Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 05 Jun 2023. 7a.m.

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 5 ก.พ. 2025
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Online
    Paggunita kay San Bonifacio, obispo at martir
    Monday of the 9th Week in Ordinary Time. June 05, 2023
    Lunes sa Ika-9 na Linggo ng Karaniwang Panahon
    UNANG PAGBASA
    Tobit 1, 3; 2, 1a-8
    Ang simula ng aklat ni Tobit
    Sa buong bahay ko, akong si Tobit, ay nagsumikap na mamuhay nang matapat sa kalooban ng Diyos. Inugali ko ang pagkakawanggawa, at naglingkod ako sa aking mga kamag-anak at mga kababayan na kasama kong napatapon bilang bihag sa Ninive, Asiria.
    Nang makabalik ako sa aking tahanan sa piling ng aking asawa at anak ay panahon ng pagdiriwang ng Pentekostes, ang Pista ng Pitong Linggo, at hinandugan nila ako ng isang masarap na salu-salo. Nang makita kong nakahain na ang masarap na pagkain, tinawag ko ang aking anak na si Tobias. “Anak,” ang wika ko, “humanap ka rito sa Ninive ng kahit sinong dukhang kababayan nating tapat sa Panginoon. Dalhin siya rito at nang makasalo ko. Daliin mo. Hihintayin kita.”
    Lumabas nga si Tobias upang humanap ng makakasalo ng kanyang ama. Ngunit bumalik ito agad na sumisigaw, “Tatay! Tatay!” “Bakit? Anong nangyari, anak?” tugon ng ama. “May kababayan tayong binigti at itinapon sa palengke,” sagot ng anak. Dahil sa narinig ko’y hindi na ako nakakain; halos patakbong iniwan ko ang hapag, pinuntahan ang bangkay, at dinala ko sa isang kubling pook upang ilibing paglubog ng araw. Matapos kong gawin ito, nagbalik ako sa amin, naglinis ng katawan, at kumaing nalulumbay. Noon ko nagunita ang pahayag ni Propeta Amos sa mga taga-Betel:
    “Ang inyong pagdiriwang ay magiging pagdadalamhati
    At ang inyong kasayahan ay magiging panaghuyan.”
    Nanangis ako.
    Paglubog ng araw, lumabas ako at humukay ng paglilibingan, at ibinaon doon ang bangkay. Sa ginawa kong ito, pinagtawanan ako ng aking mga kapitbahay. Ang sabi nila, “Hindi na ba nadala ang taong ito? Ipinadakip na siya para patayin sa ganito ring kasalanan; ngayo’y naglibing na naman!”
    Ang Salita ng Diyos.
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 111, 1-2. 3-4. 5-6
    Mapalad s’ya na may takot
    sa D’yos na magandang-loob.
    Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,
    Siyang sumusunod nang buong alindog.
    Ang kanyang lipi’y magiging dakila,
    pati mga angkan ay pinagpapala.
    Mapalad s’ya na may takot
    sa D’yos na magandang-loob.
    Magiging sagana sa kanyang tahanan
    katarungan niya’y walang katapusan.
    Ang taong matuwid, may bait at habag,
    kahit sa madilim taglay ay liwanang.
    Mapalad s’ya na may takot
    sa D’yos na magandang-loob.
    Ang mapagpautang nagiging mapalad,
    kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.
    Hindi mabibigo ang taong matuwid,
    di malilimutan kahit isang saglit.
    Mapalad s’ya na may takot
    sa D’yos na magandang-loob.
    ALELUYA
    Pahayag 1, 5ab
    Aleluya! Aleluya!
    Si Hesukristo ay tapat,
    saksi at buhay ng lahat;
    tayo’y kanyang iniligtas.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Marcos 12, 1-12
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
    Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may-ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta. Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayun din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay. Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila - ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’’ Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.
    “Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan?
    ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
    Ang siyang naging batong panulukan.
    Ginawa ito ng Panginoon,
    At ito’y kahanga-hanga!’”
    Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis.
    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
    #CatholicMass #BanalNaMisa #HolyMass

ความคิดเห็น • 42

  • @asuncionbernardino3532
    @asuncionbernardino3532 ปีที่แล้ว

    Padre Pio hinihiling ko po sainyo na pagalingin nyo na po ang aking mr na nastroke, maibalik ang kanyang normal na paglakad at ganun din po ako pagalingin nyo rin po ako sa mga nararamdaman ko. Lage nyo po kami gagabayan sa pang araw araw nming pamumuhay at ang pamilya namin. Maraming salamat po sto padre pio. Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands, And Please Help My Son In Law To His Sickness, Please Pray And Heal My Brothers To His Sickness , Please Help My Friend To His Eyes, Please Pray And Heal Baby Faith, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen

  • @emelitalisondra9836
    @emelitalisondra9836 ปีที่แล้ว

    Lord thank you for all the blessings you are giving us everyday. Forgive all our shortcomings. Lord pls grant me complete healing including Fe Peleo, Bobet, Annie, Rod, Don, Ricky, Yoly, Ludy, Louranne and all positive of Covid Variants.Pls grant external rest unto the souls of our departed ones. Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter, Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Padre Pio Please Heal Her Amen, Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Lord please nawa'y mawala na ang pandemic sa aming bansa at sa buong Mundo Amen

  • @CatalinaParas-ev4fr
    @CatalinaParas-ev4fr ปีที่แล้ว

    mahal na padre pio tulungn po ninyo ako mkakitang ibang trabho.maawa po kyo panginoon.Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen, Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety,Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention, Padre Pio Please Bless All Of Us Amen

  • @mariacells3099
    @mariacells3099 ปีที่แล้ว

    Panalangin sa mga kaluluwa nina angelis, bienvenida, maximo, leonila, emily, mark lester, eldifonso at sa iba pang kaluluwa nangangailangan ng panalangin in jesus name amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen

  • @meleniafrondoso2293
    @meleniafrondoso2293 ปีที่แล้ว

    ❤❤❤ Padre PIO intercede for my complete healing 🙏 from Italy and for the family unity of Doctor Vincenzo Scarpato ❤❤❤ for the conversions of all the sinners through out the world 🌎🌎🌎
    Good morning All❤

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 ปีที่แล้ว

    St.Padre Pio please hear all my prayers for healing fast recovery inside my body mind and soul touch me with your healing Hands ask foregiveness protections good health blessings financial needs guidance peace love understanding harmony unity together with my husband Barry my cousin Leticia Provido and all my whole family members and on the whole world have mercy on us Amen ✝️🌹💖🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Happy Feast Day Saint Boniface, Bishop And Martyr Pray For Us, And Please Help Heal Us Amen

  • @lenniesilva2564
    @lenniesilva2564 ปีที่แล้ว

    Mahal n Padre Pio pray for us Amen please protect always my family and my children Amen..Thank you Lord Amen 🙏

  • @vllnva.bongbong8722
    @vllnva.bongbong8722 ปีที่แล้ว

    Maraming-maraming salamat, Ama naming Panginoon sa mapagpalang araw na ito ng martes na inyong kaloob kaisa ng di-mabilang na pagpapala para sa aking pamilya at kapatid sa pananampalataya...Amen....

  • @fanciscagalabintrippett7197
    @fanciscagalabintrippett7197 ปีที่แล้ว

    Salamat po Santo padre pio sa panalangin na binigay mo sa amin at salamat po aming panginoong jesus nazareno lakas na binigay mo sa akin amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen, Thank You For The Gift Of Our Life Amen

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Lord thank you for all the help and support for our family Amen

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    May the souls of our dearly faithful departed Rest In Peace Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 ปีที่แล้ว

    Mapalad Siya Na May Takot Sa Diyos Na Magandang Loob. Amen

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Lord please heal my family and me Amen

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Lord please heal our country and the whole world Amen

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Lord please heal all cancer patients Amen

  • @karlellazar5692
    @karlellazar5692 ปีที่แล้ว +1

    THANK YOU CATHOLIC MASS TODAY LIVE ST. PADRE PIO OUR 👼👩‍👦👼 LADY OF MOTHER PERPETUAL HELP GRACE ST. JOSEPH JUDE BLACK 🖤 ✝️ NAZARENE DIVINE MERCY MICHAEL PRAY FOR US. STUDENT PRAY STUDY 🙏 KARL DOMINIC FAIGAL ELLAZAR AND FAMILY 😀😷 GOOD HEALTH GOD BLESS YOU STAY SAFE 😷 AMEN.🙏

  • @CharitoDejesus-u1b
    @CharitoDejesus-u1b ปีที่แล้ว

    Salamat po Santo Padre Pio❤

  • @marisatibunsay240
    @marisatibunsay240 ปีที่แล้ว

    Thank you Lord.Godbless us always

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Lord please heal all covid 19 victims Amen

  • @ronaldodecastro4722
    @ronaldodecastro4722 ปีที่แล้ว

    Salamat sa Diyos

  • @liamplayz890
    @liamplayz890 ปีที่แล้ว

    padre pio pls heal my father 🙏🏻🙏🏻🥹🥹🥹

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Good morning po everyone

  • @mariamelcaridge2821
    @mariamelcaridge2821 ปีที่แล้ว

    Amen 🙏🏻❤️🙏🏻

  • @jimmyblas6361
    @jimmyblas6361 ปีที่แล้ว

    Amen'.

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 ปีที่แล้ว +1

    O' saint Pio, keepme strong and in the best of good health, so as i can do my duties at home with my family children grandchildrens..all this i ask 8n Jesus name I pervently Pray😊🙏💜💞Amen

  • @virginiasbaronia
    @virginiasbaronia ปีที่แล้ว

    🙏🙏🙏

  • @CoraRivera-q9m
    @CoraRivera-q9m ปีที่แล้ว

    Special intention for my surgery

  • @CoraRivera-q9m
    @CoraRivera-q9m ปีที่แล้ว

    Special intention for my healing Corazon Rivera

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 ปีที่แล้ว +1

    Praise to You O Lord Jesus, I trust in You😊❤️🩷💜🙏Amen

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 ปีที่แล้ว

    Prayers for the eternal reposed souls of Christian Wendyl Go Corsini Go Rustica Porfirio SR Aldwin Adelmo jr Claudia Teodolo Eva Porfirio Jr Nilo David Avant Salud Nicanor Adela Melquiadez Daciano Amado Sofronia Audrey Raymond Conchita Ana Adelmo Sr William Medardo Abelardo Arnulfa Vicente All the Departed Souls In Purgatory that are forgotten once May They All Rest In Peace Amen ✝️✝️🌹🌹💖💖🙏🙏

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 ปีที่แล้ว +1

    Salamat po santo padre Pio, s patnubay at gabay mo sakin at mga anak ko, apo keep them safe, free from harm, in Jesus name i Pray😊🙏💜🩷❤️💞

  • @CoraRivera-q9m
    @CoraRivera-q9m ปีที่แล้ว

    Special intention for my Family Corazon Rivera

  • @jollyperlado6171
    @jollyperlado6171 ปีที่แล้ว

    Lord thank you for continuing protection for my family and me Amen

  • @CoraRivera-q9m
    @CoraRivera-q9m ปีที่แล้ว

    Salamat sa Diyos 🙏🙏🙏💓