Flow G - Ibong Adarna ft. Gloc-9 / Lyrics

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 18 ก.พ. 2023
  • #lyrics #ibongadarna #flowg
    🎧 Flow G - Ibong Adarna
    🔴Subscribe for more videos!
    🔔Turn on notifications to stay updated with new uploads!
    🎤Lyrics:
    Mahal kamusta
    Masarap ba gising mo buti nakatulog ka
    Ako eto simula nung nangyari lahat 'to ay binabangungot na
    Ligaw na ligaw 'di alam kung sa'n pupunta
    Halos malunod na
    Dahil sa pagkalugmok may halong lungkot
    Kaya laging nagluluksa
    Nabugbog pa kahit utak ko lang ang
    Kalaban ako ay nadurog kahit na sa tinik ako ay natusok
    Ay naging tahimik hindi na rin para humugot
    May luhang tutulo
    Tuwing nakamukmok ako sa ilalim ng kumot ako ay nahulog
    Biktima sa sitwasyon na may aral pa ring mapupulot
    Pero 'wag mag aalala
    Kahit papa'no ay nakakahinga
    Hindi nakatlong 'yung kasabihan
    Kapag napaagod ay kailangan lang magpahinga
    Ilang gabi na nakadilat pa rin ako kahit gabing gabi na
    Pero hindi pa rin magmakaawa
    Kahit kawawa aping api na
    Ikaw kamusta ka d'yan
    Sana hindi mo 'to mapakinggan
    Kase ayaw ko sabihin mo sa
    Sinabi ko ikaw ang pinaparinggan
    Sumakay ako sa alon mo kase
    Akala ko pareho tayo gustong magkapitan
    Eh 'di sana hindi sana nagkainteres sa interes
    Eto bunga ng kapital
    Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
    'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
    Ambilis ng pangyayari at naganap
    Kaya maging ako'y gulat na gulat
    Mga ala ala na nakakatakot maalala
    Naranasan natin dalawa ay magkasama wala na
    Napalitan na ng lungkot ang
    Ligaya 'yun ang 'di ko kaya
    Buti ka pa parang hindi mo iniinda
    Habang ako ay hirap matulog at
    Sana'y 'di na gumising pa
    Gusto ko ng medisina
    Para hindi na makadama nasakit sa tuwina pampamanhid
    Bibilin ko agad kung meron man nagtitinda
    'Di ko na pinilit alamin 'yung totoo
    Kase iniisip ko baka mas lalong gumulo
    'Yung sabay natin binuo
    Nawala rin kaagad kase puno ng ala ala madugo
    Pagkamag isa nakaupo madalas nakayuko
    Kasabay ng luhaang matuyo
    'Pag may kaharap ng ibang tao
    Naku po magpapangggap na buo
    Kailangan masaya ako palagi kahit 'di na katulad ng dati
    Para 'di nila isipin na nahihiripan
    Ako sa lahat ng nangyayari
    Sinasarili ang bawat kirot na pinapasan sa likod
    Dapat nagtataka lagi kung bakit bulok ang binunga
    Imbis na hinog
    Mahirap magpanggap na ayos lang
    Kaso kailangan sa ganitong kaganapan
    Ay dapat agapan makita ang iyong kahinaan
    Para hindi kaawaan o pagtawanan
    Mahirap pa lang maranasan masaktan
    Sa kamay ng kapiling pakisamahan
    Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
    'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
    Ambilis ng pangyayari at naganap
    Kaya maging ako'y gulat na gulat
    Mga ala ala na nakakatakot maalala
    Naranasan natin dalawa ay magkasama wala na
    Napalitan na ng lungkot ang
    Ligaya 'yun ang 'di ko kaya
    Sana ako'y tulad ng iba
    Kaya kang iwanan d'yan ng mag isa
    Luha mo ay hindi pupunasan
    Tatawanan pagkatapos sugatan hindi gano'n
    Tinulungan ka makalipad
    Para sa'yo nakahanda ay ako gawin ang lahat
    Wala na sa'kin natira baliwala pa
    Pakinggan niyo ang makabagong istorya ng ibong adarna
    Bakit gano'n ang panahon
    Ako ay napakaraming tanong
    Akala ko ay dinala kita sa palasyo
    Pero sabi mo ay kinahon
    Ang dating tayo na palaging masaya at
    Nasasama ng matiwasay
    Init ng apoy na namamatay
    Panggatong ako na lamang ang naglalagay
    Ano ba sa iyong palagay
    Inakay na kita makadaan sa landas na madilim
    'Di naman ako 'yung tipong na lalaki
    Iiwanan ka na lamang kase natapos na kitang pitasin
    Napakahirap abutin
    'Di mo ba napansin dinidiligan ko ang iyong hardin
    Inaabangan na dumating
    Bakit madalas ka na yata inabutan ng dilim
    O bakit parang lumalalim ang sugat
    Ayaw kong tignan kahit laging nakamulat
    Alam ko na siyang nilalaman ng sulat
    Mabigat pero 'di na magugulat
    Hinihintay kita makauwi
    Lumuluha kahit nakangiti
    Lungkot na palagi kong buhat 'di ko masukat
    Pilitin ko mang ikubli
    Balita ko may sinasabi ang mga chismosa na ale
    'Di ko inakala 'to grabe
    Sa ulo ko ay may tae
    Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
    'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
    Ambilis ng pangyayari at naganap
    Kaya maging ako'y gulat na gulat
    Mga ala ala na nakakatakot maalala
    Naranasan natin dalawa ay magkasama wala na
    Napalitan na ng lungkot ang
    Ligaya 'yun ang 'di ko kaya
    Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'to lahat
    'Yung pinaghirapan natin dalawa ay wasak
    Ambilis ng pangyayari at naganap
    Kaya maging ako'y gulat na gulat
    Mga ala ala na nakakatakot maalala
    Naranasan natin dalawa ay magkasama wala na
    Napalitan na ng lungkot ang
    Ligaya 'yun ang 'di ko kaya
  • เพลง

ความคิดเห็น •