ไม่สามารถเล่นวิดีโอนี้
ขออภัยในความไม่สะดวก

8 Kahulugan ng ASO sa panaginip

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 4 พ.ค. 2024
  • 8 Kahulugan ng ASO sa panaginip
    1. Kinagat ka ng Aso sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan ng kasinungalingan o pagtataksil mula sa ilang taong iyong pinagkakatiwalaan.
    2. Hinahabol ka ng Aso sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan ng isang sitwasyon sa iyong buhay na tila malapit mo ng makuha o matupad ngunit may mga bagay o mga taong nagpapahirap sayo na naging hadlang sa pagkamit ng iyong layunin sa buhay.
    3. Tumatahol ang aso sayo sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan ng masamang balita o magkakaroon ka ng mga problema pagdating sa pagkakaroon ng isang relasyon, maging ang pag-ibig o pagkakaibigan.
    4. Nakikipaglaro ka ng Aso sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan na makikilala mo ang isang tao na kalaunan magiging matalik mong kaibigan
    5. Dinilaan ka ng Aso sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng maraming tagumpay sa trabaho o isang promosyon sa suporta ng kaibigan o koneksyon sa trabaho.
    6. Naglalakbay ka kasama ang aso sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan ng pagiging loyal at pagiging tapat sa mga kaibigan o mahal sa buhay.
    7. Itim na aso sa panaginip
    Ang itim na aso ay may kaugnayan sa negativity sa buhay. Indikasyon ito na isa sa mga taong malapit sa iyo ang may kwestyonableng motibo laban sa iyo. Dapat kang mag-ingat sa kanila.
    8. Puting Aso sa panaginip
    Ito ay nangangahulugan ng innocence at peace. Isa rin itong good sign kung makita mo sa iyong panaginip. Sinasabi nito na mayroong taong tutulong sa iyo sa relasyon man o pagnenegosyo.
    #kahuluganngasosapanaginip
    #asosapanaginip

ความคิดเห็น •