July 21 |Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 13 ก.ค. 2024
  • 📺 Handang Maglingkod sa Lahat sa Ngalan ng Pag-ibig
    Lahat tayo ay may ginagampanang papel o tungkulin sa buhay. Nag-iiba ito ayon sa yugto ng ating buhay. Bilang mga bata, marahil tayo’y mga mag-aaral, kaibigan at anak. Ang bawat papel na ginagampanan natin ay may katapat na mga gawain. Inaasahan tayong maging mabuting mag-aaral: gumagawa ng assignment, nag-aaral para sa exam at makakuha ng mataas na grades. Sa tahanan naman ay marami tayong gawaing bahay: maghugas ng pinggan, alagaan ang kapatid, magwalis o magbunot ng sahig. Anong gagawin natin kapag nagsama-sama at nagsabay-sabay na ang lahat ng ito? Hindi ba’t tayo’y napapagod at minsan naguguluhan kung ano ang uunahin? Anupa’t parang minsan gusto na lang nating sumuko at matulog na lang!
    Ito na rin ang nangyari sa sipi ng Ebanghelyo ngayong linggo! Ano nga ba ang naging tugon ni Hesus nang makitang pagod na pagod ang mga apostoles? Tara, panoorin natin ang video Ebanghelyo ngayong linggo at sama-samang palalimin ang kaalaman at magnilay.
    🍎 Huwag kalimutang i-download at sagutan ang LiturgyFun worksheet para sa linggong ito!
    katolago.com/l...

ความคิดเห็น •