Santacrusan sa Turin Italy '24

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 5 ก.ย. 2024
  • Ano ang pagkakaiba ng FLORES DE MAYO at SANTACRUZAN?
    Ang Flores de Mayo o Flores de Maria ay isang debosyong patungkol kay Maria na ginagawa natin sa buong buwan ng Mayo. Ang pag-aalay ng bulaklak, pagdarasal at pag-awit ng pagpupugay sa Birheng Maria ay nagsisimula mula Mayo 1 at nagtatapos sa ika-31 ng Mayo na pagdiriwang din Kapistahan ng Pagbisita ng Mahal na Birhen kay Elisabet. Sa huling Linggo
    ng buwan ay ginaganap ang engrandeng prusisyon ng mga sagalang kababaihan na kumakatawan sa Birheng Maria. Ang tradisyong ito ay nag-umpisa sa Bulakan sa pangunguna ni Padre Mariano Sevilla.
    Ang Santacruzan ay tungkol sa pagkakatagpo ni Reyna Elena, Ina ng Emperador Constantino sa Tunay na Krus. Ito na ipinadiriwang tuwing ika-3 ng Mayo. Ang krus na may palatandaang “INRI” sa itaas na bahagi ay natagpuan ni Reyna Elena sa Jerusalem makaraan ang halos 300 taon mula ng ipinako ang Panginoong Hesukristo. Ang tradisyong ito ay pamana sa atin ng mga kastila.
    Magkakaiba ang dalawang tradisyong panrelihiyon na ito. Ang kaugaliang pinagsasama ang dalawang ito sa iisang pagdiriwang na nakapagdudulot ng kalituhan sa mga tao...

ความคิดเห็น • 1

  • @RudyBlog-uf5wg
    @RudyBlog-uf5wg 2 หลายเดือนก่อน

    May ganyan din pala sa italya.