Saulog Transit Inc. Music Vid

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 ก.ย. 2024
  • Ang Saulog Transit Inc. ay isa sa pinakamalaking kumpanya ng bus panlalawigan sa Pilipinas. Ito ay bumabaybay mula sa lalawigan ng Cavite hanggang sa Kalakhang Maynila at sa mga lalawigan ng Pampanga, Zambales, at Lungsod ng Baguio sa Benguet. Mayroon din itong kinakapatid na kumpanya na Dagupan Bus Company Inc. na bumibiyahe sa Hilagang Luzon
    Naitatag noong 1946, ang Saulog Transit ay nagsimula sa iilang bus unit sa disenyong may kulay na dalandan, pilak, at asul. Noong 1974, nakuha nila ang prangkisa ng Villarey Transit, na sinasabing ang anim na Mitsubishi Fuso bus units nito ay ginamit sa biyahe sa Hilagang Luzon sa ilalim ng pangalang Dagupan Bus Company Inc.
    Noong 2009, ang Saulog Transit ay mayroon nang tinatayang 500 bus units. Nang sumunod na taon, pumirma ang pamunuan ng Saulog Transit at Genesis Transport Service Inc. ng isang kasunduan (memorandum of agreement) kung saan sasagutin ng Genesis ang pagbabayad ng mga taunang kontribusyon sa SSS, Pag-ibig at PhilHealth sa kadahilanang hindi kayang tustusan ng pamunuan nito ang pagbabayad ng mga nabanggit na kontribusyon. Dagdag pa rito, sasagutin ng huli ang alokasyon para sa mga bagong bus units at pangmatagalang kooperasyon ng dalawang kumpanya. Ngayon, ang Saulog Transit ay nakakuha na ng mga bagong units

ความคิดเห็น • 24