Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 13 Jul 2024 7a.m.

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ก.ค. 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
    Sabado ng Ika-14 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. July 13, 2024
    Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado
    UNANG PAGBASA
    Isaias 6, 1-8
    Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
    Nang taong mamatay si Haring Uzias, nakita ko ang Panginoon. Nakaupo siya sa isang napakataas na luklukan. Ang laylayan ng kanyang damit ay nakalatag sa buong Templo. May mga Serapin sa kanyang ulunan, at bawat isa’y may anim na pakpak. Dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa sa buong katawan, at dalawa ang ginagamit sa paglipad. Wala silang tigil nang kasasabi sa isa’t isa ng ganito:
    “Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan;
    Ang kanyang kaningninga’y laganap sa sanlibutan.”
    Sa lakas ng kanilang tinig ay nayanig ang pundasyon ng templo at ang loob nito’y napuno ng usok. Sinabi ko, “Kawawa ako. Marumi ang aking labi at naninirahan sa piling ng mga taong marurumi rin ang labi. Mapapahamak ako pagkat ako’y isang makasalanang nakakita sa Panginoon, ang Makapangyarihang Hari.”
    Pagkatapos, may isang seraping sumipit ng baga sa dambana, at lumipad na patungo sa akin. Ang baga ay idiniit sa aking mga labi, at sinabi, “Wala ka nang sala. Napawi na ang mga kasalanan mo.” Narinig ko ang tinig ng Panginoon, “Sino ang aking ipadadala? Sino ang aming susuguin?” Sumagot ako, “Narito po ako. Ako ang isugo n’yo.”
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5
    Panginoo’y naghari na!
    Ang damit n’ya’y maharlika.
    Panginoo’y naghahari, na ang suot sa katawan
    ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan.
    Panginoo’y naghari na!
    Ang damit n’ya’y maharlika.
    Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan
    kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw.
    Ang trono mo ay matatag simula pa noong una.
    Bago pa ang ano pa man, likas ika’y naroon na.
    Panginoo’y naghari na!
    Ang damit n’ya’y maharlika.
    Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,
    sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.
    Panginoo’y naghari na!
    Ang damit n’ya’y maharlika.
    ALELUYA
    1 Pedro 4, 14
    Aleluya! Aleluya!
    Hirap kaisa ni Kristo
    ay kapalarang totoo,
    kaloob ng Espiritu.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Mateo 10, 24-33
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
    Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang panginoon. Masisiyahan ang alagad na matulad sa kanyang guro, at ang alipin na matulad sa kanyang panginoon. Kung ang puno ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo na nilang aalimurahin ang kanyang mga kasambahay!
    “Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.
    “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    #onlinemass #livestreammass #padrepiomass
    Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
    Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

ความคิดเห็น • 52

  • @Cay815
    @Cay815 24 วันที่ผ่านมา +1

    Padre Pio, bless my family. And I claimed that I already healed from my lung cancer and thymus cancer. Amen 🙏🏼

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 24 วันที่ผ่านมา +2

    Thanks be to God🙏😊✋️🧡💚🩷💜 for the guidance and protection unto me my children and grandchildren..keep them safe from harm,in Jesus name i Pray❤🙏😊Amen

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 24 วันที่ผ่านมา +1

    Praise God , glory to our Lord Jesus, i trust in You! Amen❤🙏😊✋️🧡💚🩷💜

  • @SofiaMinoy
    @SofiaMinoy 24 วันที่ผ่านมา

    Sto Padre PIO pls heal my sickness and pls pray for us my family relatives and friends in Jesus name Amen Good morning everyone 🙏🙏🙏

  • @ofeliacabanilla523
    @ofeliacabanilla523 24 วันที่ผ่านมา

    Santo Padre Pio please ipanalangin Mo po kmi! Salamat sa Diyos! Amen❤

  • @user-pr1mq3nb4v
    @user-pr1mq3nb4v 24 วันที่ผ่านมา

    Mhal n Padre Pio paglingin mo n Po s lagnat ang aking manogang n SI keanlyn tongohan. Amen🙏🙏🙏❤️❤️❤️

  • @SUMNICEPPERSONIG
    @SUMNICEPPERSONIG 24 วันที่ผ่านมา

    SAINT PADRE PIO PRAY FOR US AND THE WHOLE WORLD. Thanks for the gift of this Holy mass. Glory and praise to you lord Jesus Christ now and forever. Thanks for the blessings you given me and to my family and for my successful surgery and speedy recovery .PRAYING for healing protection guidance and help us in all our needs and for my grandchildren in their studies 🙏❤♥ May the joy love and peace of the lord be with us all .Offering this mass for the souls of our faithful departed loved ones and all the souls in purgatory Good morning everyone and have great day Amen 🙏 ❤❤❤

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Panginooy Naghari Na, Ang Damit Niyay Maharlika Amen 🙏

  • @user-jt4in5gz6q
    @user-jt4in5gz6q 24 วันที่ผ่านมา

    St. Padre PIO, tinataas ko po sa inu ang mga anak ko at mga apo, immediate and complete healing sa mga may karamdaman. Financially help us. In Jesus name , Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind , Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen 🙏

  • @AmeliaTan-eu9zi
    @AmeliaTan-eu9zi 24 วันที่ผ่านมา

    Santo Padre Pio salamat ng marami sa lahat ng biyaya at pg gabay sa pamilya at patawad po sa aming paulit ulit n kasalanan.Amen 🙏🙏❤️

  • @rositalajara1638
    @rositalajara1638 24 วันที่ผ่านมา

    PADRE PIO THANKS SO MUCH FOR HELPING THE SICK PERSONS AMEN AMEN.❤❤❤❤❤❤💋💋💋💋👍👍👍👍

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

  • @vilmaarmado928
    @vilmaarmado928 24 วันที่ผ่านมา

    Padre pio pls help us pagalingin mo po lahat ng aming karamdaman ng familys ko po mawala na po kidney stone ni erik paa kamay ko manhid tulugan mo po ako padre pio makalakad na po ako normal amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Our Lady Of Fatima Pray For Us, And Please Help Heal Us Amen 🙏 Be With Us Always Amen 🙏

  • @lenniesilva2564
    @lenniesilva2564 24 วันที่ผ่านมา

    Mahal n Padre Pio pray for us Hear our Prayers Please protect always my family Nanay Dennis and my children Carlo and Danica Amen Thank you Lord Amen 🙏 🙏🙏🙏🙏

  • @vilmaarmado928
    @vilmaarmado928 24 วันที่ผ่านมา

    Padre pio pls help guide bless us everyday pls padre pio answer our prayersamen amen amen 👃👃👃💖💖💖

  • @mildredberango2472
    @mildredberango2472 20 วันที่ผ่านมา

    St. Padre Pio I fervently pray for healing of the siine of Evangeline Barbin, my 95 y/o aunt, we pray in the name of Jesus Christ. St. Padre Pio please intercede for us. Amen.

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 24 วันที่ผ่านมา

    Maraming salamat po mahal naming Panginoon Hesus Cristo Nazareno pinupuri ka po namin Panginoon Diyos holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Us Amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

  • @minnierosali4551
    @minnierosali4551 24 วันที่ผ่านมา

    Inaalay ko po ang misang ito para po sa aking pumanaw na mga mahal na magulang na sina Juanito at Luningning Rosali, Ricardo Rosali, Juliet del Mundo at Fering Rosali at sa lahat ng mga pumanaw amen

  • @JesusaChing
    @JesusaChing 24 วันที่ผ่านมา

    Good morning po ,padre pio thank you for the online mass,forgive our sin , thanks to all blessings,lord healed me my pain in whole body for the fast recovery,in Jesus name and amen

  • @soledadabila7607
    @soledadabila7607 24 วันที่ผ่านมา

    Panginoon gabayan mo ako sa aking disisyon. Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi And Nowen, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏

  • @zendichosoalim6380
    @zendichosoalim6380 23 วันที่ผ่านมา

    Maraming salamat po PADRE JESUS NAZARENO VIRGIN MARY PADREPIO
    NAWAY DINGGIN NYO PO ANG AKING MGA PANALANGIN NAGMAMAHAL.AMEN

  • @vilmaarmado928
    @vilmaarmado928 24 วันที่ผ่านมา

    Padre pio thanks giving mass for me michael jerry cox erik angela ellamae elisea logan thanks for all the blessing you give to us good health guidance safety protection healing all sickness bless our home everyday amen

  • @vilmaarmado928
    @vilmaarmado928 24 วันที่ผ่านมา

    Padre pio good morning po pls help guide bless me my son michael erik to solve our financial problem tulugan mo pk kami padre pio matapusan ito financial na ito amen

  • @vilmaarmado928
    @vilmaarmado928 24 วันที่ผ่านมา

    Padre pio pls help guide bless my grand daughter ellamae elisea to graduate their collage pls help them padre pio to pass their final exam amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 24 วันที่ผ่านมา

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen 🙏

  • @vilmaarmado928
    @vilmaarmado928 24 วันที่ผ่านมา

    Padre pio pls help guide bless my son michael jerry cox to solve their financial problem tulugan mo po sila padre pio matapusan nila ito financial na ito gabayan mo po sila at familys jerry cox amen

  • @minnierosali4551
    @minnierosali4551 24 วันที่ผ่านมา

    Mahal na poong Padre Pio tulungan at kaawaan po ang pamilya ni Romy bigyan mo rin po ng kaluwagan sa buhay matanggap po si Macmac sa trabaho pagalingin mo po si Marivic sa kanyang sakit kaawaanpo

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg 24 วันที่ผ่านมา

    Dear St.Padre Pio please pray for our families good health and safety, also our relatives & friends ( Dixie C.) thank you for all the blessings & graces we’re receiving everyday , please forgive our sins amen 🙏

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 24 วันที่ผ่านมา

    God is Good grabe sobra-sobra!
    All the time God is Good!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @rositalajara1638
    @rositalajara1638 24 วันที่ผ่านมา

    LORD JESUS HOLY SPIRIT THANKS FOR HELPING MY FAMILIES AND ASK FOR PROTECTIONS AMEN AMEN
    ❤❤❤❤❤❤❤😂😂😂😂👍👍👍👍

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 24 วันที่ผ่านมา

    Jesus Christ the son of God have mercy on us, forgive us our sins, heal and protect my whole family!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @imeldamediavillo8634
    @imeldamediavillo8634 23 วันที่ผ่านมา

    Thank you our loving lord st pio for all the love care help and guidance in our daily survival in life. Please stay with us lord to grant bless with good health clear eye vision safety and protection, amen.

  • @ampatinmelito7145
    @ampatinmelito7145 24 วันที่ผ่านมา

    Santo Padre Pio tulungin mo ako sa aking mga sakit..na mawa 16:55 wala o maalis ang tubig sa aking lungs at ang result sa biopsy of my lungs is benign at hindi cancerous as suspected by Doctors.

  • @user-yw6om6sz4m
    @user-yw6om6sz4m 24 วันที่ผ่านมา

    Lord maraming salamat po sa panibagong umagang binigay niyo sa amin at salamat lord sa kalakasan ng aming katawan sa araw-araw at salamat po sa paggabay niya sa pamilya ko sa araw-araw at maraming salamat sa biyayang tinatanggap namin salamat din po lord sa paggabay niyo sa mga anak ko lalo na po sa mga trabaho nila at sa apo ko po
    Amen Lord ❤️❤️❤️🙏🙏

  • @minnierosali4551
    @minnierosali4551 24 วันที่ผ่านมา

    Mahal na poong Padre Pio tulungan at kaawaan mo po kami bigyan mo po kami ng kaluwagan sa buhay ilayo sa anumang kapahamakan palaging gabayan lalung lalo na sina Bryan Jeff gabayan mo po sila

  • @pilardechavez2877
    @pilardechavez2877 24 วันที่ผ่านมา

    Our Almighty God Jesus Christ Mama Mary thanked you for all everything for the gift of love Pray for us Santo Padre Pio pagalingin mo po ang sakit na nararamdaman thanked from the bottom of my heart ❤🎉

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y 24 วันที่ผ่านมา

    Salamat sa Diyos 🙏🙏🙏💓

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 24 วันที่ผ่านมา

    Salamat sa Diyos!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @josefailagan3028
    @josefailagan3028 24 วันที่ผ่านมา

    Salamat sa dios🙏✌️♥️👏

  • @litta2043
    @litta2043 24 วันที่ผ่านมา

    Magandang umaga pong muli sa inyong lahat mahal na panginoon mahal na ina ng laging saklolo mahal na padre pio at lahat ng mga santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan at ngayon po ay muli kaming nagpapasalamat at kami ay muli ninyong ginising sa umagang ito kaya po walang hanggang pasasalamat namin at kami ay muling nagising sa arawaraw kaya po muli akong humihingi ng gabay at patnhbay sa inyong lahat na kami ay gabayan para sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay haplusin ninyo ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mapalis ang lahat ng sakit sa aking buong katawan sa tulong po ninyong lahat ay mawala ang lahat ng sakit sa aking buong katawan pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at ngayon po ay muli akong humihingi ng gabay at patnubay para dito sa dalawa kong anak na sila ay gabayan sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay muli korin inihihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na siya ay gabayan ninyo para mapalayo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot ito po ay hiling at dalangin sa inyong lahat ng isang ina na nagsusumo at nagmamakaawa sa inyong lahat na ako ay matulungan ninyo dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay mailayo ninyo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot kaya po mahal na ama saiyo na lang ako nagmamakaawa at naninikluhod na sana po ay maipagkaloob mo sa akin itong aking hiling at dalangin sa inyong lahat para dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay mailayo dito sa kanyang bisyong ito ang ipinagbabawal na gamot at mailayo rin sa mga taong siyang naglululong sa kanya sa bisyong ito alam ko po naman na hindi ninyo kami pinababayaan at kayo ay laging nasa aming tabi at laging handang tulungan sa orasoras arawaraw kaya po walang hanggang pasasalamat namin sa inyong lahat sa mga tulong na inyong ipinagkakaloob sa amin sa arawaraw kaya po muli akong humihingi ng biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya sa inyong lahat kaya po maraming marami pong salamat sa lahat ng inyong tulong

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 24 วันที่ผ่านมา

    Mary & Joseph pray for us!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM 23 วันที่ผ่านมา

    Thank you Jesus

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 24 วันที่ผ่านมา

    To God be all the Glory!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @rosanaromasoc1411
    @rosanaromasoc1411 24 วันที่ผ่านมา

    Mahal naming Padre PIO sa muli yakapin po ninyo kami ng inyong mapagpalang panalangin at pagmamahal please pray for us,heal us, through your intercession to our Lord Jesus Christ our Divine Healer and Physician, salamat po Mahal naming Padre PIO sa pangalan ni Jesus, amen Po amen 🙏🙏🙏

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y 24 วันที่ผ่านมา

    Special intention for my healing Corazon Rivera

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y 24 วันที่ผ่านมา

    Special intention for my Family Corazon Rivera

  • @rositalajara1638
    @rositalajara1638 24 วันที่ผ่านมา

    ❤❤❤❤🎈🎈🎈🎈🍓🍓🍓🍓 AMEN AMEN