Panalangin
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 18 ธ.ค. 2024
- Panalangin
Lyrics by Brother Ralph Francis Esguerra
Music & Arrangement by Brothers Wilfredo Taa Jr & Gian Carlo Capili
Minus one starts at 4:29
1
Dalangin po namin sa Iyo, Ama
Sambahayan po namin ay ingatan
Magulang po namin,
Ilayo sa panganib
Gabayan Mo po sila,
bigyan ng panibagong lakas
2
Mula pa sa kanilang pagkabata
Ikaw na ang kanilang pinaglingkuran
Ngayong sila’y matanda na
huwag Mo po silang iiwan
Ikaw po ang aming matibay na kublihan
Refrain 1
Makapangyarihan Ka po sa lahat
Sa Iyo kami naglalagak ng pag-asa
Dalangin po namin ay pakinggan
Iligtas po, Ama, ang aming buong sambahayan
3
Kami po ay pinalaking may takot sa Iyo
Sa paglilingkod, kami ay iminulat
Pagmamahal sa tungkulin
ang itinuro nilang yaman,
Ang magagawa Mo po
ang aming panghawakan
Refrain 2
Makapangyarihan Ka po sa lahat
Sa Iyo kami, naglalagak ng pag-asa
Dalangin po namin ay pakinggan
Pagkat ang nais po namin
ay paglingkuran ka pa
Bridge
Sa Iyo po ang aming buhay
Pangako po namin
ang buhay na bigay Mo’y
Di namin sasayangin, gagamitin namin
Sa pagbibigay kaluwalhatian sa Iyo.
Last Refrain
Makapangyarihan Ka po sa lahat
Sa Iyo kami naglalagak ng pag-asa
Dalangin po namin ay pakinggan
Patuloy pong maglilingkod,
ang aming buong sambahayan
Coda
Pangako po sa Iyo, Ama
Copyright © 2020 Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)
#INCOriginalMusic
#INCContemporaryMusic
#INCMusic
#INCSongs
#IglesiaNiCristo
#ChurchOfChrist
#ReligiousMusic
Chords
Intro
| C#m - B | A9 | B | E ||
Verse
| E - G#m | A9 | A9 | E |
| A9 - B | C#m | A9 | B |
| E - G#m | A9 | A9 | E |
| A9 - B | C#m | A9 ||
| B ||
Interlude
| E - G#m | A9 | B |
Refrain
| E || A9 || C#m || A9 | B |(2x)
| E - G#m | A9 | Am ||
Bridge
| C#m || A9 | B | (3x)
| E - F#m | G#m - B | A9 | Am |