Di Matinag na Pagibig

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 15 ก.พ. 2021
  • May mga panahong mahirap harapin ang Diyos. Mahirap magdasal o magsimba. Mahirap alalahanin ang walang kapantay Niyang pag-ibig ‘pag nawalan ka pa ng mahal mo sa buhay.
    Para kang tinulak mula sa bangin at nababalot ka lang ng kadiliman, ng kahindik-hindik na katahimikan. Para kang nawalan ng angkla, tinatangay ng mga kailangan mong gawin sa buhay. Para kang biglang naputulan ng paa at hindi mo na alam paano maglakad, paano alagaan ang sarili, paano maging "ikaw" ulit.
    Sa gitna ng kawalan, lalabas ang misteryo ng Kanyang hindi mawaring pag-ibig. Andun Siya sa matingkad na sikat ng araw na hindi nagsasawang sumikat kahit anong mangyari. Nasa biglaang dampi ng hangin sa iyong pisngi habang naglalakad. Nasa mensahe ng kaibigan mo sa chat para kumustahin ka. Andun sa kilig mo sa kdrama o sa nakahuhumaling na ganda ng isang obra.
    Laging nariyan ang Dakilang Pag-ibig. Kailangan lang natin buksan ang ating mga mata para mapansin natin na, ni minsa’y di ka naiwang mag-isa.
    #enduringlove #hangad2021 #hangad30
    --
    "DI Matinag na Pag-ibig"
    Titik nina Ivory Ong at Michelle Joy Francia
    Himig ni Jeannie Tolentino
    Sa pagsasaayos ni Paulo K Tiról
  • เพลง

ความคิดเห็น • 3

  • @markglodo3985
    @markglodo3985 2 ปีที่แล้ว +1

    Hello po! Tanong lang po if available po at kung san po pwede bumili ng music sheet? Salamat po

    • @HangadMusic
      @HangadMusic  2 ปีที่แล้ว +1

      Hello! Simply email sales@jescom.ph to purchase a copy of the piece. Thank you!!!

    • @markglodo3985
      @markglodo3985 2 ปีที่แล้ว +1

      @@HangadMusic thank you po ng madami! More power and Godbless