Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay Pinas Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas? Nauungusan ng batas, parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan, ngunit ang payong ay butas Tumatakbo nang madulas, mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang, pero tayo ang utas Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi Dahil doon sa atin, mahirap makuha ang buri Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti Ng anak na halos 'di nakilala ang ama O ina na wala sa t'wing kaarawan nila Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba? Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Napakaraming inhinyero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming karpintero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ng kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari "Mababawi rin naman", 'yan ang sabi 'pag nayari Ang proseso ng papeles para makasakay na Sa eroplano o barko kahit saan man papunta Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino? Lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino? Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro Uuwing nasa kahon, ni wala man lang testigo Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba? Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Napakaraming kasambahay dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming labandera dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Subukan mong isipin kung gaano kabigat Ang buhat ng maleta, halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba Matapos lamang sa kolehiyo, matutubos din ang relo Bilhin mo na kung ano'ng gustong laruan ni Angelo Matagal pa'ng kontrata ko, titiisin ko muna 'to Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Napakaraming tama dito sa atin Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay Pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas?
Nauungusan ng batas, parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan, ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo nang madulas, mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang, pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi
Dahil doon sa atin, mahirap makuha ang buri
Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos 'di nakilala ang ama
O ina na wala sa t'wing kaarawan nila
Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba?
Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ng kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan
Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari
"Mababawi rin naman", 'yan ang sabi 'pag nayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na
Sa eroplano o barko kahit saan man papunta
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino?
Lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino?
Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro
Uuwing nasa kahon, ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba?
Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat ng maleta, halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila
Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo, matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung ano'ng gustong laruan ni Angelo
Matagal pa'ng kontrata ko, titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Nag-a-abroad sila
Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman
Napakaraming tama dito sa atin
Ngunit bakit tila walang natira?
Ang ganda ng version niyo, sobrang bilis!
solid
sobrang bilis! napakaganda po ng version niyo, pwedi po bang makahingi ng pyesa nyo?
Hello Kim! You can directly contact our Alumnus/Arranger of this piece - Mr. Jeffrey Buensuceso.
facebook.com/jeffrey.buensuceso.7
@@KammerchorManilaask if how many voices is this ??
Pwede pong makahingi ng pyesa?
Goodevening po..pwede po ba makahingi ng pyesa nito? thank you po
Hello Kenn! You can directly contact our Alumnus/Arranger of this piece - Mr. Jeffrey Buensuceso.
facebook.com/jeffrey.buensuceso.7
Saan po pwede mag avail ng piece na to? Thanks po sa sagot.
hi. you can directly reach out to the arranger, Mr. Jeffrey Buensuceso through his FB account.
Hello Kobidyoyap! You can directly contact our Alumnus/Arranger of this piece - Mr. Jeffrey Buensuceso.
facebook.com/jeffrey.buensuceso.7