PANALANGIN ni

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 25 ก.ย. 2024
  • Mahal na Poong Jesus Nazareno, nais po naming maging bahagi ng Iyong Kaharian at dito pa lang sa lupa maghari nawa ang Iyong Kapangyarihan sa amin. Maghari ka sa aming puso, minsan puno kami ng ligalig, galit, pag-aalala, litong-lito kami, naliligaw kami, natutukso kami at minsan ay kumakapit kami sa patalim, at sumasang-ayon sa kasalanan. Maghari ka sa amin, linisin N’yo po kami.
    Mahal na Poong Jesus Nazareno, nakikinig po kami ngayon. Ano po ba ang dapat naming gawin? Ano ang dapat naming simulan na hanggang ngayo’y ipinagpapaliban namin? Ano rin po ang dapat naming ipagkatiwala sa Inyo? Patawad po kung minsan inilalagay na namin sa aming mga kamay ang lahat-lahat sa buhay. Patawad po kung minsan nais naming kami ang laging masunod. Kaya nga minsan parang inuutusan ka na lang namin at kaya lang kami pumupunta sa Iyo dahil may hinihingi kami sa Iyo.
    Narito po kami ngayon, ipinagkakatiwala ang lahat sapagkat alam namin kayo po ang makapangyayari sa lahat, kayo po ang may hawak sa lahat-lahat sa aming buhay. Ano po ang dapat naming gawin, lalo na ang mabuti at tama? Ano po ang dapat naming ipagkatiwala upang mangyari na ang himala?
    Mahal na Poong Jesus Nazareno, kaawaan N’yo po kami, basbasan N’yo po kami. Amen! Amen!🙏
    Araw ng DIYOS! Araw ng SIMBAHAN! Araw ng mga AMA!
    Munting Panalangin ni Rdo. P. Jun Sescon, Jr.
    ngayong Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
    #QuiapoChurch #FathersDay #ArawNgMgaAma #SaintJoseph #SanJose #EverythingIsGrace #BiyayaSaQuiapo #Prayer #Nazareno #JesusNazareno #BlackNazarene #NuestroPadreJesusNazareno #PoongHesusNazareno #SimbahanNgQuiapo #Catholic #Katoliko #MinorBasilicaAndNationalShrineOfJesusNazareno

ความคิดเห็น • 11

  • @arlenemmobinono
    @arlenemmobinono 3 หลายเดือนก่อน

    amen mhal na poong jesus nazareno salamat po aleluia kaawaan mo kami 🙏🙏🙏🙏🙏

  • @theomeletqualitygamefowls8859
    @theomeletqualitygamefowls8859 3 หลายเดือนก่อน

    Thank you2x Papa God Always Po Godbless All Aleluya Amen Po 😊😍😭😭😘😇😇😇❤️🙏🙏

  • @jojoaboyme7828
    @jojoaboyme7828 3 หลายเดือนก่อน +1

    Poong Hesus Nazareno kaawaan mo kami❤️❤️❤️

  • @analyninfante3577
    @analyninfante3577 3 หลายเดือนก่อน

    Patawarin mo po kami sa aming mga sala Mahal na Poong Jesus Nazareno🙏❤❤

  • @robertojamaquio3303
    @robertojamaquio3303 3 หลายเดือนก่อน

    LORD JESUS CHRIST HAVE MERCY ON US AND THE WHOLE WORLD AMEN 🙏❤️🙏❤️🙏❤️

  • @allanterrible6604
    @allanterrible6604 3 หลายเดือนก่อน

    Salamat po mahal na ama

  • @edgardavid5417
    @edgardavid5417 3 หลายเดือนก่อน

    Amen 🙏 🙏 🙏

  • @Josh-x3m
    @Josh-x3m 3 หลายเดือนก่อน

    Amen

  • @eugenecadorna-zu3yo
    @eugenecadorna-zu3yo 3 หลายเดือนก่อน

    Walang katapusang paghingi ng kapatawaran at pagbibigay pasasalamat Mahal na Poong Hesus Nazareno. Patawarin nyo po kami. Maraming maraming salamat po Mahal na Poong Hesus Nazareno.

  • @romeonesperos4293
    @romeonesperos4293 3 หลายเดือนก่อน

    Amen 🙏 🙏 🙏

  • @undoyfrancisco
    @undoyfrancisco 3 หลายเดือนก่อน

    Amen 🙏 🙏 🙏