- 52
- 122 369
Robert John Donesa
เข้าร่วมเมื่อ 23 พ.ย. 2010
Mensahe ng Ispirasyon, Pagtatapos ng LET Review
Mensahe ng Inspirasyon, Pagtatapos ng LET Review
มุมมอง: 20
วีดีโอ
Kapuluang Timog-silangang Asya: Heograpiya, Kapaligiran at Sonang pang-Kultura
มุมมอง 2148 หลายเดือนก่อน
Ang bideong ito ay para sa aking mga mag-aaral sa Kapuluang Timog-silangang Asya.
Wikang Filipino sa Internet
มุมมอง 4608 หลายเดือนก่อน
Ang bideong ito ay para sa mag-aaral ng Wikang Filipino.
Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan
มุมมอง 7018 หลายเดือนก่อน
Ito ay maikling lektura sa Filipino bilang wikang pantalakay sa larangan ng Humanidades, Agham Panlipunan at Iba pang kaugnay na larangan
Rebyu sa Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
มุมมอง 5389 หลายเดือนก่อน
Rebyu sa Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
Dalumat sa Filipino: Unang Lektora
มุมมอง 31210 หลายเดือนก่อน
Ang bideong ito ay panimulang pagtatalakay sa Dalumat sa Filipino.
Mensahe para Katarungang Pambarangay Training Seminar Ika-8 ng Pebrero 2024
มุมมอง 9110 หลายเดือนก่อน
Mensahe para Katarungang Pambarangay Training Seminar Ika-8 ng Pebrero 2024
Retraktasyon ni Dr. Jose Rizal (The Retraction of Dr. Jose Rizal)
มุมมอง 4.2Kปีที่แล้ว
Retraktasyon ni Dr. Jose Rizal (The Retraction of Dr. Jose Rizal)
Leadership Training Seminar, Sangguniang Mag-aaral ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag
มุมมอง 38ปีที่แล้ว
Leadership Training Seminar, Sangguniang Mag-aaral ng Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag
Inspirational Message, Training Teachers of Action Research (TARP): A Community Extension Project
มุมมอง 42ปีที่แล้ว
Inspirational Message, Training Teachers of Action Research (TARP): A Community Extension Project
Pangwakas na Pananalita, BTECH Pinning Ceremony
มุมมอง 61ปีที่แล้ว
Pangwakas na Pananalita, BTECH Pinning Ceremony
Readings in Philippine History: The Manunggul Jar
มุมมอง 4Kปีที่แล้ว
Readings in Philippine History: The Manunggul Jar
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagpapakilala (Readings in Philippine History).
มุมมอง 1.1Kปีที่แล้ว
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Pagpapakilala (Readings in Philippine History).
ROBERT JOHN I. DONESA for EDUCATOR'S CATEGORY #GlobeHeroesofLearning
มุมมอง 106ปีที่แล้ว
ROBERT JOHN I. DONESA for EDUCATOR'S CATEGORY #GlobeHeroesofLearning
Suspenso: Mariano Ponce Bilang Isang Mag-aaral
มุมมอง 1.3K2 ปีที่แล้ว
Suspenso: Mariano Ponce Bilang Isang Mag-aaral
Bayan ng Sambalilong Buntal sa Ika-289 Taong Anibersaryo: Baliwag Pinagtibay ng Pandemya
มุมมอง 1922 ปีที่แล้ว
Bayan ng Sambalilong Buntal sa Ika-289 Taong Anibersaryo: Baliwag Pinagtibay ng Pandemya
Legal Framework in Tourism and Hospitality Industry (R.A. 9593 The Tourism Act of 2009)
มุมมอง 2.8K2 ปีที่แล้ว
Legal Framework in Tourism and Hospitality Industry (R.A. 9593 The Tourism Act of 2009)
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Nakaraan, Maraming Salaysay
มุมมอง 2.6K3 ปีที่แล้ว
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Nakaraan, Maraming Salaysay
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Ang Mga Saligang Batas ng 1899, 1935, 1973 at 1987
มุมมอง 24K3 ปีที่แล้ว
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Ang Mga Saligang Batas ng 1899, 1935, 1973 at 1987
Mga Likas na Sakuna sa Rehiyon III noong Panahong Kastila
มุมมอง 1.2K3 ปีที่แล้ว
Mga Likas na Sakuna sa Rehiyon III noong Panahong Kastila
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Ugnayang Panlabas ng Pilipinas
มุมมอง 2.4K3 ปีที่แล้ว
Mga Babasahin sa Kasaysayan ng Pilipinas: Ugnayang Panlabas ng Pilipinas
Sino po mismo ang nag sabi o patunay na sa Butuan nangyare pa sagot po importante lang
@@ClarissaTarrayoAlvarez-j8f si Antonio Pigafetta po. Pakinggan ang boung bideo.
Nasan na po ung butuan argument
heeloo po
sir donesa ani po ung video editor na ginamit nyo pede po nalaman❤❤
sa google classroom lang po, yung record doon.
tapos google slide naman yung parang powerpoint.
@@RobertJohnDonesa sir maraming salamat po ulit need po kasi sa project .. 🥰🥰🥰 🥰 🥰
👏👏👏
hello po, sir. may pdf po ba kayo?thank u po
Meron Po bang upload ng slides?
Ey
Thank you for compiling all of this information. I did not know that this is what my relative experienced. My relative, Courtney Draper, is listed as Lt. John Doe in Vic Mapes book but is listed in the other sources as Lt. Draper. Courtney was killed on the Enoura Maru on January 9, 1945.
Wow thank you! Do you have a picture of Lt. Draper?
@@RobertJohnDonesa If you search Courtney Rogers Draper, you’ll be able to find a photo.
@@camillemnoel thank you again.
Mendoza, Axel James D.C (Uploaded first at classroom po sir) Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? Sagot: May ilang paraan upang mapalawig ang paggamit ng pambansang wika sa internet: 1. Pagsasalin ng mga Platform: Magkaroon ng mga online platform tulad ng social media sites, blogging platforms, at mga website na may mga bersyon sa pambansang wika. 2. Edukasyon at Kampanya: Isulong ang kampanya para sa edukasyon tungkol sa kahalagahan ng pambansang wika sa internet at ang mga benepisyo nito sa pagpapahayag at pag-unawa. 3. Pagpapalaganap ng mga Tool sa Wika: Pag-develop ng mga tool at application na sumusuporta sa pagsasalin ng content sa pambansang wika at sa paggamit nito sa mga online interactions. 4. Pagpapalakas sa mga Komunidad: Itaguyod ang mga online community na gumagamit ng pambansang wika para sa pagtutulungan at pagpapalitan ng impormasyon. 5. Pagpapalakas ng Online Content: Lumikha ng maraming online content na nasa pambansang wika tulad ng blogs, articles, podcasts, at videos upang magbigay ng mga mapanlikha at makabagong mga paraan ng pagpapahayag. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaari nating mapalawig ang paggamit at pagpapahalaga sa pambansang wika sa internet, na nagbibigay daan sa mas malawak na access at pagtangkilik mula sa mga tao.
Hello I have answer uploaded in our gclass po, hehe. Thank you
Kassandra T. Roa BSHM-1Q FILDIS ACTIVITY 3 5 primary sources 1. Ang Buhay sa Ilalim ng Kahirapan: Isang Panayam sa mga Mahihirap na Pamilya. 2. Mga Kuwento mula sa Kalsada: Buhay ng mga Walang-tahanan at Kahirapan sa Kamaynilaan. 3. Paglaban sa Kahirapan: Mga Salaysay mula sa mga Nagsisikap na Makalabas sa Kawalan. 4. Mga Pagsasalaysay ng mga Manggagawa: Kahirapan sa Likod ng Trabaho. 5. Pangarap sa Gitna ng Kahirapan: Mga Testimonya ng mga Batang Lumalaban para sa Edukasyon. 5 secondary sources 1. Pag-usbong ng Kahirapan: Isang Pananaliksik sa mga Sanhi at Epekto. 2. Diskriminasyon sa Lipunan: Ang Hindi Pagkakapantay-pantay at Kahirapan. 3. Hamong Pang-ekonomiya: Pagsusuri sa Mga Suliranin ng Kahirapan at Pagkakapantay-pantay. 4. Paglalarawan ng Kahirapan: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Hamon at Solusyon. 5. Mga Implikasyon ng Kahirapan: Epekto sa Lipunan at Patakarang Pangkaunlaran.
21:52 - 35:20
Mendoza, Axel James D.C BSTM 2E (uploaded at classroom first po sir) Ang kasabihang "kung ano ang bigkas ay siyang baybay" ay nangangahulugang ang paraan ng pagbigkas ng isang salita ay nagtutukoy sa tamang baybay o pagbaybay ng salita. Ito ay nagsasaad na ang paraan ng pagbigkas ay sinusunod o nauugnay sa tamang pagbaybay ng isang salita sa wika. Isang halimbawa ng panuntunang "kung ano ang bigkas ay siyang baybay" ay ang salitang "kasaysayan." Ang wastong bigkas nito ay "ka-say-sa-yan," kaya't ang tamang baybay nito ay "kasaysayan" at hindi "kaysaysayan" o iba pang pagkakasulat.
Noted
Lita, Jancel Aron R. BSTM 2E MARAMING SALAMAT PO SIR. Ang "kung ano ang bigkas ay siyang baybay" ay isang patakaran sa pagsulat ng mga salita sa Filipino. Ibig sabihin nito, isinusulat natin ang mga salita kung paano natin sila binibigkas. Halimbawa: Ang "telepono" ay binibigkas na [te-le-po-no], kaya ganoon din ang pagsusulat nito. Ang "elepante" ay binibigkas na [e-le-pan-te], kaya ganoon din ang baybay nito. Sa madaling salita, kung paano mo naririnig ang salita, ganoon mo rin ito isusulat.
Noted.
Jden Kasselle D. Arandia BSHM 1-O Paano natin mapapalawig ang pambansang wika sa internet? Upang mapalawig ang pambansang wika sa internet, kailangan nating patuloy na gamitin ito sa lahat ng paraan na maari. Mahalaga rin na magkaroon tayo ng sapat na access sa internet at iba pang digital na kagamitan para sa paggamit at pagsusulong ng ating pambansang wika online. Ang paggamit ng ating pambansang wika sa iba't ibang online platforms, tulad ng social media, blogging, at iba pang online communities, ay malaking tulong upang mapalaganap ang ating wika. Sa pamamagitan ng pagpost at pagbahagi ng mga kaalaman, karanasan, at kultura sa wikang Tagalog, nagiging bahagi tayo ng patuloy na pagpapalawig ng paggamit nito sa online na mundo. Higit pa rito, mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang ating wikang Tagalog. Sa pag-aaral at paggamit ng tamang salita at estruktura ng wika, nagiging mahalaga natin ito at napapalawig ang kaalaman at pag-unawa natin sa ating sariling kultura at identidad. Isa pang paraan upang mapalawig ang pambansang wika sa internet ay ang pag-promote nito sa pamamagitan ng mga online na pag-aaral, tutorial, o balita. Sa paglikha at pagbahagi ng mga online na materyales na nagtataguyod ng wikang Tagalog, nagiging mas accessible ito sa mas maraming tao at nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na matuto at magamit ang ating wika. Sa huli, ang pagpapalawig ng pambansang wika sa internet ay nangangailangan ng ating kolektibong pagkilos. Patuloy na gamitin ang wikang Tagalog sa online na kalakaran, itaguyod ito sa iba, at palawakin ang kaalaman at pag-unawa natin sa ating pambansang wika. Sa tulong ng teknolohiya at ang ating dedikasyon, magtatagumpay tayo sa pagpapalawig ng ating pambansang wika sa digital na mundo.
FILDIS act.3 JERWIN CLARENCE S.BALAGTAS Primary sources: 1 Pakikipanayam sa mga guro, mag-aaral, o mga tagapagbalangkas ng patakaran sa edukasyon. 2.Orihinal na mga dokumento sa edukasyon tulad ng mga plano ng aralin, gabay sa kurikulum, o mga patakaran sa edukasyon. 3. Mga personal na dokumento tulad ng mga dyaryo o liham na isinulat ng mga guro o mag-aaral. 4. Obserbasyon sa silid-aralan na isinagawa ng mga mananaliksik. 5. Pagsusulit ng mga mag-aaral o mga talaan ng pag-aaral. Secondary Sources: 1. Article sa mga akademikong journal na nag-aanalisa ng mga trend o isyu sa edukasyon. 2.Aklat ng mga iskolar na naglalahad ng mga kasaysayan, teoretikal na balangkas, o mga natuklasang datos kaugnay ng edukasyon. 3. Ulat ng gobyerno o puting papel na naglalahad ng datos at analisis tungkol sa mga patakaran sa edukasyon. 4. Pagsusuri o meta-analysis ng mga umiiral na literatura sa pananaliksik ukol sa edukasyon. 5. Article sa pahayagan o magasin na nag-uusap tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari o kontrobersya sa edukasyon.
Jonh Paulo Javier BSHM 1-Q Ano ang ibig sabihin ng panuntunan na "kung ano ang bigkas ay siyang baybay Kung anong bigkas syang baybay ibig sabihin sa tagalog kung paano mo mismo bigkasin ang salita yon din mismo ang spelling halimbawa sa salitang tagalog kumpara sa English na meron word na the THE yung spelling yung baybay pero ang bigkas ay the na ibang iba sa konsepto ng tagalo may mga hineheram din tayo na salita sa ibang wika na kung paano bigkasin doon natin kinokonekta ang baybay halimbawa yung janitor ayon talaga ang bigkas non dahil wala naman j sa tagalog ginagamitan natin ito ng dya para mabigkas ang salitang dyanitor sa tagalog. Kung anong bigkas syang baybay kung pano i pronounce ganon din ang mismong spelling ganon sa tagalog at filipino
Noted John Paulo
done watching sir
done watching po sir
Casi, Benjamin Malaki ang epekto ng pagkakatulad-tulad nating mga asyanong nasa kapuluan ng timog-silangang asya. sa kasaysayan ng relihiyon magkakatulad ang mga sinasamba ng mga sinaunang pilipino sa mga sinasamba ng mga ibang nasyon gaya ng Thailand. Bawat aspeto ng pamumuhay ay meron silang diyos na nagpoprotekta sa kanila. Sa pagkain malaki ang pagkakatulad ng mga pagkain ng mga nasa kapuluan ng timog-silangang asya gaya ng spices na gamit natin sa mga lutuin ay gamit din ng mga nasa ibamg kalapit bansa. Kaya hindi maitatanggi na mahihilig sa malasa at maanghang ang mga asyano. Sa kultura nang pamumuhay na angat ang agrikultura sa timog-silangang asya na dito halos nangggaling mga produktong umiikot sa buong daigdig. Ang mga ito ay dahil sa likas na kagandahan ng topograpiya ng timog silangang asya. May mga panahon na tagulan na kailangan ng lupa para makapag tanim at tagaraw na kailangan ng mga pananim para yumabong. Kaya mayaman ang kultura, kasaysayan dahil nasa Timog silangang asya ang buhay ng daigdig.
Recorded. 🍒🍒🍒
ROSEMARIE D. SOLIVEN BSTM 2-E Ang "omsim" ay isang salitang balbal o "slang" na kung saan ito ay ginagamit sa mga di-pormal na paguusap.Sa paaralan ng FEU, ito ay karaniwang ginagamit ng mga estudyante sa kapwa nilang estudyante upang magsaad na ang sinabi ng isang tao ay tama. Ang salitang “omsim” ay nagmula sa salitang Tagalog na “mismo” na ginagamit ng mga tao, lalung-lalo na ng mga kabataan, kapag ang isang tao ay may nabanggit na isang tamang pahayag. Maaari ring gamitin ang salitang ito upang magbigay diin sa mga pahayag na totoo. Nabuo ang salitang “omsim” sa pamamagitan lamang ng pagbasa ng “mismo” pabaliktad. Ang kahulugan nito ay katulad lamang ng pakahulugan sa pinagmulan nitong salita. Sa pag-iral nito sa mga estudyante kapag ang isang tao ay may nabanggit na isang tamang pahayag. Maraming salamat po.
ROSEMARIE D. SOLIVEN BSTM 2-E Ano ang ibig sabihin ng panuntunan na" kung ano ang bigkas ay siyang baybay" Baybayin ang tawag sa abakada ng ating mga ninuno bago pa dumating ang mga Kastila at modernong sibilisasyon sa ating lupain. kung ano ang bigkas ay siyang baybay. Ibig sabihin, kung paano mo ito sinasabi ay iyon ang spelling o pagbaybay. Kumbaga, babatay ka sa tunog ng bibig kung paano mo ito isusulat sa titik o sa babaybayin. Kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa. Halimbawa dyanitor =janitor Pondo=Fondo Normal=formal Thank you po
SOLIVEN, ROSEMARIE,D. BSTM 2-E Ang wikang pambansa ay ang daan s pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang Bansa ginagamit nating ito araw araw sa pakikipag usap o pangkomunikasyon gamit ang Filipinong lenggwahe sa pakikipag usap,sa pagchachat gamit ang messenger sa pagpost gamit ang Facebook ay napapalawak natin ang pambansang wika ng mga Filipino.
Mantawid, Shermae D.G BSTM 2E Pano natin mapapalawig ang pambansang wika sa internet ? Upang mapalawig ang paggamit ng pambansang wika sa internet, mahalaga na magkaroon ng mga kampanya at programa na naglalayong magtaguyod ng kahalagahan nito. Maaaring magsagawa ng mga online tutorials at resources na nakatuon sa pagtuturo at pagpapalaganap ng Filipino sa digital na paligid. Bukod dito, ang paggamit ng pambansang wika sa mga online platforms at social media ay dapat itaguyod at ipromote upang masanay ang mga tao sa paggamit nito sa kanilang araw-araw na online interactions.
Graded.
de Leon Maybelyn V. Bstm 2E Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet ? Bilang isa sa kabataan sa ating mundo, Mapapalawig natin ang pambansang wika sa internet sa pamamagitan ng tamang pag gamit neto sa social media lalo na sa panahon ngayon na maraming kabataan ang madalas na gumamit nito. Halimbawa nito ang mga pag popost sa social media gamit ang wikang filipino at pag gawa ng mga content. Sa patuloy na pag gamit natin nito mas mapapanatili natin ang tunay na kahalagahan ng ating wikang pambansa.
Graded.
Tabada, Jerry Miriam G. BAH 2B Para sa akin ang epekto ng pagkakaroon ng ganitong uri ng kapaligiran sa Timog-Silangang Asya ay nagbunga ng maraming epekto sa mga bansa nito pagdating sa usapin ng kasaysayan at kultura. Halimbawa na lamang sa kasaysayan, dahil ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay masagana sa iba't ibang klase ng mga "spices" kung kaya't maraming mga dayuhan ang dumarayo dito upang sakupin ang mga kapuluan na ito noon o kung hindi naman kaya ay makipagkalakalan sakanila. At dahil sa ang mga bansa na ito ay magkakalapit lamang at ang kanilang kapaligirang kinagisnan ay parehas lamang hindi nakapagtataka na maraming kultura dito ang halos magkakamukha, katulad na lamang ng pagiging relihiyoso, bagama't magkakaiba man na sa ngayon ang relihiyon ng mga bansa na ito ngunit ang pananampalataya para sa ating Diyos na kinikilala ay matatag. Ang pagkakaroon din ng pagmamahal at malasakit sa pamilya na katulad nabanggit sa lektura ay pare parehas din ang mga bansa na ito, na siyang isa sa masasabing kilalang kultura sa mga bansa ng Timog - Silangang Asya.
Recorded. 🍒🍒🍒
Dela Cruz, Jason Mark A. Para sa akin, ang south east asia ay mayaman sa kultura at mga magagandang tanawin, mga yamang tubig na nag gagandahan at higit sa lahat sa mga masasarap nitong mga pagkain. Kaya isa narin ito sa mga nasakop ng mga nasa kanluran. Kaya kung mapapansin natin nag kaiba iba rin ang mga relihiyon at mga tradisyon ng mga bansang ito, mostly mga Chinese, Indians at mga Muslim. Kung titignan din natin nasa strategic position ang mga bansang naka paloob dito, dahil dito din dumadaan ang mga nangangalakal at mga kalakal. Kaya may mga bansa ding gustong angkinin ang mga karagatan dito. Malaki din ang naging gampanin ng rehiyon na ito sa kalakalan dahil dito sila nakakakuha ng rubber at palm oil, mayaman din tayo sa mga mahahalagang mineral, kagaya ng ginto Kaya masasabi nating malaki talaga ang naging ambag ng timog silangan asya sa mundo ng kasaysayan.
Recorded. 🍒🍒🍒
Enriquez, Glyx Antonio Dg ang masasabi ko po ay ang Kapuluang Timog-Silangang Asya ay mayaman sa kultura, kasaysayan, at likas na yaman. Ang mga bansa tulad ng Indonesia, Pilipinas, Malaysia, at iba pa ay bumubuo ng rehiyong ito na may magkakaibang tradisyon at wika. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, nagkakaisa sila sa pag-unlad at pakikipagkapwa-tao. Ang mga magagandang tanawin at natural na yaman ng rehiyon ay patuloy na bumibihag sa mga turista. Gayunpaman, may mga hamon din tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at kalamidad dulot ng klima. Mahalaga ang pagtutulungan at kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon upang malutas ang mga suliranin at palakasin ang kanilang ekonomiya. Ang Kapuluang Timog-Silangang Asya ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga mamamayan nito.
Recorded.
Manapat, Carlo DC. Ang kapaligiran ng Kapuluang Timog Silangang Asya ay may malaking epekto sa Kasaysayan at Kultura ng mga bansa, katulad ng Geograpikal na Lokasyon ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay matatagpuan malapit sa katubigan ito ay magdudulot ng impluwensya sa kultura at kalakalan. Nandyan ang Klima at panahon ang Timog Silangang Asya ay mayaman sa likas na kayamanan na nagdudulot ng pagbabago sa kasaysayan.
Ramos, Arnie R. Ang kapaligiran ng Timog-silangang Asya ay malaki ang naging papel sa paghubog ng kasaysayan at kultura ng mga bansa sa rehiyon. Ang rehiyon ay binubuo ng iba't ibang mga isla na may malalim na kasaysayan ng paglalakbay at kalakalan, na nagbigay-daan para sa malawak na kultura at lingguwistikong pagkakaiba-iba. Una, ang mga natural na yaman ng rehiyon tulad ng mga kagubatan, mga ilog, at karagatan ay nagbigay-daan para sa pag-unlad ng iba't ibang mga industriya tulad ng pangingisda, agrikultura, at pagmimina. Ito rin ang nagbigay-daan para sa malawakang kalakalan na nagdulot ng pag-unlad sa ekonomiya at kultura ng mga bansa sa Timog-silangang Asya. Pangalawa, ang klima at topograpiya ng rehiyon ay nagdulot ng iba't ibang mga paraan ng pamumuhay. Ang mga komunidad sa mga coastal areas ay nagkaroon ng kultura na nakasentro sa karagatan, habang ang mga komunidad sa mga kabundukan at kagubatan ay nagkaroon ng kultura na nakasentro sa lupa. Sa kabuuan, ang kapaligiran ng Timog-silangang Asya ay nagkaroon ng malaking impluwensya sa kasaysayan at kultura ng mga bansa sa rehiyon. Ang mga natural na kondisyon at yaman ng rehiyon ay nagbigay-daan para sa iba't ibang mga kultura at tradisyon na umusbong at umunlad sa loob ng maraming siglo.
Recorded. 🌷🌷🌷
Sulit, Lady Ann B. BSTM 2-E Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? - Para po sakin may iba pang mga paraan para mapalawig ang pambansang wika sa internet. Pwedeng magtayo ng mga online communities o forums kung saan ang pangunahing wika ay Filipino. Makakatulong din ang pag-organize ng mga online events tulad ng webinars o workshops na nakatuon sa pagpapalakas ng paggamit ng pambansang wika. Bukod dito, pagpapalaganap ng mga online resources tulad ng dictionaries at language learning apps na nakatuon sa Filipino ay makakatulong din sa pagpapalawig nito sa internet.
Graded.
Talisay, Vian Joseph A. BSTM 2-E Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? Para mapalawing natin ang ating pambansang wika ay dapat tangkilikin natin ang pagsasalita o pag gamit sa isang mensahe ng ating sariling wika lalo na kung tayo ay nakikipag usap lang naman tayo ng kaswal. Malaki ang impluwensya ng wikang ingles sa ating bansa, lalo na ito ang pangunahin wikang ginagamit sa kalakalan ng bawat bansa ngunit huwag pa din natin kalimutan ang ating pambansang wika. Maraming salamat po sir
Graded.
Balanday, Acielyn, M. BSTM 2E Para po saakin ay ang wikang pambansa ay mahalaga sa ating bansa dahil dito tayo nakikilala at ito ang isa sa ginagamit natin salita upang mag kaintindihan ang bawat isa, sa panahon natin ay halos lahat ng tao ngayon ay gumagamit ng internet kaya mahalaga na ang pambansang wika ay nakikita parin natin sa internet, maari nating i post ito sa mga social media gaya ng youtube, facebook at tiktok dahil yan ang mga karaniwang ginagamit ng mga taong gumagamit ng internet kaya mahalagang nakikita natin ito sa internet ng hindi den ito nawawala at madalas makita. Maraming salamat po!
Graded.
LITA, JANCEL ARON R. BSTM-2E Maraming Salamat po, Sir Donessa! Para po sa akin ang bagong salitang madalas na aking binabanggit ay ang "bet" dahil para sakin ito ay isang salitang pang-ekspresyon na kadalasan kong ginagamit o kahit ng mga kabataan sa online at offline na pakikipag-usap. Ito din ay maaaring gamitin bilang, pagpapahayag o pagpapakita ng pagkamangha, o pagsang-ayon sa isang ideya o sitwasyon. Halimbawa, "Ang ganda naman ng bagong damit mo, bet ko yan!" o "Bet ko talaga ang bagong kanta ng enhypen ngayon!" Tanong: Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? Para po sa akin maaari na gamitin ang Online Diksyunaryo, dahil ang online na mga diksyunaryo ay mahalagang mapagkukunan ng kahulugan ng mga salita sa wikang Filipino. Maaaring itong maglaman ng kahulugan, mga halimbawa ng pangungusap, at iba pang impormasyon na makatutulong sa pag-unawa sa kahulugan ng bawat salita. Ang mga ito ay maaaring maging pampahusay sa bokabularyo at pagsasalin sa iba't ibang wika. Karagdagan pa ay ito din ay nagpapahusay sa bokabularyo sa pamamagitan ng regular na paggamit ng mga online na diksyunaryo, maaaring mapalawak at mapalakas ang bokabularyo ng isang indibidwal sa wikang Filipino at sa iba pang mga wika. Ito ay nagbibigay-daan sa mas malawak na pag-unawa at pakikipagtalastasan sa iba't ibang mga sitwasyon.
Graded.
Ignacio Camille R. BSHM 1R May mga online na tool at plataporma na nag-aalok ng mga serbisyo sa pagsasalin ng mga kontenido sa iba't ibang wika, kabilang ang pambansang wika. Ang pagkakaroon ng mga bersyon ng mga popular na website at aplikasyon sa Filipino ay makakatulong sa mas maraming tao na magamit ito.
Santos, Mikaella M. BSTM 2E Ano ang ibig sabihin ng panuntunan na "kung ano ang bigkas ay siyang baybay"? Ang panuntunang "kung ano ang bigkas ay siyang baybay" ay nangangahulugang ang pagbaybay sa isang salita ay sinusunod ang tunog o bigkas nito sa pagtuturo ng tamang baybay ng salita. Ito ay nangangahulugang kung paano ito binibigkas, ganun din dapat ito mabigkas. Sa ganitong paraan, maibababa ang pagkakamali sa pagsulat o pagsasalita ng isang salita.
Santos, Mikaella M. BSTM 2E Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? Maaari nating isalin ang mga importanteng online resources tulad ng websites, blogs, at educational materials sa pambansang wika upang mas maraming tao ang magkaroon ng access sa impormasyon. Ang mga social media platforms ay magandang paraan upang maipromote ang pambansang wika. Maaari nating gamitin ang social media para mag-share ng mga kaalaman, balita, at iba pang impormasyon sa wikang Filipino. Maaari tayong magsagawa ng online campaigns at advocacy para sa pagpapalawak ng paggamit ng pambansang wika. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng paggamit ng hashtag campaigns, online petition, at pagrerekomenda sa mga online platforms na magkaroon ng mas maraming Filipino content. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na paraan, maaari nating mapalawig at mapalakas ang paggamit ng pambansang wika sa online space at maging integral ito sa digital community ng bansa.
Graded.
Castro, Alexander M. BSTM-2E Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? -Mapapalawig po natin ang wika sa tulong ng mga online na materyales tulad ng blog, website at social media posts. At Isa sa pwedeng hakbang para mapalawig ang wika sa internet ay pakikipagtulungan sa mga ahensya at organisyon dahil sa pagtulong ng mga ahensya ng gobyerno at mga organisasyon ay matutulungan nila tayo kung paano mapapalawig o mapapalakas ang wika sa Internet.
Graded.
MANANGHAYA, MARIE ANDREINETTE F. BSTM 2-E Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? - Para mapalawig ang paggamit ng pambansang wika sa internet, mahalaga ang pakikipagtulungan ng iba't ibang sektor ng lipunan. Mga hakbang tulad ng pagpapalaganap ng edukasyonal na mga resource, pag-encourage sa mga institusyon at mga indibidwal na gumamit ng pambansang wika online, at pagpapalakas sa komunidad sa pamamagitan ng online events ay ilan lamang sa mga hakbang na maaaring gawin.
Graded.
Sevilleno, Angel Nicole O. BSTM 2-E Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? - Ang wikang pambasa o wikang Filipino ay daan sa pagkakaisa ng indibidwal at hindi ito dapat mawalan ng presensya sa websayt, internet o sa iba't-ibang transaksyon o aktibidad sa internet. Kaya naman maaring mas mapalawig pa ito sa pamamagitan ng social media na sikat at nangunguna ngayon sa buong mundo sa pag dedeliber ng mga mensahe. Pinaka magandang platform ng social media para sa akin ay ang twitter. Mas mapapalawig pa nito ang wikang pambansa sa pamamagitan ng paglalahad o pag-tweet ng iyong saloobin tungkol sa isyung iyong kinakaharap na hindi kinakailangang mahiya. Ito rin ay nakakatulong sa pag papalaganap ng mga balita na kailangang malaman ng mga tao sa isang lugar. Tulad na lamang ng mga bagyo o sakuna na doon mas unang binabalita kesa sa ibang platforms. Ng dahil sa social media mas nag kakaroon ng dagdag kaalaman ang sambayanan sa mga tumatamang bagyo dito sa ating bansa.
Graded.
PANGILINAN DAISY JANE R. BSTM 2-E Tanong: Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet. Para po saken ang pambansang wika ay isang mahalagang bahagi ng identidad at kultura ng isang bansa. Sa panahon ngayon na puno ng teknolohiya at internet, mahalaga na mapanatili nating buhay at mapalawig ang paggamit ng pambansang wika sa online na espasyo. Sa pamamagitan ng iba't ibang paraan at inisyatiba, maaari nating mapalawig at pagyamanin ang paggamit ng pambansang wika sa interne Una, mahalaga ang pagtuturo at pangangalaga sa wikang pambansa sa mga paaralan at institusyon. Ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga estudyante ay makakatulong sa kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa kahalagahan ng wika sa kanilang identidad at lipunan. Maaari ring isama sa kurikulum ang mga online na aktibidad na nagtataguyod ng paggamit ng pambansang wika sa internet. Pangalawa, mahalaga ring maging aktibo sa paglikha at pagbabahagi ng nilalaman sa pambansang wika sa online na espasyo. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paglikha ng blog, vlog, o social media posts na nasa wikang pambansa. Ang pagbabahagi ng mga kwento, impormasyon, at karanasan sa wikang pambansa ay makakatulong sa pagpapalaganap at pagpapalakas ng wika sa internet.
Graded.
Rubio, Mary Rose C. BSHM 1-O Paano natin mapapalawig ang pambasang wika sa internet? Ang wika ay ang nagsisilbing tulay sa mabisang komunikasyon natin sa ibang tao. Sa makabagong henerasyon ay ang umusbong ang mga makabagong teknolohiya at iba pa, isa nadito ang Social Media na kilala bilang “Socmed” sa panahon ngayon marami narin tayong wikang nagagamit o gagawa lalong lalo na ang mga gen Z tulad ng salitang “Yarn” na ang ibig sabihin ay “ayan” . Sa social media ay malaya nating napapahayag ang ating mga saloobin o kumento ngunit pano natin mapapalawig ang ating pambansang wika sa pamamagitan ng internet? Ang isa sa mga magandang paraan upang mas maimprove ang ating kakayahang ipahayag ang ating sarili sa ating sariling wika ay ang paggamit ng social media. Sa panahon ngayon, napakahalaga para sa mga kabataan na maunawaan kung paano gamitin nang naaangkop ang social media upang palawakin ang kanilang pananaw at maipahayag ang kanilang mga opinyon sa wikang Filipino.
RAMOS, KATHLEEN S. BSTM-2E Maraming Salamat po, Sir Donessa! Para po sa akin ang bagong salitang madalas ko pong sabihin ay ang "Sheesh" ito ay kadalasan kong ginagamit upang ipahayag o ipakita ang aking ekspresyon na pagkagulat, pagkasabik, o pagkamangha. Minsan, ito ay ginagamit kodin bilang pahayag ng pagtangi sa isang kahanga-hangang bagay o sitwasyon. Sa ibang pagkakataon naman minsan ay ito ay ginagamit kodin bilang pagpapakita ng pagkairita o pagkainis sa isang sitwasyon o bagay. Tanong: Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? Para po sa akin maaari na gamitin ang mga nilalaman sa wikang Filipino sa iba't-ibang mga platform tulad ng mga blog, vlogs, at social media sa pamamagitan ng mga paggamit ng wikang Filipino upang magbigay ng impormasyon o kaya pagpili ng mga paksa na may kaugnayan sa lokal na kultura, tradisyon, at lipunan pede ring sa pag-uugali sa mga mamamayan sa ilalim ng kanilang mga opinyon, mga komento, at kontribusyon o regular na mag-post ng nilalaman upang maabot ang mga mamamatay at higit sa lahat ay ang pagkolaborasyon sa iba pang mga content creator at mga komunidad sa online upang i-promote ang paggamit ng wikang Filipino sa internet.
Graded.
Calma, Jasmine Anne M. PAANO MAPAPALAWIG ANG WIKANG FILIPINO: Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng pagkakataon ay nakakatulong tayo sa pagpapalawig ng wikang pambansa. Lalong lalo na sa aming mga kabataang tutok sa social media, mas makakatulong kami sa pagpapalawak ng paggamit ng wikang pambansa sa pamamagitan ng aming mga social media accounts.
Graded.
PEREZ, CRYSTAN NICO BSTM 2E Maraming Salamat po, Sir Donesa! Ang bagong usong salita po na aking madalas sabihin ay ang salitang "omsim". Ito po ay aking ginagamit hindi lamang sa pakikipag-usap araw-araw, kundi pati na rin sa social media. Ang ibig sabihin ng "omsim" ay baliktad sa salitang "mismo" na ang kahulugan ay ang pagdidiin o pag sang-ayon sa ideya sa isang sitwasyon. Upang mapalawig ang paggamit ng pambansang wika sa internet batay sa nilalaman ng video, maaari nating suportahan at ipromote ang mga kulturang sining na gumagamit ng wikang Filipino, gaya ng musika. Maaari rin tayong gumawa ng mga kampanya sa social media na naglalayong palawakin ang kaalaman at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga awitin, tula, o iba pang likhang-sining na nagtatampok ng wika natin.
Graded.
QUIAZON, JOHNCARLO, DC. BSTM-2E Thankyou po sir! Ang usong salita madalas na madalas kong binabanggit o ginagamit ay “Lodi" ay isang salitang baligtad na ginagamit sa Filipino slang. Ito ay nagmula sa salitang "idol", na ibig sabihin ay isang tao na hinahangaan o sinusundan dahil sa kanilang mga talento, kasanayan, o personalidad. Sa pagbaligtad ng mga letra, naging "lodi". Ginagamit ito bilang pagpapahayag ng paghanga o respeto sa isang tao. Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? Ang pagsusulong ng pambansang wika sa internet ay maaaring magawa sa pamamagitan ng iba't ibang paraan: •Pagtataguyod ng Multilinggwalismo angpagtataguyod ng multilinggwalismo sa mga platform sa internet ay maaaring magdulot ng higit na pagkakaintindihan at pagkakaisa. Maaaring magpatupad ng mga programa at inisyatibo na nagtataguyod ng paggamit ng iba't ibang wika sa internet. •Pagsasalin sa Pambansang Wika: Ang pagsasalin ng mga websayt at digital na nilalaman sa pambansang wika ay maaaring magbigay daan para sa mas malawak na pag-access at pag-unawa ng mga gumagamit. •Pagsasagawa ng mga Pagsasanay at Edukasyon: Ang pagbibigay ng mga pagsasanay at edukasyon sa paggamit ng pambansang wika sa internet ay maaaring magdulot ng higit na kaalaman at kasanayan sa mga gumagamit.
Graded.
JONNAH MAE A. ENUMERABLES BSTM 2E Magandang hapon po sir, donesa. para po sa akin ang madalas kong gamitin na bagong salita ay "NAUR" ito po ay isang pinoy slang na inspired sa australian word na “naur” na ang ibig sabihin ay “no” o hindi pwede. tanong: paano mapapalawig ang pambansang wika? narito po ang aking sagot, wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Wika ang pinaka-pangunahing ginagamit ng tao sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. mapapalawig po natin ang pambansang wika sa pamamagitan ng mapanuring pakikipagtalakayan sa mga bihasa sa wikang Filipino, magbasa po ng mga libro, mga babasahin, lalo na ng mga “research papers” na gumagamit ng wikang Filipino, at makilahok po sa mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang pambansa.
Graded.
Carmelo, Kim Jobelle B. BSTM 2E Tanong: Paano natin mapalawig ang pambansang wika sa internet? Para po sa akin mapapalawig natin ang pambansang wika sa internet sa pagtulong sa mga online na komunidad. Maaari din tayong maging aktibo sa mga online na nagsusulong ng paggamit ng pambansang wika. Mas mapapalawig pa natin ang wikang Filipino kung gagamitin natin ito, halimbawa nalang sa mga post natin sa social media imbis na English ay gagawin nating Filipino. Pwede o maaari din po tayong magbahagi ng mga kaalaman o tumugon sa mga katanungan, at magbigay ng suporta sa mga taong nais matuto at gamitin ang pambansang wika sa kanilang mga online na pakikipagtalastasan. Ang mga simpleng paraan na ito ay malaki ang maitutulong upang mapalawig pa natin ang ating pambansang wika o ang Wikang Filipino.
Graded.
Society is filled with chaos but somehow we have made it so very organize😎