THINK ABOUT IT by TED FAILON - 'Global Boiling' |

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 9 พ.ค. 2024
  • Tapos na ang global warming, at dumating na ang panahon ng global boiling. Naitala na pinakamainit na panahon sa kasaysayan ng mundo ang mga taong 2014-2023, at walang duda na ang kasalukuyang taon ay maisasama bilang isa sa pinakamainit na taon. Tatlong beses na bumilis ang pag-init ng mundo mula 1982, na ngayo'y nagdudulot ng malawakang pinsala sa buhay at kabuhayan ng sangkatauhan. Sa Pilipinas, kasama sa pag-aaral ng Climate Change Action Plan ang pagpapasa ng National Land Use Policy upang makatulong sa bansa na maibsan ang epekto ng climate change at perwisyong idinudulot ng mga kalamidad, subalit tatlumpung taon na itong isinasalang sa Kongreso ay hanggang ngayon hindi pa rin ito naipapasa. Bagamat responsibilidad ng bawat isa sa atin na tumulong sa pangangalaga ng kalikasan, political will pa rin ng ating mga lider ang kailangan upang kahit paano ay mapabagal man lamang ang patuloy na pag-init ng mundo. Pero paano nga magkakaroon ng political will ang ating mga lider kung patuloy na makikipagsabwatan ang gobyerno sa mga ganid na tao sa mundo? Think about it.
    ---
    Follow News5 and stay updated with the latest stories!
    / news5everywhere
    / news5ph
    / news5everywhere
    / news5everywhere
    🌐 www.news5.com.ph

ความคิดเห็น • 28

  • @ivanuseke24
    @ivanuseke24 หลายเดือนก่อน +3

    kaya pala d na nag aanak mga tao ngayon sa ibang bansa.. ngayon palang nakikita na natin ang future 😢

    • @27.10.
      @27.10. หลายเดือนก่อน +1

      Tama po kayo, mas mainam ng maging responsible na supposed to be magulang.

  • @ReyLigon
    @ReyLigon 21 วันที่ผ่านมา

    salamat po sir Ted sa maliwanag na pag papaliwanag

  • @PrinceHDV
    @PrinceHDV หลายเดือนก่อน +2

    wala na tayong magagawa. huli na ang lahat. dahil wala colaboration ang ibat ibang bansa laban sa climate change. isabay pa natin ang mga gera sa ibang bansa. kaya lalo tayong sa pasira ang clima ng mundo🔥🔥🔥

  • @fourpointzero8315
    @fourpointzero8315 หลายเดือนก่อน +4

    Pansin ko medyo iba na nga hangin ngayon. Masmahirap langhapin. Isa akong cyclist at runner so noticed ko yung difference ngayon

    • @moncarlomillor3293
      @moncarlomillor3293 29 วันที่ผ่านมา +1

      Pinagtawanan ako ng iba na India raw Parang Pinas lang di gaano mainit, Dun sila nagka2mali mas mainit ang India Kumpara sa middle east! Tulad niyan sila ung pangatlo ng produce ng emissions katabi pa China na mas mainit din lalo may disyerto! O2 may part sa India nagsnow at China, Di lang nila ramdam ng iba tao ang init! Ngaun konti konti nalang halos kasing init na ng Qatar ang pinas nakaraan April, Maalinsangan na mainit! Indian nga magcellphone pa yan sa Gitna disyerto ng middle east sabihin pa sayo normal palang temperature para sakanila yan! Tulad sa Part ng India na sobra init! Malabo na maibalik pa ang dati saatin!

    • @moncarlomillor3293
      @moncarlomillor3293 29 วันที่ผ่านมา

      Di na tulad dati! Nagbike2 ka po nama2syal ka! Subukan mo maghanap ng Marami puno mala2ki at malim2 sa init pasok ang hangin! Tas subukan mo magpunta sa Puro semento wala puno maramdaman mo pagka2iba! Wla hangin singaw init semento, Na try namin yan 2020 pumunta kami sa lumang planta na puro puno! Pagdaan namin sobra lakas hangin malamig! Pagdating namin sa puro semento wala puno wala hangin mainit masingaw pa semento!

  • @manchester8143
    @manchester8143 27 วันที่ผ่านมา

    Dasal lang po tayo🙏🙏🙏🙏

  • @romeldionisio3149
    @romeldionisio3149 หลายเดือนก่อน

    Very true hight pa sa normal ang init at ulan. POLITICAL WILL ay isang mailap na realidad Kung magkatotoo , kurapsyon ang pumipigil Para mapatupad ito . Marami gusto mag introduce ng renewable energy pero ayaw mamuhunan dahil kurapsyon ang pumipigil

  • @carlosbulalakaw7967
    @carlosbulalakaw7967 หลายเดือนก่อน

    Very well said topic: Think About portion a very much staff gather information so much true, SALAMAT

  • @GeraldCaudillaLimbo
    @GeraldCaudillaLimbo หลายเดือนก่อน +1

    The best Radyo Singko

  • @GeraldCaudillaLimbo
    @GeraldCaudillaLimbo หลายเดือนก่อน

    ❤❤❤

  • @GeraldCaudillaLimbo
    @GeraldCaudillaLimbo หลายเดือนก่อน

    👍👍👍👍

  • @maricelmarco9963
    @maricelmarco9963 หลายเดือนก่อน

    Dapat Nga sir magbigay Ng recommendations kung anong dapat Gawin para maiwasan Ang Climate change

    • @vladkrus5796
      @vladkrus5796 หลายเดือนก่อน

      Dapat alam ng mga tao na bawal magsunog ng mga plastics at guma. At un mga usok mula sa mga pampasaherong sakyanan na ang daming pasaway. Kaya yn nanyayare damay lahat ng tao sa mundo

  • @kimberly55199
    @kimberly55199 หลายเดือนก่อน +1

    Ito nayung singil nang kalikasan gawa nang tao dahil sa kapabayaan sa kalikasan mukhang huli nang ang lahat paniningil na ito nang kalikasan sa tao ipag dasal nalang natin nasa nay mag karoon pa tayo nang magadang pag babago sa ating kalikasan 🙏😔😞

  • @mryoutuber794
    @mryoutuber794 23 ชั่วโมงที่ผ่านมา

    Tama ang Bible na hindi kayang pamahalaan ng tao ang kanyang sarili na malayo sa Diyos at malapit ng wakasan ng Diyos ang pamamahala ng tao Daniel 2:44

  • @AdrianDmax
    @AdrianDmax หลายเดือนก่อน

    Makaka tulong pa dn ba plant more trees?

  • @tango6082
    @tango6082 28 วันที่ผ่านมา

    Solusyon Jan ay mag Tayo Ng marami sm malls at Robinson malls

  • @carlosdomine8529
    @carlosdomine8529 24 วันที่ผ่านมา

    huli n po ang lahat masyado na pong puluted ang mundo ntn ngaun

  • @OrlyOjeda-mu1fv
    @OrlyOjeda-mu1fv หลายเดือนก่อน +1

    2025 global burning na yn😅😅

  • @BaxaxaTenevelance
    @BaxaxaTenevelance หลายเดือนก่อน

    Tntrain po tayo para sa pagpunta sa baba 😂

  • @vladkrus5796
    @vladkrus5796 หลายเดือนก่อน +1

    Huli na ba kau sa topic na eto🤣 puro kasi kaun politika kaya natatabunan ang mahahalagang kaalamn..