Part 2: WHY I LIKE OMAN? 🇴🇲
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 25 พ.ย. 2024
- Previously, nabanggit ko ang unang pitong dahilan. If you remember, nabanggit ko ang mga ito. Ituloy natin sa pang-walo. Libreng gumala sa mga beaches at tourist places dito. Walang entrance fee! Imagine may free unli-babad at tampisaw ka sa mga hot spring nila dito? And, at your own privacy pa dahil naka-compartmentalize ang paliguan. Gusto mong magrelax sa beach of your choice? Pwes, magdala ka ng sarili mong tent kung bet nyong mag overnight. Walang maniningil sa yo! At isa pang libre-- ang malunggay ni kapitbahay!
Pang-siyam. May religious freedom dito-- or should I say, religious tolerance. Here people respect each other's faith. Isang proof ay-- may exclusive place of worship ang lahat ng non-muslim believers dito. May paggalang sila sa religious belief mo. Wala ditong debate nang sa kung sinong grupo ng pananampalataya ang magaling over the other. Pwede kabg mag-express ng religious practice mo as long as you do it privately or at least you're not getting the attention of the public. This is how we show mutual respect.
Pang-sampu. Bagamat matindi ang init dito pag summer, hindi naman suki ng natural disasters and calamities ang Oman. Walang weekly bagyo o habagat. Wala ring mapaminsalang lindol. In 2015 nilindol ang Iran at Pakistan. Dahil sa lakas, naramdaman dito ang pagyanig. Sa halip na matakot gaya namin, weirdly-- nagpalakpakan pa sila. Ganun daw pala ang lindol? First time lang?
At panghuli-- Napakabilis ng renewal process nila dito ng halos lahat-- driver's license, national resident card, visa. Hindi ka hahanapan ng sangkatutak na ID cards. Isang resident card lang sa lahat ng transactions mo sa banko, utility services, remittance centers, clinic or hospital. Hindi ka na pababalik-balikin kasi, wala pang 5 minutes-- printed na ang ID card mo. May mga available kiosk din sila sa malls where you can renew it by yourself. After paying the correct fee, you can instantly collect the printed card. Yes, ganun ka-bilis. Ganun-simple!
UPNEXT! Isi-share ko naman sa inyo why I like my teaching career sa Oman.