Ikaw

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 2 ก.พ. 2025
  • IKAW
    Written by Benjo Lopez
    (Verse 1)
    Naalala ko pa, nung ako’y laging nag-iisa
    Hinahanap kung ang aking mundo ay meron pang pag-asa
    Puso’y nagdurugo at puno ng galit
    Sa sinapit ng aking buhay na puno ng pait
    (Chorus)
    Pero nung dumating ka, buhay ko ay napuno ng saya
    Pait ng mundo ay nawala, ikaw lang sinta, walang iba
    Pinagaling mo ang puso kong nagdurugo
    Buong buhay ko iaalay sa iyo (sa iyo)
    (Verse 2)
    Buong buhay ko hinanap kung paano maging masaya
    Sa’yo ko lang pala makikita ang tunay na ligaya
    Ilang beses na ako lumuha at nabigo
    Puso ko’y parang binibiyak, walang sigla, magulo
    (Chorus)
    Pero nung dumating ka, buhay ko ay napuno ng saya
    Pait ng mundo ay nawala, ikaw lang sinta, walang iba
    Pinagaling mo ang puso kong nagdurugo
    Buong buhay ko iaalay sa iyo (sa iyo)
    (Bridge)
    Kay tagal kong pinagdasal, sa poong maykapal
    Na umayos ang buhay at ituwid ang tadhana
    At noon ay dumating ka, sagot sa aking dasal
    Aking tadhana
    (Verse 3)
    Di ako makapaniwala, na ika’y makikita pa
    Sa mundo kong magulo, binihag mo ang aking puso
    Sa bawat hakbang, ikaw ang kasama
    Sa bawat hirap, ikaw ang aking pag-asa
    (Chorus)
    Pero nung dumating ka, buhay ko ay napuno ng saya
    Pait ng mundo ay nawala, ikaw lang sinta, walang iba
    Pinagaling mo ang puso kong nagdurugo
    Buong buhay ko iaalay sa iyo (sa iyo)
    (Outro)
    Sa bawat pagsubok, ikaw ang sandigan
    Sa bawat tagumpay, ikaw ang kasiyahan
    Sa bawat pangarap, ikaw ang katuparan
    Sa bawat tibok ng puso, ikaw ang laman
    (Last Verse)
    Kay tagal kong pinagdasal, sa poong maykapal
    Di ako makapaniwala, na ika’y makikita pa
    Sa mundo kong magulo, binihag mo ang aking puso
    At noon ay dumating ka, sagot sa aking dasal
    Ikaw ang aking tadhana
    (Chorus)
    Pero nung dumating ka, buhay ko ay napuno ng saya
    Pait ng mundo ay nawala, ikaw lang sinta, walang iba
    Pinagaling mo ang puso kong nagdurugo
    Buong buhay ko iaalay sa iyo (sa iyo)
    Woooo Woooooaahh
    Mmmmmm MMmmmm
    (Outro)
    Kay tagal kong nagdasal
    Sa poong maykapal
    At ika'y dumating nga
    Aking tadhana
    Mmmmm Oohhhh
    (End)

ความคิดเห็น •