Ron Henley - Ulila (Official Music Video)
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 4 ต.ค. 2024
- Mana album coming soon...
Subscribe to the channel: bit.ly/HNLYTUBE
Stream/Download "ULILA" here: smarturl.it/ULILAx
SAVE & FOLLOW on Spotify: bit.ly/ULILASPO...
Directed by Ken Yamaguchi / yamaguchi2
Beats by Klumcee / iamklumcee
Prod Design: God & Mother Nature
Special thanks to:
Artifice Records
Threedown / threedownclothing
Baguio City
Diplomat Hotel
Tam-awan Village
"Spirituality does not come from religion. It comes from our soul." - Haile Selassie I
Peace!
Connect with Ron Henley:
FB: / akosironhenley
Twitter: / akosironhenley
IG: / batampasiggg
YT: bit.ly/HNLYTUBE
#RonHenley #ULILA #MANA
---------------------------------------------------🌝🌞-----------------------------------------------------
ULILA
(R.Henley)
Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan
Sinakop ng mga uwak ang kalangitan
Sa bigat ng kaulapan parang uulan
At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan
Sunod-sunod na pagsabog ng granada
Mga katawang nakahandusay sa kalsada
Mga mukha ay duguan, di na makilala
Ganto pala ang tunay na kulay ni kirara
Kahit sanka tumingin usok ang itim
Sa kapal kaya nyang takpan ang mga bituin
Isang kidlat, kasunod ng kulog
Kasabay ng isang malungkot na tunog
Teka nasan yung iba? ako lang ba ang natira?
Ako lamang mag-isa at hinahanap kita
Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama?
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa
Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito
Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso
Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik
Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid
Galit ang hangin na sa akin ay humampas
Na nagdala sakin patungo sa isang talampas
Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan
Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan
Dito namahay ang hari ng kadiliman
Pailalim makatingin at di ka titigilan
Tinanong ko't tinitigan, kung kelan sya lilisan
Mahal nya daw ang mundong 'to at di nya maiiwan
Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw
Hinahanap ay ikaw
Sadyang nakakatakot ang pook nato pag di kita kasama
Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Diba sabi mo babalik ka ng maaga
Pano nako kung wala ka, magsalita ka
Wala nakong liwanag na masipat
Sumuko na yung araw, ayaw nang sumikat
Ayoko na dito, gusto ko ng lumipat
Hayaan nyong tapusin ko ang aking paghihirap
Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga
Patay na kandila at mga rosas na lanta
Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig
Hanap ang iyong yakap at bibig
Sa twing ganto kalamig
Hindi, hindi ako susuko
Ako'y lalaban hanggang wala ng dugong tumulo
Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw
At sana sa pagdilat ko ikaw ay matanaw
Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko
Wala ka sa aking tabi't nalilito
Ganto kagulo ang isip ko pag di kita kasama
Pano nako kung wala ka, magsalita ka
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang, ba't nag-iisa
Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Ganito ang mundo kapag wala ka
Ganito kagulo kapag hindi kita kasama
Diba sabi mo babalik ka ng maaga
Pano nako kung wala ka, magsalita ka
Turn on CC/Subtitles for lyrics.
Love ❤️
Lakas mo RON unique style kng pano ka nagsimula un prin ung style mas lalo lang pinalalim mga letra mo. Woooahh IBA TLGA NAGGWA NG THC
anong tema Ng kantang ito? masydong malalalim ang mga. salita. 😥
@@cherryannmarcedonio3918 The brain is deeper than the sea
Bakit mo ako pinabayaan ?
Magsalita ka?
sa bawat araw na pinapakinggan ko yung kanta na to hindi ko masabi kung about love or about god ang mensahe pero dahil sa double meaning gumawa ng obra si ron siguro parehong tama ang iniisip ko "Ganito ang mundo kapag wala ka ganito ang mundo kapag hindi kita kasama" example yang line nya na yan pwede mo sya ihambing sa taong pinaka mamahal mo at pwede rin sya sa panginoon. sobrang saludo talaga sobrang solid baguhan lang ako sa poetry at isa si ron sa mga hinahanggaan kong artist pag dating sa mga double meaning na obra salute sir gumawa kapa ng mas maraming malalaman na kanta
Karl Ramirez parehas tau ng iniisip pero mas lamang sken ung tungkol sa Dios e.
:)
About love or about God, iisa lang yun. Sumasalamin kay God ang pagmamahal mo sa kasintahan mo bilang hantungan.
Pwde rin c maryjane haha triple meaning
About sa kalulowang ligaw po yong mensahe 😂
sinong mga di naka gets dagil sa sobrang lalim? ang mensahe ng kanta ni Ron ay tungkol sa diyos, kapag walang diyos ang mga taong nilalang ay mauulila at mapapahamak at mahirap ipaliwanag. maganda ang bagong style ni ron
+THE LAST KING tungkol kay Hesus yan. Diba sabi mo babalik ka ng maaga? Pano nako kung wala ka, magsalita ka?
+warrior2012 tama ka jan pare! akala ko ako lang ang nakakaalam, marami talagang taong tulog sa isipan at bulag sa katotohanan, mahirap mag hanap ng mga taong katulad ko na malawak ang isip kase gusto malaman at pinagaaralan kung anu ang nasa likod ng ating mundo kung bakit tayo nabubuhay at anung kailangan bakit tayo nasa ganitong sitwasiyon, para saakin binigyan tayo ng buhay ng diyos upang harapin ang challenge kung talagang matatag ka sa loob ng puso at paniniwala, at ang buhay ay isang pagsubok kung malakas ang iyong banal. sana lahat ng tao ay may katulad ko na isipan, pagpasensyahan nyu nako sa mga sinabe ko pero gusto ko lng tlaga i share ang kaalaman ko.
+warrior2012 haha interesedo ako sa lahat ng bagay basta tungkol sa nangyayari sa mundo natin
Hindi rin, maraming p'wedeng pagkahulugan ang awiting ito.
LOL, manunula ako. At double-meaning ang awitin. Sa bawat lines, either religious or love.
So, huwag mong sabihin na tungkol lang sa religion ang awitin, dahil una sa lahat. May romanticism sa kanta, so romantic love ba ang pagmamahal mo sa diyos mo? LOL Study poetry!
4 years later, I'm still listing this nostalgic music.
Me too forever Ron!!
6years now
5 years na yung song pero wala parin nakakapansin ng ganitong klaseng kantahan grabe yung mensahe. Makikita mo talaga kung saan lang bumabase yung mga tao e, naaawa ako sa mga di nakakaappreciate ng ganito.
2024 anyone? 👽
Supp bro🤜🤛
Eyy
Syempre Po
This is just me, but I just wanna share this. Yung nangyayare ngayong 2020 nabanggit ni Ron Henley sa kantang to which is released few years ago.
"Parang bagong taon kung mag ututan ang mga bulkan." (Volcanic Eruption)
"Sunod sunod na pagsabog ng granada." (USA vs IRAN)
"Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso." (Bushfire in Australia)
And in Ron Henley's 1st and 2nd verse nag eend sya sa line na "ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka."
Pag pinakinggan mo ng maigi yung kanta mapapaisip ka na parang tungkol kay Lord yung kanta because of that line. (This is the picture of the world without Jesus)
I'm a big fan of Ron but I don't know him personally and I don't know the real meaning of this song, but like what I said, this is just me.
Napakaswerte ko naman . Nakakarinig pa rin ako ng ganitong uri ng kanta.
4 years later and still listening to this❤️
Sana magrelease pa si idol ron henley ng mga ganitong songs,yung parang mga philosopical songs
idol ko talaga si ron henley ..gawa ka ulit ng bagong music video idol :)
Idol ko c Loonie At ron henley, mkatotoo at activista na mga rapper... my sence silang rapper god bless u
Hindi nakakasawang paulit ulitin tas sasabayan pa ng mga mensaheng malalalim. Solid talaga kapag kuya ron gumawa ng obra.
kinikilabutan ako habang pinapakinggan ko yung lyrics. napaka gandang likhang sining. inspirasyon ko sa pag sulat ng kanta. IDOL Ron Henley!
masaya ako sa dami ng supporter ni ron .
dito kasi samin ako lang nakaka appreciate ng mga kanta nya . di ko alam kung bakit pero d best para sakin yung mga kanta niya .
#RON
hinding hindi malalaos .
Dito palang pala pinaplano na ni kuya Ron Henley, yung mana album, sana nga mailabas nya na yun ngayon.
Napapanahon 👽 napaka timeless ng kanta ni ron🤟💖🖤 thats why i really love RON HENLEY! 💗
Kuhang kuha mo ang senti mode ko sir RON HENLEY! 💚💔
Ron henley BEST CREATIVE RAPPERS !
SANA MA MEET KITA RON HENLEY OR MAKA PANOOD AKO NG GIG MO PAG UWI KO NG PINAS :) LAGI KO SIYANG PINATUGTUG SA OFFICE SEE YOU SOON
sana ma meet ko din sya pag uwi ko soon ^^
Mga mensaheng nakakagising ng isip..Rock the Roll..
lumaki dalawa kung mata tumayo mga balhibo at nakinig na todo woho rapsa pakinggan. salute kuya RON HENLEY :)
soul searching... Ganda talaga ng kantang toh!!! Never gets old mga kanta mo kuya Ron.
"Hindi, hindi ako susuko. Ako'y lalaban hanggang wala ng dugong tumulo."
Solid!
Biblical meaning. Soul artists talaga si Ron. Saludo talaga 🙏
Bible prophecies! napaka angas kapangi-pangilabot dahil sinasalamin ng bawat taludtod yung mga insidenteng nangyayare sa kasalukuyan kiwww!👌👽
Nag mala-Nostradamus ka naman ngayon Idol Henly, pasok na pasok sa sitwasyon ng 2020 🔥
Ganito na lamang kasaklap ang paligid kung walang pag ibig kaya Hanggat natatamasa mo ito sa ngayon gamitin mo ng tama at ibahagi sa iba.❤
salamat sa musika idol RON! Sobrang meaningful talaga ng mga kanta mo 👌🏼 at hindi nakaka sawang pakinggan.
This shit is Gold. This is us without our Higher Power that we chose to call God.
Salute, Para sa mga bumabalik balik padin dito 💯
ganito ang mundo ko kapag wala ka(jesus)
galing idol
ang ganda ng pagka kabit kabit at metaphor grabe solid bihira ang gantong rapper.
Kahit ilang beses ko pakinggan, tumatatak pa rin sa akin ang "Imagery" ng bawat linya.
Bagong soundtrip bangis talag pag stickfiggas ang sumulat talagang puro malalaman na mga salita ang hinahain.
Erwin Pacanza omsiman
June7,2020 na pero grabe to binbalikan ko parin.. dapat 10m+ views na to eh
Soliddd talaga ❤️💯👌
Nasasayo na 'yan pano mo ilalarawan ang kantang 'to, ganyan ka galing lumikha si Ron.
Nakakakilabot
Mas inuna kupa itong Pakinggan Kesa Tumae Ako .. Nc1 Song #RonHenley #Ulila
Ang talino ng pagkasulat sa kantang to..
solid talaga .ron! last last week ko pa to inuulit ulit. sa sobrang na daming meaning . nagkunekunekta na 🔥🔥🔥🔥🔥🔥💯💯💯💯
Bangis idol ron henley!
Simply lang ang mensahe kng iintindihn ng maayos. Lawakan ang utak at pakinggan ang kanta ! Booom ngaun alam nyu na kmg ano ang meanig ng kantang to. hnd na kylangan mag.malalim !
kawawang nilalang bakit nag-iisa...
iba ka talaga kuya ron!
Ilalagay ko tong comment nato bilang palatandaan para sa hinaharap na puputok Rin ang pangalang Ron Henley at sa Pilipinas For me underrated talaga tong Tao nato
salamat sa bagong kantang inihain.
Idol Ron, iba ka talaga! Hayup, bat ngayon ko lang nadiskubre to?! Ito dapat yung mga kantang sumisikat eh. May laman!💯🔥
Si Ron lang ang malalim yumari ng kanta na sa unang bigkas pa lang maiintindihan mo kagad.
Kuya ron 🙌👽💚
This masterpiece deserves a million views
Pinapakinggan ko Tang ina kinikilabutan ako habang nangyayari ang mga sakuna sa mundo!!!!!!! 😭😭😱
Nabuhay ulit dugo ko simula narinig ko ang kantang ito :)
sir ron lang siguro may pinaka malawak na kaisipan sa pamamagitan musika kaYa nya paramdam kung anung nararanasan nya sa buhay buhay.
Naalala ko kkarelease lang nito 2days after pagka labas ko sa rehab gang ngyon pnapakinggan ko padin. Solid👻
Classic idol! hanep ka tlga sa metaphor.
iba ka talaga sir ron! ☺
tungkol din ito sa mga tao sa Pilipinas na nilamon ng sistema! ( puti,bughaw,dilaw) at double meaning ni ron sa mga lines nya na hanapin natin ang diyos sa sarili nating kaluluwa na huwag maligaw ng landas .. di ito tungkol sa mga relihiyon. religion cant save your soul . you just choose the right path (God) and it will lead you to paradise. snsbe ni ron na huwag tayo mgpasakop sa masama at sa mv niya ay yan ang matatagpuan, ungol at sigaw na mga kaluluwa na hinahanap ay ikaw (Diyos) mga nagsisisi ngunit nasa huli na.. kaya habang maaga pa alami natin sa ating mga sarili (Soul) . Peace out!
basta si ron,matic na! ng song!👍👊💯
Para to kay Lord eh!! Paano nalang kame kung wala ka?☝️☝️
Ganito ang mundo ko pag wala ka 👌🏽
ikaw na talaga idol ron !! binalikan ko ulit ito kanta to ngayon dahil sa mga nangyayari
Ganito ang larawan ng mundo kapag wala ka. ayouhh naka relate much here
isang wish lang gusto ko matupad sa susunod na taong 2019 maka daupang palad si Ron
hindi naman ako malungkot haha pero kapag napapakinggan ko to nadadala ako ni kuya ron sa emosyon nya sa music vids, keep it upp kuya ron mahal ka namen.
napakaganda ng kanta idol sana po wag niyong masamain kung sabihin ko na sana kayo nalang po ang gumawa
Sakto sa Panahon Ganito ang Mundo kapag Wala ka!!!
damn the Lyrics .. ang Lalim.. Idol .
Dahil sa reels, naka diskobre ako ng malupit na obra. 🖐🏻 Ron tlga
Hanggang ngayon solid pa din neto sobrang lalim!
all time fav artist 🙌🏻 iloveyou so much ron 🥰
Deym ron.. Lalim
Lodi gyud japun kantaha oyy .d maluma⚡
Eto yung mga kangang million views dapat e
ang solid mo talaga kuya ron!!! arghhh!!!
Halimaw sa tema ng kanta .
#RonHenley
Saktong sakto yung meaning neto ngayon sa mga kaganap sa earth.
Nice,,,,punong puno bawat salita,,,..
RON , MATALO MANALO MGA ITM NA KAMALIAN , DARATING ANG KATANYAGAN
iDoL tlaga .. Ron Henley .. 2 thumbs up ..
idol talaga
Lupit , Lawak , Lakas , Linaw ... . ........
Salamat sa kantang to pare peace! chill na chill
IDOL tang ina napaka lupit ng kanta na to ang lawak ng imahinasyon ni ron.
Ang sarap ulit ulitin neto idol🤩🤩
ang lalim nito ahh pero gets parin .... idol ron..
Pinapakinggan koto pag nilalamon ako nang kalungkutan, at hindi kona alam gagawin ko totoo ba ang dyos oh hindi. Yan ang laman nang kanta
IDOL KO TALAGA TO SI PARENG RON H. FOREVER 👊❤
Classic Idol Rooon! ♥
Ganda ng minsahe nitong kanta .
idol
Galing Ron Henley .
sheeeet! grbe tlga ang lupit ng kahulugan
Idol tlaga walang kupas !
astig ron.....more power
lk
"ganito ang mundo kalag wala ka, ganito kagulo kapag di kita kasama"
but you are prohibited..
napapa isip tuloy ako habang nakikinig.
idol galing mo tlaga
TOL #RONHENLEY.
RELATE KO TONG KANTANG TO.
HANGANG NGAYON ETO PADIN ANG PINAPAKINGAN KO.
DI GANO GETS NG IBA TO PERO AKO GETS KO.
MAKIKINIG AKO SAYO TOL HANGANG SA HULI
woohh.. ang galing.. idol tlg..
idol ang ganda