ไม่สามารถเล่นวิดีโอนี้
ขออภัยในความไม่สะดวก

ANO ANG DAPAT NATING IWASAN BILANG MGA ALAGAD NG DIYOS?Lesson 10

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 28 ก.ค. 2023
  • PAGSASAAYOS NG ATING BUHAY
    Lesson 10
    ANO ANG DAPAT NATING IWASAN BILANG MGA ALAGAD NG DIYOS?
    9 na bagay Ang dapat tandaan:
    1. ANG MASAMA.
    1 Pedro 3:11 "Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.
    ANO ANG DAPAT NATING IWASAN BILANG MGA ALAGAD NG DIYOS?
    2. ANG MGA PAGTATALO O DEBATE.
    Tito 3:9 "Iwasan mo ang mga walang kabuluhang pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga pagtatalo at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang mabuting ibubunga at walang halaga.
    ANO ANG DAPAT NATING IWASAN BILANG MGA ALAGAD NG DIYOS?
    3. ANG MGA TAONG LUMILIKHA NG PAGKAKABAHA-BAHAGI.
    Tito 3:10 "Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi,
    4. ANG PANLALAIT AT MALASWANG PANANALITA.
    Colosas 3:8 "Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita.
    5. ANG MAGALIT NA HAHANTONG SA PAGKAKASALA.
    Mga Taga-Efeso 4:26
    [26]Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo.
    6. ANG PAKIKIAPID.
    1 Corinto 7:2 "Ngunit para maiwasan ang pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa.
    7. ANG PASIMUNO NG KAMPI-KAMPI
    Roma 16:17 "Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa mga aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.
    8. ANG MGA LASENGGO AT MASISIBA SA PAGKAIN.
    Kawikaan 23:20-21 "Huwag kang makikisama sa mga lasenggo at sa masiba sa pagkain.
    [21]Pagkat sila'y masasadlak sa kahirapan, at darating ang panahong magdadamit ng basahan.
    9. ANG MGA TAONG WALANG MAIDUDULOT NA KABUTIHAN SA ATIN.
    Efeso 5:11 "Huwag na kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibinubungang kabutihan. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.
    Conclusion:
    MGA Kapatid, ang Bibliya ay nagsasabi ng katotohanan, at naka record ang kalooban ng Diyos para sa atin na dapat nating lakaran, pakinggan ang payo ng bibliya tungkol sa MGA dapat iwasan... Kaya ayusin natin Ang ating Buhay tungkol sa pag I was sa mga bagay na magpapahamak lang sa ating pananampalataya...

ความคิดเห็น • 10

  • @medinacaparal2027
    @medinacaparal2027 10 หลายเดือนก่อน

    Amen
    Salamat

  • @alvinedviamurao8169
    @alvinedviamurao8169 9 หลายเดือนก่อน

    Amen salamat po PTR Bonnie

    • @Arcillas791
      @Arcillas791  9 หลายเดือนก่อน

      Praise God Kapatid...

  • @lourdesdacara6705
    @lourdesdacara6705 ปีที่แล้ว

    Salamat po sa messege nyo ptr.pagpalain nwa kyo ng ating Diyos n buhay 🙏

  • @gemmylluvido7159
    @gemmylluvido7159 4 หลายเดือนก่อน

    Gdatrnoon pastor,salamat sa mga salita ng ng Diyos naitinuturo mo sa yutube,nakakatulong din sa akin ito sa aking paglalago sa aking spiritual life, lagi kong sinusubaybayan ang mga tinuturo mo mula sa bibliya ,bago po akong subscriber ninyo pastor,God bless you and ur family sana maraming mga pagpapa na dumarating inyo siksik liglig umaapa,dahil sa inyong pagtuturo sa salita ng panginoon

    • @Arcillas791
      @Arcillas791  4 หลายเดือนก่อน

      Amen, natutuwa akong may napagpala sa aking mga video na ginawa, tunay na napakabuti ng Diyos sa buhay mo kapatid... patuloy lang sa paglilingkod, at ptuloy na lumago sa ating Panginoon... welcome ka dito sa aking Channel... visit ka rin sa aking isang channdl kapatid, Mayroon tayo doon daily devotion, 8:00pm ang upload...
      Type: Arcillas Bonie... God bless kapatid

    • @gemmylluvido7159
      @gemmylluvido7159 4 หลายเดือนก่อน

      Ok po pastor susudan ko yong daily devotional para mas lalo akong lumalago sa aking panampalataya kc pastor nais ko rin na ako gagamitin ng panginoon sa aming church sa pagtuturo sa salita ng panginoon, pastor sa aming church hindi talaga lumalago aming church,hindi man sila magpapagamit magdadahilan sila daw buzy,ang gusto nila sisimba lang uuwi para lang walang nang namang nanyayari sa buhay nila kaya pastor nagcommit po talaga ako sa panginoon magminstry sa aming iglisya para mapasigla ang kanilang pananampalataya,

    • @gemmylluvido7159
      @gemmylluvido7159 4 หลายเดือนก่อน

      Pastor poydi po bang makipag-unayan sa inyo, ok po ba makahingi ng cellpon number ninyo pastor,mayroon po tayong kaugnayan sa pamamagitan ng pagtwag ng cellpon para maipagpray mo ako pastor

    • @gemmylluvido7159
      @gemmylluvido7159 4 หลายเดือนก่อน

      Pastor type mo lang pangalan ko gemmy lluvido para magiging friends po tayo