Sa wakas, nakakita din ako ng totoong marunong. Bilang isang REE nakakalungkot lang kasi nag lipana ang mga youtube/facebook electricians na nagpapalaganap ng maling turo sa electrical. Ultimo pagpili ng CB ng aircon, kung ano anong multiplier ang tinuturo. Tapos makikita mo sa mga comment nila na kaliwat kanan ang yabangan na puro naman din mali. Pagpatuloy nyo lang po ang pagtuturo ng tama. More power po.
Stick ka lang manood ng videos ko. Laan ang mga ito sa newbies Kasi pliable ang isip ninyo. Wala pa kayo nakatigasan at nakagawiang maling paniwala. Binibigay ko Naman saan sa PEC rules ang section na ginagawan ko ng paliwanag so open Ako ma examine ng lahat kung may pagkakamali Ako. Lahat nagkakamali, pati ako. So libre lahat tanungin Ako sa mga sinasabi ko. Bastat civil at respectful lang ang usapan. Usapang kuryente lang , ika nga! Promise, accurate materials ibigay ko sa iyo.
Salamat kapatid. Walang attempt ang PEC magpaliwanag ng rules nito. Ako nangahas magpaliwanag sa iba't ibang anggulo. Nakakalito ang mga rules. Hindi lahat makakaunawa ng paliwanag ko dahil kulang sila sa experience paging electrician. Hanggang Jan lang ang kaya ko.
while the PEC doesn't explicitly state an 80% safety factor for circuit breaker sizing, it promotes the concept of practical safeguarding and future expansion. The code encourages electrical practitioners to select appropriate ratings and consider potential growth in electrical demand. The 80% rule of thumb, though not mandated by the PEC, aligns with the code's principles and provides a practical approach to preventing overloading.
British system Kasi ang ganyan. Makita mo walang ganyang words sa PEC. Kaso, magagawa Naman nito ang requirements ng PEC kaya't Tama Naman gamitin. Isa pa, malaki ang kakulangan ng service enclosure na metal. Walang accessories para sa grounding at bonding kaya't popular na ang consumer unit. Subukan ko ipaliwanag Yan. Bumili na Ako ng mga mcb, rcd at consumer unit. Kaso Hindi Ako sigurado sa bonding at grounding Nyan dahil may TT, TNS at TNCS systems pa. Tatlong klase sa British system ang grounding at bonding.
Pinapaliwanag ko lang ano ibig sabihin ng rules sa PEC. Karamihan Kasi mali ang pagkaunawa kahit basahin nila ang rules ay parang Hindi nabasa, Yung natutunan sa iba ang ibinabasa sa binasa.
Hayaan mo, madaliin ko. In the meantime panoorin mo Yung video ko ang title ay "Meron bang color coding ang mga conductor" pinaliwanag ko dun not extensively Bakit me white at green at Bakit Hindi ito pwde gamitin sa live o phase conductor na Hindi grounded, complete with PEC code rule sections. Gusto ko din malaman kung malabo pa din paliwanag ko at pagsisikapan ko humanap ng paraan para naipaliwanag ng malinaw. Napakahirap padaliin ang paliwanag. Ang grounding at bonding ang Isa sa pinakacomplex na konsepto sa installation maintindihan. At ang language na ginamit sa article 2.50 ay napakahirap unawain para makabuo ka ng mental picture ng sinasabi sa rules. Pilitan ko unahan in 2 weeks. Hindi madali mag prepare ng leksyon kapatid. Bigyan mo Ako ng panahon. Saka kaunti lang interesado Lalo Yung mga hands on sa subject matter na ito marahil dahil alien sa kanila ang concept nito. Rightly so dahil halos walang grounding and bonding ginagawa halos sa residential wiring Lalo 20 years ago and before that.
May mga circuit breakers na may tripping featuresm like type c breakersn may 20 amps normally na trip yan 25 to 30, Yung type B 23 to 27 at type A normally n trip sa 20 to 22
Ang gusto mo Naman ay spoon feeding. Wala Naman mahirap na intindihin at Hindi nakakalito na ang noncontinuous load ay 100% ng load at ang continuous load ay 125% ng load. Halos 30 minutes Ako nagpaliwanag nakuha Naman ng maraming nanood at Hindi Naman nalito ang Marami. Dahan dahanin mo lang unawain at mag isip ka ng kaunti dahil kahit magbigay Ako ng example ng residential calculation Hindi mo din makukuha. Balikan mo ang video. Sabi ko Naman SA video karamihan ng kasangkapan ginagamit at ilaw noncontinuous load. So pag iisipan mo, alin lang kasangkapan ang gagamitin mo na 3 hours or more para maging continuous. Dun mo I apply Yung 125%. Ok na ba?
Salamat. Sundan mo lang mga videos ko at bago pa lang ako gumagawa. Lalo kung gusto mo malaman paano ang tamang rules sa PEC. About ng aking makakaya liliwanagin ko tamang kahulugan.
Sir good day po pwede po ba ung 30 ampers na breaker kasama na ung refrigerator at 1hp na aircon ..at anong size ng wire ang gagamitin .salamat sana ma replyan mo ko.
Hindi po ako electrician sir pero Sa aking pag ka intindi lang sir sa 80% na yan is yung load po sa isang circuit breaker is 80% lang po hindi masyado sumumbra cguro para yan kung minsan ang isang gamit nag high ampers katulad nang aircon so may protection pa din po kasi may allowance po tayo. Tama po ba sir? salamat sa sagot nyo po.
Very interesting topic Sir! Back to basic theory ng PEC ito dapat ang pundasyon sa aktual field! Ngunit ,subalit, pero,datapwat,sakali kung pinagsabay ang non and continues load na 15A 0 20A di po kaya palaging nagti-trip ang CB kasi nasasagad ang max given amp load ng CB? nagtatanong lang po!!!!Salama....
Adonis, Hindi mo matanggap na mag perform ng ayos ang branch circuit kapag pinagana mo sa non continuous load plus 125% continuous load na mag total ng 20A sagad sa rating ng 20A ng circuit breaker. Noncontinuous load ay 3 hours or less. Let's do the math 10A nonC + 10A C = 20A Tama ba, isaksak natin sa 20A circuit breaker. Yung 10 A Cont. load ang actual load value na kinabit natin ay 8A lang, Tama di ba Kasi Cont. Load is 1.25 × load na cont. Palagay mo ba ang total actual load na 18A sa loob ng 3 hours ay kakargahan ng circuit breaker o may oras na naka off Yung 10A na nonC load part of the time sa loob ng 3 hours dahil ang nonC load ay less than 3 hours? Therefore part of the time sa loob ng 3 hours ang kargakarga lang ng circuit breaker ay Yung load na 8A na lang dahil naka off nga Yung 10A nonC load. Paano magtrip ang circuit breaker kung part of the time ay 8A lang ang karga ng 20A breaker natin. Nagets mo ba. Kahit Yung total mo na nonC plus Cont. Loads ay 20A. Sa actual operation kung gawan natin ng experimenting patakbuhin yan makikita mo part of the time 28A ang karga ng circuit at part of the time ay 8A lang ang karga kung sa loob ng 3 hour experiment ay may clamp on ammeter Tayo na sinusikat natin ang actual loads. Sa papel o calculation mo lang napaghinalaan na sagad na sagad na 20A ang load na kinarga mo sa 20A circuit breaker. Gets mo. Kung sana pwde ko ipakita sa iyo sa blackboard. Ang meaning Kasi ng continuous load ay maximum current for 3 hours or more. Hindi Naman maximum load Yung 8A. At ang equivalent load sa load calculation lang ang 10A Cont. Load. Ang actual load ay 8A lang na 3 hours or more. Hindi Naman maximum current Yung 8A so kung naka off Yung 10A nonC load ay nonC load Yung nalabing 8A na Hindi naka off. Ayan at ulit ulit na ako pero di ko pa din sure kung nagets mo. Hindi ko kasalanan yan at Hindi Ako ang nagpagulo. Rules yan sa PEC in interpret ko lang. Wala Naman pumipigil sa iyo at libre ka Naman tanggihan paliwanag ko. Meron din nga nag comment sabi nya mali daw sinabi ko WALA. Kaso di nya na elaborate ano Yung Wala e kagaya mo, detalyado Tanong mo. Binibigyan ko ng tugon. Pwde mo Naman Hindi tanggapin ang paliwanag ko o kaya I scrutinize ng husto. Do the math. Intindihin mo lang mabuti Yung verbal math problem na in the form of sentences sa rules na I translate mo sa equations Gaya ng ginawa ko above. Haba huh!
Napaka liwanag pa sa sikat ng Araw Ang sagot mo sir! ..sa totoo lang kuyanuts tumaas na Ang kumpiyansa ko sa sarili bilang Isang elektrisyan. Maraming salamat sir sa mga video mo..God bless to you sir!!
@@jojolife6248salamat sa naishare mo. Hindi sayang pagod ko mag isip paano ipaliwanag ng malinaw ang mga provisions ng PEC na napakagulo at Wala itong attempt ipaliwanag ang sinasabi nya. Kung walang magpaliwanag forever na may kakulangan ang pagkaunawa ng karamihan nating electrician sa bansa. Manood ka ng mga vlogger sa kuryente, magugulat ka sa kakulangan ng pagkaunawa nila kahit sabihin nila ayon daw sa PEC sinasabi nila. Kaya ugaliin mo na alamin saan sa PEC nakasulat ang bawat kilos mo para Wala Kang sagutin sa batas at makinis konsyensya mo ginawa mo ang Tama.
Good eve sir salamat sa idea f sabay sabay mag yang sir Tama paren paliwanag niu kc naka pasok paren naman yong sinasabi nilang 80% don sa continues load kaya safe paren poh thanks and good eve Marami pa poh akong matutunan sa Inyo thanks and God bless poh@@kuryentenuts4592
Melody, gusto ko malaman kung may background ka sa electrical at gaano kalalim. Electrician ka BA o EE student? Sa 6:45 minutes, ulitin mo ang video. Doon ipinaliwanag ko ang continuous at non continuous load. Continuous load ay Yung load na kokonsumo o gagamit ng kuryente sa loob ng Hindi bababa sa tatlong oras. Kaya't tuloytuloy mag iinit ang conductor kung padadaanan mo ng maximum load na katumbas ng rating ng circuit breaker ng branch circuit. Para Hindi mag init ang conductor, 80% lang ng circuit breaker rating ang padadaanin mong maximum amperes. Nakuha mo ba? Kung mayroong ka load na 16A at ito ay continuous, meaning 3 hours or more mo kakargahan ng kuryente, multiply mo ito by 125% kaya't effectively ang load to consider for calculation para makapili ka ng circuit breaker para sa load ay 20A. Ang 80% ay reciprocal ng 1/125%. Baluktaran yan.ang 80% ay reciprocal ng 1/125%. Ang noncontinuous load ay Yung load na gagamit ng kuryente sa Hindi sosobra ng 3 hours. Kapag ang load ay noncontinuous, Hindi mo na kailangan multiply by 125% ang load para magcalculate ng rating ng branch circuit o circuit breaker rating. 100% ang multiplier mo, meaning kung ang load ay 15A ay 15A × 1.0 = 15A ang gagamitin mong load para pumili ng circuit breaker size. Ulit ulitin mo sana ang video at isulat mo. Kasi sa ganyan process natin maiintindihan ang concept. Hindi kaya na Isang panonood lang ay naintindihan mo na agad lahat ng ipinaliwanag ko. Tatlong beses Ako nagpaliwanag at sa iba't ibang anggulo. Ang videoing ito ay para sa May kaalaman na sa fundamentals ng kuryente.
Contactor ba o relay ang gusto mo? Matagal pa Ako mag video ng industrial electrical installation dahil inuuna ko muna Yung residential installation. 90% siguro ng nag eelectrician ay pang residential Kasi. Baka next year pa.
Emmanuel, ibinigay ko ang section number ng rules. Hindi Ako May gawa Nyan. Pinaliwanag ko lang Kasi ang PEC ang batas ng pinas sa electrical installation at walang attempt ang PEC magpaliwanag ng rules nya. Malaya ka Naman gawin ano ang gusto mo at ano ang paniwala mo. Ok ba?
Isa pa, saan rule section sa PEC mo ma interpret yang Alam mo? Anyways, Malaya ka sa paniwala mo at sa tingin ko Hindi delikado Yan kung gawin mo dahil mas mababa ang mga values na makukuha mo kapag nag apply ka ng 80% sa lahat. Ang sinasabi ko lang Naman, Hindi ganyan ang sinasabi sa PEC. OK ba ulit?
PEC Permissible load for 15A and 20A ay the same as stipulated in PEC 2.10.2.5(a) however, the permissible load for 30A branch circuit is stipulated in PEC 2.10.2.5(b) which states: (b) 30-Ampere Branch Circuits. A 30-ampere branch circuit shall be permitted to supply fixed lighting units with heavy-duty lampholders in other than a dwelling unit(s) or utilization equipment in any occupancy. A rating of any one cord-and-plug-connected utilization equipment shall not exceed 80 percent of the branch-circuit ampere rating.
Correct lahat ng sinulat mo brod. Sabi nga sa rule, rating ng ONE cord and plug connected equipment ay 80% ng branch circuit rating. Qualified na kapag Isa lang at cord and plug ay 80% lang ang rating nito dapat. Yan din Naman Ang sinasabi ko, iba iBang sitwasyon iba iba ang pwde mong % ng load na pwdeng isaksak sa receptacle ng branch circuit. Pero kapag multiple receptacles ang branch circuit Hindi na Yan ang rule. Sa table 2.10.2.7 summary of branch circuit requirements, Doon mo makikita na ang maximum load 100% ng circuit rating. Ang sinasabi ko lang naman na namimis interpret ay walang NAKASULAT na 80% safety factor sa PEC mababasa na applicable all encompassing sa lahat ng sitwasyon.
Correct lahat ng sinulat mong rules. Ang summary Nyan NASA table 2.10.2.7 summary of branch circuit requirements kung multiple receptacles outlets ang branch circuit. Ang maximum load ay 100% ng branch circuit rating ayon sa table. Ang sinasabi ko, sa PEC Wala per se at unqualified na sinasabi at nakasulat 80% safety factor. Meron 80% mababasa sa PEC, ang Dami Nyan. Yan nga pinapaliwanag ko sa 4 na videos.
@@kuryentenuts4592 tama yung maximum load ay 100%, pero ang permissible current sa 30A branch circuit na may 30A CB ay 80% lang, hence may exception. Di puwedeng mag allow ng more than 80% load sa 30A branch circuit, meaning, may 30A CB sa branch at satisfied din ang wire size but the permitted sum of continuous load ( more than 3 hours ) and non-continuous load ( < 30 hours ) must only be 80% of the rated branch current (CB). There is a reason for that exception, safety since you are dealing with much higher current, there are more higher current circuits though (40A, 50A or even more). But anyway, I really appreciate your vlog and effort to share knowledge and info regarding electrical codes and electrical circuitry. Isa ran kasi ako sa mga Engrs. kaya medyo nakakapag comment lang to share as well my humble knowledge and experience. I actually stumbled one of your vlogs and started following, since it's informative ang mga to, it helps our fellow pinoys whether students, electrical technician practitioners, professionals.
@@einnortubeEngineer, tawagin na lang kita ng ganyan bilang paggalang. Ganitong ang gusto ko, positive exchange. Kasi open Naman Ako ma correct kung nagkakamali Ako. Magkaiba Tayo ng interpretation. Mas conservative Yung view mo dahil niliitan mo pa ang load by allowing 80% always. Section 2.40.2.4(B)(2) a receptacle shall not supply a total cord and plug connected load in excess of the maximum specified in table 2.40.2.4(B)(2) Nakasulat kapag circuit rating 30A at 30A ang receptacle rating, ang maximum load ay 24 A. Ang may rating na 30A ay receptacle. Sa umpisa nakasulat, branch circuit supplying 2 or more receptacles. Notice na kapag nagplug ka ng 24A sa Isang receptacle, walang sinabi na Hindi ka na pwdeng magplug pa ng 6A na load sa pangalawang receptacle. Sa section 2.10.2.7 ay niliwanag Yan at ginawan pa nga ng table 2.10.2.7 na malinaw nakasulat ang maximum load sa circuit breaker na 30A over current protection ay 30A din. So magkaibang table ay magkaiba maximum load ang nakasulat. Yung unang table nakasulat 80% load sa receptacle na may rating at Yung pangalawang table nakasulat 100% load para sa 30A circuit breaker rating kung 2 or more ang Dami ng receptacles nakakabit sa branch circuit. At Ang sinasabi mong exception kung Meron man ay isusulat next at below a section number. Wala Ako mabasang exception. Ang PEC ay batas at Yan ang basehan sakaling umabot Tayo sa korte kung magkaaberya kaya't bawat word, if, shall, therefore at but ay mahalaga sa interpretation ng batas. Kaya nga Hindi Ako basta basta makagawa ng video dahil double check at triple check ko ang sasabihin ko at kung magkamali Ako ay baka mag cause Ako na may makuryente. Kapag Hindi cord and plug pati ang 30A na load ay pwde ito 100% dahil cord and plug equipment lang ang limited sa 80%. Kapag Hindi na cord and plug at noncontinuous ang load ay pwde ito 100% ng branch circuit rating. Hindi ko Alam kung practical ito dahil puro single receptacle lang Nakita Kong 30A. Nag interpret Ako ayon sa nabasa ko at kaya Yan naisulat ng ganyan ay napag aralan na Yan ng libong experto sa kuryente.Pero basahin mong Mabuti engineer ang mga section at balikan mo Ako kung tingin mo Mali pa din ang interpretation ko at Pakituro saan Ako nagkamali at lumiko ng pagkaunawa. Welcome na welcome po dahil ganitong positive engagement ang hinahanap ko sa makakapanood ng video ko. Sa pagkakataon ito dito nagstrikto Ako sa interpretation pero sa ibang video ko tulad nung sizing ng main breaker ay praktikal Ako at Marami akong sadya Hindi consider strictly na rules para lang madali intindihin ng manonood.
@@einnortubeSinundan mo na rin Ako e kung may oras ka feel free to add on information at correction or topic of engagement para Masaya at learning process din sa atin mga viewers. Ganyan Naman mga engineering nung estudyante pa nagpapaliwanagan. Mechanical engineer din Ako nung araw kaya Alam ko. Thank you brod.
Melody ang 1.0 ay kinuha sa 100%. Convertible ang reaction sa decimal at sa percentage. Ito ay basic math na kailangan Alam mo at itinuturo kapag dumaan ka ng formal training sa pag eelectrician. Kung ang noncontinuous load ay 100%, ang meaning nito ay multiply mo ang load by 1.0. Ok ba? Nakuha mo ba?
15A × 125%, ang kahulugan nito ay 15A × 1.25 = 18.75A. Ang percentage ay convertible sa decimal number sa pamamagitan ng pag move ng decimal point 2 digits to the left, tapos I drop mo Yung % sign. Sana malinaw na sa iyo. Assumed sa PEC Kasi na marunong na Tayo ng basic math para basahin ito.
Sa section 2.10.2.2(A)(1) ng PEC. Panoorin mo ulit sana Yung video at ulitulitin. Saka isulat mo para iyong matandaan. Tutal but na ang Tanong mo so madali mo na makikita ang sagot kapag in ulit mo panoorin. Rule yan sa PEC.Doon yan nanggaling. Yan ay multiplier kapag ang load ay continuous. Ulitin ko. Panoorin mo at ulitulitin ang video. Ako man kapag may binasa o pinanood na Hindi ko naintindihan, inuulit ulit ko. Subukan mo lang. Effective yan, payo ko lang.
Sir nuts paano nman computation ng breaker sa airconditioning at refrigerator sir?,multiply din ba sa 125% sir?. #alwys wtchng ur vedios from cebu province sir.
Kapag ang aircon at ref ay mayroong cord and plug, considered appliance yan at Wala ka na gagawin Jan kundi plug sa individual o general convenience outlet yan. Covered Yan ng article 4.20.
Required ang manufacturer ng motor-compressor equipment na Lagyan ng nameplate lahat ng produktong aircon at ref. ng maximum fuse o circuit breaker rating at minimum amperes para sa conductor size Kaya Wala ka computation na gagawin Jan. Article 4.40 ang may sakop ng rules sa pagcalculate ng branch circuit at overcurrent protective device ( circuit breaker) Subukan mo hanapin ang nameplate ng mga aircon kung may Makita at tingnan mo kung totoo sinasabi ko na may nameplate it na nakasulat yang 2 yan. Yan information na Yan lang ang kailangan mo para magsize ng circuit breaker ( wag ka lalampas sa maximum) at magsize ng conductor (wag ka liliit sa minimum, pwde ka mas malaking size) Subukan mo magtanong, bihira me Alam Nyan sa mga electrician. Tinuturing nila itong motor at pupunta pa sa motor table para kunin ang full load current gamit ang HP rating ng aircon. Hindi mo na kailangan magcalculate. Pinadali na ng PEC magsize ng breaker at conductor ng aircon. Kung may cord and plug ang aircon, uulitin ko, sabi ng PEC ituring mo itong appliance at home saksak mo na lang sa receptacle. Ang daming nagkakamali magsize ng breaker ng aircon. Ang ref ay considered appliance.
Kung gusto mo magcalculate ay magulo pa. Kukunin mo Yung rated current ng motor- compressor saka multiply sa 175% para sa breaker at 125% para sa conductor. Kung Panay pa din ang trip ng breaker at pwde mo itaas sa 225% ang multiplier sa rated current para nakuha mo size ng breaker. Tingnan mo na lang nameplate, easy! Wait ka lang gagawan ko ng video yan nakapila pa.
Kaya nga po aq nag tataka sir may na incounter po aq mga electrician gumagamit tlg ng 80% panu kaya kinuha nila un na formula isa po aq trainer kaya confuse po aq sa kanila.
Kung may maitutulong Ako sa iyo sa anuman paraan, wag ka mag atubili makipag ugnayan. Pwde Ako mag provide sa iyo ng photocopy ng information na gusto mo tungkol sa electrical installation, residential, commercial at industrial, pati tungkol sa electrical theory at interpretation ng PEC/NEC dahil Meron Ako mga libro at nag formal training Ako sa technical college. Mas gusto ko makatulong sa mga Taong maraming maabot na matuturuan. Ok ba brod. Sabihin mo lang Anong platform Tayo pwde mag contact.
dapat po ba na inadd ko pa yung 11.6 amp sa 14.5 amp? nung pinagsama nyo po yung yung continous and non continous load sa video ang ibig nyo po ba sabihin ay isang continous load at isang non continous load sa isang circuit breaker? ei aircon and bulb light? kung halimbawa ang load ko po ay aircon lang which is continous load, ang computation na gagawin ko po ay yung x 125% lang? di ko na po iaadd yung non continous load since isang load lang naman siya? sana po mapansin nyo. salamat
Nakakatuwa ka Naman. Halos nakuha mo ang sense ng pinagsasasabi ko. Pinanood mo din siguro Yung iBang video tungkol sa 80%. Nakakalito ano. Wala Ako kinalaman Jan. Rules yan sa PEC. Pinaliliwanag ko lang na Alam ko din dahil unang encounter mo mahihirapan ka unawain. Nag attempt lang Ako magpaliwanag regardless. Isulat Mo Yung rules kung Wala Kang kopya ng PEC para ma review mo ng husto. Pati yang chart. Tapos decide mo sa Sarili mo pagkabasa mo ng rules kung Tama ang interpretation ko. Umpisa Yan ng magandang journey mo sa pag gamit ng PEC. Ma interes ka sa tamang rules n installation. Una Yung lights mo ay 10Amps. at aircon ay 11.6 Amps. Ganyan ba? Yung lights na isinama mo sa branch circuit ng aircon decide mo kung continuous load. Kasi by adding this sa branch circuit ng aircon Hindi mo na isinama ito sa general lighting and general receptacle load na Hindi mo na alalahanin kung continuous o noncontinuous load dahil under Yan sa rule na 24VA/meter square. 3 hours or more ba gamit mo dito sa lights, halimbawa ay bukas ba yan buong Gabi lahat o Ilan lang na ilaw? Decide mo at kausapin Yung may Bahay. Yung aircon, cord and plug appliance ba o Lagyan mo ng sariling branch circuit? Kung cord and plug ito na sinasaksak sa receptacle outlet, e di appliance yan na malamang paandarin no ng 3 hours or more. So 11.6A × 1.25 . Pwde mo na I add Yung dalawa, lights and aircon. Kung Hindi cord and plug ang aircon ay Hindi mo pwdeng pagsamahin sa Isang branch circuit sila Kasi covered na ng sec.4.40 sa PEC ang aircon at Yung lights covered sa general lighting load kung Bahay ang lalagyan mo ng installation. Nakuha mo ba? Sa pag gamit ng PEC na nakakalito dahil walang attempt ito magpaliwanag ng sinasabi dito, magiging matalino Kang electrician. Gamitin mong umpisa ng pang unawa ang mga paliwanag ko sa mga video ko, tapos decide mo sa Sarili mo kung Tama interpretation ko. Umpisa Yan paano mo dahandahan maintindihan sinasabi ng mga sections ng PEC.
Pero Bakit magkocompute ka pa ng circuit breaker para sa aircon e mababasa mo Naman ang rating na kailangan mo sa nameplate. Take advantage sa information ng nameplate.
Kimbaronquillo. Ang sagot ko sa Tanong mo ay naipaliwanag ko sa 4 na video. 1) continuous load and noncontinuous load 2) cord and plug equipment a) equipment fastened in place b) equipment not fastened in place. c) individual branch circuit 3) demand factor for electric cooking appliances 4) 80% safety factor vs. 80% rated current Halos less than 2 hours Ako nagpaliwanag tungkol sa 80% na sinabi ko naman Meron at pinagtyagsan ipaliwanag, pero Hindi exactly 80% safety factor word for word na mababasa sa PEC, Wala nyan. Kung Meron makapagpakita ng word na 80% safety factor sa PEC na itinuturo ng maraming electrician dito sa TH-cam ay Paki enlighten Naman Ako at ipost sana dito sa comment para mabasa ko at maitama Naman Ako kung nagkakamali Ako. Sana ulitin mo panoorin yang 4 na video na Yan at yan ang sagot ko sa Tanong mo. Alam ok din na mahirap unawain dahil sa Dami ng ideas na pinagsamasama sa 4 na videos pero yan ang interpretation ko sa mga rules ng PEC na sinulat ko dito sa 4 na videos. Sana ikaw na mag analyze ng sagot sa Tanong mo dahil Hindi ko na Alam paano ko sasagutin Tanong mo tapos isusulat ko lang dito e 4 na videos nga ginugol ko para tugunan yang Tanong mo. Walang mali kung gamitin mo ang kasangkapan kung ito ay load na less than 100% ng ampere rating ng circuit breaker kung ito ay noncontinuous load. Lahat halos ng kasangkapan sa Bahay na gumagamit ng kuryente ay noncontinuous load. So 100% load pwde padaanan ng kuryente sa ampere rating ng circuit breaker. Ang gawin mo kung ayaw mo na ulitin ang video ko ay I Google mo Are household appliances considered noncontinuous loads or are they continuous load? Sana nagets mo Ako. Alam ko nakakahilo ito sa Dami ng salasalabat na issues. Tapos Isang basahan ka lang. Alam mo ba pag nagbabasa Ako ng libro o manood Ako ng video ng expert Hindi lang 5 Hanggang sampung beses ko ginagawa. Tapos sinusulat ko pa. Yan ang sekreto paano Ako Natuto kung ano man nalalaman ko. Tyaga lang kapatid. Hindi nakukuha sa Isang pasada ang kaalaman. Kaya nga Tayo mga electrician lang ay Hindi Tayo mga genius. Daanin natin sa tyaga. Ok ba?
Mali talaga,,kc bababa ang total current computed,,which result to small size ng conductor and serv equip, kumalat ng kumalat ung 80% at d na mapigilan mga vlogger,ung mga comment na naniniwala aawayin kp pag kinorek mo, marunong pa sa PEC😂 kung may PEC kayo, sa bandang dulo ng page andun mga design example,,wala ka makikita na 80% na computation sa main cb, at conductor size...
Ang logic ay rules. Anuman nakasulat sa PEC ay equivalent Yan sa batas sa electrical installation. Rules yan gawa ng gobyerno. Wala akong kinalaman sa rules. Nag attempt lang Ako magpaliwanag.
Thank you sa comment. Kasi magiging healthy ang talakayan nitong ni raise Kong issue. Naunahan ka ng paniwala mo sa 80% safety factor kaya tanggi ka kaagad at all capital ang pagsulat mo ng WALA. Balikan mo sana Yung sinulat ko at saka sinabi. Kasi dun mo Ako maiipit kung sinasabi mong mali Ako. Gamitin mo Sarili kong salita Laban sa akin o kaya ay ipaliwanag mo dito. Sa umpisa pa lang sinulat ko Walang 80% safety factor mababasa sa PEC. Mababasa, Hindi totally Wala dahil apat na 80% ang ipaliwanag ko sa apat na video ko. Kung mali yan statement na Yan, pwde mo ba ipakita sa amin saan mababasa sa PEC, Anong section number nakasulat Yung word na 80% SAFETY FACTOR? At ang kahulugan nung 80% safety factor na Yun ay Yung katumbas ng sinasabi ko na maling gamit ng 80%. Kapag maipakita mo ay wala na tayong pag uusapan at tama ka. Babawiin ko sinabi ko sa videoing ito. Kapatid maliwanag at apat na video ang ginawa ko na Meron 80%, so Tama ka sa last phrase ng sentence mo, kaya nga nakaapat akong video. Yung continuous load ay 80% ng branch circuit rating or corollary ay ang circuit breaker rating at 125% ng continuous load. Sa cord and plug multi outlet branch circuit na 2nd video ko pinaliwanag ko Yung 80% lang ng circuit breaker rating dapat ang size ng single load na cord and plug equipment kapag ito ay equipment not fastened in place. Sa 3rd video ko, pinaliwanag ko na 80% ang demand factor ng load ang I consider kapag Isang electric cooking appliance lang ang load na ikakabit sa branch circuit, pati table pinakita ko dun sa video.Yung 4th video ko ay pinaliwanag ko Naman Bakit naglilimit Tayo sa 80% kung continuous load. So Yung second part ng statement mo na "Meron yang 80% sir" Tama yan. In fact sana naunawaan Mo Yung table 2.10.2.7 na pinakita ko din dito na nakasulat dun pag ang circuit breaker rating 20A ay 20A din ang maximum load at Hindi 80% lang ng rating ng 20 A gaya ng tinuturo ng iba o gaya ng Alam mo. Table yun sa PEC, titled summary of branch circuit requirements. Ang mali na sinasabi ko ay the above sa pinakauna ay Yung walang 80% MABABASA SA PEC. Sabi ko nga sa huli may idea na Tayo ano Yung 80% at kung safety factor sa iyo Yung 80% e di safety factor sa iyo. Tanggi Ako sa statement mo na mali Ako na sinabi ko WALA. Sana qualify mo saan Ako mali at Hindi generalize na lang mali Ako sa sinabi ko. Actually ulitin ko, kung maipakita mo dito Yung exact words na sinulat ko o sinabi na mali ay ipit Ako sa Sarili Kong sinabi o sinulat. So binabalik ko sa iyo ang Tanong na para din sa kapakanan ng mga nanonood, alin o saan statement Ako magkamali sa sinabi ko? Aware Naman Ako nagkakamali din Ako.
Also salamat ng Marami for calling me sir. Mahusay ang pagpapalaki sa iyo ng mga magulang mo at mahusay ka gumalang sa mga matatanda. Hehe. Galing parents mo.
Ulit ulitin mo ang video. Maganda ang paliwanag ko Jan. Kapag Alam mo ang circuit breaker rating 80% lang ng circuit breaker rating dapat ang ampere load na continuous Kapag Alam mo ang continuous load, multiply mo ito by 125% bago ka makapili ng circuit breaker size. Kung electrician ka, madali mo maintindihan ito Kasi sanay la na magkabit ng circuit breaker sa panel board at madalas ka na din magkwrnta ng load na kakabitan ng circuit breaker di ba? Sana gets mo na.
@@michaelclarin2167dati, licensed mechanical engineer Ako sa pinas at nag electrician Ako sa US. Kaya marunong Ako magpaliwanag ng PEC ay may nalalaman Ako sa NEC na siyang pinagbasehan ng PEC. Halos plakang plaka ang pagkakagawa nito sa NEC. Words are powerful at kung ano ang nakasulat, ayon sa batas Hindi ka pwdeng lumampas o kumulang sa sinasabi sa nakasulat. Alam ko interpretation ng nakasulat at yin Ang ginagawa Kong paliwanag. Pwde Naman paniwalaan o Hindi ng manonood ng video ko.
Sa wakas, nakakita din ako ng totoong marunong. Bilang isang REE nakakalungkot lang kasi nag lipana ang mga youtube/facebook electricians na nagpapalaganap ng maling turo sa electrical. Ultimo pagpili ng CB ng aircon, kung ano anong multiplier ang tinuturo. Tapos makikita mo sa mga comment nila na kaliwat kanan ang yabangan na puro naman din mali. Pagpatuloy nyo lang po ang pagtuturo ng tama. More power po.
Kaka pasa kulng ng RME tapos bigla ku napanuod tu 😅 tama po lahat ng sinabi nya . Like natin
Mabuhay kayo sir.....sana matulungan at madagdagan pa ang aming competency bilang electrician...at makatulung din kami sa iba....God bless po....
Ayus na ayus sir.. na refresh ang utak ko🙂
Salamat boss meron na naman ako bagong natutunan..newbie electrician po! Sana gumaling pa ako..❤❤❤
Stick ka lang manood ng videos ko. Laan ang mga ito sa newbies Kasi pliable ang isip ninyo. Wala pa kayo nakatigasan at nakagawiang maling paniwala. Binibigay ko Naman saan sa PEC rules ang section na ginagawan ko ng paliwanag so open Ako ma examine ng lahat kung may pagkakamali Ako.
Lahat nagkakamali, pati ako. So libre lahat tanungin Ako sa mga sinasabi ko. Bastat civil at respectful lang ang usapan. Usapang kuryente lang , ika nga!
Promise, accurate materials ibigay ko sa iyo.
Very informative presentation, sir. Only now that I fully understand this thing. Thank you sir.
Thank you sir. Pero ang ibig sabihin lang po talaga nang 80 percent is para lang po sa safety na hindi mag overload ang isang circuit breaker.
Salamat sir. Mayron na naman akong natutunan
idol ayos sir, salamat po...malinaw na malinaw po sir🫡🫡🫡
kudos po sa inyo sir!!!
Salamat kapatid. Walang attempt ang PEC magpaliwanag ng rules nito. Ako nangahas magpaliwanag sa iba't ibang anggulo. Nakakalito ang mga rules. Hindi lahat makakaunawa ng paliwanag ko dahil kulang sila sa experience paging electrician. Hanggang Jan lang ang kaya ko.
while the PEC doesn't explicitly state an 80% safety factor for circuit breaker sizing, it promotes the concept of practical safeguarding and future expansion. The code encourages electrical practitioners to select appropriate ratings and consider potential growth in electrical demand. The 80% rule of thumb, though not mandated by the PEC, aligns with the code's principles and provides a practical approach to preventing overloading.
Thank you for sharing sir💕👍
salamat maestro god bless
salamt po.. God Bless.
Thanks sir sa info.
Baka pwede sir mga breakers nmn sa sunod tulad ng MCB,MCCB at RCCB etc ..
British system Kasi ang ganyan. Makita mo walang ganyang words sa PEC. Kaso, magagawa Naman nito ang requirements ng PEC kaya't Tama Naman gamitin. Isa pa, malaki ang kakulangan ng service enclosure na metal. Walang accessories para sa grounding at bonding kaya't popular na ang consumer unit. Subukan ko ipaliwanag Yan. Bumili na Ako ng mga mcb, rcd at consumer unit. Kaso Hindi Ako sigurado sa bonding at grounding Nyan dahil may TT, TNS at TNCS systems pa. Tatlong klase sa British system ang grounding at bonding.
Thank yous sa video sir
Ok narerefresh n ang utak sir 😅😅😅
Pinapaliwanag ko lang ano ibig sabihin ng rules sa PEC.
Karamihan Kasi mali ang pagkaunawa kahit basahin nila ang rules ay parang Hindi nabasa, Yung natutunan sa iba ang ibinabasa sa binasa.
Thank u sa info sir....🙋🙋🙋
sunod na i-topic mo sir yung tungkol sa "BONDING" & "GROUNDING"
Hayaan mo, madaliin ko. In the meantime panoorin mo Yung video ko ang title ay "Meron bang color coding ang mga conductor" pinaliwanag ko dun not extensively Bakit me white at green at Bakit Hindi ito pwde gamitin sa live o phase conductor na Hindi grounded, complete with PEC code rule sections.
Gusto ko din malaman kung malabo pa din paliwanag ko at pagsisikapan ko humanap ng paraan para naipaliwanag ng malinaw. Napakahirap padaliin ang paliwanag.
Ang grounding at bonding ang Isa sa pinakacomplex na konsepto sa installation maintindihan. At ang language na ginamit sa article 2.50 ay napakahirap unawain para makabuo ka ng mental picture ng sinasabi sa rules. Pilitan ko unahan in 2 weeks. Hindi madali mag prepare ng leksyon kapatid. Bigyan mo Ako ng panahon. Saka kaunti lang interesado Lalo Yung mga hands on sa subject matter na ito marahil dahil alien sa kanila ang concept nito. Rightly so dahil halos walang grounding and bonding ginagawa halos sa residential wiring Lalo 20 years ago and before that.
May mga circuit breakers na may tripping featuresm like type c breakersn may 20 amps normally na trip yan 25 to 30, Yung type B 23 to 27 at type A normally n trip sa 20 to 22
magandang content
Thank you Orlando.
ilan po amp ang dapat sa rezidential house, salamat po.
dapat gagawa ng concrete example sa reisdential load calculation para maintindihan maigi.d ganyan kc nakakalito
Ang gusto mo Naman ay spoon feeding. Wala Naman mahirap na intindihin at Hindi nakakalito na ang noncontinuous load ay 100% ng load at ang continuous load ay 125% ng load. Halos 30 minutes Ako nagpaliwanag nakuha Naman ng maraming nanood at Hindi Naman nalito ang Marami. Dahan dahanin mo lang unawain at mag isip ka ng kaunti dahil kahit magbigay Ako ng example ng residential calculation Hindi mo din makukuha. Balikan mo ang video. Sabi ko Naman SA video karamihan ng kasangkapan ginagamit at ilaw noncontinuous load. So pag iisipan mo, alin lang kasangkapan ang gagamitin mo na 3 hours or more para maging continuous. Dun mo I apply Yung 125%. Ok na ba?
Perfect!!
Salamat Benedict sa suporta!
Salamat po sir
Alfred roque ng Taguig Sana may malamsn p ako about electrician sa tutorial m
Tama po kayo sir, new subscriber po 👍
Salamat. Sundan mo lang mga videos ko at bago pa lang ako gumagawa. Lalo kung gusto mo malaman paano ang tamang rules sa PEC. About ng aking makakaya liliwanagin ko tamang kahulugan.
Ipaliwanag mo rin kung ano ung mga load na continues at non-continues specific mo ung mga load sir para alam ng lahat.
Sir ano po tamang wire size at breaker ng 1.5 hp air-conditioning
Sir good day po pwede po ba ung 30 ampers na breaker kasama na ung refrigerator at 1hp na aircon ..at anong size ng wire ang gagamitin .salamat sana ma replyan mo ko.
Okay na okay idol
Salamat kapatid.
Sir png single phase lng bayan pano kung 3phase ung system...
Hindi po ako electrician sir pero Sa aking pag ka intindi lang sir sa 80% na yan is yung load po sa isang circuit breaker is 80% lang po hindi masyado sumumbra cguro para yan kung minsan ang isang gamit nag high ampers katulad nang aircon so may protection pa din po kasi may allowance po tayo. Tama po ba sir? salamat sa sagot nyo po.
Boss ano ba ang kukunin load ng circuit breaker o load ng outlet kasi nasa load ka na agad
Sa A/C Sir, ilang Ampheres ba talaga ang require sa CB?
safe lang po ba kung mas mataas sa breaker ang ampacity ng wire? Violation po ba ito? Salamat po.
Very interesting topic Sir! Back to basic theory ng PEC ito dapat ang pundasyon sa aktual field! Ngunit ,subalit, pero,datapwat,sakali kung pinagsabay ang non and continues load na 15A 0 20A di po kaya palaging nagti-trip ang CB kasi nasasagad ang max given amp load ng CB? nagtatanong lang po!!!!Salama....
Adonis, Hindi mo matanggap na mag perform ng ayos ang branch circuit kapag pinagana mo sa non continuous load plus 125% continuous load na mag total ng 20A sagad sa rating ng 20A ng circuit breaker.
Noncontinuous load ay 3 hours or less. Let's do the math 10A nonC + 10A C = 20A Tama ba, isaksak natin sa 20A circuit breaker. Yung 10 A Cont. load ang actual load value na kinabit natin ay 8A lang, Tama di ba Kasi Cont. Load is 1.25 × load na cont.
Palagay mo ba ang total actual load na 18A sa loob ng 3 hours ay kakargahan ng circuit breaker o may oras na naka off Yung 10A na nonC load part of the time sa loob ng 3 hours dahil ang nonC load ay less than 3 hours?
Therefore part of the time sa loob ng 3 hours ang kargakarga lang ng circuit breaker ay Yung load na 8A na lang dahil naka off nga Yung 10A nonC load.
Paano magtrip ang circuit breaker kung part of the time ay 8A lang ang karga ng 20A breaker natin.
Nagets mo ba.
Kahit Yung total mo na nonC plus Cont. Loads ay 20A. Sa actual operation kung gawan natin ng experimenting patakbuhin yan makikita mo part of the time 28A ang karga ng circuit at part of the time ay 8A lang ang karga kung sa loob ng 3 hour experiment ay may clamp on ammeter Tayo na sinusikat natin ang actual loads.
Sa papel o calculation mo lang napaghinalaan na sagad na sagad na 20A ang load na kinarga mo sa 20A circuit breaker. Gets mo.
Kung sana pwde ko ipakita sa iyo sa blackboard.
Ang meaning Kasi ng continuous load ay maximum current for 3 hours or more. Hindi Naman maximum load Yung 8A. At ang equivalent load sa load calculation lang ang 10A Cont. Load. Ang actual load ay 8A lang na 3 hours or more. Hindi Naman maximum current Yung 8A so kung naka off Yung 10A nonC load ay nonC load Yung nalabing 8A na Hindi naka off. Ayan at ulit ulit na ako pero di ko pa din sure kung nagets mo.
Hindi ko kasalanan yan at Hindi Ako ang nagpagulo. Rules yan sa PEC in interpret ko lang. Wala Naman pumipigil sa iyo at libre ka Naman tanggihan paliwanag ko. Meron din nga nag comment sabi nya mali daw sinabi ko WALA. Kaso di nya na elaborate ano Yung Wala e kagaya mo, detalyado Tanong mo. Binibigyan ko ng tugon. Pwde mo Naman Hindi tanggapin ang paliwanag ko o kaya I scrutinize ng husto. Do the math. Intindihin mo lang mabuti Yung verbal math problem na in the form of sentences sa rules na I translate mo sa equations Gaya ng ginawa ko above.
Haba huh!
Ayusin ang tanong wag kang astig!!!peace!!!
Napaka liwanag pa sa sikat ng Araw Ang sagot mo sir! ..sa totoo lang kuyanuts tumaas na Ang kumpiyansa ko sa sarili bilang Isang elektrisyan. Maraming salamat sir sa mga video mo..God bless to you sir!!
@@jojolife6248salamat sa naishare mo. Hindi sayang pagod ko mag isip paano ipaliwanag ng malinaw ang mga provisions ng PEC na napakagulo at Wala itong attempt ipaliwanag ang sinasabi nya. Kung walang magpaliwanag forever na may kakulangan ang pagkaunawa ng karamihan nating electrician sa bansa. Manood ka ng mga vlogger sa kuryente, magugulat ka sa kakulangan ng pagkaunawa nila kahit sabihin nila ayon daw sa PEC sinasabi nila.
Kaya ugaliin mo na alamin saan sa PEC nakasulat ang bawat kilos mo para Wala Kang sagutin sa batas at makinis konsyensya mo ginawa mo ang Tama.
Good eve sir salamat sa idea f sabay sabay mag yang sir Tama paren paliwanag niu kc naka pasok paren naman yong sinasabi nilang 80% don sa continues load kaya safe paren poh thanks and good eve Marami pa poh akong matutunan sa Inyo thanks and God bless poh@@kuryentenuts4592
Down load ko sir pAra ma review ko thank you sir,
Master.anu ba Pag kkaiba ng continues load sa non continues load......
Melody, gusto ko malaman kung may background ka sa electrical at gaano kalalim.
Electrician ka BA o EE student?
Sa 6:45 minutes, ulitin mo ang video. Doon ipinaliwanag ko ang continuous at non continuous load.
Continuous load ay Yung load na kokonsumo o gagamit ng kuryente sa loob ng Hindi bababa sa tatlong oras. Kaya't tuloytuloy mag iinit ang conductor kung padadaanan mo ng maximum load na katumbas ng rating ng circuit breaker ng branch circuit. Para Hindi mag init ang conductor, 80% lang ng circuit breaker rating ang padadaanin mong maximum amperes. Nakuha mo ba?
Kung mayroong ka load na 16A at ito ay continuous, meaning 3 hours or more mo kakargahan ng kuryente, multiply mo ito by 125% kaya't effectively ang load to consider for calculation para makapili ka ng circuit breaker para sa load ay 20A.
Ang 80% ay reciprocal ng 1/125%. Baluktaran yan.ang 80% ay reciprocal ng 1/125%.
Ang noncontinuous load ay Yung load na gagamit ng kuryente sa Hindi sosobra ng 3 hours.
Kapag ang load ay noncontinuous, Hindi mo na kailangan multiply by 125% ang load para magcalculate ng rating ng branch circuit o circuit breaker rating.
100% ang multiplier mo, meaning kung ang load ay 15A ay 15A × 1.0 = 15A ang gagamitin mong load para pumili ng circuit breaker size.
Ulit ulitin mo sana ang video at isulat mo. Kasi sa ganyan process natin maiintindihan ang concept. Hindi kaya na Isang panonood lang ay naintindihan mo na agad lahat ng ipinaliwanag ko.
Tatlong beses Ako nagpaliwanag at sa iba't ibang anggulo. Ang videoing ito ay para sa May kaalaman na sa fundamentals ng kuryente.
salamat boss
Ako magpasalamat din sa iyo Leo.
Kung interesado ka sa kuryente, yan maaasahan mo sa mga videos ko.
Pwede p0 vedio about mechanical relay how to use p0..thanks
Contactor ba o relay ang gusto mo?
Matagal pa Ako mag video ng industrial electrical installation dahil inuuna ko muna Yung residential installation. 90% siguro ng nag eelectrician ay pang residential Kasi.
Baka next year pa.
Ang pagkakaalam ko yung load mismo ng bahay amg aaplayan ng 80% safety factor para incase magdagdag ng maya ari ng load is safe pa rin in the future
Emmanuel, ibinigay ko ang section number ng rules. Hindi Ako May gawa Nyan. Pinaliwanag ko lang Kasi ang PEC ang batas ng pinas sa electrical installation at walang attempt ang PEC magpaliwanag ng rules nya.
Malaya ka Naman gawin ano ang gusto mo at ano ang paniwala mo. Ok ba?
Isa pa, saan rule section sa PEC mo ma interpret yang Alam mo? Anyways, Malaya ka sa paniwala mo at sa tingin ko Hindi delikado Yan kung gawin mo dahil mas mababa ang mga values na makukuha mo kapag nag apply ka ng 80% sa lahat. Ang sinasabi ko lang Naman, Hindi ganyan ang sinasabi sa PEC. OK ba ulit?
Tanong lang po hindi po ako electrician ibig po bang sabihin ang 80 percent load ay maaari lang i aplay sa mga continues load lang.
OK LANG BA KUNG CB KO AY 20A TAPOS GAMIT KO NA WIRE 5.55MM2/#10THHN?
Sisirain muna ang unit bago ma putol yung wire kung hindi ma trip ni cb
It is clearly stated in IEEE standard.
👍🏻
PEC Permissible load for 15A and 20A ay the same as stipulated in PEC 2.10.2.5(a) however, the permissible load for 30A branch circuit is stipulated in PEC 2.10.2.5(b) which states:
(b) 30-Ampere Branch Circuits.
A 30-ampere branch circuit shall be permitted to supply fixed lighting units with heavy-duty lampholders in other than a dwelling unit(s) or utilization equipment in any occupancy. A rating of any one cord-and-plug-connected utilization equipment shall not exceed 80 percent of the branch-circuit ampere rating.
Correct lahat ng sinulat mo brod. Sabi nga sa rule, rating ng ONE cord and plug connected equipment ay 80% ng branch circuit rating.
Qualified na kapag Isa lang at cord and plug ay 80% lang ang rating nito dapat.
Yan din Naman Ang sinasabi ko, iba iBang sitwasyon iba iba ang pwde mong % ng load na pwdeng isaksak sa receptacle ng branch circuit.
Pero kapag multiple receptacles ang branch circuit Hindi na Yan ang rule. Sa table 2.10.2.7 summary of branch circuit requirements, Doon mo makikita na ang maximum load 100% ng circuit rating.
Ang sinasabi ko lang naman na namimis interpret ay walang NAKASULAT na 80% safety factor sa PEC mababasa na applicable all encompassing sa lahat ng sitwasyon.
Correct lahat ng sinulat mong rules.
Ang summary Nyan NASA table 2.10.2.7 summary of branch circuit requirements kung multiple receptacles outlets ang branch circuit. Ang maximum load ay 100% ng branch circuit rating ayon sa table.
Ang sinasabi ko, sa PEC Wala per se at unqualified na sinasabi at nakasulat 80% safety factor.
Meron 80% mababasa sa PEC, ang Dami Nyan. Yan nga pinapaliwanag ko sa 4 na videos.
@@kuryentenuts4592 tama yung maximum load ay 100%, pero ang permissible current sa 30A branch circuit na may 30A CB ay 80% lang, hence may exception. Di puwedeng mag allow ng more than 80% load sa 30A branch circuit, meaning, may 30A CB sa branch at satisfied din ang wire size but the permitted sum of continuous load ( more than 3 hours ) and non-continuous load ( < 30 hours ) must only be 80% of the rated branch current (CB). There is a reason for that exception, safety since you are dealing with much higher current, there are more higher current circuits though (40A, 50A or even more).
But anyway, I really appreciate your vlog and effort to share knowledge and info regarding electrical codes and electrical circuitry. Isa ran kasi ako sa mga Engrs. kaya medyo nakakapag comment lang to share as well my humble knowledge and experience.
I actually stumbled one of your vlogs and started following, since it's informative ang mga to, it helps our fellow pinoys whether students, electrical technician practitioners, professionals.
@@einnortubeEngineer, tawagin na lang kita ng ganyan bilang paggalang. Ganitong ang gusto ko, positive exchange. Kasi open Naman Ako ma correct kung nagkakamali Ako.
Magkaiba Tayo ng interpretation. Mas conservative Yung view mo dahil niliitan mo pa ang load by allowing 80% always.
Section 2.40.2.4(B)(2) a receptacle shall not supply a total cord and plug connected load in excess of the maximum specified in table 2.40.2.4(B)(2)
Nakasulat kapag circuit rating 30A at 30A ang receptacle rating, ang maximum load ay 24 A.
Ang may rating na 30A ay receptacle. Sa umpisa nakasulat, branch circuit supplying 2 or more receptacles. Notice na kapag nagplug ka ng 24A sa Isang receptacle, walang sinabi na Hindi ka na pwdeng magplug pa ng 6A na load sa pangalawang receptacle.
Sa section 2.10.2.7 ay niliwanag Yan at ginawan pa nga ng table 2.10.2.7 na malinaw nakasulat ang maximum load sa circuit breaker na 30A over current protection ay 30A din.
So magkaibang table ay magkaiba maximum load ang nakasulat. Yung unang table nakasulat 80% load sa receptacle na may rating at Yung pangalawang table nakasulat 100% load para sa 30A circuit breaker rating kung 2 or more ang Dami ng receptacles nakakabit sa branch circuit.
At Ang sinasabi mong exception kung Meron man ay isusulat next at below a section number. Wala Ako mabasang exception.
Ang PEC ay batas at Yan ang basehan sakaling umabot Tayo sa korte kung magkaaberya kaya't bawat word, if, shall, therefore at but ay mahalaga sa interpretation ng batas.
Kaya nga Hindi Ako basta basta makagawa ng video dahil double check at triple check ko ang sasabihin ko at kung magkamali Ako ay baka mag cause Ako na may makuryente.
Kapag Hindi cord and plug pati ang 30A na load ay pwde ito 100% dahil cord and plug equipment lang ang limited sa 80%. Kapag Hindi na cord and plug at noncontinuous ang load ay pwde ito 100% ng branch circuit rating.
Hindi ko Alam kung practical ito dahil puro single receptacle lang Nakita Kong 30A. Nag interpret Ako ayon sa nabasa ko at kaya Yan naisulat ng ganyan ay napag aralan na Yan ng libong experto sa kuryente.Pero basahin mong Mabuti engineer ang mga section at balikan mo Ako kung tingin mo Mali pa din ang interpretation ko at Pakituro saan Ako nagkamali at lumiko ng pagkaunawa. Welcome na welcome po dahil ganitong positive engagement ang hinahanap ko sa makakapanood ng video ko.
Sa pagkakataon ito dito nagstrikto Ako sa interpretation pero sa ibang video ko tulad nung sizing ng main breaker ay praktikal Ako at Marami akong sadya Hindi consider strictly na rules para lang madali intindihin ng manonood.
@@einnortubeSinundan mo na rin Ako e kung may oras ka feel free to add on information at correction or topic of engagement para Masaya at learning process din sa atin mga viewers.
Ganyan Naman mga engineering nung estudyante pa nagpapaliwanagan.
Mechanical engineer din Ako nung araw kaya Alam ko.
Thank you brod.
San po nakuha ung 1.0 nio master
Melody ang 1.0 ay kinuha sa 100%. Convertible ang reaction sa decimal at sa percentage. Ito ay basic math na kailangan Alam mo at itinuturo kapag dumaan ka ng formal training sa pag eelectrician. Kung ang noncontinuous load ay 100%, ang meaning nito ay multiply mo ang load by 1.0.
Ok ba? Nakuha mo ba?
Anu ang kalalabsan kung sakaling imultiply nio ang 125% sa 15amps
15A × 125%, ang kahulugan nito ay 15A × 1.25 = 18.75A.
Ang percentage ay convertible sa decimal number sa pamamagitan ng pag move ng decimal point 2 digits to the left, tapos I drop mo Yung % sign.
Sana malinaw na sa iyo.
Assumed sa PEC Kasi na marunong na Tayo ng basic math para basahin ito.
At saan po Nang galing ung 125@%
Sa section 2.10.2.2(A)(1) ng PEC. Panoorin mo ulit sana Yung video at ulitulitin. Saka isulat mo para iyong matandaan. Tutal but na ang Tanong mo so madali mo na makikita ang sagot kapag in ulit mo panoorin.
Rule yan sa PEC.Doon yan nanggaling. Yan ay multiplier kapag ang load ay continuous.
Ulitin ko. Panoorin mo at ulitulitin ang video.
Ako man kapag may binasa o pinanood na Hindi ko naintindihan, inuulit ulit ko.
Subukan mo lang. Effective yan, payo ko lang.
Sir nuts paano nman computation ng breaker sa airconditioning at refrigerator sir?,multiply din ba sa 125% sir?.
#alwys wtchng ur vedios from cebu province sir.
Kapag ang aircon at ref ay mayroong cord and plug, considered appliance yan at Wala ka na gagawin Jan kundi plug sa individual o general convenience outlet yan. Covered Yan ng article 4.20.
Required ang manufacturer ng motor-compressor equipment na Lagyan ng nameplate lahat ng produktong aircon at ref. ng maximum fuse o circuit breaker rating at minimum amperes para sa conductor size Kaya Wala ka computation na gagawin Jan. Article 4.40 ang may sakop ng rules sa pagcalculate ng branch circuit at overcurrent protective device ( circuit breaker) Subukan mo hanapin ang nameplate ng mga aircon kung may Makita at tingnan mo kung totoo sinasabi ko na may nameplate it na nakasulat yang 2 yan. Yan information na Yan lang ang kailangan mo para magsize ng circuit breaker ( wag ka lalampas sa maximum) at magsize ng conductor (wag ka liliit sa minimum, pwde ka mas malaking size)
Subukan mo magtanong, bihira me Alam Nyan sa mga electrician. Tinuturing nila itong motor at pupunta pa sa motor table para kunin ang full load current gamit ang HP rating ng aircon.
Hindi mo na kailangan magcalculate. Pinadali na ng PEC magsize ng breaker at conductor ng aircon.
Kung may cord and plug ang aircon, uulitin ko, sabi ng PEC ituring mo itong appliance at home saksak mo na lang sa receptacle.
Ang daming nagkakamali magsize ng breaker ng aircon.
Ang ref ay considered appliance.
Kung gusto mo magcalculate ay magulo pa. Kukunin mo Yung rated current ng motor- compressor saka multiply sa 175% para sa breaker at 125% para sa conductor. Kung Panay pa din ang trip ng breaker at pwde mo itaas sa 225% ang multiplier sa rated current para nakuha mo size ng breaker. Tingnan mo na lang nameplate, easy!
Wait ka lang gagawan ko ng video yan nakapila pa.
@@kuryentenuts4592 ang taas naman ng explain moh sir.
Pag aralan koh toh sir nuts.slmat po sir.sana my communication tayo sa messngr sir.hehehhe.
Gusto koh matutu sa mga idea moh sir.
Kaya nga po aq nag tataka sir may na incounter po aq mga electrician gumagamit tlg ng 80% panu kaya kinuha nila un na formula isa po aq trainer kaya confuse po aq sa kanila.
Kung may maitutulong Ako sa iyo sa anuman paraan, wag ka mag atubili makipag ugnayan. Pwde Ako mag provide sa iyo ng photocopy ng information na gusto mo tungkol sa electrical installation, residential, commercial at industrial, pati tungkol sa electrical theory at interpretation ng PEC/NEC dahil Meron Ako mga libro at nag formal training Ako sa technical college.
Mas gusto ko makatulong sa mga Taong maraming maabot na matuturuan.
Ok ba brod. Sabihin mo lang Anong platform Tayo pwde mag contact.
Maraming salamat po kunti plng nalalaman q sa electricity po🙂
Good day Po sir,pwedi rin po ba Ako maka kuha Ng copy Ng PEC.thanks
@@johnpatricksumalinog4720ano ba ang background mo John?
Electrician ka ba?
Good evening poh sir ang linaw linaw poh Ng paliwanag nio pwdi poh Ako maka hengi Ng copy Ng pec. Poh salamat gog bless poh..
tama po ba itong computation ko?
aircon unit ( continues load )
current = 10 amp
rated current = 11.6 amp
11.6 amp x 100% = 11.6 amp
11.6 amp x 125% = 14.5 amp
11.6 amp + 14.5 amp = 26.1 amp
26.1 amp = 30amp circuit breaker
dapat po ba na inadd ko pa yung 11.6 amp sa 14.5 amp? nung pinagsama nyo po yung yung continous and non continous load sa video ang ibig nyo po ba sabihin ay isang continous load at isang non continous load sa isang circuit breaker? ei aircon and bulb light? kung halimbawa ang load ko po ay aircon lang which is continous load, ang computation na gagawin ko po ay yung x 125% lang? di ko na po iaadd yung non continous load since isang load lang naman siya? sana po mapansin nyo. salamat
Nakakatuwa ka Naman. Halos nakuha mo ang sense ng pinagsasasabi ko. Pinanood mo din siguro Yung iBang video tungkol sa 80%. Nakakalito ano. Wala Ako kinalaman Jan. Rules yan sa PEC. Pinaliliwanag ko lang na Alam ko din dahil unang encounter mo mahihirapan ka unawain. Nag attempt lang Ako magpaliwanag regardless. Isulat Mo Yung rules kung Wala Kang kopya ng PEC para ma review mo ng husto. Pati yang chart. Tapos decide mo sa Sarili mo pagkabasa mo ng rules kung Tama ang interpretation ko. Umpisa Yan ng magandang journey mo sa pag gamit ng PEC. Ma interes ka sa tamang rules n installation.
Una Yung lights mo ay 10Amps. at aircon ay 11.6 Amps. Ganyan ba?
Yung lights na isinama mo sa branch circuit ng aircon decide mo kung continuous load. Kasi by adding this sa branch circuit ng aircon Hindi mo na isinama ito sa general lighting and general receptacle load na Hindi mo na alalahanin kung continuous o noncontinuous load dahil under Yan sa rule na 24VA/meter square.
3 hours or more ba gamit mo dito sa lights, halimbawa ay bukas ba yan buong Gabi lahat o Ilan lang na ilaw? Decide mo at kausapin Yung may Bahay.
Yung aircon, cord and plug appliance ba o Lagyan mo ng sariling branch circuit?
Kung cord and plug ito na sinasaksak sa receptacle outlet, e di appliance yan na malamang paandarin no ng 3 hours or more. So
11.6A × 1.25 . Pwde mo na I add Yung dalawa, lights and aircon. Kung Hindi cord and plug ang aircon ay Hindi mo pwdeng pagsamahin sa Isang branch circuit sila Kasi covered na ng sec.4.40 sa PEC ang aircon at Yung lights covered sa general lighting load kung Bahay ang lalagyan mo ng installation.
Nakuha mo ba?
Sa pag gamit ng PEC na nakakalito dahil walang attempt ito magpaliwanag ng sinasabi dito, magiging matalino Kang electrician. Gamitin mong umpisa ng pang unawa ang mga paliwanag ko sa mga video ko, tapos decide mo sa Sarili mo kung Tama interpretation ko. Umpisa Yan paano mo dahandahan maintindihan sinasabi ng mga sections ng PEC.
Pero Bakit magkocompute ka pa ng circuit breaker para sa aircon e mababasa mo Naman ang rating na kailangan mo sa nameplate. Take advantage sa information ng nameplate.
May point ka sa mga paliwanag mo sir !
Sir sa inyo po bang palagay ay mali ang practice ng iba na 80% ang dapat sundin sa basic house wiring...
Kimbaronquillo. Ang sagot ko sa Tanong mo ay naipaliwanag ko sa 4 na video.
1) continuous load and noncontinuous load
2) cord and plug equipment
a) equipment fastened in place
b) equipment not fastened in place.
c) individual branch circuit
3) demand factor for electric cooking appliances
4) 80% safety factor vs. 80% rated current
Halos less than 2 hours Ako nagpaliwanag tungkol sa 80% na sinabi ko naman Meron at pinagtyagsan ipaliwanag, pero Hindi exactly 80% safety factor word for word na mababasa sa PEC, Wala nyan. Kung Meron makapagpakita ng word na 80% safety factor sa PEC na itinuturo ng maraming electrician dito sa TH-cam ay Paki enlighten Naman Ako at ipost sana dito sa comment para mabasa ko at maitama Naman Ako kung nagkakamali Ako.
Sana ulitin mo panoorin yang 4 na video na Yan at yan ang sagot ko sa Tanong mo.
Alam ok din na mahirap unawain dahil sa Dami ng ideas na pinagsamasama sa 4 na videos pero yan ang interpretation ko sa mga rules ng PEC na sinulat ko dito sa 4 na videos.
Sana ikaw na mag analyze ng sagot sa Tanong mo dahil Hindi ko na Alam paano ko sasagutin Tanong mo tapos isusulat ko lang dito e 4 na videos nga ginugol ko para tugunan yang Tanong mo.
Walang mali kung gamitin mo ang kasangkapan kung ito ay load na less than 100% ng ampere rating ng circuit breaker kung ito ay noncontinuous load.
Lahat halos ng kasangkapan sa Bahay na gumagamit ng kuryente ay noncontinuous load. So 100% load pwde padaanan ng kuryente sa ampere rating ng circuit breaker.
Ang gawin mo kung ayaw mo na ulitin ang video ko ay I Google mo
Are household appliances considered noncontinuous loads or are they continuous load?
Sana nagets mo Ako.
Alam ko nakakahilo ito sa Dami ng salasalabat na issues. Tapos Isang basahan ka lang.
Alam mo ba pag nagbabasa Ako ng libro o manood Ako ng video ng expert Hindi lang 5 Hanggang sampung beses ko ginagawa. Tapos sinusulat ko pa. Yan ang sekreto paano Ako Natuto kung ano man nalalaman ko.
Tyaga lang kapatid. Hindi nakukuha sa Isang pasada ang kaalaman. Kaya nga Tayo mga electrician lang ay Hindi Tayo mga genius. Daanin natin sa tyaga. Ok ba?
Mali talaga,,kc bababa ang total current computed,,which result to small size ng conductor and serv equip, kumalat ng kumalat ung 80% at d na mapigilan mga vlogger,ung mga comment na naniniwala aawayin kp pag kinorek mo, marunong pa sa PEC😂 kung may PEC kayo, sa bandang dulo ng page andun mga design example,,wala ka makikita na 80% na computation sa main cb, at conductor size...
@@winifredobunyi1624Tama ka kapatid. Minsan Yung common sense, not so common.
What is the logic behind why most practices uses 80% safety factor for both continous and non continous load? It is not economical...
Ang logic ay rules. Anuman nakasulat sa PEC ay equivalent Yan sa batas sa electrical installation. Rules yan gawa ng gobyerno. Wala akong kinalaman sa rules. Nag attempt lang Ako magpaliwanag.
Mali, ang 80 ginagamit lang sa total load ayon sa plano. Ano iyan....
pero mali pa rin sir na sabihin na WALA..meron yang 80% sir.
Thank you sa comment. Kasi magiging healthy ang talakayan nitong ni raise Kong issue. Naunahan ka ng paniwala mo sa 80% safety factor kaya tanggi ka kaagad at all capital ang pagsulat mo ng WALA.
Balikan mo sana Yung sinulat ko at saka sinabi. Kasi dun mo Ako maiipit kung sinasabi mong mali Ako. Gamitin mo Sarili kong salita Laban sa akin o kaya ay ipaliwanag mo dito.
Sa umpisa pa lang sinulat ko Walang 80% safety factor mababasa sa PEC. Mababasa, Hindi totally Wala dahil apat na 80% ang ipaliwanag ko sa apat na video ko.
Kung mali yan statement na Yan, pwde mo ba ipakita sa amin saan mababasa sa PEC, Anong section number nakasulat Yung word na 80% SAFETY FACTOR? At ang kahulugan nung 80% safety factor na Yun ay Yung katumbas ng sinasabi ko na maling gamit ng 80%. Kapag maipakita mo ay wala na tayong pag uusapan at tama ka. Babawiin ko sinabi ko sa videoing ito.
Kapatid maliwanag at apat na video ang ginawa ko na Meron 80%, so Tama ka sa last phrase ng sentence mo, kaya nga nakaapat akong video.
Yung continuous load ay 80% ng branch circuit rating or corollary ay ang circuit breaker rating at 125% ng continuous load.
Sa cord and plug multi outlet branch circuit na 2nd video ko pinaliwanag ko Yung 80% lang ng circuit breaker rating dapat ang size ng single load na cord and plug equipment kapag ito ay equipment not fastened in place. Sa 3rd video ko, pinaliwanag ko na 80% ang demand factor ng load ang I consider kapag Isang electric cooking appliance lang ang load na ikakabit sa branch circuit, pati table pinakita ko dun sa video.Yung 4th video ko ay pinaliwanag ko Naman Bakit naglilimit Tayo sa 80% kung continuous load.
So Yung second part ng statement mo na "Meron yang 80% sir" Tama yan.
In fact sana naunawaan Mo Yung table 2.10.2.7 na pinakita ko din dito na nakasulat dun pag ang circuit breaker rating 20A ay 20A din ang maximum load at Hindi 80% lang ng rating ng 20 A gaya ng tinuturo ng iba o gaya ng Alam mo. Table yun sa PEC, titled summary of branch circuit requirements.
Ang mali na sinasabi ko ay the above sa pinakauna ay Yung walang 80% MABABASA SA PEC.
Sabi ko nga sa huli may idea na Tayo ano Yung 80% at kung safety factor sa iyo Yung 80% e di safety factor sa iyo.
Tanggi Ako sa statement mo na mali Ako na sinabi ko WALA.
Sana qualify mo saan Ako mali at Hindi generalize na lang mali Ako sa sinabi ko. Actually ulitin ko, kung maipakita mo dito Yung exact words na sinulat ko o sinabi na mali ay ipit Ako sa Sarili Kong sinabi o sinulat. So binabalik ko sa iyo ang Tanong na para din sa kapakanan ng mga nanonood, alin o saan statement Ako magkamali sa sinabi ko? Aware Naman Ako nagkakamali din Ako.
Also salamat ng Marami for calling me sir.
Mahusay ang pagpapalaki sa iyo ng mga magulang mo at mahusay ka gumalang sa mga matatanda. Hehe. Galing parents mo.
Rules is rule?iba talaga yong sumonod rules ng PEC
Tumpak!
Ano saysay ng rules kung Wala Naman susunod dito.
@@kuryentenuts4592 salamat boss sa mga katulad nyong masigasig mag explain ng PEC. sana mag tuluy-tuloy lang ang iyong channel patungkol sa PEC
Bakit magkaiba ang 80% nio sa 125%
Ulit ulitin mo ang video. Maganda ang paliwanag ko Jan. Kapag Alam mo ang circuit breaker rating 80% lang ng circuit breaker rating dapat ang ampere load na continuous
Kapag Alam mo ang continuous load, multiply mo ito by 125% bago ka makapili ng circuit breaker size.
Kung electrician ka, madali mo maintindihan ito Kasi sanay la na magkabit ng circuit breaker sa panel board at madalas ka na din magkwrnta ng load na kakabitan ng circuit breaker di ba?
Sana gets mo na.
Sir tanung lang curios Lang ako engineer po ba kayo?
@@michaelclarin2167dati, licensed mechanical engineer Ako sa pinas at nag electrician Ako sa US. Kaya marunong Ako magpaliwanag ng PEC ay may nalalaman Ako sa NEC na siyang pinagbasehan ng PEC. Halos plakang plaka ang pagkakagawa nito sa NEC.
Words are powerful at kung ano ang nakasulat, ayon sa batas Hindi ka pwdeng lumampas o kumulang sa sinasabi sa nakasulat. Alam ko interpretation ng nakasulat at yin Ang ginagawa Kong paliwanag.
Pwde Naman paniwalaan o Hindi ng manonood ng video ko.
you're not so eloquent to explain something! boring!