmattersguide2721 minamadali nga ng buyer sir ang mga doccuments,dahil alam ko maganda ang area ng lupa,kaya gusto nya na maays kaagad mga doccuments,pero ok png samen,mahalaga mabenta na,ok na.po ba ang 17?hanggang dyan po ba na value ay sapat na?cla namn nag asikaso ng mga doccuments?
Based s time of death ang tax rate. S BIR pag namatay ng 1978 at not over P10k at pag 1994 not over P200k ang value ng net estate ito ay tax exempt. So Kelangan p rin po b magfile ng estate tax
@@astredmiranda1933 opo exempt sa estate tax, pro required mag file ng estate tax return. Since hindi nakapagfile agad ng estate tax return magkakaroon yan ng penalty for late filing, may penalty din for no notice of death, at may penalty din for no cpa certificate if applicable.
Ang total area po ay 119,181 sq.m. po. Yung 10 hectares ibinigay sa 10 na anak, tapos po ang remaining na 19,181 sq.m. ay ibinigay prin sa 4 na anak lang po.
@@birmattersguide2721 sa estate tax po sir paano po ang computation? Ang Zonal value nung land property is 3,500 per sqm tapos ang sukat 461 . Namatay po ung great grand mother ko ng 1994 bali magiging under po sya ng RA 7499? 3,500 x 461 x 6% ganyan po ba pag compute ng estate tax?
@@novelynsansait6069 dapat ang zonal at the time of death ang gagamitin, then market value per tax dec whichever is higher, then less deduction if any, then x 6%.
@@birmattersguide2721 ah mag maiba po ang zonal value sa market value? paano ko po malalan yung market value nung land property? yung po pala lote namin meron na rin po naka tayong bahay, bali isasama rin po ba ung value nung bahay sa babayaran sa estate tax?
@@novelynsansait6069 ang zonal value galing sa bir yan, then ang market value per tax dec ay galing sa assessor. Isasama po ang bahay sa pagcompute kung ang bahay ay nakapangalan sa namatay.
salamat sa lahat ng tulong mo sir,napakalaking tulong po ang binegay mo samen sir,maraming maraming salamat sir sa tulong nio,god blessed po
Thank for the very cold voice hehe yet very clear explanation.
Good am. Pano po kung ung seller is 4th gen from the decedent na nkaname sa title tpos ang extrajudicial settlement nya na may pirma is from his parents lng pero ung parent nya may siblings pero patay na at may family ang mga ito ano pong kelngn nyang documents or requirements from deceased heirs since pang 4th generation na po sya na nagmana at di nabyaran ang estate mula s mga previous heirs? Salamat
Sir, Ask lang po, yung decedent namatay sa Los Angeles California, (last 2019) RESIDENT NA SIYA SA US.
Ano po requirements sa BIR to Process the estate tax.
BUYER po ako, yung lote lang din naman na Nabili ko ang nakalagay sa EJS namin.
How to process at ano po requirements. Salamat po.
Good day po sir. Nakabili po ako sa lupa ng lolot lola ko pero matagal n silang patay mga anak nlng nila ang nakapirma po duon. At 3 n po ang patay dun. Need ko p po ba sila ikuha mga death certificate . Or tin number nalang . Hahabol po sana kami sa amnesty . Bale 1997pa po namatay anglolo
At 2010 nmn lola ko. Wala pong magbabayad duon kaya po kaming mga nakabili ang gagawa ng paraan . Babayaran po ba nmin lahat ung estate tax or i base lang sa sukat ng nabili namin . Salamat po sa sagot sa madami kong tanong haha😅
Sir,ask ko lang po, mag aapply po sana kami sa pag ibig fund loan,then ung lote po na pagtatayuan namin ng bahay ay galing sa mother ng mama ko,then pinamana nya sa mama ko pero ung titulo ay hindi nalipat sa mama ko at namatay po ang lola ko.ngayon gusto po donate ng mama ko samin ung titulo,bale ano po ang process po nyan para matitulo at matransfer po ung lupa at malaki po ba ang gastos?at ung lupa po ay malayo sa commercial at mejo liblib po na lugar.salamat
Good day
Gaano po katagal ang process ng estate tax?
baka may iteresado bumili ng lupa kan sir, 5% sa inyo sir,sa centro po ng bais sir,malapi mismo sa city hall of bais
good morning sir,pede magtanong ulit sir?yung lupa namen sir,may nakatayo na apartment,hnd namen alam,kala namen,yun pala,dalawa sa myembro nla magkapatid,may kasunduan dun sa may ari ng building,ang problema,hnd alam ng ibang kapatid na may kasunduan sila,pano namen ibenta ang lupa si?
magkano po papagawa ng extra judicial settlement with sale po?
Ano po kayang requirements if bank savings at car yung naiwang property? Baka po may same case sakin. Thank you for this video po, very hlepful..
curiuos lng ako sir,kasi nalita ko po ang zonal value sa year 2018 ay malaki,hnd namen inaasahan na ganun pala ka laki ang zonal value sa negros oriental
hello po, ask ko lang po paano ang process ng ganitong scenario
namatay po ang nanay ko, nabayaran po namin yung estate tax nya at na-issue po ang eCAR ng estate nya, ang administrator ng estate nya ay tatay ko pero namatay na din po sya, hindi pa po namin naipalipat sa amin ng tatay at sa aming magkapatid bago namatay ang tatay ko. Tapos plano na namin bayaran ang estate ng tatay, paano po kaya ang magiging process kung ang hawak po namin na dokumento ay yung original title na nakapangalan pa sa Nanay at tatay ko at yung eCAR ng estate ng nanay ko.
Tanong po sir, regarding po sa estate tax, ang lupa (tax decleration) po b na bibilhin ko sa mga heirs ng namatay na mga magulang ay e su2bject po sa estate tax, hindi pa po kasi nakapangalan sa kanila, ble ang pangalan p ng mga magulang ang nakalagay sa Tax decleration ng lupa. maraming salamat po!
Subject po sa estate tax ang transfer ng property ng namatay papunta sa mga heirs.
My dad died last year, Sept. Im the only child. Nasa title ng property, magkakapatid, 3 sila plus mga asawa, so anim. Dad ko lang namatay. 1) Kailangan ko pa ng EJS? Need ko lang magbayad ng estate tax, walang transfers, ano kaya needed.
2) Proceed nako sa BIR? Saka tama ba, matataxan lang is 1/3 shares of my dad and mom’s share in the property?
3) i have CTC, photocopy of death cert and phorocopy of Tax cert 2022 and tax receipts, ok na ba mga photocopy?
1. Need po ng EJS kung madaming heirs, pero kung isa lang ang heir, affidavit of self adjudication ang gagawin. Pwd po magawan ng new title ang 1/3 at pwd din hindi. May requirements po yan sa Register of Deeds.
2. Opo punta po kayo sa BIR para mag process ng estate. 1/3 share lang subject sa estate tax.
3. Need po certified true copy or original ng mga documents sa pagprocess.
@@birmattersguide2721 Thanks so much.
@@birmattersguide2721 gaking nako BiR MKTI. just found out meron unclosed business si father ko sa laguna way back 1999. Ni hindi nag last yung business na yun for a year. May penalties ba yun?. It was a single proprietorship. Need ko daw certificate of closire from laguna rdo. Natatakot ako sa mga penalties :(
@@belp3961 wag po matakot, ang problema ay dapat hinaharap para ang problema ang matakot sayo. Punta po kayo sa rdo laguna, ipa check mo kung may mga open cases. Kuha ka ng certification sa LGU na matagal ng close yan. Then hingi ka ng requirements sa bir pano maclose yon.
hello po sir. ano po ang ka ibahan sa extra judicial settlement of estate with waiver of rights in favor in 1 heir AT affidavit of of self adjudication.
Ang extrajudicial settlement ginagaw yan kung madami ang heirs, pero kung isa lang heir affidavit of selfadjudication ang gagawin na document.
@@birmattersguide2721 may heirs po kaso nag file cla nang quit claim . And waiver of rights
@@reytategarciano1416 kaya nga po extrajudicial with waiver kc more than 1 ang heirs, pero isa lang nakinabang kc nagwave ang iba, ang nagwaive ay consider parin na heir kaya extrajudicial pa rin ang document
@@birmattersguide2721 thank you po
Good evening ulit sir,pede po uli magtanong?ok lng po ba na yung isa namen na kamag anak ang e authorized na mag lakad ng mga doccuments?kukuha po kasi kame ng power of attorney at pepirmahan namen na pimapayag kame na sya mag lakad,hnd kaya kame maloko ng kamag anak namen,may bahid na kasi ang pagka tao nya,ok lng pp ba yun?
sabi po,kapag extra judicial settlement po,ay doon daw po mag gawa ng extra judicial kung saan nandun yung lupa
Pls help po, 2013 namatay po mother namin nalakad po namin ang estate tax, hanggang sa umabot na po kami sa register or deeds pero hindi po namin natapos kasi po pinabalik po kami at kulang daw po ung binayaran namin hanggang sa titulo di na po namin naasikaso, Conjugal property po ito
ngayon po 2022 namatay po father ko saan po dapat ako mg sisimula sa pag aayos ng papel? Or saan po ako unang mag inquire po regarding sa issue ko po na may pending po kami na transfer title po sa propeety ng bahay 😥
Kung na subject na ng estate tax ang estate ng morher, yong estate tax nalang sa estate ng father ang kailangan po bayaran. Almost same requirements lang din yan, pero magdala ka CAR ng estate ng mother para makita ng magcocompute na nakabayad na sa estate ng morher.
Sir may specific question po ako. Maari po bang makontak ho kayo?
Sir pwede po ba cousin nung heir magbayad at magpacompute sa BIR ng estate tax.same surname po sila.need po ba ng SPA from heir?
Bakit po kinakuha ng BIR ng estate tax or tax return of the 1st deceased(predecessor) husband kung widower naman ang wife eh wife(next 2nd deceased) ang naka pangalan sa titulo? Diba dapat hindi na kasali ang asawa kung identity ay widower naman ang name ng nasa titulo? No children
Kung ang wife ang nakaname sa title tapos nakalagay na widow na sya, hindi na dapat e subject pa ng estate yong namatay na husband kc na acquire na ni wife ang property na widow na sya kaya wala na dapat pakialam yong deceased husband.
Hindi ko po masasagot bakit may estate tax pa, unless may nakita si BIR na document na acquire ang property while buhay pa si husband, at nakapag patitle lang sila noong widow na si wife.
God morning po sir..tanong ko po sir Yong Lolo ko Lola ko po matagal Ng namatay den Ang titulo Ng lupa sa Lolo ko Hindi Napo na transfer Ang pangalan ...dalaw po cla cla anak ngmana sa lupa..paano po sir..gusto po namin hatiin ang angmlupa na papa ko ...paano po sir Hindi pangalan sapapa ko po.slamat po sir Sana matolongan monkami sir.
E subject ng estate ang lolo at lola para mapunta ang property sa dalawang anak nya. E comply po ang mga requirements ayon sa videong eto
Good afternoon po ang tax declaration po ba na my lot number at cadastral issued by cenro na kinikilala ng cenro as claimant na namatay na ito po ba ay sakop ng estate tax?
Salamat po
Tama po, lahat po ng property na pag mamay ari ng decedent ay subject sa estate tax unless may batas na nag eexempt nito.
Halimbawa ang mayari maramung lupa or 5 na parcel. Poydi ba na isa lang ang bayaran, kasi yung lang ang beninta nika. Ang 4 hindi ay hindi na ba bayaran?
@@tadiossimplicioiihonor6959 in my opinion pwd po yan basta isa lang na lupa ang ilalagay sa document na Extrajudicial Settlement with Sale. Pero kung ilagay lahat ng lupa sa document kailangan mo bayaran lahat para sa Estate Tax.
@@birmattersguide2721 maraming pong salamat
How to process online of exempt estate tax?
good day..'Sir..
tanong ko po..,yun father ko ay residente sa san fabian, Pangasinan., dun pa sya naka register ng sr. citizen at pati adress nya dun nakalagay sa ID ng OSCA..
pero, dito po sya namatay sa San juan city, Manila..dito sa bahay ng mga anak nya..,namatay ang father ko nun October 2020 dito sa manila, pero inuwi namin ng Pangasinan para dun ilibing...
paano po yun pag file ng estate tax at estate tax return, dun po ba sa pangasinan o dito sa san juan city dahil dito sya namatay.
At paano rin po yun property ng mother ko dito sa san juan city, nasa name po kasi ng mother ko yun title na nakalagay ay married sa father ko sa titulo..kasama po ba sa estate tax ito..
at meron din property ang father ko naman sa La Union,,paano po pag file nun..,saan po dapat isama sa pag file ng estate tax return, dun ba La union din dahil dun yun property nya..
mahaba po mga tanong ko sir..,pasensya na,,
salamat po...
Ang BIR Office na may jurisdiction ng estate ng namatay ay kung sino nakakasakop doom sa domiciled ng namatay.
Tingnan nyo po ang death certificate, ano nilagay nyo na residence nya? Pangasinan or san juan manila?
Pero base da kwento mo parang yong domicile nya ay sa pangasinan. Sa extrajudicial ilagay nyo nalang na residence sya ng pangasinan. Bali lahat ng propert mg estate doon nyo e process sa bir na may jurisdiction ng pangasinan.
Then yong property na nakaname sa mother, presumed conjugal yan, kaya one half nun ay isasama din sa estate.
@@birmattersguide2721 Salamat Sir sa pag reply mo...
Kaya lang po, ang nailagay ng kuya ko noon sa death certificate na residence ng father ko ay dito rin sa san juan city, manila..
nalito noon yun kuya ko sa pag fill-up sa death certificate..kasi nga dito namatay sa san juan city, kaya yun rin ang nailagay nya na residence ng father ko...,
Paano kaya yun..dito nba sa san juan mag file ng extate tax at return..?
wala nba remedyo para dun sa pangasinan mag file..?
salamat po sir..
@@harriscorpo6571 dont worry marami kayong nagkakamali ng ganyan. Hehehe.
May isang anak ba na pangasinan ang address? Yong mother nyo saan res address nya? San juan or pangasinan?
Yong iba nyan kumukuha ng certification sa barangay na doon lang yan sa manila naabutan, pero actual residence nya ay sa province lalo na kung sa province din sya bomoboto. Yong sa case nyo pwd yan kc may mga ID sya na pangasinan ang address kaya lalabas na erroneous lang pagkakalagay ng address sa death certificate. Tapos sa extrajudicial ilagay na ang namatay ay residente ng pangasinan.
@@birmattersguide2721 Tama ka Sir..,tao lang kaya nagkakamali..,hehehe...
Bale kasi yun kuya ko po ay naka resedente sa pangasinan, pero hindi dun sa san fabian.
kundi dun sa bugallon, sa lugar ng misis nya...
Yun mother ko naman ay dito nag register ng kanyang addrress, kasi nga dito rin sya nag register ng senior citizen OSCA ID nya..
Bale yun father ko, may ipapakita naman na OSCA ID na nakaregister dun sa San Fabian, Pangasinan, at makakakuha rin kami ng Brgy. Certificate dun sa tinitirhan namin lugar.
Dun nga namin pa ipinalibing yun father ko..kahit dito namatay sa San Juan City, Manila.
Regarding naman sa Extrajudicial..,para sa property dun sa province of La-union ay ang ilalagay na resident address ng father ko ay dun sa San Fabian, Pangasinan..
AT sa Extrajudicial ..,naman para sa property dito sa San Juan City, Manila ay yun resident address din dun sa San Fabian, Pangasinan...
Ganyan po ba mangyayari...,Sir...,salamat...
@@harriscorpo6571 tama po.
Lahat ng property from luzon, visayas at mindanao doon lang e proprocess sa pangasinan kc doon ang domicile ng namatay.
Gud day tanong lang po namatay yung lolo 1997 din lola 2008 ngyn lng process ejs tapos state tax.dalawang state tax poba ang ma avail ng tax amnesty?
Tama dalawa po ang e subject sa estate tax.
@@birmattersguide2721 thanks dalawang 5k pala bayaran namin kac maliit lang naman lupa pag na zero daw sa compute ng bir 5k parin daw bayaran pag amnesty .
@@renans14 tama, 5k ang minimum sa estate tax amnesty per decedent. Its not really zero kc may penalty dapat yan for late filing & no notice of death if wala mag avail ng amnesty.
Great video! Sir how much po kaya ang fee sa pagkuha ng CPA certificate? TIA
Dipindi yan sa CPA, at nakadipindi din yan fee na set ng group of CPA's dyan sa lugar nyo.
Question po pano po proseso kapag ang parcel ng kabuuang sukat ng lupa ay naipagbili ng mga tagapagmana pero hindi pa na babayaran ang estate tax amnesty at di pa nalilipat sa mga tagapagmana ang declaration. Ano pong gagawin ng Bumili ng lupa? Namatay ang owner ng year 2015
Pwd po ang magprocess ng estate ay ang nakabili ng lupa, kailangan lang nya makakuha ng SPA galing sa mga heirs na si buyer ang magprocess ng estate tax. Then e comply ang mga requirements sa pagprocess ng estate tax. Kung nakagawa na kayo ng deed of sale, kailangan nalang mag execute ang heirs ng extrajudicial settlement of estate with confirmation of sale. Pag walang estate tax clearance galing sa BIR hindi malilipat ang pangalan ng property papunta sa buyer.
Another option is that ipa process nyo yong estate tax sa mga heirs. Kaya lang medyo mahabahabang usapan yan with the heirs kc hindi na sila mag interest sa pagprocess kc nabinta na ang lupa. Ok lang eto kung cooperative ang mga heirs.
Salamat po sa impormasyon..
@@ophirianbatyah6564 welcome po
Kasi marame na sya naloko noon,pati kapatid nya niloko din nya,ano po kaya ang maganda,dun kame sa PAO mag papagawa at pag pa notario?
Bat sya ang e authorize nyo kung may history sya ng panluluko? Bat d nalang ikaw?
@@birmattersguide2721 sya lng po kasi ang maykilala na buyer, at ang buyer na yung ang gumastos aa lahat ng doccuments,kaya sya ang en authorized namen
Paano po ba ang online filing ng 1801. Pag exempt or walang babayaran ang 1801 daw ay kailangan online filing. Salamat po sa sagot.
Ang pag online filing ay doon mo gagawin sa eBIRFORM System na makikita BIR website na www.bir.gov.ph, bali pagpumunta ka sa website e download mo ang latest version ng APP na eBIRFORM then e open mo sya sa computer mo, hanapin mo ang form 1801 at e fill out online and submit online. Kung hindi mo alam gawin, punta ka sa eLOUNGE ng BIR doon po kayo magpa assist, sa pagfill out nyan kailangan ang mga info na date of death, name of parties, address, info nga properties subject to estate tax.
Mas magada kung nabigyan na po kayo onett computation sheet ng bir, para yan yong gawing mong guide sa pag online filing.
Hello sir, hoping po sa response.
tax decleration property po ang nabili namin. Namatay napo yong may ari nong 2018. Question ko po, may babayaran po ba na estate tax kahit tax decleration po ang property?
Opo may estate tax pa din po yan. May mga property kc na walang title kaya tax dec lang ang hawak.
Thank you so much sir
Sir namatay Po asawa ko Ng august 4,2021 me lupa Siya sa Nueva ecija sa titulo Kasama Ang 2 pa Niya Kapatid. PANO Po mapalipat iyon Meron Po Ako 2 anak. Iyon Po Isa Kapatid Niya ay sa abroad. Ano Po Ang dapat namen Gawin. Thank you po
Gagawa kayo ng extrajudicial settlement. Pipirma ang dalawang kapatid, pati ikaw kasama ang mga anak mo na hindi minor. Ung nasa labas na kapatid pwd naman sya mag SPA sa isang kapatid para ung isa nalang pipirma para sa kanya. Then comply the requirements na makkita dito sa video. Ang output nyan, makukuha nyo ang 1/3 ng property.
Sir, kame Po Ang magpagawa sa Atty namen Ng SPA at ipadala na Lang Doon sa Kapatid na nasa abroad. Thank you po
@@roygasconjr.1188 yong nasa abroad ang magpapagawa ng SPA doon sa abroad, then ipapadala dito sa pinas. Dapat yong SPA na may Apostile galing doon sa labas para maging valid dito sa pinas.
@@birmattersguide2721 Salamat Po sir sa paliwanag ninyo
@@roygasconjr.1188 welcome po
Sir saan po ba kami pupunta para kumuha ng certified true copy ng titilr
Sa Register of Deeds or Land Registration Authority na nakakasakop sa location ng property.
sir pa help po,my pina process po na lot ung friend ko ,ung tatay nila patay na ng 1990,ung nanay 1986 at my anak n patay naren.So ngayon binebenta na ung property at need ng estate tax,.ang tanong ko sir need pa ba kumuha ng CPA certificate?
Yong namatay ng 1986 at 1990 wala pang cpa certificate na requirement yon. Pero yong namatay 1992 up to present mayroon. Kung mahal magkuha ng cpa, magpapenalty ka nalang sa bir para sa NO cpa certificate.
Pede po ba na yung buyer ang magproseso lahat?hnd po ba kame maloko kung cla mag proseso lahat?
Pwd po basta mag execute ng SPA ang mga heirs na nag authorized sila sa buyer na sila magprocess ng estate, TIN and other necessary documents and processes
Kasama po kasi nya ang buyer para mag assist at magbayad sa lhat ng taxes na babayaran,nasa mindanao kame,at nasa visayan naman ang property,kaya mahirap kme makarating dun kung walang buyer para mag assist at mag bayad ng mga buwis,hindi ko po alam kung paano umpisahan ang ang isusulat ko sa papel para yun ang dalhin at ang ipagawa sa lawyer,
Thanks for sharing.. after ba ng estate tax, may documentary stamp tax din ba gaya ng pagbabayad ng capital gain tax?
Wala po, pero pwd mo lagyan yan ng dinidikit lang na doc stamp strip P30.00.
@@birmattersguide2721 thanks po. Di pi ba may standard deduction na 1M? Automatic na po ba yun or may need na document pa para ma avail po?
@@paulcruz5736 automatic yon. From 1998 to 2017 ang standard deduction ay 1M. PERO kung nafile na estate tax dati tapos nag avail ng estate tax amnesty, wala ng standard deduction n e allow.
@@birmattersguide2721 thanks a lot po. Big help. More power po sir!
pede ba sir na.hahatiin nlng ang lupa?at yong portion nung nag payag yun ang parte nla?
Pwd po, agreement lang yan ng mga heirs. At karapatan nyo na hatiin yan.
Sa Subdivision namin, nakalagay sa Title ng lupa "hindi puede sub-divide ang property".
hnd pa po naman bebenta ang nkapaloob sa SPA,kung hnd pag payag lng na sya maglakad ng dccumento,ok lng po ba yun?
Kung may isang heir na ayaw maglakad ng mga documents, magbigay sya ng spa sa iba, pro yong ibang heirs ang gagawa ng mga obligasyon nya.
@@birmattersguide2721 ah ok lng po yun?hnd kame maloko dun,kasi ang nakapaloob lng sa SPA ay pag payag na mag lakad ng doccuments?tama po ba?
@@rodrigoadalid5650 ok lang yon. How about ang pagtanngap na ng pera kasama ba? Or dapat andon na kayong lahat?
Ang pagluluko nasa ugali yan, wala yan sa papel, kaya dapat kilala nyo ang ugali.
@@birmattersguide2721 ah,hnd pa kame naka pirma,kasi magpapagawa pa lng,at hnd po namen pinag uaspan ang pag benta,pero kung nkasama.ang pag benta dun sa SPA,hnd kame pipirma kung hnd kame.kasama sa bayaran,
Good morning sir,salamat sa lahat ng tulong nio po,sa 17 po kme magkita sa gitna,cguro pareho kame hnd malugi,ok lng po ba yun?
Sa accounting tawag dyan "Arms length transaction" ang presyong kayang ibigay ng seller, at presoyong kayang abutin ng buyer". Ok yan basta agreed by all parties.
@@birmattersguide2721 salamat sir,god blessed
good evening sir, ganito po yung scenario sir, may gusto kasi kaming bilhin na lupa, pero yung nakapangalan (husband) sa titulo ay pumanaw na bago ang train law, sa titulo naman po nakalagay dun na "married to ______"(wife) pero namatay din during the train law sir, tapos binebenta po ng heir, problema di po nila trinansfer, eto po tanong ko sir, yung pagcompute po ba ng estate tax ay mula sa huling namatay na nakalagay sa titulo which is the wife, o sa nakapangalan mismo na husband (died before the train law), pangalawang tanong po sir, portion lang po kasi ng lupa (with separate title) sir bibilhin namin, yun lang po ba cocomputen for the estate tax? maraming salamat sir sa pagtugon.
Ang esusbject sa estate ay husband and wife. Ang computation na gagawin ay yong applicable at the time of death.
Whole area po ang subject sa estate tax. Pero sa sale, portion lang e susubject sa capital gains at doc stamp.
ano po una ilagay namen sa papel po,para mag pagawa ng SPA po?para po hnd kame maloko po?tulungan nio po kame
Good day! Buyer po ako, Mag kahiwalay po yung extra judicial settlement at yung deed of sale namin. Ask lang po, nagbayad na kami ng estate tax pero hindi kinuha ng BIR ang deed of sale. Sa pagrelease ba ng eCAR (estate tax) nasa name na po ba namin or sa name parin ng heir.
Paano po pagdating sa RD, magkaiba po ang name nf eCAR (sa estate tax) at yung isang eCAR nasa name ko po.
CGT and doc stamp bayad napo (eCAR po nasa name ko na released napo).
Please advise po. 🙏
Pag ang nabili nyo ay whole area malilipat din agad yan ng ROD papunta sa name ng buyer, just present ecar for the estate and ecar for the sale.
Pero kung portion lang ang nabili nyo, ang gagawin nyan ng ROD ay gagawan muna ng new title papunta sa mga heirs. Then pag may new title na, saka kana kumuha ng ecar sa bir para sa sale. Masmatagal ang proceso pagportion lang ang nabili kc pinagseparate nyo ang estate na document at deed of sale.
@@birmattersguide2721 whole property po ang Nabili ko. Kami narin nag settle ng estate tax.
Ang concern ko po, bakit hindi kinuha yung deed of sale. mag kahiwalay po kasi ang extrajudicial settlement at deed of sale.
Concern ko po baka sa release ng eCAR (for estate tax) , eh nasa pangalan parin ng heir. Please advise po. 🙏 Maraming Salamat po
@@momswaknswak3304 baka po yong extrajudicial may nakalagay na extrajudicial settlement with sale?
@@birmattersguide2721 wala po. Extra judicial settlement among heirs ( October 2021) at deed of sale ( May 2022) mag kahiwalay po ito. Ano po gagawin ko. Please advise po 🙏
@@momswaknswak3304 nasubmit mo ba including ang proof of payments sa capital gains at doc stamp? May kinuha ba sila na original na deed of sale? Dalawa ba ang binigay sayo na claim slip (estate & capital gains)? Kung NO, dapat bumalik po kayo sa BIR kc ang magagawan lang ng ecar ay yong estate.
Hello sir.. ilang days Po ba Ang process sa estate tax.. ?
Upon submission of complete documents, 5 working days ang processing. Pero may time na lumalagpas sa 5 working days dahil sa mga intervening circumstances like kung nag ooffline ang system nila.
Sir panu po pag may kapatid pa pero iisa lang ung papamanahan ng lupa anu pong additonal documents ang need pirmahan ng ibang heirs
Dapat mag waived ang ibang heirs ng kanilang rights sa property. Bali ang gagawin na documents ay extrajudicial settlement with waiver of rights.
Sir sa attorney po ba ito ipapagawa???
@@jhenmercado4107 opo, sa lawyer yan.
Sir, question po. Both parents ko po ay namatay na - 2012 and 2019. Malaki po ba babayaran naming estate tax? Kasi last year lang kami nag start mag ayos ng documents. Sana po masagot nyo. Salamat.
Dipindi po yan sa value ng property. Basta ang namatay ng 2012 may standard deduction sya na 1M, at ang namatay ng 2019 may standard deduction na 5M. kung hindi po lalagpas ang value, late filing ang bayaran.
Ask ko lang po sana panu po kung may nabili akong lupa eh namatay na po yung may ari kailangan po ba lahat ng proprties niya babayaran po ng estate tax eh yung isang property lang po ang nabili po .. salamat po
Pwd po na ang nabili mo lang na property ang isusubject sa estate basta sa EXTRAJUDICIAL SETTLEMENT WITH SALE yong property mo lang ang inilagay. Pag inilagay din ang ibang property ng namatay, lahat sa extrajudicial e subject sa estate tax.
Kung extra judicial po gawin namen,mayron hnd pipirma,kasi mayron isa sa heirs na hnd pipirma,pede parin po ba gagawin yun?at magkano po papagawa ng extra judicial settlement po?
Pwd, pro hindi mabibinta share niya kc hindi rin pipirma sa sale. Pro mas alam na yan ng lawyer kung ano mangyayari sa hindi nya pagpirma.
@@birmattersguide2721 salamat po,magkano po kaya mababayaran namen sa pag pagawa ng extra judicial settlemen with sale po?
@@birmattersguide2721 at pede rin ba gawin ang settlement kung saan kame.nakatira,at ang lupa ay andun sa ibang lugar?
Good am, nag request po ako ng cert of no improvement sa pasig city assessor's office,decline po yung request ko dahil may bahay
Cert of no improvement is for vacant land or lot only.
Property holdings cert po ang dapat i request? Thank you po.
Tax declaration ng bahay at lupa ang dapat kunin sa assessor kc may bahay ang lupa.
Good pm, meron na pong certified true copy ng tax dec, paid na rin po real property tax for 2022.
Sir pag po ba halimbawa may mali sa name sa title vs sa PSA birth cert na kinuha tapos papamana naman na po sa anak ung real property anu pong need na supporting docs kc ang scenario po ung mother ko may 2nd name sa title pagkuha namin ng PSA BC single name lang sya eh ililipat po ung title sa anak
Pwd po yan gumawa ng affidavit of one and the same person from two disinterested parties. Pwd nyo rin itanong sa ROD kung tatangap sila ng affidavit na yan para sa clarification ng name.
Sir.pwede po ba wala ng spa heir ang pagbayad ng estate tax amnesty.tenant po nung prop.ang magbayad sa bir.tnx po
Kung pagdala lang ng payment form papunta sa bank para magbayad ng estate pwd walang SPA yan. Pero kung magpacompute po kayo sa BIR, hindi po or pwd madeny si tenant kung wala syan SPA, unless heir sya ng decedent.
@@birmattersguide2721 sir kung cousin po nung heir.same surname.need din po spa from heir?
@@arielsanpedro1484 para po walang SPA dapat ang name nya ay nakalagay as heir doon sa Extrajudicial Settlement.
@@birmattersguide2721 ok po.salamat po.more power po.
Kapag hinati hati po ba ang lupa,tapos hnd po aabot ng 3 million value ng kang share,may bayad po ba?magkano po ang madate ng bir sa tax?kasama po penalty po
Sa case nyo kahit hatiin po yan, mababayaran kc matagal ng patay ang decedent. May penalty na kc yan for late filing kc matagal na, nung time na yon siguro 3 months or 6 months lang ang period to file estate tax na wala pang penalty.
@@birmattersguide2721 kahit may amnesty tax po?
@@rodrigoadalid5650 sa amnesty po ang minimum na babayaran ay P5,000.00 or 6% sa taxable value ng property whichever is higher. Pro wala ng penalties.
@@birmattersguide2721 salamat po
Hello sir.. question po, if sa title ay ang lolo at lola ang naka register, then aayusin po naming magpipinsan ang estate tax kasi wala na po ang mga magulang namin at kapatid nila, may estate tax din po ba ang mga magulang at mga tiyuhin namin na babayaran?
Tama po
@@birmattersguide2721 bale po dobleng estate tax ang babayaran po pala.
@@paulcruz5736 tama po, estate tax para sa grandparents at parents.
@@birmattersguide2721 thanks po ng napakarami sir! More power sa channel nyo!
Sir, pano po pag ang property ng decedent ay hindi bayad by the time na namatay siya gaya ng Balikatan properties. Tapos nabayaran ko na lang 2 years after, pero pangalan pa rin ng father ko ang titulo. Naka mortgage pa actually ang titulo (for cancellation of mortgage pa with ROD). May estate tax ba pa rin ba na babayaran?
Kung ang property ay nakamortgage at the time of death, ang amount po ng liability or balance ng utang ay pwd po yan mabawas gross estate ng decedent para lumiit ang babayaran estate tax(need to submit proof of mortgage).
Ang decedent po na namatay within January 1 1998 to December 31, 2017 ay mayroon standard deduction na P1M. Pag ang value ng property nya (net of liabilty or net of claim agains the estate) ay hindi lalagpas ng P1M ay exempt po eto sa estate tax, pro kung until now hindi parin kayo nag process sa BIR, kahit exempt sa estate tax may babayaran parin na penalty for late filing kc nung time na yon ay dapat maprocess or mafile ang estate tax return within 6 months from time of death.
Kung ang decendent naman ay namatay January 1 2018 up to present ang Standard deduction ay P5M na, then ang time to file ay within 1 year na from time of death.
@@birmattersguide2721Salamat po Sir. Ano po bah dapat mauna sa case na to Sir? Cancellation of mortgage with ROD or pagbayad ng Estate Tax?
@@nelvaquinio7413 para sa akin kahit ano unahin mo ok lang, kc sa BIR na side magbigay kalang naman ng proof na existing ang loan at the time of death. Sa ROD naman, pwd mo na mapacancell ang loan kung bayad na, pro hindi mo malilipat ang name ng title sa mga heirs hangat wala kang clearance from bir na bayad or settled ang estate tax.
Then kung pag ang value ng property ay hindi lumagpas sa standard deduction, ang isusubmit mo na proof na existing ang loan at the time of death ay walang effect sa babayaran para sa estate tax.
@@birmattersguide2721 Salamat ng marami Sir. Malaking tulong po ang channel niyo sa min. 🙂🙂🙂
good day po sir,saan po ako kukuha ng surveyor?dun ba sa lugar kung saan ung property?or pede ra aming lugar?
Sorry hindi ko po alam kung may coverage sila. Masmaganda siguro ang pinakamalapit nalang dyan.
Doon ka mag hire ng surveyor sa inyo like sa amin ang lupa na pina survey ko nasa Northern Cebu pero ang surveyor na ni hire ko from Southern Cebu dahil yung taga amin talaga na surveyor super busy sila kaya doon nalang ako sa South nag hire pero ok lang yan dahil within Cebu lang naman. Kung taga Negros ka doon ka sa Negros mag hire para mas madali sa kanila dahil kabisado na nila yung mga map sa lupa doon.
Good day po,halimbawa po namatay na ang anak ng lolo ko,cnu pede mag claim ng mana nya?yung asawa ng tiyo ko,or ang anak ng tiyo ko?salamat po
Yong asawa at anak ang pwd magclaim ng share nya. Bali kung 5 ang anak ny, ang mana nya ay divide 6. Hindi tulad ng conjugal property na 1/2 agad sa wife plus share pa sa other half.
@@birmattersguide2721 salamat po
Magandang araw ang senario po ng sa amin may mga ari arian po ang mga lola at lolo po namin at napagka sunduan na po ibenta namin bilang mga taga pag mana
At ang isa sa mga ari arian ay nawala at pinagawaan na po namin ng affidavit of lost sa amin abogado at naka pag pagawa na din po kami ng extra judicial settlement at isinasaayos na din po namin ang PSA isa daw sa mga requirements ng BIR at mabayaran ang Estate tax after po ba mabayaran nito estate tax how they long to process di ba my 3 consecutive week para ma published para makakuha ng panibago copy ng title
Ang pag publish sa news paper hindi na yan requirements ng BIR. Ang register of deeds na po mangangailangan nyan. Pwd naman e process na ang estate sa BIR kahit d pa tapos mapublish
Kelangan ba mgfile ng extrajudicial settlement kahit ndi pa decided ang mga heirs sa partition ng property lalo n at ns abroad iba mga kapatid? Pwd ba ipangalan n lng ang tax dec tulad ng heirs of decedent kasi nga wala p partition
Option nyo po ang pagprocess ng estate tax sa BIR kasama dito ang pagsubmit ng extrajudicial settlement of estate. Kaya lang pag nagprocess na kayo tapos lagpas na deadline may bayaran na po kayo na penalties.
Pagnaprocess nyo ang estate pwd po naman yan ipangalan na "heirs of represented by" or pwd ilagay din lahat ng name ng heirs, basta ang intepretation nyan ay equally ang shares nyo.
@@birmattersguide2721 salamat po
Ask po uli. Ang properties ng lolo nmin n nakapangalan p s kanya ay hinati sa kanyang 2 anak n patay na rin. S pagbayad ng estate tax pwd b properties lng na napunta sa mother nmin ang bayaran.
@@astredmiranda1933 sa extrajudicial sasabihin nyo may 1/2 share kami from grandparents kc isa sa dalawang anak yong nanay namin. Sa extrajudial, ang ilalagay na mga heirs ay yong kayong magkakapatid lang para yong sa nanay at grandpatents nyo lang ang isusubject sa estate.
So, para sa tanong nyo, hindi lang po ang nanay nyo ang isusubject sa estate, pati po dapat ang lolo at lola.
Pro if in case nagpirma din sa extrajudicial ang mga pinsan nyo, dapat e process din ang estate nung kapatid ng nanay nyo.
@@birmattersguide2721 thanks po uli
Good eve po,may tanong lng po ako,hnd po kaya maloko kame nung isang kamag-anak namen na mag proseso sa doccuments,kasi yung kakilala lng daw nya ang gumawa ng SPA,ang inisil kasi namen,pag sa kakilala nya na abogado,baka matapos namen mag pirma ay baka padutungan nya ng benebenta na namen,at sya ang ina authorized,kasi maiksi lng po ang mga pangungusap na makalagay sa SPA
Possible po na mangayari. Dapat e specify isa-isa kung ano lang authority niya, dapat mayroon nakalagay na THE AUTHORITY DOES NOT EXTEND TO SELL OR TO TRANSFER PROPERTY OWNED BY THE HEIRS.
@@birmattersguide2721 cguro wala talaga kameng ibang paraan,kasi la naman kame pera panggastos ng doccuments,eto nlng po gawin namen,yung cnavi nyo po na,not to extend to sell
Sir pede maka henge ng pabor?pede po ba na gawan mo po kme ng kaunting pangungusap tunkol dun po,para yun po ang ipapasulat namen sa abogado?na pinapahintulutan nme na mag proseso ng doccumento,pero hnd pag benta,at hnd mag extend?ok lng po ba,sana po matulungan nio kame,yun nlng po talaga ang huli namen na gawin,para mabenta na ang lupa,at ng maka tikim naman ang mga magulang namen,kasi,matandang matanda na po ang mga magulang namen,at maka tikim kahit papanu,ok lng po ba?
@@birmattersguide2721 pede po ba na hum8ngi ng pabor po?baka pp pede mo kame gawan ng kaunting pangungusap na nagpapahitulot kame ng isang heir's na mag proseso ng doccuments po,kasi kasama nya ang buyer,dahil yun po ang magbabayad ng mga taxes,at hinde po kasama ang pag benta,kasi po,baka dugtungan nya pagkatapos namen pumirma sa SPA,sana po matulungan nio po kame,salamat po,god blessed po,
@@rodrigoadalid5650 dalawa e spa nyo para may kasama sya. Doon po kayo magpagawa ng spa sa lawyer na hindi nya choice. Alam kc yan ng abogado pano gawin ang spa kaya wala po ako sa posisyon para utusan sya ng isusulat.
Ok lng po ba na magpagawa ng SPA sa pag proseso,na may iba na hnd pipirma?at pipirma lng ng SAP ay yung mga interesado na ibenta ang kanilang portion?
Ok lang po yan.
Gud morning sir,pede ba magkaso kung ang lupa ay inaangkin ng isang kapatid?dahil buhay pa naman ang ibang kapatid,kaya sabi nya,hnd raw mabenta ang lupa dahil sya daw may ari,samatalang mga kapatid nya dilat pa ang mga mata
Pwd po kayo magkaso. Kaya lang need yan pera para sa lawyer. Ano document ang hawak nya?
@@birmattersguide2721 tittle,pero lahat ng papel na hawak nya,puro kopya lng,dahil wala pang tax
@@rodrigoadalid5650 title na nakapangalan sa lolo nyo?
@@birmattersguide2721 opo?kasi mula nang lumayas lolo ko sa lugar nla at napunta sa mindanao,hnd na nkabalik sa lugar nla sa negros,dahil ayaw nya bumalik na hnd kasama asawa nya,kaya nakapangalan pa sa kanya ang titulo,dahil pina xerox namen ang kopya,na hawak nt tiyo namen
@@rodrigoadalid5650 ic, kon nakapangalan yan sa lolo nyo, mamanahin yan ng lahat ng heirs. Hindi yon maginging pag aarai ng isang anak lang for the reason na hawak nya ang original ng titulo.
Sir, May property po na Hindi nbyrn Ng CAR. Ano dapat e present sa BIR para sa CAR. LHAT PO NA PROPERTY NA ILIPAT NA K NA NMAN PO MGA PAPERS KYA NA ILIPAT NA . LHAT PO NG PAPERS NASA ROD NA PO.
Good Day po Sir. Ang situation nyo po ay nagprocess kayo before ng estate tax pro may property na hindi nyo isinama sa extra-judicial settlement sa kadahilanan na ang property ay malayo? Ngayon gusto nyo na sya e process para mailipat din sa inyo?
Pag ganun po ang situation, gawa kayo nga ibang extra-judicial settlement para sa property na hindi nasama. Then, submit ulit ng death certificate ng decedent; TIN of the parties; Certified true copy ng tax declaration at certificate of no improvement kung walang improvement for effective revision at the time of death ng decedent; Certified True Copy ng Title from Register of Deeds; SPA kung hindi heirs ang mag process; then magbigay kayo ng copy ng previous CAR na naissue kahit xerox lang kc accumulated ang pag compute ng estate tax. E cocompute nyan ang estate tax for all properties of the estate then ibabawas ang dating nabayaran na estate tax.
@@birmattersguide2721 Thanks po sa pag reply. Yon pong property kasama po sa extra judicial byd na po state tax . D lang po nbyran Ang CAR Yong mga kasamang proprty NAKALAGAY SA extra judicial NAILIPAT na po. E2 Lang Isa Ang d nbyrn CAR. Ngayon po babayran na para mailiat na dn. Ano po mga dapat e present sa BIR?
Sir, yong property po na yan kasama sa extra-judicial settlement at nabayaran na ang estate tax pro hindi sya naissuehan ng CAR ng BIR. Pag paissuhan nyo ng CAR ang e present sa BIR ay ang death certificate; TIN of parties; extrajudicial; tax dec & certificate of no improvement (kung walang improvement) ng propeprty na yan; certified true copy ng title from register of deeds (kung may title); copy ng proof of payment ng estate tax; spa kung representative lang ang mag aayos; dalhin mo rin ang mga duplicate copy ng mga CAR ng ibang property kc baka kailangan mag attach ng mga photocopies noon. Tapos e present mo sa ONETT SECTION ng BIR District kung saan mo naprocess ang iba. Then ang babayaran nalang nyan ay P130.00 na certification fee at doc stamp.
On the other hand, paki check po ang extra-judicial kung ilan ba ang properties na nakalagay don? Then ilan ba ang CAR na naissue sayo ng BIR? Then makikita mo sa bandang baba ng CAR kung ilan ang CAR na nagawa ng BIR, example mayron yan na kalagay na 1 of 5, 2 of 5, 3 of 5, 4 of 5, and 5 of 5 kung sa limang properties lahat. Kc baka nagawan nila ng CAR tapos d mo lang naclaim.
@@birmattersguide2721 Thnks sir. Sa ROD po ano e submit na papers for transfer
Good Day po Sir. Regarding po sa ROD requirements, hindi ko na po masasagot yan kc kulang po ako sa experience regarding Register of Deeds processes. For now hanggang BIR palang ang kaya ko mashare na ideas.
Good day sir,tan9ng po ako ulit,ang market value ng lupa sir,19,000,sabi ng pinsan ko,hnd na raw pede ibenta 19,000,dahil,ang buyer ang magpoproseso lahat,cla mag bayad ng tax para mapatitulohan ang lupa,sa surveyor,at sa BIR,,cla maglalakad,ang samen,mga minor lng,PSA,TIN #basta sa malakihang bayarin cla,magkano pede namen ibaba sa market value,dahil sila naman naglakad lahat ng foccuments,ped kaya mga 17?or mababa pa?sana po ay mabigyan mo kame ng kunting kaalaman para hndi kame malugi sir,salamat po
Try nyo 17. Pro for sure expect tatawaran pa yan. Hindi ako gaano makatulong dyan kc hindi naman ako financial adviser, hindi rin ako appraiser at wala akong alam sa lugar nyo. Titingnan mo kc yan kung paano magagamit ang lupa, whether for commercial use, industrial or agricultural.
good day sir,ask lng ko sir,yung lupa sir,6,462 square meter, hahatiin po sa dalawa ang kabuuan,kasi dalawa cla magkapatid ng lolo ko,tapos po yung kalahati na 3,231 hahatiin po ng 11 ka tao,kompyot namen sir,nasa 297.3 ang bawat isa sa amin,kung kame ong po mag lakad ng share namen na 297.3,sapat kaya ang ang 200 thousand sa pambayad sa lahat ng tax?kasama ang surviyor?297.3 lng po na square meter sir,salamat sa pagsagot sir?kasama po penalty pp,sapat kaya ang 200 thousand?
Sa estate tax, possible sapat na yan. Sa surveyor hindi ko alam ang rate nila.
Pro kung including capital gains tax at doc stamp tax sa pagbinta, baka kulangin.
@@birmattersguide2721 kasama na pp ba ang sa bir?
mga 250 sir ksama bir?sapat na kaya
Ano po uunahin sa pag proseso po?sa bir po ba or sa assessors po
@@rodrigoadalid5650 bir muna. Ang pangalang ng property ay hindi yan ililipat sa bagong may-ari kung walang clearance galing sa BIR.
more power to you...!
Thank you po
si registered owner po patay at asawa..5 na anak patay na po pero buhay pa po ang ibang mga asawa..yung apo po ng isa sa mga anak ang tagapagmana..kanino po ang kukunin kong certificate of residency
Ang Certificate of Residency ay kailangan sya kung ang mag apply for estate tax amnesty.
Pwd din e support ang certificate of residency to establish jurisdiction kc ang estate ay doon e proproprocess sa BIR na may jurisdiction ng Domicile ng decedent.
Sino ang kukunan ng Certificate? For estate tax amnesty, dapat kunan bawat decedent. For regular na estate tax, kailangan lang yan kung iba ang address ng namatay doon sa death certificate nya compared sa actual address.
@@birmattersguide2721 binigyan po kasi ako ng requirements ng bir at nakalagay po dun yung certificate of residency na may check po. nakalimutan ko lng po itanong kung sino sino po ang kukunin. sa decedent po ba kasama rin na kukunin ng certificate of residency mga asawa nila po..and yung brgy po na kukuhanan is saan po located yung property or kung saan po sila namatay
@@one.investph kung ang place of death ng decedent sa kanyang death certificate ay sa labas ng jurisduction ng RDO na yan, kukuha ka na ng certificate of residency ng actual residence ng decedent para magkaroon ng jurisdiction ang RDO. Pero kung ang Certificate ay nagsabi na hindi sya resident dyan, sa ibang RDO mo e file ang estate.
Sir death certificate lng po dalhin namen para para magbayad ng rax?o may iba pa?
Death certificate; extrajudicial settlement; tax declaration at certificate of no improvement for effective revision at the time of death; Certified true copy ng title kung mayron; TIN ng mga heirs; Ang estate ng namatay kukunan din yan TIN bago makapag bayad ng estate tax (para makakuha ng TIN ng estate kailangan ang death certificate at extrajudicial settlement).
@@birmattersguide2721 wala pa po kameng true copy ng tittle,xerox lng po,tax declaration po,saan kukunin po?
Wala pong tin number papa ko,pede po saken?
@@rodrigoadalid5650 kung wala po yong name mo sa extrajudicial settlement hindi magagamit yong TIN mo.
@@rodrigoadalid5650 tax declaration at certificate of no improvement ay kinukuha yan sa assessor's office. Ang certified true copy ng Title sa Register of Deeds yan kinukuha or land registration authority.
Good day sir,pagkatapos ba magbayad sa BIR,pede na ba magpagawa ng deed of absolute sale?
Ano na po ba nabayaran nyo? Estate tax?
@@birmattersguide2721 wala pa,pupunta pa lng sa lugar ng property,magpa survey
@@rodrigoadalid5650 any time pwd naman kayo magpagawa ng deed of sale basta andyan lahat ng pipirma
@@birmattersguide2721 salamat sir,tapos sir ang sa amilyar sir?pede na ang buyer?pagawa nlng nga authority?
@@rodrigoadalid5650 pwd yan e charge sa buyer pro baka ibawas naman nya sa selling price. Pro pwd nyo pag usapan yan.
Hello po sir, pwede magtanong? Paano po kaya sir, noongJuly 2018 pa po namatay yung mother ko sir taz hanggang ngayon hindi pa kami nakaka file kase ngayon lang nalaman tungkol sa estate tax.
Malaki naba mababayaran namin?
Para sa namatay noong 2018, train law na ang susundin sa estate tax. Pag ang value ng estate ng decedent ay hindi lalagpas ng P5M late filing lang ang babayaran na nagrange from P1k to P25k.
Aabot po kaya sa 25k sir if 39sqmtrs lang yung lupa? Pasensya na po ah marami po akong tanong. Maraming salamat po ulit. Godbless
@@monjosephchavez4786 dipindi sa location ng property, at classification whether residential or agricultural. Makita yan pagkumuha ka ng tax declaration ng lupa at bahay sa assessor
Maraming salamat po sa inyu sir. Nalinawan po ako tungkol dito. Thank you and Godbless po 😊😊
@@monjosephchavez4786 welcome po
Ask ko lang po sir pwede po bang magbayad ng estate tax kahit tax declaration lang po yong documents ng lupa?pwede rin po bang mag voluntarily payment sa estate tax pra maka avail lang ng amnesty tax act.yong isang heirs po kasi nasa abroad pa,wla na po panahon pra sa apostille spa,saglit lang po namin nalaman about amnesty tax,sna mareply niyo po ako sir.thanks!
Kung wala pang titile ang property OK lang yan.
Regarding po sa voluntary payment? Hindi pwd kc ang payment form sa amnesty dapat pirmahan ng RDO or assistant RDO bago magbayad. Magpirma lang sila pagcomplete na ang mga requirements.
@@birmattersguide2721 thank you po!
@@loidacasipit6934 welcome po
Sir ask Lang paano po pag may improvent before mag asikaso ng estate tax late na kasi namin nalaman yung estate tax thanks po
Hindi ko po masyado ma gets ang tanong.
Regarding po, sa property ng estate, kung ang lupa ay may improvement like bahay or building, kailangan po eto isama sa pagcompute ng estate tax. If in case gumawa kayo ng extra judicial settlement pro hindi nasama ang building, kailangan nyo lang isubmit sa bir ang tax dec ng bahay para sa pag compute ng estate. Pro kung naprocess na ang estate at nabigyan na kayo ng clearance ng bir at hindi nasama ang building, gawa nalang kayo ng addendum sa sa extrajudicial para masubject sa estate tax ang building.
Good day po,may lupa ang lolo ko,pero namatay na sya noong 1991,at hnd nabayaran ang tax,ano po dapat namen gawin?para.ma claim namen ang lupa,magkano po kaya ang tax na mababayaran namen?6,462 square meter po un,magkano pa po ang lupa noong 1991?at magkano po ang lupa ngayon?nasa city po ang lupa sa bais negros?salamat po sa pagsagot po
Ang lupa ng lolo nyo ay paghahatian yan ng kanyang mga anak EQUALLY unless my will. Now, kung apat ang mga anak bali bawat anak ay may 25% share lang doon sa property. Now, kung patay na ang apat na mga anak, ang bawat 25% ay mapupunta doon sa mga apo. For example si anak A ay may 3 na anak; si anak B ay may 10 na anak; si anak C ay may 8 na anak; at si anak D ay may 1 na anak. Ang 25% share ni A ay paghahatian lang ng 3 nyang na anak; Ang 25% ni B ay paghahatian ng 10 nyang anak; Ang 25% ni C ay paghahatian ng 8 nyang anak; at ang 25% ni D ay mapupunta lang sa isa nyang anak.
Para sa iyong katanungan, kung buhay pa ang parents nyo sila po ang magclaim ng kanilang share. Pro kung wala na ang parents, ang mga apo na ang magclaim ng share. Panu eto gagawin? Pupunta kayo sa abogado at magpapagawa kayo ng extrajudicial settlement ng estate ng lolo/lola. Pagpunta nyo sa abogado dapat may dala kayo na mga katibayan sa property, death certificate nung mga namatay na, then mga Valid government issued ID nyo.
Pagnakapagawa na kayo ng extrajudicial settlement, e comply ang mga requirements sa videong eto para sa pagprocess sa BIR.
After sa BIR pupunta kayo ng ROD para sa pagpatitulo. Then punta din kayo ng Assessor para sa palipat ng tax declaration.
Para sa tanong nyo ng value nga property makikita yan sa tax declaration issued by assessor's office. Mayroon din sa zonal value ng BIR. Pro kung gusto nyo eto ibinta, pwd nyo eto ibinta mas mataas sa market value ng assessor at zonal value ng bir.
@@birmattersguide2721 salamat po,hnd po kasi namen alam kung magkano mababayaran namen sa tax,kasi po walang wala po kame,sa katunayan,ngayun lng namen nlaman na may lupa palang naiwan ang lolo namen,wala kamenh sapat na halaga para magbayad ng tax,kaya po,nagtanong po ako po,para nman po malaman namen kung magkano magagasto,kasi po,la tlaga kame pangbayad sa mga tax sa lupa na naiwan ng lolo namen
@@rodrigoadalid5650 ang tax na babayaran ay nakadipindi yan sa value ng property na makikita base sa mga required documents. Kung wala pong pambayad, pwd naman po mag binta ng ilang portion lang ng lupa para magkaroon ng pera pambayad. Dapat kc mahatihati yan early kc kung mag apo apo na yan magiging sanhi lang yan ng away ng pamilya.
@@birmattersguide2721 salamat po,pede po mag benta?ano po po ang duccuments na ipakita namen para mabenta ang kapiraso para may pambayad sa tax po?
may nakita pong buyer ang isa sa heirs po,yung buyer na daw po bahala sa gastos,kaso po,ang halaga na babayad ng buyer 10 milion lng po,mag nag sabi po na ang square.meter po ng lupa ngayon ay nasa 8 thousand per aquare meter,kompyot namen,aabot ng 50 kung 8k ang value,hnd po kaya masyagong malaki ang nabawas kung cla mag lakad ng mga.papeles?pancnya na po sa mga tanong ko po
sir sana ma bigyan mo ako advise
Sir paano po kung maraming property yung decedents tapos nakatoka na po sa mga anak pero patay na din po yung mga anak bali mga apo na po yung magmamana tapos yung mga anak po ng isang anak ng decedent gusto na pong mabayaran na yung estate tax pwede po bang ang bayaran lang eh yung isang property na mamanahin ng isang anak na patay na din po?
Hello po, pwd isa lang ang isusubject ng estate tax, basta isa lang ang property na ilalagay sa extrajudicial settlement. Pro kung ang property ay nakapangalan pa sa grandparents, e susubject pa sa estate tax ang grandparents at mga anak na namatay na.
Then if ever magprocess uli ng ibang property, kailangan nyo na e present ang clearance or car ng unang property na naprocess kc accumulated ang pagcompute ng estate tax.
On the other hand, kung ang mga decedent ay namatay 2017 pababa, pwd po kayo mag apply for estate tax amnesty for all properties sa BIR para po kayo makatipid. Ang Estate tax Amnesty ay until June 14, 2021 lang, unless e extend ng Comissioner.
@@birmattersguide2721 ok po salamat po
Gud evening po. Extra judicial settlement with sale po kasi ang i process namin. Paano po kung sa pagkuha po ng tax declaration s acessors office ay no improvement p ang naka record. Pero may bahay n po n nakatayo. Pwede po b n s pag issue n lng ng bagong titulo ipa register ung improvement s lot? Maraming salamat po & God bless po.
Baka hindi po yan na inspection ng assessor kaya NO IMPROVEMENT pa rin. Ipa inspection nyo po para magka tax declaration ang bahay. Pero kung nagmamadali kayo dahil sa baka magkapenalty, sige unahin nalang muna ang lupa.
@@birmattersguide2721Maraming salamat po s reply. Kung decedent TIN tax po ay 1904 BIR form ang kailangan. Ano po klase form kung ang babayaran n estate tax n namatay po sila 2013 at 2007? Para ma print n po kasi sana at mapag aralan ung form. Pasensya n po. Maraming salamat po s tulong nyo.
@@atoyot1014 sa pagbayad ng ESTATE TAX, ang gagamitin na form ay 1801.
@@birmattersguide2721 Maraming salamat po s tulong nyo po. God bless po🙏
Gud pm po ulit. Anong klase form po s BIR ang Capital gain tax? Documentary stamp tax? Saka po un g iba tagapagmana po wala TIN. Minsan po nagtitinda lang ng gulay. Ano BIR TIN form po ang iapply? Maraming salamat po ullit.
Sir, ano po ba ang usual na ilalagay sa SPA kung ang brother ko ay nasa Australia pero hindi po makakauwi dito sa Pilipinas para magasikso din ng estate tax dahil since 2011 pa po namatay ang father namin at 2006 naman ang mother namin at ngaun pa lang po maasikaso ang estate tax dahil hindi naman po kami aware d2. At wala pong iniwang will ang father namin kung kanino po ipamamana ang property. 5 po kaming magkakapatid pero ang isa ay patay na noong 2016 pa. Hanggang ngaun po hindi pa namin alam kung paano ito uumpisahang asikasuhin dhil kailangan pa ng mga PSA naming lahat.
Yong nasa Australia po gagawa sya ng SPA papunta sa e authorized nya dito sa pinas. Ilagay sa SPA na ang representative ang e authorized nya magpirma sa extra-judicial settlement inbehalf sa kanya; sya rin ang mag aayos ng estate tax ng parents nya para sa share nya; sya rin ang mag asikaso sa BIR gaya ng pagkuha ng mga TIN, pagpiram ng mga necessary documents; sya din mag aayos or kukuha ng documents or magprocess sa REGISTER OF DEEDS, ASSESSOR'S OFFICE, PSA, REGISTRAR and Other Offices na madadaanan ng transaction. Ang SPA galing australia dapat po yon e daan sa consol ng australia or dapat ipa apostile ang spa para maging valid sa philippines.
Since wala pong will, equally dapat ang sharing nyo, unless may isa sa mga heir nag mag waive ng rights nya.
Sa abogado po kayo muna pupunta para sa pagawa ng Extrajudicial settlement para sa pag hatihati. Kung may anak po ung isang kapatid na patay na, may share din sila. Before mag punta sa abogado dapat may SPA na kayo from kapatid na nasa australia.
@@birmattersguide2721 thank you po
@@birmattersguide2721 May question pa po uli. The same process pa rin po ba ang ilalagay sa SPA nya kung Ako at isa ko pang kapatid ang mghahati sa property kaya magiging dalawang titulo na po. Dahil napagkasunduan na po naming apat na magkakapatid na babayaran na lang namin sila, yung nasa Australia at isa pa naming kapatid. Yung namatay po naming kapatid ay walang asawa at anak, kailangan pa po bang kumuha ng cenomar nya para katibayan?
Kung ganyan pinag usapan nyo, ang ipapagawa nyo sa lawyer ay extrajudicial settlement with sale kc ibibinta naman ang share nung dalawa sa inyo. Then ung namatay na kapatid pag hindi nyo ilagay sa extrajudicial hindi nyo narin yan kukunan ng cnomar or death certificate kc wala naman sya asawa at anak. Then ang content ng spa ganun pa din e authorized ang representative na mag process ng estatd at sale.
@@birmattersguide2721 Regarding po sa certification of no improvement na isa sa mga requirement sa estate tax amnesty, ano po ba ang kailangan bago kami makakuha ng certification of no improvement sa assesors office? Actually hindi po kumuha ng bldg permit dati ang mga parents nmin para dun sa extension na ginawa sa bahay nmin.
Good evening sir,ask lng po ako sir?totoo po ba ang zonal value na nkalagay d2 sa website ng BIR?
Oo totoo yan. Pero dapat alam mo hanapin. Magkano ba nakita mo per square meter?
@@birmattersguide2721 nakalagay po kasi,1997 6k,2010 12k,tas 2018 17,750
nag search ko sa zonal value, tapos nakita ko,zonal value BIR, pinindoy ko ang RDO ng negros,download ko ang excel,nakita ko zonal value,17,750,kasi nasa proper po yung area nakita ko ang street,tiningnan ko,ang laki pala ng zonal value,tapos 10 million lng babayad nung buyer,kaya ayaw pumirma ang tiyohin ko,kasi nag alangan sya
@@rodrigoadalid5650 ipakita nyo po sa buyer. Or baka alam na yan ng buyer 😂😂😂
@@birmattersguide2721 cguro po alam na,kasi gusto nya sya maglakad ng doccuments lahat,kasi marame na daw sya nabili na mga lupa
Sir Pera Lang naman sa Banko ang kukunin namin mga naiwan niya bakit kailangan pa ng Form 1904 at bakit may BIR pa?
Ang 1904 po Sir ay Application Form yan para sa TIN ng Estate ng namatay at para din sa mga TIN ng heirs kung wala pang TIN ang mga heirs. Ang TIN na makukuha po d2 ay ilalagay yan sa BIR Clearance or Certicate Authorizing Registration (CAR) na e prepresent sa Bank para ma withdrew ang deposit. Ang TIN po ay kailangan yan sa BIR kc TIN base po ang mga transactions nila.
May isa din po akong video dito sir regarding sa pagwithdraw ng deposit ng namatay without BIR clearance, applicable sa deposit ng decedent na namatay 2018 onwards.
Ang 1904 na Form ay sa BIR din yan makukuha. Para sa TIN ng Estate kailangan ka po dito mag attach ng photocopy ng Death Certificate at extra-judicial settlement or affidavit of self adjudication, then SPA ng representative na kukuha ng TIN if the latter is not one of the heirs.
Ang videong eto ay para sa Real Properties ng namatay. Pro kung Bank Deposit lang ang concern nyo, paki disregard po ang requirements na Tax declatation, certificate of no improvement at Title, pro mag prepresent po kayo ng certificate of bank deposit na pirmado ng bank manager/bank representative na yan ang deposit AT THE TIME OF DEATH. Then ang content ng extrajudicial or affidavit of self adjudication ay sa amount of deposit lang.
Good day sir, pag bank deposit lang po ba ang concern,. Need lang po ba ng certification from the bank and deed of adjudication? Kasi marami po kasi hinihingeng requiements sir eh pera lang din po kukunin sa bank
@@Millionalonzo pag pera lang ang e subject sa estate ang requirements lang ay TIN ng estate at heirs; death certificate; self adjudication or extrajudicial; bank certification of deposit; and spa kung hindi heir ang mag process. Ibang usapan na ang real properties unless isinama mo eto sa extrajudicial or self adjudication.
Buyer po ako, pwede po ba ako ang magprocess ng estate tax (may Extrajudicial settlement of estate March 2021 and deed of sale May 2022 separate documents).
Concern ko po: yung lote lang po ba na Nabili ko sa seller ang Subject sa estate tax. Hindi na po ba Masasangkot ang iba pa nilang property. Please advise po. Maraming Salamat po.
Para maprocess mo ang estate dapat may SPA ka from the heirs.
Kung nakalagay sa extrajudicial ang ibang properties ng decedent madadamay yan sa processing ng estate, pero kung ang nabili mo lang ang nakalagay dyan yan la subject sa estate tax.
@@birmattersguide2721 Maraming salamat po Sir. Thank you po. 🙏 Sir yung EJS March 2021 wala po bang penalty ito sa BIR. (hindi rin naipublish ito).
Required po ba sa BIR ang publication sa pagbabayad ng estate tax.
Asawa nya namatay sa U.S.A. last 2019.
Is the authorization letter from heirs instead of SPA pwede napo ba ito.
Maraming Salamat po sa inyong tulong at information. Waiting po sa inyong good advise. 🙏🙏🙏
Hello po. Sir pano po mag online filing para sa estate?
Sa ebirform po kayo pupunta na makikita sa bir website. E download ang ebir form package tapos e install. Then pag maopen na sya hanapin mo ang form 1801, then fill out nyo then submit.
Hello Sir,
Heto po Scenario namin:
Tatay ko namatay -2015 - Ok na ako dito, I already understand yung form for Computation (Form 2118-EA) . On this form 2118-EA, there's a Deduction from Gross Estate which is called " Share of Surviving Spouse". I understand na po ito.
Nanay ko namatay - 2020.- What I do not understand yet is yung sa Nanay ( Form 1801) .
On this form, do I need to indicate the value for Surviving Spouse ( but my father died in 2015 po). Paano ko po ilalagay sa form yung Share ng Tatay ko ( died in 2015) .
I really appreciate your response po.
Noel
"Paano ko po ilalagay sa form yung Share ng Tatay ko ( died in 2015) " as Deduction .
Hello po, kaya po 1801 para sa nanay kc regular na estate tax na yan. Ung sa tatay qualified yon for estate tax amnesty kc namatay sya before Jan 1 2018. Para sa nanay, ang ilalagay mo nalang na value ay ang share nya sa property.
For example ang value ng property 1M, then conjugal property sya, then may 4 sila na anak. Ang share ng nanay ay 600k nalang. Computed as conjugal share 50% of 1M is 500k plus inherited property of 100k. Bali don sa 500k ng tatay maghatihati ung nanay at 4 na anak kaya may 100k.
Sa nanay wala ng deduction from surviving spouse kc sya ang huling namatay. Ang deduction lang na share of surviving spouse ay allowed lang doon sa tatay kc may surviving spouse pa sya. Pro sa nanay mo naman allowed sya ng standard deduction na 5M under the train law, kung ang share ng nanay hindi lumagpas ng 5M ma exempt po yan sa estate tax, pro be sure na mafile mo ang 1801 within 1 year from time of death para walang penalty for late filing.
@@birmattersguide2721
Hello po! Salamat po ng marami.
Yun po kase form 1801 , merong Column A, B, and C.
Ganito po pa ilalagay ko (based on your example)?
Real Properties:
Column A ( Exclusive Prop) - 0.00
Column B (Conjugal/Communal) - 1 Million
Column C (Total ) - 600K
Salamat po uli and God Bless po.
Noel
@@nmalabuo1 sa column B dapat 600 din po, kc kung ebirform po ang gagamitin nyo makikita nyo na nakaformula yan, once maglagay ka sa B, automatic lalabas yon sa C.
Yong sa C tama po kayo.
@@birmattersguide2721
So sa Part V -Schedules (Schedule 1 - Details of properties) , share din po ng Nanay ang ilalagay ko?
Based on your sample :
Column -FMV per TD - 600K
Column -FMV per BIR - 400k ( assuming ito yung zonal value , share of Nanay
Column - FMV whichever is higher
Conjugal - 600K
Tama po ba? Kung tama po ito, kelangan ko ba mag attach ng detailed computation kung paano nag-arrive ito, kase po baka tanungin ako ng taga BIR bakit hindi match ito sa FMV na nakalagay sa Tax Declaration and Zonal Value.
Thanks po uli and God bless po.
Noel
Sir kung namatay po ng 2019 at ngyon pa lang mag settle ng estate tax,pwede ko din po bang i avail ung tax amnesty?thank you
Hindi po pwd, kc ang amnesty ay applicable lang para sa namatay ng 2017 and prior years.
thank you so much po!
Di mo nadiscuss ang estate tax amnesty program
Yes po, hindi ko sya nadiscuss kc for regular lang na estate tax etong video ko. If ever po mag extend ng ng availment period ang estate tax amnesty baka magawan ko din yan ng video. (Estate Tax Amnesty ay until June 14, 2021 lang, unless magkaroon ng extension).
Hnd pa po namen napag usapan ang pera,sa aming pag uusap,pag pirma lng para mag proseso ng doccuments,hnd para mag benta,pero kung sinama ang pag benta,ibang usapan na yan,kelangan pag magbabayad ng pera,dapat andun kame,hnd pede sya lng mag isa,dahil may bahid na ang pagka tao nya
Pede ko ipasa ang picture sir?
Kung may kilala po kayo sa bank, pwd nyo po itanong kung anong tingin nila sa value ng property nyo, may mga appraiser kc yan sila.
@@birmattersguide2721 nasa city po kasi yung lupa,at plain po ang lupa,wala pong bundok bundok,malapit po sa palengke at city hall at sa plaza,
@@rodrigoadalid5650 yan palang na information magpapataas na yan ng value ng property.
@@birmattersguide2721 minamadali nga ng buyer sir ang mga doccuments,dahil alam ko maganda ang area ng lupa,kaya gusto nya na maays kaagad mga doccuments,pero ok png samen,mahalaga mabenta na,ok na.po ba ang 17?hanggang dyan po ba na value ay sapat na?cla namn nag asikaso ng mga doccuments?
@@rodrigoadalid5650 ok na yan basta agreed by all parties.
Sir ask po uli. Di po b based s
Based s time of death ang tax rate. S BIR pag namatay ng 1978 at not over P10k at pag 1994 not over P200k ang value ng net estate ito ay tax exempt. So Kelangan p rin po b magfile ng estate tax
@@astredmiranda1933 opo exempt sa estate tax, pro required mag file ng estate tax return. Since hindi nakapagfile agad ng estate tax return magkakaroon yan ng penalty for late filing, may penalty din for no notice of death, at may penalty din for no cpa certificate if applicable.
@@birmattersguide2721 thank you po
@@astredmiranda1933 welcome po
Sir paano magcompute ng estate tax po?
Kailan namatay ang decedent? Kc ibaba po ang computation dependi sa time of death.
2016 po namatay ang registered owner ng title sir, tapos 2006 nman yung wife. Bale po may extrajudicial settlement dated 2014 na ibigay sa heirs.
Ang total area po ay 119,181 sq.m. po. Yung 10 hectares ibinigay sa 10 na anak, tapos po ang remaining na 19,181 sq.m. ay ibinigay prin sa 4 na anak lang po.
Ang market value noong 2016 ng total area ay P2,956,190.20 at ang assessed value ay P886,860.00 po sir..
Nasurvey na po itong area sir.
Sir question lang po, mkakakuha po ba kami ng certified true copy of tax declaration kung meron pa po kami balance sa amilyar?
Sa pagkakaalam ko, may mga assessor na hindi nagbibigay ng tax dec pag hindi kapa nagbayad ng real property tax. Dipindi siguro yan sa assessor
@@birmattersguide2721 sa estate tax po sir paano po ang computation? Ang
Zonal value nung land property is 3,500 per sqm tapos ang sukat 461 . Namatay po ung great grand mother ko ng 1994 bali magiging under po sya ng RA 7499?
3,500 x 461 x 6% ganyan po ba pag compute ng estate tax?
@@novelynsansait6069 dapat ang zonal at the time of death ang gagamitin, then market value per tax dec whichever is higher, then less deduction if any, then x 6%.
@@birmattersguide2721 ah mag maiba po ang zonal value sa market value? paano ko po malalan yung market value nung land property?
yung po pala lote namin meron na rin po naka tayong bahay, bali isasama rin po ba ung value nung bahay sa babayaran sa estate tax?
@@novelynsansait6069 ang zonal value galing sa bir yan, then ang market value per tax dec ay galing sa assessor.
Isasama po ang bahay sa pagcompute kung ang bahay ay nakapangalan sa namatay.