Ang Ating Pagsamba Sa Panginoong Diyos

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 26 ก.พ. 2021
  • Ang Ating Pagsamba Sa Panginoong Diyos
    1
    Ang pagsamba sa tunay na Diyos ay gawang nakalulugod
    Isang banal na tungkulin nating mga alipin
    Kapag tayo ay sumasamba dapat na tumalaga
    Umawit at manalangin lakip puso’t kaluluwa
    2
    Kaaliwan nating lagi na ang ating mga pagsamba
    Napapawi ang mga hirap, nakakamta’y pagpapala
    Mga aral na ating natatanggap inspirasyong talaga
    Ibubuhay ang lahat Niyang aral upang kamtan kaligtasan
    Refrain
    O Panginoong Diyos, kami sa Iyo’y sumasamba
    Hinahanap Kang lagi na
    Bawat saglit ay kailangan Ka
    Lingapin ang Iyong mga alipin
    Huwag Mo kaming itatakwil
    At sa loob ng Iglesia Ni Cristo
    Kami’y Iyong pagpalain
    3
    Di ba at tayo ay nangako sa Diyos at kay Jesus
    Na lagi nating paglingkuran habang tayo’y may buhay
    Sa gawaing pagpapalaganap dapat ay huwag magsasawa
    Lahat tayo ay maging ilaw nitong buong sanlibutan
    Coda
    Lingapin ang Iyong mga alipin
    Huwag Mo kaming itatakwil
    At sa loob ng Iglesia Ni Cristo
    Kami’y Iyong pagpalain
    Copyright © 2002 Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)
    #INCOriginalMusic
  • เพลง

ความคิดเห็น •