ESKAPO - Loonie ft. Jroa (REACTION VIDEO)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 20 มี.ค. 2021
  • This video reaction is based on our own opinion and this do not reflect any of our sponsors, groups and the like. Respect begets respect.
    -----------------------------------------------------------------------
    Copyright disclaimer: I do NOT own this video nor the image/audio featured in the video. All rights belong to it's rightful owner/owner's. No copyright infringement intended. Please support the original artist!
    Copyright Disclaimer: under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research.
    original link : • Loonie - "ESKAPO" feat...
    don joaquin's food express link: / donjoaquinn

ความคิดเห็น • 496

  • @JohnRoaTV
    @JohnRoaTV 3 ปีที่แล้ว +540

    SALAMAT MGA KUYA! Parehas tayo hahaha boy google din ako feeling ko may sakit ako 😅 Grabe hirap pero normal nga saating mga mahilig magisip to haha kaya natin to! Matsala sa supporta at reaction! ✌🏻

    • @jvlucero5826
      @jvlucero5826 3 ปีที่แล้ว +4

      Salamat din Kuys sa kanta niyo na to. Salamat sa awareness.
      #MentalHealthMatters

    • @xzynch0023
      @xzynch0023 3 ปีที่แล้ว +1

      Paturo magsulat ng kanta hehehehehe

    • @johnfredcanola5607
      @johnfredcanola5607 3 ปีที่แล้ว

      Lupet nyo ni idol loons🔥☝️

    • @somethings6040
      @somethings6040 3 ปีที่แล้ว

      Ang masasabe ko lang sayo Jroa ay “ Wag mo sana ako itaboy kasi di naman ako Fuck Boy”🤣🤣🤣
      Anyways masterpiece ginawa nyo ni sir Loons Cebuano reppin bebe!!!

    • @ryansilvestre278
      @ryansilvestre278 3 ปีที่แล้ว +1

      Ako din idol feeling ko mga dinadaing ko cancer na agad Hahahaahhaaha

  • @jndysda240
    @jndysda240 3 ปีที่แล้ว +30

    Salamat mga pinsan!!
    Isunod nyo sana ang OKA ni sir Gloc 9.
    Isa rin ako sa dumanas nito. Muntik ko ng kitilin ang buhay ko 14 years ago. Nakahanda na ang lubid, pero my isang kaibigang nangamusta skin nun.. ngaun, successful arkitek na ako dito sa qatar. Dumadating padin ung time na un pero masnalalabanan ko dhil my pamilya nko dito. Masayang pamilya. More power team pinsan!

  • @daikenmoscoso7726
    @daikenmoscoso7726 3 ปีที่แล้ว +11

    Naranasan ko yung part na gusto ko ng bawian ng buhay, yung tipong masaya naman ako pero sa dami ng nasa isip ko di ko magawang maging totoo kahit sa sarili ko salamat sa pagpapaintindi pinsan 😊

  • @renzelandal6156
    @renzelandal6156 3 ปีที่แล้ว +2

    Team pinsan isa rin ako sa may anxiety 18yrs old ako ngayon sobrang hirap lahat ng naramdaman nyo naranasan ko na rin pero dahil sainyo lumakas loob ko na labanan to maraming salamat!!!!!!!❤️

  • @elijahmontei7445
    @elijahmontei7445 3 ปีที่แล้ว +8

    Bago kulang din na overcome anxiety ko sobrang hirap labanan at controlin ang pag iisip. Ika nga nila "the worst battle in life is what you know and what you feel"

  • @Raaamzz
    @Raaamzz 3 ปีที่แล้ว +2

    Isa to sa solid na reaction video niyo, sa lalim ng kanta at naranasan niyo din, bawat lyrics may laman pag na experience mo ang depression/anxiety. Grabeh talaga!

  • @marionellisgudoy2058
    @marionellisgudoy2058 3 ปีที่แล้ว +9

    [Intro: Loonie]
    Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan
    Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan
    [Verse 1: Loonie]
    Dumudugo ng luha ang mga mata pag ang puso'y sugatan
    Gusto ko nang lumuha ng dugo, para ulo'y gumaan
    Gusto ko nang matulog, bukas ipagpapatuloy ko na lang
    Baka alam mo kung saan ang tamang daanan pakituro mo naman
    Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan
    Ng kasalukuyan, ang hinaharap ay pinangunahan
    Pinarusahan nabilanggo sa nakaraan na kinamulatan
    Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
    Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo
    Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko
    Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
    Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto
    Nako po
    [Pre-Chorus: Loonie]
    Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
    Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
    Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
    Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
    Kaya
    [Chorus: John Roa]
    Gusto lang namang kumawala
    Ng isip kahit pansamantala
    Pero bakit tila mas lumalala
    Di ko na alam kung saan ako dinadala
    Gusto lang namang kumawala
    Ng isip kahit pansamantala
    Pero bakit tila mas lumalala
    Minsan gusto ko na lang na mawala na
    [Verse 2: Loonie]
    Huwag kang magpapalimita sa iisang plano
    ('wag na 'wag, 'wag na 'wag)
    Imbis na mainip pagisipan pa ng maigi kung pa'no
    (Magdamag, magdamag)
    Malimit, mahilig magbilin sa ibang tao
    Ngunit tila di ko masunod-sunod ang sarili kong payo
    Katahimikan nakahiligan, kapaligiran parang libingan
    At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang
    Naging pihikan sa pagibig, maging sa kaibigan
    Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
    Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
    Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pagaalala
    Nakakawala ng gana, isip ay parang ibong lumilipad
    Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad
    [Pre-Chorus: Loonie]
    Habagat na ang ihip, pag malamig magkumot
    Magdamag nasa isip, masasakit na hugot
    Masamang panaginip, ang kalakip ng tulog
    Kaharap pagkagising, mas malaking bangungot
    Kaya madalas ay
    [Chorus: John Roa]
    Gusto lang namang kumawala
    Ng isip kahit pansamantala
    Pero bakit tila mas lumalala
    Di ko na alam kung saan ako dinadala
    Gusto lang namang kumawala
    Ng isip kahit pansamantala
    Pero bakit tila mas lumalala
    Minsan gusto ko nalang na mawala na
    [Bridge: Loonie]
    Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
    Sakit sa ulo, ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak
    Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap
    Bukas magkatabi na butas ng ilong may nakatakip na bulak
    Balisong sa pulso, kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig
    Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg
    Ang gulo ng buong daigdig, wala naman yatang gustong makinig
    Mas masarap pang mamundok, o kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib
    [Verse 3: Loonie]
    Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko ang katawan sa mga pasan na wala ng hupa
    Para kang sa Alcatraz pumuga, sa taas ay nakakalula
    Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa
    At kung makatakas ka man, mahal mo naman sa buhay ang sasakluban
    Nakakabuwang, lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan
    Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang to natagpuan
    Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan
    [Chorus: John Roa & Loonie]
    Gusto lang namang kumawala
    Ng isip kahit pansamantala
    Pero bakit tila mas lumalala
    Di ko na alam kung saan ako dinadala
    (Di ko na alam)
    Gusto lang namang kumawala
    (Gusto lang namang kumawala)
    (Gusto lang naman)
    Ng isip kahit pansamantala
    (Kahit pansamantala)
    Pero bakit tila mas lumalala
    Minsan gusto ko nalang na mawala na
    SHARE THE LYRICS
    “ESKAPO” TRACK INFO
    Featuring

    • @tugsangpusngak8471
      @tugsangpusngak8471 2 ปีที่แล้ว

      naka holo rhyme ung pre-chorus ehh, magkapareho ang bilang ng bawat pantig sa bawat pangungusap

  • @jsantism6865
    @jsantism6865 3 ปีที่แล้ว +3

    subrang seryoso ng reaction video na to.., salamat sa magandang mensahe sa kanta ni idol loons at sa inyo team pinsan.. keep it up🔥🔥🔥🔥

  • @dwightbatalla2856
    @dwightbatalla2856 3 ปีที่แล้ว +11

    Pinagdaanan ko din po yan.. takot ako sa tao nung mga time nayun Gusto ka lang lagi magisa Salamat Sa PANGINOON dahil sa tulong nya nalagpasan ko yon..
    Salamat mga idol team pinsan sa Video reaction nato.

    • @itsfreakyfriday6755
      @itsfreakyfriday6755 3 ปีที่แล้ว +1

      Same po hanggang ngayon parang mahiyain at wala confidence sa tao taong bahay kase haha

  • @johnlandrietagle7268
    @johnlandrietagle7268 3 ปีที่แล้ว +5

    Salamat mga idol sa pag share ng experience niyo gamit ang kanta nato, grabe akala ko ako lang talaga sobtang weird niya pag naranasan mo talaga sobrang hirap. Isa lang talaga ang nalapitan ko sa mga oras na inaatake ako ng Anxiety walang iba kundi si Lord talaga With God Nothing is impossible. God bless Team Pinsan, See u sa next Vlogs niyo keep safe and stay bless

  • @kejizxc3731
    @kejizxc3731 3 ปีที่แล้ว +1

    Iba yung aura sa video na to. Damang dama ko talaga yung pagiging wholesome at tunat neto. ❤

  • @ralphsimonarmenta9137
    @ralphsimonarmenta9137 3 ปีที่แล้ว +13

    Sa mind lang nangagaling lahat ng panic Just pray believe na may lord at pag na kay lord ka na lahat ng bagay ay mapayapa. :)

  • @shotbypags4436
    @shotbypags4436 3 ปีที่แล้ว +3

    bigla akong napaiyak kase akala ko ako lang nakakaranas ng anxiety legit nanlalamig ang mga kamay at paa at giniginaw pag inaatake ng anxiety thank you teampinsan sa reaction dito ❤️ keep positive thinking lang mga guys!

  • @jvlucero5826
    @jvlucero5826 3 ปีที่แล้ว +17

    1st and 2nd verse: Fear, Anxiety, Depression
    3rd verse: Suicidal thoughts
    Answer: Last two lines sa 3rd verse
    "Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang 'to natagpuan
    Nung ang makitid ko na pagiisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan"
    #MentalHealthMatters

    • @ronharleypantaleon1824
      @ronharleypantaleon1824 3 ปีที่แล้ว

      Sana May niya to nirelease kasi mental awareness month, pero grabe talaga kasi connected pa yung first line sa last. Parang sinagot niya yung tanong sa una.

    • @ryanrodriguezolalo119
      @ryanrodriguezolalo119 3 ปีที่แล้ว

      Malalagpasan mo yan pag nilabanan mo lahat ng negative thoughts mo. kalayaan pag nalampasan mo

  • @brnnphlpp
    @brnnphlpp 3 ปีที่แล้ว +2

    Solid Team Pinsan since day one!
    Realtalk lang; Sa mga tulong ng mga tulad niyo na nag Hihimay/Reaction Vid sa mga kanta sa mundo ng YT.
    Mismo sarili ko natututo ako maghimay or magmasid sa mga kanta na bago na napaakinggan ko, dahil sa ginagawa niyo Salute! Respect to all.🙏💯🔥

  • @thecheck12123
    @thecheck12123 3 ปีที่แล้ว +7

    Pahinga, mag exercise, kumain ng tama at irelax ang katawan at isipan. Chill bigyan natin ng break ang katawan natin.

  • @vickygabin7381
    @vickygabin7381 3 ปีที่แล้ว +8

    Salamat mga pinsan. Eto pinaka iniintay ko e!!!

  • @annagrey1055
    @annagrey1055 3 ปีที่แล้ว +17

    The beat, the lyrics, the message… this song is a masterpiece

  • @charlesloydpalkit7729
    @charlesloydpalkit7729 3 ปีที่แล้ว +9

    "It is you against yourself" -Coach Mav

  • @batampisnge
    @batampisnge 3 ปีที่แล้ว +1

    napaka sarap makarinig ng gantong kwentuhan, di ko akalain na yung dalawang leon, yung dalawang mangangatay tao kung bumattle eh parehas din pala sa nararanasan ko at ng iba pang normal na tao, galing talaga ni idol loonie ganda ng katha nyang to, mas maganda na naoopen tayo sa gantong klaseng maselan na usapan, salamat sa inyo Team Pinsan sa pag share ng experiences nyo ❤️ At sa makakabasa nito na nakakaranas din ng anxiety depression, laban lang tayo! kayang kaya natin labanan to walang susuko! magdasal lang tayo palagi ay humingi ng lakas sa panginoon 🙏💯

  • @trapjeff2022
    @trapjeff2022 3 ปีที่แล้ว +1

    I understand your thoughts idol Lhip and Poison. Di man ako nakaranas nyan but I'm a Psych grad. The best therapy din yung ginagawa nyo you're sharing your thoughts to someone who also understand your situation especially yung mga taong na overcome din yung ganyang situation. I hope dumami pa yung kagaya nyong hindi nahihiya ishare yung naranasan nila to spread mental health awareness to everyone.

  • @zerogabz1153
    @zerogabz1153 3 ปีที่แล้ว +20

    Sino nang nakaranas dito ng feeling na yung katawan mo gustong gusto na matulog pero hindi ka makatulog kasi yung utak mo gising at parang takot na tako ka na may masamang mangyayari?

    • @rnz1916
      @rnz1916 3 ปีที่แล้ว

      Haysss ang hirap 😪

    • @crisostomoibarra687
      @crisostomoibarra687 3 ปีที่แล้ว +1

      Ako🥺

    • @zerogabz1153
      @zerogabz1153 3 ปีที่แล้ว +1

      Laban lang mga tol! Nalagpasan ko yan sa tulong ng Diyos. Malalagpasan nyu din yan kung andyan kayu na sitwasyon ngayun!

    • @christianciervo7677
      @christianciervo7677 3 ปีที่แล้ว

      Up

  • @joshuajuliansantos6344
    @joshuajuliansantos6344 3 ปีที่แล้ว +2

    Thank you for sharing your experiences! This pandemic challenged all of our mental healths talaga. Don’t be afraid to seek help!

  • @fourthtune3182
    @fourthtune3182 3 ปีที่แล้ว +5

    Isa din ako sa mga naka relate sa kanta na'to ni Idol Loonie. Grade 11 STEM student ako and medyo napepressure lalo't medyo magulo ang mga kaganapan sa labas man o sa mismong loob ng tahanan at pamilya. 5 years old ako noong unang pinaintindi sa akin ang lupit ng hagupit ng buhay. Hanggang ngayong labingpitong taong gulang na ako, hindi parin ako makawala sa kulungan ko na iyon lalo ngayon dahil sobrang daming kaguluhan ang nagaganap sa sarili ko, sa pamilya at sa mundo. Minsan nakakaiyak isipin na nangyayari iyon sa akin at maging sa pagtulog ay minsan mahirap. Dagdag pa sa hirap na iyon ay yung kailangang hindi makita ng iba yung nararamdaman ko lalo ng sarili kong pamilya. Sa ngayon ineexpress ko nalang sa pagraRAP ang damdamin ko at sa kagandahan naman ay medyo nababawasan ang bigat sa pakiramdam ko.
    Sa ngayon nananatili parin naman akong kulong sa ANXIETY at DEPRESSION pero walang tigil parin naman ako sa pagdadasal para maging mabuti ang lahat!
    Paki spottan nalang po ng channel ko kung gusto niyo marinig ang iba sa mga obra ko! Salamat!

  • @somethings6040
    @somethings6040 3 ปีที่แล้ว +3

    Very well said mga kapinsan! Ganun kasi tlga pag nasa state of depression ka isa ang madalas na pagtulog ang sign ng depression at kadalasan sa mga taong naapektohan is yung mga taong kahig isang tuka, mga dagok sa buhay natin na di tlga maiiwasan. Salamat sa pagshare ng thoughts nyo mga kapinsan. 🔥🙌🏼💯

  • @kabutenglason7477
    @kabutenglason7477 3 ปีที่แล้ว +3

    isa ako sa may anxiety and panic attack.
    isa talaga sa nakaka trigger yung mga badnews lalo na pag naka nood ako sa balita or tv na may namatay sa sakit sa puso. diabetes hyblood stroked.
    pag ganon dun nako nenerbyosin bibilis tibok ng puso. mahihirapan huminga. mainit yung ulo at leeg pero malamig ang paa. nanamhid yung katawan. parang hapong hapo. nasusuka. magugulatin. tas parang gusto kong tumakbo ng tumakbo. at madame pa.
    kaya sa katulad kong may panic attack. kilalanin nyo sarili nyo at iwasan nyo ang nakakapag patrigger sa inyo 😁
    and di ko masabeng gumaling nako.
    PERO NAKOKONTROL KONA SYA 😊

  • @rapsa17macaday58
    @rapsa17macaday58 3 ปีที่แล้ว +1

    Biglang naging positibo yung pagiisip ko ng mapanuod ko to solid💙

  • @vmyb3175
    @vmyb3175 3 ปีที่แล้ว +2

    Sarap manuod sa reaction nyo talagang detalyado din solid dami ko nalaman sa lalim ng kanta nato na diko maintindihan minsan. Hehe

  • @pijogotbars
    @pijogotbars 3 ปีที่แล้ว +1

    Ito ang inaabangan kong reaction talagang solid mag review. Lalo na sa mga kanta ni kuya Loonie

  • @robicastro942
    @robicastro942 3 ปีที่แล้ว +2

    Sana magkaron kayo ng segment na ganyan kayo ka seryoso godbless mga idol

  • @tonzkii
    @tonzkii 3 ปีที่แล้ว

    Salamat pinsan! Ngayun ko lang nalaman kala ko normal lang. pero d na pala. lahat ng nabanggit nyu naranasan ko rin akala ko normal lang. kasi hindi nman ganyan pgka tao ko dati. hanggang ngayon ganun parin. kaya pala ang sarap pakinggan ng kantang to.

  • @Casper-mr2qp
    @Casper-mr2qp 2 ปีที่แล้ว

    Sobrang totoo to binabalik balikan ko to para maging positibo ulit. Salamat mga pinsan ❤️ pareparehas tayong boy google

  • @aaronfajardo48
    @aaronfajardo48 3 ปีที่แล้ว +2

    Kadalasan ng anxiety na naranasan ko hanggang ngayon ehh yung nakakaramdam ka ng panganib kahit wala namang panganib sa paligid. tamang hinala / walang tiwala / yung paligid mo hinahanapan mo ng armas na pwedeng magamit o kaya saan pwede mag tago.

  • @ruffypelaezsatur9743
    @ruffypelaezsatur9743 3 ปีที่แล้ว +6

    Di lang ito purong reaction lang sa pyesa kundi may advice din at aral na napupulot. . maraming salamat mga pinsan ❤️

  • @whizzbang2339
    @whizzbang2339 3 ปีที่แล้ว

    pinsan yan din nararamdaman ko ngayon pero dahil napanuod ko to may ideya na ako kung ano nangyayari sa akin akala ko ako lang ang nakakaramdam ng ganto maraming salamat sa inyo mga pinsan much love

  • @crisauza4627
    @crisauza4627 3 ปีที่แล้ว +1

    Isa toh na kanta nung una kung dinig nasabi ko parang wala lang parang simple lang pero nung nakita ko yung mga sa comment nung sinabing damahin yung bawat salita dun ko napagtanto na isa toh sa kantang pwede kung ishare 🔥❤️
    MasterPiece Tong Kanta na Toh Sobra 🔥❤️

  • @MrPingaw0790
    @MrPingaw0790 3 ปีที่แล้ว +1

    Grabe yung part na "...Kaya ako ay pumalaot, nagpaanod, at inabot pa ng bagyo, Sumasabog ang mga alon at pinasok na ang barko..."
    Yung feeling na lugmok, anxiety at depress ka na pero maslalo mo pang idown sarili mo due to overthinking.

  • @janbenedictcruz7334
    @janbenedictcruz7334 3 ปีที่แล้ว +2

    Nasaksihan ko pinsan ko na ma depress, iba as in, ilang beses na tinangkang magpakamatay, nag overdose, triny uminom ng zonrox, yung laslas nun sa hita at wrist sobrang lalim, di lang sya basta laslas, maibubuka mo yung sugat e, kami kami lang nakakaalam nun, pamilya namin tsaka pamilya nya, pag kausap mo normal lang sya, makakausap mong matino, pero oras na mag isa yun mag lalaslas na, di yun natutulog ng 3 days, literal na di natutulog, umiinom yun ng alak walang laman tyan, di kumakain sa kanila, samin lang kumakain, sa bahay lang namin, para syang nag hahanap ng kalinga, namatay kasi mama nya (cancer), tapos sya yung nag aalaga, sapo nya lahat, naghinto sya sa pag aaral, almost 3 years syang naging ganun, ngayon umayos ayos na. pag may kakilala kayong depress, wag nyo papakita na naawa kayo, pag sinabi nyang papakamatay sya, biruin nyo lang na "edi sige pakamatay ka", pag kasi kinaawan lalo nilang mararamdaman na pabigat sila, wag nyo ipakita na naaawa kayo, pero paminsan minsam kausapin nyo din ng seryoso, di ko sinasabing pwede to sa lahat, pero eto lang natutunan ko.

  • @kydtwotwotwo
    @kydtwotwotwo 3 ปีที่แล้ว +3

    Salamat sa kaalaman mga pinsan! ❤️

  • @eyedeaofficial
    @eyedeaofficial 3 ปีที่แล้ว

    Lumabas din hehe kayo inaantay ko mag react mga kuys e, sure ako di lang ako ung nag aantay sa react nyo sa new song ni idol
    Salute mga kuys 👊🏼🔥

  • @jaybeediamante6677
    @jaybeediamante6677 3 ปีที่แล้ว

    Salamat po sa pag share nyo mag 1 year na po ko di nadadalaw ng anxiety. Power pa para satin mga may anxiety. Pero feeling ko po graduate na po ko jan.

  • @rovicayles9160
    @rovicayles9160 3 ปีที่แล้ว +1

    Yon kayong dalawa talaga hinihintay ko magreact dyan haha nice 🔥🔥

  • @jerichocompuesto7450
    @jerichocompuesto7450 3 ปีที่แล้ว +1

    Ito inaabangan kong review solid mga idol 👏👏

  • @chupolianstvregieagravante7123
    @chupolianstvregieagravante7123 3 ปีที่แล้ว +1

    napaka solid mga idol parang kinakausap ko sarili ko habang pinakikinggan ko to

  • @idzlasna9742
    @idzlasna9742 3 ปีที่แล้ว +2

    Lalo na qmi na andto sa abroad mdali qming makaramdam ng anxiety, stress, depression laht2x na! Pero aq pnipilit qong labanan tulad nga ng sabi nyo mga Pinsan sarili lang ntin mkkatulong sa sarili ntin. Godbless poh at slmat ulit sa advice😉

  • @justineautor775
    @justineautor775 ปีที่แล้ว +1

    Salamat sa inyo gregor and lhip. Dahil sainyo nalaman ko tong nararamdaman ko anxiaty din pala to lng nararanasan ko 😔

  • @longlivejoko
    @longlivejoko 3 ปีที่แล้ว

    Eto talaga inaabangan ko eh. Shout outs from Iligan City mga lodi

  • @haremundag7569
    @haremundag7569 3 ปีที่แล้ว

    Ayus to na video reaction mga idol pinsan. Madami tayu nakakaranas nito 🖐️ pano mo nalang labanan tsaka di lang kumawala sa ☝️☝️🙏

  • @jhonaldrinenamoco3156
    @jhonaldrinenamoco3156 3 ปีที่แล้ว +1

    relate ako dyan sa kantang yan grabe di ko kinahihiya na meron ako ganyang kundisyon kase iilan lang naman ang nakakaintindi sa aamin mas marami pa ngang tatawanan pa kame pake namen sa inyo

  • @heraldcabrido480
    @heraldcabrido480 3 ปีที่แล้ว

    salamat sa lalong pagpapaintindi ng mga kanta team pinsan saludo po ako sainyo

  • @gyoungthagreat785
    @gyoungthagreat785 3 ปีที่แล้ว

    1k nalang 200k subs na mga Pinsan congrats na agad! 💯🙌🏾

  • @OutsideTheBox23
    @OutsideTheBox23 3 ปีที่แล้ว

    Whooooop! ESKAPO! 🔥🔥🔥🔥

  • @FrederickFatallaTampus
    @FrederickFatallaTampus 3 ปีที่แล้ว

    Nice Review and Reactions ;) Thanks Team Pinsan Ako din Gusto ko Collab nila Loonie at Jroa sa Eskapo ;) Sana Masundan pa ;) More Power pa sa Channel ninyo ;)

  • @justinlarce9375
    @justinlarce9375 3 ปีที่แล้ว

    Pinaka hihintay kong reaction vid. Sa eskapo ni idol loons. Solid mga lodii🔥

  • @jungleone6855
    @jungleone6855 3 ปีที่แล้ว

    Yown, eto mga favorite Kong reactor!

  • @tengdeleon786
    @tengdeleon786 3 ปีที่แล้ว

    Sa lahat ng nag video react neto eto ang pinaka magandang pinaliwanag realtalk ..

  • @sigekahol9024
    @sigekahol9024 3 ปีที่แล้ว

    advance happy 200k team pinsan, pero ang hirap mag react nga ng kantang yan kasi ang Dark ng mensahe,..

  • @raymondmangali8345
    @raymondmangali8345 3 ปีที่แล้ว +1

    Ayos team pinsan dabest tlaga pag kayo mag react❤️

  • @rommelnunez9247
    @rommelnunez9247 3 ปีที่แล้ว

    The best video reaction para sa kantang to.

  • @jaysonguemo7642
    @jaysonguemo7642 3 ปีที่แล้ว +1

    Yessss!! 💯❤️

  • @karlenriquez5387
    @karlenriquez5387 2 ปีที่แล้ว

    salamat sa mga shinare nyo mga pinsan, ngayon alam ko na kung bakit ko nararamdaman to

  • @GenLuna-ov7fj
    @GenLuna-ov7fj 3 ปีที่แล้ว +22

    Ang hirap isound trip ng kantang to napakalalim ng nakatagong mensahe goosebump men lalo na sa naka experience talaga ng anxiety at depression mahirap talaga makaranas nyan sarili mo mismo kalaban mo ang hirap takasan para ka laging aburido at Tamang hinala Pero sa lahat ng nakatakas dyan saludo sa inyo be positive lang meron tayong diyos

    • @rnz1916
      @rnz1916 3 ปีที่แล้ว

      Mismo!

    • @kaidzz
      @kaidzz 3 ปีที่แล้ว +1

      Depression? Isn't that just a fancy word for feeling bummed out?

    • @janbenedictcruz7334
      @janbenedictcruz7334 3 ปีที่แล้ว

      @@kaidzz kawawa naman mga nakakasalamuha mo

  • @Deepweb666
    @Deepweb666 3 ปีที่แล้ว

    Waiting for bahay katay battle reaction 💛💪

  • @Iamabel_0225
    @Iamabel_0225 3 ปีที่แล้ว

    More Power mga pinsan!🔥💕

  • @l0ckd0wn.payaz0ad2
    @l0ckd0wn.payaz0ad2 3 ปีที่แล้ว

    pang 2ooK Subscriber ako lodz 😅☝️☝️

  • @yvone6960
    @yvone6960 3 ปีที่แล้ว

    Much relate po dito, nakakagaan ng pakiramdam na may mga taong kagaya mo at nakakaintindi sayo. Kasi pag sa iba ka nag open ng nararamdaman mo sasabihan kapa ng praning, lakas tama, tatawanan kapa. Hindi kasi nila alam at nararamdaman.

  • @azy.9354
    @azy.9354 3 ปีที่แล้ว

    Road to 200k na pisan!

  • @yujinofficial1745
    @yujinofficial1745 3 ปีที่แล้ว

    Yown! Request ko to e.

  • @ygdre444
    @ygdre444 3 ปีที่แล้ว

    Solid review nanaman 🤘🏼

  • @keancasio2176
    @keancasio2176 3 ปีที่แล้ว

    Yung last line talaga pang bungat sa mga taong may anxiety, sana balang araw ma malampasan rin nating tong makitid na daanan

  • @mcjhaymusic1082
    @mcjhaymusic1082 3 ปีที่แล้ว

    Road to 200k subs❤️ ☝️💯 nice team pinsan

  • @jamesronesarcia34
    @jamesronesarcia34 3 ปีที่แล้ว

    At yun na nga ang pinaka hinihintay

  • @caleblopez3535
    @caleblopez3535 3 ปีที่แล้ว

    Lapet na mag 200k mga lodi!!!

  • @russelmedina5558
    @russelmedina5558 3 ปีที่แล้ว +6

    Sa mga shinare nyo about anxiety, ayoko isipin na meron na pala kong sintomas nyan. Try ko pakiramdam sarili ko. Salamat mga Pinsan.

  • @josephtv3318
    @josephtv3318 3 ปีที่แล้ว

    Mga pinsan pa heart po plss....

  • @christiannasis8227
    @christiannasis8227 3 ปีที่แล้ว

    Relate na Relate po ako ngayon nararanasan ko po ito... salamat po sa makabuluhang Reaction team pinsan... 💪

  • @kristiantiglao92
    @kristiantiglao92 3 ปีที่แล้ว

    Sama makacolabo nyo rin si idol Loonie. Dahil deserve nyo yun. Wish you all best mga sir.

  • @jamandreibaluyot619
    @jamandreibaluyot619 3 ปีที่แล้ว

    Yun oh! Nag react din hahahah tagal!!!!

  • @imtheone2022
    @imtheone2022 3 ปีที่แล้ว +2

    Ayownn Salamat Dito Pinsan!! ♥

  • @fourthtune3182
    @fourthtune3182 3 ปีที่แล้ว +7

    Basta Loonie solid!!! Jroa yung Icing sa Cupcake men!!!!

  • @ervindavid2381
    @ervindavid2381 3 ปีที่แล้ว

    Pa notif idol ito ung inaabangan ko haha

  • @aizekielnuyt8333
    @aizekielnuyt8333 2 ปีที่แล้ว

    masayang malamang na hindi tayo nag iisa sa maramdaman na meron tayo, pero nakaka lungkot na meron tayong ganitong karamdaman, di ma explain kung bakit palagi tayong negative, laban lang

  • @jrferarres4680
    @jrferarres4680 3 ปีที่แล้ว

    Salamat sa mga na share niyo karanasan sana magpatuloy pa po kayo sa pag review ng mga kanta tulad po ng mga dating kanta ni kial yung bughaw May maganda rin Pong topic salamat mo

  • @agstncl
    @agstncl ปีที่แล้ว

    Relate talaga ako dito pero laban lng sa lahat na nakaranas nito

  • @aepi7910
    @aepi7910 3 ปีที่แล้ว

    napaka solid mga kuys relate ako🙏

  • @dexen2599
    @dexen2599 3 ปีที่แล้ว

    LETSSS GOOOO🔥🔥🔥

  • @cha9877
    @cha9877 3 ปีที่แล้ว

    Oyy First

  • @6ix660
    @6ix660 3 ปีที่แล้ว

    Road to 200k

  • @cravenserdena9335
    @cravenserdena9335 3 ปีที่แล้ว

    Solid reaction team pinsan ❤️🔥

  • @mobstee9578
    @mobstee9578 2 ปีที่แล้ว

    Di matapos ang pagiisip ko at pag aalala 😥 nqguguluhan nako...

  • @bryantsantos7361
    @bryantsantos7361 3 ปีที่แล้ว

    Anxiety is real, sobrang hirap takasan! Sa lahat ng dinadanas ang anxiety or depression kaya yan laban lang! Madaming papasok sa isip mo at gugustuhin mo na lang mawala pero kaya yan malalagpasan din!

  • @caloy3180
    @caloy3180 3 ปีที่แล้ว

    Salamat lihpkram kala ko AKO lang, mukang may anxiety nga lang din ako, nangyari din sakin to yung napagoogle ako kala ko may sakit ako kung ano ano naiisip ko sa nararamdaman ko tsk.
    Solid review, reaction akmang akma!!

  • @clevinjohnformentera1030
    @clevinjohnformentera1030 หลายเดือนก่อน

    Nong unang beses na pinanood ko tong Reaction nyo sa kantang to mga idol, binaliwala ko lang Kasi Akala ko lang talaga na madali lang yan masulosyunan .. Pero Ngayon na naranasan Ng Kapatid ko, pinanood ko ulit video reaction nyo .. Grabi ang hirap Pala.. Grabi nakakaawa talaga .. makikita namin sa kanya na pilitbnyang nilabanan , kaso Minsan d nya talaga ma control Sarili nya .. Nakakaawa talaga .. Sana magiging okay na Po Kapatid ko..

  • @jademichaelmorales1409
    @jademichaelmorales1409 3 ปีที่แล้ว

    1st🔥

  • @rylegozum1557
    @rylegozum1557 ปีที่แล้ว

    Nakakamiss yung ganitong Lhipkram!

  • @rjsison27
    @rjsison27 3 ปีที่แล้ว

    Ako din 20 years na akong lumalaban sa anxiety/panic attack... Hirap pero tuloy lang 👍🏽✊🏼

  • @angeligarcia3886
    @angeligarcia3886 3 ปีที่แล้ว

    Ang galing nyong mag react ng mga video,,salute to u team pinsan,,,more subscriber to come,

  • @reuelrainebrixtercalma9277
    @reuelrainebrixtercalma9277 3 ปีที่แล้ว

    Yown, ito hinihintay ko eh.

  • @pearlreav
    @pearlreav 3 ปีที่แล้ว

    ayon na inaabangan ko HAHAHAHA salamat team pinsan

  • @Ksmky666
    @Ksmky666 3 ปีที่แล้ว +1

    Di talaga biro pag may depression at anxiety. Di kaya lampasan kung mag isa lang kasi walang sasagip sayo pag nalulunod kana. 🔥