Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 3 Oct 2024 7a.m.

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 3 ต.ค. 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
    Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. October 03, 2024
    UNANG PAGBASA
    Job 19, 21-27
    Pagbasa mula sa aklat ni Job
    Sinabi ni Job:
    “Aking mga kaibigan, ako’y inyong kahabagan;
    at sa galit nitong Diyos, ako’y kanyang ibinuwal.
    Bakit ako inuusig, waring kayo itong Diyos?
    Di ba kayo magsasawang pahirapan akong lubos?
    “Sana ang sinabi ko’y maitala’t masulat
    at ito ay magawang isang buong aklat.
    At sa bato’y maiukit itong mga salita ko
    upang sa habang panaho’y mabasa ng mga tao.
    Alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas
    na sa aki’y magtatanggol pagdating noong wakas.
    Pagkatapos na maluray itong aking buong balat,
    ang Diyos ko’y mamamalas kahit laman ay maagnas.
    Siya’y aking mamamasdan, at mukhaang makikita
    ng sariling mga mata at di ng sinumang iba.
    Ang puso ko’y nananabik na mamasdan ko na siya.”
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14
    Makikita ang Maykapal
    sa kanyang lupang hinirang.
    O Diyos, ako’y dinggin sa aking pagtawag,
    lingapin mo ako, sa aki’y mahabag.
    Ang paanyaya mo’y “Lumapit sa akin.”
    huwag kang magkukubli’t kita’y hahanapin!
    Makikita ang Maykapal
    sa kanyang lupang hinirang.
    H’wag kang magagalit, huwag mong itatakwil
    akong katulong mo at iyong alipin;
    Tagapagligtas ko, h’wag akong lisanin!
    Makikita ang Maykapal
    sa kanyang lupang hinirang.
    Ako’y nananalig na bago mamatay
    masasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
    na igagawad mo sa mga hinirang.
    Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala!
    Ating patatagin ang paniniwala;
    tayo ay umasa sa kanyang kalinga!
    Makikita ang Maykapal
    sa kanyang lupang hinirang.
    ALELUYA
    Marcos 1, 15
    Aleluya! Aleluya!
    Ang D’yos ay maghahari na,
    talikdan ang tanang sala,
    manalig sa balita n’ya.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Lucas 10, 1-12
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
    Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo - sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’ Ngunit sa alinmang bayang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa mga lansangan nito at sabihin ninyo, ‘Pati ang alikabok dito na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaaan ninyong nalalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos!’ Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan ng mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma!”
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    #onlinemass #livestreammass #padrepiomass
    Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
    Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

ความคิดเห็น • 42