Vice Ganda's Spoken Word Poetry sa 'Pusuan Mo Si Vice Ganda sa Araneta' Nakakaiyak!
ฝัง
- เผยแพร่เมื่อ 23 ส.ค. 2024
- Vice Ganda Hugot Monologue at 'Pusuan Mo Si Vice Ganda sa Araneta' Valentine's Concert.
Visit our official website!
www.starmometer...
www.pinoypower.ph
Facebook:
/ starmometer
Twitter:
/ starmometer
Instagram:
/ starmometer
3 years ago.. Pero naiyak parin ako habang nakikita siyang nasasaktan.. Thanks God, dumating si Ion..
true...ang sakit kinawawa sya masyado.
April 2019 ? Anyone still watching?
I"m watching this ngayong meron nang Ion sa buhay nya. I hope si Ion ang ligayang katumbas ng lahat ng sakit natamasa mo noon.
2020 - Watching this after 2yr anniv vlog of Viceion...
She deserves to be where she is now. I hope Ion is really the one ❤
Omg Terence whyyyyy? June 2019 anyone still watchin?😥
ang sakit sakit vice .. ang sakit sakit na yung taong nagpapatawa sayo sa araw araw umiiyak dahil sa mundomg puno ng mapanghusga
joy rites sobrang sakit, masakit na masakit. di ko mawari kung bakit? ang lipunang ating ginagawalan ganun ganun nalang manghusga at makapanakit.
Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo sa mga kaligayahan ng ating kapwa nandahil sa panghuhusga ng iba di natin alam kung anong epekto sa taong ating "hinuhusgahan" pwede bang isipin natin na tao rin sila na nasasaktan sa bawat bitaw natin ng salitang hindi maganda
hindi niya deserve yung ganun sakit napakbuti niyang tao!
Oo nga kuya
Linoko siya ni romeo. Ok sino nag husga wala naman may alam. Sila sila lang. Ok penerahan siya tinago linoko at gold digger si romeo. Ano pa tawag di siya mahal romeo. Gusto lang sa bakla pera at gamit m hutnot niya
I don't know.. At first when I saw this video few months ago naapreciate ko yung delivery niya..
now di ko lang basta nagustuhan, I fully understand how it feels. That pain of you loving someone secretly. Loving someone and yet we have to set them free.
Life and love is so complicated
Vicw made me cry.. You deserve to be happy.. Someday, you'll meet the right person that will love and fight for you no matter the consequences are..
Ngyari na c ion dumtng n s buhay nya amen ✊✊✊🙏🙏🙏
"Pero bakit paglabas ng mundong yan hindi na tayo pwedeng mag-usapan
Hindi tayo pwedeng magpansinan, hindi tayo pwedeng maghawakan
Hindi tayo pwedeng magtitigan, hindi tayo pwedeng maglapitan hindi pwede
Ang lungkot naman, ang lungkot lungkot naman
Ang sakit naman
Mas malaya pa tayo dun sa loob ng kulungan."
FELT THAT.
Lesson Learned: Akala ko pareho tayo ng reason na hindi pwede dahil gusto natin pareho ng tahimik na mundo at private life. Sinabi mong pareho tayo ng rason pero ang totoo, ayaw mo lang malaman ko na bukod saken may iba pa pala. Hindi lang pala ako.
how i wish people could be more open on things like this bc its hard for someone like him being judged for he just love. and loving is not a sin ;)
tama ka. hindi nman makssalanan ang mag mahal.
jessenjoy bravo tama ka loving is not sin,pero minsan may pagmamahal na isang sala,
sa mata ng tao at sa mata ng Dios.
Mailyn Rocaberte at yun ang masakit :(
Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao mukha mo...
Bumalik ako sa video na ito after kong napanood ang pag chicheer ni vice kay ion para hanapin yung linya patungkol sa basketball. Kasi ngayon malaya na syang mag cheer at eexpress ang kasiyahan nya sa bawat puntos ni ion. So so happy for you, Vice! See, how time flies! Kahit hindi man kayo nag confirm sa real status nyo at least sapat na sa aming makita kang masaya. ♥️
go vicceeee 😊😊 kahit ilang beses q pinanuod still Hindi naman nagbago pagiging idol q sau ☺ I heart u vice💞
Proud ako sayo Vice sobra kasi kahit gaano kasakit patuloy ka paring lumalaban
AVA NABLO _Kim Taehyung right ! he's strong ☺️ love your prof. pic. tho 👌☺️
Just an army passing by again...
AVA NABLO _Kim Taehyung people
Love you too vice 💖💖💖💖💖💖
We love you vice!!! Kahit sino pa man sya... tatangapin namin un dahil love ka namin... at sa araw araw na pinapasaya mo kami... deserve mo din na maging masaya...
ETO YUNG MOMENT NA NAGPROPOSE C TERRENCE SA JOWA NIYA!! KAYA NAPAHAGOLHOL C MEME KC NKITA NIYA SA IG....BUT NAKARAAN NA YUN BUTI NALANG NANDYAN NA C ION NGAYUN!! HAPPY NA SILA!!!🍉🥑🧡
Thank you because now you are with the one who truly loves you. Thank you Ion for making Vice happy again. for making her feel loved.
Vice Ganda's SPOKEN WORD POETRY which he delivered last night. 💔 #VGPusuanSaAraneta
"Meron bang nagmahal ng hindi nasaktan?
Pwede ba yun? Yung magmahal ng hindi nasasaktan?
Pwede bang magmahal ng walang sakit?
Pwede bang okay na tayo wala ng bakit?
Pwede bang start lang walang end?
Kung kaya pa natin, baka naman pwedeng iextend
Pwede bang true lang walang fake?
Pwede bang heart lang walang break?
Pwede bang magpakatanga kahit sa huling saglit?
Pwede bang tayo at tayo nalang ulit?
Pwede bang ang sagot sa lahat ng tinanong ko ay oo pero diba hindi
At yun ang masakit
Masakit ba yung sakit o masarap?
Ayaw ba talaga nating masaktan?
Kasi kung ayaw natin bakit kahit alam na natin na masakit paulit-ulit parin nating binabalikan
At dahil paulit-ulit, pati yung sakit nakasanayan
At hinanap-hanap nalang ng katawan
Nasasaktan ba talaga tayo o nasasarapan?
Masakit ba yung sakit o masarap?
Mukhang mahirap yung tanong ko kaya niisa sa inyo walang kumurap
At hindi nakaisip ng sagot sa isang liham
Kaya kakausapin ko nalang yung sarili ko, tutal ako naman ang nakaisip ng tanong na 'to
Masakit ba yung sakit o masarap?
Alam kong wala ka dito ngayon
Pero gusto kong malaman mo at makarating sayo lahat ng sasabihin ko
Pero sigurado naman akong makakarating sayo, sa dami ba naman ngayon ng tsismosa at tsismoso
At gusto kong malaman mo na masakit
Masakit, masakit yung sakit sobrang sakit
Hindi ko mawara yung sakit, sobrang sakit pero masarap
Alam mo kung bakit?
Kasi ikaw nagbigay sakin ng ganitong pakiramdam
Kaya kahit paulit-ulit ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatan na sa akin ay manakit
Dahil mahal kita, mahal kita habambuhay at hindi lang isang saglit
Oo mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita kahit tayo lang ang nakakaalam
Dahil natatakot ka, natatakot ako, natatakot tayong dalawa na parehong mahusgahan mahal kita
Mahal kita mahal na mahal kita dito sa mundo nating parang kulungan
Isang bartolinang masikip, madilim at ang mahal mo ko ay pwede mo lang ibulong sa katahimikan na tayong dalawa lang ang nagkakarinigan
Mahal kita, mahal kita mahal na mahal kita
At alam kong mahal mo ko kahit tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
Mahal kita tang ina nila mahal kita
Kahit sa dulo nito alam kong wala tayong laban
Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko gusto sana natin magkasama tayong dalawa sa siksikan
Sa bawat laro mo, sa bawat three points mo
Gusto ko sana nandun ako para manguna ko sa palakpakan
Gusto kong isigaw na "POTANG INA JOWA KO YAN!"
Pero hindi natin magawa kasi natatakot tayong parehong mapag-usapan
Kaya kahit pareho tayong tagumpay
Pareho tayong nananatiling talunan
Ang sakit, ang sakit sobrang sakit
Sobrang sakit hindi ko maintindihan ang sakit
Hindi nyo alam ang sakit
Pero pagkatapos ang tilian ng mga tao
Pagkatapos ng tunog ng simbato
Pagkatapos mong punasan at patuyuin lahat ng pawis mo
Bago ka umuwi ng bahay nyo
Ako parin ang tatawagan mo para tanungin kung napanood ko yung cross over mo
Yun ang masarap
Para kong baliw, para kong tanga
Makita ko palang yung pangalan mo sa telepono para na kong nasa ulap
Pag narinig ko na yung boses mo pag sinagot ko yung tawag mo para na kong nasa alapaap
Parang tangang nababaliw kasi ang sarap sobrang sarap
Ang sarap pero ang hirap
Ang sarap pero ang saklap pero masarap
Masarap kasi sa loob ng mundo natin, kahit nakakulong tayo masaya naman tayo
Nagtatawanan, naghaharutan, nagkikilitian hanggang sa magkapikunan
At pagkatapos ay magbabati nanaman
Pero bakit pag naglabas ng mundo yang hindi na tayo pwedeng mag-usapan
Hindi tayo pwedeng magpansinan, hindi tayo pwedeng maghawakan
Hindi tayo pwedeng magtitigan, hindi tayo pwedeng maglapitan hindi pwede
Ang lungkot naman, ang lungkot lungkot naman
Ang sakit naman
Mas malaya pa tayo dun sa loob ng kulungan
Ilang taon din natin yan tiniis
Yung nagtataguan na parang mga gago
Na parang mga aswang na nakakubli sa isang silid na parang sementeryo at tayong dalawa lang ang tao
Na parang mga adik na natatakot matokhang ano mang segundo
Na parang mga kriminal, natatakot na hatulan ng mapanghusgang lipunan
Na ang tanging pamantayan ay hindi pwedeng tayo
Dapat sa babae ka lang dahil bakla lang ako
Potang ina namang mundo to ano bang problema nyo
Ano bang kasalanan ko
Sa sobrang takot ay nagkasundo na lang na wag na manlaban
Dahil pagod na tayo at pareho na tayong tubuan
Kinamisok tayo na sumuko nalang
Ang sakit, sobrang sakit
Hindi nyo alam kung gano kasakit
Hindi nyo mauunawaan kung gano kasakit
Pag naaalala ko para kong mamamatay sa sakit
Namamanhid yung buong katawan ko sa sakit
Hindi ako makakilos sa sakit, wala na kong maramdaman sa sakit
Ang sakit sakit pero masarap
Kasi hanggang sa huli
Yung sa pagsuko natin magkahawk tayo ng mahigpit
At dumating na yung oras na sabay tayong hahatulan
At ang pinataw sa atin
Pinakamabigat na parusa
Kalayaan
Kalayaan palayain ako
Kailangan palayain mo ko o palayain kita
Di pwedeng lumingon, di pwedeng sumulyap
Di pwedeng umiyak diretso lang ang lakad
Papalayo sa isa't isa hanggang sa di natin nakita kung san tayo napunta
Ang sakit sobrang sakit
Halos ikamatay ko yung sakit
Pero masarap, ang sakit sakit pero masarap
Dahil hanggang sa huling sandali
Kahit masakit tinawag mo kong Juliet."
-Admin Duheluhhhh💛
-RandomViceGandaPhotos
Darryl Shane Nardo😢😢😢
Darryl Shane Nardo .
Darryl Shane Nardo thankyou po
Bakit ang sakit :'(
Darryl Shane Nardo thank you
Salamat Kay ion sa pagiging matapang nya at matatag kahit ano mang bashing ang pinag daanan nya maipag sigawan LNG qng gano kahalaga ,kamahal ang ng iisang vice ganda.
2021 na still watching this ang saya LNG sa pakiramdam na my isang ION PEREZ na dumating sa buhay nya..
I salute u Ion... Sana wag mag bago kahit maraming hanash na dumaan sa relationship nyo..
0
oo masakit pero aminin mo kahit nasaktan ka masarap. masarap yung feeling na minahal ka rin ng minsan. :(
tama ka. masarap nga naman mag mahal kahit masakit.
Siya nagmahal si Terrence ginamit siya sa pera iyon bottom line. Player papatol bakla Sino linoko niya
As a fan... I'm so thankful that Ion came in Meme's life..💗Si Ion wala siyang hiya,kaya niyang ipagmalaki ang Meme...
And Terrence??Well thanks to you.. Kung hindi dahil sa iyo hindi darating si Ion sa buhay niya❤️
let's always support our dadii ion..i know he is not perfect but one thing I know he loves meme vice so much.. that's what I feel...I remember
, in a line in which dadii ion said that he is different
from the other guy ..thats why I believe that he has had a true feelings for meme vice.
🙏🙏🙏✊✊✊💪💪💪💖💖💖🌈🌈🌈
@@melsss19 2020? Still watching?
2021 and I still watching...
Nov 6, 2019. Ngayon, pinagsisigawan niyo na sa mundo gaano niyo kamahal ang isa't isa ni Ion.
Minahal ka niyan pero hindi sapat, kasi wala siyang tapang sabihin ang nararamdaman niya.
Isang Probinsiyanong Kapampangan lang pala ang may sapat na pagmamahal para ipangalandakan sa buong mundo kung gaano ka niya kamahal.
2019 Nov.
She deserve to be happy now happy man with ion...
October 1 2019 ! anyone still watching?
I salute you idol . kami man ay nasasaktan na makita ka , makita yung taong nagpapasaya sa bawat araw ay nasasaktan dahil sa mundong mapanghusga.
I'm watching this in 2019, I had watched this 2 years ago and it made me cry. I wanted to comfort vice for the pain and sadness he's dealing. I wanted to hug him and feel that we are here to love and support him no matter what. He's the happy pill and the energizer of the people yet he's the one who's broken and all. And now, I get why he has to be like this. He met Ion. And I can feel how genuine his love is for vice. I can see how he wanted to tell the people how special vice is. I hope Ion, will be the man that will heal his broken heart and will be the man that will love him eternally. I just want the happiness of those two.
this was the time she was in a very sad place, ngayon pakak na si mother!! jose marie viceral-perez❤️❤️
Sa lahat ng sakit na dinaanan nya sa pag - ibig, Sobrang saya naman ang Kapalit na binigay ni Lord. Kitang kita sa mga ngiti at mata!!! SALAMAT SA SAKIT NA BINIGAY MO PERO GOD IS GOOD..Pinawi nya ang lahat ng sakit!!!ALL GLORY TO YOU LORD..
the most sincere and pinakatotoong spoken poetry na narinig ko, probably the best one too.
vice, I really admire you,
ung pagppasaya mo sa mga tulad ko,
but I feel you, ang sakit
you deserve to be happy, wag mung pansinin ang mapanghusgang lipunan, I love you vice, sana tyu nlng, hehe
Hindi society problems. Ayaw siya acknowledge ni Terrence kinahihiya siya dahil gay siya
Sge lng vice isigaw mo lng ang sakit .. I feel you isa ako sa nag iidolo sau kahit lalake ako, alam ko na d2 mo lng maipaparamdam sa knya ang pagmamahal mo .. Kung kelan wala na sya .. At ang sarap sarap sa pakiramdam na nasabi mo sa mga madla ang hinanakit mo kse alam ko masakit ang mag mahal pero mas masarap kapag kasama mo ang taong mahal ..
ang sakit masaktan pero masarap kahit masaklap... 👏👏 #galing talaga no Vice..
😭😭💔💔
Iba c Ion sa mga nauna mong minahal Kya ingatan mo na huwag mawala cIon sa buhay KC cya lng Ang ngmahal sau na hnd. Ka kinakahiya khit cno man Ang makakita Kya Ion huwag mong sasaktan c Vice forever mo cyng mmhalin at huwag sasaktan Ang damdamin Viceion forever love u both
Thanks Miss 😘 vice Ganda dahil sa spoken mo nailabas ko Ang sakit sa along puso thanks 🙋
Ohmygosh! 1st time akpng napaiyak ni vice 😥😖😭😢😨😨😨😨😨😨
Hannah Pixie feel you....
Now she is happy with ion 🥺🤍
Nakakaiyak..relate much 😭
I was watching this, it is 2018.
I'm a super fan of vice ganda and hanggang ngayon habang pinapanood ko ito nasasaktan pa rin ako para sa kanya.💔
vice,ang sakit sakit na makita ka namin na nasasaktan..ikaw na nagpapasaya sa amin araw araw.vice,i will always pray for you. i love you vice😢
Ang tagal na nito pero naiyak parin ako...buti nlng my isang Ion ngaun sa buhay mo...you deseved to be happy. .tulo luha ko pota bakit ba ako napunta dito 😭😭😭
Super po ang ganda...po........with feelings talaga😍 sana maka pag ganun din ako😭
Ate vice kahit ilang ulit ko n pinanood toh bakit ang sakit bakit sakit sakit pa din lahat ng sinabi mo relate n relate ako. :(
December 2020 👌nakaka 2 years na si Ion ❤️❤️❤️❤️❤️
BAh graveh idol vice ang spoken word poetry mo maka relate jud sya kaayo
kakaiyak. sheeeeemaaaay. ramdam ko talaga yung sakit. kahit supeeeeer late ko ng napanuod.
😭😭😭ang sakit grabe tagos sa puso
#kaya mo yan ate vice☺
Subrang Sakit Nga Naman 😭😭😞😢💔💔
Viceion forever
Grabe ang tapang-tapang nya
Kahit masakit, pinadinig nya sa daigdig ang kanyang pag-ibig
Kahit masakit mahusgahan ng mga taong wala namang kaalaman,
Kahit maraming humadlang,
Kahit hindi man sya pinanindigan.
Bilib ako sa kanyang katapangan,
Hindi lahat kaya kang ipagyabang
Kahit dulot mo lang ay kirot sa pusong pinaikot-ikot
I so love this piece. Emotion overload!
March 28,2021 at 11:39pm still watching this video. Terence Romeo thank you for being one of meme vice happiness, thank you kasi HANGGANG ngayon yung story niyo nanatili sa mundong to thank you kasi may minsang kayo mahal namen kayo kahit may ion na si meme mahal parin namen kayo sobra!
"pwede bang tayo, tayo nalang ulit" that word :(
Shet 2018 na masakit parin. Greatest love nya tlaga s TR.
Ilang beses ko na napanood to pero wala e naiiyak pa din. Hays damang dama 💔
WAG KANANG MALUNGKOT MEME VICE HAPPY KANA NGAYON DAHIL MAY ION MAG MAMAHAL SAYO HABANG BUHAY♡
lalaki ako pero sobrang idol ko yan.. tuwing napapanuod ko sya sobra nyako napapasaya.. hiling ko lang na sana masuklian din natin ang mga sayang naibigay nya saatin.. hayyy..
nakakarelate talaga aq dto sobra paulit ulit ko tong pinapanOod😢😢😢
2021 still watching!
Hindi po Judy Anne yung huling sinambit ni Vice ansabi nya po "Pero sa huli tinawag mo akong Juliet" So baka si Romeo nga
Love is the reason :'( i feel you Vice.
Feel na feel ko si vice😔 hindi pwede maging kami dahil sa mundong mapanghusga💔
So much feels :( This goes out to all the LGBTQ who haven't coming out into the closet yet. Forbidden love it is, yung wala na kayong ibang magawa kundi pakawalan ang isa't isa kahit pa alam nyong nagmamahalan kayo :( Salute! Love is love.
sobrang ramdam ko yung sakit.. kahit hanggang ngayon pag pinapapanood ko to ang sakit..sobra.. 😔😭😭
now you deserve love from ion and us mahalko
Just came back here to say, Happy Motmot my Romeo and Juliet : ( My ViRence heart will always be here! Wishing you both genuine happiness on your own lives. ❤️ I love you mom! Vice Ganda❣️
pag sad ako ito yng pinapanuod ko.. i feel the message really tagos hanggang buto
Ang sakit makita na yung paborito mong palaging nagpapatawa ng mga tao ay umiiyak dahil siya ay nasasaktan, ok lang yan vice sa susunod kami naman ang magpapasaya at magpapatawa sayo upang ika'y sumaya
ang galing ng pag ka deliver. 🙌
Yung feeling na habang pinapanuod mo to ay kusa ring tumutulo ang hula mo, ang sakit nga sa pakiramdam na may kayu pero wala kayung kalayaang ipakita to sa mundo dahil natatakot kang masusgahan ng ibang tao.
2020 ? Anyone still watching?
Ate vice! Naramdaman ko din yan! Ung maraming kumokontra sa relasyon naming dalawa hanggang sa isang iglap ndi na niya kinaya ang mga masasakit na salitang sinasabi nila tungkol sa aming dlawa! Kaya ayon siya, iniwan ako at sumama sa iba
Ang galing ni meme vice !! Damang dama .ko ehh
I feel dis😊😊. .relate much the story...ang sakit sakit😔😔😔
Grabe totoo lahat ng sinabi nya... mahirap magmahal ng kayo lang. yung hindi mo maisigaw na mahal mo sya. yung hindi mo pwede mahawakan ang kamay sa labas. pero ganun talaga ang pagibig. kung ndi ka nassaktan, hindi ka nagmmahal. :(
Mali kinahiya siya ni Romeo dahil pera lang habol sa kanya. Ginamit lNg siya. Kung mahal bat magtatago. Kinahiya namakla siya. Use dn natin common sense natin minsan
Vice and sakit naiyak ako sa Linyang parang tang adik na anong mang oras pwd matukhang
ang sakit sakit. sobrang SAKIT. ang SAKIT SAKIT! Hindi ko maipaliwanag yung sakit.
Sobrang late ko na na mapanood ito pero vice ganda's piece made me cry sobrang sakit i felt it.
Ramdam na ramdam ko ung sakit na nararamdaman ni vice kahit nanonood lng ako
Tama !!! kaka relate ako galing mo talaga idol
I LOVE YOU SO MUCCCCCHHH VICE GANDA ..i'm so proud of you...mwuaaaahhhhhh
at ang pinataw sa atin, ang pinakamabigat na parusa... KALAYAAN. 💔
this is your real story I can feel you vice but I'm girl at married n xa n meet ko xa s Dubai xa lhat skin I know he love me so much but we meet in wrong time KYa hnggng ngaun kapit prin aq khit Alam ko consequences nto Mahal n Mahal Ko kz xa
if u love him that much then set him free. alam mong may pamilya kang sinisira. hndi lahat puro pagmamahal lang. just saying po.
Ang sakit sakit vice dama ko ang lahat ng sinasabi mo. bakit nagpapatanga tayo sa taong ni minsan ang binigay saten ay sakit pero wala akong magawa kase mahal ko sya sobrang mahal ko sya kahit na ang sakit sakit na magpapakatanga pa din ako sau 😭😭😭😭😭
Unti-unting nadudurog ang aking puso sa bawat saltik ng iyong dila 😢
June 2019? Who's watching or still watching diz?
Jhen Molina meeee💔
Gusto ko Makita Si Ate Vice Ng Personal Lodi n Lodi Ko Si Ate Vice Ganda Ng Buhay ko
spoken word poetry;TO VICE :alam namin lahat na minahal ka ni romeo mo, pwede naman kanyang ipagsigawan at ikaw vice versa sa buong mundo..bakit si aiza at liza dino..nandun sila na buong ipagsigawan kahit sino ang kanilang pagmamahalan..hindi nga lang handa at alanganin ang jowa mo diba sinabi naman niya mahal ka pero baka may mas hihigit p pala sa kanya...minahal ka niya ng totoo pero hindi talaga siya ang itinadhana sayo..
May God Ate Vice.....
Nakakaiyak po huhuhi😢😢😢😢😢😢
Its been years since I watched this but still I can't help but thought na sana sila na lang. Na sana pwd silang dalawa. Bakit kasi ang daya ng mundo? 😭They love each other but the society is going to judge them. So heartbreaking. .
Nkkaiyak nmn buti nlng msaya na c meme ngyon
I never saw this side of Vice. Naiyak ako. :(
bravo!!! wako masay vice ikaw na talaga..
Tama na yan meme vice ..di xa deserve ...ion is the best for you happy kna now😍
masakit ba yung sakit,o masaya?....grabeh ate vice ang sakit sobrang sakit pero ang sarap
galing this video make me cry
kapag sa mahal mo nanggaling yung sakit ang sarap ulit uliting damhin. Ang sarap ng sakit na mula sayo 😭
sbe na si Terrence Romeo yun eh😭. we're so proud of Vice😭💔 sana malagpasan mo yan.💔😭
i feel you vice.. my bleeding heart.. sarap ulit ulitin at balikan ang sakit na nararamdaman kapag ang dahilan ang taong buong puso mo minamahal....
Sa mga mahilig manakit ng damdamin jan, please lang, tigil na, d nyo alam yung feelings na umiyak tuwing gabi, at masaktan mentally😭😭😭
thanks💞💚💔
yung pinapanood ko parin to kahit 2018 na! :'( nasasaktan parin akoo!