Isa sa pinaka-delikadong kalsada sa buong Mundo | Halsema Highway | Atok, Benguet | Kennon Road Now
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 29 ก.ย. 2024
- Ang Halsema Highway, na kilala rin bilang Baguio-Bontoc Road!
ay isang Mountain pass sa Pilipinas na nagkokonekta sa probinsya ng Benguet at Mountain Province!
Ang 150-kilometro na highway ay sumasaklaw sa mga lalawigan ng Benguet at binabagtas ang walo sa mga munisipalidad nito.
(Ang Bayan La Trinidad, Tublay, Atok, Bokod, Kabayan, Buguias, Bakun, at Mankayan)
Sakop din nito ang apat na bayan ng Mountain Province (Ang Bayan ng Bauko, Sabangan, Bontoc, at Sagada).
Ang kalsada ay sinimulan noong panahon ng mga Amerikano,
Pinangalanan ito kay Eusebius Julius Halsema,
isang Amerikanong inhinyero at alkalde ng Baguio City mula 1920 hanggang 1937, na nagkaroon ng mahalagang papel sa konstruksyon nito.
Nagsimula ang konstruksyon noong unang bahagi ng 1920s upang lumikha ng maaasahang ruta na mag-uugnay sa Baguio City
at Mountain Province. Layunin nitong mapadali ang mga gawaing pang-ekonomiya at mabigyan ng access ang mga malalayong lugar,
na magpapadali sa transportasyon ng mga produkto at serbisyo.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dumaan sa malaking pagsasaayos at pagpapalawak ng kalsada.
Ang pinsalang dulot ng digmaan ay nangangailangan ng malawakang rehabilitasyon upang maibalik ito sa maayos na kalagayan.
Ang Halsema Highway ay naging daan para sa Tourismo at pag unlad ng Cordillera Region
with @J4TravelAdventures @Ajtravelvlogs01 @titodomph
#halsemahighway #atokbenguet #mountainprovince
Ganda! nakakamis hehe. Ride safe team palibot 🏍
Ui salamat idol ride safe din!
Ang bigat tignan ng motor ko.. 😅
mabigat talaga par! hahaha
Ganda jan Bap..sama mo naman ako minsan.😅🥰
Tara!
nice par😍
Salamat par