SIETE DIA DEVOCIÓN- LA VIRGEN DE SAPAO (HULIO 2024)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 6 ก.ค. 2024
  • SIETE DIA DEVOCIÓN
    Buwanang Pamimintuho sa Nuestra Señora del Santo Rosario de Cardona “La Virgen de Sapao”
    Hulyo 7, 2024
    Diocesan Shrine & Parish of Our Lady of the Holy Rosary
    Cardona, Rizal.
    PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG SANTO ROSARYO
    O Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo,Ina ng Diyos na totoo, Ina ng sambayanan, pakinggan mo po ang aming pagmamakaawa ng buong pananalig. Makarating nawa kay Hesus na Anak mo at manunubos namin ang aming mga kahilingan.Sa bawat panalangin namin sa mga butil ng Santo Rosaryo, madama nawa namin ang iyong maka-inang pagmamahal at pag-aaruga. Inang maawain sa mga makasalanan, inilalapit po namin sa iyo ang aming mga sarili, ang aming kahinaan, kasalanan at kakulangan; ang aming mga sakit, hirap, at kalumbayan, umaasang ang lahat ay idudulog mo sa iyong Anak na si Hesus. Ipagkaloob mo nawa sa amin ang kapayapaan, katarungan, at kasaganaan. (Banggitin ang iba pang kahilingan)
    O Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, Tala sa Karagatan, ipinagkakatiwala namin sa iyo ang aming mga gawain lalo na ang karagatang pinagmumulan ng mga biyaya at pagpapala mula sa Diyos. Ilayo mo nawa kami sa panganib o anumang sakuna sa karagatan katulad ng paggabay mo sa mga barkong pandigma sa labanan sa pagitan ng mga Kristiyano at Turkong Muslim sa Lepanto. Kupkupin mo po kami at ang aming pamilya upang mamayani kailanman ang pagkakaisa at magandang pagsasamahan. Ilapit mo nawa kami sa iyong Anak at Panginoon naming si Hesukristo, nabubuhay at naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu santo, magpasawalang hanggan. Amen.
    Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, La Virgen de Sapao, ipanalangin mo po kami.
    #SieteDiaDevotion
    #VivaSantoRosario
    #VivaLaVirgenDeSapao
    #PangdiyosesisNaDambanaAtParokyaNgMahalNaBirhenNgSantoRosaryo
    #DSPOLHR

ความคิดเห็น •