MGA BUS NA BIYAHENG CUBAO, PASAY, BAGUIO AT BALER, BALIK OPERASYON NA | TV48 STATION

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 12 ก.ย. 2024
  • MGA BUS NA BIYAHENG CUBAO, PASAY, BAGUIO AT BALER, BALIK OPERASYON NA
    Matatandaan na Simula noong Lunes, Mayo 20, 2024, hanggang Mayo 22, 2024, ay wala na ang mga bus tulad ng Five Star at Cisco na biyaheng Cubao at Pasay, na pumipila sa Cabanatuan Central Transport terminal, wala na rin doon ang biyaheng Grace Park Caloocan, Cubao, Pasay na Baliwag Transit at Golden Bee.
    Lumipat naman sa labas ng Central Terminal ang biyaheng Baguio na Solid North kung saan ang kanilang pribadong garahe na ang ginawa na rin nilang Terminal, habang ang Genesis Bus naman na biyaheng Baler ay nasa labas din ng naturang terminal.
    Ayon sa mga Bus Company napilitan silang umalis sa Cabanatuan Central Transport Terminal dahil umano sa sobrang taas ng singil sa kanila ng Parking Solution Inc. na siyang nangangasiwa ng nasabing terminal.
    Ayon sa Solid North Bus Company, mayroon silang dalawang slot sa terminal na binabayaran nila dati ng P13K kada buwan na pumapatak ng P6,500 per slot, at P165 sa tuwing lalabas bilang toll gate.
    Isa sa mga naging problema ng mga Bus Company ay ang pagdadagdag ng singil ng Parking Solution Inc. ng P5K per unit ng bus at P300 para sa bayad ng sticker, kaya napilitan umano bumalik sa kanya kanyang terminal ang mga bus company.
    Ayon naman sa dispatcher ng Five Star at Cisco Bus Company na mayroon silang 70 bus na bumabyahe at payag naman silang bumalik sa Central Terminal kung maibababa ang singil sa kanila.
    Sinubukan naming makunan ng pahayag ang Terminal Supervisor na si Julius Calara ng Parking Solution subalit hindi ito nagpaunlak ng interview dahil may naka-schedule na daw na paghaharap ang mga bus operators sa City Government ng Cabanatuan.
    Isa sa mga tinamaan ang mga hanap buhay ay ang mga tricycle driver at mga tenant sa terminal na nagmistulang ghost town ang lugar na dati rati ay halos 24 hours na puno ng mga pasahero pero ngayon halos walang katao tao.
    Ang Cabanatuan Central Transport Terminal ay dating pagmamay-ari ng City Government at isinapribado sa SM Prime Holding at ngayon ay pinamamahalaan ng Parking Solution Inc.
    Sa ngayon balik operasyon na ang Cabanatuan Central Transport Terminal at balik normal na ulit ang mga biyahe ng mga Bus Company na biyaheng Manila, Pasay, Cubao, Baguio at Baler.
    #balitangunangsigaw
    #tv48station
    #nuevaecija
    #news

ความคิดเห็น • 1

  • @ByronEvangelista-qc8gf
    @ByronEvangelista-qc8gf 2 หลายเดือนก่อน

    Sa my bayambang ba Ang daan Nyan papuntang bagio