SPLBE 2012

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 28 ก.ย. 2024
  • SPECIAL PROFESSIONAL LICENSURE BOARD EXAMINATION (SPLBE) 2012, UMARANGKADA SA PSD-QATAR
    (Hango sa Balitang Q)
    Sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy na dinaluhan ng ating mahal na LabAt II G.Leopoldo de Jesus, ng ating POLO/OWWA, sa pangunguna ni Chairman Robert U.Mabulay ng Philippine Professional Organization Qatar (PPO) at ng Philippine Regulation Commission (PRC) na dinaluhan mula pa sa Maynila na sina Josephine Liamzon, Henrieta Narvaez at ni G. Reyaldo Cristobal. Ang taunang pagbibigay ng SPLBE ay nagsimula na ng umaga ng ika-25 hanggang sa ika-27 ng buwang kasalukuyan taong 2012.
    Hangarin ng ating pamahalaan na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga OFW's na nagnanais na maging lisensyado sa larangan ng kanilang mga propesyon dito sa Qatar. Sa pamumuno ng Philippine Professional Association (PPO Qatar) na binubuo ng Institute of Integrated Electrical Engineering (IIEE-SQC) ni Chapter President Benjardi N. Wong, ang PICE Qatar o ng Philippine Institutre of Civil Engineers ni Chapter President Delfino C. de Leon, ng Philippine Institute of Certified Public Accountant (PICPA Qatar) ni Chapter President Jahmar R. Tabili, ang Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME Qatar) ni Chapter President Ronaldo M. Dalistan, ang United Architecs of the Philippines (UAP QaC) ni Chapter President Mario Hernan M. Macaranas, at ng Philippine Nurses Association(PNA Qatar) Chapter President Frank Jamadre.
    Ang SPLBE ay isang programa ng ating gobyerno na nagsimula pa noong taong 2009, napakalaki ng maitutulong at maibibigay na benepisyo nito para sa ating mga OFW's na nandito sa Qatar, hindi ito isang gabing konsyerto o isang ordinaryong araw na kaganapan na nagbibigay ng aliw at saya, bagkus isang makabuluhang pagsusulit na magpapabago ng kanilang mga buhay.
    Pinaghirapan ng pamunuan ng PPO sa pangunguna ni Engr. Robert Mabulay ang kasalakuyang Chairman kasama ang mga ibang liderato mula sa Architecture, Civil, Electrical at Mechanical Engineering, Certified Public Accountant at ng Nursing na maisaayos at mabigyan ng pagkakataon ang ating kababayan na maging tunay na propesyonal habang tayo ay nasa ibang bansa. Ang hatid pa nito ay pang habang buhay na pag-asa, kasiyahan at karangalan di mapapantayan sampu ng ating mga kaibigan para na rin sa kanilang mga pamilya at kaanak.
    ito ay isang uri at paraan ng pagtulong sa karamihan nating mga kababayan na minabuti na munang mangibang bansa kahit hindi pa matibay ang kanilang mga propesyon, na sa pagpapalapit ng pagkakataon ito sa kanila ay upang maging sandata sa kahirapan at hamon ng buhay... hindi man materyal o pera ang maibibigay bagkus isang karangalan para sa kanilang mga pamilya at katuparan ng kanilang mga pangarap ang maipasa ang nasabing pagsusulit na isang mithiin nino mang nagtapos ng kanilang edukasyon at maituring na lehitimong propesyunal ng ating bansa.
    Sa pagkakataong ito ay mailathala sa kaalaman ng ating mga kababayan dito sa Qatar na malaman ng karamihan na may mga pagkakataon pa ang bawat isa na nagnanais maging lehitimong propesyunal sa mga susunod pang mga pagkakataon. Ang taunang pagsusulit na ito ay binibigyan din ng mga review session bago dito ay sumabak, na sino man ang nagnanais makakuha ng ganitong klase ng pagkakataon ay makipagugnayan lamang o sumangguni sa kanilang mga kasamahan sa bawat organisasyong pang propesyunal sa mga nabanggit na mga namumuno dito. (Panatiliing makibalita sa www.balitangq.org)
    Ulat ni Arch. Jhin Tabuzo Jr.

ความคิดเห็น •