Tj Monterde - Dating Tayo (Piano Cover)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 11 ก.ย. 2024
  • Please Like, Share & Subscribe!
    → bit.ly/GPiano
    Follow GPiano:
    Facebook: / gpianoofficial
    SoundCloud: / gpianomusic
    -----------------------------------------------------------------------------
    Title: Dating Tayo
    Original song by: Tj Monterde
    Piano cover by: GPiano
    -----------------------------------------------------------------------------
    LYRICS:
    Lagi na lang ganito
    Isipan ay gulong gulo
    Lagi nalang nabibigo
    Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso
    Ilang liham na ang sinulat sayo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
    Kailan kaya muling makakamit
    Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
    Kailaaan? kailaaaan? kailaaaan ang dating tayo?
    Kung anuman ang totoo
    Isip man ay litong lito
    Handang handa ako sumalo
    Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
    Ilang awit na ang inalay sayo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
    Kailan kaya muling makakamit
    Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip?
    Kailaaan? kailaaaan? kailaaaan? (kailan) kailan
    Kailaaan ang dating...
    Kailan kaya muling matatamasa?
    Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta
    Kailan kaya muling mararanasan?
    Sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala
    ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
    Thanks for listening to my music.
    Please do not re-upload my covers/videos.

ความคิดเห็น • 108

  • @roymarkconde2065
    @roymarkconde2065 6 ปีที่แล้ว +52

    #1 SPOKEN POETRY
    "NAGMAHAL NG GAGO"
    Minsan mapapaisip ka na lang
    kung ikaw ba ay nagkulang
    o siya yung di lumaban.
    Mapapaisip ka na lang
    kung tama bang ikaw ang nahihirapan,
    patuloy na lumalaban,
    gulo’y subok na iniwasan,
    upang di lang siya masaktan.
    Mapapaisip ka na lang
    kung kaya ka ba iniwan
    kasi kahit gaano mo ipaglaban
    - na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan
    umuuwi ka paring luhaan.
    Tama ba na tratuhin ka ng ganito?
    na parang laruan na pag sawa na sa iba,
    ikaw naman ang gusto?
    Tama ba na maramdaman mo
    ang sakit na nasa iyong puso
    kasi pinili mo siya
    kahit alam ng utak mo
    na di siya nakakatulong sayo?
    Tama ba na sa dinami dami ng taong
    araw araw na kumakausap sa’yo,
    dito ka pa nahulog
    sa taong di ka naman isasalo?
    Ang dami kong sinasabi sa ibang tao
    na maraming gago sa mundo
    na di dapat sila papaloko.
    Pero sa dulo din pala,
    ako yung magmamahal ng tulad mo.
    Pasalamat ka,
    ako na yung nagparaya
    siguro kasi di ko na rin kaya
    lalo na’t nakita kitang may kasamang iba.
    Tinago mo pa,
    sinabi mong kaibigan mo lang siya
    ngunit ang totoo pala,
    pag di tayo magkasama
    tumatakbo ka pabalik sa kanya.
    Di na rin siguro ako magtataka
    kung bakit mas pinili mo siya
    baka dahil ang puso nyo’y nagtugma
    o mas magaling lang siya sa kama.
    Bakit nga ba ako nagpakatanga?
    Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita,
    mga pangakong di ko alam kung matutupad ba
    o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal
    kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal
    nasabi mong “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”
    Sinabi ng mga magulang ko
    na lahat ng tao pinanganak ng may puso
    na kailangan mo lang intindihin at mahalin
    dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin.
    Pero akalain mo yun,
    may mga tao palang tulad mo
    na di mo alam kung wala ba siyang puso
    o ipinaglihi sa demonyo.
    Nakakatawa ka,
    na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras
    sayo ko lahat nawaldas
    buti sana kung nababalik mo ’to
    pero wala, ginawa mo akong uto uto.
    Isa kang patunay
    na may mga taong
    na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay
    nag hahanap ka parin sa iba
    ng wala kang kamalay malay.
    Ngayon,
    tapos na ako.
    Di ko kailangan ang isang tulad mo.
    Sa lahat ng gago sa mundo,
    ikaw pa ang pinili ko,
    ikaw pa ang minahal ko,
    ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito,
    ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso.
    Pero salamat din sa’yo
    dahil kung hindi sa pang-gagago mo
    hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo
    hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo
    na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko.
    Andami kong natutunan
    di lang tungkol sa mga tulad mo
    kundi pati na rin sa sarili ko:
    na kaya ko palang magmahal ng ganito
    na kaya ko palang lumaban ng husto
    na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso.
    Ngayong,
    mag isa na ulit ako,
    mas masaya na ako.
    Kaya sa susunod na darating sa buhay ko,
    tandaan mo
    nagmahal ako ng gago
    kaya ayusin mo ang buhay mo
    kung ayaw mong sulatan kita ng ganito.

    • @jewelvlogs4004
      @jewelvlogs4004 4 ปีที่แล้ว

      Sorry maganda yung nilalaman pero sorry talaga natawa ako sa title 😅✌🤣

    • @jing1651
      @jing1651 3 ปีที่แล้ว

      sir pwd ko po ba gamitin itong spoken poetry mo sa channel ko? akmang akma kasi sa akin. salamat

    • @jessamaecarretas4448
      @jessamaecarretas4448 3 ปีที่แล้ว

      San nagsulat nito usap tayo😅😭😖😖parang ako to ah😣😣

    • @piensyl._.6019
      @piensyl._.6019 3 ปีที่แล้ว

      😭

  • @cjsalagubang2059
    @cjsalagubang2059 6 ปีที่แล้ว +29

    Actually amateur player palang siya. May mali sa notes niya sa melody pero the way he played it. Nandun yung emotions and nakakadala talaga. Keep it up kuys 🤪

    • @raymarenero3904
      @raymarenero3904 6 ปีที่แล้ว

      Cj Salagubang pansin ko din. kahit amateur lang din ako. haha

    • @lady_atlas92
      @lady_atlas92 ปีที่แล้ว

      It actually worked well. 😮 Napa-"Huh?" ako. Ang ganda ng delivery. 😮

  • @jamyam433
    @jamyam433 6 ปีที่แล้ว +6

    One of my favorite song dating tayo😭😢

  • @corvenlandicho3472
    @corvenlandicho3472 3 ปีที่แล้ว +2

    "KASALANAN KO"
    Mahal I love you,
    yan yung salita na gustong gusto ko marinig mula sa labi mo,
    Pero sa paulit ulit na nangyayari,
    hindi nako magtataka kung lumayo ka sa isang katulad ko,
    na manhid, nagloko, masama ugali at iba pa,
    natatakot ako na iwan moko,
    iniisip ko siguro balang araw iiwan niya din ako,
    dulot ng mga sakit at pait na pinadarama ko sayo.,
    Inaamin ko, kasalanan ko, pero please naman,
    pagbigyan mo naman ako,
    kahit isang beses manlang,
    papatunayan ko na ako talaga ang nararapat dyan sa puso mo,
    na ako lang magpapakita sayo ng tunay na pagmamahal,
    na ako lang, ako lang wala ng iba,
    sa dami rami ng tao sa mundo sayo lang,
    sayo lang nahulog tong puso ko,
    pusong bato na binabalewala noon,
    pero iba na ngayon, andito kana,
    hindi na ako maghahanap pa ng iba,
    nahanap kona ehh,
    ano pabang kailangan kong gawin?
    para maniwala ka at patawarin mo ako,
    lahat ng tao nagkakamali, at eto ung una kong pagkakamali,
    hindi ba pwedeng palampasin mo muna sa ngayon,
    ang hirap kasing wala ka sa piling ko,
    nasanay ako na nandito ka,
    nasanay ako na minamahal kita,
    nasanay akong alagaan ka hanggat kaya ko,
    kahit mahirap na kinakaya ko padin,
    kahit isanag pursyentong pagasa ,
    panghahawakan ko parin,
    Ang tangi ko lang naman hiling,
    ay ang makitang kang masaya,
    alam mo bang lalo kang gumaganda ,
    kapag may ngiti diyan sa mga labi mo,
    Eto ang huli kong mensahe sayo ,
    I love you, kahit nasaktan kita sobra,
    Tandan mo nandito kapa rin sa puso ko,
    Kung kailangan mo ng makakausap ,
    Andito lang ako.,
    Kahiit hindi mona ako mahal.

  • @kiaracatherine8417
    @kiaracatherine8417 6 ปีที่แล้ว +16

    "Kung pwede lang mabalikan ang dating tayo"
    Ni: Laika De Pedro( zack aki)
    Mahal sabi mo walang iwanan,
    pero bakit umalis ka ng di ko alam,
    naging masaya ka pero di na pala ako ang dahilan,
    sana noon palang sinabi mong di mo na pala ako mahal,
    para di na ako umasa ng mas higit pa mahal.
    SA gabi-gabing pag iyak ko ikaw ang dahilan,
    sa bawat patak ng mga luha ko ikaw ang nasa isipan,
    sa bawat gabing malungkot ako yakap-yakap ko ang mga unang minsan ko ng iniyakan,
    sa bawat araw na alala kita dala-dala ko parin ang mga pangarap nating hindi ko nakakalimutan.
    Mahal nag babasakali ako muli kang bumalik,
    nag babasakali akong muli tayong mag balik,
    pero mahal kung di man dumating ang panahon,
    hayaang mong hinding-hindi kita kakalimutan,
    dahil ikaw mahal ang taong minahal ko ng husto,
    at ang taong nanakit din sakin ng husto.
    Akala ko ba walang iwanan,
    akala ko ba walng hiwalayan,
    akala ko ba ikaw at ako ang magkakatuloyan,
    pero bakit mahal sa isang iglap lang,
    lahat ng mga pangarap at pangako nating dalawa ay iyong kinalimutan.
    Asan ba ang dating ikaw?
    ang dating ikaw na minahal ako ng husto?
    ang dating ikaw na akala ko ako lang ang gusto.
    Di ko lubosan akalaing iwan mo ko ng ganto,
    dahil mahal sabi mo ikaw at ako hanggang dulo.
    Ngayon di ko na alam kung paano mag mahal
    pero mahal kung pwede lang mabalikan ang dating tayo,
    gagawin ko ang lahat maging masaya ka ulit sa piling ko
    pero mahal kung di man mabalikan ang dating tayo,
    hahayaan ko nalang maging masaya kayo,
    dahil mahal alam kung wala na akong karapatan sayo.

    • @joilaganrellegue615
      @joilaganrellegue615 6 ปีที่แล้ว

      Kiara Catherine can i use this too 😍

    • @jrace462
      @jrace462 6 ปีที่แล้ว

      Bitin yung dulo, pero nakaka relate😟

  • @chantolosa
    @chantolosa 6 ปีที่แล้ว +12

    Please make and upload tutorial using synthesia to be easier to navigate the notes

  • @kiaracatherine8417
    @kiaracatherine8417 6 ปีที่แล้ว +6

    Tadhana natin
    by: jean carla capistrano
    Naalala ko pa nung mga panahong masaya lang tayong dalawa,
    Hawak mo ang kamay ko paulit ulit mong pinaparamdam na masaya kang talaga,
    Sa piling mo mahal, lahat ng pangamba'y nawawala
    lalo na pag binabanggit mo ang mga katagang, mahal, mahal kita sobra.
    Mga salitang masarap sa pandinig
    Mga salitang nagpapatahan sa aking bibig
    Mga salitang sayo ko lang gustong marinig.
    Ngunit mahal, may mga bagay na talagang pinagkakait satin ng tadhana.
    Isang gabi, bigla kang nawalan ng gana
    Bigla mokong iniwang nag-iisa
    Ang sakit pala talaga sobra.
    Ngunit hndi kita sinukuan, mahal, mahal , ginawa kong sundalo ang sarili ko para ipaglaban ka.
    Na kahit walang kasiguraduhan, na kahit alam kong mamamatay ako sa huli. Ipinaglaban kita �
    Ngunit nagtagumpay ako! Salamat sa diyos at nagtagumpay ako.
    Bumalik ang dating tayo, mahal pinilit kong ibalik ang dating tayo.
    Mahal mo ako, mahal kita masaya lang tayong dalawa.
    Mangarap ng kasama ka, hindi mabilang na plano natin sa isa't isa. Isa dalawa tatlo, tatlo dalawa isa.
    Ngunit sadyang lintek ang tadhana! Pinaglaruan, pinaglaruan nanaman niya tayo.
    Kung tao lang siya nakipagsapakan nako
    Mahal, bumalik tayo sa Laur samahan mo akong bumalik sa laur.
    Lugar kung saan nabuo tayong muli,
    Lugar kung saan inayos nating muli,
    Samahan mo kong bumalik sa nakaraan.
    Sa nakaraang sana hindi nalang nagdaan,
    Mga panahong sana hindi nalang natapos
    Bawat salitang aking binabanggit ako'y kinakapos sapagkat masakit, mahal masakit masakit ang maglakbay muli na hindi ko na ramdam ang mga halik .
    Kapos na kapos na ko sa pagsasalita
    Pero gusto ko paring tapusin itong aking tula
    Tula na akala ko mabubuo ko ng masaya sapagkat ikaw at ako ang paksa.
    Ngunit mahal, sakit. Sakit lang ang napadama
    Mahal babagalan ko ha? Babagalan kong maglakad papalayo sayo. Babagalan kong maglakad papalayo sa mga masayang ala-ala na tanging ako nalang ang may dala dala
    Baka sakali baka sakali lng naman
    Baka sakaling mahabol mo pa ako
    Baka sakaling ako naman ang ipaglaban mo.
    Mahal, maghihintay ako. Hihintayin kita
    At kung sakaling dumating man ang oras na yun. Nangangako ako sa Ama na kahit na anong mangyari kamay ko at kamay mo lamang ang magkahawak ng mahigpit papalit sa Banal na tahanan niya.

  • @BTLEDVILORIA
    @BTLEDVILORIA 3 ปีที่แล้ว +2

    Lagi na lang ganito
    Isipan ay gulong-gulo
    Lagi na lang nabibigo
    Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso
    Ilang liham na ang sinulat sa 'yo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang?
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
    Kailan kaya muling makakamit
    Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
    Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?
    Kung ano man ang totoo
    Isip man ay litong-lito
    Handang-handa akong sumalo
    'Pagka't ikaw pa rin sigaw ng puso
    Ilang awit na ang inalay sa 'yo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang?
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
    Kailan kaya muling makakamit?
    Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
    Kailan? Kailan? Kailan? Kailan?
    Kailan ang dating...
    Kailan kaya muling matatamasa?
    Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta
    Kailan kaya muling mararanasan?
    Sa pagdilat ng mata, ika'y hindi lang alaala

  • @RelaxingMusic-xy4jl
    @RelaxingMusic-xy4jl 2 ปีที่แล้ว +1

    Feel so relaxed and calm, perfect piano tune

  • @mastereymaster8180
    @mastereymaster8180 3 ปีที่แล้ว

    Ang sarap pakingan

  • @alphaa2963
    @alphaa2963 5 ปีที่แล้ว

    Hanggang Dito na lang, po. Love u!!!!

  • @danielmauricio8376
    @danielmauricio8376 3 ปีที่แล้ว +1

    “Paubaya”
    Pitong letra, na bibigyan ko ng kahulugahan, kaya’t sa mga nakikinig sana’y inyong maibigan.
    Letrang P- paalam sa ating binuong masasayang alala, masalimuot man ang ating nakaraan, pipilitin kong maging masaya kahit nandyan kana sa piling niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon, ayos naman tayo noon? Hindi ba natin kayang ibalik yon? Ngunit kahit anong paglapit ay pilit kong naaalala na pinaubaya napala kita sakanya.
    Letrang A - Aayusin ko, yan ang kataga na tumaga sa aking puso’t isipan, naalala mo ba? Nung sinambit mo ang salitang iyan. Yan ang tumatak sa aking isipan na hindi ko makalimutan, dahil akala ko ay maayos ngunit umasa lamang pala ako sa wala, kaya eto ako ngayon nawawala, nag wawala at walang wala nang dahil sa ginawa nyo.
    Letrang U - unawa, yan ang aking ginawa dahil mahal kita, sabi mo saakin nung nakita ko kayong mag kasama, sabi m o wala lang yon mag kaibigan lang kami at kaya wag kang mag selos, kaya’t ako itong si tangang naniwala at inunawa ka, pero bakit ako itong naging kawawa? Ang saklap diba? Masakit mang isipin pero kailangan kong tanggapin.
    Letrang B- Binalewala, nabalewala lahat ng aking ginawa nang dumating siya. biyaya ang aking natanggap simula nung nagsimula tayong magkakilala, umaga tanghali gabi tayo’y nag kakausap, masaya at walang bumabalot na lungkot sa ating dalawa. Naalala mo ba mahal nung una kitang dinala sa pasyalan, dun ka nag pasya at ako’y iyong napasaya nang banggitin mo ang salitang “oo, tayo na.” Hindi ko lubos akalaing mapapasagot ko ang isa sa kinababaliwan at crush ng bayan. Napalundag ako sa saya, ipinag yabang agad kita sa aking mga tropa. Ipinakilala sa aking pamilya.
    Letrang A - Alam, alam ko naman na sa simula pa lang tayo’y hindi mag tatagal ngunit tinggal ko lahat ng negatibo ng pag iisip, at aking inisip na mahal kita, lahat ay aking gagawin upang lumigaya ka at maging matatag ang ating pag sasama. Hindi ko ginawang lokohin ka, binigay ko lahat ng gusto mo, ngunit sa isang iglap, nawala lahat ng dumating siya.
    Letrang Y - yakap ang aking huling hiling, masakit mang tanggapin, ngunit kailangang kong gawin na bitawan ang kamay ng pinaka mamahal kong babae na pinangakuan ko ng kasal ngunit sakal ang nang nangyari nung nakita ko kayong mag kahalikan ng lalaking sabi mo, wala lang yon kaibigan ko lang yon, kaya’t wag kang mag selos don makapigil hininga ang aking nasaksihan. Pero kakayanin koto, akin nalamang gagawin ang nararapat at dapat akong mag pakatatag, kaya’t “ “paubaya” ang aking ginawa upang maging masaya ka, dahil sabi ko nga, mahal kita kaya aking gagawin lahat upang lumigaya ka.
    Letrang A- alaala, alaalang sinaalang alang ko para sakanya, para sainyong dalawa. Masakit mang alalahaning pinagpalit mo ako sakanya, aking lilimutin at lilinawin sa sarili ko na tayo ay tapos na, ika’y namaalam na.
    Masayang alaala ang aking aalalahanin upang maibsan ang sakit na aking tinamo mula sainyong dalawa. Kaya’t salamat naging parte ka ng buhay ko.
    Ikaw na pinalit nya saakin, nais ko lamang sabihin saiyo na ingatan mo yung babaeng pinaubaya ko para sayo, wag na wag mo siyang lolokohin, ubuhos mo sa kanya lahat ng pag mamahal mo at higitan mo ang mga nagawa ko para sakanya. Ipadama mo na tama ang kanyang naging desisyon na piliin ka. Salamat sainyong dalawa, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.

  • @eurrrhea
    @eurrrhea ปีที่แล้ว

    Perfect tuh sa movie editing ko😭😭tenkyuuuuuuuuu

  • @michaelredira4912
    @michaelredira4912 4 ปีที่แล้ว

    Sir parequest nman ng
    HANGGANG DITO NLNG
    TJ DEN👏🏻😇

  • @poypascual6937
    @poypascual6937 7 ปีที่แล้ว +4

    tol baka naman pwedeng maglabas ka ng tutorial nito.. ang lupit eeee paturo naman

  • @invisiblebirthdayparty
    @invisiblebirthdayparty 4 ปีที่แล้ว

    One Great Love feels

  • @jaypaglinawan90
    @jaypaglinawan90 5 ปีที่แล้ว +3

    Please make a synthesia version of this.

  • @bee2431
    @bee2431 5 ปีที่แล้ว

    please make a synthesia version of this ang galing talagaaa aah :

  • @nikkomanlunas6374
    @nikkomanlunas6374 11 หลายเดือนก่อน

    Simula una ipinaramdam ko na sayo ang buo at tunay na pagmamahal na gusto mo,ewan ko ba para akong natutunaw na yelo sa tuwing naririnig ang pangalan mo.Alam ko namang di mo ako tunay na gusto at ginagamit mo lang ako para makalimot sa nakaraan mo.
    Kase alam mo sa totoo lang Simula nung niligawan kita naubos lahat nang meron ako. At simula nung inintindi kita di ko na maintindihan ang sarili ko,lahat yata aking sinakripisyo makuha lang ang pagmamahal na gusto ko.
    Alam kong hirap na hirap ka sa nakaraan mo Kaya Nga nandito ako para pawiin ang luha na dinanas mo,pero bakit parang sakin mo binalik lahat nang sakit na kanyang ginawa?bakit?bakit? Yan ang tanong sa isipan ko,kase Hindi naman kami pareho sa katunayan nga pinipilit kong maging perpekto para sayo.
    Ayoko na nakakapagod magmakaawa sa pag-ibig dahil palagi nalang ito sakin pinagkait.yung kahit na Anong gawin ko mananatili akong mahina dahil pinili kong magpaalipin sa nararamdaman ko
    Ang tanga ko nagpaloko ako sa nararamdaman ko pero talagang Hirap na hirap na talaga ako
    Kase ang hirap mong mahalin dahil parang awa lang ang nararamdaman mo sakin ,ngayon hindi ko na mapapaliwanag aking pusong butas na butas na para bằng tinalikuran ako nang mundo,kase oo Nga mahal kita! At kung tatanungin ako ngayon ay pipiliin ko paring mahalin ka.
    Mahal kita at mahal na mahal pa kita pero tama na ayoko nang magpaloko sa nararamdaman ko,lahat ibinuhos ko, lahat tinalikuran ko para sayo,pero parang wala lang sayo lahat nang yon dahil siguro ang pangit pangit ko!
    Kase kahit na binigay ko sayo ang lahat alam kong di ako magiging sapat,at alam kong di ako karapat dapat sa puso mo dahil alam kong siya ang magpapasaya sayo yung ex mo.
    Pero pano ba Ang hirap mag pigil nang luha at ang sakit umiyak ng walang boses,iimik paba ako?kase takot na marinig nila ako,ang hirap magpatawad ng hindi ka man lang humingi nang patawad.
    Pero patawad dahil sa pagkakataong ito hindi na ako yung taong luluhod sa harap mo makuha lang ang pagmamahal na gusto ko.
    Wala na ba talaga?talaga bang nawawalan nako nang pag Asa sayo? Talaga bằng di mo ako gusto? Kasi kung Oo ako nalang yung lalayo para sayo kase awang-awa na ako sa sarili ko.
    Sa mga pagpipilit ko sayo sanay mapatawad mo ako at sanay kalimutan mo narin ako.dahil nakahanda narin akong ibaon sa limot ang nararamdaman ko para sayo, pero wag kang mag alala at magiging okay ako sanay mahanap mo na yung taong magpapasaya sayo.

  • @rheaalicer4334
    @rheaalicer4334 2 ปีที่แล้ว

    Please allow me, to use this for my sad spoken poetry🙏💕

  • @kuyacidang9978
    @kuyacidang9978 5 ปีที่แล้ว +1

    I like the sound amigo

  • @LoveYou-uz9ot
    @LoveYou-uz9ot 4 ปีที่แล้ว

    ansarap sa earrssssss

  • @sepedacatherine4464
    @sepedacatherine4464 ปีที่แล้ว

    Please allow me to use this for my spoken poetry :>

  • @crazypunk0062
    @crazypunk0062 5 ปีที่แล้ว +1

    Dude you're so good! I'm a fan 😁

  • @lykadurana4706
    @lykadurana4706 3 ปีที่แล้ว

    grabe 😭😭😭

  • @universewithinyou2761
    @universewithinyou2761 4 ปีที่แล้ว

    "*Sonnets 14 of Sonnets from the Portuguese by Elizabeth Barrett Browning*"
    If thou must love me, let it be for nought
    Except for love's sake only. Do not say
    I love her for her smile ... her look ... her way
    Of speaking gently, ... for a trick of thought
    That falls in well with mine, and certes brought
    A sense of pleasant ease on such a day'-
    For these things in themselves, Belovèd, may
    Be changed, or change for thee,-and love, so wrought,
    May be unwrought so. Neither love me for
    Thine own dear pity's wiping my cheeks dry,-
    A creature might forget to weep, who bore
    Thy comfort long, and lose thy love thereby!
    But love me for love's sake, that evermore
    Thou may'st love on, through love's eternity.
    *Sonnets 43*
    How do I love thee? Let me count the ways.
    I love thee to the depth and breadth and height
    My soul can reach, when feeling out of sight
    For the ends of being and ideal grace.
    I love thee to the level of every day’s
    Most quiet need, by sun and candle-light.
    I love thee freely, as men strive for right;
    I love thee purely, as they turn from praise.
    I love thee with the passion put to use
    In my old griefs, and with my childhood’s faith.
    I love thee with a love I seemed to lose
    With my lost saints. I love thee with the breath,
    Smiles, tears, of all my life; and, if God choose,
    I shall but love thee better after death.
    Bagay tong music nato sa sonnets nato...

  • @keithlago2330
    @keithlago2330 5 ปีที่แล้ว +2

    Noong gabing tinapos natin ang lahat saksi ang kalawakan kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko papalayo sayo noong gabing iyon, mga ilang tala na para bang nananadya ba na kung anong dilim saking kalooban ay siya ring dilim ng kalangitan at sumabay pa ito saaking kalungkutan biglang bumuhos ang umulan sinubukan kong magtampisaw, sumigaw, sumayaw sinubukan kong maglaro sa ulan umaasang kaya nitong huagasan ang sakit at tangayin sa kung saan ngunit hindi, dahil ako ang pinaglaruan ng ulan ako, ang pinagtaksilan ng kalawakan taksil ang kalawakan, sinubukan kong tumakbo kasalungat ng pagikot ng mundo, nagbabakasakaling kaya nitong habulin ang kahapon tungo sa piling mo nung sabay nating pinagsaluhan ang pagsambit mo ng paborito nating awit nung sabay tayong naligaw sa magulo nating paligid baka kaya ko pang ibalik, ang oras, and minuto, o segundo na wala tayong pakialam sa mundo baka kaya ko pa, baka kaya pa natin, ngunit kung hindi na talaga kaya pang ibalik, maaari bang ulitin nalang ulit? ang ikaw at ako. Ang dating tayo.

    • @jasminejarito7073
      @jasminejarito7073 5 ปีที่แล้ว

      yung spoken poetry sa music video ng dating tayoooo 😭💖

  • @yssaykeil6064
    @yssaykeil6064 4 ปีที่แล้ว

    Pwede ko po ba gamitin tu as my background music here in YT?

  • @renzievasquez2410
    @renzievasquez2410 3 ปีที่แล้ว

    hello can i use this to my spoken poetry, i will include this link to my post

  • @juantimoteodelapaz4434
    @juantimoteodelapaz4434 3 ปีที่แล้ว +2

    Permission to use this as an instrumental background for my spoken word poetry piece. Para po ito sa babae na tinitibok ng puso ko at gusto kung maging asawa sa tamang panahon. Sana'y pagbigyan niyo po ako

    • @juantimoteodelapaz4434
      @juantimoteodelapaz4434 12 วันที่ผ่านมา

      Allow me again to use this to my Spoken Word Poetry piece for the girl who I thought to be destined as my soulmate.

  • @axelunlagada5163
    @axelunlagada5163 6 ปีที่แล้ว

    woohhh

  • @_.blinggg
    @_.blinggg ปีที่แล้ว

    What model unit of roland is this?

  • @princesscailyne7418
    @princesscailyne7418 ปีที่แล้ว

    Tayoy magbilang mula isa hanggang apat.
    Dahil Apat,
    Apat na buwan simula nung masidhing pag bitaw mo saking mga kamay.
    Simula nung nawaglit ang salitang pag ibig sa ating malay.
    Mahal, (Mahal) naaalala mo pa ba iyong mga love letter
    Love letter mong nagbibigay saya
    Nagbibigay saya sa puso kong napakabitter.
    Mga tawang walang kapantay
    Sa mga biro mong walang sablay.
    Ang makita kang nakangiti saking tabi
    Abot langit na ang sayang di ko mawari.
    Mahal naaalala mo ba ang una nating pagtatalo?
    Ayaw mo ‘kong matulog hanggat di moko nasusuyo.
    Dahil ayaw mong tayoy maghiwalay,
    Pinadama mo sa akin ang pagibig mong tunay.
    At bigla tayong pinaglayo ng tadhana
    Hanggang sa huli
    Hanggang sa huli akoy umasa
    Umasa na mababalik ang dati nating pagsasama,
    Pagsasamang di ko inakalang magiging alaala.
    (Akalain mo) Akalain mong ako palay magkakamali
    Sa pagaAkala kong habang tayoy magkalayo
    Pagibig moy manatiling buo
    Atensyon miy di magbabago’t
    Ako at ako lang ang nilalaman ng uyong puso.
    Ngunit akoy nagkamali,
    Akoy nagkamali sa pagaakalang
    Ako parin sa dulo
    Kahit unti unti na tayong gumuguho.
    Ano bang nagawa sayo’t di ko mawari? (Meron ba?₱
    San ba ako nagkulang? San nagkamali?
    Akala ko tayo hanggang huli,
    Dahil `tayo hanggang dulo’ yan ang iyung sinabi.
    Umasa ako sa pangako mong ako lang
    Ako lang hanggang dulo
    Na sa pagbalik moy tayo parin at walang magbabago
    Kahit sa huli ikay bigla biglang sumuko.
    Sa pagbitaw moy labis ang sakit
    Sakit na di ko alam kung bakit
    Mga salita mong sa puso koy nakaukit,
    Nooy ligaya, ngayon dalay mga hinanakit.
    Tanong na laging bumabagabag
    Sa damdamin koy labag
    Binigay ko naman ang lahat sayo
    Pero bat ka nagbago?
    Bat ka sumuko?
    Bakit hindi ako hanggang dulo?
    Kahit sinabi mong 'ikaw lang at walang magbabago.'

  • @GinoongLagablab
    @GinoongLagablab 4 ปีที่แล้ว

    Hi po. Pwede po bang gamiting pang background music mga piano covers niyo? Lalagayn ko po ng credits

  • @pameladeerana3897
    @pameladeerana3897 5 ปีที่แล้ว

    Love et. 😊

  • @christanrhuendangao5878
    @christanrhuendangao5878 5 ปีที่แล้ว

    Pwede po ba gawa ka ng tutorial ng datinv tayo.😃

  • @izoebelgracerivera7011
    @izoebelgracerivera7011 3 ปีที่แล้ว

    Hello I would like to ask for permission to use this po for our presentation. Thank you so much!

  • @jerelleliwagon
    @jerelleliwagon 11 หลายเดือนก่อน

    Paalam at patawarin mo ako”
    Simula una ipinaramdam ko na sayo ang buo at tunay na pagmamahal na gusto mo,ewan ko ba para akong natutunaw na yelo sa tuwing naririnig ang pangalan mo.Alam ko namang di mo ako tunay na gusto at ginagamit mo lang ako para makalimot sa nakaraan mo.
    Kase alam mo sa totoo lang Simula nung niligawan kita naubos lahat nang meron ako. At simula nung inintindi kita di ko na maintindihan ang sarili ko,lahat yata aking sinakripisyo makuha lang ang pagmamahal na gusto ko.
    Alam kong hirap na hirap ka sa nakaraan mo Kaya Nga nandito ako para pawiin ang luha na dinanas mo,pero bakit parang sakin mo binalik lahat nang sakit na kanyang ginawa?bakit?bakit? Yan ang tanong sa isipan ko,kase Hindi naman kami pareho sa katunayan nga pinipilit kong maging perpekto para sayo.
    Ayoko na nakakapagod magmakaawa sa pag-ibig dahil palagi nalang ito sakin pinagkait.yung kahit na Anong gawin ko mananatili akong mahina dahil pinili kong magpaalipin sa nararamdaman ko
    Ang tanga ko nagpaloko ako sa nararamdaman ko pero talagang Hirap na hirap na talaga ako
    Kase ang hirap mong mahalin dahil parang awa lang ang nararamdaman mo sakin ,ngayon hindi ko na mapapaliwanag aking pusong butas na butas na para bằng tinalikuran ako nang mundo,kase oo Nga mahal kita! At kung tatanungin ako ngayon ay pipiliin ko paring mahalin ka.
    Mahal kita at mahal na mahal pa kita pero tama na ayoko nang magpaloko sa nararamdaman ko,lahat ibinuhos ko, lahat tinalikuran ko para sayo,pero parang wala lang sayo lahat nang yon dahil siguro ang pangit pangit ko!
    Kase kahit na binigay ko sayo ang lahat alam kong di ako magiging sapat,at alam kong di ako karapat dapat sa puso mo dahil alam kong siya ang magpapasaya sayo yung ex mo.
    Pero pano ba Ang hirap mag pigil nang luha at ang sakit umiyak ng walang boses,iimik paba ako?kase takot na marinig nila ako,ang hirap magpatawad ng hindi ka man lang humingi nang patawad.
    Pero patawad dahil sa pagkakataong ito hindi na ako yung taong luluhod sa harap mo makuha lang ang pagmamahal na gusto ko.
    Wala na ba talaga?talaga bang nawawalan nako nang pag Asa sayo? Talaga bằng di mo ako gusto? Kasi kung Oo ako nalang yung lalayo para sayo kase awang-awa na ako sa sarili ko.
    Sa mga pagpipilit ko sayo sanay mapatawad mo ako at sanay kalimutan mo narin ako.dahil nakahanda narin akong ibaon sa limot ang nararamdaman ko para sayo, pero wag kang mag alala at magiging okay ako sanay mahanap mo na yung taong magpapasaya sayo.
    Gustong gusto ko na ikaw ang akong gìnusto pero siguro gagaya nalang ako sa buwan na kahit mag-isa ấy magiging masaya at bibigyan ka nang liwanag kahit pa na sa malayo na ako.

  • @jereljerel5247
    @jereljerel5247 5 ปีที่แล้ว +1

    TUTORIAL NAMAN POOOOOOOO!!😁

  • @dominictavares
    @dominictavares 4 ปีที่แล้ว

    I would like to ask a permission po na gamitin itong instrumental for my spoken poetry, ipoproper crdts kopo thankyou❤

  • @maricarbermudez9102
    @maricarbermudez9102 6 ปีที่แล้ว +2

    Tutorial naman po please 😭❤

  • @chezkayang5781
    @chezkayang5781 3 ปีที่แล้ว

    Hello permission to use this audio pang background lang sa poetry ipopost ko po sa fb

  • @angelydeluna1915
    @angelydeluna1915 2 ปีที่แล้ว

    Hi po! pwede po magamit yung piano cover nyo po para po sa school project?

  • @misterniceguy6488
    @misterniceguy6488 3 ปีที่แล้ว +1

    Please allow me to use this as a background music for my hugot spoken poetry series. I will make a proper credits. Thank you!

  • @arthazetutorial560
    @arthazetutorial560 3 ปีที่แล้ว

    can I use this as background music to my short spoken word poetry?

  • @shaneocampo3017
    @shaneocampo3017 4 ปีที่แล้ว

    Hello can I use this po for a song cover?

  • @wailanesmj1493
    @wailanesmj1493 5 ปีที่แล้ว +2

    Tutorial pls

  • @aia7014
    @aia7014 4 ปีที่แล้ว

    Can i use this for my cover?🥺

  • @jhalalbertberioso796
    @jhalalbertberioso796 5 ปีที่แล้ว +1

    Kuya/Ate tutorial po plss

  • @ichiitooru995
    @ichiitooru995 5 ปีที่แล้ว +1

    Pwede po bang makahingi ng music sheet, salamat po

  • @yukichisaito7597
    @yukichisaito7597 5 ปีที่แล้ว

    OOOOOOOY PENGE NAMAN NG MUSIC SHEET

  • @jayretuertas9259
    @jayretuertas9259 9 หลายเดือนก่อน

    00:22

  • @arattv3070
    @arattv3070 6 ปีที่แล้ว +2

    Tutorial nmn dyan boss.

  • @chantolosa
    @chantolosa 6 ปีที่แล้ว

    Please upload a tutorial video!!

  • @YlanEyo
    @YlanEyo 5 ปีที่แล้ว

    Can I have the sheet music?

  • @Synth_Blade
    @Synth_Blade 6 ปีที่แล้ว

    Kuya tutorial po please

  • @kaemantv2943
    @kaemantv2943 6 ปีที่แล้ว +1

    "SANA"
    minsan
    nakakalungkot lang isipin
    na yung taong mahal mo may mahal ng iba
    mapapasabi ka nalang tlaga na
    sana na sana ako nalang sya
    na sana ako tlga yung dahilan kung bakit ka masaya
    tuwing magkasama tayong dalawa
    na SANA sapat nang
    ako ang nagpapasaya sayo
    at hindi na sya
    pero narealize ko na
    hanggang mag bestfriend nga lang pala tayong dalawa
    lumipas ang ilang buwan ng hiwalay din kayo ng boyfriend mo, pero
    pwede naba
    pwede ko na bang sabihin sayo ang matatamis kong salita ?
    hindi pa
    bestfriend mo ko kaya hindi to tama
    pero bahala na
    di ko na kayang pang pigilin ang aking nadarama
    kaya tinanong kita
    mahal mo ba ako
    hindi bilang kaibigan kundi bilang kasintahan mo
    tinawanan mo lang ako at binaliwala
    alam mo yung pakiram ko noon
    ang sakit e
    sasabihin mong mahal mo siya
    tapos tatawanan ka lang niya
    ayoko na
    itigi na natin to
    klase
    papasok paba ako
    naglolokahan lang naman tayo e
    alam ko sa sarili kong
    ikaw lang ang dahilan ng pag pasok ko
    di ko na kayang pumasok pa
    at pagmasdan ka dahil
    nasasaktan ako tuwing naaalala kong
    kahet kelan
    hindi magiging tayo
    lumagpas ang ilang buwan nang di tayo nagkikita
    miski sa totoong buhay o sa social media
    pero totoo tong aking nabalita
    na ika'y umalis na at lumuwas ng maynila
    na hanggang sa huli ako ang naging dahilan ng iyong mga luha
    kalokohan
    hindi to isang telenobela
    pero teka
    di man to isang telenobela pero
    isang bagay ang alam ko talaga
    mahal nga tlga kita
    ngayong huli na ang lahat
    tsaka ko lang naisip kung gaano ka kahalaga
    na sana maibalin natin ang panahon tulad ng dati
    na sana naglakas loob akong makita kang muli
    na sana kung nagawa ko ang lahat nang iyon
    hanggang ngayon
    kapiling parin kita hanggan sayong huling sandali
    kaya
    hindi ko hahayaang dun magtapos ang lahat
    kaya susundan parin kita
    kahit saan ka magpunta dahil nga
    MAHAL KITA

  • @alimabaibenito5883
    @alimabaibenito5883 2 ปีที่แล้ว

    Bat po walang chords ???

  • @jedmercado8301
    @jedmercado8301 6 ปีที่แล้ว +1

    tutorial plssssss

  • @guyintheinternet9675
    @guyintheinternet9675 7 ปีที่แล้ว +1

    Tutorial please :(

  • @hedlanqueddeng4939
    @hedlanqueddeng4939 8 หลายเดือนก่อน

    esophagus esophagus

  • @louisetimbre5652
    @louisetimbre5652 4 ปีที่แล้ว

    Gawa po kayo tutorial thank you

  • @jianseanclyderongasan9695
    @jianseanclyderongasan9695 5 ปีที่แล้ว

    Ilang luha
    Kailan
    Kailan
    Mali ka sir. Nawawala sa tono pagkinakanta hehhee. Pero feel ko pag tugtog mo.

  • @user-mc2jf9ln3x
    @user-mc2jf9ln3x 6 ปีที่แล้ว

    Tutorial naman po

  • @levisvabatt
    @levisvabatt 3 ปีที่แล้ว

    Good Day po GPiano!! Asking for your Permission to use this for my Song Cover and if possible short film, I will put proper credits and link to this video also to your TH-cam Channel waiting for your response po. Thank you and God bless

  • @maunebelle6709
    @maunebelle6709 7 ปีที่แล้ว +1

    Sheets? Tutorial? 🙏💕

  • @janseltibay249
    @janseltibay249 6 ปีที่แล้ว

    Kuya tutorial po

  • @alixahcrystalieyap2003
    @alixahcrystalieyap2003 6 ปีที่แล้ว

    Tutorial po plsss

  • @aeraruoy1686
    @aeraruoy1686 4 ปีที่แล้ว

    Palagay po ng chords ang ganda kasi

  • @katana7977
    @katana7977 5 ปีที่แล้ว

    pengeng music sheet

  • @jakeaaroncatanghal5219
    @jakeaaroncatanghal5219 4 ปีที่แล้ว

    I miss my ex

  • @concepcionmaristela6622
    @concepcionmaristela6622 ปีที่แล้ว

    Tutorial Kuya

  • @mangela9494
    @mangela9494 6 ปีที่แล้ว

    Tutorial po please 😞🙏

  • @wangjumercado1123
    @wangjumercado1123 6 ปีที่แล้ว

    Tutorial po

  • @rhythym8097
    @rhythym8097 3 ปีที่แล้ว

    Piano notes for this pleaseee!!! I barely read chords😢😢😢😢

  • @Redgalll
    @Redgalll 6 ปีที่แล้ว

    Hi tutorial po pleaseeeee 😭😭😭😭

  • @superroux
    @superroux 6 ปีที่แล้ว

    Chords or music sheet please

  • @xav6077
    @xav6077 6 ปีที่แล้ว

    tutorial po:)))

  • @orlecvalencia2847
    @orlecvalencia2847 6 ปีที่แล้ว

    sheet please. tnx

  • @daniellemipana5119
    @daniellemipana5119 5 ปีที่แล้ว

    chords

  • @animalhouse3659
    @animalhouse3659 6 ปีที่แล้ว

    tutorial po 😭

  • @kentdanvermontaron7116
    @kentdanvermontaron7116 4 ปีที่แล้ว

    pa send ng lead sheet salamat po
    ( kentdanevermontaron@gmail.com )

  • @geloborromeo9355
    @geloborromeo9355 3 ปีที่แล้ว

    Galing mo mag piano pero nakakasira ka ng ulo tinry ko gawing video k ulol pinalungkot mo lalo. Salute to you sana sa susunod wag kana mapanakit!

  • @johnmarksampang4819
    @johnmarksampang4819 3 ปีที่แล้ว

    Lagi na lang ganito
    Isipan ay gulong-gulo
    Lagi na lang nabibigo
    Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso
    Ilang liham na ang sinulat sayo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
    Kailan kaya muling makakamit
    Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
    Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?
    Kung anuman ang totoo
    Isip man ay litong-lito
    Handang handa akong sumalo
    Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
    Ilang awit na ang inalay sayo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
    Kailan kaya muling makakamit
    Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip?
    Kailan? Kailan? Kailan? (Kailan)
    Kailan ang dating...
    Kailan kaya muling matatamasa?
    Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta
    Kailan kaya muling mararanasan?
    Sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala

  • @nikkomanlunas6374
    @nikkomanlunas6374 11 หลายเดือนก่อน

    Paalam at patawarin mo ako”
    Simula una ipinaramdam ko na sayo ang buo at tunay na pagmamahal na gusto mo,ewan ko ba para akong natutunaw na yelo sa tuwing naririnig ang pangalan mo.Alam ko namang di mo ako tunay na gusto at ginagamit mo lang ako para makalimot sa nakaraan mo.
    Kase alam mo sa totoo lang Simula nung niligawan kita naubos lahat nang meron ako. At simula nung inintindi kita di ko na maintindihan ang sarili ko,lahat yata aking sinakripisyo makuha lang ang pagmamahal na gusto ko.
    Alam kong hirap na hirap ka sa nakaraan mo Kaya Nga nandito ako para pawiin ang luha na dinanas mo,pero bakit parang sakin mo binalik lahat nang sakit na kanyang ginawa?bakit?bakit? Yan ang tanong sa isipan ko,kase Hindi naman kami pareho sa katunayan nga pinipilit kong maging perpekto para sayo.
    Ayoko na nakakapagod magmakaawa sa pag-ibig dahil palagi nalang ito sakin pinagkait.yung kahit na Anong gawin ko mananatili akong mahina dahil pinili kong magpaalipin sa nararamdaman ko
    Ang tanga ko nagpaloko ako sa nararamdaman ko pero talagang Hirap na hirap na talaga ako
    Kase ang hirap mong mahalin dahil parang awa lang ang nararamdaman mo sakin ,ngayon hindi ko na mapapaliwanag aking pusong butas na butas na para bằng tinalikuran ako nang mundo,kase oo Nga mahal kita! At kung tatanungin ako ngayon ay pipiliin ko paring mahalin ka.
    Mahal kita at mahal na mahal pa kita pero tama na ayoko nang magpaloko sa nararamdaman ko,lahat ibinuhos ko, lahat tinalikuran ko para sayo,pero parang wala lang sayo lahat nang yon dahil siguro ang pangit pangit ko!
    Kase kahit na binigay ko sayo ang lahat alam kong di ako magiging sapat,at alam kong di ako karapat dapat sa puso mo dahil alam kong siya ang magpapasaya sayo yung ex mo.
    Pero pano ba Ang hirap mag pigil nang luha at ang sakit umiyak ng walang boses,iimik paba ako?kase takot na marinig nila ako,ang hirap magpatawad ng hindi ka man lang humingi nang patawad.
    Pero patawad dahil sa pagkakataong ito hindi na ako yung taong luluhod sa harap mo makuha lang ang pagmamahal na gusto ko.
    Wala na ba talaga?talaga bang nawawalan nako nang pag Asa sayo? Talaga bằng di mo ako gusto? Kasi kung Oo ako nalang yung lalayo para sayo kase awang-awa na ako sa sarili ko.
    Sa mga pagpipilit ko sayo sanay mapatawad mo ako at sanay kalimutan mo narin ako.dahil nakahanda narin akong ibaon sa limot ang nararamdaman ko para sayo, pero wag kang mag alala at magiging okay ako sanay mahanap mo na yung taong magpapasaya sayo.
    Gustong gusto ko na ikaw ang akong gìnusto pero siguro gagaya nalang ako sa buwan na kahit mag-isa ấy magiging masaya at bibigyan ka nang liwanag kahit pa na sa malayo na ako.

  • @wailanesmj1493
    @wailanesmj1493 5 ปีที่แล้ว +1

    Tutorial pls

  • @itsmecutey1125
    @itsmecutey1125 5 ปีที่แล้ว +4

    Lagi nalang ganito
    Isipan ay gulong gulo
    Lagi nalang nabibigo
    Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso
    Ilang liham na ang sinulat sayo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?
    Kailan kaya muling makakamit
    Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?
    Kailaaan? Kailaaaan? Kailaaaan ang dating tayo?
    Kung ano man ang totoo
    Isip man ay litong lito
    Handang handa akong sumalo
    Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso
    Ilang awit na ang inalay sayo
    Ilang luha na rin ang natuyo
    Kailan kaya muling makakatawang
    Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip
    Kailan kaya muling makakamit
    Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip?
    Kailaaan? Kailaaaan? Kailaaaan? (kailan) kailan
    Kailaaan ang dating...
    Kailan kaya muling matatamasang?
    Ikaw ay makasama at sabay tayong kakanta
    Kailan kaya muling mararanasan?
    Sa pagdilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala

  • @gamingwithjames1195
    @gamingwithjames1195 6 ปีที่แล้ว +3

    Tutorial please