Pinagpala ka, Maria (Complete Version)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 15 ธ.ค. 2024
  • PINAGPALA KA, MARIA
    Hymn used in The Manila Cathedral
    DISCLAIMER: AUDIO NOT MINE.
    Rights given to whom it may due.
    This was made for devotional purposes only.
    💙⭐💙⭐💙⭐💙⭐💙⭐💙⭐
    ⭐💙⭐💙⭐💙⭐💙⭐💙⭐💙
    PINAGPALA KA, MARIA
    Lyrics: Fr. Jamie Lara
    Music: Fr. Carlo Magno Marcelo
    Performance: Manila Cathedral-Basilica Choir
    KORO:
    Pinagpalang Nilikha,
    Ipinaglihing walang sala,
    Pusong dalisay, dakila,
    Maria, Ina ng Awa.
    I:
    Sa iyong sinapupunan,
    Walang bahid ng kasalanan,
    Si Hesus na kinalinga at sa duyan ng puso mo'y,
    Nanahan at nagbunga ang salita.
    (KORO)
    II:
    Ang iyong mahal na bayang Maynila,
    Maging isa nawang halimbawa,
    Kung saan ang katarunga'y haliging pinagtibay,
    At pag-asa ng dukha'y abot-kamay.
    (KORO)
    III:
    Sa paglalakbay namin sa lupa,
    Kahit madalas na madapa,
    Sa iyong pananalangin,
    Babango't gigising,
    Itataguyod isang bagong simula.
    IV:
    Sa kasaysayan ng sintang simbahan,
    Kahit mapait ang pinagdaanan,
    Lindol man at karahasan,
    Kasakita't kadustaan
    Ang iyong pag-aruga ay di nagkulang.
    (KORO)
    V:
    At sa oras ng aming pagpanaw,
    Pawiin ang takot at pangamba,
    Ibulong sa aming puso
    Ang tindi ng pagmamahal
    Ng Diyos Ama, Anak at Diwang Banal.
    Pinagpalang Nilikha,
    Ipinaglihing walang sala,
    Pusong dalisay, dakila,
    Maria, Ina ng Awa.
    Amen!

ความคิดเห็น •