Dinakita | (c) Awi Columna x Agsunta | Official Music Video

แชร์
ฝัง
 • เผยแพร่เมื่อ 29 ก.ย. 2022
 • Awi Columna and Agsunta released the official music video of their first collaboration single "Dinakita", produced by Eleven Beats.
  The music video is Directed by Alec Columna together with the up and coming production company, Katha Creatives.
  Dinakita is a song about the POV of a person struggling as a result of falling out of love with their partner.
  NOW AVAILABLE in SPOTIFY, APPLE MUSIC and other Digital Stores
  link bit.ly/3xLWT5B
  Dinakita Official Lyrics
  Di na kita mahal tulad ng dati
  Di na rin hinahanap pag
  Wala sa 'king tabi
  Di na kita makita
  Sa pangarap ko sinta
  At parang manhid na din ang puso
  Pag nakasama ka
  Ano pa ba ang dapat ko'ng gawin
  Pano ko ba to aaminin
  Salitang di ko na alam
  Kung san ko hahagilapin
  Nalilito na rin ako sa sasabihin
  Masaya naman tayo nun
  Naiwan ka na nga lang dun ngayon
  Di ko rin akalain matutuyot ang damdamin
  Nag-iba ihip ng hangin kahit
  Wala ka namang maling nagawa
  Pero biglang nawala
  Ang aking nadarama
  Di na kita mahal tulad ng dati
  Di na rin hinahanap pag
  Wala sa 'king tabi
  Di na kita makita
  Sa pangarap ko sinta
  At parang manhid na din ang puso
  Pag nakasama ka
  Pinilit ko rin na ayusin to
  Hinanap ko lang din ang sarili ko
  Di ko sayo natagpuan
  Aking pinagpaguran
  Di pala ikaw ang dahilan
  Yoko lang din maghanap pa
  Ng panlinlang para sisihin ka
  Wala ka namang maling nagawa
  Pero biglang nawala
  Ang aking nadarama
  Di na kita mahal tulad ng dati
  Di na rin hinahanap pag
  Wala sa 'king tabi
  Di na kita makita
  Sa pangarap ko sinta
  At parang manhid na din ang puso
  Pag nakasama ka
  Sadyang ganyan talaga ang tadhana
  Siguro nga'y la nang pag-asa
  Wala naman sa 'ting nagkasala
  Nawala lang ng kusa
  Kislap nating mga mata,
  Tibok na ’yong nadarama,
  Kahit na anong gawin
  Di ka na masaya
  Tumingin ka pabalik
  Di mo ba nakikita
  Na nadurog ako
  Sa salitang iyong sinabi na
  Kasi wala ka namang maling nagawa
  Pero biglang nawala
  Ang aking nadarama
  Di na kita mahal tulad ng dati
  Di na rin hinahanap pag
  Wala sa 'king tabi
  Di na kita makita
  Sa pangarap ko sinta
  At parang manhid na din ang puso
  Pag nakasama ka
  Laging pabalik balik
  Sa isip paulit ulit
  Naririndi na sayong
  Mga salitang
  Sana'y malimot na
  #DinakitaMV #AwiColumna #TeamAgsunta #showsomeppllove
 • เพลง

ความคิดเห็น • 634

 • Awi Columna
  Awi Columna 7 หลายเดือนก่อน +213

  Sa mga nasasaktan, ipagdadasal ko na sana balang araw makahanap kayo ng tamang tao para sa inyo ❤‍🩹

  • Jona Lique
   Jona Lique 7 หลายเดือนก่อน +2

   Soon😇

  • Dave Carpo
   Dave Carpo 7 หลายเดือนก่อน +1

   Soon!

  • Paul Loki
   Paul Loki 7 หลายเดือนก่อน +2

   💡🌱💛

  • Anabele Clores
   Anabele Clores 7 หลายเดือนก่อน +1

   😭🙏

  • BabyChief ♥️
   BabyChief ♥️ 7 หลายเดือนก่อน +1

   Wala naman talaga tamang tao, pero may taong mag papahalaga Sayo ❤️

 • Jancee Moradillo
  Jancee Moradillo 7 หลายเดือนก่อน +20

  sa lahat ng iniwan o naiwan, hihilom ang lahat, don't settle for less guys u deserve better!! laban peeps!!!! may dadating talaga sa buhay mo na kumbaga lesson lang at para makita mo worth mo❤️❤️

 • Dexter Amestoso
  Dexter Amestoso 8 หลายเดือนก่อน +275

  Parang mabaliw baliw din ako nung nasa barko ako nun nung sinabi nya, "anong gagawin ko Wala na ko maramdaman" di ko Alam pano mag start ulit after Ng 5 years na sankanya Lang umiikot Mundo ko. ngayon masaya na ko at nakita nya na Yung totoong mag mamahal sakanya. oo masakit pa ngayon pero pinipilit ko na Lang maging masaya para sakanila.

  • Tep tep Bajacan
   Tep tep Bajacan 8 หลายเดือนก่อน +2

   After that pre ikaw naman ang mag sasabi na dinakita makita.

  • Jenner Quinaguran
   Jenner Quinaguran 8 หลายเดือนก่อน +1

   Masasanay ka rin. Magugulat ka nalang someday

  • SarahJane B. 🌼
   SarahJane B. 🌼 8 หลายเดือนก่อน +2

   💔

  • Analiza Estapia
   Analiza Estapia 8 หลายเดือนก่อน +9

   Bro nd ka nag-iisa. 9 years kami ng ex ko.. tibayan mo lang sarili mo... sadyang mapaglaro ang tadhana... ingatan mo sarili mo. Wag mo sayangin ang buhay mo sa isang tao. Alalahanin mo my nag aantay pa sayo. Mahal ka ng pamilya mo.
   Kung maramdaman mong wla nang nagmamahal sayo. Nagkakamali ka. Nangyari yan kasi may much better na nag aantay sayo sa future. God bless bro. From Rexon..☝

  • Kris Diaz
   Kris Diaz 8 หลายเดือนก่อน +2

   Lilipas at kukupas din ating mraramdamang pagmamahal at sakit.Padayon lavan lang💪🏻😇

 • BURONG
  BURONG 7 หลายเดือนก่อน +33

  Solid to! Ang ganda ng kanta + grabe yung twist ng story sa video na to. Sana isa pelikula to.

 • Albert Orbe
  Albert Orbe 7 หลายเดือนก่อน +30

  LDR may result into this. Walang may gusto, walang pinalano biglaan mo na lang mararamdaman, magbabago yung pagtingin, mawawalan ng direksyon yung plano. Mahirap nang ipilit ang bagay na wala na, mas maige pang bumitaw kesa ipilit ang bagay na hindi mo na kaya pang hawakan. Parehas lang kayong magkakasakitan physically and emotionally bandang huli. Mahirap at masakit, pero yun ang tamang gawin! ❤️

  • Jenn Levina
   Jenn Levina 7 หลายเดือนก่อน

   Yes tama ka. 4 years kaming live in. Then 6 mos palang na LDR because work nagbago na agad . Nafall na agad sa iba 😥

  • Dpool !
   Dpool ! 7 หลายเดือนก่อน +1

   💔💔💔💔 sakit sobra umikot mundo ko sa kanila ng anak nya nag pakatino ako. Naging tapat ako sa kanya bigay lahat sa kanya at para sa anak nya kasi alam ko dun sila magiging masaya pero hindi pa pala nalaman ko nitong taon lng. Sya pala nag loloko pinatawad ko pero paulit ulit parin pading ginagawa

 • David Cajulao
  David Cajulao 8 หลายเดือนก่อน +54

  May taong mananatili sa puso, pero hindi sa buhay natin. That's life bro :'

 • HAZELLE VIDANES
  HAZELLE VIDANES 7 หลายเดือนก่อน +20

  Parang nakakalungkot lang, at the same time nakakatakot. Parang kahit anong gawin or kahit wala kang gawing mali, kung di tlaga kayo para sa isat-isa, wala kang magagawa.
  Sa mga nasa ganitong sitwasyon, hindi natin alam yung pain na mayroon sila. But I hope someday mahanap nila yung peace and genuine love. Deserve natin lahat ng tunay na saya. ❤

 • Adam Cosio
  Adam Cosio 7 หลายเดือนก่อน +21

  "Tamang tao, maling oras at pagkakataon"
  "May mga tao tayong makikilala pero magiging bahagi lang sila ng istorya natin"

  • Jessa Mula
   Jessa Mula 7 หลายเดือนก่อน +1

   Grabeeeeee..... tinamaan ako ng husto sa mga salitang to.
   Ung feeling na maayos na kayo. Mahal nyo ang isat isa,nag pa plano na Kayo ng para sa future. pero hindi pala kayo pwede. Ung taong inakala mo na sasalba sayo sa pagkalunod at pagka wasak. Iiwan ka din ulit. Kahit naramdaman nyo na nasa tamang tao na kayo. Pero mali pa din ung oras. At hindi sa inyo ang pagkakataon. Naging Isa lang sya sa kwento sa pahina mo pero hindi nanatili hanggang dulo. 😔😔😔

 • Ailyn Dela Cruz
  Ailyn Dela Cruz 7 หลายเดือนก่อน +19

  Padayon sa mga nasasaktan parin sa mga oras na ito, isang umaga gigising din tayo na wala ng sakit, malaya na tayo sa lungkot at trauma. Kapit lang!

 • ez
  ez 7 หลายเดือนก่อน +27

  "Di na kita mahal tulad ng dati"
  "Di na kita makita sa pangarap ko sinta"
  "Masaya naman tayo noon,naiwan ka na nga lang dun ngayon"
  Dati tayong masaya pero bigla nabago, at nahanap mo yung dati nating saya sa ibang tao habang ako ito nakakulong padin sa pagasang magkaka ayos tayo. It's been a year a half pero ito padin ako namamalimos ng atensyon mo habang ikaw masaya na sa bago mo🥺

  • Christian Paul Bautista
   Christian Paul Bautista 7 หลายเดือนก่อน

   WISH KO NA SANA MAHANAP MO NA DIN YUNG SAYA PARA SAYO :>

 • CHORDS TV
  CHORDS TV 7 หลายเดือนก่อน +7

  This song reminds me how mental health is very important. If someone is trying to destroy your inner peace or doesn't have any care for your mental health, it is better to end up your connection with them. Look for the right people who really cares and know your your worth as a person. But be wise. Baka kasi yung iba nagpapanggap lang na may care pero tinitake advantage ka na pala. Palagi mong tatandaan, mahalaga ka.

 • John Lawrence Anciano
  John Lawrence Anciano 7 หลายเดือนก่อน +13

  Share ko lang experience ko sa past relationship ko. I've been in a relationship in 7 years with my high school bestfriend and eventually became my partner. We are all goods, we struggle sometimes but we fix it together. Pass forward, I became part of the Ph. Navy training for Officer so I decided to pursue that career, masaya pero malungkot den kasi almost a year ako mag te training so maiiwan ko yung partner ko. Very supportive naman den talaga sya at nag set kami ng mga plans namin once na makapag tapos ako sakeng training at maging ganap na sundalo na. Nagdaan ang mga buwan, naging maganda naman sa simula ang journey ko sa loob pero nagkaroon ako ng problema, na fractured ko yung left arm ko so dahil don na pull out ako sa training center. Sobrang lungkit ko that time, halos gabi gabi nagkakaroon ako ng anxiety kung ano nang mangyayare saken. Pero may mas lalong nagpa lungkot saken. Yun ay nung malaman ko pag uwi ko may bago nang nakakasama yung taong mahal ko. Yung kaisa isang tao na inaasahan kong dadamayan ako sa pinagdadaanan ko ay wala na. Nangyare lahat nang yon ng dahil lang sa kagustuhan kong tuparin ang pangarap ko para sa sarili ko, para sa pamilya ko at para sa aming dalawa sana ng partner ko.
  Almost 2 years na ren ang nakakaraan, mahirap at matagal yung pag mo move on pero eventually naging okay naman den ang lahat. Special thanks sa mga friends ko na sinamahan ako, madami daming bote ng alak den ang naipon namin. HAHAHA At syempre sobra kong nagpapa salamat sa partner ko ngayon. Sya den talaga yung naging dahilan kung bakit masaya nako ngayon. 😊
  Minsan talaga darating tayo sa point na akala naten sya na yung makakasama naten kasi sa dami ng pinagdaanan at mga binuong pangarap na magkasama. Pero susubukin talaga tayo nang pagkakataon kung saan makikita naten kung ano at kung sino talaga yung taong para saten. At lahat nang karanasan na yan ituturo o dadalhin tayo sa taong deserve naten. Hopefully, kung sino man yung partner ko ngayon sana sya na talaga kasi ready nako mag settle na sya ang aking makasama sa mga susunod pang mga taon. ✨

 • Albert Orbe
  Albert Orbe 7 หลายเดือนก่อน +4

  Sometimes we have to accept the idea na hindi tayo yung pang matagalan, hindi man na tayo ang nasa kulay ng kanyang bahaggari, bagkus naging parte naman tayo ng kanyang pagbabago, at paghubog sa sarili nya para sa bagong mamahalin nya naway ang pagiging instrumento natin ay magbigay ng magandang tunog sa buhay nya habang tayoy hindi na KASALI PA.
  Fighting!

 • Edsie Herrera
  Edsie Herrera 6 หลายเดือนก่อน +1

  we’re in the berge of breaking up officially, this is exactly our position now :’(. I asked him kung mahal niya pa ‘ko and he just said “mahal pa rin naman kita, kaso di na nga lang tulad ng dati”. I completely shuttered into pieces. I hope I can heal from this phase, di ko na alam anong paglilibang gagawin ko.

 • ally corpuz
  ally corpuz 7 หลายเดือนก่อน +6

  FALLING OUT OF LOVE IS A MYTH.If u genuinely love that person u will never run out of love. Love is not all about feelings , its also abt commitment.If u fall out love then, maybe hindi ganon kalalim yung pagmamahal na meron ka.

 • Micaella Nerona
  Micaella Nerona 8 หลายเดือนก่อน +57

  Masarap magmahal, masarap sa pakiramdam ang mahalin. Yung pakiramdam na gigising ka sa umaga ng genuinely happy, nagiging productive ka dahil payapa ang isipan at puso mo dahil nagmamahal ka at minamahal ka. Yung pakiramdam na mahal mo talaga yung tao at makita mo lang siya na masaya, masaya ka na rin. Yung pinapahalagahan ka, yung pagmamahal na hindi lang pinilit, hindi nanlilimos, kusa lang binibigay dahil deserve mo. Pero hindi lang puro kilig, at saya ang relasyon. Darating ang mga araw na may mga pagsubok, pagbabago. Sa pag-ibig kahit gawin o ginawa mo na ang lahat, binigay mo na ang lahat. Hindi natin mapipilit ang isang tao na piliin tayo hanggang dulo, na kahit ano pa ang gawin mo para manatili sila sa buhay mo kung gusto na nila umalis sa piling mo, aalis sila at kailangan na lang natin tanggapin at palayain sila.
  Kahit sabihin sa atin ng taong mahal natin na "DI NA KITA MAHAL" dapat mas mahalin mo naman ang sarili mo, lagi natin tatandaan na mas mahal dapat natin ang ating mga sarili. Kapag alam mo sa sarili mo na binigay mo na ang lahat o ginawa mo na ang lahat, naging mabuti ka at alam mo na hindi ka naman nag kulang then set them free tulad ng gusto nila.
  Dahil ang pag-ibig hindi lang yan lagi tungkol sa pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo sa ibang tao, kundi tungkol din ito sa pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo sa SARILI MO. ❤

  • Jhe Tajan
   Jhe Tajan 7 หลายเดือนก่อน +1

   Salamat dito 💔 Mejo nakalimutan ko na nga din mahalin muna ang sarili ko..

  • Maria Thalia Parma
   Maria Thalia Parma 7 หลายเดือนก่อน +1

   Thank you sa pag papaalala na mas kailngan palang mas mahalin ang sarili bago ang iba.🤧

  • Mc Sevilla
   Mc Sevilla 7 หลายเดือนก่อน

   Sabi na dapat sarili talaga inuuna 😢

  • Ardy Dimabuyu
   Ardy Dimabuyu 7 หลายเดือนก่อน

   ❤️‍🩹❤️‍🩹❤️‍🩹❤️‍🩹

 • shen esmeria
  shen esmeria 7 หลายเดือนก่อน +1

  Sobrang solid lahat ng sinasabi sa kanta at ito na nga napaiyak na naman ako 😅😁

 • ELEVEN
  ELEVEN 8 หลายเดือนก่อน +21

  It's been an honor to make the beat of this song for these talented people!

  • Jemson
   Jemson 8 หลายเดือนก่อน +1

   Nice beat idol

  • Just Bea
   Just Bea 7 หลายเดือนก่อน

   Pooower !! 🫰♥️♥️

 • SAITV BUDOL
  SAITV BUDOL 6 หลายเดือนก่อน

  sobrang sakit salamat sa gin at nakalampas ako sa point na to hahaha solid agsunta finally keep it up originals solid grabe #supportOPM

 • Patricia marie
  Patricia marie  7 หลายเดือนก่อน +5

  When awi columna song says " Wala ka namang maling nagawa pero biglang nawala akong nadarama" i feel that 🥺

 • Aery
  Aery 7 หลายเดือนก่อน +5

  We gave ourselves space. Reason kung bakit ayoko talaga ng space is baka habang inaayos namin ang sarili namin bigla na lang din mawala ung feelings namin para sa isat isa. Baka habang hinahanap namin ang sarili namin, mawala naman ung "kami" at tuluyang maging "ako" at "sya" na lang...

 • Rodelito Ipac Domasig Jr
  Rodelito Ipac Domasig Jr 7 หลายเดือนก่อน +2

  HOYYYYYYYY ANG SAKIIIIIT!

 • Bont Bryan Oropel
  Bont Bryan Oropel 8 หลายเดือนก่อน +12

  🔥🔥🔥

  • Kaminari
   Kaminari 7 หลายเดือนก่อน +1

   Master Hokage🔥🔥🔥🔥

 • MERCADO, Marc Adrianne Magbanua
  MERCADO, Marc Adrianne Magbanua 7 หลายเดือนก่อน +7

  Nung panahong malabo na. The moment I asked her "Mahal mo pa ba ko?" Then she said "Hindi na." My whole world shattered. 💔
  Thankfully, someone came into my life to help me rebuild myself again. And I'm ready to give it my all again. Coz I know it will all be worth it. 💖

 • dracyer TV
  dracyer TV 7 หลายเดือนก่อน +2

  Need deep rest for depression🙏☝
  Ilalayo sayo nang panginoon ang mga taong sasaktan ka Lang, at papalitan nang mga taong makakabuti sayo
  That's what we called "god protection"

 • John Ruwiz Galiza
  John Ruwiz Galiza 7 หลายเดือนก่อน +20

  I had a 5 years relationship that ended recently. We had a child and I thought that we are together at the very end. But this 2022 really change a lot, Her actions, her words, everything from her nagbago ng sobra hindi ko na makilala yung babaeng kasama ko 5yrs ago up to now. We have a problem with each other lalo na sa communication pagdating sa away naming dalawa and may mga pagkukulang din na binabawi naman paunti unti and winowork out. But there is something na sumira ng lahat, yung taong akala ko eh tunay sakin siya palang sumasalo sa tuwing may alitan kami. I trusted a lot but suddenly she left me with that guy a close friend of mine and wala akong magawa kasi wala na talaga. Kahit anong habol ko sakaniya hindi na talaga siya yung dating babaeng aking nakilala. Iniwan niya ako na parang wala lang, and kung itrato niya ako eh parang wala kaming pinagsamahan knowing that we had a child, and now masaya na silang nagsasama that guy was more better and financial stable than me. I learned a lot from that relationship and fixing myself more where did I go wrong and ano yung mga pagkukulang ko bakit nagkaganon. For now I only focus on myself and for my daughter bringing this energy and motivation help me to go more further and not to look back. Self love before you give love because at the end of the day it is only you.

  • Richelle Belches
   Richelle Belches 7 หลายเดือนก่อน

   cheer up😊

  • winna patawaran
   winna patawaran 7 หลายเดือนก่อน +1

   Same! 2 months ago! 5yrs relationship with daughter and kasal. Pero iniwan nya kami para sa ibang tao 🥹

  • Bae Alcantara
   Bae Alcantara 7 หลายเดือนก่อน

   hala hugs po i am also in the same situation with you now but the difference is we’re still together. though he really changed and is not the same sweet person he was years ago, but the immaturity is still there 🥲 all thh good sides are gone, but the bad sides remained and is now worsening. we seem to hate each other now. him being very “marupok” when it comes to attraction with other people rlly took a toll and i dont think i can handle this any longer. stay strong for you and your daughter ❤

  • Gracia Sena
   Gracia Sena 7 หลายเดือนก่อน

   Hugs para po sa mga pain n naramdaman nyo rin po.

  • AranteJ vlog
   AranteJ vlog 6 หลายเดือนก่อน

   mayplano mas maganda sayo ang diyos dahil nilayo ka nya sa tao di karapatdapat para saiyo tiwala lang sa kanya at magintay ng resulta.

 • Nathaniel john Awa
  Nathaniel john Awa 7 หลายเดือนก่อน +8

  THIS IS THE SONG THAT INDICATES THAT YOU WILL ONLY KNOW THAT YOU LOVE SOMEONE WHEN THEY ARE WITH THE RIGHT PERSON.

 • Eus Preginal
  Eus Preginal 7 หลายเดือนก่อน +1

  Wala tayong magagawa kung ayaw na ng isang tao satin, kahit anong pilit , kahit anong gawin, kahit ibuhos mo lahat . 10 taon , kayo lang sa isat isa pero sa isang iglap , mawawala nalang bigla bigla , biglang mapapagod ,. hanggang isang araw, malalaman mo may iba kaya napagod .. lahat ng di magawa sayo, nagagawa sa kanya .. napaka sakit , nakaka durog , ndi ko na alam kung san ako huhugot ng lakas , di mo na alam kung kaya mo pabang magpatuloy 💔🥺

 • Coleen Pozon
  Coleen Pozon 7 หลายเดือนก่อน +2

  Reading comments here makes me realize na hindi lang ako yung ganito. Marami pala na mas matindi pa yung pinagdadaanan, than mine. Sobra yung pain. Sobra yung sama ng loob. Sobra yung galit. I don’t know how to move forward. Na sstuck ako kung may babalik pa ba o may binalikan nang iba. Mahirap pag walang closure. I don’t know how to trust again. Sobrang nasira na lahat. Imagine na bnigay mo lahat. Ginawa mo lahat para maging ok. But at the end ikaw parin yung talo. Sa kaka give mo ikaw na yung naubos. Sobrang na take for granted. Bakit ganon.? 😭😭😭

 • christian mae fortaleza
  christian mae fortaleza 7 หลายเดือนก่อน +1

  Pinatawad na kita mula ng hinayaan mo akong lumaban mag isa.
  Patawad sa mga Pagkakamali ko
  Patawad sa mga sobra at pagkukulang ko
  Patawad kong minahal kita kalahati ng buhay ko
  Patawad hindi naging Madali Pero mas Naging Maluwag
  Patawad hindi naging madali Ang pagtanggap hanggang hindi na kita hinanap
  Pinatawad na kita sa mga panahon na mas kailangang kita pero hinayaan mo akong mag isa
  Pinalaya na kita At sana ay Palayain mo narin ako.
  Pinatawad na kita sa mga panahong tiningnan mo lang ako habang kasama mo sya
  Pinatawad na kita , patawarin mo na rin ang sarili mo tulad ng pagpapatawad ko sa sarili ko
  Ngayon mas massabi ko na mas matapang na Ako sayo dahil kaya na kitang tingnan na wala ng kahit anung mararamdaman Salamat tinuruan mo akong mas maging matatag
  At kung nahanap mo man sa knya ang lahat ng aking pagkukulang , Masaya ako para sayo
  Patawad Paalam ❣️
  -chan

 • Ley
  Ley 7 หลายเดือนก่อน +1

  It's been more than a year since we part ways 1 taon ko siya niligawan, 5 taon naging kami.
  Masaya kami oo sobrang masaya kami. Mahirap minsan, madalang magkita, nagkakaroon ng problema pero alam niyo yun ni minsan never ako nag attempt o na attract sa iba. Like everyday every second siya lang nakikita ko, siya lang pinaka maganda sa lahat as in. Dumating yung araw na ayaw kong mangyari, nawala siya, umalis siya. Nagkaroon ako ng pagkukulang, naduwag akong ilaban at napabayaan ko siyang umiiyak at nasasaktan, sinubukan ko siyang mabawi, sinubukan ko siyang i-win back pero huli na yung lahat. She's happy with someone else. Ako eto mag isa sinusubukan bumangon sa hirap ng pagkawala niya, wala akong balak maghanap, wala akong balak makipag commit, tipong "Kung hindi din ikaw, di bale na" she block me in some of her socials kaya by any chance mapadpad ka dito Angelica DG I just want to say na until now and kahit bukas o sa susunod man, mahal na mahal pa din kita. Hinding hindi pa din nawawala yung feelings na meron ako eversince nakilala kita kahit isang taon mahigit ka ng wala sa piling ko mahal pa din kita. Hindi man tayo sa huli basta ang gusto ko at ang top priority ko eh ang maging maayos future mo at matupad mo lahat ng mga pangarap mo. Ingatan mo lagi sarili mo, lalong lalo si lola mo. I love you, babe.

 • RIZA BULACAN
  RIZA BULACAN 7 หลายเดือนก่อน +2

  "You're not alone in your stuggle
  It's okay not to be okay"

 • Chan Podz
  Chan Podz 7 หลายเดือนก่อน +2

  Dito sa pinas hindi nabibigyan ng maraming views yung sobrang gandang kanta at mv. Sad

 • Anime's
  Anime's 7 หลายเดือนก่อน +5

  She cheated on me. 2021, I lived the worst year of my life, i work, eat less and sleep less I'm an empty shell awaiting my death, till i found another reason to live, I started to take care of myself, sleep early, feel the hunger again, take a bath daily, buy clothes, perfumes, shoes, watch, and eat everywhere i like. This is the another part of "Di na kita mahal katulad ng dati" Thank you for hurting me so much than i can ever imagine. Now I'm a better person, Di na nga kita mahal katulad ng dati, you're just another part of my unfinished story. Thank you and goodbye

  • The Unknown
   The Unknown 6 หลายเดือนก่อน

   Sometimes you have to be broken to find your value in yourself again, ng hindi na umaasa sa ibang tao para hanapin sayo yung value mo. This time, ikaw na maghanap sa sarili mo, and you will glow, saka ka makakahanap ng taong hinding hindi ka na iccheat kasi sarili mo, mahal na mahal mo, what if pa kung sa partner mo pa, padayonnn!!

 • Reinbert Esguerra
  Reinbert Esguerra 6 หลายเดือนก่อน +1

  Sa mga nasasaktan at nasaktan hwag sana magsara yung mga puso niyo, gaya kung paano ko naisara yung sa akin. I’ve been in an abusive relationship. Hindi ko na isa-isahin. Pero lahat ng suntok at sampal, para akong sinasabihan kung gaano ako kawalang kwentang tao. Masarap magmahal, matagpuan niyo pa rin sanang lahat ‘yon. ❤️

 • Cornelio Llonora Badiongan III
  Cornelio Llonora Badiongan III 7 หลายเดือนก่อน +9

  This beautiful piece of art depicts how being heartbroken really take a toll on someone's emotional and mental capacity. Sa mga taong naka experience ng ganito, alam ko mahirap, alam ko di madali pero wag niyo hayaan na lamunin kayo ng nakaraan at speak up sa mga taong pinagkakatiwalaan mo pero kung wala kang mapagkakatiwalaan kundi sarili mo, talk go God, ilabas mo lahat. He is listening, as always. May tamang tao para sayo ☺️

 • kaye sanders
  kaye sanders 7 หลายเดือนก่อน +1

  Sa sobrang skit andaming nagshare ng experience.. virtual hugs to all of u..
  I'm on a 20yr relationship
  minsan the feeling of falling out of love to a person is just a "pause" , ung akala mo wala ng feelings , mas dun mo marerealize how you treasure the years of being together, then ask urself, bibitawan ko pa ba to?
  Falling out of love isnt reason on why they cheated..
  syempre magkakaiba tau ng experiences and if the relationship cause u trauma thats the time na madedrain ka and puro hate n ln madadama mo..
  Sa mga nahurt, pray lng lage na maovercome mo lahat ng lungkot n nadarama mo. Ipag pray mo din ung nanakit sau na maging masaya sya sa pinili nia, khit na dun sa pinili nia, na d k n nia kasama

 • Lharz Lachica
  Lharz Lachica 7 หลายเดือนก่อน +2

  SOBRANG SOLID TAGOS ANG SAKIT ❤️🥺

 • Geryk Maraña
  Geryk Maraña 7 หลายเดือนก่อน +3

  WTH! Kinilabutan ako ang ganda ng story she*, astig ng story timeline huhu more videos to come brothers

 • Engr. Jshp
  Engr. Jshp 7 หลายเดือนก่อน +1

  Sinuportahan naman kita sa mga pangarap mo,pero ibang tao naman pala ang pinapangarap mo! Tangina bro She’s the one of another man🥀

 • Nikki Montejo
  Nikki Montejo 7 หลายเดือนก่อน +1

  sobrang relate sakin tong kanta nato ngayon, sumakto yung kanta sa nangyayari sakin ngayon. ang hirap kapag nagbabago na yung tao na hindi mo alam ang dahilan o rason? na hindi naman ganon ang pagkakilala mo sa kanya nung una sobrang ibang iba. hanggang sa dumating yung point na gusto kona sya kausapin kase napapansin kona sobrang wala ng spark, nanlamig. tinanong ko sya kung “mahal nya lang ba ako kase mahal ko sya” sabi naman nya na mahal nya ko, ganon lang talaga sya. inaccept ko yung sinabi nya nayon inisip kona lang na pagod sya sa work. ang hirap kapag hindi mo alam yung dahilan ng pagbabago ng isang tao diko alam kung inuunti unti lang ba ako inuubos or hinihintay lang ako mapagod. sobrang nakakadurog ng puso na ikaw mismo gusto mo maging magandang ang relasyon nyo pero kung di makikipag cooperate yung partner mo yung mapapatanong kana lang bigla, kung may pupuntahan ba itong relasyon nyong dalawa. sobrang relate ng kanta. 🥺

 • JDCBEATS
  JDCBEATS 7 หลายเดือนก่อน +4

  VISUALS AND VOCALS SERVED!

 • BHOKSTV
  BHOKSTV 7 หลายเดือนก่อน +2

  Ako yung pinangakuan pero sa ibang tao nya tinupad. Ako ang nag buo sayo pero ikaw pala ang dudurog sakin💔

 • Ailyn Dela Cruz
  Ailyn Dela Cruz 8 หลายเดือนก่อน +34

  Bumalik yung gabing sinabi niya sakin na fall out of love na siya, d na niya ko mahal, nagsawa at napagod na.
  Kasabay nito, may nakakausap na din siyang iba.
  Siya yung taong nakikita mo para spend yun buong buhay mo. Binigay at ginawa mo naman lahat ng gusto. Pero tila di padin naging sapat . Sinisisi kapa niya bakit pinili niyang mag loko.
  Hanggang ngayon, tinatanong ko yung sarili ko anong kulang, o baka sobra sobra na sguro. Nakakaubos.
  Napapatanong ako kung talaga bang nawalan ng pagmamahal? Kasi kung nawalan lng ng pagmamahal, sigurado ako mahal, magpapahinga ka lng, babalik ka lang sa umpisa kung saan tayo nagsimulang dalawa. O sadyang meron lang talagang iba, kaya eto ka nagbago na lng ng bigla.
  Mahal bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan nagsstart na tyo sa pangarap nating pamilya?
  Di ko to inaasahan, hindi ko to pinangrap pero nangyari na lng.
  Wag ka magalala mahal, nasa punto na ako ng pagbitaw, at pagkapit. Ayoko maging selfish dahil may anak tayo.
  Kaya kung sakali man babalik kapa, kakalimutan ko ang lahat, mabuo lang tayo ulit.
  Pero kung hindi na, pangako wala kong ibang ikkwento sa anak natin kundi magagandang alaala natin magkasama. Maiintindihan niya rin ito lahat pag nagkaisip na siya.
  Mahal kita, salamat sa halos 7 taon.
  My Greatest love.
  Ang sakit sakit mo na talaga agsunta sinamahan kapa ni awi 😭💔

  • Joselito Bautista
   Joselito Bautista 7 หลายเดือนก่อน

   💔

  • El Rod
   El Rod 7 หลายเดือนก่อน +1

   Keep holding on mas masakit magstay sa taong d ka mahal palayain mo na sya better future awaits you

  • Joven Abriam
   Joven Abriam 7 หลายเดือนก่อน +1

   Ganitong Ganito.. ako 😔😔🥹

 • julsan1ty
  julsan1ty 7 หลายเดือนก่อน +1

  to the person reading this, may we heal in time. challenges lang yan kayang kaya natin 'to.

 • Ingelica Panlilio
  Ingelica Panlilio 7 หลายเดือนก่อน +1

  "Di na kita mahal tulad ng dati"
  "Di na kita makita sa pangarap ko sinta"
  Ang sakit sakit ng lyrics niyo. :((((

 • JC MAROLLANO
  JC MAROLLANO 7 หลายเดือนก่อน +1

  i played this song many times till, I just realized that i'm enjoying the beat not the message of this song, it's already past year her love is done but i realized i deserved what i have today because many good things happen to me, my message for her, hays.. haha MALAYA KA NA! 🙂

 • Joyce Anne Dimaranan
  Joyce Anne Dimaranan 7 หลายเดือนก่อน +3

  Kudos! Masyado ginalingan yey

 • Maben tv
  Maben tv 7 หลายเดือนก่อน +1

  Sabi na nga ba may twist ung mv solid idea grabe subrang relate ako subra sana more collaboration pa sana marinig ko din yan sa wish

 • Zarina Aubrey Martesano
  Zarina Aubrey Martesano 7 หลายเดือนก่อน +1

  May isang tao talaga na halos gawin natin mundo tapos siya rin ang sisira no'n. Masakit sobra 'yung binigay mo lahat and in the end hindi siya ang end game mo dahil hindi na tulad ng dati relationship niyo. Base sa experienced ko, darating ka talaga sa point na 'di mo na talaga mahal 'yung tao kase naubos kana

 • BabyChief ♥️
  BabyChief ♥️ 7 หลายเดือนก่อน +1

  Pinaka masakit Yung taong gusto mong makassma sa dulo Ng Buhay mo ay, WALA KANANG NARAMDAMAN PA 💔 nakakabaliw talaga

 • Kwekkwek
  Kwekkwek 7 หลายเดือนก่อน +1

  I left her para mas mag grow siya kahit mahal na mahal ko yung tao, and after 7 months nalaman ko na may bago na siya nung nag usap kami last month; I still love her pero proud ako kasi nag grow na siya and nakita na niya yung tahanan niya for a lifetime :>

 • BK Traigo
  BK Traigo 6 หลายเดือนก่อน +1

  Sa buhay natin meron tlgang darating para maging katulong natin sa pangarap natin, huhubugin tayo para mas maging handa sa lahat ng ating pgdadaanan, pero hanggang dun lang pala at hanggang dun lng tlga ang pwd.
  Sa lahat ng mga nasasaktan ngaun sige lng lang, in time may darating din na para satin tlga at mas deserve natin ng taong mas worthy sa pagmamahal natin. Laban lng ngitian lng natin yan ang buhay eh

 • Krist Wage
  Krist Wage 7 หลายเดือนก่อน +3

  Great piece! Thank you Agsunta and Awi ❤️

 • Mikoy d3rd
  Mikoy d3rd 7 หลายเดือนก่อน +2

  Balang Araw lahat ng Masakit at malungkot NA komento dito Mapaplitan ng saya.. Keep Going guys!!
  "you cannot move on from the pain
  but you will learn to live with It"
  Fear said - what if?
  Faith said - even if!!
  Mabagal Pero Uusad ⚓ ---->>>

 • Ailyn Dela Cruz
  Ailyn Dela Cruz 7 หลายเดือนก่อน +2

  Tinanggap kita kahit sobrang hirap sa part ko na magtiwala ulit dahil sa ginawa mo, sumugal ako sa walang kasiguraduhan, kasi ayokong maging selfish dahil may anak tyo. Oo ako yun nasaktan ng sobra satin dalawa, ako yung nagkatrauma, pero dko na inisip yun sarili ko, kahit alam kong wala kana nararamdaman saken, pinilit pa din kita ilaban kasi mahal na mahal kita e. Kaso eto habang unti unti natin inaayos yung pamilya natin, bakit ganon? Hindi pa din kita maramdaman, nasa amin ka nga pero parang ang layo layo mo na. Tinanggap at pinatawad kitang muli pero bat nararamdaman kong ako na lng yung lumalaban? Di ba dapat tayong dalawa yun gumagawa ng paraan para magwork tyo ulit.
  Pero sige, susuko na ako sa tayo, awang awa nako sa sarili ko.
  Susuko ako hindi dahil sa di na kita mahal, susuko ako kasi alam kong hindi kana sa akin sasaya kasi ramdam ko naman e. Papalayain kita kasi mahal kita, sobrang mahal na mahal.

 • Kristine Grace
  Kristine Grace 7 หลายเดือนก่อน +2

  Congratulations Awi and Agsunta! Galing! ❤️

 • Kim diaz
  Kim diaz 7 หลายเดือนก่อน +1

  Grabe yung kanta mukang para sakin 🥺🥺Sobrang Hirap pala ma fallout of love , kinukumbinse ng isip ko na baka kaya pa pero mahirap pala kalaban yung puso 😢 To the point na hinde mona alam kung kaya mopa magbigay dahil ubos na ubos kana🥹 sa 4 chances na binigay ko walang pag babago at paulit ulit lang pero this time wala nako maramdaman. 🙁hinde ko na kayang lumaban 🥺

 • Barbie Mendoza
  Barbie Mendoza 7 หลายเดือนก่อน

  Darating talaga yung araw na, masasabe mo sa sarili mo, "ayoko na. Tama na. Enough is enough." It may have been very late, it took me 12 yrs to realized, na hindi ko deserve yung situation ko. Sometimes, you deserve what you tolerate talaga. I have a lot of dreams for us, but hindi yon mangyayare kung ako lang ang nangangarap ng maginhawang buhay para sa pamilya namin. I kept on making ways to escape the past, but you also kept on dragging me down. Navoid na ng paghihirap ko sa relasyon natin yung pagmamahal ko sayo. I will never be sorry for the things I've done just to escape from you. Never ending cycle ng paghihirap. I deserve to be happy and to be loved. Most importantly, I deserve peace if mind.

 • fred mahipos
  fred mahipos 7 หลายเดือนก่อน +1

  Sinabi yan sakin ng first love ko "di nakita mahal". 3 years kmi, sobrang devastated ako nun, nag ka depression halos di ako makatulog di makakain hangang sa unti-unti mawawala at nakalimutan yung sakit.
  Sa mga sinabihan dyan na din na sila mahal may sarili tayong phase para makalimutan sila, tandaan natin may taong ibibigay si God na kahit kailan man di nilang sasasabihin na "di na kita mahal"

 • Gie An
  Gie An 7 หลายเดือนก่อน

  Very timely ng kanta na to para sa kagaya ko😔 Still trying to move on and keep going. Walang perpekto sa mundong ito hanggang di tayo matututong makuntento. Love is a commitment. Nakakabaliw ang masaktan ng paulit ulit, lalo na kung pang chicheat pa ang reason ng separation. After ilang beses mong magpatawad, umusad at tanggapin siya pero sa huli pangloloko lang din ang isusukli sayo.💔 Love should not always happiness and convenience. Learn to embrace each other flaws and weakness and hopefully at the end of the day always choose each other sana🙏🏻 pero wala na atang ganun sa ngayon💔 Masakit ang maiwan sa spot na kung saan nanatili ka habang tinutupad yung pangarap nyo bilang isang pamilya, kung saan wala kang ginawa kundi ang sumuporta ng buo, at the end hindi pala ikaw o kayo ng anak mo ang gusto nyang makasama sa tagumpay💔 But life has to move on kasi kailangan and fix yousrself for them to see what they lost😔 Kapit at manalig lang tayo sa Kanya☝🙏🏻 In the end dalawang bagay lang naman palagi yan its either a LESSON or a BLESSING... Sa mga kagaya ko diyan dasal lang tayo palagi at makipagusap sa pamilya natin lagi,.Palayain natin ang mga sarili natin sa pain na di natin deserve. Labbbaaaannnnn🙏🏻💪

 • Elizabeth Lambino
  Elizabeth Lambino 7 หลายเดือนก่อน +1

  How can I forget him when he is the only person that made me experience a lot of first time:

 • Paner Kate Aaliyah Beth
  Paner Kate Aaliyah Beth 7 หลายเดือนก่อน +1

  the saddest part of having a LDR is that u don’t have idea kung hanggang kelan nya kakayanin. and worst thing is ikaw kinakaya mo naman pero sya bigla nalang magsasabi ng “hindi ko na kaya ang LDR” 🙃

 • winna patawaran
  winna patawaran 7 หลายเดือนก่อน

  “Di na kita mahal, tulad ng dati.”
  Ang mga salitang nagdurog sakin ng bongang bonga two months ago! When my husband told me that, para akong mababaliw! 😭 kahit na kasal at may anak na kayo, pag ang isa bumitaw wala kana magagawa. Wala man lang pasabi na iiwanan kana pala. Maiiwan ka nalang magisa. Mag isa na lumalaban, mag isa na nagmamahal. Ikaw nasa process ka palang ng pagmumove on, sya moved on na moved on na! Sana maging masaya kayo, sana maging masaya ka sa desisyon mo. Okay na ako. Okay na ako sa piling ng anak ko. Salamat sa mga sakit na pinadama mo at eto ako ngayon matatag na tao. ♥️

 • Unown
  Unown 7 หลายเดือนก่อน +2

  Lupet ahh akala ko sa una yung lalaki yung ayaw na pero yung nasa huling part pala malalaman kung bakit ganun yung kilos ng lalaki grabe naman yun🤙🤙

 • Rico Cruz
  Rico Cruz 7 หลายเดือนก่อน +1

  May mga tao talagang mamahalin tayo ng tunay, pero hindi pang habang buhay nakakalungkot pero totoo😢

 • Kristopher Khadin Abello
  Kristopher Khadin Abello 7 หลายเดือนก่อน +1

  Siguro, di na nya ako makita sa pangarap nya. Di na ako yung gusto nyang makasama hanggang sa huling hininga. Di nya na makita sa akin yung future nya. Kaya siguro di na ako yung nasa piling nya. Pero mananatili parin akong mahihintay. Sa pag-ibig na Walang kasiguraduhan. Nakatali sa pag ibig nga nakaraan. 💔 Yung "panghabang-buhay" ko, may "panghabang-buhay" na. Masaya na, habang ako, nanatiling nakatingala sa kawalan, iniisip kung kelan kita muling mahahadkan.

 • _gglngs
  _gglngs 7 หลายเดือนก่อน +1

  "Di na kita mahal katulad ng dati"
  Sana isa nalang to sa mga rason kung bakit moko iniwan.
  ikaw yung tipo ng tao na dumating sa buhay ko ng hindi inaasahan pero iniwan mo ako ng biglaan na para bang walang dahilan.

 • misssunshine
  misssunshine 7 หลายเดือนก่อน

  “Di na kita mahal, tulad ng dati.”
  “Mahal lang kita kase mahal kita dati.”
  exact same words na binitawan sakin ng first boyfriend ko. wala ako maramdaman parang sobrang manhid ko nung narinig ko yun. akala ko never na ffall out of love ang mga tao. akala ko may mas mamahalin lang tayong ibang tao. masaya naman kami, tatlong taon. bigla, may nakilala lang sa workplace. ever since, ayaw ko padin bumitaw kase alam ko when sparks and happiness ends. dun palang mag sisimula ang lahat. Halos mabaliw ako gusto ko nalang matulog para wala maramdaman na sakit. Bawat pag bukas ng mata ko gusto ko nalang matulog ulit. Work, gym, aral ginawa ko for the first months. Halos ma ER ako dahil sa walang pahinga, dahil tinatanong ko sarili ko san pa ako nag kulang sayo, sa pamilya at mga kaibigan mo. Ayaw sana kita sukuan hanggang mag kita tyo ulit kase alam ko mahal mo naman ako malayo lang tyo. Pero may nabanggit kang isang sentence na ulit ulit sa utak ko. “Tatlong taon lang naman tayo”
  Tatlong taon ko yun na masasaya, tatlong taon ko yun na sinasama ka sa bawat plano’t desisyon. Tatlong taon ko yun na mahal na mahal kita. Tatlong taon LANG pala sayo yun. :)

 • IcyBlast💝
  IcyBlast💝 7 หลายเดือนก่อน +1

  11years of relationship.
  Simula nung umpisa binigay ko yung lahat lahat. Umpisa palang 1st year anniversary natin halos ako na yun gusto mag first move mag propose pero naisip ko baka hindi ka lang handa kaya wala ka paninindigan para sakin, pero nung gusto mo na, napagod na ko maghintay. “Hindi na tayo tulad ng dati.” Grabe sapul sa lyrics. Zzzz ang sakit. 😮‍💨

 • Rey Dave Nool
  Rey Dave Nool 6 หลายเดือนก่อน

  "Di na kita mahal tulad ng dati"
  "Di na kita naiisip"
  "Di na ikaw ang lageng tumatakbo sa isip ko"
  "Di na maibabalik yung dating tayo"
  "Di na maibabalik yung dating masaya tayo"
  "Di na ako umaasa pang magkakabalikan tayo"
  "Dati tayong masaya"
  Paalam alam ko hindi ko na kayang ibigay ang lahat nang mga gusto mo at pinapangarap mo LOVE kaya hinayaan nalang kitang lumayo pilitin ko nalang na iwasan at limutin ka alam ko dun ka sasaya alam ko nahanap mona yung taong maibibigay lahat nang gusto mo at pinapangarap mo ANG gusto ko lang sabihin sayo sana Ingatan ka sana nya Hinding hindi na kita pipilitin pang bumalik kung ayaw mo na sana mag-ingat ka. Mahalin at alagaan ka sana niya higitan nya sana nya yung pag aalaga ko sayo noon LOVE paalam Salamat sa kahit konting panahon napangiti at napasaya mo ako LOVE kahit bigla ka nalang nawala dina nag paalam at nagparamdam pero eto padin ako nag hihintay na mangamusta ka LOVE🙁
  #Dinakita
  #Agsunta
  #AWiColumna

 • angel torio
  angel torio 7 หลายเดือนก่อน +1

  Bumalik lahat ng sakit nung naramdaman ko to :< Well Played!! Solid!

 • MA. KEITH SHARMAINE SATORRE
  MA. KEITH SHARMAINE SATORRE 7 หลายเดือนก่อน +3

  "Hindi kita sasaktan, Sabi nung nanakit sa'kin."

 • Julie Ann
  Julie Ann 7 หลายเดือนก่อน +1

  I’m currently in LDR relationship rn I’m still hoping We will not end up like this but if will hopefully we’ll find our happiness in the end without regrets and bitterness❤

 • Paul Loki
  Paul Loki 7 หลายเดือนก่อน +1

  Masakit isipin na nababalewala kana, na tipong ikaw nalang pala mag-isa ang lumalaban para sa inyong dalawa. Dinakita kilala 😶

 • Gil Potante
  Gil Potante 7 หลายเดือนก่อน +1

  Been together for almost 4 years. Kapag sobra kang napagod dumadating talaga tayo sa point na nawawala na yung saya, at nawawala na yung pagmamahal. Kahit gaano mo man gustuhin na mahalin pa sya, pero kung puso mo na mismo yung napagod at sumuko na mahalin sya, wala na tayong magagawa. Hindi mo pwedeng ipilit yung mga bagay na ikaw na lang ang may gusto.

 • Joshua Martin Pryce
  Joshua Martin Pryce 7 หลายเดือนก่อน +1

  Someone by our side is beautiful when its with a spiritual mind.

 • Roy Xen
  Roy Xen 8 หลายเดือนก่อน +5

  Ganito nangyare saakin almost 1 month na nakalipas na gulong gulo ako sa sarili ko na para bang mabaliw sa kaniyang sinabi na, "May iba akong gusto". At, nalaman ko pa sa iba na may bf na pala siya. Nagsama kami halos isang taon na puno ng saya, kilig, pagmamahalan, at malalaman mo na lang na hindi na ikaw ang kaniyang minimithi pero heto ako, mag isang lumalaban para kalimutan ang isang bagay na pinagsamahan. Sobrang sakit lang.

 • D/C Mantac Rey Lionell
  D/C Mantac Rey Lionell 7 หลายเดือนก่อน +1

  Nag aabang talaga ako sa mga bago ng agsunta,angas kasi

 • John Gerald Valle
  John Gerald Valle 7 หลายเดือนก่อน +2

  "Hindi na para sayo ang taong ginawa mong mundo, kailangan mong maging matapang. Sa una masakit pero may kapalit na pag asa.
  Maging masaya ka nalang sakanya at patuloy mong tuparin pangarap niyo na ikaw lang mag isa.Sana sa susunod na relationship mo maging tapat ka sakanya alagaan mo baby niyo salamat sa lahat ex-wife MK " Di na kita mahal tulad ng dati"

 • nanashiii ☆
  nanashiii ☆ 8 หลายเดือนก่อน +5

  totoo nga ang chismis, mapanaket nga po. anyho, i love the idea that you awesome guys put into your craft the importance of self- awareness for mental health. Kudos! Mahal ko kayo, ket DiNaKitaMahal 💜

 • Janine Caday
  Janine Caday 7 หลายเดือนก่อน +1

  I remember yung sinasabi sa niya sa akin na hindi niya na ako mahal kaya pala nawawala kasi may iba na kaya once na fell out love yan asahan mo may iba nayan.and now happy na siya with someone.and Im happy for him kahit hindi na sakin kasi natagpuan ko na yung deserve ko na pagmamahal.Thankyou to someone to rebuild myself again❤

 • Jay-N Crausus
  Jay-N Crausus 7 หลายเดือนก่อน +2

  " Sorry Di na tayo tulad ng dati "
  Salitang gusto kong sabihin pero di ko masabi sayo.

 • Marielle Olivares
  Marielle Olivares 7 หลายเดือนก่อน +1

  "Sadyang ganyan talaga ang tadhana."
  This line hits the reality. 😢💔

 • Ana Geminisa Dohiling
  Ana Geminisa Dohiling 7 หลายเดือนก่อน +4

  Sabi nila ang babae kahit paulit ulit mong lokohin, Tatanggapin ka pa rin nya. Iba pala talaga kapag dumating na sa puntong napagod ka na. Naubos ka na. Hindi pala lageng okay ka lang sa ginagawa nya. Hindi rin pala laging tatanggapin mo sya. Nakakapagod din pla. Nakakaubos din ng pagkatao. Lalo na kung ibinigay mo naman lahat pero hindi parin sya nakuntento. Iisipin mo na lang, hindi ka naman nagkulang. 😢

 • shishibah
  shishibah 7 หลายเดือนก่อน +1

  It has been a good 8 years.. Nilaban ko hanggang huli, hanggang maubos ako, hanggang sa point na napapabayaan ko na na lahat, yung trabaho madaling palitan yung pamilya hindi ka nmn iiwan pero pag sya yung nawala mahirap na maibalik eh kaso talo pa rin eh.. I did my best.. Pero masakit nung sinabi nya na fall out of love na sya, kahit alam ko, masakit na sa kanya nanggaling... I wish her the best. Masaya at malaki ang pasasalamat ko sa 8 years, hindi ko alam kung magiging katulad pa rin ako ng dati pero i will do my best. Pero sana maging ok sya.. Ibigay sana ng mahahanap nya yung hindi ko kayang ibigay at sana maabot nya yung pangarap nya. Thank you po sa lahat

 • Sales Mika
  Sales Mika 7 หลายเดือนก่อน +1

  when you told me you're falling out of love, i felt my heart crashed, but i understand. walang permanente. i wish you nothing but happiness, my samantha. i will always remember and love you, deep in my heart.

 • SarahJane B. 🌼
  SarahJane B. 🌼 8 หลายเดือนก่อน +2

  Yung di mo pinahalagahan lahat ng mabuting nagawa ko sayo at paulit-ulit ka gumagawa ng mali.
  Ngayon naubos din ako wala ka ng babalikan.

 • Alana Ashford
  Alana Ashford 7 หลายเดือนก่อน +4

  "Sadyang ganyan talaga ang tadahan. Siguro nga'y la nang pag-asa."
  It's been six long years but it's still you. I know you are happy with her because you just recently celebrated your anniversary together. You're already happy and in love with her, while here I am still into you.

 • christian mae fortaleza
  christian mae fortaleza 7 หลายเดือนก่อน +1

  Mas masakit parin yung "kayo pa Pero May knkwento na syang iba" kaht alam nyang andun ka at naririning mo pa. Kaya wala ka talagang choice kundi bitawan na sya.

 • DM Eluna
  DM Eluna 7 หลายเดือนก่อน +1

  Di na Kita Mahal . Di na Tayo tulad Ng dati . This song reminds me my greatest love way back 2019. Up to this year. Paulit ulit nya parin sinasabi na Wala na nga . Reality sucks pero half of it is stupidity . Ganun na ba kadali sa knya mawala Yung love Yung akin almost 3 years of trying to let go and move on but I can't. I tried and I don't know why I keeping myself begging for comeback , pleading to have some chances to be with him again . I wish my feelings for him will fade. Hoping next year I will be healed and move on completely .

 • Easy Go Lending Corporation
  Easy Go Lending Corporation 7 หลายเดือนก่อน +2

  6yrs in relationship, sa anim na taon wala syang ibang ginawa kundi magmakaawa at maghabol para diko sya iwan, May mga time na tinutulak at tinataboy ko sya, Inabuso ko kabaitan nung taong mahal na mahal ako, dahil kampante ako na di nya ako kayang tiisin at di nya ko iiwan, Hanggang isang araw sinabi nya maghiwalay na dahil hindi na nya nakikita yung worth nya, After break up may nag comfort sa kanya at naging sila, Ramdam na ramdam kong mahal na mahal sya nung tao nayun at pinahahalagahan sya, Ang sakit pala makita na masaya na sa iba yung taong mahal mo, Yung gusto mo bumawi sa lahat ng ginawa mo pero di na pwede. Totoo pala marerealize mo lang lahat pag wala na sayo yung tao, Nasa huli talaga ang pag sisisi.

 • Ciruela, Judy Lynne
  Ciruela, Judy Lynne 8 หลายเดือนก่อน +8

  Alam mo yung masakit? Yung natapos kayo dahil hindi kana mahal. Hindi na niya maramdaman na mahal ka pa niya. Kahit sinubukan niyo naman, pero wala na talaga. Gusto ko matutunan niyang mahalin ulit ako. Hindi ko alam kung paano. Hindi na rin naman ako ang pipiliin niya kung sakali. Ang sakit lang. Kinulong ko kasi ang sarili ko sa kaniya. Bumuo ako ng pangarap na kasama siya pero ako na lang mag isa ang tutupad. Sana one day magising na lang din ako na hindi ko na siya mahal para hindi na masakit.

 • Reamay Lagmay
  Reamay Lagmay 7 หลายเดือนก่อน +1

  Pinilit kitang intindihin kahit durog na durog nako minahal kita ng higit pa sa subra.binigay ko lahat ng kaya ko para lng maramdamn mo na sobrang halaga mo sakin.pero bakit ,bakit diko naramdaman sayo yong pag papahalaga? Dati madalas kong tanong sayo kong mahalaga bako kong mahal mo ba ako,sagot mo oo pero bakit iba ang pinapakita ng mga kilos mo? Kaya mas pinili ko nalang lumayo at piniliing mag isa kesa patuloy akong masaktan sayo .Paalam love.patawad kong sarili ko naman ang pipiliin ko Mahal pa kita pero patawad kong DINA KITA MAHAL TULAD NG DATI :(

 • Astrid Xycca
  Astrid Xycca 7 หลายเดือนก่อน +1

  Ang sakit... Not because na-fall out of love kami sa isa't isa pero kase he cheated yet I still accept him, nagbabaka-sakali na baka magbabago sya at kaya pang ipush. Pero dumarating kase yung point na parang iba na, di na tulad nung una. Ang sakit habang tumatagal.

 • Mae Guarin
  Mae Guarin 8 หลายเดือนก่อน +2

  Pinaka masakit na salitang sinabi niya 'Hindi na kita mahal' 💔

 • Andric Rae Trinidad
  Andric Rae Trinidad 7 หลายเดือนก่อน +1

  Almost turning to 10 years together nang nagdesisyon kang kailangan mo nang tapusin. Andaming nabuong pangarap, alaala, pangako at mga pagsasama na parehong malungkot at masaya ngunit ito na nga yata ang huling pahina. Totoo pala ang sabi na darating din ang oras na kapag napagod ang isang tao, kahit na nangako kayo sa isa't isa na walang mawawala at walang iwanan, pwede padin palang maubos at sumuko sa laban. Ngunit ganun pa man patuloy akong lumalaban at nagtitiwala sa Panginoon na kung ito ang kanyang nais para saakin at para saatin, tatanggapin ko kahit mahirap, kahit masakit. Ayaw kong mawala ka sakin, kaya lang sumuko kana. Pasensya kana kung hindi ko na maibibigay ang kasal na minsan mong hiniling sakin. Alam ng Ama kung gaano kita kamahal at kahit kelan hindi yun nagbago at kahit kelan hindi ako sumuko. Kung mabasa mo man ito, patawad, gusto kong malaman mo na nandto parin ako. Nananalangin na sana matanggap kong wala kana, habang eto ako na patuloy parin na umaasa at nagmamahal sayo kahit na ayaw mo na. Mahal na mahal parin kita MST

 • Quennie Rose
  Quennie Rose 7 หลายเดือนก่อน +1

  What's worst? yung nakaramdam tayo ng pagod, ng sawa at dumating pa sa time na parang hindi na natin sila mahal kaya ni let go natin sila at nasabi pa naten sa kanila yung ganon kasakit na word. Pero nung nakita naten sila na nag mahal ng iba ang sakit, akala naten wala na pero meron pa pala.
  -nang iwan pov🤣

 • Binalewala
  Binalewala 7 หลายเดือนก่อน +1

  Sa totoo lang napaka sarap mag mahal lalo na kung yung minamahal mo ay totoong nagmamahal din sayo at nakakabaliw din naman talaga ang magmahal lalo na kapag ginawa mong mundo yung taong mahal mo. nandun yung kahit niloko ka ng Paulit-ulit okay lang paulit-ulit mo din siyang tatanggapin kase nga MAHAL mo eh magiging tanga ka talaga. pero habang tumatagal kapag paulit-ulit mo din siyang tinatanggap sa pag kakamali niya totoong mawawala na yung pag mamahal na yon. 6 years ako umasa na kala ko siya na yung makakasama namin ng anak ko pero hndi pala unting unti nawala yung pag mamahal ko sakanya kahit balikan ko pa yung masasayang araw na magkasama kami sa hirap at ginhawa Nawala nalang bigla yung pag mamahal na yon. bigla nalang ako napagod at naubos kahit Paulit-ulit pa akong sinasaktan niloloko wala nakong nararamdaman na sakit kase sinanay niya ako sa sakit kase alam niyang tatanggapin ko siya kahit pa magkamali siya. pero sabe nga ng mga matatanda ang totoong nagmamahal hndi na papagod at sumusuko pero para sakin Kung totoong kang nag mamahal hndi mo hahayaan mapagod at sukuan ka ng pathner mo hndi mo siya babalewalain.

 • Jappie Ballers
  Jappie Ballers 7 หลายเดือนก่อน +3

  As someone na galing sa 4-year relationship, this speaks to me on another level. Never ako nagkaron ng closure dahil tinapos nya lahat through phone call lang. Baka yung lyrics ng kanta na to yung mismong gusto nyang sabihin? Dahil di ko alam yung totoong rason. Nagsawa lang ba? Kailangan na ba akong lampasan? Or was it betrayal? It has been more than a year already, so I guess I'll never know. 🤷🏾‍♂️