Miniature Paskong Pinoy | Miniature Christmass | pasko | Miniature filipino food paskong handaan

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 7 ก.ย. 2024
  • “Pasko”
    Sa tuwing sasapit ang December lagi tayong nkakaramdaman ng saya dahil huling buwan ito ng taon bukod sa makakasama mo na ulit ang mga kaibigan at kamagnak na matagal nyo ng hindi nakikita e isa din tong buwan ng masaya at pagdidiwang.
    Naalala ko noon tuwing sasapit ang pasko lagi akong excited na mag dec 15 na dahil ito na ang simula para mangaroling wala
    Pang dec 1 nag hahanap na kmi ng tantsan na pipitpitin para sa pangangaroling namin iikutin namin lahat ng tindahan para mabigyan kami ng tantsan.
    Noon pag pasko lagi malalakas ang tugtugan
    Pero ang di ko malilimutan yung putukan iba iba pa nga ang mga gamit noon
    May pla pla
    Sinturon ni hudas
    Goodbye philippines
    Bukod sa ingay na nagagawa nito nkakatuwa din pag masdan yung mga bata na nag boboga
    Ang saya saya nila na hindi nila alintana ang panganib ng paputok pero ngayon pinagbawal na ito dahil sa madaming cases ng mga taong naaaksidente dahil dito
    Kami lang ba yung pag pasko mag lalabasan lahat ng plato at baso na matagal ng nakatago sa cabinet mga plato na hindi naman natin ginagamit pero tuwing my espesyal na okasyon saka lang nilalabas ng ating ina
    Tapos pati kurtina terno terno pa sa kulay ng sapin ng sofa
    Isa ka din ba sa mga batang sinaraduhan ng pinto pag nanganagroling? O sa sinabihan ng patawad o walang tao O isa ka sa maswerteng may malaking nkukuhang pera pagkatapos mangaroling?
    Tapos isa pa sa
    Hinihintay ko noon e yung christmass party isa ka ba sa batang excited na ipakita ang mga bago mong damit at sapatos sa iyong kaklase?
    Si o dito madalas makatangap ng picture frame at Mug?
    O isa ka sa pinaka maswerte dahil maganda ang iyong nabunot o kaya naman lagi kang panalo sa laro sa inyong party?
    Tapos pag labas mo sa bahay nyo kaliwat kanan ang nagvivideoke at umiinom sa kalsada hindi ka makakaramdam ng inis dahil nakikita mo silang masaya habang kasama nila ang kanikanilang mga kaibigan at pamilya
    december na yata ang pinaka msayang buwan taon taon
    bukod sa mkakatangap ka ng aginaldo e mkakakain ka pa ng masasarap na pagkain pero
    yung pinaka the best ay yung makasama mo ang pamilya mo habang pinagdiriwang ang pasko at bagong taon
    hindi man natin man natin makumpra ang noon at ngayon dahil wala naman talaga ito sa taon o henerasyon masaya lang talagang maging bata,. masaya lang at walang iniisip na problema
    pero kahit ano pang buwan ang daanan natin sa bawat taon wag sana nating kalimutan maging masaya at magpasalamat sa panginoon dahil binigyan tayo ng panibagong taon para mag diwang kasama at ating mahal sa buhay
    Mula sa The rhicrafts na bumabati sa inyo ng maligayang pasko at manigong bagong taon!
    Miniature Shop
    Shopee store:
    shope.ee/6zu2D...
    #miniature #miniaturehandmade #miniaturepasko #miniaturechristmass #paskongpinoy #christmass #maligayangpasko #miniatureph #dioramapasko #dioramachristmasstheme #minipasko #pasko #dollhouse
    #miniaturefilipinofood

ความคิดเห็น •