Ngayong Wala Ka Na | (c) Agsunta |

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 4 มี.ค. 2022
  • “Ngayong Wala Ka Na…” 🤟🏻🥺✨🌊
    Nawalan ka na din naman siguro diba? Alam niyo yung feeling na bigla ka nalang natutulala, di alam kung ano ba talaga nangyayare? Minsan parang di ka pani-paniwala ung mga katotohonang hinaharap mo pero kahit anong kurot mo o gising mo sa sarili mo, hndi pala ito isang masamang panaginip lang, mahirap talaga mawalan halos parang nawala din ung kabuo-an ng sarili mo lalo kapag mahal na mahal mo yung nawala kaya naman heto, para mas lalong masaket, eto ang kanta naming halos lahat na ata ng tao nag bigay ng mensahe para sa mga ex nila, malay mo after mo marinig to mapa message ka din sa ex mo? Here’s our original song “NGAYONG WALA KA NA” 🥺🥺🥺✨🌊
    •••PERSONAL ACCOUNTS•••
    Jireh "Jai" Singson
    TWITTER 🐣: @jai_agsunta
    INSTAGRAM 📸: @jai_agsunta
    Mikel "Mik" Arevalo
    TWITTER 🐣: @mikel_agsunta
    INSTAGRAM: @mikel_agsunta
    Josiah "Josh" Planas
    TWITTER 🐣: @josh_agsunta
    INSTAGRAM 📸: @josh_agsunta
    Stephen "Tep" Arevalo
    TWITTER 🐣: @stephen_agsunta
    INSTAGRAM 📸: @stephen_agsunta
  • เพลง

ความคิดเห็น • 140

  • Sarah Mae Bautista
    Sarah Mae Bautista 6 หลายเดือนก่อน +12

    To you J, my bestfriend and also my TOTGA, thank you for almost 9 yrs in a relationship. This song is perfectly made for us, lalo na sa akin na hanggang ngayon hindi pa nakakamove forward. Alam kong hanggang ngayon nahihirapan pa rin tayo sa sitwasyon natin, pero dahil mahal kita mas pinili ko na ang palayain ka kahit masakit na makita ka ng masaya sa iba. Kinakaya ko pa rin. Hinihintay ko nalang na maghilom ang aking puso. Hinihintay kong matanggap ko sa sarili ko na talagang wala ka na at di ka na babalik sa piling ko. Sorry kung hindi pa kita mapalaya o makalimutan dahil Mahal na mahal pa rin kita. Masaya ako na unti unti mo ng natutupad mga pangarap mo. Thank you for all the memories. Mag iingat ka parati 🥺💔 for the last time imissyousomuch and istillloveyou kahit hindi na ako 💔

  • Dead Body
    Dead Body 6 หลายเดือนก่อน +9

    While listening this song i just realized na what if you’re too comfortable to that person then suddenly all the feelings fade and it’ll crash everything. You already planned everything, you are ready to the future but one day one of you want to end. “Ngayong wala kana saan pupunta” hits different, just like u already at your home then you’ve lost suddenly.

  • Miranda Joven
    Miranda Joven 6 หลายเดือนก่อน +1

    People here in comment section opens up their past experiences and for me it’s beautiful. Ansarap lang basahin ng mga story and parang “letter” or gustong sabihin nila sa taong minsan nilang minahal, they’re brave enough to say it here kahit na ilang taon na yung nakalipas, kahit na mabasa pa ng ibang mga tao because the message of this song hits them really hard and parang naging platform ito to say what they want to their past relationship. The message of this song pushes them to go here in comment section para ikwento or magsabi sila ng last message to the person they loved once.

  • Joy Cristobal
    Joy Cristobal 6 หลายเดือนก่อน +1

    It will never be easy but in GOD's perfect time, magiging okay din lahat.

  • Alba Maria
    Alba Maria 6 หลายเดือนก่อน +2

    Always a good songs and cover. Og man wala e idol ko kau mga boss.
    To all heart broken o hnd man.
    Guys always reminber kaya yan pinapadama sau n lord pra matpz n paghihirap mo with the persons not same feeling as what you provide.
    Kaya lesson yan beh ha. Kaya wag maxdo damdamin ilang taon man yan or papakasal na kau.
    Its about gods timing.
    Kaya cheer up.

  • Patrick Glennrey Fernandez
    Patrick Glennrey Fernandez 6 หลายเดือนก่อน

    That Hotbox though 👌❤️

  • Nezu Ko
    Nezu Ko 6 หลายเดือนก่อน +6

    It's been 7 years, simula nung maghiwalay tayo ng landas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Alam kong imposible na mabasa mo 'to at matagpuan 'tong comment na 'to, pero kung sakali man, alam kong malalaman mo na AKO 'to. 🐝
    Pitong taon na pala yung lumipas. Masaya naman na ako, at alam kong masaya kana din. Pero meron pa ding kulang..... closure. Alam mo nakakatuwa nga eh. Kasi hindi ko alam kung tadhana ba talaga yung naglalapit satin, o nagkataon lang? Naalala ko noon, pauwi pa lang ako galing school. Nagulat ako, nakasabay kita sa jeep. Hindi ko alam kung napansin mo ko, pero isang tao lang pagitan natin! Tapos nung bumaba na yung nasa pagitan natin, tayo na yung magkatabi. Pareho lang din yung bababaan natin, nauna kang bumaba, ako nasa likod mo lang. Naglalakad tayo sa overpass, pero ako nasa likod mo padin, pinakikiramdaman kita. Tas nakakalungkot, kasi sa right side ng hagdan sa overpass ka bumaba, tapos ako sa kaliwa! Astig diba? Di ako makapaniwala, kasi after 3 years, nun lang ulit kita nakita at nakalapit ng ganun. Tapos sunod-sunod na, madalas kita makasalubong sa Bayan, nakikita kita, pero ako di mo yata napapansin. Oo nga pala, natatandaan mo din ba yung sinabi mo na magtapos ako at magsikap ako ng pag-aaral kasi nangako ka na babalik ka? At magiging proud ka? Eto na, graduate na ko! :) Nakapag-tapos na ako! Imposible na yung sinasabi mo na babalik ka, pero sana proud ka na nagpakaayos ako at tinuloy ko yung pag-aaral ko. Alam kong malabo na, na magkaroon ng closure pero gusto kong magkapatawaran tayong dalawa, kasi kahit ang tagal na, ang bigat pa din ng loob ko, pero gusto kong malaman mo na napatawad na kita. :) Alam kong masaya kana ngayon, at masaya ako para sayo.
    Congrats din pala, sa 3 kids mo....

  • Nissi Boy trip
    Nissi Boy trip 6 หลายเดือนก่อน

    Solid talaga kayo idol ❤

  • Daryl Valete
    Daryl Valete 6 หลายเดือนก่อน

    "DI NAPANSIN AKOY KULANG PALA"
    Gusto kong sabihin na ok na ko, its been what almost 3 years nung tapusin ko nalang bigla lahat, at may mga times padin na pumapasok ka sa isip ko sa mga panaginip ko. Until now naiisip ko padin na what if naging iba yung desisyon ko what if binabaan ko nalang pride ko. I was to dumb para magpadala sa at mag decide habang nasasaktan ako.
    Those 9 years and 9 months were the best days of my life and i until now nagpapathank you pdin ako kay God na ikaw yung ginawa nyang way para matuto ako sa kung ano ako ngayon.
    I still tried naman gumawa ng way para magkaron ult ng connection, but the last time i saw you, your eyes. Nakita ko na yung ganong mga mata mo and it felt like may bago ng nagpapasaya sayo.
    I really wish and root for your happiness in life na alam nating pareho na di na ako yun. You will always have a place on my heart thank you baby iloveyou Goodbye!
    Ps: dont ever make a decision base sa nararamdaman mo lang sa oras na yun, kasi nagbabago ang feelings, baka magawa mo yung pinakamaling desisyon mo sa buhay kudos! 👌👌

  • tin
    tin 6 หลายเดือนก่อน

    To my greatest love, thank you for those beautiful years and memories we shared. Sorry for not being enough, sorry if we can't go out anytime and anywhere we want because of my busy schedule as a med student and because of my strict parents. I thought makakaya natin. I thought lalaban tayo, so we can have 1 big happy fam after 10 yrs, you told me you want to have 3 kids pero in the end ako nalang pala ang lumalaban, ako nalang ang masaya. I'm hoping that you'll find someone na makabibigay ng hindi ko nabigay sayo. Im still hoping that one day, babalik ka, you are still welcome in my life. I am praying for your success and happiness my almost Romeo. May God bless you always future Police. I love you so much.

  • Bianca Tuazon
    Bianca Tuazon 6 หลายเดือนก่อน

    Gagi, almost 2 years na pala. How time flies..still no one compares. Ikaw pa rin, nandito ka pa rin. Siguro kung walang covid di tayo naghiwalay? Haha, siguro.. The question "where did we go wrong?" still lingers on my mind. I see you're happy, pero ang unfair lang kasi I'm still here, not over us. 2 years na pero di ko pa rin alam san pupunta..

  • Joanna Mae Alcantara
    Joanna Mae Alcantara 6 หลายเดือนก่อน +12

    8 years na sana tayo. Pero yung “sana” na yon ayoko na ring mangyari. Bukod sa pareho na tayong may sariling pamilya. Masaya na ako sa pamilya ko. Ikaw? Sana maging masaya kana rin. Muntik na tayong may magawang mali dahil hindi ka parin kuntento sa meron ka ngayon. Pero sobrang mahal ko ang pamilya ko, at ginabayan ako ni God at ng mga totoong kaibigan ko sa tamang daan. Ingat ka nalang lagi. Salamat at dumaan ka sa buhay ko. Marami akong natutunan at maraming pinagdaanan sayo. Thank God, I’ve survived. 💜

  • Istofer Vlog
    Istofer Vlog 6 หลายเดือนก่อน +1

    Solid supporter since Wala pa kayong 100k subscribers ❣️

  • Jerry Riodeque
    Jerry Riodeque 6 หลายเดือนก่อน

    Ganyan talaga ang buhay parang life, basta ang importante ay mahalaga at kung saan ka masaya doon ka happy huwag ka maniniwala sa swerte malas yun, kung Hindi mo kaya ipagawa mo sa iba minsan ay sometimes kaya matuto tayong tumanggap ng acceptence Halimbawa for example ang baby ay sanggol. Kung hindi mo na intindihan you dont understand.basta kaibigan lagi mong tatandaan that wherever you go, you are there. At the end of the day, ay gabi na. Walang umaga at gabi sa japan kasi lahat sila hapon

  • yojaznyx
    yojaznyx 6 หลายเดือนก่อน +2

    Kamusta mahal? It's been 5years since you've gone. Kamusta sa heaven? Guide me from above please. Paki sabi nadin kay Lord samahan ka na i-guide ako kasama ng dalawang anak ko. Gusto ko umiyak sayo ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko. Sana lagi mo ako naririnig, I know you aremy guardian angel. I miss you always Archie! ❤😔

  • Jummar Bejasa Mayor
    Jummar Bejasa Mayor 6 หลายเดือนก่อน

    Sabay tayong nangako pero sa iba mo binuo at tinupad. 'nyways, sobrang saya ko'ng pagmasdan ka na nanjan kana sa tunay mong ligaya . Ako sana ang tatawaging daddy ng biyaya mong ligaya.

  • Christine Joy Saromo
    Christine Joy Saromo 6 หลายเดือนก่อน

    Michael, Sorry at pakyu ka bente! 🥰🥰
    Ikaw ang dahilan, pagsisihan mo lahat yan. Magiging masaya ko at yun ang magiging ganti ko sa mga kalokohan at sakit na dulot mo!!!

  • Jomar Rebulado
    Jomar Rebulado 6 หลายเดือนก่อน

    These song reminds me of regret. Kaya hanggat kaya pang gawan ng paraan para maayos yung mga bagay na di napagkakaunawaan ayusin na agad. 😅 Kasi sa huli pagsisisihan mo lang kung bakit sya nawala, sisisihin mo ang sarili mo at iisipin kung saan ka nagkulang. In relationship give your best in expressing love to one another.
    Remember:
    "Time is the best expression of Love."
    Kung wala kang time sa kanya means di mo sya Love. 😅

  • J B
    J B 6 หลายเดือนก่อน

    Ang tagal kong naligaw habang mahigpit kong hawak ang 'yong mga kamay.
    Nahirapan akong bumitaw, dahil naniwala ako sa pangako mong habambuhay.
    Oo, kasalanan ko,
    pero natuto ako.
    Kaya nung araw na ikaw mismo ang bumitaw, hinayaan ko.
    NGAYON,
    WALA KA NA.
    Nahanap ko kung sino ako.
    - mylo

  • Vinarao, Benedict
    Vinarao, Benedict 6 หลายเดือนก่อน +3

    Masyadong ginalingan ni Boss Mikel! Labyu Idol😘

  • Ma Gloren Tan
    Ma Gloren Tan 6 หลายเดือนก่อน

    Every word in this song mula umpisa hanggang dulo lovestory naten. Nagsimula na magandang panaginip nagtapos na isang bangungot na kahit anong pilit mo hndi ka magising. Hindi ko alam san magsisimula, pero isa lang alam ko kahit anong sakit at trauma, mga salitang binitawan dahil sa galit. I still pray that if I ever see you again, you are happy and you have the life you always wanted....Mahal na mahal kita aking haring araw..paalam

  • Z
    Z หลายเดือนก่อน

    It's just so painful na kahit gustong gustong mo mag stay sa relationship but yung partner mo na mismo nagpapahirap sayo, nagpapahirap sa puso mo, nagpapahirap kumapit sa relationship nyo.. yung feeling gustong gusto mong mag stay pero hindi mo na maramdaman na importante ka pa, hindi na maramdamang worth it and hindi na sya nag eeffort, ayaw ka mawala pero hindi naman gumagawa ng paraan para mag work relationship.. and as an individual, you're torn between maging thankful nalang sa kung anong nabibigay or just give up kasi parang mag isa mo nalang lumaban..

  • Dale Wilfred Mariano
    Dale Wilfred Mariano 6 หลายเดือนก่อน

    Ganun tlga Ang Buhay. Getting old getting cold ☺️☺️

  • eldrick Caguioa
    eldrick Caguioa 6 หลายเดือนก่อน

    Halos lahat ng lyrics sapul saken
    It's been 6 months since we broke up
    Naiintindihan ko ung sitwasyon mo na ayaw mo sa LDR na lagi akong wala sa tabi mo WHEN YOU NEEDED ME THE MOST
    THANKS FOR THE GREAT 4 YEARS OF BEING WITH YOU. ANGELICA I NEED TO MOVE ON WITHOUT YOU NA HNDI KO ALAM KUNG PAANO AT SAAN AKO MAGSISIMULA
    SORRY FOR BEING A SEAFARER
    I HOPE YOU FIND YOUR TRUE HAPPINES ASHORE WITH A BEAUTIFUL SMILE JUST LIKE THE FIRST TIME WE MET
    EA

  • Banjo V. Maray
    Banjo V. Maray 6 หลายเดือนก่อน

    Di ako broken or may pass experience na di maganda, gusto ko lang sabihin na di pa man dumarating sa salitang "Tayo" ay kuntento at masaya na ko sayo. Di man ikaw ang una pero ikaw na sana ang huli. Ikaw ang pipiliin ko sa araw araw. I'm looking to my future with you. Mahal kita Shiela❣️

  • Jason Alfonso
    Jason Alfonso 6 หลายเดือนก่อน

    Sana mapansin to lods! Haha hindi ako broken pero gusto ko sabihin na MAHAL NA MAHAL KO SI MERY JOY OLICIA! Makaipon lang ako papakasalan na kita! 🤙🏻❤️🎉✨💪🏻🎊

  • princess lovely joy tueres
    princess lovely joy tueres 6 หลายเดือนก่อน

    It's been a year na wala ka na. I knew it's gonna end that way. It was tough watching you leave but u had to.

  • Jessy Kang
    Jessy Kang 6 หลายเดือนก่อน

    isang malaking SAYANG 😴😴🥲🥲😭😭

  • Paul bryant Orfinada
    Paul bryant Orfinada 6 หลายเดือนก่อน

    Yeah 🤟🏼 pashout out po yung barkada ko, itago na lang po natin sa pangalang ruel. Happy birthday everyday, everynight and u looking up in the sky.

  • shujinko
    shujinko 6 หลายเดือนก่อน

    Para sa ex ko .
    Salamat sa pitong taon michelle . ngayon malapit na kayo ikasal ng best friend mo. tayo ang nangarap,tayo ang nag Plano ng lahat pero sa best friend mo tinupad lahat . Mag iingat ka palagi .
    -Vlad-

  • Adiel Donn Ponceja
    Adiel Donn Ponceja 6 หลายเดือนก่อน

    Lupet netong banda na to. 👏👏👏

  • Ramram Palomares
    Ramram Palomares 6 หลายเดือนก่อน

    Totoo pala yung sa facebook hahahaha. Di ako broken, gusto ko lang sabihin na Mahal na mahal kita, nelyn!🤍

  • HAPP IE
    HAPP IE 6 หลายเดือนก่อน

    Guys take it as a man and move on! There's more to life... :)

  • JL Vlogs
    JL Vlogs 6 หลายเดือนก่อน

    Broken? Yes I am. It's been difficult to be loved by someone especially when you are LGBT. Parang araw araw nalang broken ka. Napakabilis saming mag assume lalo na pag pinakitaan ka pag-asa. But at the end of the day talo parin kame.

  • Shjwjsbsb Bsbsbsbs
    Shjwjsbsb Bsbsbsbs 6 หลายเดือนก่อน

    Nangyari to sakin skl
    Nag usap kame tinulugan ko sya mag grow Kase galing din sya sa break up that time family problem din sya Hanggang sa nahulog sya sakin nag bigay sya ng sign umasa Ako Yun tinulugan ko sya binoost ko confident nya Hanggang sa nag sesend na sya ng pic masaya akong ok na sya kahit masakit Kase hawak na sya ng iba pero ayos lang nakita ko Naman sa mga mata nya na masaya sya kaya hinayaan kona mahirap pero kung mahal mo hayaan mo kung San sya liligaya
    -haru

  • Jan Valencia
    Jan Valencia 6 หลายเดือนก่อน

    Tanda ko pa nung una tayo nagkakilala, naging kaklase kita simula 1st year college sobrang saya natin dalawa kasi nagmamahalan tayong tunay habang tumatagal nagkakaron tayo ng away tampuhan na hindi naman maiiwasan dahil wala namang relasyon na perpekto at lahat yun ay ating madadaanan kaso hanggang sa dumatin na sa point na nagkalabuan na hanggang sa sumuko kana sa relasyon natin na puro away at sa ugali ko patawad sa mali ko nasabi sayo lagi molang tatandaan na kahit anong mangyare nandito lang ako para sayo di kita sinukuan kahit ganun yung relasyon natin kaso wala e nirerespeto ko desisyon mo, ah basta magiingat ka lang parati ha sayang lang at nakakapanghinayang sabay nga tayo gagraduate na ng college kaso di na bilang magkarelasyon goodluck sa future mo ha sana magtagumpay ka sa lahat miss na kita sobra.
    SA SOBRANG TAGAL NG GRADUATION MAS NAUNA PANG NATAPOS YUNG ATING RELASYON 😢🙂

  • Boquiren Marvin M.
    Boquiren Marvin M. 6 หลายเดือนก่อน

    Hii! It's been a while since we're apart. I don't mind if mabasa mo ito or what. Patatas, Gusto kolang sabihin na sa loob ng mahigit apat na taong (4 yrs) pag hihintay sayo, worth it lahat ng yon. Wala akong pinag sisisihan sa mga naging desisyon ko. masaya ako na hangaan ka mula sa malayo. U still in my prayers. I'm always be there for you not matter what happen. Patuloy na naghihintay kahit alam kong wala na. But still I'm proud to say, na nanligaw ako sa pinaka magandang babae for more than 4 yrs. No regrets.

  • RealTalk
    RealTalk 6 หลายเดือนก่อน

    MINSAN ANG HIRAP MAWALAN .. LALO NA'T NAKASANAYAN MO SIYA ...KASI DI MO ALAM KUNG PANO MO ULIT SISIMULAN NG IKAW ULIT MAG ISA.

  • Jordan Bretiller
    Jordan Bretiller 6 หลายเดือนก่อน

    Napakalupit nyo talaga mga idol.

  • RONDOLIFHA
    RONDOLIFHA 6 หลายเดือนก่อน

    Dati hindi ako naniniwala sa multo. Ngayon totoo na talaga to kate mahal na mahal kita🥰

  • Carlo Viray
    Carlo Viray 6 หลายเดือนก่อน

    To my greatest love. Pitong taon na ang nakalipas nung magka hiwalay tayo. Pitong taon na halos gabi-gabi kitang iniisip. Pitong taon na hindi kopa talaga kayang ibigay ang puso ko sa iba. Grabe sobrang lakas ng tama ko sayo. Ngayon wala nakong balita sayo pero alam kong masaya ka. Sana dumating ang panahon na mag krus muli ang landas naten sana.
    Iloveyouyurie

  • 제임스
    제임스 6 หลายเดือนก่อน

    Solid Agsunta

  • Janbert Delgado
    Janbert Delgado 6 หลายเดือนก่อน

    Nung narinig ko tong kanta, dami kong naalala about my Ex,😔 first of all I just want to thank you for everything🤗 thank you kasi dahil sayo na experience ko ung love and how to handle the relationship.To my Ex😔 Oo it's almost 4 years ago di na tayo nagkita ,hiling ko lang sana ,sana ok ka,at sana nasa mabuting tao Ka, 😔hindi man natin tinupad ung mga pangarap natin dati, sana tuparin mo if sino man ung bago mo ngayon ,😢Oo 4 years nandito parin ehh nandito parin ung sakit huhu 😭kung alam ko lng sana,sana di na lng kita nakilala, 😞aytss, if nasaan ka man ngayon palagi kang mag iingat ahhh mahal na mahal kita S 😔
    Ngayon wala kana 😔😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

  • JessaMae Romero
    JessaMae Romero 6 หลายเดือนก่อน

    *kung maibabalik kulang ang tadhana, sayo lang pupunta*
    To My Jobee,
    Hi Jobee, I miss you, namimiss ko na yung mga gala natin, yung lambing mo,yung lahat sayo. I can’t imagine na naghiwalay pa tayo, okay na ee nakaplano na,marami na tayong mga plano sa buhay dba? Ang hirap lang kasi tanggapin. Hangang sa umalis nlang ako dyan sa atin, hangang sa naging malabo na ang lahat at nauwi na talaga sa hiwalayan. Sorry sa lahat, sorry. Mahal na mahal kita , ang hirap mong kalimutan sa totoo lang. Ipagpatuloy mulang yung mga pangarap mo sa buhay na wala ako. Bsta lagi mong tatandaan,kahit wla na tayo, nandito pa rin ako nka supporta sa sayo kahit sa malayo na.Maging masaya ka palagi kahit di na ako.❤️

  • Lizzy LL
    Lizzy LL 6 หลายเดือนก่อน +14

    Tanggap ko na. March 5 2022, it was supposed to be our 10th year anniversary but somethings didn't work out for the both of us. I'm sorry. To my totga its been 2years since we broke up. I wish you happiness, sana napatawad mo na ako. Ikaw? Kahit wala akong narinig na sorry mula sayo matagal na kitang napatawad. Ang sakit lang isipin na dadating pala tayo sa hiwalayan. I thought ikaw na. Pero eto siguro yung will ni lord para sa atin. Ikaw yung taong pinahalagahan ko sa buong buhay ko. Wala akong pinagsisihan sa pinagsamahan natin. Lahat yon chinerish ko at hindi ako nagsisi na nakilala kita. I miss you so much! Hanggang sa muli F✨
    03.06.22 8:50pm

    • Thelda Taopo
      Thelda Taopo 6 หลายเดือนก่อน

      Kakagising ko lang and nakita ko agad pinost ng agsunta tong comment mo so hinanap ko dito sa youtube, napanaginipan ko na naman sya kagabi,yung mga gusto kong sabihin sa knya sinabi nya sakin sa panaginip. pareho tayo ..10years na sana kami last month,4years naging kami and almost 6 years na kaming break pero nito ko lang natanggap ,,totga ko din sya ☺️ ang hirap no? After i read your comment napaisip ako na ,you can be healed,matatanggap mo na wala na talaga kayong pagasa pero di ka makakamove on 100% ,at yun yung nakakapagpatengga saatin sa alaala nila. Time heals everything tulad ng pagtanggap natin na wala na talagang pag-asa. Im sure time will come din na pag maaalala natin sila,wala ng panghhinayang, wala ng sakit.

  • Cindy Pescador
    Cindy Pescador 6 หลายเดือนก่อน

    To my ex, I'm happy right now. I am enjoying my life without any stress. You will always be part of my past. I found a new, lovely one. He treats me like his princess, and I don't feel that way when I'm with you. Btw, Denzel Jones iloveyou! ❤️

  • Ken neth Sandoval
    Ken neth Sandoval 6 หลายเดือนก่อน

    Kahit hindi naging tayo, Hindi ko pinagsisihan na mahalin ka mula una hanggang huli ✨🌺

  • Umay Tank
    Umay Tank 6 หลายเดือนก่อน

    Try ko nga din haha ps. di ako broken, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita mengs! 😁💖 -Bobby 😅

  • Hanna Didato
    Hanna Didato 6 หลายเดือนก่อน

    It's been 1year since we broke up at ngayon magkakaron kana ng sariling pamilya, to sean garcia alagaan mo ang magiging mag ina mo haha parang dati lang sabay pa tayo nangangarap pero ngayon sa iba mona tinutupad. Masaya ako para sayo kase nahanap mona yung babaeng makakasama mo habang buhay take care always baby!!❤️

  • khyamers
    khyamers 6 หลายเดือนก่อน

    Ngayong wala kana at nasa iba kana. Masakit pero masaya ako dahil alam ko mas magiging masaya ka sa kanya 🥲

  • eminems
    eminems 6 หลายเดือนก่อน +1

    Ok lng kung mawalan kayo Ng taong iniwan kayo .. Lalo na kung puro sma lng Ng loob bnibgay nito Sayo .. Ang ispin nyo n lng nwalan kayo Ng tinik .. at Ang importante di Ikaw ung nanakit at nngiwan .. di kawalan nga Ika nga ..

  • Kyle Choco
    Kyle Choco 6 หลายเดือนก่อน

    Hirap lang din isipin na yung mga pangarap na binubuo natin dati, Sa iba muna tinupad. Halos apat na buwan na tayong hiwalay pero eto pa rin ako hindi ko alam san ko ilalagay yung sarili ko, mahirap kalimutan yung mga bagay na nakasanayan hindi ko alam kung paanong libang gagawin ko sa sarili ko tuwing naalala ko yung moments na kasama. Salamat sa higit 2yrs nating relasyon na ikaw yung naging pahinga ko. Masaya ako para sayo ngayon lalot na magkakaroon kana ng sarili mong pamilya.

  • Ray D. Yow
    Ray D. Yow 6 หลายเดือนก่อน

    Ito cguro yung feeling na halos sigurado kana at alam mo na sa sarili mo yung tahanang uuwian mo then pag-uwi mo wla na pala yung tahanang yun at may iba ng nakatira =(

  • Cc
    Cc 6 หลายเดือนก่อน

    This is the closure that I’ll do na lang for us. 5 beautiful years with you K. I gave you everything. You were my first. Pero nang dahil sa pangarap nating mangibang bansa para makapagipon, dun lang din pala matatapos at masisira ang lahat. But I am now happy with my own family and ikaw naman kasal na. At some point nga lang kahit we broke up way 2018 pa, I can still sometimes feel na parang may kulang. So siguro ito na lang yung way, closure siguro para satin. Nagkakakita man tayo at nagkakasalubong pero wala eh, wala nang chance para makapagpaalam. Gusto ko lang mag Thank you. Kahit sa totoo lang ang dami kong nalaman nung nakasunod ako sayo dito sa ibang bansa. Na grabe pala yung mga nagawa mo sakin noon based sa kwento nila. Di ko na ieelaborate pero parang, bakit? Anong nagawa ko sayo para ganun yung itrato mo pabalik sakin? Sobra akong nadisappoint sayo dahil akala ko kilala na kita. Hindi ko alam kaya mo pala yung gawin sakin. Hindi ako nagalit pero siguro naman napatawad na kita kahit nagiwan ka ng permanenteng sugat sa puso ko. Ok naman na ako sa kabila ng trauma. Pero salamat. Sobrang salamat kasi kung hindi dahil sa nagawa nyo, hindi magiging ganito kasaya ang buhay ko ngayon. Mahal na mahal ko ang anak at asawa ko. Salamat kasi natutunan kong tumayo sa sarili kong paa. Naging mas matapang. Mas pursigido. Mas determinado. Salamat. I met you for a purpose. Both a blessing and a lesson. “You were the right person to hurt me, to know my worth. The right person to leave me, to know that I could stand on my own feet. The right person to break me, so that I could build myself on my own. You were the right person that lead me to where I am supposed to be.” So I could never thank you enough. Sayang na I think I could never know your side na pero siguro that’s how it should happen. Let’s continue to be happy na lang with our own lives. :) Salamat sa kantang ito na nagpaalala sakin ng nakaraan. Masakit na karanasan pero di ko na nais pang balikan. Sarado na. Tama na. Paalam, K.

  • Christian Rodriguez
    Christian Rodriguez 6 หลายเดือนก่อน

    Angas since day 1 🔥

  • Wilmer Monsale
    Wilmer Monsale 6 หลายเดือนก่อน

    Nice nice... Great Work...

  • Nateee
    Nateee 6 หลายเดือนก่อน

    Galing talaga.... 🤩🤩🤩

  • Ryan Joseph Hugo
    Ryan Joseph Hugo 6 หลายเดือนก่อน

    Angas!!! 🔥🔥🔥

  • Shaine Ann Juegos
    Shaine Ann Juegos 6 หลายเดือนก่อน

    When po sa spotify ? 🥺

  • H
    H 6 หลายเดือนก่อน

    Nasabi ko naman sau na hindi nagbago ung tingin ko sau mula noon till now. You will always be the person I loved and it will never change. Sbe mo nga iba na ngayon sa noon and yes tama ka naman kaya kung saan ka magiging kumportable o masaya doon ako. May you find your happiness and yung love na deserve mo alagaan mo ang puso mo since diko nagawang ingatan yan before. Maraming ngyare and I'm sorry if natakot ako sa mga pwedeng mangyare pa. Know that hindi lang ikaw nagkamali kundi ako rin kung meron man kabilang buhay. I will still choose you, I will always be proud of you maging anu at sinu ka man.🌹

  • Ruth Jemima Villena
    Ruth Jemima Villena 6 หลายเดือนก่อน

    masaya ka na ba talaga? kasi ako hinahanap hanap pa din kita. hindi ko masabi ang totoong nadarama kasi wala na din namang halaga. nang ikaw ay nawala pilit kong hinahanap yung ikaw sa iba eto ako ngayun may iba ng kasama ( ang aking anak ) kung dumating man ang susunod na panahon kung makikita natin ang isat isa na naghahanap sa bawat isa handa pa ba tayo na tanggapin ang bawat isa kasi ako baka

  • 2229 Manisia Virginia
    2229 Manisia Virginia 6 หลายเดือนก่อน +1

    Tama na siguro? 8years and 5months . not even close to 9 years. parang pag intindi natin sa isat isa ang layo na. Puro bangayan, ganon siguro talaga kapag malayo na yung puso niyo sa isat isa isisigaw niyo para marinig sa kabilang dulo.
    but its life. YOU HAVE TO FEEL THE PAIN FOR YOU TO BE HEALED

  • VanhelaLee
    VanhelaLee 6 หลายเดือนก่อน

    Galiiing! 🔥🤩

  • Micaela A. Cancino
    Micaela A. Cancino 6 หลายเดือนก่อน

    almost 6 years frienship at kamuntikan na maging tayo, ngayon wala na yung muntikan kasi ngayon wala ka na.

  • JENIMY OYANDO
    JENIMY OYANDO 6 หลายเดือนก่อน

    NAA APPRECIATE MO LANG NAMAN ANG BABAE PAG MAGANDA, PERO PAG PANGET OKAY LANG LOKOHIN😭
    WAG NA TAYO MAGLOKOHAN!!!

  • Jayson Agliba
    Jayson Agliba 6 หลายเดือนก่อน

    Hi J🤍 Gusto ko lang sabhin na Mahal na Mahal kita kahit binitawan mo ung 7taon naten. isang buwan lang tayo nag kalabuan pero binitawan moko agad🥺 Pilit kong nilalaban ung saten pero parang ako nalang ung lumalaban hahayaan kita ngayon sana naging masaya ka saken sa loob ng 7years lagi mong tatandaan na kung san ka sasaya dun din ako Mahal na Mahal kita 🤍 Lagi kang mananatili sa puso ko lahat ng masasayang memories naten diko malilimutan yon mag iingat ka lage kung san ka man ngaun Mahal kita J 🤍 hanggang sa Muli 🤍 Mamimiss kita ng sobra 🤍🥺

  • la_ra
    la_ra 6 หลายเดือนก่อน

    Salamat sa pag parandam sakin na isakong bituwin na maliwanag sa madilim na gabi kahit sandali masaya ko samga naabot at maabot mong pangarap ang husay mo palagi numiro uno padin akong taga hanga mo

  • ArJay Cruda
    ArJay Cruda 6 หลายเดือนก่อน

    Basta ako sarili ko naman yung pinili ko. Dahil naubos ako nung binubuo ko yung relasyon na hindi naman ako yung sumira.

  • Cristine Joy
    Cristine Joy 6 หลายเดือนก่อน +1

    nkakatawa nakikinig ako dto.. engage nako ngayon pero parang d nako sgurado sa taong pakakasalanan ko..9years kong hinintay na masabe mo na pakasalan moko pero tangina andto naman na tyo sa point na engage nako sau tsaka ko naramdaman na d na pla ko msaya sau..hrap sabihin sayo kse sa twing excited ka sa mgiging kasal naten aq tong sobrang naguguilty sa gngwa ko sau..dko alm bgla ko natauhan ..

  • IVN Nuñez
    IVN Nuñez 6 หลายเดือนก่อน

    #AgsuntaSongRequest
    Cover nyo Po next
    Alam mo ba? - IVN Nuñez
    Sana mapagbigyan Po 🙏
    Pag nangyari Po to
    It will be the best gift na Po

  • Jerome Sarmiento
    Jerome Sarmiento 6 หลายเดือนก่อน +1

    angass! ☝🏻💗

  • Vince Hernandez
    Vince Hernandez 6 หลายเดือนก่อน

    Mag 3 months na tayong wala nakakalungkot kahit internet love tayo, alam mo at alam ko na nagmahalan tayo at alam ko na napagod ka na kaya di ko alam kung "may bago ka na". May mga bagay akong nagawa na nagpaiyak sayo noon kaya siguro ngayon natitiis mo nang di ako kausapin habang ako sa bawat araw oras o segundo para akong binubugbog sa sakit. Yung pinangako ko sayo noon na ikaw na hanggang sa huli tutupadin ko yan pangako. Kung bibigyan mo man ako ng huling tyansa di ko na yun sasayangin mahal kita ikaw lang wala ng iba at hinding hindi na yun magbabago
    -Bub Bub

  • itstramyer
    itstramyer 6 หลายเดือนก่อน

    Hi , Gusto ko lang ishare ang maikling kwentoo ko , para sa taong nabihag ang puso ko mag hirap pla na bila nalang sya nawala ng walang pasabi , parang ako mababaliw sana mabasa mo to Elly , kung mabasa mo man to sana magreply ka nmn sa mga message ko , Gustoo ko lang sabhin sayo na nahulog na ako sayo ,

  • ariel marciano
    ariel marciano 6 หลายเดือนก่อน

    Hi! Alam ko naman na di mo to mababsa wis. But mahigit isang taon na din simula rumupok yung pagmamahalan natin. Oo kasalanan ko. Pero until now yung pag ibig ko sayo ganon pa din. Walang nag bago mahal na mahal pa din kita. Sa ngayon ang tanging mgagawa ko lamang ay mag hintay. Kung nasaan ka man ngayon alam kong masaya kana pero palage ka mag iingat. Iloveyou as always palage lang ako nandito para sayo🥺💙

  • AnakNi BeBot
    AnakNi BeBot 6 หลายเดือนก่อน

    SHAWTAWT SAYO AKING MAHAL NA MARYA

  • Ana Rinia Aurelio
    Ana Rinia Aurelio 6 หลายเดือนก่อน

    8 years na sana kami kahapon hayssss. 1 month since ng break kami, ang hirap mag umpisa ulit.. Mas pinili nlng nya maging kaibigan nlng kami..

  • Picot Snippet
    Picot Snippet 6 หลายเดือนก่อน

    Zel alam ko umalis kana sabi mo mapapagod ka lang pag napagod nako pero di mo naman nagawa un, ikaw unang napagod akala ko tanggap mo kung ano ako pero iniwan mo ako salamat na sinamahan at pinasaya mo ako kahit papaano akala ko ikaw na talaga pero umayaw kana sana malaman mo ung totoo baby I'm sorry mahal na mahal kita

  • AnakNi BeBot
    AnakNi BeBot 6 หลายเดือนก่อน

    SHAWTAWT SAYO AKING MAHAL NA MARYA

  • Jack Doringo
    Jack Doringo 6 หลายเดือนก่อน +1

    To lame, my 2nd love na dinaig pa ung sakit na naramdaman ko nung baliw pa ako sa 1st love ko.. wala e.. mas nabaliw ako sayo kahit na hindi ganun katagal simula nung pinadama mo sakin na meron akong pag asa. Akala ko lang pala, kasi hindi ko natanggap ung matamis mong oo, kasi hindi nagawa ung mga bagay na dapat kong gawin para mag stay ka sakin, kasi hindi mo na ako hinayaang hintayin ka hanggang sa pwede na, ang hirap maging boring na tao. Introvert nga ata talaga ako. Haha. well naiyak ko na lahat ng kirot, pero nandito parin ako kapag nagbago ung isip mo.. nakakatakot na mag take ng risk sa iba.. pero kung sayo ulit ako dapat mag take ng risk, gagawin ko. Sana dumating ung panahon na mag bago ung isip mo kasi nandito lang ako parati para sayo. Kung darating man un. Mas ipadarama ko na sayo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.. sa ngayon, magpapasalamat ako sayo kasi kahit saglit lang un. Naging sobra kong saya sa tuwing kasama kita. Those pictures had and those videos we made. Sa tuwing napapanuod ko un ung ngiti ko d ko mapigilan and at the same time sobrang nasasaktan parin ako .. di mo kasalanan un.. kasalanan ko un kasi minahal kita agad ng sobra hehe.. at un ung huli kong sasabihin para sayo, sorry kasi minahal kita at nag expect ako ng sobra. Sorry kasi hindi ako naging sapat para manatili ka..Kung hindi talaga ako yung para sayo.. sana ung lalaking magmamahal sayo ay hindi kasing boring ko. Sana ibigay nia ung pagmamahal na nararapat para sayo.
    Yun lang.. ang dami ko pang gustong sabihin pero ok na cguro to haha.. salamat at patawad.. take care, i love you always and Godbless lame.. .

  • Hightech
    Hightech 6 หลายเดือนก่อน

    its been 7 months since naghiwalay tayo pero ito ako still andito umaasa na baka sakaling maayos or bumalik tayo sa dati naalala ko pa.ung sinabi mo.dati sakin na? hindi mawawala ung love mo para sakin na kahit gaano kahirap na mas mangingibabaw ung pagmamahal mo haha umasa ako dun sobra hangang ngayon pero issng araw nagising tayo na wala na wala na ung sinasabi mo na hindi mawawala which is yung love mo. pero hindi ako bumitaw almost 3 months na mag partner na lang tayo sa salita na hindi mo na kaya sumagot man lang ng iloveyou pero nagtiis ako para maipakita sayo na kahit ganun na ung sitwasyon kakapit ako pero naawa ako sa sarili ko sobra kasi naging one sided na lang ako na lang ung nagmamahal kahit masakit ako na lang ung umalis ako na ung bumitaw kasi habang ako pinaparamdam na mahal na mahal kita mas kalo mo nilalayo ung loon mo sakin.pero nagsisi ako sa desisyon ko na yun and until now sinusubaybayan ko pa din mga nangyayari sa buhay mo and mahal pa kita hindi nawala yun.its been 7 months since naghiwalay tayo Goodluck sa tatahakin mo na landas maging masaya ka sana malapit ka na maka graduate ng college plano pa natin dati gusto mo masaksihan ko ung isa sa pinakaimportanteng event sa buhay mo pero ito hindi ko na masasaksihan pero nakasuporta ako sayo Imissyou sobra and iloveyouuu dami ko gustong sabihin sayo pero baka mabalewala lang
    nagiiss ka dito sa pusot isip ko lagi ka may special place dito walang makakapalit magingat ka palagi iloveyousomuchmore miamore! sana mabasa mo ito .

  • Vince Hernandez
    Vince Hernandez 6 หลายเดือนก่อน

    Hi alam kong hinding hindi mo to mababasa ayaw naman kita i dm kasi mag 3 months palang naman bakit meron na agad iba? Bilis hahaha habang pinagmamalaki parin kita sa iba may pinagmamalaki ka ng iba, habang patuloy kitang iniisip iba na iniisip mo, habang patuloy kitang minamahal may minamahal ka ng iba. Madami na nagsasabe na baka "MERON KA NA" hindi ako naniwala kasi hanggang ngayon umaasa pa ko. Sorry kung patuloy parin kitang minamahal mahal ko.

  • Ron Umbaligan
    Ron Umbaligan 6 หลายเดือนก่อน

    nice one LODI..!

  • Madelyn Bañar
    Madelyn Bañar 6 หลายเดือนก่อน

    Hello sa ex kong si Bryan DelaCruz kamusta kana ? I still remember padin kung pano moko tinalukuran at sumama sa babae mo. Sobrang unfair mo ? All this time inintindi kita sa lahat ng mga nangyari sayo , even my self kinalaban kona na , sinabi kona na enough na kasi hindi na healthy pero wala pinaglaban padin kita sa lahat kahit na magmuka akong tanga , diko alam bakit dimo kayang bumalik saken , hanggang ngayon may tanong padin ako kung bakit nangyari ito saten, kung bakit andali sayong itapon lahat lahat for almost 2years wala tayong naging problema, hindi ako napagod sayo even in your darkest day ako nanjan for you but you choose to left padin 🥺 . Imissyuuuu lagi mong tatandaan ikaw at ikaw padin ang tahanang gustong gusto kong balikan 😭

  • Pluma at Tugmaan
    Pluma at Tugmaan 6 หลายเดือนก่อน +1

    pashout out po mga idolss , since day 1 of my layff

  • Jay Pot
    Jay Pot 6 หลายเดือนก่อน

    Hello 2 yrs, And Hello A. Almost 1month na din pala na hindi ka na nagpaparamdam sakin, Ewan ko ang dahilan mo at hindi ko na din matatanong dahil block na ako sayo, Wala kang sinabing dahilan ang ginawa mo lang basta block na parang hindi mo ako kilala. Hindi ako maka look forward dahil hirap parin ako na kalimutan ka. Ang hirap bitawan ang 2 yrs na yun marami ang masasayang alaala, Hirap ako bitawan ka dahil mahal parin kita. Pero dahil Ngayong wala ka na hindi ko na alam kung saan ako pupunta, Pero salamat sa panahon na Ikaw ang naging takbuhan ko at naging sandalan ko, kung ano man ang tatahakin mo na landas na wala na ako alam ko na makakamit mo. Lahat ng pangarap natin plano natin ako na lang magtutuloy sa baguio at tagaytay, lahat yan tutuparin ko kahit wala ka na sa tabi ko. Sorry at Salamat A.😔

  • Grim Gaming
    Grim Gaming 6 หลายเดือนก่อน

    Okay lang, atleast isa satin ay Masaya na. 🙂

  • JOHN CLARENZ TRIVIÑO
    JOHN CLARENZ TRIVIÑO 6 หลายเดือนก่อน

    bigat naman nyan mga idol

  • Marc San Diego
    Marc San Diego 6 หลายเดือนก่อน

    Gusto ko lang sabihin na mahal ko yung kababata ko noon pa man at hindi nagbago yon kaso nga lang wala na kong pag asang mahalin sya dahil may mahal na syang iba. Gayunpaman, masaya akong masaya ka sa kanya. Sana sya na talaga yung para sayo, kasi alam kong mahal nyo ang isa't isa. Kung mabasa mo man to Dianne, gusto ko lang malaman mo na masaya ako na nakilala kita at naging parte ka ng kabataan ko. Sana magkita pa tayo soon...

  • Pillow Karaoke
    Pillow Karaoke 6 หลายเดือนก่อน

    Agsunta lang sakalam. ♥♥♥

  • John Paul Bautista
    John Paul Bautista 6 หลายเดือนก่อน

    Lods Pa request ng sway by bic runga salamat😊

  • Guitar Pickup
    Guitar Pickup 6 หลายเดือนก่อน

    To my totga. How r u? Im always checking ur socmed. As usual minsan nakikita ko minsan blocked ako haha so cute. Idk kung galit ka sakin pero isa lang ang sigurado ako. Yun ay yung nasaktan kita :c Sorry kung sumuko nako. Ang hirap mo kunin kasi hindi ka naman talaga para sakin🥺 I pray na maging okay ka na at kung makahanap ka man ng iba, magiging masaya ako para sayo. Stay healthy bbdoc. Salamat sa 8 yrs.

  • Boz Sheldon Mandac
    Boz Sheldon Mandac 6 หลายเดือนก่อน

    Ung ex ko nga binalikan ako para mabuo lang ulit pagkatapos binalikan lang ung ex niya ulit...diba ang sakit este ang kulit☺

  • John carlo Tobias
    John carlo Tobias 6 หลายเดือนก่อน

    Pa shout out naman next upload nyo my idolllll

  • Mark Francis Luna
    Mark Francis Luna 6 หลายเดือนก่อน

    galing talaga mag bass ni sir ed caluag

  • alex alex
    alex alex 6 หลายเดือนก่อน

    Feb 18 lang kami nag hiwalay. 8 yrs 5 months and 20 days din kami akala ko kami na talaga. 4 yrs na kaming nagsasama. Imbes na kami lumutas ng problema nag pacomfort sya sa iba na nainlove sya 😭 ako ngayon yung sakit na sakit dahil 3 yrs na kong nag sasuffer mag isa sa problems namin ng hindi nya alam dahil takot akong mahirapan sya pero ako pa din pala ang talo.
    Nag pipretend ako ok na ko pero shempre mahal na mahal ko pa din sya.

  • Aldrin Cao
    Aldrin Cao 6 หลายเดือนก่อน +1

    Mapanaket!

  • TM11P1-Jhed Igot
    TM11P1-Jhed Igot 6 หลายเดือนก่อน

    It's been 5 years since niinom kog koi herbal capsul, sukad nitumar kog koi herbal capsul nawa akong sakit sa kasu kasu'an.

  • Seven Eleven
    Seven Eleven 6 หลายเดือนก่อน

    Hi, alam ko hindi mo naman ‘to mababasa but I just want to say na mahal na mahal pa rin kita. It’s been what, a year? I guess. Akala ko nakausad na ako sa’yo eh, I was even able to love someone else. Now I feel so guilty kasi when I ended our relationship, I have realized that I still love you. That I can’t be unfair to him. Sinanay ko lang siguro yung sarili ko na galit ang nararamdaman sa’yo pero yung totoo, mahal na mahal kita at hindi ako makausad-usad sa’yo. I still go to your profile, stalks you everyday and even borrowed my cousin’s account to stalk your private account. Mahal pa rin kita, mahal ko. I’m on the process of improving myself now and sana, sana kapag pwede na, pwede pa. I wish I can be your girlfriend again. I want to win you back. Hindi ko kayang makita na mapunta ka sa iba, sa bestfriend ko. Gusto kitang ipagdamot pero wala akong magagawa kung siya na yung gusto mo. Pero sana, sana may lugar pa ako dyan. Pagtatrabahuhan ko. Willing ako, aasa ako sa pagkakataon habang gumagawa ng paraan. At sa susunod na maging tayo ulit, hindi na kita pakakawalan pa.
    And to my ex, after you. I have loved you with all the love I can give. I never faked my love to someone, I really did loved you but not as much as I love my totga. I know I’ve wronged you and I understand if you can’t forgive me. I wish you all the best.

  • MikeFLaMe
    MikeFLaMe 6 หลายเดือนก่อน

    Request po cover nyu po Gusto ko nang bumitaw by morissette

  • JV Dris
    JV Dris 6 หลายเดือนก่อน

    Lagi nalang puro pain tayo agsunta ah 😂