I am Korean. Please do Not become illegal in Korea 🙏 The problem is that people of the same nationality can be harmed by an individual's misbehavior. This is because the more illegal stays, the more difficult it is to issue work visa. This is why E9 visas are delayed even if passed all the tests. In serious cases, it takes several years. In fact, Korea is currently banning Thai people from entering the country due to illegal issues. So, Thai people are also angry and arguing "racism" in Korea 😥 Interestingly, illegal immigrants are pronounced as "Pinoy" in Thai language. I don't know why and where it came from tho 🤔 I have been to the Philippines to donate medicine and stationery through my church. I was sad because the living conditions in the Philippines were not very good. I hope Korea will be an opportunity for many Filipinos 😌
As you have said, the living condition in the Philippines is not good sir, so that's the reason why Filipinos choose to stay in South Korea even without proper documents. They don't care about other people because those people do not even care about them...you can not help them feed their families if ever they go home, so please pray for them instead, to be safe whatever they do, even if they are illegal immigrants..
mabait at mabuti ang iyong kalooban lods, hinding hindi ka pababayaan ng ama ❤ salamat sayo lods, isa ka sa inspirasyon ko! magpapatuloy parin sa pagsuporta sayo, fighting
Isa ka sa inspiration ko lods para makapunta dto sa korea..may mas magandang plano ang dyos para sayo lods.sana ma meet kita someday. Tuloy tuloy padin ang vlog lods.. solid support pa din . Idol.thank you so much lods
Kahit saang bansa myron tnt dahil sa hirap ng buhay sa pinas. Kaya dapat pahalagahan ng pamilya natin ang pinaghirapan ng mga ofw buwis buhay ang kanilang ginagawa sa ibang bansa para sa pangarap nang naiwan pamilya sa pinas.😢 fighting lng idol.🙏
Sana maimprove na ang economia at pn gkabuhayan lalo na manufacturing indu stries pra may sapat na trabaho pra sa m ga Pilipino at di na k ailangan pra mangib ang bansa mgtrabah o at mg TNT
Sana nga po mam, pero sa tingin ko malabo pong mangyari, hanggang pangarap nalang po tayo. Sa malalang corruption sa pinas, mga pulitiko na sarili lang ang iniisip at hindi ang kapakanan ng mga mamayan. At maiimpluwensiyang tao ang nagpapatakbo ng bansa. Malayo po tayo na maging katulad ng South Korea..o iba pang mauunlad na bansa.😢😢😢
oks lang lods...marami naman pwede aplayan abroad ...pray lang lagi at ang panalangin ay napaka bisang paraan upang magkaroon tayo ng lakas ng loob na malampasan ang mga pagsubok at problema na ating kinakaharap.
Maraming salamat po mam. Yun po ang pinanghahawakan ko sa ngayon, na merong mas magandang opportunity para saken si Lord.. sana, maka-alis pa po ulit!🙏🙏🙏
Maraming salamat sa info. Bro.,, mag ingat ka palagi jan.. saludo ako sayo bro.,❤❤ i hope makahanap ka ng maayos na kabuhayan para sa mga mahal mo sa buhay
Ok lng yan lods ... 7 years nko dto tnt sa sokor ayoko pa umuwi dami pako pangarap na gusto ma tupad at maraming lugar pa na gusto ko pasyalan sobrang ganda ng sokor..
Thanks for the information.. tama o mali man ang maging tnt at least palagi mo nmn iniisip yung kapakanan ng iyong pamilya.. marami k pa mang obligasyon kayang kaya mo nmn yan lods.. nakikita ko na maparaan ka at hindi namimili ng trabaho.. magiging okay din ang lahat.. God will provide all what you need .. ingat palagi.. May God bless you🙏
Salamat talaga kuya marlon nung nasa pinas ako kaw mga vlogs mo nun pinapanood ko nagpapalakas motivate s akin ..tuloy p din sna pag vlogs mo kuya marlon vlog mo kunh anung pag aabalahan mo jan s pinas anung business ang itatayo mo.sna matapos ko din kotrata hirap dito s company namin tiis2 talaga malala.
Kahit saan naman tlga marsming tnt kasi nga tayong mga pinoy para sa pamilya gagawin natin ang lahat ng pagtitiis at pakikipagsapalaran..nasa resident na ako ng Malaysia dahil nakapag asawa ako ng Malaysian pero bago pa din yon marami akong pinagdaanang hirap d2..mas mahirap ang tnt d2 pag nahuli ka lalu na sa lugar ng work mo, maghihintay ka pa na ma court ka,kaya dapat tlga di ka aamin na nag wowork ka,tpos maghihintay ka pa din minsan inaabot pa ng 1mnth kahit pa may pambili ka na ng ticket ,yong pagkain pa di mo halos makain..mabuti nga sa Korea agad agad deport na at di na magtatagal ,pero ganoon pa man mahirap tlga ang maging isang tnt kasi nga laging may kaba ka sa dibdib pero tiis at tyaga tlga tayong mga pinoy para sa pagmamahal sa pamilya..God have better plan for you and for your family ..God bless po.
Thank u so much po mam for sharing your story. Tama po kayo, tayong mga pinoy pagdating sa pamilya lahat susubukan kahit illegal pa yan para lang maibigay ang mga pangangailangan pamilya. Sobrang hirap po pala jan kapag nahuli ang isang tnt. Kaya saludo ako sa mga kababayan natin na kahit ganun ang maari nilang sapitin, nakikipagsapalaran pa din para sa mga pangarap at pamilya! Ingat po kayo palagi jan mam, God bless you always po!🙏🙏🙏
Tama po...pag artista dto sa korea need po talaga mag ipon wag gasto ng gasto kc d natin alam ang magiging sitwasyon na parating... d lng po sa korea po kundi pati na sa ibang bansa...ipon po talaga pra atleast mn lng my ipon ka pag uwi na pra maka pag sisimula ulit
15 yrs n tnt mister k s SK s awa ni Lord nandon prin sya hnggang ngayon dhil my mga student p mg isa lng sya pinoy s company nila kya mejo safe ingat po kyong lhat jn mga kabayan
Mukhang maluwag sa SK, mahal pa ng sweldo. D2 sa japan 🇯🇵 sobrang higpit un 3 tnt d2 sa work ko tinanggal ks nga takot dn si boss, baka ks mapasara ang company nya , mura ang sweldo d2 sa japan 🇯🇵 , polishing accessories
@@erwineogawa6007 opo maluwag don at free accommodation din sya s company npkadami po tnt don n iba ibang lahi 10 yrs din ako ng tnt don at hindi po ako nhuli ng voluntary exit ako welder po yung mister ko don kya above minimum sahod nya
@@erwineogawa6007sa japan kasi sir,pag may nahuling tnt dyan,pati company o mga establishments tulad ng mga bar o club,ipinipasara talaga ng govt dyan sa Japan,di tulad dito sa S.Korea,penalty lang ang kailangang bayaran ng company.galing din ako dyan sa Japan as entertainer dati
Grabe bro nakakabilib ka din nakakalungkot na nahuli ka pero na salaysay mo parin ng may pa joke yung mga vietnam talaga pag nag usap parang palakasan sila ng boses eh haha anyway sana maging ok parin daily life natin dyan sa pinas GODBLESS po
Depende lods sa status jan. Ang isang eps kasi after ng contract Lalo na Kung may edad na, wala ng chance makabalik kung hindi sincere..so Kaya sila nagti-tnt. Minsan nga kahit F Visa kapag hindi ni-renew ng koreano nagiging tnt din diba, kung ayaw pa umuwi ng pinas..Yung ibang tourist na nagpupunta jan nakaplano na yun na maghahanap sila ng trabaho jan at tatakbo, sinasamantala lang nila ang opportunity lods, dahil nga naman sa hirap ng buhay dito sa pinas, hindi din naman lahat maraming ipon, dahil hindi naman pare-parehas ang mga responsibilisad natin sa buhay.
Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin sa china apat kaming magkakaibigan nahuli dahil sa OS. What a sad experienced pero God is good at nakauwi din ng safe
Mahirap talaga kabayan at nakakatakot..Yung iba jan napapadumi o napapaihi sa salawal dahil sa sobrang takot, yung iba talagang iyak ng iyak. Ako pinilit kpng kumalma pero hindi ko napigilan, nanginginig din ang buong katawan ko...nakakalungkot na karanasan din pero kagaya ng nangyari sayo kabayan, laking pasalamat ko sa Diyos at nakauwi din ako ng ligtas.
@@JustforFunTV9880 tama ka jan kabayan. Tama lahat ng sinabi mo nakakainip sa loob 😅. Buti apat kaming magkakaibigan nagkasabay nahuli sa loob ng restaurant. Anyway nagtrabaho kami sa resto at pinabayaan namin visa namin na maexpire .Yun ang karanasan ko na diko malilimutan.
Sayang kabayan. Sapalaran talaga ang pagiging isang tnt. Walang kasiguraduhan kung hanggang kelan at hanggang saan. Pero ang pinakamagandang nangyari, nakauwi pa din tayo ng maayos sa ating pamilya at sa ating lupang sinilangan!🇵🇭
Panu po kung pumunta ng korea seasonal taz di tinatpos contrata nag runaway then nahuli ng police anu po ang parusa deport po bah o makukulong muna. Thank you po sa pagsagot.
Kapag nahuli ang isang tnt dadalhin sa detention cell muna o sa kulungan. I-verify ng immigration kung wala namang mga mabigat na kaso sa Korea or mga pending cases. Kung wala, tapos meron na siyang pambili ng plane ticket, pauuwiin din agad siya.
Have a blessed to u sir idol Marlon Dami mong experience don't worry may good plan si Lord para s u be strong lng Po at dasal lang maging maayos Ang lahat sir idol ask lng Po Yung si ate 23, year stay paano Po Ang renewal Ng passport Niya at pwede k b makapag apply sa ibang country thank Po sa mga sharing ur experience ingat God bless you always 🤗🤗🤗🙏🙏🙏🫰🫰🫰
Thank u so much po mam. About sa renewal pwede pong magrenew ng passport sa Korea kahit tnt. Punta lang po sa Philippine Embassy, kuha po ng appointment online. Yes po pwede pang mag abroad ang isang tnt pag-uwi ng pinas, sa Korea lang naman po naka-ban mam.
Tagal mo na jan boss...Kung sa tingin mong Kaya na uwi kana para makasama naman ang family. Piliin mo magsurrender boss, para smooth ang pag-uwi..hirap sa kulungan boss, nakakainip!
Mahirap kasi tago ka ng tago, mahirap kasi minsan makakaranas ka ng unfair treatment sa mga korean..mahirap kasi malayo ka sa family mo at nag-iisa ka...pero masarap kasi kumikita ka ng malaki at naibibigay mo mga pangangailangan ng family mo. Tiyempuhan lang, may mga nahuhuli ng maaga, meron namang matagal. Basta ingat lang Kung sakali, at mag-ipon haangga't maari.
try nyo po mag apply sa mga BPO na naghahanap ng marunong mag hangul medyo ok na din kahit papano ang swelduhan d nga lng kasing taas ng sahod ng nasa korea.
Kung hawak mo Yung ATM sir pwede mong i-request na i-withdraw sa ATM. Kung naka online banking ka naman pwedeng i-transfer sa ibang account sa pinagkakatiwalaan mo sa labas...Yung saken po pinadala ko sa sarili ko dito sa pinas thru remittance kasi gumagana naman po ang online banking kahit andito na sa pinas.
Brads MARAMING SALAMAT SA IYONG PAG BABAHAGI, tunay na totoo lahat ang iyong inilahad. Tanong ko lang ku may na tatak ba sa Passport mo sa Immigration Korea or Philippines na Deport ka ,na pwedeng maka epekto in the guture ba..curious lang Sir. Sana matugunan. GOD Bless U n ur Family
Dati boss kapag deport ka merong tatak ang passport, pero ngayon meron pong bagong policy ang South Korea, hindi na po sila nagtatatak ng passport sa departure, sa arrival po ang tatak nila, pagbalik o pagpasok mo ng Korea. Kaya itong passport ko po ay walang tatak, kaya pwede pa pong magamit kung mag-apply ka sa ibang bansa. Pero advice naman po samen sa immigration natin dito sa pinas, para daw po malinis ang record kung balak po uling lumabas ng bansa, mas mainam daw po na kumuha ng bagong passport, pwedeng lost passport basta daw po mawala yung record at maging malinis po ang record dahil bago ang passport.
Ang isang EPS kapag natapos ang kontrata pwede pong maging SINCERE WORKER kung qualified po siya. Kung saan pipirma ka ng kontrata bago ka umuwi ng pinas. Need po umuwi ng pinas para ayusin ang bagong visa. Kailangan pong magsubmit ng mga documents sa DMW. Kung hindi naman po ma-SINCERE kung hindi pa naman po over age, pwede pong mag-exam ulit, basta 1 entry palang po sa Korea. Pwede din naman pong mag-upgrade ng visa, from E9 to E7. Pero may mga certain requirements din po. Yun po ang alam kung hindi na kailangan umuwi ng pinas para ma-renew ang visa.
Hindi lods, kasi kapag surrender ka bibigyan ka ng DEPARTURE ORDER, pero need mo magreport sa immigration office na malapit sa iyong lugar na may dalang plane ticket at yung iyong passport...
pag may anesti para sa manga tnt bili kalang ng plane tiket ipakita molang sa imigration tapos na maka uwi kana ng walang haszel ganyan ginawa ko nuon 5yirs akong tnt dian sa korea
Kuha ka muna ng ticket boss, depende sa season ang ticket..saken numg napauwi ako 240k won. mura lang kapag walang holiday. Tapos kapag may ticket kana, punta ka sa malapit na immigration office jan sa lugar mo, mga atleast 10 days bago ang flight na kinuha mo..para maayos mo pa mga dapat mong ayusin kung dati kang eps, kung hindi naman para mai-box mo pa ang mga gamit mo at maipadala na sa pinas bago ka umuwi. ganun lang kadali boss..
Yung twaejikum na galing sa company nakuha ko bago ako nag-G1 visa lods after ng E9 visa ko, pero installment na binigay ng amo ko, hindi pa nga kumpleto, may balance pa na 2M ang amo ko saken. Yung Samsung Twaejikum or yung Hwajae na sinasabi, inayos ng immigration lods habang nasa kulungan ako. Dun kinuha yung pinambili ng ticket ko pauwi. Yung sobra ibinigay saken. Yung kookmin lods kasalukuyan kong inaayos dito sa pinas, kinukumpleto ko lang ang mga requirements then ipapadala ko jan sa Korea, sa NPS. Iba-vlog ko din ang proseso lods para may guide yung mga kababayan natin kung sakaling mahuli din sila.
Mostly sa mga ganyan kasama ang asawa lods, o nagkaakroon na ng partner dun..yung iba naman yung asawa nakakakuha ng multiple entry na visa lods kaya ok lang kasi nagkikita naman..minsan kasama pa mga anak.
Dati kabang EPS lods?.. Kung dati kang EPS kuha ka muna ng plane ticket. Tapos magreport ka sa pinaka-malapit ma Immigration Office sa lugar mo dala ang passport at plane ticket mo..Kumuha ka nga pala ng ticket atleat 10 days before ang flight para maayos mo pa ang mga benefits mo..bibigyan ka ng DEPARTURE ORDER sa immigration na pupuntahan mo. Pagdating sa airport smooth na magiging pag-uwi mo lods, derecho ka lang sa departure area parang regular na passenger lang.
Ingat lang lods..para maging smooth ang pag-uwi lods mag surrender ka nalang. Punta ka sa pinaka malapit na immigration office sa lugar mo. Pero bili ka muna ng plane ticket tapos passport.
Lods cguro kung nasa dti kapang company s foam, baka ndi kpa mhuhuli,. Mas maganda tlg kung mgtnt ka dpt ang papasukan mo kakaunti lng kayo empleyado or sajang lng ksma mo s work
Ou bro, yun din iniisip ko. Kung hindi ako umalis dun baka hindi pa ako napauwi. Kaya lang wala na lods, hanggang dun nalang din siguro. Si Lord na ang bahala lods! Basta ingat palagi jan lods!
kung voluntary surrender ka pwede mong ayusin bago ka umuwi bro, possible makuha mo sa airport kagaya ng ginawa ng tropa. pero kung deported sa pinas mo na aayusin lods..
Actually Korea is a v ery generous countr y maski TNT nay mg a medical assistance ng mga christian ch uches pinapagamot mga me sakit . Dahil nong mhirap ang Ko rea mrami din Korea ns ang ng TNT sa A merica
Tama po kayo jan mam..Hindi sila abusado. Kahit TNT ka they will treat you well. Maraming mga hospitals jan na pwede ang mga TNT, yung iba nga libre pa pati gamot at maintainance.
yung kookmin lods dito na sa pinas inaayos ko ngayon..yung samsung twejikum nakuha ko bago ako umuwi inayos ng immigration lods..binigay lang saken yung pera.
Immigration na ang mag asikaso ng papelis mo . Iaabot nlng sau pag uuwi kna😊bayad cyemprw sa ticket...basta ibigay mo lng detalye sa knila . Bhala na sila. Magtatagal ka lng cguro .1-2 weeks maybee
Ako lods pinangako ko sa sarili ko kpag naselect ako isang kontrata lang. Magiipon lang ako tas uwi na ako. Hirap mawalay sa pamilya eh. Lalo maliit pa anak ko.
Tama ka jan lods. Maganda yang plano mo. Mahirap mawalay sa pamilya lalo na at may mga anak ka. Lumalaki lang sila sa litrato pero hindi mo nakakasama kapag nasa abroad ka. Keep praying lods, matutupad yan basta alam ni Lord na para sa mabuti at para sa pamilya!
Hinde mo rin po masabi yaan lalo na at di mo alam ang company na mapupuntahan mo. Minsan di maganda wala ot mababa ang sahod marami na ako nakilala na nag sabi nyan pero ilang taon na naandito pa rin. Masasabi mo lang po yaan kapag nakarating kna dito.. at pag tapus na contract mo.
Pwede kapa din mag-apply abroad, sa Korea kalang naka-ban lods..kuha kalang ng bagong passport para malinis yung passport mo. Ngayon kasi hindi na nagtatatak ng passport ang Korea kapag departure..kahit deport ka, kaya malinis..ewan ko lang kung pwede pang gamitin tong passport ko sa ibang bansa, wala naman siyang tatak ng deportation lods.
Yung Samsung Hwajae ko lods sila ang umayos sa immigration, yun ang pinamasahe ko, may sobra pa. Yung Kookmin naman nilalakad ko palang dito ngayon lods. May mga forms na ida-download sa NPS website, i fill-up lang, ipapa-affidavit, notary at apostile tapos ipapadala sa NPS sa KOREA through mail.
Nung nasa kulungan ako lods trinansfer ko sa account ng kaibigan ko lahat nung pinahawak samen Yung mga cp namin..naka-online banking naman ako..bale Yung kaibigan ko nalang ang nagpapadala saken sa pinas lods.
Meron lods, may nakausap ako dati, invite siya ng kapatid, pero saglit lang siya nag-over stay nun. Binayaran nila yung penalty nya, maliit lang kasi saglit lang naman. Kaya siguro nakabalik din siya. Babae yung nakausap ko na yun lods.
May mga company na hindi qualified kumuha ng eps, wala din naman mga korean na gustong magtrabaho sa kanila so no choice sila kundi kumuha ng tnt..Yung ibang amo naman para makatipid tnt nalang ang kinukuha. Ang eps kasi may mga benefits, kookmin, twaejikum sa tnt twaejikum lang walang kookmin, kahit papano nakakatipid sila.
Last March nahuli ang bf, ko bayaw nya at pamangkin nya 😢 saktong patapos yung bahay na pinagawa nya haizt ngayon wala ng natira sa ipon nya, balik sa pagbubukid 😊 gustong gusto ng amo nyang bumalik sya kaso banned na sya 🤦 nakakabored daw kc wala na syang sweldo na 100k monthly 😅
Tama ka jan mam totoo po yan. Talagang mami-miss mo yung sahod sa Korea kapag andito kana sa pinas. Lalo ng kung iku-compare mo ang sahod dito sa pinas at dun sa Korea, mapapaisip ka talaga ng malalim mam😅. Tapos kung may responsibilities kapa dito sa pinas na hindi pa tapos, talagang nakakalungkot.😢
Pls maawa kayo samin na kapwa nyo pilipino na nakatira dito.kung gusto nyo magtrabaho sumunod sa tamang batas dito.wag natin dalhin ang katigasan ng ulo natin tulad sating bansa na walang oagsunod sa mga batas at walang paggalang sating mga batas kaya ganyan ang ating bansa.dami ko kilala dito na mga ilqng buwanan lang na mga viet.pero sumusunod sila sa batas at yun pabalik balik sila at inaapprobahan nman sila at hindi sila nagiging ellegal.kaya mas marami na ngayon ibang bansa na mas inaapprobahan kesa sa pinas😢ewan ko lang po kakalungkot lang 😢
Pangalawa po ang Vietnam sa pinaka-maraming tnt jan sa Korea, sila nga ang pinaka-marami sa kulungan...nangunguna po ang Thailand...pero magtataka ka madali silang makapasok sa Korea..kanya-kanya lang po tayo ng diskarte.
Lods! Bakit Hindi kayo tumatawag sa Embassy para matulungan nila kayo! Kasi ang ibang bansa yon ang turo sa kanila na tawagan ang embassy nila kapag nahuli sila dahil alam ng bansa nila na mag iilllegal worker sila sa Korea or saan mang bansa kaya kapag nahuli sila may local na abogado sila mula Embassy nila na mag aasikaso sa kanila para makauwi agad. Sa atin kasi Hindi tino tolerate ang mag tourist tapos magtrabaho at mag tnt sa ibang bansa allowed sa kanilang bansa. Sa Pilipinas kung gusto mong magtrabaho sa Korea or saan mang bansa ay may POEA na mag aasikaso para maging LEGAL worker ka at ayaw ng Gobyerno natin na mag illigal worker or TNT lalo na ang mga babae napapahamak kapag nakulong lalo na sa mga bansa na mahina ang Human rights at ginagahasa at ang napuputukan ay ang immigration na nag approved sa pag alis nya, Pero ang ibang bansa allowed sa kanila kaya na brief na sila just in case mahuli. Mabuti pa pala sa Greece kapag nahuli ka na TNT ka or Over staying or Illegal worker Hindi ka ikukulong itu turn over ka lang sa Philippine Embassy at bahala na ang Philippine Embassy sayo kung ano ang pasya nila.
Sa korea lods kahit hindi kana humingi na tulong sa Phililppine Embassy, kasi kailangan mo lang naman pamasahe kapag nahuli ka. Kung meron naman kahit hindi kana magpatulong sa embassy natin..unless wala kang pamasahe or kung may mas mabigat kapang problema na dapat ayusin para makauwi ka..Hindi naman din violente ng mga korean, pwede ka ngang mag complain sa Human Rights nila kapag nakaranas ka ng mga pang-aabuso habang nakakulong ka. May experience na kasi ako sa embassy natin nung E9 pa ako, nanghingi ako ng advice kasi may problema ako sa company..hindi naman ako natulungan, pinagalitan pa ako, kinuha lang pangalan ko at number para may record sila at masabing meron nilang mga nagiging customer.
Ubos na visa lods...eh andun na ako uuwi paba ako, Lalo kumikita ako ng malaki diba lods?..uwi ako ng Pinas wala naman maayos na pagkakakitaan Kaya sinamantala ko lang ang pagkakataon lods. Pero di lang ako ang gumawa ng ganun, marami lods.
Hindi boss bili ka muna ng ticket then punta ka sa immigration with your passport..maganda mag surrender ka atleast 10 days bago ang flight mo para maayos mo mga dapat mong ayusin.
Mina mug shot din pala po kapag nahuli ang akala ko ikukulong lang at maghihintay ng flight..Kasi bakit may mug shot wala namang krimen na ginawa 😢 kaya mag ipon mga ofw's para may peace of mind kayo na kahit mahuli kayo ay may ipon at naipundar kayo kasi ang hirap maging ofw wag sayangin ang oras dahil hindi naman kayo tayo for life sa ibang bansa...Para wala kayong pagsisihan if ever na may mangyari tulad ni kuya 😢😢😢 sobrang hirap talaga tanggapin na uuwe ka ng wala sa oras...Goodluck kuya baka talagang hanggang dyan kana lang at sa ibang mga nahuli.Tuloy ang buhay godbless ingat ❤❤❤❤
Salamat po mam. Overstaying in South Korea is a serious offense mam. Taking pictures and fingerprints is their way of getting your informations to keep as a record for future reference kung sakali man magplano ka ulit bumalik sa Korea para mas madali po nilang malalaman kung may criminal record or nag-overstay ang isang foreigner before entering their country..dati po kasi manual lang ang record, minsan may mga nakakalusot kahit may mga dating record, may mga nakakalusot na gamit ang ibang passport, talahib na passport, ngayon hindi na po, dahil biometrics na po ang gamit nila at may mga eye scanners.
Hindi na lods, ang magiging proseso kasi, bili ka muna ng ticket tapos magreport ka sa pinaka-malapit na immigration office sa lugar mo atleast 10 days before ng flight mo. Bibigyan ka ng DEPARTURE ORDER, pagdating mo sa airport may tanong lang konti sa immigration office tapos palalabasin kana kagaya ng ordinaryong passenger. Hindi kana makukulong.
Yes po, Hwaseong ang pinaka-main detension cell ng mga nahuhuling tnt, sa Mado. Meron din sa Suwon at iba pang mga immigration offices pero maliliit na kulungan lang po.
Yung sa kookmin lods inasikaso ko pero sabi sa labor at migrant wala daw kaming magagawa dahil hindi daw namin pwedeng pilitin ang amo na magbayad kung walang pera...Yung twejikum ko pinaglaban ko lods, nakuha ko pero installment ang ginawang pagbabayad..3 gives pero 2 beses lang nagbigay saken...inasikaso ko lahat lods nung legal pa ako..
Hindi na ako nagrenew ng G1 visa lods..tsaka 3 years lang ang validity ng ganung visa, at nagkaroon ng interrogations kaya natakot ako na hindi ako ma-approve pagbalit ko sa immigration at derecho na ako pauwiin kaya hindi na ako nagreport. Kaya ako naging tnt.
ou bro, nainterrogate na ako, natakot lang ako baka pagbalik ko ng immigration posasan na ako at hindi na pakawalan..yung iba kasing mga G1 na kagaya ko ganun ang ginawa.
ang brother ko din ng TNT sa Korea after so many years nahili sya. umuwi sya ng Pilipinas at sobra stress sya iyon ang dahilan kaya nagkaroon sya ng sakit sa puso at kamamatay lang nya. sobra sakit para sa alin kasi OFW din ako kaya naka relay ako sa kwento mo.
Ouch nakakalungkot naman po.😥 Dinamdam po nya ng husto Yung pagkakahuli nya mam?..Condolences po sa family. Yan po ang masaklap na katotohanan na pinagdadaanan ng isang OFW, mapa-tnt man o legal hindi po nakakaligtas sa homesick, kung minsan talagang nauuwi pa sa depression..mahirap maging isang OFW, isang malaking sakripisyo!
wala boss, one time nagkaroon ng amnesty pero parang 1 beses lang yun di na naulit..lahat ng tnt binigyan ng visa for 3 years..alam ko sa ngayon may proposal ang isang lawyer na politiko sa Korea na bigyan ng visa ang mga tnt sabi ng amo ko, hinihintay ko nga sana yun nahuli naman ako..pero proposal palang yun kung sakali dipa alam kung ma-approve.
Kung single ka pwede ka mag-asawa ng korean yun ang 1 paraan lods. Pangalawa, kung kasama mo asawa mo sa Korea, at nabuntis tapos nanganak siya dun, pwede kayong mag-apply ng visa kapag nag-start na mag-aral ang bata..kailangan hindi ka mahuli hanggang sa makapag -aral ang bata..pero gagamit kayo ng abogado dun lods at gagastos sa pag-a apply, pero may chance na magkaroon kayo ng visa dahil sa bata.
tnt din ako dati sa suwon korea nahuli ako pero tinubus ako ng sajang ko pero natakot ako kusa nalang ako umuwi takot akong makulong kasi binobogbog daw sa loob ng kulungan
Hindi naman po binubugbog sa kulungan. Hindi naman po ganun ka-violente ang mga korean, tsaka meron pong Human Rights Institution na tumutulong sa isang foreigner kung halimbawang makaranas ng harassment sa kulungan,, aware po ang mga Korean jan Kaya hindi po nila ginagawa..
Kung naka-online banking ka lods pwede mong i-transfer sa ibang account na mapagkakatiwalaan mo jan sa Korea, or pwede mong ipadala sa pinas through remittance. Pahahawakin naman kayo ng phone sa kulungan ng 1 beses.. may internet din dun bro. Or kung hawak mo naman ang ATM mo, pwede kang makiusap sa immigratioin officer na ma-withdraw ang pera mo. Kahit nasa pinas kana, gumagana pa din ang online banking mo lods, pwede ka magtransact. Pero pinaka-safe habang anjan kapa sa Korea kapag nagka-internet ka, i-transfer mo na yung pera mo sa ibang account para sila na magpadala sayo dito sa pinas.
I am Korean. Please do Not become illegal in Korea 🙏
The problem is that people of the same nationality can be harmed by an individual's misbehavior. This is because the more illegal stays, the more difficult it is to issue work visa. This is why E9 visas are delayed even if passed all the tests. In serious cases, it takes several years. In fact, Korea is currently banning Thai people from entering the country due to illegal issues. So, Thai people are also angry and arguing "racism" in Korea 😥
Interestingly, illegal immigrants are pronounced as "Pinoy" in Thai language. I don't know why and where it came from tho 🤔
I have been to the Philippines to donate medicine and stationery through my church. I was sad because the living conditions in the Philippines were not very good. I hope Korea will be an opportunity for many Filipinos 😌
True, they make it difficult for the rest of the filipinos to process their visa.
🇵🇭phils.❤️💯
As you have said, the living condition in the Philippines is not good sir, so that's the reason why Filipinos choose to stay in South Korea even without proper documents. They don't care about other people because those people do not even care about them...you can not help them feed their families if ever they go home, so please pray for them instead, to be safe whatever they do, even if they are illegal immigrants..
Bkit ung smin almusal itlog gatas at tinapay. .klan ka brod napauwi?
@mt.banahaw-pv4ki 3 weeks ago palang boss...
mabait at mabuti ang iyong kalooban lods, hinding hindi ka pababayaan ng ama ❤ salamat sayo lods, isa ka sa inspirasyon ko! magpapatuloy parin sa pagsuporta sayo, fighting
Maraming salamat lods! Tuloy lang sa mga pangarap sa buhay lods, soon makakamit din natin ang mga ito! God bless you lods, fighting!
Napakalinaw ng pagsasalasay nyo slmat po s pag share ng iyong experience.Good luck s panibagong buhay na kakaharapin.God bless U
Thank u lods! God bless you too!🙏
Salute sa lhat ng artista,,,fighting❤
Sir marlon
Laban lng
God bless po
❤❤❤
Thank u po mam!🙏
Isa ka sa inspiration ko lods para makapunta dto sa korea..may mas magandang plano ang dyos para sayo lods.sana ma meet kita someday. Tuloy tuloy padin ang vlog lods.. solid support pa din . Idol.thank you so much lods
thank u so much lods! Basta ingat lang palagi jan! God bless you always lods!🙏🙏🙏
Blessing in disguise yan bro. better opportunity is coming your way.🙏
Salamat bro.
God blessed sayo bro🙏 at saludo ako sayo..🫡🫡
Maraming salamat bro🙏
😊Salamat sa super complete na vlog mo at advices mo❤laking tulong ang vlog mo…kasi yung iba limited lang gusto sabihin ..lodi kita❤
Salamat lods!😊
Kahit saang bansa myron tnt dahil sa hirap ng buhay sa pinas. Kaya dapat pahalagahan ng pamilya natin ang pinaghirapan ng mga ofw buwis buhay ang kanilang ginagawa sa ibang bansa para sa pangarap nang naiwan pamilya sa pinas.😢 fighting lng idol.🙏
Maraming salamat lods!🙏
Sana maimprove na ang economia at pn gkabuhayan lalo na manufacturing indu stries pra may sapat na trabaho pra sa m ga Pilipino at di na k ailangan pra mangib ang bansa mgtrabah o at mg TNT
Sana nga po mam, pero sa tingin ko malabo pong mangyari, hanggang pangarap nalang po tayo. Sa malalang corruption sa pinas, mga pulitiko na sarili lang ang iniisip at hindi ang kapakanan ng mga mamayan. At maiimpluwensiyang tao ang nagpapatakbo ng bansa. Malayo po tayo na maging katulad ng South Korea..o iba pang mauunlad na bansa.😢😢😢
Salute to you sir!
Thank u lods!🙏
God blessed bro sa payo mo
Thak u bro, God bless you too!
oks lang lods...marami naman pwede aplayan abroad ...pray lang lagi at ang panalangin ay napaka bisang paraan upang magkaroon tayo ng lakas ng loob na malampasan ang mga pagsubok at problema na ating kinakaharap.
Maraming salamat po mam. Yun po ang pinanghahawakan ko sa ngayon, na merong mas magandang opportunity para saken si Lord.. sana, maka-alis pa po ulit!🙏🙏🙏
Maraming salamat sa info. Bro.,, mag ingat ka palagi jan.. saludo ako sayo bro.,❤❤ i hope makahanap ka ng maayos na kabuhayan para sa mga mahal mo sa buhay
Maraming salamat bro, ingat palagi jan, God bless!
Salamat sir..Goodluck sir.ingat ka dyan..
Thank u lods, God bless!🙏
Thanks 😊 bossing 😊...sa konting kaalaman...😊
Welcome lods.😊
Salamat po ng marami boss.... laking tulong po etong vlog mu.
Welcome lods. Thank u for watching!🙏
Good evening po sir Marlon!
Good evening po mam!
Hello idol ingat Ka palage God bless 🙏,,
Salamat po mam, kayo din po!🩷
Kudos sayo lodz ingat ka jan palagi sa pinas 😊
Palagi din ako nakasubay2 sayo nung andito kapa
Maraming salamat lods, ingat din palagi jan..God bless you always lods!🙏
Ok lng yan lods ... 7 years nko dto tnt sa sokor ayoko pa umuwi dami pako pangarap na gusto ma tupad at maraming lugar pa na gusto ko pasyalan sobrang ganda ng sokor..
Madali bang makakuha ng trabaho Ang tnt sa Korea?
@@libertyLacapyes marami po
Boss muzta n?
Alin kaya mas maganda? Japan 🇯🇵 or SK ?
@@erwineogawa6007 SK pag free accommodation
Thanks for the information.. tama o mali man ang maging tnt at least palagi mo nmn iniisip yung kapakanan ng iyong pamilya.. marami k pa mang obligasyon kayang kaya mo nmn yan lods.. nakikita ko na maparaan ka at hindi namimili ng trabaho.. magiging okay din ang lahat.. God will provide all what you need .. ingat palagi.. May God bless you🙏
Thank u so much po mam sa palaging suporta!🙏🙏❤️❤️
@@JustforFunTV9880 Maliit na bagay lods..
Salamat talaga kuya marlon nung nasa pinas ako kaw mga vlogs mo nun pinapanood ko nagpapalakas motivate s akin ..tuloy p din sna pag vlogs mo kuya marlon vlog mo kunh anung pag aabalahan mo jan s pinas anung business ang itatayo mo.sna matapos ko din kotrata hirap dito s company namin tiis2 talaga malala.
Laban lang bro para sa mga pangarap...maraming salamat lods sa suporta! Basta tiis lang..mag-ipon ng mabuti lods at siyempre mag-ingat.
Kahit saan naman tlga marsming tnt kasi nga tayong mga pinoy para sa pamilya gagawin natin ang lahat ng pagtitiis at pakikipagsapalaran..nasa resident na ako ng Malaysia dahil nakapag asawa ako ng Malaysian pero bago pa din yon marami akong pinagdaanang hirap d2..mas mahirap ang tnt d2 pag nahuli ka lalu na sa lugar ng work mo, maghihintay ka pa na ma court ka,kaya dapat tlga di ka aamin na nag wowork ka,tpos maghihintay ka pa din minsan inaabot pa ng 1mnth kahit pa may pambili ka na ng ticket ,yong pagkain pa di mo halos makain..mabuti nga sa Korea agad agad deport na at di na magtatagal ,pero ganoon pa man mahirap tlga ang maging isang tnt kasi nga laging may kaba ka sa dibdib pero tiis at tyaga tlga tayong mga pinoy para sa pagmamahal sa pamilya..God have better plan for you and for your family ..God bless po.
Thank u so much po mam for sharing your story. Tama po kayo, tayong mga pinoy pagdating sa pamilya lahat susubukan kahit illegal pa yan para lang maibigay ang mga pangangailangan pamilya. Sobrang hirap po pala jan kapag nahuli ang isang tnt. Kaya saludo ako sa mga kababayan natin na kahit ganun ang maari nilang sapitin, nakikipagsapalaran pa din para sa mga pangarap at pamilya! Ingat po kayo palagi jan mam, God bless you always po!🙏🙏🙏
Tama po...pag artista dto sa korea need po talaga mag ipon wag gasto ng gasto kc d natin alam ang magiging sitwasyon na parating... d lng po sa korea po kundi pati na sa ibang bansa...ipon po talaga pra atleast mn lng my ipon ka pag uwi na pra maka pag sisimula ulit
Tama ka jan kabayan.
15 yrs n tnt mister k s SK s awa ni Lord nandon prin sya hnggang ngayon dhil my mga student p mg isa lng sya pinoy s company nila kya mejo safe ingat po kyong lhat jn mga kabayan
Mukhang maluwag sa SK, mahal pa ng sweldo. D2 sa japan 🇯🇵 sobrang higpit un 3 tnt d2 sa work ko tinanggal ks nga takot dn si boss, baka ks mapasara ang company nya , mura ang sweldo d2 sa japan 🇯🇵 , polishing accessories
@@erwineogawa6007 opo maluwag don at free accommodation din sya s company npkadami po tnt don n iba ibang lahi 10 yrs din ako ng tnt don at hindi po ako nhuli ng voluntary exit ako welder po yung mister ko don kya above minimum sahod nya
@@erwineogawa6007sa japan kasi sir,pag may nahuling tnt dyan,pati company o mga establishments tulad ng mga bar o club,ipinipasara talaga ng govt dyan sa Japan,di tulad dito sa S.Korea,penalty lang ang kailangang bayaran ng company.galing din ako dyan sa Japan as entertainer dati
@@TheJoker10_26 nxt month mag tour kami dyan,4 days lng, buti pa nga dyan free ang online visa nila
Mabuti po nakakapagwork pa din kahit po TNT. I am an aspirant EPS and studying Korean Language. Gusto ko din kasi pumunta ng SK.
jackpot. thats normal sa mga tnt, pag nahuli. big lesson.
Meron din namang mga EPS na 1 linggo palang umuuwi na. Swertehan lang, mapa EPS o TNT. Kanya-kanyang diskarte lang..una-unahan lang.
Grabe bro nakakabilib ka din nakakalungkot na nahuli ka pero na salaysay mo parin ng may pa joke yung mga vietnam talaga pag nag usap parang palakasan sila ng boses eh haha anyway sana maging ok parin daily life natin dyan sa pinas GODBLESS po
Thank u so much lods, God bless you too. Tuloy lang ang buhay, may mga problema pero kailangan lumaban dahil may mga umaasa lods!
Para hindi ma TNT dito sa Korea ,dapat bago ma expire magpa renew or uuwi ,at dapat may naipon na pera.
Depende lods sa status jan. Ang isang eps kasi after ng contract Lalo na Kung may edad na, wala ng chance makabalik kung hindi sincere..so Kaya sila nagti-tnt. Minsan nga kahit F Visa kapag hindi ni-renew ng koreano nagiging tnt din diba, kung ayaw pa umuwi ng pinas..Yung ibang tourist na nagpupunta jan nakaplano na yun na maghahanap sila ng trabaho jan at tatakbo, sinasamantala lang nila ang opportunity lods, dahil nga naman sa hirap ng buhay dito sa pinas, hindi din naman lahat maraming ipon, dahil hindi naman pare-parehas ang mga responsibilisad natin sa buhay.
8days din ako nakulong boss sa cheongju winter pa
@jonieestacio3055 ouch last winter boss, nakaka-miss boss ang Korea!😅
Apply p0 kayo sa new zealand sir walang age limit po
May Alam kang agency lods? Pabulong naman🙏🙏🙏
🙏🏻
.thanks po. .g0d bless us all
Thank you din lods, God bless us all!
shout out lods
Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin sa china apat kaming magkakaibigan nahuli dahil sa OS. What a sad experienced pero God is good at nakauwi din ng safe
Mahirap talaga kabayan at nakakatakot..Yung iba jan napapadumi o napapaihi sa salawal dahil sa sobrang takot, yung iba talagang iyak ng iyak. Ako pinilit kpng kumalma pero hindi ko napigilan, nanginginig din ang buong katawan ko...nakakalungkot na karanasan din pero kagaya ng nangyari sayo kabayan, laking pasalamat ko sa Diyos at nakauwi din ako ng ligtas.
@@JustforFunTV9880 tama ka jan kabayan. Tama lahat ng sinabi mo nakakainip sa loob 😅. Buti apat kaming magkakaibigan nagkasabay nahuli sa loob ng restaurant. Anyway nagtrabaho kami sa resto at pinabayaan namin visa namin na maexpire .Yun ang karanasan ko na diko malilimutan.
Sayang kabayan. Sapalaran talaga ang pagiging isang tnt. Walang kasiguraduhan kung hanggang kelan at hanggang saan. Pero ang pinakamagandang nangyari, nakauwi pa din tayo ng maayos sa ating pamilya at sa ating lupang sinilangan!🇵🇭
@@JustforFunTV9880 ❤️
Panu po kung pumunta ng korea seasonal taz di tinatpos contrata nag runaway then nahuli ng police anu po ang parusa deport po bah o makukulong muna. Thank you po sa pagsagot.
Kapag nahuli ang isang tnt dadalhin sa detention cell muna o sa kulungan. I-verify ng immigration kung wala namang mga mabigat na kaso sa Korea or mga pending cases. Kung wala, tapos meron na siyang pambili ng plane ticket, pauuwiin din agad siya.
Sir d2 po Pinas San po pwede or contact po ipapadeport ang TNT Dyn sa south Korea.
Patulong lang boss
Have a blessed to u sir idol Marlon Dami mong experience don't worry may good plan si Lord para s u be strong lng Po at dasal lang maging maayos Ang lahat sir idol ask lng Po Yung si ate 23, year stay paano Po Ang renewal Ng passport Niya at pwede k b makapag apply sa ibang country thank Po sa mga sharing ur experience ingat God bless you always 🤗🤗🤗🙏🙏🙏🫰🫰🫰
Thank u so much po mam. About sa renewal pwede pong magrenew ng passport sa Korea kahit tnt. Punta lang po sa Philippine Embassy, kuha po ng appointment online. Yes po pwede pang mag abroad ang isang tnt pag-uwi ng pinas, sa Korea lang naman po naka-ban mam.
Tama na iShare mo Yan maikukuwento ko sa Anak ko Jan sa sokor
Salamat po mam😊
Salamat bro sa info… 18years na ako d2 sa korea 12 years na tnt nagbabalak na din akong umuwi bago matapos ang 2024…
bro mahirap ba maging tnt
Tagal mo na jan boss...Kung sa tingin mong Kaya na uwi kana para makasama naman ang family. Piliin mo magsurrender boss, para smooth ang pag-uwi..hirap sa kulungan boss, nakakainip!
Mahirap kasi tago ka ng tago, mahirap kasi minsan makakaranas ka ng unfair treatment sa mga korean..mahirap kasi malayo ka sa family mo at nag-iisa ka...pero masarap kasi kumikita ka ng malaki at naibibigay mo mga pangangailangan ng family mo. Tiyempuhan lang, may mga nahuhuli ng maaga, meron namang matagal. Basta ingat lang Kung sakali, at mag-ipon haangga't maari.
@@DarrichGinti mahirap ang tnt lalo na pag crack down ,, d2 sa lugar namin hindi na pinapasok Ang factory..ang service ang hinaharang
@@JustforFunTV9880 maraming salmat bro ,,, may plano na talaga akong umuwi may ticket na ako sana nmn huwag nang umabot pa sa mahuli ,,,
try nyo po mag apply sa mga BPO na naghahanap ng marunong mag hangul medyo ok na din kahit papano ang swelduhan d nga lng kasing taas ng sahod ng nasa korea.
Anong company lods baka sakali. Thank you lods for sharing the idea and opportunity.
J-K Network po sa FB meron din po ata sa accenture.
thank u lods🙏
New subs here po ...tuloy po kayo sa❤ vlogging
Thank u so much lods! I will!😉
Hi marlon, pano yung pera mo sa bank, pina withdraw ba sa inyo bago ang flight pauwi nang pinas?
Kung hawak mo Yung ATM sir pwede mong i-request na i-withdraw sa ATM. Kung naka online banking ka naman pwedeng i-transfer sa ibang account sa pinagkakatiwalaan mo sa labas...Yung saken po pinadala ko sa sarili ko dito sa pinas thru remittance kasi gumagana naman po ang online banking kahit andito na sa pinas.
Brads MARAMING SALAMAT SA IYONG PAG BABAHAGI, tunay na totoo lahat ang iyong inilahad. Tanong ko lang ku may na tatak ba sa Passport mo sa Immigration Korea or Philippines na Deport ka ,na pwedeng maka epekto in the guture ba..curious lang Sir. Sana matugunan. GOD Bless U n ur Family
Dati boss kapag deport ka merong tatak ang passport, pero ngayon meron pong bagong policy ang South Korea, hindi na po sila nagtatatak ng passport sa departure, sa arrival po ang tatak nila, pagbalik o pagpasok mo ng Korea. Kaya itong passport ko po ay walang tatak, kaya pwede pa pong magamit kung mag-apply ka sa ibang bansa. Pero advice naman po samen sa immigration natin dito sa pinas, para daw po malinis ang record kung balak po uling lumabas ng bansa, mas mainam daw po na kumuha ng bagong passport, pwedeng lost passport basta daw po mawala yung record at maging malinis po ang record dahil bago ang passport.
Lods pano pag eps mkukuha ba ung benefits bago umuwi? At kung alam nilang my benefits ka na makukuha ibabawas ba dun sa benefits mo ung penalty?
Lods may bago tayong upload tungkol jan, sinagot ko dun yung tanong mo hehe. Hindi nila ibabawas yung penalty sa perang makukuha mo lods.
Di ba pwede e renew ang visa ng nandyan ka lang sa korea? Or kung umuwi ka man di ba pwede bumalik kung magre renew lang ng visa?
Ang isang EPS kapag natapos ang kontrata pwede pong maging SINCERE WORKER kung qualified po siya. Kung saan pipirma ka ng kontrata bago ka umuwi ng pinas. Need po umuwi ng pinas para ayusin ang bagong visa. Kailangan pong magsubmit ng mga documents sa DMW. Kung hindi naman po ma-SINCERE kung hindi pa naman po over age, pwede pong mag-exam ulit, basta 1 entry palang po sa Korea. Pwede din naman pong mag-upgrade ng visa, from E9 to E7. Pero may mga certain requirements din po. Yun po ang alam kung hindi na kailangan umuwi ng pinas para ma-renew ang visa.
paano kapag kusang surrender ang tnt kukulong din ba?
Hindi lods, kasi kapag surrender ka bibigyan ka ng DEPARTURE ORDER, pero need mo magreport sa immigration office na malapit sa iyong lugar na may dalang plane ticket at yung iyong passport...
Good morning magkano naman natira at nauwe mo dto sa pinas lods❤😅
Konti lang po, wala naman po akong malaking ipon..Yung benefits ko lang din po nung eps ako yung inasahan ko...
Boss pano kaya proseso pag sumuko ka..at magkano kaya ticket
pag may anesti para sa manga tnt bili kalang ng plane tiket ipakita molang sa imigration tapos na maka uwi kana ng walang haszel ganyan ginawa ko nuon 5yirs akong tnt dian sa korea
Kuha ka muna ng ticket boss, depende sa season ang ticket..saken numg napauwi ako 240k won. mura lang kapag walang holiday. Tapos kapag may ticket kana, punta ka sa malapit na immigration office jan sa lugar mo, mga atleast 10 days bago ang flight na kinuha mo..para maayos mo pa mga dapat mong ayusin kung dati kang eps, kung hindi naman para mai-box mo pa ang mga gamit mo at maipadala na sa pinas bago ka umuwi. ganun lang kadali boss..
May tanong lng ako boss
Nakuha mo ba yung mga benefits mo like kukmin at tejikum?
Yung twaejikum na galing sa company nakuha ko bago ako nag-G1 visa lods after ng E9 visa ko, pero installment na binigay ng amo ko, hindi pa nga kumpleto, may balance pa na 2M ang amo ko saken. Yung Samsung Twaejikum or yung Hwajae na sinasabi, inayos ng immigration lods habang nasa kulungan ako. Dun kinuha yung pinambili ng ticket ko pauwi. Yung sobra ibinigay saken. Yung kookmin lods kasalukuyan kong inaayos dito sa pinas, kinukumpleto ko lang ang mga requirements then ipapadala ko jan sa Korea, sa NPS. Iba-vlog ko din ang proseso lods para may guide yung mga kababayan natin kung sakaling mahuli din sila.
23 years what
hehe, meron pa umaabot ng 25 hanggang 30 years lods😅
@@JustforFunTV9880 pwede po pala yun buti nakayanan nilang di umuwi
Mostly sa mga ganyan kasama ang asawa lods, o nagkaakroon na ng partner dun..yung iba naman yung asawa nakakakuha ng multiple entry na visa lods kaya ok lang kasi nagkikita naman..minsan kasama pa mga anak.
Boss sa 20 million won na penalty,ilang years k po bang tnt sa sokor?
3 years lang lods..
Lods paanu f tnt ka tapos uuwi kana para mag for good.anu dapat gawin?dretso lang ba sa airport?
Dati kabang EPS lods?.. Kung dati kang EPS kuha ka muna ng plane ticket. Tapos magreport ka sa pinaka-malapit ma Immigration Office sa lugar mo dala ang passport at plane ticket mo..Kumuha ka nga pala ng ticket atleat 10 days before ang flight para maayos mo pa ang mga benefits mo..bibigyan ka ng DEPARTURE ORDER sa immigration na pupuntahan mo. Pagdating sa airport smooth na magiging pag-uwi mo lods, derecho ka lang sa departure area parang regular na passenger lang.
Maraming salamat lodz,at least mapaghandaan,4 yrs na kpop,balak ko na ding umuwi next year pero bahala na si batman,kung matutuloy,hwag lang mahuhuli😁
Ingat lang lods..para maging smooth ang pag-uwi lods mag surrender ka nalang. Punta ka sa pinaka malapit na immigration office sa lugar mo. Pero bili ka muna ng plane ticket tapos passport.
@@JustforFunTV9880 thank you lodz
Lods cguro kung nasa dti kapang company s foam, baka ndi kpa mhuhuli,. Mas maganda tlg kung mgtnt ka dpt ang papasukan mo kakaunti lng kayo empleyado or sajang lng ksma mo s work
Ou bro, yun din iniisip ko. Kung hindi ako umalis dun baka hindi pa ako napauwi. Kaya lang wala na lods, hanggang dun nalang din siguro. Si Lord na ang bahala lods! Basta ingat palagi jan lods!
Boss paano pala pag meron kukmin makukuha po ba bago makauwi?
kung voluntary surrender ka pwede mong ayusin bago ka umuwi bro, possible makuha mo sa airport kagaya ng ginawa ng tropa. pero kung deported sa pinas mo na aayusin lods..
thank you lods for sharing your own experience ❤ nakakapagbigay kaalaman sa iyong viewers.
Welcome lods, salamat din sa support!🙏🙏🙏
Actually Korea is a v ery generous countr y maski TNT nay mg a medical assistance ng mga christian ch uches pinapagamot mga me sakit . Dahil nong mhirap ang Ko rea mrami din Korea ns ang ng TNT sa A merica
Tama po kayo jan mam..Hindi sila abusado. Kahit TNT ka they will treat you well. Maraming mga hospitals jan na pwede ang mga TNT, yung iba nga libre pa pati gamot at maintainance.
Paano yun benifits mo lods binigay ba sa airport?
yung kookmin lods dito na sa pinas inaayos ko ngayon..yung samsung twejikum nakuha ko bago ako umuwi inayos ng immigration lods..binigay lang saken yung pera.
Lodz tanong lang paano kung maraming cash na dala ang nahuli di ba nila kumpiskahin ang pera lodz?
Hindi lods, itatabi lang nila..kapag pauwi kana ibabalik din sayo lods...
@@JustforFunTV9880 maraming salamat lodz nahuli kasi mga kasama ko pinasok kami knina alas 2
Salamat sa reply lodz
ouch lungkot naman po...ilan po nahuli mam?
Goodmorning lodz isang tanong pa ulit ok lng ba magbitbit ng 2 luggage na malalaki at isang handcarry? 5 nahuli lodz
Boss
Try mo na lang sa ibang bansa idol lalu sa middle east country, mas madali mag apply.
God bless and kaya yan sa tulong ni Lord.
thank u lods, sige try ko.
Papanu kung wla kang passport at nahuli ka o sumuko ka.. panu process nun
Kuha ka ng Travel documents sa Philippine Embassy lods..
Immigration na ang mag asikaso ng papelis mo . Iaabot nlng sau pag uuwi kna😊bayad cyemprw sa ticket...basta ibigay mo lng detalye sa knila . Bhala na sila. Magtatagal ka lng cguro .1-2 weeks maybee
Thank you kabayan sa paliwanag. Yung nakasabay ko 3 weeks sa kulungan wala siyang passport, kumuha lang ng travel documents sa Philippine Embassy.
Ako lods pinangako ko sa sarili ko kpag naselect ako isang kontrata lang. Magiipon lang ako tas uwi na ako. Hirap mawalay sa pamilya eh. Lalo maliit pa anak ko.
Tama ka jan lods. Maganda yang plano mo. Mahirap mawalay sa pamilya lalo na at may mga anak ka. Lumalaki lang sila sa litrato pero hindi mo nakakasama kapag nasa abroad ka. Keep praying lods, matutupad yan basta alam ni Lord na para sa mabuti at para sa pamilya!
@@JustforFunTV9880 salamat sa mga content mo lods Pinapanood na kita nung nagaaral plang ako. Goodluck sa bagong journey mo na ksama na pamilya mo.🙂🙂
Hinde mo rin po masabi yaan lalo na at di mo alam ang company na mapupuntahan mo. Minsan di maganda wala ot mababa ang sahod marami na ako nakilala na nag sabi nyan pero ilang taon na naandito pa rin. Masasabi mo lang po yaan kapag nakarating kna dito.. at pag tapus na contract mo.
Salamat bro klt 8 ako
Welcome lods, klt 9 ako.
Uno Overseas Placement Incorporated/ napanood k yn ke, bhaji tv. nasa Japan cya nag blo blog din cya
Ok bro thank you!
importante talaga paglumalabas ang mga TNT na magsuot ng brief para pagnahuli alam na
May brief naman lods, kaya lang walang palitan!😅😅😅
Pag ba nadeport ka jan lang sa korea na hindi ka pwede ..makabalik ..sa ibang bamsa pwede ka mag apaly uli ng abroad
Pwede ka magapply ibang bansa basta magpalit ka ng passport para hindi makita yung tatak na nadeport ka as tnt
Pwede kapa din mag-apply abroad, sa Korea kalang naka-ban lods..kuha kalang ng bagong passport para malinis yung passport mo. Ngayon kasi hindi na nagtatatak ng passport ang Korea kapag departure..kahit deport ka, kaya malinis..ewan ko lang kung pwede pang gamitin tong passport ko sa ibang bansa, wala naman siyang tatak ng deportation lods.
Ung benifit mo idol nakuh mo ba?kung nakuha mo paano ung proseso
Yung Samsung Hwajae ko lods sila ang umayos sa immigration, yun ang pinamasahe ko, may sobra pa. Yung Kookmin naman nilalakad ko palang dito ngayon lods. May mga forms na ida-download sa NPS website, i fill-up lang, ipapa-affidavit, notary at apostile tapos ipapadala sa NPS sa KOREA through mail.
@@JustforFunTV9880 ok po salamat sana makuha mo sayang din iyon tas iblog mo rin ung mga steps lods salamat
yes lods, gawan natin ng vlog yung process kung paano, para magka-idea mga kababayan natin.
@@JustforFunTV9880 more thanks idol
Pano Yung per sa ATM mo lods ..
Nung nasa kulungan ako lods trinansfer ko sa account ng kaibigan ko lahat nung pinahawak samen Yung mga cp namin..naka-online banking naman ako..bale Yung kaibigan ko nalang ang nagpapadala saken sa pinas lods.
Pero Kung gusto mong makuha ng cash, pwede Kang makisuyo sa immigration officer para i-withdraw sa ATM Yung pera mo, kung hawak mo Yung ATM lods.
salamat lods sa mga info at malapit narin akong umuwe kung di mahule..salamat
welcome lods! Goodluck!
Lods my nag tnt ba na nahuli na naka balik pa ng korea
Meron lods, may nakausap ako dati, invite siya ng kapatid, pero saglit lang siya nag-over stay nun. Binayaran nila yung penalty nya, maliit lang kasi saglit lang naman. Kaya siguro nakabalik din siya. Babae yung nakausap ko na yun lods.
Kua mabuti po kahit TNT ka may naapplyan ka pa din na work.
May mga company na hindi qualified kumuha ng eps, wala din naman mga korean na gustong magtrabaho sa kanila so no choice sila kundi kumuha ng tnt..Yung ibang amo naman para makatipid tnt nalang ang kinukuha. Ang eps kasi may mga benefits, kookmin, twaejikum sa tnt twaejikum lang walang kookmin, kahit papano nakakatipid sila.
Last March nahuli ang bf, ko bayaw nya at pamangkin nya 😢 saktong patapos yung bahay na pinagawa nya haizt ngayon wala ng natira sa ipon nya, balik sa pagbubukid 😊 gustong gusto ng amo nyang bumalik sya kaso banned na sya 🤦 nakakabored daw kc wala na syang sweldo na 100k monthly 😅
Tama ka jan mam totoo po yan. Talagang mami-miss mo yung sahod sa Korea kapag andito kana sa pinas. Lalo ng kung iku-compare mo ang sahod dito sa pinas at dun sa Korea, mapapaisip ka talaga ng malalim mam😅. Tapos kung may responsibilities kapa dito sa pinas na hindi pa tapos, talagang nakakalungkot.😢
Pls maawa kayo samin na kapwa nyo pilipino na nakatira dito.kung gusto nyo magtrabaho sumunod sa tamang batas dito.wag natin dalhin ang katigasan ng ulo natin tulad sating bansa na walang oagsunod sa mga batas at walang paggalang sating mga batas kaya ganyan ang ating bansa.dami ko kilala dito na mga ilqng buwanan lang na mga viet.pero sumusunod sila sa batas at yun pabalik balik sila at inaapprobahan nman sila at hindi sila nagiging ellegal.kaya mas marami na ngayon ibang bansa na mas inaapprobahan kesa sa pinas😢ewan ko lang po kakalungkot lang 😢
Pangalawa po ang Vietnam sa pinaka-maraming tnt jan sa Korea, sila nga ang pinaka-marami sa kulungan...nangunguna po ang Thailand...pero magtataka ka madali silang makapasok sa Korea..kanya-kanya lang po tayo ng diskarte.
Lods! Bakit Hindi kayo tumatawag sa Embassy para matulungan nila kayo!
Kasi ang ibang bansa yon ang turo sa kanila na tawagan ang embassy nila kapag nahuli sila dahil alam ng bansa nila na mag iilllegal worker sila sa Korea or saan mang bansa kaya kapag nahuli sila may local na abogado sila mula Embassy nila na mag aasikaso sa kanila para makauwi agad.
Sa atin kasi Hindi tino tolerate ang mag tourist tapos magtrabaho at mag tnt sa ibang bansa allowed sa kanilang bansa. Sa Pilipinas kung gusto mong magtrabaho sa Korea or saan mang bansa ay may POEA na mag aasikaso para maging LEGAL worker ka at ayaw ng Gobyerno natin na mag illigal worker or TNT lalo na ang mga babae napapahamak kapag nakulong lalo na sa mga bansa na mahina ang Human rights at ginagahasa at ang napuputukan ay ang immigration na nag approved sa pag alis nya, Pero ang ibang bansa allowed sa kanila kaya na brief na sila just in case mahuli.
Mabuti pa pala sa Greece kapag nahuli ka na TNT ka or Over staying or Illegal worker Hindi ka ikukulong itu turn over ka lang sa Philippine Embassy at bahala na ang Philippine Embassy sayo kung ano ang pasya nila.
Sa korea lods kahit hindi kana humingi na tulong sa Phililppine Embassy, kasi kailangan mo lang naman pamasahe kapag nahuli ka. Kung meron naman kahit hindi kana magpatulong sa embassy natin..unless wala kang pamasahe or kung may mas mabigat kapang problema na dapat ayusin para makauwi ka..Hindi naman din violente ng mga korean, pwede ka ngang mag complain sa Human Rights nila kapag nakaranas ka ng mga pang-aabuso habang nakakulong ka. May experience na kasi ako sa embassy natin nung E9 pa ako, nanghingi ako ng advice kasi may problema ako sa company..hindi naman ako natulungan, pinagalitan pa ako, kinuha lang pangalan ko at number para may record sila at masabing meron nilang mga nagiging customer.
#highlyrecommendablechannel
Thank u so much po mam!
ano name nung taga baguio na nakasabayan mo lods
Hindi ko natanong lods, nahiya ako magtanong😅
tumakas ka ba sa dati mo company ung ikaw lang foreigner?
Nagpaalam ako lods. Hirap ako dun kabubuhat. Sumasakit na din likod ko. Kaya umalis ako.
@@JustforFunTV9880 naubos na ba visa mo kaya nag tnt ka or tumakas ka?
Ubos na visa lods...eh andun na ako uuwi paba ako, Lalo kumikita ako ng malaki diba lods?..uwi ako ng Pinas wala naman maayos na pagkakakitaan Kaya sinamantala ko lang ang pagkakataon lods. Pero di lang ako ang gumawa ng ganun, marami lods.
Di pa rin ako makapaniwala Hanggang Ngayon na wla kna dito lods🇰🇷 latest info, idea,tips etc..!.😢napanghinayangan ko..
ganun talaga ang buhay bro, bahala na si Lord saten bro..ingat nalang jan palagi bro..
Boss Kong susuko ka boss d kba ikukulong slmt boss ingat lagi
Hnd po just bring ur ticket
Hindi boss bili ka muna ng ticket then punta ka sa immigration with your passport..maganda mag surrender ka atleast 10 days bago ang flight mo para maayos mo mga dapat mong ayusin.
Pwede nmn maasikaso ung tejikum mo lods khit nsa pinas kna ipa atty mo lng dn sa myeongdong law firm ka humingi ng tulong khit nsa pinas kna
salamat sa suggestion lods, sige try ko yan.
So sad nadeport ka pala. 😔😔😔
Yes po mam. Hanggang dun nalang po talaga siguro mam, baka may mas magandang plano saken si Lord kesa sa pagiging tnt sa korea mam.
@@JustforFunTV9880boss panu, contact at San po padeport ang TNT sa south Korea
Mina mug shot din pala po kapag nahuli ang akala ko ikukulong lang at maghihintay ng flight..Kasi bakit may mug shot wala namang krimen na ginawa 😢 kaya mag ipon mga ofw's para may peace of mind kayo na kahit mahuli kayo ay may ipon at naipundar kayo kasi ang hirap maging ofw wag sayangin ang oras dahil hindi naman kayo tayo for life sa ibang bansa...Para wala kayong pagsisihan if ever na may mangyari tulad ni kuya 😢😢😢 sobrang hirap talaga tanggapin na uuwe ka ng wala sa oras...Goodluck kuya baka talagang hanggang dyan kana lang at sa ibang mga nahuli.Tuloy ang buhay godbless ingat ❤❤❤❤
Salamat po mam. Overstaying in South Korea is a serious offense mam. Taking pictures and fingerprints is their way of getting your informations to keep as a record for future reference kung sakali man magplano ka ulit bumalik sa Korea para mas madali po nilang malalaman kung may criminal record or nag-overstay ang isang foreigner before entering their country..dati po kasi manual lang ang record, minsan may mga nakakalusot kahit may mga dating record, may mga nakakalusot na gamit ang ibang passport, talahib na passport, ngayon hindi na po, dahil biometrics na po ang gamit nila at may mga eye scanners.
Vlog mo lods mga pinagkakaabalahan mo dito sa pinas.
Sige lods, gagawin ko yan! Thank u sa suggestion lods!🙏
Cge lods antayin ko yan. Isa ako sa pinakaunang manonood lods.
maraming salamat lods!🙏
Mg korean bilingual kayo po sa callcenter
Saan ba pwedeng mag-apply lods?..baka may alam ka?..
Tanong lng lods pag kusa kang susuko sa immigration makukulong ka parin po ba?
Hindi na.... pwede ka sa online sumoko send mo lang plane ticket mo
Hindi na lods, ang magiging proseso kasi, bili ka muna ng ticket tapos magreport ka sa pinaka-malapit na immigration office sa lugar mo atleast 10 days before ng flight mo. Bibigyan ka ng DEPARTURE ORDER, pagdating mo sa airport may tanong lang konti sa immigration office tapos palalabasin kana kagaya ng ordinaryong passenger. Hindi kana makukulong.
@@JustforFunTV9880 cguro nga mas ok un tas pati kukmin mo ayusin mo narin bago surender
@@JustforFunTV9880 bilib ako kay ate na taga baguio... taga baguio din ako bago lng dto sa korea😅
@@JustforFunTV9880 paano po ung natirang mong gamit sa kisuksa nadala nyo po ba sa Pilipinas?
Hwasong po, parts ng sowon ang dina dalhan ng mga artistang na hhuli.
Yes po, Hwaseong ang pinaka-main detension cell ng mga nahuhuling tnt, sa Mado. Meron din sa Suwon at iba pang mga immigration offices pero maliliit na kulungan lang po.
Kya pla nagtaka aq nsa pinas kna bro
Ou bro, wala eh hanggang dun nalang talaga siguro. Baka may mas magandang plano saken si Lord bro.
@@JustforFunTV9880 cguro nga bro... ingat ka plgi bro God Bless
salamat bro
Tanong lang idol bkit hindi mo inasikaso ung benefits mo sa dati mong amo nung legal kapa?
Yung sa kookmin lods inasikaso ko pero sabi sa labor at migrant wala daw kaming magagawa dahil hindi daw namin pwedeng pilitin ang amo na magbayad kung walang pera...Yung twejikum ko pinaglaban ko lods, nakuha ko pero installment ang ginawang pagbabayad..3 gives pero 2 beses lang nagbigay saken...inasikaso ko lahat lods nung legal pa ako..
Bakit ka pla tnt lods tagal. Ko ndi nasundan. Vlog mo ehh
Hindi na ako nagrenew ng G1 visa lods..tsaka 3 years lang ang validity ng ganung visa, at nagkaroon ng interrogations kaya natakot ako na hindi ako ma-approve pagbalit ko sa immigration at derecho na ako pauwiin kaya hindi na ako nagreport. Kaya ako naging tnt.
@@JustforFunTV9880 gnun vah bakit nu gagawin interrogation vah gagawin nun sau?bakit ka natakot?
ou bro, nainterrogate na ako, natakot lang ako baka pagbalik ko ng immigration posasan na ako at hindi na pakawalan..yung iba kasing mga G1 na kagaya ko ganun ang ginawa.
@@JustforFunTV9880 gnun wla ka! Nmn ginawa db pde ka. Namn palayain nun?? Kasalanan mo lng ng TNT ka?
E panu kaya kung dto ka pa sa pinas makukulong😂
Ibang kaso na yan lods..mas lalong mahirap Alam ko...
ang brother ko din ng TNT sa Korea after so many years nahili sya. umuwi sya ng Pilipinas at sobra stress sya iyon ang dahilan kaya nagkaroon sya ng sakit sa puso at kamamatay lang nya. sobra sakit para sa alin kasi OFW din ako kaya naka relay ako sa kwento mo.
Ouch nakakalungkot naman po.😥 Dinamdam po nya ng husto Yung pagkakahuli nya mam?..Condolences po sa family. Yan po ang masaklap na katotohanan na pinagdadaanan ng isang OFW, mapa-tnt man o legal hindi po nakakaligtas sa homesick, kung minsan talagang nauuwi pa sa depression..mahirap maging isang OFW, isang malaking sakripisyo!
Kung gusto mo long term. Wag ka mag tnt
Depende lods, swertehan lang..may mga umaabot ng 20 to 30 years sa Korea..
@@JustforFunTV9880 sa loob ng 20 years, wala bang chance mag ayos ng documento para maging legal?
wala boss, one time nagkaroon ng amnesty pero parang 1 beses lang yun di na naulit..lahat ng tnt binigyan ng visa for 3 years..alam ko sa ngayon may proposal ang isang lawyer na politiko sa Korea na bigyan ng visa ang mga tnt sabi ng amo ko, hinihintay ko nga sana yun nahuli naman ako..pero proposal palang yun kung sakali dipa alam kung ma-approve.
Kung single ka pwede ka mag-asawa ng korean yun ang 1 paraan lods. Pangalawa, kung kasama mo asawa mo sa Korea, at nabuntis tapos nanganak siya dun, pwede kayong mag-apply ng visa kapag nag-start na mag-aral ang bata..kailangan hindi ka mahuli hanggang sa makapag -aral ang bata..pero gagamit kayo ng abogado dun lods at gagastos sa pag-a apply, pero may chance na magkaroon kayo ng visa dahil sa bata.
tnt din ako dati sa suwon korea nahuli ako pero tinubus ako ng sajang ko pero natakot ako kusa nalang ako umuwi takot akong makulong kasi binobogbog daw sa loob ng kulungan
Hindi naman po binubugbog sa kulungan. Hindi naman po ganun ka-violente ang mga korean, tsaka meron pong Human Rights Institution na tumutulong sa isang foreigner kung halimbawang makaranas ng harassment sa kulungan,, aware po ang mga Korean jan Kaya hindi po nila ginagawa..
Lodz,tanung lang halimbawa kung mahuli ka,at may pera kapa sa ATM dito sa Korea,paano mo ma wiwithdraw?makukuha kaya?
Kung naka-online banking ka lods pwede mong i-transfer sa ibang account na mapagkakatiwalaan mo jan sa Korea, or pwede mong ipadala sa pinas through remittance. Pahahawakin naman kayo ng phone sa kulungan ng 1 beses.. may internet din dun bro. Or kung hawak mo naman ang ATM mo, pwede kang makiusap sa immigratioin officer na ma-withdraw ang pera mo. Kahit nasa pinas kana, gumagana pa din ang online banking mo lods, pwede ka magtransact. Pero pinaka-safe habang anjan kapa sa Korea kapag nagka-internet ka, i-transfer mo na yung pera mo sa ibang account para sila na magpadala sayo dito sa pinas.
@@JustforFunTV9880 oo may online banking ako sa Woori bank,thank u Lodz sa tip,Godbless🙏