Nais kong ibahagi ang mga talatang ito ng Quran na naglalarawan ng ilan sa mga himala ni Hesus ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kanyang ina at sa kanya, gayundin ang nangyari sa nakaraan at kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Salin sa Filipino ng Banal na Quran, Kabanata 5 (Al-Maidah) mga bersikulo 109-120 109. Sa araw na kakalap si Allāh sa mga sugo saka magsasabi Siya: "Ano ang isinagot sa inyo?" ay magsasabi sila: "Walang kaalaman sa amin; tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga lingid." 110. [Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo at sa ina mo noong umalalay Ako sa iyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan habang nagsasalita ka sa mga tao habang nasa duyan at nasa kasapatang-gulang; noong nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, karunungan, at Torah, at Ebanghelyo; noong lumilikha ka mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon ayon sa pahintulot Ko saka umiihip ka rito kaya ito ay nagiging ibon, at nagpapagaling ka ng ipinanganak na bulag at ng ketungin ayon sa pahintulot Ko; noong nagpapalabas ka sa mga patay ayon sa pahintulot Ko; at noong pumigil Ako sa mga anak ni Israel palayo sa iyo noong naghatid ka sa kanila ng mga malinaw na patunay at nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila: Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw." 111. [Banggitin] noong nagkasi Ako sa mga disipulo, na [nagsasabi]: "Sumampalataya kayo sa Akin at sa Sugo Ko" ay nagsabi sila: "Sumampalataya kami at sumaksi Ka na kami ay mga Muslim." 112. [Banggitin] noong nagsabi ang mga disipulo: "O Jesus na anak na Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" ay nagsabi siya: "Mangilag kayong magkasala kay Allāh kung kayo ay mga mananampalataya." 113. Nagsabi sila: "Nagnanais kami na kumain mula roon, mapanatag ang mga puso namin, makaalam kami na nagpakatapat ka nga sa amin, at kami roon ay maging kabilang sa mga tagasaksi." 114. Nagsabi si Jesus na anak ni Maria: "O Allāh, Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin ay magiging isang pagdiriwang para sa una sa amin at huli sa amin at isang tanda mula sa Iyo. Magtustos Ka sa amin, at Ikaw ay pinakamainam sa mga tagatustos." 115. Nagsabi si Allāh: "Tunay na Ako ay magbababa nito sa inyo; kaya ang sinumang tatangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpaparusa sa kanya ng isang pagdurusang hindi Ako nagpaparusa nito sa isa kabilang sa mga nilalang." 116. [Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?" Magsasabi ito: "Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang wala akong karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko ngunit hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga lingid. 117. Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi. 118. Kung magpaparusa Ka sa kanila, tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung magpapatawad Ka sa kanila, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." 119. Magsasabi si Allāh: "Ito ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga nananatili sa mga ito magpakailanman." Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod naman sila sa Kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. 120. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa mga ito. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Nais kong ibahagi ang mga talatang ito ng Quran na naglalarawan ng ilan sa mga himala ni Hesus ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kanyang ina at sa kanya, gayundin ang nangyari sa nakaraan at kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Salin sa Filipino ng Banal na Quran, Kabanata 5 (Al-Maidah) mga bersikulo 109-120
109. Sa araw na kakalap si Allāh sa mga sugo saka magsasabi Siya: "Ano ang isinagot sa inyo?" ay magsasabi sila: "Walang kaalaman sa amin; tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga lingid."
110. [Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo at sa ina mo noong umalalay Ako sa iyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan habang nagsasalita ka sa mga tao habang nasa duyan at nasa kasapatang-gulang; noong nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, karunungan, at Torah, at Ebanghelyo; noong lumilikha ka mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon ayon sa pahintulot Ko saka umiihip ka rito kaya ito ay nagiging ibon, at nagpapagaling ka ng ipinanganak na bulag at ng ketungin ayon sa pahintulot Ko; noong nagpapalabas ka sa mga patay ayon sa pahintulot Ko; at noong pumigil Ako sa mga anak ni Israel palayo sa iyo noong naghatid ka sa kanila ng mga malinaw na patunay at nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila: Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw."
111. [Banggitin] noong nagkasi Ako sa mga disipulo, na [nagsasabi]: "Sumampalataya kayo sa Akin at sa Sugo Ko" ay nagsabi sila: "Sumampalataya kami at sumaksi Ka na kami ay mga Muslim."
112. [Banggitin] noong nagsabi ang mga disipulo: "O Jesus na anak na Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" ay nagsabi siya: "Mangilag kayong magkasala kay Allāh kung kayo ay mga mananampalataya."
113. Nagsabi sila: "Nagnanais kami na kumain mula roon, mapanatag ang mga puso namin, makaalam kami na nagpakatapat ka nga sa amin, at kami roon ay maging kabilang sa mga tagasaksi."
114. Nagsabi si Jesus na anak ni Maria: "O Allāh, Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin ay magiging isang pagdiriwang para sa una sa amin at huli sa amin at isang tanda mula sa Iyo. Magtustos Ka sa amin, at Ikaw ay pinakamainam sa mga tagatustos."
115. Nagsabi si Allāh: "Tunay na Ako ay magbababa nito sa inyo; kaya ang sinumang tatangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpaparusa sa kanya ng isang pagdurusang hindi Ako nagpaparusa nito sa isa kabilang sa mga nilalang."
116. [Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: "O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?" Magsasabi ito: "Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang wala akong karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko ngunit hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga lingid.
117. Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi.
118. Kung magpaparusa Ka sa kanila, tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung magpapatawad Ka sa kanila, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong."
119. Magsasabi si Allāh: "Ito ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga nananatili sa mga ito magpakailanman." Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod naman sila sa Kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
120. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa mga ito. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.