try mo boss yung seat belt mo, hatakin mo hanggang ma ubos sa sapag hatak mo.. kung ubos na ubos na, tingnan mo kung may label, may date dyan kung anung year.. usually may label yan eh at nka lagay kung anung year.. tapos ipa scan mo kung anung totoong mileage nya para malaman kung bago or gamit na..
Thanks sa pagshare po nito sir JDL dami magiging aware dahil dito.. RTIA napo talaga ang dapat na lapitan sa ganito pong case sir.. hoping and praying po ako na maayos nyo po itong problem nyo sir
One way to identify kung Bago Yan ay pa scan nyo un car. Makikita ilan ang true mileage. Try ask help from other vlogger na may alam sa ganyan na scanning. I hope na gets mo kung sino un sinasabi ko.
sir yung rotor disc mo tama ang hinala mo luma yan kc kung bago yan dapat smooth pa surface ng rotor disc mo pero sa videos mo halatang gamit na yan magaspang na surface ng rotor disc
Bago mgkkaguhit ang rotor disc aabotin ng taon at bago mapudpod ang brakepad atleast nsa 30k km up kaya ngkka guhit ang rotor disc ngpalit nyan ng ibang brand so kng susumahin malayo na ang tinakbo yan sakyan nyan.
Para sa akin pwede ko pa palampasin yang mga super facial rust. Pero yong yupi sa may brake rotor, di na naka balot mga upuan, yong makapit na alikabok sa may valve cover, at higit sa lahat yang gulong, red flag yan lahat. Mahirap mag speculate kung hatak ng banko naibigay sa'yo o demo unit. Para maalis ang haka haka ipa scan ang ECU.
tama ka bossing, gamit na gamit na yan. ung brake disk di ganyan ang itsura kung 5 mos. lang nagamit, ung tire di rin ganyan ang itsura kung 5mos. lang. sa madaling salita di talaga makatarungan ang ginawa sayo.. complain ka sa DTI for right action
Anong odometer reading nya sir? Nakikita sa gulong parang 1 year na ginamit. Nawala na yung balbon nya. Anong reading naman nung una nyong unit na nagkaproblema sa drain plug?
May pagka iba between rust and corrosion. Sure iyan ay rust lang kc brand-new iyan. Madalas iyan nakikita sa bolts na nasa engine or body na nasa ilalim ng sasakyan. Normal lang na may rust sa brake drum or brake rotors. Bilang mechanic wala iyan problem. Ang mali dyan ay nawalan ng oil sa engine
May brand new car na tinda na mababang year model, madaling sabi matagal na nagawa galing sa factory na display sa show room ng matagal bago nabinta. Ayan may kalawang sa body lalo na sa ilalim ng sasakyan. May roon din brand new car ng tulad ng year model 2022 or 23
Tingin ko boss pati Lemon Law di sya magaapply kasi neglect nangyari pag PMS, di kasi unit/factory defect. Ganun tlga they will just fix anu problems but never replace it with a new one.
Hello Mitsubishi Otis service sabi niyo need na daw palitan yung Break pad ng Xpander dahil subrang pudpud na daw pero nung nag decide kami na sa labas nalang ipa change oil pero nung pina check namin yung break pad dyos ko subrang ang kapal pa niya..
Master yung natuyuan ng langis na binalik mo . Ibibigay rin sa ibang client nila.. post mo rin engine at body number 😂. Sana mapalitan na yan bago mag new year idol.
Kng ela kng idea anung year model e check mo ang seatbelt Meron year model built Dyan pro SA tingin konlng bago nman ang unit Yung Nikita mong mga may mga kalawang due SA transportation yan SA carship tinawid Ng dagat international kng Hindi ditto ang manufacturing Ng Mitsubishi SA observe ko SA mga yupi Ng brake due SA paglashing SA carship Yan Kita KO Yan kng panu e handle Ng pag shipping Yan IPA scan modin pra SA ECU odometer nya
Pag transport nyan sir tawid dagat expect na Tayo dayn may coroded parts dahil SA dagat for 40 days Yan SA barko din ako nag work carshipping. unless Yung expander dito gwa SA atin Bansal kng baga fresh from the oven ,tapos dagdag kopa dyan ang storage nyan khit saang Bansa nka open yan SA may pier expose SA Ulan init hanging SA tabing dagat lng
Sa seatbelt malalaman nio po year model ng.sasakyan, pa scan nio para malaman nio kng ilan na ung natakbo para malaman nio orig pa ung nsa odo meter nia
Makikita mo naman kung bago o luma yang sasakyan bago ilabas yang sasakyan kasi iba yong amoy palang sa loob alam na..dapat bro iriklamo mo bat may kalawang ..
Naranasan ko rin ang problems sa unit mo pagkatapos service sa casa hindi nahigpitan ang drain plug sa oil crankcase mabuti nalang na check up ko nang dumating ako sa bahay dalawang beses pa mangyari kaya wala akong tiwala sa trabaho sa casa mga trainee mechanic kasi titira sa mga ganyan maliban lang pag may problema tingnan sa regular mechanic nila pero karamihan trainee nila talaga titira
sir hindi ba pwede isoli na lang sa bangko yan para wala na stress tapos kuha ka na lang uli ng bago? hindi kaya bayaran ang stress na sinapit mo sa sasakyan na yan.
Sir brand new po yan, Kaya lang po sa labas po siguro Naka park yan sa dealer po. Kasi po Kong titignan po ni nyo yong tokmark nya sa ilalim At pantay po…
Salamat d ko nakuha ang mitsubishi xpander east west din ang bank nanalo ako sa bidding hindi lang ako naaprobahan dahil kulang ang mga papers maibigay ko sa kanila mabuti napanood ko ito
Hindi daw po sakop ng lemon law kung unang beses palang nagka-problema. Dapat pangatlong beses. Ang problema po ay natuyuan ng langis ang sasakyan kaya Hindi kuna hihintayin na magpasira-sira pa Ang sasakyan. 3 months po akong naghintay para gawan nila ng action kaya lang ang ginawa nila nagpalit ng sasakyan pero mukhang luma ang binigay. Hindi po katanggap-tanggap dahil same Price pa rin ng brand new ang babayaran ko kaya napilitan na kaming maglabas ng video para makarating sa top management Ng Mitsubishi ang palpak na Sistema ng casa. Kawawa po kc Yung mga nakakabili ng mga sasakyan na Akala mo talagang Brand New.
SIR, Kung meron kau kilala meron scanner para malaman mo kung tampered ang Mileage kung mag match sa dashboard, Kung ako tatanungin i decide to sell na lang para mawala na yung mga bad experience yung mga tao na naka deal niyo yun ang mga meron problem naging victim kayo ng taong mapagsamantala. Try na ilapit kay Senator Raffy Tulfo para malaman kung meron xla pananagutan kung kau lang sir hindi nila kayo papansinin.
Idol, try to check sa seatbelt nang upoan. Makikita don ang year model/manufacturing nang sasakyan. Para naman isa sa confirmation na anong yr model nyan. Grabi naman sila idol oi.
una dapat di nyo tinanggap ang unit ng di nyo nafully inspect at na test drive unit kahot ano sinabi ng dealer, ang nakikita ko problem dyan ay you accepted the unit and sign the documents saying in good condition ang unit
Tama po kayo. Yan Ang malaking pagkakamali ko. Naniwala ako sa manager Ng gateway motors na Brand New Ang ipapadala nila. Gabi po hinatid Ang sasakyan kaya Hindi ko napansin Ang mga gasgas at kalawang.. Medyo madilim po sa garahe namin. Akala ko alikabok lang . Umaga kuna po Nakita na may mga kalawang Ang ilalim. Na report naman po namin kaagad at pinuntahan po ito Ng general manager, service manager, at warranty service.
Amoy bago poba yan Nung nakuha nyu? Ung milyahe nya ano po ang reading? Kung ang gulong pudpod napo dapat dipo nyu kinuha na muna.... Ibig sabihin nyan gamit napo.. Pang scan nyu po... Ung Kalawang na maliit merun tlaga po nun kahit sa loob ng tindahan.. Peru obvious na obvious bagong bago tlaga..
46km lang po ba? Pwede nyo po p Scan Kung dpo tampered Yung odo nyo. Kung 46km lang talaga palagay ko matagal n stock po yn malapit s port Kya po my rust agad.
Right mo na ibalik yan dahil gamit na. Dapat ininspect mo mabuti bago mo tinanggap, di mo halata pati upuan wala na plastic, gabi mo pa nman nakuha. Wishing na lang mapalitan ng casa
Master ingat po kayo sa gnyang mga car na use na d u alam history nyan.. at mahirap yan may sira na rin kaya inayawan ng First owner.. pa cancel u nlg pa lg d nila mayos yung brandnew na kinuha nyo.. at kumuha ibang brand...
Boss ano ba sabi sainyo ng casa brandnew yan? Kung brandnew sabi nila hindi normal yan rust, mostly kinakalawang yan mga parts na yan.. Kapag ginamit na kc umiinit mga parts na yan normal kakalawangin yan
...ok lang sana kng 3/4 Ang kbyran nia kso brnd new mudin babayaran Sia...hirp pnmn Ng bayad kids buwan mahina 15k mo jn .depende sa avil na taon ..kpg tumaas ..mas lalaki Ang tubo ..nila
Sir prayed na maayos na po ang pinag daanan niyo sa unit na yan. At masama din ang experience ko sa east & west bank. I refuse to do business with them po. Masyadong obvious hindi po bago ipinalit na unit sa video evidence. Wala pang isang buwan metal and aluminum corrosion na. Sir best wishes po, sana ma resolved ng mitsubishi if not Sen. Tulfo para consumer help. Si rene po.🙏
Grabe Ng sinapit mo LODS...dapat mananagot sila KC ah hirap mag -ipon Ng Pera ..ah hirap maghanap Ng Pera...Hindi nila iniisip Brand New yon kinuha mo LODS...may kalalagyan cla LODS...Grabe sila Hindi naawa walang mga puso...2nd hand yon binibigay..
Yan po talaga Ang pagkakamali ko . Gabi po kc na deliver Ang sasakyan kaya Akala ko madumi lang. Kinabukasan Ng Umaga na report na po namin kaagad na may mga kalawang at scratches na. Pinuntahan po Ng mga manager Yan Ng gateway at Nakita nila mga kalawang
Sir nadale ka ng hatak at matagal ng naka tambay yan sa kung saan, ipa SCAN mo sir Kay jeep doktor kahit na inalter ang speed o meter ay malalaman at malalaman ng scanner yan, yong rotor disc ay may tama na rin at abisuhan nyo rin ang bangko para alam rin nila ang sitwasyon
@@jdlelectronicsservicecente3261 sir pag nagmatigas ang dealership ay ilapit nyo Kay Sen. Raffy Tulfo sa RTIA para mabigwasan ang mga iyang, kapal ng mukha Ng mga iyan. Follower nyo Po Ako sa mga tutorial videos nyo at ang dami Kong natutuhan sa inyo, patas kayo sir, GOD BLESS po
Sir punta po kyo sa DTI and file a complain . Puede rin po kyo lumapit sa Raffy Tulfo in Action. Dapat po talaga change vehicle na yan and real brand new
Grabe talaga sila,Bakit kasi di nila palitan ng brand new din para lahat masaya..Sana mapalitan agad agad ng bago yan Idol...Keep safe,God bless Idol...
try mo boss yung seat belt mo, hatakin mo hanggang ma ubos sa sapag hatak mo.. kung ubos na ubos na, tingnan mo kung may label, may date dyan kung anung year.. usually may label yan eh at nka lagay kung anung year.. tapos ipa scan mo kung anung totoong mileage nya para malaman kung bago or gamit na..
Baka naman ang unit na yan galing sa hatak
Sir, dti na nga po. Under dti complain , may batas diyan. , orange law. Meaning. Change vehicle.
orange law... bwahahahahahah
Thanks sa pagshare po nito sir JDL dami magiging aware dahil dito.. RTIA napo talaga ang dapat na lapitan sa ganito pong case sir.. hoping and praying po ako na maayos nyo po itong problem nyo sir
Then refer to DTI😂
@@gearhead598 ay,, God bless po sa inyo at natutuwa po kayo sa pinagdadaanan at pagdadaanan pa pong problem nila sir emo..
One way to identify kung Bago Yan ay pa scan nyo un car. Makikita ilan ang true mileage. Try ask help from other vlogger na may alam sa ganyan na scanning. I hope na gets mo kung sino un sinasabi ko.
Salamat po sa information
Grabi nmn ang ginawa sau ng casa sir....ayw nila pumarehas
Common ito basta mitsubishi,,tignan mo lahat ng mounting ng seats, ilalim ng mga carpet…Montero unit ko pero ito mga common mga rusted parts
sir yung rotor disc mo tama ang hinala mo luma yan kc kung bago yan dapat smooth pa surface ng rotor disc mo pero sa videos mo halatang gamit na yan magaspang na surface ng rotor disc
pwede po siguro yang ilapit nyo kay sen. raffy tulpo,para po sa lika maayos ng problema nyo,,,...
Bago mgkkaguhit ang rotor disc aabotin ng taon at bago mapudpod ang brakepad atleast nsa 30k km up kaya ngkka guhit ang rotor disc ngpalit nyan ng ibang brand so kng susumahin malayo na ang tinakbo yan sakyan nyan.
Yan din po Ang una naming napansin
Para sa akin pwede ko pa palampasin yang mga super facial rust. Pero yong yupi sa may brake rotor, di na naka balot mga upuan, yong makapit na alikabok sa may valve cover, at higit sa lahat yang gulong, red flag yan lahat.
Mahirap mag speculate kung hatak ng banko naibigay sa'yo o demo unit.
Para maalis ang haka haka ipa scan ang ECU.
Ok po. Salamat sa information
tama ka bossing, gamit na gamit na yan. ung brake disk di ganyan ang itsura kung 5 mos. lang nagamit, ung tire di rin ganyan ang itsura kung 5mos. lang. sa madaling salita di talaga makatarungan ang ginawa sayo.. complain ka sa DTI for right action
Anong odometer reading nya sir? Nakikita sa gulong parang 1 year na ginamit. Nawala na yung balbon nya. Anong reading naman nung una nyong unit na nagkaproblema sa drain plug?
May pagka iba between rust and corrosion. Sure iyan ay rust lang kc brand-new iyan. Madalas iyan nakikita sa bolts na nasa engine or body na nasa ilalim ng sasakyan. Normal lang na may rust sa brake drum or brake rotors. Bilang mechanic wala iyan problem. Ang mali dyan ay nawalan ng oil sa engine
Tama po kayo..mabuhay??
sorry brod.kaka deliver lang ng unit, tapos yan na ang apperance ng brake disk at ng tire nya ? oh common....
May brand new car na tinda na mababang year model, madaling sabi matagal na nagawa galing sa factory na display sa show room ng matagal bago nabinta. Ayan may kalawang sa body lalo na sa ilalim ng sasakyan. May roon din brand new car ng tulad ng year model 2022 or 23
Tingin ko boss pati Lemon Law di sya magaapply kasi neglect nangyari pag PMS, di kasi unit/factory defect. Ganun tlga they will just fix anu problems but never replace it with a new one.
Ipa check nyo po kay jeep doctor trusted blogger po sya pag dating sa diagnose ng sasakyan.. para support po sa complain ninyo sa dti..
Yes po. Sumagot na si sir jeep Doctor. Pupunta po kami ngayon.
sir, ano balita sa scanning ni jeep doctor?@@jdlelectronicsservicecente3261
Hello Mitsubishi Otis service sabi niyo need na daw palitan yung Break pad ng Xpander dahil subrang pudpud na daw pero nung nag decide kami na sa labas nalang ipa change oil pero nung pina check namin yung break pad dyos ko subrang ang kapal pa niya..
Master yung natuyuan ng langis na binalik mo . Ibibigay rin sa ibang client nila.. post mo rin engine at body number 😂.
Sana mapalitan na yan bago mag new year idol.
Tumpak!
Na check nyo ang odometer? Baka test unit yan binigay sa inyo.
Hope and pray na makakuha kayo ng tamang tao na tutulong sa inyo para maayus po ang problema nyo.
Kng ela kng idea anung year model e check mo ang seatbelt Meron year model built Dyan pro SA tingin konlng bago nman ang unit Yung Nikita mong mga may mga kalawang due SA transportation yan SA carship tinawid Ng dagat international kng Hindi ditto ang manufacturing Ng Mitsubishi SA observe ko SA mga yupi Ng brake due SA paglashing SA carship Yan Kita KO Yan kng panu e handle Ng pag shipping Yan IPA scan modin pra SA ECU odometer nya
Pag transport nyan sir tawid dagat expect na Tayo dayn may coroded parts dahil SA dagat for 40 days Yan SA barko din ako nag work carshipping. unless Yung expander dito gwa SA atin Bansal kng baga fresh from the oven ,tapos dagdag kopa dyan ang storage nyan khit saang Bansa nka open yan SA may pier expose SA Ulan init hanging SA tabing dagat lng
Sa seatbelt malalaman nio po year model ng.sasakyan, pa scan nio para malaman nio kng ilan na ung natakbo para malaman nio orig pa ung nsa odo meter nia
Idol kaya mo yan malalagpasan nyo rin yan may awa ang diyos... Nawa'y sana maayos na ang problema
Salamat po
Sir JDL Maligayang Pasko may the LORD Bless you and your family .Always pray and trust to the LORD .GOD will answer your prayer.
Tignan mo ang seat belt label may year doon nka sulat if anong year ginawa ang sasakyan
Makikita mo naman kung bago o luma yang sasakyan bago ilabas yang sasakyan kasi iba yong amoy palang sa loob alam na..dapat bro iriklamo mo bat may kalawang ..
Gabi po na deliver Ang sasakyan kaya Hindi kuna napansin Ang ilalim
I truly admire your patience po despite of what had happened..
Salamat
Pag hìndi nila inayos idol agad ipa tulpo.mo pàra mapabilis ang aksiyon nila
Boss. old stock yan. Brandnew siya. Kaya nagka kalawang yan dahil sa moisture natambay. Tapos ipa scan mo boss. para makita ang totoong takbo niya.
Ok po
kung pwede lng ibalik sir ano....kaso hindi eh....para mgpalit ng ibang brand
kc problema hatid ng mitsu sainyo....dapat bago ibigay sainyo kc kapabayaan nila un pagkakamali ng tao nila...
nasa seatbelt yung date sir..
Jeep doctor pasok....❤❤❤❤
Ganyan Pala ang after sales ng Mitsubishi. Balak ko panamng bumili ng cross .
Ok naman po Ang Mitsubishi Xpander, Ang problem lang after sales
God bless🙏always
Naranasan ko rin ang problems sa unit mo pagkatapos service sa casa hindi nahigpitan ang drain plug sa oil crankcase mabuti nalang na check up ko nang dumating ako sa bahay dalawang beses pa mangyari kaya wala akong tiwala sa trabaho sa casa mga trainee mechanic kasi titira sa mga ganyan maliban lang pag may problema tingnan sa regular mechanic nila pero karamihan trainee nila talaga titira
Opo. Yung sa amin natuyuan Ng langis
@@jdlelectronicsservicecente3261makina ng mitsubishi aluminum ang block ky yon ang problem natutuyuan😊
Slightly brand new yan sa opinyon ko lang yan ang mga model car sa mga mall.palitan mo ng bago as in bago sir. Check mo km kung ilan na tinakbo.
Ok po. Salamat
sir hindi ba pwede isoli na lang sa bangko yan para wala na stress tapos kuha ka na lang uli ng bago? hindi kaya bayaran ang stress na sinapit mo sa sasakyan na yan.
Hindi na po
Brand new pero old unit siguro yan sir, o baka yung mga demo o test unit yan kaya ganyan
@13:45...di yan break pad. Disc Brake Rotor tawag dyan. 😂
Hindi yaan brand new malinaw na malinaw na galing yaang unit na yan sa mga unit na reposes nila.
Sana nadala kana noong una Sir. Bago mo sana inuwi yan ay nag-inspeksyon ka muna or nagpatulong ka sa mekaniko.
Negligence po Ang unang issue kaya pinalitan. Ngayon po Lumang sasakyan naman Ang pinadala
@@jdlelectronicsservicecente3261 halata na may problema sa dealer. Kung ma ireport yan sa Mitsubishi Philippines hindi rin yan papayagan.
@@jdlelectronicsservicecente3261 ang layo nila sa good trading and customer service ng isa ring dealer ng Mitsubishi dito sa Pampanga
Post mo sir sa group ng expander
Yes po
bro pa scan mo KY jeep doctor in mileage bka tamperd ganyan daw mitsubishi
Opo
next time dun master garage mgpa pms
Dapat kinunan mo ng pictures ung mga gasgas at kalawang
Meron po sa 2nd video upload
File k ng complain sa DTI.
Dapat dimo tinanggap sir kasi may problema din puro kalawang at mga gas gas at hindi bago yan.wag kang pumayag kailangan bago yong unit..
Ok po
salamat sa impormasyon sir para naman maging aware sa pagbili ng brand na to😊grabeh..pangit yong ibimigay sayo nabudol ka ng mitsubishi😊
Brand new ang unit, pero yn ung gnagamit na demo/road test unit. O kya ay pnapahiram sa mga blogger.
Bro, repo na yang pinalit sayo.
Complain ka Sir sa DTI
Bkit pati wala ng plastik unit pg binibigay? ..
Sir brand new po yan, Kaya lang po sa labas po siguro Naka park yan sa dealer po. Kasi po Kong titignan po ni nyo yong tokmark nya sa ilalim At pantay po…
Salamat d ko nakuha ang mitsubishi xpander east west din ang bank nanalo ako sa bidding hindi lang ako naaprobahan dahil kulang ang mga papers maibigay ko sa kanila mabuti napanood ko ito
Lumang sasakyan ang pinalit sainyo sir... Halata naman makikita sa brake lining pati mga tornilyong nakakabit magkaka iba na.
Sana nag toyota avanza or veloz nlng kayo sir
ano sa odometer boss?
46 po
Try nyo po Sir mag complain sa DTI para makuha attention sa management nang mitsubishi.
Lemon Car ang tawag Diyan,pinalalabas ng Dealer na Brand New pero Second Hand or Repossessed
Problema Diyan Hindi pinasa ng Congress yung Lemon Law,sa America meron niyan
Hindi daw po sakop ng lemon law kung unang beses palang nagka-problema. Dapat pangatlong beses.
Ang problema po ay natuyuan ng langis ang sasakyan kaya Hindi kuna hihintayin na magpasira-sira pa Ang sasakyan. 3 months po akong naghintay para gawan nila ng action kaya lang ang ginawa nila nagpalit ng sasakyan pero mukhang luma ang binigay. Hindi po katanggap-tanggap dahil same Price pa rin ng brand new ang babayaran ko kaya napilitan na kaming maglabas ng video para makarating sa top management Ng Mitsubishi ang palpak na Sistema ng casa. Kawawa po kc Yung mga nakakabili ng mga sasakyan na Akala mo talagang Brand New.
SIR, Kung meron kau kilala meron scanner para malaman mo kung tampered ang Mileage kung mag match sa dashboard, Kung ako tatanungin i decide to sell na lang para mawala na yung mga bad experience yung mga tao na naka deal niyo yun ang mga meron problem naging victim kayo ng taong mapagsamantala. Try na ilapit kay Senator Raffy Tulfo para malaman kung meron xla pananagutan kung kau lang sir hindi nila kayo papansinin.
Opo . Yan Ang Plano namin
Idol, try to check sa seatbelt nang upoan. Makikita don ang year model/manufacturing nang sasakyan. Para naman isa sa confirmation na anong yr model nyan.
Grabi naman sila idol oi.
una dapat di nyo tinanggap ang unit ng di nyo nafully inspect at na test drive unit kahot ano sinabi ng dealer, ang nakikita ko problem dyan ay you accepted the unit and sign the documents saying in good condition ang unit
Tama po kayo. Yan Ang malaking pagkakamali ko. Naniwala ako sa manager Ng gateway motors na Brand New Ang ipapadala nila. Gabi po hinatid Ang sasakyan kaya Hindi ko napansin Ang mga gasgas at kalawang.. Medyo madilim po sa garahe namin. Akala ko alikabok lang . Umaga kuna po Nakita na may mga kalawang Ang ilalim. Na report naman po namin kaagad at pinuntahan po ito Ng general manager, service manager, at warranty service.
Repo na yang pinalit nila boss. Baka nabaha pa Yan.
Batak na yan ng banko. Galing yan sa mga hindi na nakabayan na mga costomer nila?
Reklamo mo yan sa dti para palitan ng bago yan
ask ka ng help sa DTI. matutulungan ka nila Lalo na brand new ang binili mo.
Grabe! May mga ganito palang sitwasyon. Ingat po master,nakakasama nga ng loob yang ganyang sitwasyon
Yes po. Salamat
Re Upload m yung Dating Vedio muh Sir pra Aware lhat
Ok po
dapat siguro palit makina para d palitan buong unit
Ilang km po ang tinakbo
46 po naka rehistro Ng dinala sa amin. Pero alam ko kaya nilang I reset Yan para back to zero
If tampered another case sa kamila yan. Ibang brand na lang kunin nyo.
Ipascan nyo Kasi Malaman Yan kung tampered
Boss patulfo Mona yan pag Hindi inakionan.perwisyo yan
Isa lang ibig sabihin nyan. Walang magandang after sales support ang brand ng kumpanya ng sasakyang yaan. Magaling at mababait lang sila before sales.
Amoy bago poba yan Nung nakuha nyu?
Ung milyahe nya ano po ang reading?
Kung ang gulong pudpod napo dapat dipo nyu kinuha na muna.... Ibig sabihin nyan gamit napo.. Pang scan nyu po... Ung Kalawang na maliit merun tlaga po nun kahit sa loob ng tindahan.. Peru obvious na obvious bagong bago tlaga..
Gabi po Kasi diniliver kaya Hindi ko napansin and tiwala din po talaga ako na brand new
SIR ILANG KM NAPO ANG ODO NIYAN
46 klm po Nung nadeliver
Dapat bago ka nagpirma dapat na inspect mo muna ksama ng mekaniko bago ko tinanggap
Brand New po Ang sasakyan.
Ilan km n s odo Nung nkuha nyo po Yung unit?
46 po naka rehistro
46km lang po ba? Pwede nyo po p Scan Kung dpo tampered Yung odo nyo. Kung 46km lang talaga palagay ko matagal n stock po yn malapit s port Kya po my rust agad.
Master jdl, para mabilis ipa Tulpo na lang po iyan
Tulfo ka jan...di yan papansinin ska ire refer ka lang din nila mas lalu lang magtatagal😔😔😔
Yan ang sisira sa brand n yan.
I feel you bro.. sobra sacrifice nyo. Sana maayos na.
Ibalik mo sir, papalitan mo ng brand new yab
Right mo na ibalik yan dahil gamit na. Dapat ininspect mo mabuti bago mo tinanggap, di mo halata pati upuan wala na plastic, gabi mo pa nman nakuha. Wishing na lang mapalitan ng casa
Dapat nag Toyota ka na lang sir maganda pa service nila
Saan shop nyo po Sir?
Blk2 lot1 Perpetual help Village Bagumbong North Caloocan
Master ingat po kayo sa gnyang mga car na use na d u alam history nyan.. at mahirap yan may sira na rin kaya inayawan ng First owner.. pa cancel u nlg pa lg d nila mayos yung brandnew na kinuha nyo.. at kumuha ibang brand...
Opo sir. Laking problema
Boss ano ba sabi sainyo ng casa brandnew yan? Kung brandnew sabi nila hindi normal yan rust, mostly kinakalawang yan mga parts na yan.. Kapag ginamit na kc umiinit mga parts na yan normal kakalawangin yan
Brand New daw po
Dapat doon palang Boss binusisi mo na at pinamukha mo sa manager..
Dapat master idol pinalitan ng bago,maganda idol pinatulfo muna.
tagal ko hinintay hinintay to.
Halos 4 months na din po kaming naghintay pero ito Ang binigay nila
...ok lang sana kng 3/4 Ang kbyran nia kso brnd new mudin babayaran Sia...hirp pnmn Ng bayad kids buwan mahina 15k mo jn .depende sa avil na taon ..kpg tumaas ..mas lalaki Ang tubo ..nila
Sir panglabas pa lang ng sasakyan na inexpect nyo pero Yung makina,transmission,computer Hindi nyo alam kung ano Ang katayuan.....
Hindi po sa ilalim po may mga kalawang na
Sir prayed na maayos na po ang pinag daanan niyo sa unit na yan. At masama din ang experience ko sa east & west bank. I refuse to do business with them po. Masyadong obvious hindi po bago ipinalit na unit sa video evidence. Wala pang isang buwan metal and aluminum corrosion na. Sir best wishes po, sana ma resolved ng mitsubishi if not Sen. Tulfo para consumer help. Si rene po.🙏
Grabe Ng sinapit mo LODS...dapat mananagot sila KC ah hirap mag -ipon Ng Pera ..ah hirap maghanap Ng Pera...Hindi nila iniisip Brand New yon kinuha mo LODS...may kalalagyan cla LODS...Grabe sila Hindi naawa walang mga puso...2nd hand yon binibigay..
Grabe nangyari sau sir 😢😢😢
Brake rotor po puro gasgas
Opo puro kalawang at gasgas na
Halatang gamit na
the moment steel rolled out of the mill RUSTS sets in..
check the LTO the details of the car
Ok po. Salmat
Ilan na ung mileage?
46 po Nung deniliver
@@jdlelectronicsservicecente3261 46 lng tapos ganyan ang situation ng car.. hmmm may magic na ginawa ang dealer.
Bakit kasi Hindi nyo check bago nyo kinuha.
Yan po talaga Ang pagkakamali ko . Gabi po kc na deliver Ang sasakyan kaya Akala ko madumi lang. Kinabukasan Ng Umaga na report na po namin kaagad na may mga kalawang at scratches na. Pinuntahan po Ng mga manager Yan Ng gateway at Nakita nila mga kalawang
Return nyo nalang idol sadyang may mga taong hindi patas 😢😢😢,
Ibalik nyo sir s casa yan,agrabyado kau jan
Opo. Inilapit na namin sa DTI
Sir nadale ka ng hatak at matagal ng naka tambay yan sa kung saan, ipa SCAN mo sir Kay jeep doktor kahit na inalter ang speed o meter ay malalaman at malalaman ng scanner yan, yong rotor disc ay may tama na rin at abisuhan nyo rin ang bangko para alam rin nila ang sitwasyon
Saan po yung jeep doctor para mapa check namin?
Ok po salamat sa information
@@jdlelectronicsservicecente3261 sir pag nagmatigas ang dealership ay ilapit nyo Kay Sen. Raffy Tulfo sa RTIA para mabigwasan ang mga iyang, kapal ng mukha Ng mga iyan.
Follower nyo Po Ako sa mga tutorial videos nyo at ang dami Kong natutuhan sa inyo, patas kayo sir, GOD BLESS po
Anong Branch po ito sir?
Gateway Fairview po
Sir punta po kyo sa DTI and file a complain . Puede rin po kyo lumapit sa Raffy Tulfo in Action. Dapat po talaga change vehicle na yan and real brand new
Grabe talaga sila,Bakit kasi di nila palitan ng brand new din para lahat masaya..Sana mapalitan agad agad ng bago yan Idol...Keep safe,God bless Idol...
Salamat po sa suporta