After watching this sinearch ko sa fb and ig if may tumulong ba kay tatay ben, and im so glad na marami pong tumulong kay tatay and theres one post on IG that they will take tatay ben to home for the aged, tatay is sick pero maraming tumutulong sakanya now para mapagamot sya. As well sa mga aso nya. Napa comment narin ako kasi alam kong maraming nag aalala sainyo para kay tatay. 😌😌😌 salamat sa lahat ng tumulong at tutulong pa kay tatay
Naaawa ako sa knila... naranasan ko rin kasi lahat, nag ulam rin kame ng asin, mantika, asukal , toyo lahat na yta ng condiments nasubukan ko nuong bata pa ko.. pero thankyou lord ksi nakapag aral at nakatapos ako.. at kasalukuyan na nandito sa taiwan almost 3yrs na kaya wg kayong mawalan ng pag asa.. sa mga anak nyo po sana turuan nyo silang mangarap ng mataas at tuparin yon... wla pong imposible.. godbless you all🖤
@@mikemarsh3569 bastugang tao! porket nag trabaho s ibang bansa GRO na? nangarap yung tao pra maiahon yung pamilya sa kahirapan.. naway di ka karmahin s mga pinagsasasabi mo..
Suportahan ang AGRICULTURE SECTOR. Tumatanda na ang ating mga farmers, wag nmn sanang dumating ang panahon na wala ng batang pilipino ang tatapak sa lupa para magtanim.
Im proud of those people na kahit pobre at walang ganung pinag aralan hindi sila nagnanakaw para lang mabuhay.Para sa inyo ang kaharian nang Kalangitan 🙏🙏🙏
Sa totoo lang sobra ang iyak ko dito sa napanood ko kc ako itinatapon ng amo ko pag hindi namin naubos ang pagkain sabi ko nga sana malapit lang ang Family ko dito para sakanila ko itapon ang tira namin ng amo ko 🙏🙏🙏😭😭😭😭
Crony capitalism at its best. Tell that to the Oligarchs and the liberals party who rule this country for decades. Wait what about the corrupt politicians and EDSA? , they enriched themselves at the expense of those unfortunate poor Filipinos. Are you proud to be FILIPINOS, this documentary has been shown all over WORLD.
Naalala ko pa noong bata pa kame kalam Ng sikmura ay Hindi Biro naalala ko pa noong grade 3 ako nahimatay ako sa subrang gutom ko wala kasing almusal wala din pang tanghalian at swerte na Kong may lugaw.sa gabi Minsan gulay na langka walang asin walang vitsin pero nabuhay kmeng magkakapatid ngayon Hindi man kame mayaman atleast nakakain na hindi na tulad Ng dati na subrang kalam Ng sikmura.
Gising na tayo Pilipinas most of us di tayo makakatulong sa kanila financially but there’s a way that is TO VOTE🗳 a leader who had an advocacy to decrease poverty in our country. in every country meron paring poverty eh pero sana naman mabawas bawasan na grabe nakakalungkot🥺 VOTE WISELY!
Ito ngang wala pa akong asawa at anak na may stable job eh hirap na hirap pagkasyahin ang budget ko.. Ito pang pamilya na may at least 4 na anak na walang stable na trabaho e hirap na hirap... Sana lang talaga mas maging rigorous ang family planning at sex education sa Pilipinas.
Hindi maimplement ng maayos ang family planning projects ng gobyerno dahil na din sa pag harang dito ng simbahan. Sana lang mabago na ang pananaw na ito. Mas bigyan sana ng halaga ang tunay na buhay kesa sa doktrina.
@@jerwinjoguilon813 I never said its just family planning. I was replying to the prior text alluding to family planning as the problem. Such a problem is caused by many factors. But population is undeniably one them.
Habang pinapanood ko to dito ko to talaga masasabi na swerte pa din talaga ako sa buhay bilang isang anak na kahit minsan nagrereklamo ako isa pa din talaga ito sa mga dahilan kung bakit kailangan natin makuntento sa kung anong meron tayo at ipagpasalamat sa Diyos ang lahat :>
Mabuti nalang talaga lumipat si atom Araulo sa GMA mas nag shine sya at mas humasa one of my favorite documetary kompleto rekados.... Ang galing sobra sana mabigyan sya ng award dito...
@@johnvincent1595 Mga Kawikaan 28:2-3 Magandang Balita Biblia 2 Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala, ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa. 3 Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil ay tulad ng ulang sumisira sa pananim.
"hnd ako nahihiya... isang marangal na trabaho sapagkat hindi ako nagnanakaw." - tatay ben Di hamak na mas marangal pa si Tatay Ben, kaysa sa karamihan sa mga politiko ngayon.
"Masarap para sakin" "Walang Hindi masarap para sakin" Dahil sa hirap Ng Buhay ni tatay kaya nasanay na sya sa ganyang klaseng pagkain 🤧 aftre I watch this docu masasabi ko padin napakaswerte ko padin dahil kahit hirap Ng buhay Hindi kami nakakaranas ng sobrang gutom Thankyou always Lord 🙏🙏🙏
"Walang hindi masarap para sa akin." 💔 This statement just shows how we should be grateful for anything that is served on our tables. Ang inaayawan natin ay syang minsang pinapangarap ng iba. Be thankful for everything you have.
kaya wag ng magreklamo kung ano meron tayo.. kasi ung iba..halos walang makain..blessed pa din yung ibang may maayos ng hanap buhay..godbless sa ating lahat.. sana dumating ang panahon na wala ng magugutom na bawat pilipino🙏🙏🙏
After I watched the documentary of Atom Araullo, I realized that I am blessed, and hindi dahilan ang kawalan ng edukasyon para maging mahirap. kung ang edukasyon ang sagot sa kahirapan, bakit edukado ang magnanakaw sa pera ng bayan? maraming salamat dahil may ganitong documentaries!
Documentary like this made me realized how blessed I am 🙏 hindi man mayaman, atleast nakakakain nang matino araw araw, feel so bad to those people 😭😭😭 sana matapos na ang pandemic para kahit paano makaahon na tayong mahihirap lang
Kawawa naman si tatay! Gusto ko siya i-hug!!! 😭😭😭 Kaya kapag kumakain kami sa mga restos noon, yung take out binibigay namin sa madadaanan naming namamalimos. 😢 sana mabago pa ang buhay nila. Sana mabless sila ni Lord! Pls Lord, in Jesus name, Amen! 😔🙏🏼🙏🏼🙏🏼
@@domsagrilife2587 ako nga n single takot magkapamilya kc s lhat ng ngyyari sa pligid prang nkktakot magsilang ng bata bka di ko maibigay pangangailangan nya kya by choice wag n lng mgpamilya.😊
Nakakadurog ng puso ung sitwasyon nila. It makes me realize how lucky I am na kahit kulang ung sweldo, I can still eat three or more times a day. Also sana din they will also learn family planning, sobrang dami nilang anak knowing na di sapat ang kanilang kita. Nadadamay kasi mga bata at may tendency pa na mapapasa sa kanila ang responsiblidad.
Excellent documentary. 15 years ago may napanood din ako documentary sa GMA kung saan isang tasang kape pinagsasaluhan ng buong pamilya. Na exacerbate lang yung problema sa gutom dahil sa pandemya. Pero ang mas mabigat na problema pa rin sa tingin ko ay overpopulation. Halos lahat ng na feature na pamilya napakaraming anak. Pinaka nakakaawa yung mga bata.
At karamihan sa madaming anak ay mga mahihirap na walang pinag aralan. I think, the government should put funds on educating this folks about family planning. Kaso binubulsa lang nila
Mahirap nag anak pa ng marami, yung anak nya if hindi nag-aral o naka ahon, silang mga anak din ang next generation ng mahihirap. The cycle never ends. The government needs to do about this and these people also need to do their part.
@hmp4445 may family planning po.. at wag din ikatwiran walang pinag aralan dhl hipag ko no read no write sya as in d sya nkpag aral maski grade 1 pero isa lng anak n gusto nya at kapatid ko.. ayaw daw nila maranasan ng mging anak nila hirap nila noon dhl maraming kapatid.. kaya wag ikatwiran walang pinag aralan.. taga pangasinan hipag ko
Natutuwa ako kay Tatay Ben, I am also an Aspin lover, kahit na gusto ni Mama na ibili ako ng may breed na aso, mas pinipili ko ang Aspin. Ang daming aso mismo natin na nangangailangan ng aaruga sakanila, and si Tatay Ben kahit kapos sa buhay he still raised his dogs 💕 This is the reality of life lalo na ngayong pandemic. Kaya don't complain in small things when these people literally struggling to live every single day.
Nakakadurog ng puso, naluluha ako habang pinanood ko'to idol Atom. Nakakalungkot makita na ganito na pala ang kalagayan ng mga kapwa nating Pilipino sa ilalim ng pamdemya, pero hindi nato bago para sa'kin lumalala lang. Habang ang mga nanunungkulan sa pulitika'y waldas ng waldas, nakaw ng nakaw sa kaban ng bayan, ni walang planong lutasin ang ganitong lumalalang problema. Hayssss! 💔😢
Naalala ko tuloy nung bata ako, sinasabaw sa kanin yung kape pag wala kaming ulam, natuto kong dumiskarte nung bata ako sa probinsya, nanjan yung pang huhuli ng ibon sa bukid/palaka/susong pilipit/ namamana pa ko ng isda at nang tatrap ng bayawak. Dahil sa hirap ng buhay namin noon na push ako na talagang mag sikap. Ngayon di man ako mayaman atleast masasabi ko na kahit nagka pandemic ay nakakayanan ko pa din makakain ng sapat.
Bkit ksi categorized na mahirap pag nsa probinsya may mkakkain nman sa probinsya diskarte lang po ako laking manila at probinsyana din at the same time...nagtatanim ng bawang nagtutuhog ng tabako namumulot ng plastic bottle pagkagaling ng school the thing is training ground yan pra alam dumiskarte sa buhay pag dumating yung time na may pamilya na din...
kapag nkaramdam tayo ng pnaghihina ng kalooban at kawalan ng gana para magpatuloy sa buhay at pakikibaka sa mga hamon ng buhay..manood lang tayo ng mga ganitong documentary..tiyak lalakas muli ang loob natin at masasabi natin "kung kinaya nila..kakayanin ko din" hindi lang pala ako ang nahihirapan,may mas nahihirapan pa pala" masasabi mo s sarili mo "mas gratefull pala ako o dapat pala grateful ako sa kung ano meron ako ngayon"
Naiyak talaga ako kay Tatay habang kinakain nya yung pagpag, nag isip ako sana lang kahit mahilig sya sa aso naging praktikal nalang sya ,di nya kailangan ang 12 aso na dagdag pakainin ,isa lang ok na, Palagi kasama sa dasal ko ang lahat ng mga Pilipino na sana wala ng maghihirap ,walang maapi at lahat ng Pamilya magkaroon ng sapat na source of income.
Ilang beses ko na itong inumpisahan, pero bawat 5minuto itinitigil ko. Hindi ko kinakaya ang sitwasyon ng marami nating kababayan. Sana, magsilbing aral sa madami ntin kababayan ang tamang pagpa-plano ng pamilya. Napakahirap na po ng buhay, hindi lahat kasalananng gobyerno. Meron din tayong ambag sa laganap na kahirapan. Ang sobrang pagpaparami ng anak ay lubrang nagpapahirap sa mahirap na natin bayan. Let’s all be responsible individuals.
ang ito din ang gusto ng mga corrupt na politicians,dumami ang mga uneducated voters para maraming mauto nila pagdating ng election ..... para tuloy ang corruption,tuloy ang political dynasty .....
Huwag mong lahatin na ganyan tayung mga Pilipino Kung taga Tundo ka ay kayo lang ang kumakaen ng PAG PAG food. Sa buong Metro Manila sa isang lugar sa Tondo yan pero pina palabas sa buong mundo na tayung mga Pilipino ay pare parehung patay gutom at maaaring isa ka sa mga nang iinsulto sa sarili mong bansa
Syempre unahin ang "confidential funds" kesa mag laan ng budget para sa projects na makakatulong sa mga mahihirap. Unahin ang pag bakasyon sa ibang bansa. Unity pa more.
Heart breaking... kaya dapat maging grateful tayo ano man ang nakahain sa ating hapag kainan dahil napakaraming kababayan natin ang nakakaranas ng gutom. Nakakaawa silang lahat pero mas naiyak ako kay tatay nung nakita ko kung paano nya naappreciate ang pagkain niya kahit galing sa tira ng ibang tao. Kahit mahirap ang buhay ay nakakatulong din siya sa mga inosenteng mga aso. Sana mawala na ang korupsyon sa bansa natin. Mga pulitiko at may posisyon, sana bago nyo ibulsa ang mga pera, maisip ninyo na napakarami, milyong milyong Pilipino ang maisasalba sa gutom at kahirapan ng mga perang kinukuha ninyo. Salamat sa mga NGU na tumutulong sa mahihirap nating kababayan. God bless you all. Let’s be a blessing sa mga kababayan natin na dumaranas ng krisis ng sikmura.
Sulit Ang isang oras mahigit ko, hello nanay rosita😊 kilalang kilala Kita sa pag lulotu ng pagpag, mula pa sa reel time, front row, asian boss, reporter's notebook nandiyan Ang pagpag kilalang pantawid gutom " Hindi naman masama Ang lasa pero Hindi karapat-dapat ni isa sa atin Ang kumain ng tira ng iba" GOD BLESS TO ALL OF US.
Kudos to atom you really deserve to be part of this segment... Buti nalang talaga lumipat ka... Eye opener talaga mga gantong dokumentaryo thank god always guys may blessings man o wala... 🙏❤️😊
Parehas lang tayo.. kaya pursigedo akong matulungan ang mga kapatid kong nakakatanda sa akin, dahil matatanda na sila at walang maayos na trabaho.. kaya lang minsan kung sino pa ang malakas sila pa ang batugan. I mean yong mga anak ng kapatid ko
Crony capitalism at its best. Tell that to the Oligarchs and the liberals party who rule this country for decades. Wait what about the corrupt politicians and EDSA? , they enriched themselves at the expense of those unfortunate poor Filipinos. Are you proud to be FILIPINOS, this documentary has been shown all over WORLD.
Preho tau..Thanks to Sir Atom for this documentary..i said to my self, i will not try to complain again...instead, be thankful of my job🙏 Napaiyak aq dto ky tatay sa cnabi nya n marangal ang gnagawa nya..tama nman xa..😢😢😢.. Isang mlaking sampal pra sa mga nkaupo sa gobyerno natin n mga nangu2rakot.. Sana mhiya nman cla at tulungan nla ang mga nsa gnitong sitwasyon. God bless you po tatay🙏🙏🙏
No hate just love❤ Sana napapanood ng mga nakaluklok sa gobyerno mga ganitong videos. I know may mga program naman siguro pero dapat mas tutukan pa mga needs nila. Great content as always GMA! Through watching these kind of videos naaappreciate namin mga bagay na meron kame na mahirap kunin ng iba. Be kind always!❤❤🎉
Sir Atom is the definition of Good Documentarist. Im just a student, but I'm so proud kasi talagang sinusuong ni sir Atom ang bawat lugar para maipaalam ang sitwasyon na kinahaharap ng bawat pamilyang Pilipino. A big salute for you Sir. Atom 👏
Masakit talaga makita ganyan nangyayari sa ating mga kababayan , sana Gobyerno at mga mamamayan magtulungan para maging maganda na ang buhay ng susunod na henerasyon, Start Family Planning Seriously.
salute to Atom. eversince!! grabe! walang arte at yung risk of having Covid wala sakanya knowing na sobrang crowded nung lugar na pinuntahan niya. grabe! sobrang solid netong docu na to.
@@ST4R_G9L1XYShuwag mo isisi sa iba lahat ng nangyayari sa atin ay nakasalalay sa actions natin hindi sa church at hindi rin sa ibang tao, dahil kung nag iisip ka alam mo naman mahirap ang buhay hindi ka magpaparami ng anak.
Nakakadurog ng puso ang bawat tagpo ng buhay ng mga taong ito, ilan pa lamang sila, mas marami pa ang wala sa dokunentaryong ito, pero ang tunay na isyu ay ang GUTOM! Nawa nga talaga ang susunod na Pangulo ay makapahgbigay solusyon sa kumakalam na sikmura ng mga Pilipino! Kababayan, kapit lang, may awa ang Diyos! Kudos ATOM and GMA -7
Sakit lang sa dibdib na may nakikita kang tao na halos wala nang makain😔Kaya nag papa salamat ako sa Dyos, Di nya kami pinapabayaan, Sana kayo rin po. Pray lang po kayo. May awa ng dyos🥺🙏
It pains my heart💔 seeing like this. Ganito ding buhay ang kinagisnan nmin ng family ko.lumaki kami lahat na nagtitiis kng ano meron lng sa hapag kainan. Kargador ang tatay ko ang nanay ko naman eliterate binuhay kami na nangangamuhan sa iba iba tao.bata pa lng ako namulat ako sa subrang hirap ng buhay. Nagtiis nag-aral kahit wala sapat sa kahit ano materyal itinawid ko ang high school. Nagkakaisip ako iniducate ko ang sarili ko sa lahat ng bagay naging puhunan ko lahat ng hirap na dinanas ko lahat ng trabahu pinasok ko. Naging one day at a time sa akin lahat long process for me,kasi sarili ko lng inasahan ko sa lahat ng gusto ko maabot. Inilagay ko sa isip ko na hindi ko na babalikan ang hirap ng buhay na halos wala mailaman sa sikmura magtiis ng gutom at e madeprived sa lahat ng bagay😞 now im already 43 nakita ko kng gaano ko naitawid ng buhay ko now that im working abroad natuto ako lumaban, self study sa paligid. I have a son to raise and im grateful enough na ang dinanas ko at di ko naiparanas sa anak ko🙏 life is so challeging siguro kailangan lang natin matutunan labanan ang kahirapan, huwag natin piliin maging mahirap… every little wins in life, matters❤️
Grabe ang sakit sa puso, na may mga kababayan tayo na pinagdadaanan to.😭 And kudos to Atom sobra eye opener to sa lahat ang dami kong realization sa life ko.
Opo subrang daming dumaan diyan isa na po ang family ko Year 2005 to 2015 mga bata pa kami isa ang family ko sa nakaranas ng kumain ng tira tira ng iba Thank kay Lord at sa pag sisiikap ko at ng family ko Hindi Namin hinayaan na buong Buhay namin ganun kami nag aral nagsikap at nabago ang buhay maraming pong family duomaan diyan peru ngayon matagupay na po sa Buhay ❤❤
Nakakaiyak isipin na may mga kababayan tayong nagtitiis sa ganyang sitwasyon, sana dumating ang araw na wala ng Pilipinong kakain ng pagpag, wala ng makaranas ng hirap ng buhay at wala ng choice kundi magtiis. 🙏🏻
alam mo darating yan pag majority na ang educated voters compare sa uneducated voters ...... kasi ang mga educated voters na kagaya mo hindi boboto sa mga corrupt ng politicians ... so lahat ng nasa government matitino na,lahat may malasakit sa bansa ......wala na ding mga corrupt na military & police officers ..... gaganda ang ating economy @ may maraming trabaho na malaki ang sahod .... wala ng mga college graduates na pupunta sa ibang bansa para mag-dh,wala ng mag-ofw unless they were offered an executive positions with high salaries sa ibang bansa ...... so ang philippines maging kagaya na ng japan, singapore, malaysia & south korea ...... @ ang mga maraming filipino pupunta lang sa ibang bansa para mag-tourist,magrelax @ hindi magtrabaho ......
Eto ung documentary na ipapamulat sayo na kung gaano kahalaga ng pagkain sa ating lahat . Ipapamukha sayo na kung gaano ka kaswerte sa buhay kasi di mo nararanasan yung nararanasan nila. Ang bigat sa pakiramdam na makikita mo yung hirap na dinaranas ng kapwa natin pilipino 😔 Kaya be thankful kung ano ang nasa hapag dahil di lahat nakakakain ng sapat.
E2 dapat ang mga tinutulungan ng gobyerno! Halos mga bloggers ang mga tumutulong sa mga kagaya ni kuya.Kaya po hwag magsayang ng pagkain.Ang daming nagugutom.
Been there done that. Pero napakabuti ng parents ko at kahit may mga times na salat kami sa pagkain nung mga bata pa kami, mas uunahin nila kami ng sister ko bago sila. Sana lahat ng parents ganun kagaya ng mga pinakita d2 sa documentary. Kailangan din magkaroon ng education about family planning para maiwasan na ang pagdami ng populasyon. Kung maari, gumawa ng batas na kung wala kang sapat na kakayahan, hindi puwede mag anak ang mga mag asawa. Alam ko imposible to pero sana may gawin ang gobyerno para maiwasan ang pagkakaroon ng maraming anak sa kabila ng kahirapan. Kawawa kasi ang mga bata sila ang nagsusuffer.
I cant imagine how would atom take what he had seen and learned from this experiences...what could he be thinking while in his bed? But thank you for documenting this...As always, you nailed it...
The Department of Education where I work should DO MORE about this. I know I can do more as an individual teacher, but the DEPED as a system should act on this without delay.
Tama po kayo dapat ma Educate ang mga kabataan tungkol po sa mga future nila na wagna maulit ang kahirapan nanaranasan nila wag mag aanak kung walang sapat na encome para hindi sila maghirap pati na ang kanilang magiging mga anak.
Diyos ko po Panginoon ko, now ko lang napanood to at grabeng durog na durog ang puso ko. Diko rin napigilang lumuha! Imagine that? Sa kabila ng naranasan kong kahirapan noon, never ko namang naranasan to, kaya malaking pasalamat ko pa rin sa Itaas. Sa awa ng Poong Maykapal nakapag abroad naman ako and until now still working. By God's will and grace, sana sa pag-uwi ko kahit paano makatulong din sa kapwa ko kapos-palad ayon din sa kakayahan ko!
Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak ,nakakadurog ng puso, ,ang mga katulad ninyo ang mas itinataas ng panginoon dahil sa kabila ng kahirapan hindi kayo gumagawa ng masama..sana matulongan sila ng kinauukulan..GOD BLESS PO 🙏
Ako po isa lang anak, pero madaming sakit matanda na ako nanganak, ang sahod ng asawa ko ay 16k a month pero kulang na kulang pa din saming 3 nag kaka utang pa kami dahil sa mahal na bilihin at mataas na singil ng iba pang bills. Paano pa kaya itong mga nag aanak ng madami, maawa kayo sa mga anak ninyo. 😫😫😫
Baka naman madami kayong luho baka naka aircon pa kayo. O baka mahilig kayo magpa grabfood or fastfood at gala and milktea. Or travel galore. Matutong mamuhay sa salary bracket.. Kaya nga may Tagalog proverb na matutong mamaluktot kung maikli ang kumot...
@@romella_karmey I HATE TO SAY THIS. ISA KA SA PINAKA BOBONG TAO DTO SA TH-cam. HNDI MO BA NAINTINDIHAN NA MARAMING SAKIT BABY KO? CONGENITAL CATARACT CONGENITAL HEART DESEASE (PDA) HEARING LOST CEREBRAL PALSY AND EPILEPTIC UNANG UNA UMINTINDI KA AT BASAHIN MO MABUTI TAGALOG NA YAN HNDI KPA MAKAINTINDI. AT WALA KA NG PAKI SA BUHAY NAMIN KUNG NAKA AIRCON KAMI MASASARAP PAGKAIN NAMIN AT PARA SA ANAK NAMIN GAGAWIN NAMIN LAHAT. KUNG INGGIT KA PIKIT KA NALANG HINDI MO NARARASANAN SA BUHAY MO ANG KONTING GINHAWA. MATUTUTONG MAMUHAY SA SALARY BRACKET KWENTO MO YAN SA PAGONG. GATAS NG ANAK KO 2800 NA DIAPER PA NYA NAG KAKAHALAGANG 1000. LOL. LAHAT GAGAWIN KO PARA SA NAG IISA KONG ANAK MAINTENANCE PA NYA SA PUSO AT THERAPY PA NYA IBA PA 3 DOCTOR CARDIO NUERO AT OPHTA SA THE MEDICAL CITY BINABAYARAN NAMIN. IKAW GAWIN MO YAN MAMALUKTOT KA SA SARILI MO DAHIL KELANGAN MO MAG TIPID BAKA WALANG WALA KA. DAHIL KAMI MAG ASAWA HINDI NAMIN TITIPIRIN ANG ANAK NAMIN LALO NA SA KONDISYON NYA.
@@romella_karmey nakakagalit naman talaga yang comment mo dapat mo ba sabihin yan sa taong wala ka naman alam s kwento ng buhay nla mag aswa bago ka kasi mag bitaw ng salita dto mag isip ka rin.
Hetong Dokyumentaryong to nung 1st time kong napanood naiyak ako dahil ngayon ko lang nalaman na yung mga tira tira pala natin sa pagkain sa mga fastfood napapakinabangan pa pala ng mga kapwa natin. Sobrang nakakapang lambot ng puso 😭 diko lubos maisip kinakain nila yung galing na sa basura. Dina nila inisip yung dumi takot na pwedeng makuhang sakit basta may maipasok sa tiyan. Sakanila isa na itong biyaya😥 naisip ko tuloy maraming pilipino ang nag sasayang lamang ng pagkain samantalang may mga kumakalam na sikmura mapabata at matanda😥 Sana naman Wala nang nakakaranas nito nakaka awa sila sobra. Sa Bibliya kung sino ang mga nasa baba ay maitataas at ang mga mataas ay maibababa. Marangal para sakanila ang knaolnag ginagawa samantalang mga naka upo sa mataas na posisyon binulbulsa lang ang para sa mga mahihirap. Sila dapat ang nabibigyan pansin.😭 Itong documents nato sana mapanood ng mga naka upo para magising at tumulong. God bless sa ating lahat parepareho tayong nakakaranas ng gutom pero wag tayo mawawalan ng Pananampalayata sa Panginoon. Dahil naghihirap man tayo dito sa mundong materyal, ibibigay ng panginoon ang masarap na buhay sa buhay na walang hanggan. Tiwala lang at Mag dasal tayo sa anumang pagsubok natin.
Another best documentary sir Atom! ambigat sa pakiramdam habang pinapanood ko'to at sobrang lungkot isipin na may mga kapwa pilipino na dinaranas to not just this pandemic happened since then may mga kababayan na talaga tayong naghihirap at nagugutom. I hope someday wala nang pilipinong magugutom specially sa mga bata. I hope the next president of PH!!! Make my wish come true 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
Family Planning sa mga families na walang kakayahan mag provide ng daily needs. Masaya nga kung maraming anak o malaking pamilya. Pero nakakaiyak at ang sakit sa dibdib makita ang mga anak na nagugutom at nagkakasakit. Sana maging EYE OPENER ang documentary na ito para sa lahat.
Grabe. Pahirap ng pahirap ang buhay.. pero wag po kayo mag-alala. May ipinangako ang Diyos. Wala nang magkakasakit at magugutom.Lahat may taniman. Sa susunod na pagkabuhay-muli..💕
It’s really sad when you realize that you’ve practically grew up with this issue. I’ve been exposed to issues on hunger since my childhood and up until now, this issue is still as evident as it was before.
Na exposed ka lang sa issue according to you but in reality you're not one of them. It means nasa mansion ka or magarang na bahay pero napapaligiran ng mga mahihirap nating kababayan. That's what you mean by saying you're exposed.
Sana maging lesson na to sa nakararami na wag na sana mag anak ng mag anak lalo sa panahon ngayon lalo na kung walang sapat na pinagkakakitaan 😞. Nahihirapan na din ang gobyerno dahil palaki ng palaki yung pamilya na dapat tulungan at yung mga ibang tinutulungan patulog na umaasa nalang at hindi na gumagawa ng paraan para kumita.
Eto yung lagi sinasabe ng mga magulang natin na .. "Anak.. pasalamat ka at may pagkain sa mesa.. huwag ka na mapili. Maraming iba dyan ang nagugutom..." .
I salute tatay for helping the dogs even if walang wala siya. Gagawin kotong inspirasyon para soon I will help them in God's will our business will be successful.
Saludo ako sa inyong mag asawa kahit sobrang kahirapan nakakahanap parin kayo ng paraan na hindi kailangangang isugal ang kalusugan ng mga anak nyo. Yung pagpag maiintindihan ko sana kung libreng nakuha pero yung binibili sa halagang 30 pupwede na tayong bumili ng itlog o isang tali ng talbos ng kamote o di kaya bagoong kaysa mag tiis sa pagpag na manok nga pero mawawalan ng kasiguruhan ang kalusugan natin. Kung may bakuran yung biniling talbos itanim andaming pwedeng gawin sa bente ng hindi tinatangkilik ang pagpag.
Salamat sa Program na ito kay Atom. Ito dapat ang sinosolusyunan ng gobyerno. Kayang kaya naman tulungan pero bakit parang hindi inaaaikaso. Nakakaiyak na makita mga kababayan na nagkalkal ng basura para lang makakain.
Sa nakita ko sa pandemic Hindi tayo na shortage sa pagkain,,madaming walang work,,bakit Hindi binigyan Ng magandang tulong or sapat ang mahihirap,,ngayong lockdown na naman Sana alam na ang gagawin para Hindi na dadami at kakalat ang covid,,bigyan agad ng pagkain na sapat sa loob ng 2weeks,,ito nakakadurog ng puso ang daming gutom 😭😭😭,,,,more prayer for everyone ingat bawal magkasakit
Naranasan ko lahat ng hirap lalo na nung makulong mga magulang ko. Panganay ako sa 9 na mgkkpatid..18 lang ako nung nkulong sila at aku ko lahat ng responsibilidad..lahat ginawa ko para makaraos sa araw araw..kahit minsan walang umagahan bsta walang araw na lumilipas na di kami makakain. Minsan bagoong lang at tuyo ulam namin pero i praise God ksi di nvrereklamo mga kapatid ko. Pati 2 kong anak kaya pinag promise ko tlaga sa sarili ko na gagawin ko lahat di lang mranasan ng mga anak ko mga naranasan ko🥺🥺
To Atom, I’d like to give some ayuda to tatay ben. How can I reach you? From watching this it breaks my heart. Minsan nagiguilty ako pag nakakanood ako nito. Naiisip ko bakit ako nasa magandang kalagayan. Bakit sila hindi? Hindi ba pwedeng kami nalang lahat ay pantay pantay. 🥺
Nakakadurog ng puso mapanood ganito kahirapan nakakagalit sa mga nakaupo pulitiko busog na busog sila sa pondo ng gobyerno samantalang mga botante pagpag lang kinakain
Grabeh yung puso ko bawat kwento 💔, kung pwede lang matulungan lahat 😔, we help those in need as much as we could pero, sapat lang din kami at di kayang tumulong sa maraming tao, sana malampasan na natin ang krisis na ito, lalo na krisis ng kahirapan
After watching this sinearch ko sa fb and ig if may tumulong ba kay tatay ben, and im so glad na marami pong tumulong kay tatay and theres one post on IG that they will take tatay ben to home for the aged, tatay is sick pero maraming tumutulong sakanya now para mapagamot sya. As well sa mga aso nya. Napa comment narin ako kasi alam kong maraming nag aalala sainyo para kay tatay. 😌😌😌 salamat sa lahat ng tumulong at tutulong pa kay tatay
SALAMAT PO SA PAG SABI, NAKAKALUWAG MO NG PUSO MALAMAN NA OKAY NA SI TATAY AT ANG MGA CUTE NYANG ASO. GOD BLESS PO. 😭❤
@@tokyoyaki5419 ol
I
😭💔slmat po sa tumulong ky tatay ben😇🙏
Thanks sa info..
Thank you sa mga tumulong kay tatay nkakataba ng puso❤
Naaawa ako sa knila... naranasan ko rin kasi lahat, nag ulam rin kame ng asin, mantika, asukal , toyo lahat na yta ng condiments nasubukan ko nuong bata pa ko.. pero thankyou lord ksi nakapag aral at nakatapos ako.. at kasalukuyan na nandito sa taiwan almost 3yrs na kaya wg kayong mawalan ng pag asa.. sa mga anak nyo po sana turuan nyo silang mangarap ng mataas at tuparin yon... wla pong imposible.. godbless you all🖤
Yung ibang magulang kasi imbes na suportahan pangarap ng mga anak nila hinihila pa pababa.
tama if may pangarap may pag asa sa buhay.
@@mikemarsh3569 bastugang tao! porket nag trabaho s ibang bansa GRO na? nangarap yung tao pra maiahon yung pamilya sa kahirapan.. naway di ka karmahin s mga pinagsasasabi mo..
@@asionglumantas567 joke jowk lang
Pagpag po naranasan mona rin po ba
Suportahan ang AGRICULTURE SECTOR. Tumatanda na ang ating mga farmers, wag nmn sanang dumating ang panahon na wala ng batang pilipino ang tatapak sa lupa para magtanim.
Im proud of those people na kahit pobre at walang ganung pinag aralan hindi sila nagnanakaw para lang mabuhay.Para sa inyo ang kaharian nang Kalangitan 🙏🙏🙏
Sa totoo lang sobra ang iyak ko dito sa napanood ko kc ako itinatapon ng amo ko pag hindi namin naubos ang pagkain sabi ko nga sana malapit lang ang Family ko dito para sakanila ko itapon ang tira namin ng amo ko 🙏🙏🙏😭😭😭😭
Crony capitalism at its best. Tell that to the Oligarchs and the liberals party who rule this country for decades. Wait what about the corrupt politicians and EDSA? , they enriched themselves at the expense of those unfortunate poor Filipinos. Are you proud to be FILIPINOS, this documentary has been shown all over WORLD.
@@jazzycortero4968p
proud? may 7 anak tapos walang permaninting trabaho?
Oo nga. Bakit kasi di na lang tunawin mg dios yong mga masasama. Sarap sigurong mabuhay dito sa mundo.
Naalala ko pa noong bata pa kame kalam Ng sikmura ay Hindi Biro naalala ko pa noong grade 3 ako nahimatay ako sa subrang gutom ko wala kasing almusal wala din pang tanghalian at swerte na Kong may lugaw.sa gabi Minsan gulay na langka walang asin walang vitsin pero nabuhay kmeng magkakapatid ngayon Hindi man kame mayaman atleast nakakain na hindi na tulad Ng dati na subrang kalam Ng sikmura.
Gising na tayo Pilipinas most of us di tayo makakatulong sa kanila financially but there’s a way that is TO VOTE🗳 a leader who had an advocacy to decrease poverty in our country. in every country meron paring poverty eh pero sana naman mabawas bawasan na grabe nakakalungkot🥺
VOTE WISELY!
Ito ngang wala pa akong asawa at anak na may stable job eh hirap na hirap pagkasyahin ang budget ko.. Ito pang pamilya na may at least 4 na anak na walang stable na trabaho e hirap na hirap... Sana lang talaga mas maging rigorous ang family planning at sex education sa Pilipinas.
Tama sir 😅 di kasya yung minimum na sahod subrang nakaka stress e budget.
They should have family planning. Hirap na buhay dami pa ring anak. Hirap talagang pagkasyahin ang pagkain. Thank God for His blessings everyday.
Hindi maimplement ng maayos ang family planning projects ng gobyerno dahil na din sa pag harang dito ng simbahan. Sana lang mabago na ang pananaw na ito. Mas bigyan sana ng halaga ang tunay na buhay kesa sa doktrina.
@@Eurisko1975 Hindi family planning ang problema kundi walang oportunidad para sa mahihirap na sektor.
@@jerwinjoguilon813 I never said its just family planning. I was replying to the prior text alluding to family planning as the problem. Such a problem is caused by many factors. But population is undeniably one them.
Habang pinapanood ko to dito ko to talaga masasabi na swerte pa din talaga ako sa buhay bilang isang anak na kahit minsan nagrereklamo ako isa pa din talaga ito sa mga dahilan kung bakit kailangan natin makuntento sa kung anong meron tayo at ipagpasalamat sa Diyos ang lahat :>
totally agree
Amen po
Very good realization. Sana makatulong ka sa iyong maliit na paraan para sa unlad ng bansa.
@@marieromeroadajar8412 98
Amen
Mabuti nalang talaga lumipat si atom Araulo sa GMA mas nag shine sya at mas humasa one of my favorite documetary kompleto rekados.... Ang galing sobra sana mabigyan sya ng award dito...
kasi sa abs, ginagawa lang syang hearttrob
@@simplengcute4591..mali my karelasyon sya don kya sya lumipat.
Sana dumating ang araw na di na kelangan kumain ng pagpag ang mga pilipino .
At sana dumating ang araw na di na kelangan pang lumayo ng mga Pilipino para lang sa mas mahinhawa buhay.
@@johnvincent1595 Mga Kawikaan 28:2-3
Magandang Balita Biblia
2 Kung ang bayan ay magkasala, maraming gustong mamahala,
ngunit kung matalino ang namumuno, malakas at matatag ang bansa.
3 Ang pinunong sa mahihirap ay sumisiil
ay tulad ng ulang sumisira sa pananim.
Sayang yung pagpag wala na kakain.
Sana boss. Sana. Whew.
At wag nman SANA MAGKAROON NG DIRT COOKIES DTO
"hnd ako nahihiya... isang marangal na trabaho sapagkat hindi ako nagnanakaw."
- tatay ben
Di hamak na mas marangal pa si Tatay Ben, kaysa sa karamihan sa mga politiko ngayon.
Totoo po Yan,kaya dpt vote wisely sa susunod😊
@@bungangeratsismosa8333 halatang hindi mo nakuha ang "mensahe" madam.
@@theduke6951 hindi nga nya nakuha hehe
Sana naman makonsensiya ang mega polotiko at Hindi nakawin ang mga perang nakalaan sa mga taong nagugutom. MAHIYA NAMAN KAYO AT MATAKOT SA DIYOS
@@juvelynnomi6948sakto yung napili niyang account name. 🤣
"Masarap para sakin"
"Walang Hindi masarap para sakin"
Dahil sa hirap Ng Buhay ni tatay kaya nasanay na sya sa ganyang klaseng pagkain 🤧 aftre I watch this docu masasabi ko padin napakaswerte ko padin dahil kahit hirap Ng buhay Hindi kami nakakaranas ng sobrang gutom Thankyou always Lord 🙏🙏🙏
"Walang hindi masarap para sa akin." 💔
This statement just shows how we should be grateful for anything that is served on our tables. Ang inaayawan natin ay syang minsang pinapangarap ng iba. Be thankful for everything you have.
🥲👍
drama ng putanginang to.
Thank u sa mga ganitong documentaries at narerealize ko na blessed parin ako sa araw araw. 😢
00000000000000000
SAME TAYO 🙂 HAPPY BLESSINGS
DAY AND KEEP SAFE AND STRONG SA WORK NATIN THANKS
it's still about u?
@@roninjuy huh?
I wish there’s english subtitle for this. It’s such a world class documentary!♥️
Salute sa lahat ng mga lumalaban ng patas sa buhay! I hope dumating yung araw na hinahangad nyo lahat!
Yes mabuhay kyo ng matagal
kaya wag ng magreklamo kung ano meron tayo.. kasi ung iba..halos walang makain..blessed pa din yung ibang may maayos ng hanap buhay..godbless sa ating lahat.. sana dumating ang panahon na wala ng magugutom na bawat pilipino🙏🙏🙏
After I watched the documentary of Atom Araullo, I realized that I am blessed, and hindi dahilan ang kawalan ng edukasyon para maging mahirap. kung ang edukasyon ang sagot sa kahirapan, bakit edukado ang magnanakaw sa pera ng bayan? maraming salamat dahil may ganitong documentaries!
Lolo and the mother who said:
"Nahiya po, parang bumaba na ako masyado. Sobrang baba na po ako nun".
This makes me cry. 😭😭 Sakit sa puso. :(
Thumbs up to All GMA public affairs documentaries
GMA News and Public Affairs Team's documentary, magazine and news program is the tour de-force in the Philippines. Best of the best.
Documentary like this made me realized how blessed I am 🙏 hindi man mayaman, atleast nakakakain nang matino araw araw, feel so bad to those people 😭😭😭 sana matapos na ang pandemic para kahit paano makaahon na tayong mahihirap lang
Kawawa naman si tatay! Gusto ko siya i-hug!!! 😭😭😭
Kaya kapag kumakain kami sa mga restos noon, yung take out binibigay namin sa madadaanan naming namamalimos. 😢 sana mabago pa ang buhay nila. Sana mabless sila ni Lord! Pls Lord, in Jesus name, Amen! 😔🙏🏼🙏🏼🙏🏼
Ako din te pahug din
Pahug din po
@@shaunpatrickquebada5233 🤗🙏🏼
@@r.andeza7911 🤗🙏🏼
@@MichelleQuintiaVLOGS hahaha
napaka swerte padin natin na nakakain ng sapat sa pang araw araw 😥
Tama
Another Good Documentary The best talaga GMA lalo sa Documemtary..more stories to tell..God Bless po
Introduction pa lang, I was in awe na. The words. The cuts. The footages. GMA News really knows how it is done. Kudos.
Agree.
Kpg responsible ang mga magulang walang mkkranas ng hirap n mga bata,kpg alm n walang kkyahan bgyan ng mgndang bukas ang mga bata bkit anak ng anak
tAMA
Kaalaman talaga ang importante 😔😔😔
@@domsagrilife2587 ako nga n single takot magkapamilya kc s lhat ng ngyyari sa pligid prang nkktakot magsilang ng bata bka di ko maibigay pangangailangan nya kya by choice wag n lng mgpamilya.😊
Nakakadurog ng puso ung sitwasyon nila. It makes me realize how lucky I am na kahit kulang ung sweldo, I can still eat three or more times a day. Also sana din they will also learn family planning, sobrang dami nilang anak knowing na di sapat ang kanilang kita. Nadadamay kasi mga bata at may tendency pa na mapapasa sa kanila ang responsiblidad.
Tama po lahat ng sinabe nyo godbless po sana po ang makakapanuod nito na mga bata at bagong henerasyon ay matuto
Excellent documentary. 15 years ago may napanood din ako documentary sa GMA kung saan isang tasang kape pinagsasaluhan ng buong pamilya. Na exacerbate lang yung problema sa gutom dahil sa pandemya. Pero ang mas mabigat na problema pa rin sa tingin ko ay overpopulation. Halos lahat ng na feature na pamilya napakaraming anak. Pinaka nakakaawa yung mga bata.
At karamihan sa madaming anak ay mga mahihirap na walang pinag aralan. I think, the government should put funds on educating this folks about family planning. Kaso binubulsa lang nila
Mahirap nag anak pa ng marami, yung anak nya if hindi nag-aral o naka ahon, silang mga anak din ang next generation ng mahihirap. The cycle never ends. The government needs to do about this and these people also need to do their part.
Ano kaya magandang solusyon para maisip ng mga Pinoy na iwasan magparami ng anak..sana naman ma realize nila na mga bata ang higit na kawawa.
@hmp4445 may family planning po.. at wag din ikatwiran walang pinag aralan dhl hipag ko no read no write sya as in d sya nkpag aral maski grade 1 pero isa lng anak n gusto nya at kapatid ko.. ayaw daw nila maranasan ng mging anak nila hirap nila noon dhl maraming kapatid.. kaya wag ikatwiran walang pinag aralan.. taga pangasinan hipag ko
Natutuwa ako kay Tatay Ben, I am also an Aspin lover, kahit na gusto ni Mama na ibili ako ng may breed na aso, mas pinipili ko ang Aspin. Ang daming aso mismo natin na nangangailangan ng aaruga sakanila, and si Tatay Ben kahit kapos sa buhay he still raised his dogs 💕 This is the reality of life lalo na ngayong pandemic. Kaya don't complain in small things when these people literally struggling to live every single day.
Thank you po sa pagaalaga sa mga aspin dogs
Ni
Nakakadurog ng puso, naluluha ako habang pinanood ko'to idol Atom. Nakakalungkot makita na ganito na pala ang kalagayan ng mga kapwa nating Pilipino sa ilalim ng pamdemya, pero hindi nato bago para sa'kin lumalala lang. Habang ang mga nanunungkulan sa pulitika'y waldas ng waldas, nakaw ng nakaw sa kaban ng bayan, ni walang planong lutasin ang ganitong lumalalang problema. Hayssss! 💔😢
Naalala ko tuloy nung bata ako, sinasabaw sa kanin yung kape pag wala kaming ulam, natuto kong dumiskarte nung bata ako sa probinsya, nanjan yung pang huhuli ng ibon sa bukid/palaka/susong pilipit/ namamana pa ko ng isda at nang tatrap ng bayawak. Dahil sa hirap ng buhay namin noon na push ako na talagang mag sikap. Ngayon di man ako mayaman atleast masasabi ko na kahit nagka pandemic ay nakakayanan ko pa din makakain ng sapat.
Bkit ksi categorized na mahirap pag nsa probinsya may mkakkain nman sa probinsya diskarte lang po ako laking manila at probinsyana din at the same time...nagtatanim ng bawang nagtutuhog ng tabako namumulot ng plastic bottle pagkagaling ng school the thing is training ground yan pra alam dumiskarte sa buhay pag dumating yung time na may pamilya na din...
This breaks my heart. Ang basura ng iba, kila tatay may pakinabang pa. ☹️😭
Ang sakit po talaga sa puso sobra 💔💔💔
kapag nkaramdam tayo ng pnaghihina ng kalooban at kawalan ng gana para magpatuloy sa buhay at pakikibaka sa mga hamon ng buhay..manood lang tayo ng mga ganitong documentary..tiyak lalakas muli ang loob natin at masasabi natin "kung kinaya nila..kakayanin ko din" hindi lang pala ako ang nahihirapan,may mas nahihirapan pa pala" masasabi mo s sarili mo "mas gratefull pala ako o dapat pala grateful ako sa kung ano meron ako ngayon"
Saludo ako kay tatay sa hirap ng buhay inaalagaan niya pa rin mga aspin niya at malulusog kahit pagpag kinakain nila 😌
Pwede niyang katayin isa sa mga aso kng walang supply ng pagpag.
@@kaboom2800 trulalo kahit si tatay
Naiyak talaga ako kay Tatay habang kinakain nya yung pagpag, nag isip ako sana lang kahit mahilig sya sa aso naging praktikal nalang sya ,di nya kailangan ang 12 aso na dagdag pakainin ,isa lang ok na, Palagi kasama sa dasal ko ang lahat ng mga Pilipino na sana wala ng maghihirap ,walang maapi at lahat ng Pamilya magkaroon ng sapat na source of income.
Ilang beses ko na itong inumpisahan, pero bawat 5minuto itinitigil ko. Hindi ko kinakaya ang sitwasyon ng marami nating kababayan.
Sana, magsilbing aral sa madami ntin kababayan ang tamang pagpa-plano ng pamilya. Napakahirap na po ng buhay, hindi lahat kasalananng gobyerno. Meron din tayong ambag sa laganap na kahirapan. Ang sobrang pagpaparami ng anak ay lubrang nagpapahirap sa mahirap na natin bayan.
Let’s all be responsible individuals.
Pito ang anak jusko po.napansin ko lang kahit sa mga vlogger na tumutulong din sa mga ganitong pamilya ang daming mga anak 4 to 7
True mging wise nman kau s pagpapamilya,alam nyo ng hndi regular ang trabaho,tpos wlang tigil s pag aanak..😭
@@juvelynnomi6948 ung wala makain cia pa malakas loob maganak ng madami
ang ito din ang gusto ng mga corrupt na politicians,dumami ang mga uneducated voters para maraming mauto nila pagdating ng election ..... para tuloy ang corruption,tuloy ang political dynasty .....
Huwag mong lahatin na ganyan tayung mga Pilipino Kung taga Tundo ka ay kayo lang ang kumakaen ng PAG PAG food. Sa buong Metro Manila sa isang lugar sa Tondo yan pero pina palabas sa buong mundo na tayung mga Pilipino ay pare parehung patay gutom at maaaring isa ka sa mga nang iinsulto sa sarili mong bansa
Syempre unahin ang "confidential funds" kesa mag laan ng budget para sa projects na makakatulong sa mga mahihirap. Unahin ang pag bakasyon sa ibang bansa. Unity pa more.
Heart breaking... kaya dapat maging grateful tayo ano man ang nakahain sa ating hapag kainan dahil napakaraming kababayan natin ang nakakaranas ng gutom. Nakakaawa silang lahat pero mas naiyak ako kay tatay nung nakita ko kung paano nya naappreciate ang pagkain niya kahit galing sa tira ng ibang tao. Kahit mahirap ang buhay ay nakakatulong din siya sa mga inosenteng mga aso. Sana mawala na ang korupsyon sa bansa natin. Mga pulitiko at may posisyon, sana bago nyo ibulsa ang mga pera, maisip ninyo na napakarami, milyong milyong Pilipino ang maisasalba sa gutom at kahirapan ng mga perang kinukuha ninyo. Salamat sa mga NGU na tumutulong sa mahihirap nating kababayan. God bless you all. Let’s be a blessing sa mga kababayan natin na dumaranas ng krisis ng sikmura.
Very well said alnie..
Buti meron ng food bank sa pinas
Napakalaking tulong sa mga kababayan nating kapos na kapos sa buhay..
Salute you atom araullo
Sulit Ang isang oras mahigit ko, hello nanay rosita😊 kilalang kilala Kita sa pag lulotu ng pagpag, mula pa sa reel time, front row, asian boss, reporter's notebook nandiyan Ang pagpag kilalang pantawid gutom " Hindi naman masama Ang lasa pero Hindi karapat-dapat ni isa sa atin Ang kumain ng tira ng iba" GOD BLESS TO ALL OF US.
Hala? Nakakain kana sis?
@@romella_karmey she know and remember him because of other youtube channel, documentary of nanay..
Kudos to atom you really deserve to be part of this segment... Buti nalang talaga lumipat ka... Eye opener talaga mga gantong dokumentaryo thank god always guys may blessings man o wala... 🙏❤️😊
Andito ako sa abroad,minsan sabi ko pagod nako,pero pag napapanood ko ito ,my karaoatan pa ba ako mgreklamo,nkakaiyak.
Parihas poh tayo...maam/sir...
Para akong mamamatay dito sa trabaho.. pero... Kung .uuwi ako
... Mamamatay kaming lahat..
Parehas lang tayo.. kaya pursigedo akong matulungan ang mga kapatid kong nakakatanda sa akin, dahil matatanda na sila at walang maayos na trabaho.. kaya lang minsan kung sino pa ang malakas sila pa ang batugan. I mean yong mga anak ng kapatid ko
Crony capitalism at its best. Tell that to the Oligarchs and the liberals party who rule this country for decades. Wait what about the corrupt politicians and EDSA? , they enriched themselves at the expense of those unfortunate poor Filipinos. Are you proud to be FILIPINOS, this documentary has been shown all over WORLD.
Preho tau..Thanks to Sir Atom for this documentary..i said to my self, i will not try to complain again...instead, be thankful of my job🙏 Napaiyak aq dto ky tatay sa cnabi nya n marangal ang gnagawa nya..tama nman xa..😢😢😢.. Isang mlaking sampal pra sa mga nkaupo sa gobyerno natin n mga nangu2rakot.. Sana mhiya nman cla at tulungan nla ang mga nsa gnitong sitwasyon. God bless you po tatay🙏🙏🙏
May karapatan ka parin magreklamo syempre, pagod kana eh
KUDOS GMA NEWS AND PUBLIC AFFAIRS 👍👍👍
Probably one of the most detailed and researched documentary ni Atom...malawak ang hiningian ng opinion. Ganda ng detalye at pagkaka-sunod-sunod
❤❤😢😢😢😢😢😢😢😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😅😅
😊
Agad akong nag click ng nakita ko to. Grabe ang galing mo Atom. Kudos sa lahat ng bumubuo sa programa at dokumentaryong to :)
From brunei watching
Hi atom
Worth watching. Sulit ang isang oras sa mga mahihilig sa documentary videos. Kudos to GMA and to sir Atom.
TRUE WORTH WATCHING NA MALULUNGKOT KASA SITWASYUN NG ATING KABABAYAN
No hate just love❤
Sana napapanood ng mga nakaluklok sa gobyerno mga ganitong videos. I know may mga program naman siguro pero dapat mas tutukan pa mga needs nila. Great content as always GMA! Through watching these kind of videos naaappreciate namin mga bagay na meron kame na mahirap kunin ng iba. Be kind always!❤❤🎉
Sir Atom is the definition of Good Documentarist. Im just a student, but I'm so proud kasi talagang sinusuong ni sir Atom ang bawat lugar para maipaalam ang sitwasyon na kinahaharap ng bawat pamilyang Pilipino. A big salute for you Sir. Atom 👏
Tama po kayo.. Nakakahanga po talaga siya👏
Pero sa paninira niya sa mga marcos'es puro fake news.
BILIB AKO SAYO ATOM!!! WALA KANG KA-ARTE ARTE,,,,GALING MO!👍👍👍
Sana makita to ng mga nakaupo sa gobyerno natin. Nakakalungkot isipin na ito ang paraan para magkalaman ang sikmura nila 😔😓😩
Kumikirot yung puso ko. 💔 Bless them Lord please. Panalangin nalang para sa kapwa din natin. 😢
Ito ang dokumentaryong kailangang mapanood at marining ng mga nasa pamahalaan at mga mambabatas.Maraming salamat po Atom sa napakahusay na paglalahad.
Ngeh.. eh gusto nga ng mga nasa pamahalaan ng ganyan eh. Dumami pataygutom na pilipino. Naive mo naman.
Masakit talaga makita ganyan nangyayari sa ating mga kababayan , sana Gobyerno at mga mamamayan magtulungan para maging maganda na ang buhay ng susunod na henerasyon, Start Family Planning Seriously.
salute to Atom. eversince!! grabe! walang arte at yung risk of having Covid wala sakanya knowing na sobrang crowded nung lugar na pinuntahan niya. grabe! sobrang solid netong docu na to.
Edi kumain kanarin ng tiratira para parehas n tayo
Real talk, wag mag anak ng marami kundi kayang suportahan ang pamilya... kc kawawa mga batang magutom...
wala silang desiplina at lalo pa nilang pinapalala ang problema.
One of the problem is the church... Contraception and family are cringed upon by church.
@@ST4R_G9L1XYShuwag mo isisi sa iba lahat ng nangyayari sa atin ay nakasalalay sa actions natin hindi sa church at hindi rin sa ibang tao, dahil kung nag iisip ka alam mo naman mahirap ang buhay hindi ka magpaparami ng anak.
Nakakadurog ng puso ang bawat tagpo ng buhay ng mga taong ito, ilan pa lamang sila, mas marami pa ang wala sa dokunentaryong ito, pero ang tunay na isyu ay ang GUTOM! Nawa nga talaga ang susunod na Pangulo ay makapahgbigay solusyon sa kumakalam na sikmura ng mga Pilipino!
Kababayan, kapit lang, may awa ang Diyos!
Kudos ATOM and GMA -7
Sakit lang sa dibdib na may nakikita kang tao na halos wala nang makain😔Kaya nag papa salamat ako sa Dyos, Di nya kami pinapabayaan, Sana kayo rin po. Pray lang po kayo. May awa ng dyos🥺🙏
sa lahat ng hirap na naranasan ko, narealize ko na maswerte pa pala ako. 😭
Agree
It pains my heart💔 seeing like this. Ganito ding buhay ang kinagisnan nmin ng family ko.lumaki kami lahat na nagtitiis kng ano meron lng sa hapag kainan. Kargador ang tatay ko ang nanay ko naman eliterate binuhay kami na nangangamuhan sa iba iba tao.bata pa lng ako namulat ako sa subrang hirap ng buhay.
Nagtiis nag-aral kahit wala sapat sa kahit ano materyal itinawid ko ang high school. Nagkakaisip ako iniducate ko ang sarili ko sa lahat ng bagay naging puhunan ko lahat ng hirap na dinanas ko lahat ng trabahu pinasok ko. Naging one day at a time sa akin lahat long process for me,kasi sarili ko lng inasahan ko sa lahat ng gusto ko maabot. Inilagay ko sa isip ko na hindi ko na babalikan ang hirap ng buhay na halos wala mailaman sa sikmura magtiis ng gutom at e madeprived sa lahat ng bagay😞 now im already 43 nakita ko kng gaano ko naitawid ng buhay ko now that im working abroad natuto ako lumaban, self study sa paligid. I have a son to raise and im grateful enough na ang dinanas ko at di ko naiparanas sa anak ko🙏 life is so challeging siguro kailangan lang natin matutunan labanan ang kahirapan, huwag natin piliin maging mahirap… every little wins in life, matters❤️
God is always with you tatay.. mhirap mn kau dto s lupa.. mayaman kau s langit..
Salamat at merong miss cherry na tumutulong sa mga farmers.mabuhay po kayo!
Ang sakit sa puso mapanood makita na may mga taong nakakaranas ng ganito 💔
Grabe ang sakit sa puso, na may mga kababayan tayo na pinagdadaanan to.😭
And kudos to Atom sobra eye opener to sa lahat ang dami kong realization sa life ko.
Opo subrang daming dumaan diyan isa na po ang family ko Year 2005 to 2015 mga bata pa kami isa ang family ko sa nakaranas ng kumain ng tira tira ng iba
Thank kay Lord at sa pag sisiikap ko at ng family ko Hindi Namin hinayaan na buong Buhay namin ganun kami nag aral nagsikap at nabago ang buhay maraming pong family duomaan diyan peru ngayon matagupay na po sa Buhay ❤❤
Nakakaiyak isipin na may mga kababayan tayong nagtitiis sa ganyang sitwasyon, sana dumating ang araw na wala ng Pilipinong kakain ng pagpag, wala ng makaranas ng hirap ng buhay at wala ng choice kundi magtiis. 🙏🏻
alam mo darating yan pag majority na ang educated voters compare sa uneducated voters ...... kasi ang mga educated voters na kagaya mo hindi boboto sa mga corrupt ng politicians ... so lahat ng nasa government matitino na,lahat may malasakit sa bansa ......wala na ding mga corrupt na military & police officers ..... gaganda ang ating economy @ may maraming trabaho na malaki ang sahod .... wala ng mga college graduates na pupunta sa ibang bansa para mag-dh,wala ng mag-ofw unless they were offered an executive positions with high salaries sa ibang bansa ...... so ang philippines maging kagaya na ng japan, singapore, malaysia & south korea ...... @ ang mga maraming filipino pupunta lang sa ibang bansa para mag-tourist,magrelax @ hindi magtrabaho ......
Eto ung documentary na ipapamulat sayo na kung gaano kahalaga ng pagkain sa ating lahat . Ipapamukha sayo na kung gaano ka kaswerte sa buhay kasi di mo nararanasan yung nararanasan nila. Ang bigat sa pakiramdam na makikita mo yung hirap na dinaranas ng kapwa natin pilipino 😔 Kaya be thankful kung ano ang nasa hapag dahil di lahat nakakakain ng sapat.
49 seconds into the documentary... I prayed manong will be blessed financially and with long life.. as a doglover myself nakakarelate ako
E2 dapat ang mga tinutulungan ng gobyerno! Halos mga bloggers ang mga tumutulong sa mga kagaya ni kuya.Kaya po hwag magsayang ng pagkain.Ang daming nagugutom.
Been there done that. Pero napakabuti ng parents ko at kahit may mga times na salat kami sa pagkain nung mga bata pa kami, mas uunahin nila kami ng sister ko bago sila. Sana lahat ng parents ganun kagaya ng mga pinakita d2 sa documentary. Kailangan din magkaroon ng education about family planning para maiwasan na ang pagdami ng populasyon. Kung maari, gumawa ng batas na kung wala kang sapat na kakayahan, hindi puwede mag anak ang mga mag asawa. Alam ko imposible to pero sana may gawin ang gobyerno para maiwasan ang pagkakaroon ng maraming anak sa kabila ng kahirapan. Kawawa kasi ang mga bata sila ang nagsusuffer.
I cant imagine how would atom take what he had seen and learned from this experiences...what could he be thinking while in his bed? But thank you for documenting this...As always, you nailed it...
Ano din kaya naiisip nya gabi gabi sa ginagawa ng mother nya. hmm
The Department of Education where I work should DO MORE about this. I know I can do more as an individual teacher, but the DEPED as a system should act on this without delay.
Tama po kayo dapat ma Educate ang mga kabataan tungkol po sa mga future nila na wagna maulit ang kahirapan nanaranasan nila wag mag aanak kung walang sapat na encome para hindi sila maghirap pati na ang kanilang magiging mga anak.
Graveh iyak ko dito subrang sakit sa dibdib panuorin na kinakain kahit basura na😭😭😭😭Sir Atom salamat dahil sayo marami ako natutunan sa buhay💜
Pero kung umasta ang mga pulitiko sa bansang ito akala nila walang Ganyan nagugutom kung mangako sila Akala mo mga totoo.👹
Watching this series habang kumakain ako,bigla nalang tumulo luha ko😢😢
Kaya matuto tayong magpasalamat Kung anong meron tayo kasi hindi lahat nabibigyan ng maayos na kalagayan 😶
Diyos ko po Panginoon ko, now ko lang napanood to at grabeng durog na durog ang puso ko. Diko rin napigilang lumuha! Imagine that? Sa kabila ng naranasan kong kahirapan noon, never ko namang naranasan to, kaya malaking pasalamat ko pa rin sa Itaas. Sa awa ng Poong Maykapal nakapag abroad naman ako and until now still working. By God's will and grace, sana sa pag-uwi ko kahit paano makatulong din sa kapwa ko kapos-palad ayon din sa kakayahan ko!
Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak ,nakakadurog ng puso, ,ang mga katulad ninyo ang mas itinataas ng panginoon dahil sa kabila ng kahirapan hindi kayo gumagawa ng masama..sana matulongan sila ng kinauukulan..GOD BLESS PO 🙏
Ako po isa lang anak, pero madaming sakit matanda na ako nanganak, ang sahod ng asawa ko ay 16k a month pero kulang na kulang pa din saming 3 nag kaka utang pa kami dahil sa mahal na bilihin at mataas na singil ng iba pang bills. Paano pa kaya itong mga nag aanak ng madami, maawa kayo sa mga anak ninyo. 😫😫😫
Baka naman madami kayong luho baka naka aircon pa kayo. O baka mahilig kayo magpa grabfood or fastfood at gala and milktea. Or travel galore. Matutong mamuhay sa salary bracket.. Kaya nga may Tagalog proverb na matutong mamaluktot kung maikli ang kumot...
@@romella_karmey I HATE TO SAY THIS. ISA KA SA PINAKA BOBONG TAO DTO SA TH-cam. HNDI MO BA NAINTINDIHAN NA MARAMING SAKIT BABY KO?
CONGENITAL CATARACT
CONGENITAL HEART DESEASE (PDA)
HEARING LOST
CEREBRAL PALSY AND EPILEPTIC
UNANG UNA UMINTINDI KA AT BASAHIN MO MABUTI TAGALOG NA YAN HNDI KPA MAKAINTINDI.
AT WALA KA NG PAKI SA BUHAY NAMIN KUNG NAKA AIRCON KAMI MASASARAP PAGKAIN NAMIN AT PARA SA ANAK NAMIN GAGAWIN NAMIN LAHAT. KUNG INGGIT KA PIKIT KA NALANG HINDI MO NARARASANAN SA BUHAY MO ANG KONTING GINHAWA.
MATUTUTONG MAMUHAY SA SALARY BRACKET KWENTO MO YAN SA PAGONG. GATAS NG ANAK KO 2800 NA DIAPER PA NYA NAG KAKAHALAGANG 1000. LOL. LAHAT GAGAWIN KO PARA SA NAG IISA KONG ANAK MAINTENANCE PA NYA SA PUSO AT THERAPY PA NYA IBA PA 3 DOCTOR CARDIO NUERO AT OPHTA SA THE MEDICAL CITY BINABAYARAN NAMIN.
IKAW GAWIN MO YAN MAMALUKTOT KA SA SARILI MO DAHIL KELANGAN MO MAG TIPID BAKA WALANG WALA KA. DAHIL KAMI MAG ASAWA HINDI NAMIN TITIPIRIN ANG ANAK NAMIN LALO NA SA KONDISYON NYA.
@@strawberryoung280 K.... Galet ka na nyan? 😂
@@romella_karmey nakakagalit naman talaga yang comment mo dapat mo ba sabihin yan sa taong wala ka naman alam s kwento ng buhay nla mag aswa bago ka kasi mag bitaw ng salita dto mag isip ka rin.
Romella Karmey magisip ka muna kasi bago magcomment, alam mo naman kung gaano kamahal magkasakit sa pinas
Hetong Dokyumentaryong to nung 1st time kong napanood naiyak ako dahil ngayon ko lang nalaman na yung mga tira tira pala natin sa pagkain sa mga fastfood napapakinabangan pa pala ng mga kapwa natin. Sobrang nakakapang lambot ng puso 😭 diko lubos maisip kinakain nila yung galing na sa basura. Dina nila inisip yung dumi takot na pwedeng makuhang sakit basta may maipasok sa tiyan. Sakanila isa na itong biyaya😥 naisip ko tuloy maraming pilipino ang nag sasayang lamang ng pagkain samantalang may mga kumakalam na sikmura mapabata at matanda😥 Sana naman Wala nang nakakaranas nito nakaka awa sila sobra. Sa Bibliya kung sino ang mga nasa baba ay maitataas at ang mga mataas ay maibababa. Marangal para sakanila ang knaolnag ginagawa samantalang mga naka upo sa mataas na posisyon binulbulsa lang ang para sa mga mahihirap. Sila dapat ang nabibigyan pansin.😭 Itong documents nato sana mapanood ng mga naka upo para magising at tumulong. God bless sa ating lahat parepareho tayong nakakaranas ng gutom pero wag tayo mawawalan ng Pananampalayata sa Panginoon. Dahil naghihirap man tayo dito sa mundong materyal, ibibigay ng panginoon ang masarap na buhay sa buhay na walang hanggan. Tiwala lang at Mag dasal tayo sa anumang pagsubok natin.
Matapos na sana ang paghiihurap nating lahat dahil sa COVID 19 pandemic! Lord, have mercy on us all!
Eto na ba yung modern version ng the great flood ni noah nuon dhil maksalanan mga tao itong pandemic na covid ksi buong mundo......apektado
Isama m na ang corruption
Another best documentary sir Atom! ambigat sa pakiramdam habang pinapanood ko'to at sobrang lungkot isipin na may mga kapwa pilipino na dinaranas to not just this pandemic happened since then may mga kababayan na talaga tayong naghihirap at nagugutom. I hope someday wala nang pilipinong magugutom specially sa mga bata. I hope the next president of PH!!! Make my wish come true 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
naiiyak ako😭habang pinapanood ko Ito at marami akong narerealiaze sa sarili ko.sana dumating ang araw wla ng mga kababayan nateng ngugutom..😭🙏🙏
My realization: Always appreciate what you have even if it's a little thing, because that little thing can feed a Family😇
Always thank God😇
WORD OF THE DAY
"MAGANDA PAKINGAN PERO IN THE END" "LAWAY LANG SYA"
lahat ng nagpapatakbo sa gobyerno ng pgms ang mga kelangan mag diet : (
sa madaling salita ngawa ng ngawa kulang sa gawa...
Puro Char char lang .walang aksyon, puro kuwento.
Family Planning sa mga families na walang kakayahan mag provide ng daily needs. Masaya nga kung maraming anak o malaking pamilya. Pero nakakaiyak at ang sakit sa dibdib makita ang mga anak na nagugutom at nagkakasakit. Sana maging EYE OPENER ang documentary na ito para sa lahat.
Nawa'y pagpalain sila ng ating mahal na diyos... bigyan sila ng makakain at mga biyaya sa pang araw araw....
amen
"wlang hindi masarap sa akin" that hurts me alot..
💔😭
😢
Grabe. Pahirap ng pahirap ang buhay.. pero wag po kayo mag-alala. May ipinangako ang Diyos.
Wala nang magkakasakit at magugutom.Lahat may taniman.
Sa susunod na pagkabuhay-muli..💕
Salamat Aton, Salamat GMA. Naway's manapaood nila ito.
It’s really sad when you realize that you’ve practically grew up with this issue. I’ve been exposed to issues on hunger since my childhood and up until now, this issue is still as evident as it was before.
MALABO SA.SABAW.NG PUSIT.MANGYARE YAN
Kagaguhan. Until now? May issue ka parin sa hunger? Nakakapag yt ka nga ibig sabihin may pang internet ka, may pangkain ka. Kagaguhan mo alberto.
Na exposed ka lang sa issue according to you but in reality you're not one of them. It means nasa mansion ka or magarang na bahay pero napapaligiran ng mga mahihirap nating kababayan. That's what you mean by saying you're exposed.
@Vanessa Magsaysaylol! Hard to believe eh!
😅🤣🤣🤣
Sana maging lesson na to sa nakararami na wag na sana mag anak ng mag anak lalo sa panahon ngayon lalo na kung walang sapat na pinagkakakitaan 😞. Nahihirapan na din ang gobyerno dahil palaki ng palaki yung pamilya na dapat tulungan at yung mga ibang tinutulungan patulog na umaasa nalang at hindi na gumagawa ng paraan para kumita.
Eto yung lagi sinasabe ng mga magulang natin na .. "Anak.. pasalamat ka at may pagkain sa mesa.. huwag ka na mapili. Maraming iba dyan ang nagugutom..." .
to GMA give Big Break in his Career as Documentation like this Program
Panahon ni cory nag simula ang pag lubog ng kahirapan s pilipinas ..
I salute tatay for helping the dogs even if walang wala siya. Gagawin kotong inspirasyon para soon I will help them in God's will our business will be successful.
After watching this, na realize ko na mas blessed pa rin ako . Thank you Lord😔☺️🥲
This video hurts my stomach and also my heart 🥺 feel sorry for tatay 😭
Saludo ako sa inyong mag asawa kahit sobrang kahirapan nakakahanap parin kayo ng paraan na hindi kailangangang isugal ang kalusugan ng mga anak nyo. Yung pagpag maiintindihan ko sana kung libreng nakuha pero yung binibili sa halagang 30 pupwede na tayong bumili ng itlog o isang tali ng talbos ng kamote o di kaya bagoong kaysa mag tiis sa pagpag na manok nga pero mawawalan ng kasiguruhan ang kalusugan natin. Kung may bakuran yung biniling talbos itanim andaming pwedeng gawin sa bente ng hindi tinatangkilik ang pagpag.
Salamat sa Program na ito kay Atom. Ito dapat ang sinosolusyunan ng gobyerno. Kayang kaya naman tulungan pero bakit parang hindi inaaaikaso. Nakakaiyak na makita mga kababayan na nagkalkal ng basura para lang makakain.
Ang hirap at bigat panuorin hindi dapat ito dinadanas ng mga pilipino 😪😔 LORD HELP OUR COUNTRY
Naiiyak ako. Sana lahat na lang may sapat na pera, sana wala na lng mahirap at mayaman. Lahat na lang sana pantay pantay.
Ang gaganda ng mga documentary ng GMA at nakarelate sobra more documentary pa sana GMA,,napapaiyak nako
Sa nakita ko sa pandemic Hindi tayo na shortage sa pagkain,,madaming walang work,,bakit Hindi binigyan Ng magandang tulong or sapat ang mahihirap,,ngayong lockdown na naman Sana alam na ang gagawin para Hindi na dadami at kakalat ang covid,,bigyan agad ng pagkain na sapat sa loob ng 2weeks,,ito nakakadurog ng puso ang daming gutom 😭😭😭,,,,more prayer for everyone ingat bawal magkasakit
Ang hirap talaga maging mahirap..khit hirap na hirap ka na no choice ka..kailangan mong tiisin ang lahat..minsan maiiyak ka na lang sa hirap.
Naranasan ko lahat ng hirap lalo na nung makulong mga magulang ko. Panganay ako sa 9 na mgkkpatid..18 lang ako nung nkulong sila at aku ko lahat ng responsibilidad..lahat ginawa ko para makaraos sa araw araw..kahit minsan walang umagahan bsta walang araw na lumilipas na di kami makakain. Minsan bagoong lang at tuyo ulam namin pero i praise God ksi di nvrereklamo mga kapatid ko. Pati 2 kong anak kaya pinag promise ko tlaga sa sarili ko na gagawin ko lahat di lang mranasan ng mga anak ko mga naranasan ko🥺🥺
To Atom, I’d like to give some ayuda to tatay ben. How can I reach you? From watching this it breaks my heart. Minsan nagiguilty ako pag nakakanood ako nito. Naiisip ko bakit ako nasa magandang kalagayan. Bakit sila hindi? Hindi ba pwedeng kami nalang lahat ay pantay pantay. 🥺
same here!!!!! please sana noh give info about the featured people para at least we get to extend help :/
Only
Nakakadurog ng puso mapanood ganito kahirapan nakakagalit sa mga nakaupo pulitiko busog na busog sila sa pondo ng gobyerno samantalang mga botante pagpag lang kinakain
That how life it is. Wlang patas sa mundo. Wla kasing mayaman kong walang mahirap. Sad but it's true
😭💔