'Tao Po': Batang walang mga kamay, katuwang ng ina sa paghahanap-buhay

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 16 พ.ค. 2024
  • Hindi naging hadlang kay Dwyne Wade "Utoy" Dote, apat na taong gulang mula sa Batangas City, ang kanyang pisikal na kaanyuan para patuloy na lumaban sa mga hamon ng buhay.
    Bunsong anak si Dywne sa apat na magkakapatid at ipinanganak na walang mga kamay habang tatlo lamang ang kanyang daliri sa kaliwang paa.
    Sambit ni Rosalinda Obradas, ina ni Dwyne, nalaman niya na lang umano ang kalagayan ng anak ng mailuwal na ito.
    "Mahirap pong tanggapin nung una pero naalala ko, anak ko po 'yun. Blessing po sa amin," dagdag niya.
    Kulang man ang bahagi ng katawan ni Utoy, sobra-sobra naman ang kanyang kayang gawin katulad na lamang ng pagtulong sa mga gawaing bahay at pagsusukli sa kanilang munting tindahan, paglalaro ng mobile games gamit ang mga daliri sa paa, at pagkain ng mag-isa.
    "Minsan nakikita ko ang kanyang kuya, naglalaro. Nakita ko, nagce-cellphone din. Pipindot din siya. Hindi po siya pabigat sa amin. Kahit po ganyan ang kalagayan niya, hindi po mahirap para sa amin at kinakaya po niya, parang normal din po siyang kumilos," banggit ng kanyang ina.
    Sa kasalukuyan, pag-aaral na ni Wade ang tinututukan ni Rosalinda lalo na ang pagbabasa at pagbibilang.
    "Kailangan nakatutok po ako lagi sa kanya. Papasok na po siya ngayong pasukan."
    Ulat ni Kabayan Noli de Castro para sa programang Tao Po. (April 7, 2024)
    For more ABS-CBN News videos, click the link below:
    • ABS-CBN News
    For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
    • The latest news and an...
    For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
    • News Digital Raw Cuts
    Subscribe to the ABS-CBN News channel! - bit.ly/TheABSCBNNews
    Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC:
    bit.ly/TVPatrol-iWantTFC
    Visit our website at news.abs-cbn.com
    Facebook: / abscbnnews
    Twitter: / abscbnnews
    #Exclusive
    #LatestNews
    #ABSCBNNews

ความคิดเห็น • 10

  • @user-rl4jr7jy1f
    @user-rl4jr7jy1f 15 วันที่ผ่านมา

    Cute ni baby❤ kaya mo yan mommy fighting❤

  • @juliagallardo5039
    @juliagallardo5039 11 วันที่ผ่านมา

    Pagpalain nawa kayo ng Pangnoon..manalig lng sa Diyos.

  • @Kuzimai
    @Kuzimai 20 วันที่ผ่านมา

    Ganyan ang tularang Ina,at mapagmahal na Ina,gabayan ka ni lord ate.sana maraming blessings pa nadarating sau.

  • @jheannezerna5499
    @jheannezerna5499 19 วันที่ผ่านมา

    Ang cute mh bb...mgiingat qah plagi💕😊

  • @kulasavlog
    @kulasavlog 20 วันที่ผ่านมา

    Pogi si utoy❤

  • @user-pv2ty6sr5j
    @user-pv2ty6sr5j 12 วันที่ผ่านมา

    Wala part 2 3 4

  • @estelitaasuncion2081
    @estelitaasuncion2081 15 วันที่ผ่านมา

    Suwerte daw ang mga gsnyan

  • @bing2961
    @bing2961 13 วันที่ผ่านมา

    mga ganitong tao ang nakaka tuwang tulungan .....hindi ka manghihinayang dahil alam mong nag susumikap sya...

  • @ginobalaod5223
    @ginobalaod5223 20 วันที่ผ่านมา +3

    Ito dapat tulungan
    Nang mga vlogger walang wala at disable pa ang anak nya
    Hindi poro diwata nalang tinulungan nila mga vloger
    Mapera na si diwata hindi na naghihirap. Hndi na dapat tulungan

    • @CJwalker-bw5kx
      @CJwalker-bw5kx 20 วันที่ผ่านมา

      Ikaw nalang padalhan mo