PABLO 'Presyon' Official Lyric Video | Reaction
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 3 ต.ค. 2024
- 'ALON' Album Out Now
distrokid.com/....
II. Presyon
Artist: PABLO
Composer: PABLO
Producer: RADKIDZ (PABLO, JOSUE)
Mixing & Mastering Engineer: Emil Dela Rosa
Creative Director: Xi-Anne Avanceña
Creative Associate: Amor Amores
3D Artist & Animator: Miko del Rosario
LYRICS
Kumusta na?
Kay tagal ko nang nag-oobserba
Gabi-gabing nagtataka
Ba’t ba ganun-ganun nalang sila
Tinanong ko sa kanya,
Ang sabi niya,
“‘di ko alam pero magbabayad sila”
hmmm, pasensya na
Matindi’ng dinanas niya
Pinulupot ang lubid
Sa leeg ng kanyang kaluluwa’t
Sinabit sa puno ng pamantayan nila
Habang pasan ang bigat
Ng bawat panghuhusga
Dama mo ba?
Oh sige, eto na!
Umpisa palang
Meron na kong babala
‘Di ko kasalanan
ang sunod na kaganapan
Kayo rin naman ang nagpunla
tuwid ay binaliko
nag-balat kayo
sa kabila ng mga
pasang mala-tato
nang sa gano’y walang dumanak na dugong
galing sa inosente na pikit, bulag kuno!
kasinungalingan!
mga paratang na wala namang kabuluhan
galing sa boses na walang paninindigan
kahit pa ituring mong kaibigan
pipiliting paghaluin ang balat sa mga tinalupan
Pwes!
Ito na’ng oras ng paniningil
‘di na muling pasisiil,
magpipigil lang kung
katotohanan na ang kikitil!
Mata sa mata,
Pangil sa pangil
Pinsalang ginawa
Ngayon ay harapin
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Handa ka na
ba sa mga
bunga ng ‘yong aksyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Wala ka nang
magagawa
pa!
Lumipas ang araw
Nanatili sa’king kahon
Ilang taong nakagapos
naghihintay sa panahong
ako ay makalaya sa
sariling pagkakakulong
‘di ko kailangan ng tulong
kasi mas kailangan niyo ‘yon
pinili kong manahimik
kahit ang kaluluwa’y gutom
nilayo ang sarili dahil nga
alam na alam kong
wala akong ideya sa
kung hanggan sa’n kanyang tugon
ngayong basag na’ng
katahimikan
damhin mo ang
Presyon!
Malugod akong kinawit
Kasunod noo’y panlalait
Hugot, saksak sakaling
pumagitan pa ang langit
Mga ganid! Ba’t sa halip
tuldukan kahihiyan at ang pasakit
alulod ko’y pinuno niyo ng galit
ang tugon, ‘lang katapusang panunumbalik
Ahhh! malala ang lagay niyo
Ngayong nakawala na ‘ko saking
Tanikala, pati saklolo balewala!
Wawasakin tronong tinayo niyo
na gawa sa mga hinanakit ko
balahibo tatayo sa gagawin ko
etong hatol ng ‘di hurado
kundi ng isang pinagkanulo!
Mata sa mata,
Pangil sa pangil
Pinsalang ginawa
Ngayon ay harapin
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Handa ka na
ba sa mga
bunga ng ‘yong aksyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Wala ka nang
magagawa
Walang konsiderasyon
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Ikaw naman
ang may gawa
Eto ang ‘yong leksyon!
Ramdam na ba ang presyon?
Ramdam na ba ang presyon?
Wala ka nang
magagawa pa!
Facebook: / popowpablo
Instagram: / imszmc_
X: / imszmc
TikTok: / truiszmc
#PABLO #PABLOAlonAlbum - เพลง