APO Hiking Society - Batang Bata Ka Pa (Official Lyric Video)

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 5 ม.ค. 2021
  • #APOHikingSociety #BatangBataKaPa #OfficialLyricVideo
    LISTEN to "Batang Bata Ka Pa" backl.ink/204052
    Don’t forget to subscribe: bit.ly/1ocCqit
    We are the number one independent record label in the Philippines. Home of the best Original Pilipino Music (OPM) artists, our roster includes Gary Valenciano, Parokya Ni Edgar, Ice Seguerra, Noel Cabangon, Christian Bautista, Sponge Cola, Neocolours, Gloc-9, Elmo Magalona, Julie Anne San Jose, Claudia Barretto, Donny Pangilinan, Angelina Cruz, TALA, Janina Vela, Shanti Dope, Kyle Juliano, Better Days, Mark Oblea, Paolo Sandejas, Gracenote, Coln, Hannah Pangilinan, Maine Mendoza, JKris, Dotty's World, Paolo Mallari, Imago, Kurei, Woopis, Sam Cruz, The Knobs, Kemrie, Gio Marlo and more!
    Subscribe to our channel for exclusive videos including official music videos, lyric videos, album previews and album launch invitations!
    Follow us on Facebook / universalrecordsph
    Twitter / universalrecph
    Instagram / universalrecordsph
    TikTok universalrecph
  • เพลง

ความคิดเห็น • 704

  • @Senddy
    @Senddy 2 หลายเดือนก่อน +92

    May mga tao pa bang pinapakinggan itong lumang kanta 😮 pa like nman
    👇

  • @Leo-cd3dk
    @Leo-cd3dk 3 ปีที่แล้ว +1214

    sa mga bata ngayon na nakakabasa nito. I-enjoy mo lang hanggat bata ka pa, huwag ka magmadali tumanda dahil mas masarap ang buhay na wala ka pang iniisip na problema.

  • @christophersantos5384
    @christophersantos5384 3 ปีที่แล้ว +107

    langya ang sakit sa dibdib..yung mga nakaraan nuon na alam mong di na kailanman maibabalik pang muli..swerte parin mga batang 80's 90's naranasan mga laro nuon...

    • @Leo-cd3dk
      @Leo-cd3dk 3 ปีที่แล้ว +8

      2001 ako pero naranasan ko malaro yung mga laro niyo po noon :) pero isa din ako sa nawili noon sa gadgets nung nagsimula na magkaroon ng ipad at iphone or other touch screen phones. ang yabang ko pa pag pumapasok sa school dahil kumpleto ako dyan. hindi ko alam na pagsisisihan ko na natuwa ako sa mga ganyan bagay 😞 gusto ko ulit bumalik nung panahon na tatakas pa ako sa lola ko para makalaro sa labas. Nakakalungkot na ngayon..

    • @dulaycathy2256
      @dulaycathy2256 3 ปีที่แล้ว +4

      Oo Mas masarap nuon una na maging bata dhil lht ng laro mararanasan mo nun 80, s 90 s

    • @cheenabells1549
      @cheenabells1549 2 ปีที่แล้ว +2

      Masyado na naging moderno ang panahon. Hindi mo na mababakas ang mga nakalipas, kung pwede na lang talaga bumalik sa pagiging bata. 😭😭😭💔

    • @apriljoygonzales3477
      @apriljoygonzales3477 2 ปีที่แล้ว +3

      90's! And I'm 23 na ngayon 🤧 sarap bumalik sa pagkabata 😢😢

    • @thefreakbinge
      @thefreakbinge 2 ปีที่แล้ว +1

      Half yung childhood ko, half laro half technology

  • @sablayanjaycelann2255
    @sablayanjaycelann2255 3 ปีที่แล้ว +184

    2021 na. Sino pa nakikinig nito? Anung naaalala nyo just comment down below..
    Sana katulad nalang noon. Malaya lahat malaya kang nkakahinga.

    • @rhenzgabiana5685
      @rhenzgabiana5685 3 ปีที่แล้ว +3

      Yung wla pa ang covid sobrang saya

    • @rjamestabianan599
      @rjamestabianan599 3 ปีที่แล้ว +5

      yung wlang problema na iicpn ung laro lang pauwiin k nlng ng parents maydala pamalo..nakakmis ang dti.. sarap balikan..tama tlaga ang nakakaraan ay alaala nlng at d na pwede balikan haixt sarap mgng bata..

    • @bebslumalan9838
      @bebslumalan9838 3 ปีที่แล้ว +2

      Hinahanap kuparin tong music nato😊

    • @jeicamendoza2479
      @jeicamendoza2479 2 ปีที่แล้ว +1

      7970

    • @dyllanfrancescamartinez3985
      @dyllanfrancescamartinez3985 2 ปีที่แล้ว

      Naaalala ko Yung penikula ni dolphy, wala Lang nag recall Lang whaha kasama niya si Serena dalrymple

  • @younge5087
    @younge5087 2 ปีที่แล้ว +126

    This song made me realize na ang sarap bumalik sa pagkabata.

    • @julieannmaetan972
      @julieannmaetan972 2 ปีที่แล้ว +4

      Trueeee po😢😢

    • @arielclamonte1071
      @arielclamonte1071 ปีที่แล้ว +1

      totoo po

    • @karltrinidadtv9945
      @karltrinidadtv9945 ปีที่แล้ว +1

      Yes hays kakamis maging bata..

    • @raymartmanalastas523
      @raymartmanalastas523 10 หลายเดือนก่อน +1

      Opo pero d naten mapigilan Ang panahon darating pa den Ang panahon na tatanda Tayo hmm🥲

    • @Wrenzioo
      @Wrenzioo 7 หลายเดือนก่อน

      100% true

  • @blessingricoperto
    @blessingricoperto 2 ปีที่แล้ว +254

    Been a slave of pride, lahat ng sinasabi ng mas nakakatanda hindi ko pinakikinggan, kung ano yung gusto ko at alam kong ikakasaya ko- patuloy kong ginawa kahit mali at unti unti na akong sinisira, lost a loved one na syang nagsasabi sakin ng tama at mali noon, and now I am blessed to have my older brothers and sister na nagpapayo sa'kin. I love to hear this song bago ako matulog to remind me na maging mapagkumbaba sa mga taong mahal ako at dinidisiplina ako. Indeed "ang buhay ay hindi isang mumunting paraiso lamang". I'm 19, marami pa akong pagdaraanan. Marami pa akong hindi alam sa buhay. Hindi ko pa kaya ng sarili ko lang. Mahihirapan lang ako kung ipipilit kong maging mapagmataas at wag makinig sa sinasabi nila. I will lend my ears and open my heart dahil "kapag dinidisiplina ka, mahal ka."

  • @analynvillanueva292
    @analynvillanueva292 2 ปีที่แล้ว +46

    Nkakaiyak . I miss being kid 🥺 Narealize ko Ang lahat. Hndi man maibalik Ang mga nkaraan o alaala. Napaka swerte ko nman kc narnsan ko Kung paano maging masyang Bata nuon. Sobrang layo n sa Ngayon. Hello sa mga batang 80s And Lalo na sa mga 90s 💛✨.

  • @judygrace9388
    @judygrace9388 2 ปีที่แล้ว +15

    Dalangin ko sa mga kabataang walang choice kung di mag trabaho ng musmos pa lng para tumulong sa pamilya at magulang naway maabot nio ang pangarap nio at malagpasan nio lahat ng pagsubok na pag dadaanan nio.

    • @angelcantos5268
      @angelcantos5268 ปีที่แล้ว

      Maraming salamat po. Sana, sana talaga.

  • @Hotelier-ot7bn
    @Hotelier-ot7bn 2 ปีที่แล้ว +335

    A song with the spirit of innocence. It's so peaceful to hear. Sarap balikan ng mga good childhood memories.

    • @joshuafabian5572
      @joshuafabian5572 ปีที่แล้ว +3

      yung problem mo lang yung pag tulog ng hapon

    • @iveagohayan7542
      @iveagohayan7542 ปีที่แล้ว

      @@joshuafabian5572 ...that part where your parents would ask and obliged you to sleep every afternoon even if you're not sleepy. But the idea is for the regular afternoon sleep is for you to grow fast. I remember that my mother would always tell us that Santa Claus would not give us presents come Christmas time if we don't sleep regularly every afternoon.

    • @shoshanah7666
      @shoshanah7666 ปีที่แล้ว +1

      @@iveagohayan7542 yeah no merienda for kids who don’t nap in the afternoon after lunch.. wow the life of kids!

    • @renzcruzmabalatan2225
      @renzcruzmabalatan2225 ปีที่แล้ว

      26 na ko sa dec 19 and yes kahit siguro 50 na ko bata pa rin ako.

    • @joelbanares8230
      @joelbanares8230 10 หลายเดือนก่อน

      👍👍👍😢😢😢

  • @marlonworkz5562
    @marlonworkz5562 3 ปีที่แล้ว +27

    ang masakit pala sa buhay ng tao darating ung araw na isa isa taung mawawala napakasakit lalo na sa mga kababata natin tapos isa isa tayong nawawala sa mundo mag rere union sa burol ng kaibigan n dati mong ka agapay sa mga nagiging hakbang natin tungo sa kanya kanyang buhay

  • @jaysonperdido7825
    @jaysonperdido7825 2 ปีที่แล้ว +21

    Nakakamis maging bata walang mabigat na desisyon at problema .. 😥🥺

    • @verniecruz9917
      @verniecruz9917 2 หลายเดือนก่อน +1

      ako kuya merono ako ang bata ang bata
      kapa

  • @oliviabertos5880
    @oliviabertos5880 ปีที่แล้ว +35

    Minsan lang tayo magiging bata at minsan lang din tayo tatanda kaya makinig tayo sa mga naunang iduyan sa atin😊😊 Pagmamahal lang yan kaya tayo napapagalitan at napapagsabihan😊🥰

  • @rayvermontecalvo2727
    @rayvermontecalvo2727 2 ปีที่แล้ว +13

    2021 brought me here...Sana ganito nlng din ulit ang mundo na malaya at masaya ang lahat...Sana bata nalang ulit...

  • @JefeyPanerio
    @JefeyPanerio 11 หลายเดือนก่อน +48

    Sa mga batang may mga magulang pa na gumagabay sa inyo,mabuhay kayo dahil naranasan ninyo ang pagmamahal ng magulang.

  • @lilia.3088
    @lilia.3088 2 ปีที่แล้ว +19

    Naalala ko tong kanta na to elementary ako narinig ko sa movie ni Patrick at Ana larucea ba un,grabe dimo namamalayan na lumilipas na pala yung panahon at natanda na ako,parang nakakalungkot lng haha nkaka senti tong kanta na to..
    Kaya sa mga bagets dyan i enjoy nyo pag ka bata nyo,matulog kayo sa tanghali dahil pag dumting ang time na need nyo na mag work hahanpin nyo ung kalayaan matulog. Napaka sarap mabuhay ❤️

  • @fredrichlana2405
    @fredrichlana2405 3 ปีที่แล้ว +8

    Kahit patanda na patanda kana,batang bata ka parin,lalo na pagnaririnig mo itong awit nato,

  • @lizelsablaon2442
    @lizelsablaon2442 11 หลายเดือนก่อน +12

    Kapag meron bata ang makakarinig nitong kanta natu,. Mapagkukunan nila ito ng lakas sa lahat ng kanilang mga napagdananan ngayun❤

  • @dandanmateo2086
    @dandanmateo2086 2 ปีที่แล้ว +75

    I still remember this song. We sang it way back grade 2 moving up ceremony. I still remember my Mom is very proud of me that day because I got 3 ribbons. Nakakamiss maging bata, and I miss my Mom being proud of me. So sad to say na Kinalimutan na ako ni Mama🥺🥺🥺

    • @julieannmaetan972
      @julieannmaetan972 2 ปีที่แล้ว +5

      Awwww😢😢

    • @cady7752
      @cady7752 2 ปีที่แล้ว +4

      same, kahit anong achievements ko rin sa school ngayon parang wala na lang sa kanya.

    • @jaywyntv908
      @jaywyntv908 2 ปีที่แล้ว +2

      Ouch😭

    • @aceaciii931
      @aceaciii931 ปีที่แล้ว +1

      ang sad 😢

    • @iam_ell
      @iam_ell 9 หลายเดือนก่อน +1

      Send hug🫂

  • @danicarosal5862
    @danicarosal5862 2 ปีที่แล้ว +25

    I love to go back to the times na hindi pa complicated and lahat. Hays take me back to those times or at least let me experience it. I'm 2000's baby but I love to go back to old times.

  • @kryztine9954
    @kryztine9954 9 หลายเดือนก่อน +4

    Sana noong bata pa ako hindi ako nag madali tumanda dahil ngayon ko lang na realize na mas masarap pala maging bata talaga❤

  • @Apo.jofficialcYTchannel
    @Apo.jofficialcYTchannel 3 ปีที่แล้ว +10

    Wow na ka2miss❤️

  • @nolicayetano7968
    @nolicayetano7968 2 ปีที่แล้ว +7

    Hayyyy napakasarap muli maging Bata.

  • @raymondhomeres7161
    @raymondhomeres7161 6 หลายเดือนก่อน +7

    I-enjoy ang pagiging bata dahil minsan lang yan, tanggapin ng maluwag ang mga payo ng magulang at tanggapin ang katotohanan na lahat tayo ay nagkakamali😊 Pag tumanda kana promise!! Papangarapin mo ulit maging bata😉

  • @19Liix90
    @19Liix90 3 ปีที่แล้ว +400

    yung tipong gsto mong mobalik sa pagkabata habang nag grow up ka unti unting nageng complicated ang buhay na puro ng problema

    • @lancedwaynepacapac5315
      @lancedwaynepacapac5315 3 ปีที่แล้ว +27

      Pero, hindi katulad sa pagiging bata, mas alam at marunong ka na sa mga darating sa buhay mo dahil marami ka na naranasang bagay sa mundo.

    • @Armon34
      @Armon34 3 ปีที่แล้ว +13

      Hi, tama yan, tanong ko lang nahanap niyo na ba ang solusyon. Pagkakaalam ko lahat ng problema ay may solusyon.

    • @lalayachan5322
      @lalayachan5322 2 ปีที่แล้ว +7

      True

    • @devtzy1346
      @devtzy1346 2 ปีที่แล้ว +14

      Mahirap talaga maging grown up Kase malalaman mo na Ang totoo Ang reyalidad na akala mo na Ang buhay ay madali ata kala mo alam mo n a labat ng kailangan mong nalaman tangapin nalang natin ang katotohonan

    • @susanocampo9339
      @susanocampo9339 2 ปีที่แล้ว +1

      Tama kahirap

  • @JW-zd5ry
    @JW-zd5ry ปีที่แล้ว +5

    I'm here turning 40 years old eto yung kanta lagi kung naririnig nun bata ako 😢

  • @jayrdonato4146
    @jayrdonato4146 11 หลายเดือนก่อน +5

    Sarap pakinggan di nakakasawa sarap bumalik sa pagkabata...kaya sa mga bata jan ienjoy pagiging musmos wag masyadong magmadali😊

  • @torquettalk
    @torquettalk 2 ปีที่แล้ว +55

    Adults are empowered for listening to this song while thinking that many of them are entitled and excused to reprimand the children 🤭 little do they know that not all adults can effectively teach or reprimand children. In the end, teaching life's lessons just goes on both ways between children and adults.

    • @janellesalva7849
      @janellesalva7849 2 ปีที่แล้ว +3

      finally, hinihintay kong comment

    • @oriii7594
      @oriii7594 2 ปีที่แล้ว +2

      It's a great song and a classic but there's flaws to what it's trying to say, learning can happen anytime to anyone, being old or young shouldn't be the 1 only perimeter

    • @quesee08
      @quesee08 2 ปีที่แล้ว +9

      While it's true that not all adults reprimand properly, the point is: kids should still listen because adults know better. That's the whole logic of the song. There are kids that are just harder to discipline but at the end of the day, your parents want the best for you. I am not conservative but we should stop some of this left thinking crap

    • @khimm.8511
      @khimm.8511 ปีที่แล้ว

      @@quesee08 "I am not conservative" also you saying the most conservative shit ever lmfao a typical old hag line

    • @quesee08
      @quesee08 ปีที่แล้ว +1

      @@khimm.8511 LOL, yes for disciplining children I prefer the conservative method. Look around you and maybe youll learn something

  • @creationcenter9495
    @creationcenter9495 ปีที่แล้ว +7

    Salamat sa Iyong Musika!!! may your soul be at peace with our Heavenly Father🙏 GoodNight Sir DANNY.

  • @christianjamescastro1863
    @christianjamescastro1863 3 ปีที่แล้ว +100

    One of the best filipino song s ❤️🤙

  • @mymelody3090
    @mymelody3090 ปีที่แล้ว +14

    This song make sense now. There is more we don't know about life.

  • @alitabercilla1602
    @alitabercilla1602 2 ปีที่แล้ว +8

    Tugtuging naririnig ko pag gising ko pa kng sa umaga hanggang pagsapit ng takipsilim.salamat po sayo papa sa pagmulat sa akin ng mga makabuluhang kanta..masaya ako sa mga iniwan nyo ping alaala kht hindi kmi handa sa paglisan mo..limang taon na pong nangungulila parin kmi sainyo😭

  • @apriljoygonzales3477
    @apriljoygonzales3477 2 ปีที่แล้ว +7

    August 28, 2021, Sarap bumalik nung mga panahon na malaya kang naglalaro sa daan at tatawagin lang kayong kakain tapos maghuhugas ka ng Plato na walang reklamo. After that patutulugin kana ng mga gang hapon pero minsan fake yung pagtulog mo nakapikit ka lang, paggising mo magmiryenda na and laro na ulit. Tuwing walang kuryente naglalaro ng tagu-taguan. Sarap bumalik sa mga ganitong panahon. 😢😢😢🤧🤧🤧🤧

    • @julieannmaetan972
      @julieannmaetan972 2 ปีที่แล้ว

      Legit!🤣 pero ang sakit balikan😢😢

  • @maricelcharita3872
    @maricelcharita3872 2 ปีที่แล้ว +9

    Now Listening 😔😞 Sarap bumalik sa pagkabata yung tipong walang iniisip at iniintindi .. 😔😢💔

  • @lencerpanugan1326
    @lencerpanugan1326 2 ปีที่แล้ว +3

    Batang 90's Ako .. Salute to APO👍👌💪❤️🙏

  • @susanocampo9339
    @susanocampo9339 2 ปีที่แล้ว +12

    Noong bata pa ako ito talaga tumatak sa isip ko at ito talaga paborito ko sa lahat ✨

  • @bonusmarcoantoniod.stem2108
    @bonusmarcoantoniod.stem2108 3 ปีที่แล้ว +5

    sarap maging bata ulit, yung tipong wala kang iniisip na problema

  • @sheillavancove7247
    @sheillavancove7247 ปีที่แล้ว +4

    Pinapalayas na kami dito sa lugar namin. Bata ako at hindi ko alam ano maitutulong ko sa pamilya ko. Listening to this song, alam ko na ang mali sa katotohanan.

  • @BenjieSara
    @BenjieSara 9 วันที่ผ่านมา +1

    22 ako dami kong na realiz sa twing naring ko tong kanta nato😭🥺gusto ko kausapin yung dating ako😭🥺😔

  • @thegirlbehindthemask7847
    @thegirlbehindthemask7847 2 ปีที่แล้ว +6

    Pag pinakikinggan ko to , naalala ko lang nong bata pa ako , childhood memories

  • @marygracegadil4529
    @marygracegadil4529 2 ปีที่แล้ว +3

    Hyyyy masarap ulit maging Bata🥰🥰🥰🥰

  • @user-gd6rr3xe8j
    @user-gd6rr3xe8j 2 หลายเดือนก่อน +1

    😢mama papa...saan mn kau ngaun hnd q man nsabi noon ng bata pa aq mahal na mahal q kau ng sobra.anu mn ang pagddisiplina ninyo noon samin hnd nmin pinapakinggan ang herap pala ng buhay na wla ng magulang na gumagabay.ang sarap balik balikan ang pagiging bata.everytime na pinapatugtog q ang kantang ito umiiyak aq na tinititigan ang pamangkin q habang tulog sabi q sa sarili q enjoy mlg ang pagiging bata dahil kng pwede lg ayokong mranasan mu ang sakit na nramdaman q ngaun.wla mn ang mga magulang musa tabi mu nandito na gumagabay sau hanggat buhay aq.

  • @justiceforashgoton4427
    @justiceforashgoton4427 2 ปีที่แล้ว +2

    You are millennials and listening to this song Yes Kinakanta po namin to dati sobrang nag tatak talaga tong kantang ito para sa amin 😍

  • @dwyanejamesagoy7348
    @dwyanejamesagoy7348 6 หลายเดือนก่อน +2

    Kaboses ni kuya will😍❤

  • @glel009
    @glel009 2 ปีที่แล้ว +6

    12 years old but already missing and longing for a life back then. A joyful and happy life I have before. Life is really a mess once you became matured. I hope kiddos will enjoy their life habang Bata pa Sila.

    • @rekt835
      @rekt835 2 ปีที่แล้ว +1

      bruh I'll give everything to be 12 yrs old again, cherish it.

  • @voyagedechen
    @voyagedechen ปีที่แล้ว +6

    RIP sir Danny🙏 Maraming salamat po❤️
    Ang daming hamon sa buhay.. sarap bumalik sa pagka bata.

    • @BertWithoutErnie
      @BertWithoutErnie ปีที่แล้ว

      But Jim Paredes who wrote the song for his daughter.

  • @benjo4535
    @benjo4535 2 ปีที่แล้ว +11

    Sana inenjoy ko itong kanta na ito noong bata pa ako. Ramdam na ramdam ko na ang pagiging bente anyos ko hindi na ako bata at ang tanging patutunguhan ko na lang talaga ngayon ay mabibigat na responsibilidad na talagang nakakapanibago. Nakakakaba man pero wala naman din tayong choice kaya dalangin nalang na makayanan ang paparating na panibagong chapter ng buhay.

    • @yrbuacute
      @yrbuacute ปีที่แล้ว

      Nako marami ka pang mararanasan, 20 bata ka pa, mas marami ka pang malalaman sa tunay na mundo. Enjoy mo lang,

  • @Mrph3450
    @Mrph3450 หลายเดือนก่อน +1

    This song is powerfull..
    I dedicate this song sa mga annoying na bata na pinipilit maging asal matanda and akala nila alam na nila lahat.
    Like fr, kiddos. Enjoy being a child.
    Regrets will follow and
    It will be too late Pag narealize nyo na kung gano kahirap maging adult.

  • @olivercastulo8173
    @olivercastulo8173 11 หลายเดือนก่อน +2

    KAYA PALA SABAY2 KUMAKAIN NOON SA MESA😢 KC DARATING YUNG ARAW NA WALA NA SILA😢😢😢 NAKAKA MISS MY LOLO AND LOLA😢😢😢

  • @EvanWrxTattoo
    @EvanWrxTattoo ปีที่แล้ว +3

    Yung parang gusto mong bumalik sa pagkabata dahil patawa tawa lang pagala gala lang"pero now na nag gogrow na yung age naten mas nagiging complicated na yung mga nangyayare dahil mas naiintindhan nanaten kng ano yung problema.

  • @jomarimanipol8066
    @jomarimanipol8066 2 หลายเดือนก่อน +1

    Habang Bata pa sulitin na Ang bawat sandali..tatanda Ang lahat at darating Ang araw na alaala nalang Tayo.

  • @emmanuelabonitalla5608
    @emmanuelabonitalla5608 3 ปีที่แล้ว +16

    mapapa iyak ka talaga, lalo na sa movie nila dolphy and vandolph na kinanta nila :'(

  • @angelic7855
    @angelic7855 11 หลายเดือนก่อน +9

    I sing this to myself everytime I feel overwhelmed. Sa mga panahon na pakiramdam ko na kaya ko na lahat, at sa panahon na nahihirapan ako mabuhay. Napakagandang payo.

  • @recypresas3067
    @recypresas3067 2 ปีที่แล้ว +5

    Uhmm bata pa po ako and nagbasa kopo lahat ng commet nyo and totoo po na masarap maging bata dahil wala pang mga problem at ito pong sone nato na appreciate kopo😊😊😊

  • @hermogenesviray4546
    @hermogenesviray4546 2 ปีที่แล้ว +6

    Apo Society magaling talaga in sync sila palagi chaka maganda harmony nila shoot the best sila!!

  • @junghahoonFilo
    @junghahoonFilo ปีที่แล้ว +3

    Listening to this song realize that I really miss my younger self. Ang bilis ng panahon grabe dati bata ka pa lang ngayon humaharap na sa hamon ng buhay. If we can turn back the time I choose the younger me hayst

  • @jayveebernardo7696
    @jayveebernardo7696 ปีที่แล้ว +4

    tis song goes to my children,,, jayvee,joan,and jiggen,,,keep it on u'r mind

  • @nicaacopio
    @nicaacopio 8 หลายเดือนก่อน +1

    The moment nun bata tayo na gusto na natin agad tumanda, pero growing up mas gusto pa natin bumalik nalang sa pagkabata. Our world seems so cruel and tiring. Day by day we choose to survive.

  • @kcannedenajeba9865
    @kcannedenajeba9865 3 ปีที่แล้ว +29

    I AM HERE BECAUSE OF MY MODULE
    (btw this is beautiful♡♡♡)

  • @jlbbergu369
    @jlbbergu369 2 ปีที่แล้ว +1

    Batang bata pero totoo sarap pakinggan sarap buhay bata walang isipin walang problemahin sarap bumalik sa pagkabata bakit pa kasi tumatanda ang tao eh magulo naman ang mundo

  • @user-wi7vu1ue4p
    @user-wi7vu1ue4p 4 หลายเดือนก่อน +1

    I want to comeback those days that i was a kid. As i grow my life's getting harder. I hope i could able to turn back the time. And if i have chance to do it. I wouldn't waste that, i choose to enjoy. I choose to be happy.

  • @mikeqto4056
    @mikeqto4056 2 ปีที่แล้ว +14

    Brings back childhood memories😘⛹️🚴🤹‍♀️👬🎸🎹🎶🎤

  • @Orpheus488
    @Orpheus488 2 หลายเดือนก่อน +1

    Berry beautiful sung 😍💕💕💕 nice nice nice
    Love from Japan 🇯🇵

  • @elviradedios2045
    @elviradedios2045 ปีที่แล้ว +5

    One of my favorite song of Apo hiking Society... thank you Sir Danny Javier RIP🙏

  • @ReyannSanchez-fp6zs
    @ReyannSanchez-fp6zs หลายเดือนก่อน

    My tears was falling down when i heared this song😭 Namiss kolang ang pagka bata ko😢

  • @yodiponggolgaming4335
    @yodiponggolgaming4335 2 ปีที่แล้ว +1

    Di ko inakalang maririnig koto ulit dahil sa isang module HAHAHA ka miss talaga maging bata. yung wala kapang pinoproblema sa buhay at sa pag aaral.

  • @tataecho3715
    @tataecho3715 ปีที่แล้ว +4

    After all these years APO is it!

  • @alfiequinsay125
    @alfiequinsay125 3 หลายเดือนก่อน +1

    Apo time is gold....ipanalo gera ng sakit at gera sa labas ng nasasakupan mo...midlle east apectado tyo langis at krudo

  • @Mommycarla313
    @Mommycarla313 2 วันที่ผ่านมา

    mahilig ako sa 80's 90's song kahit 20's lang ako

  • @daiki7155
    @daiki7155 ปีที่แล้ว +3

    Laging pinaparinig saakin ng Lola't Lolo ko ito bilang pang Disiplina 🥺
    Nakakamiss

    • @gracegadbilao7367
      @gracegadbilao7367 ปีที่แล้ว

      I feel you❤️ bilang laki SA Lolo at Lola memories❤️❤️❤️

  • @lynjimenez5629
    @lynjimenez5629 ปีที่แล้ว +1

    Kung pede lang sana bumalik sa pagkabata. Naun puro problema na hays 🥺🥺

  • @calebbautista5616
    @calebbautista5616 ปีที่แล้ว +2

    RIP idol Danny. Mamimiss ka namin... 🙏❤️

  • @sarahmaemabiogofficial782
    @sarahmaemabiogofficial782 9 หลายเดือนก่อน +1

    panahong obligado tayo matulog tuwing tanghali kahit di naman tayo inaantok, ngayon kahit gusto mo matulog dika makatulog dahil sa dami ng sularanin kinakaharap ng bawat isa 😥

  • @amielgo1355
    @amielgo1355 3 ปีที่แล้ว +8

    Hindi ka ba bata, you r an adult, but if u want to stay young at heart, then it's fine with me; the truth is, nobody is perfect!

  • @aly_1607
    @aly_1607 หลายเดือนก่อน +1

    para sa akin ang kantang batang Bata ka pa ay isang magandang kanta ipang ipaalala sa atin na huwag magmadali sa buhay at sulutin ang pagkabata‚ hayaan ang mga matatandang turuan tayo at gabayan sa tamang landas‚

  • @mazo3550
    @mazo3550 2 ปีที่แล้ว +1

    No'ng bata pa ako, gusto kong tumanda na agad para pwede nang gumala sa malalayong lugar. Hindi ko alam, na ganito pala pag tumanda, maraming responsibilidad sa buhay, maraming mabibigat na pagsubok.

  • @jamesangelomahinay594
    @jamesangelomahinay594 ปีที่แล้ว +1

    Ilang Taon Lang Tayo Magiging Bata
    Sasapit Din Ang panahon Na Magkakaroon Kana Ng Ibat Ibang Responsibilidad Kaya Sulitin Ang Pagkabata At Matuto

  • @tdxplayz7314
    @tdxplayz7314 2 ปีที่แล้ว +1

    Sarap maging bata, kailangan talaga makinig sa magulang para hindi mapahamak.

  • @reaella4373
    @reaella4373 2 ปีที่แล้ว +4

    THIS SONG REMINDS ME OF MY GRANDPARENTS even tho i didn't meet them yet bc they passed away when i was a baby huhu i miss them

  • @marcangelo_5672
    @marcangelo_5672 8 หลายเดือนก่อน

    Sa mga batang nakakakita nito huwag nyo sana sayangin yung buhay nyo dito sa mundo marami pa kayo pangarap wag kayo bumigay minsan napapagalitan kayo pero tuloy tuloy nyo lang buhay nyo😊❤

  • @cheenabells1549
    @cheenabells1549 2 ปีที่แล้ว +4

    Kung pwede lang ibalik ang nakaraan. Ang sarap na lang maging bata, wala kang ibang nasa isip kundi maglaro at magsaya. Hindi gaya ngayon mulat ka na sa realidad ng buhay. 😭😭😭💔

  • @aileenlevygarces1530
    @aileenlevygarces1530 2 ปีที่แล้ว +1

    pag bata ka gusto mo agad tumanda.. nagmammadali ka... ngaun.matanda na ako wish ko natin na maging bata uli.. kasi nalaman na natin na masarap pala maging bata wala.pang malay sa kung ano tlga ang reality sa ating mundo....

  • @alexandraoquendo1829
    @alexandraoquendo1829 ปีที่แล้ว +1

    Crying too much!!!
    RIP Danny Javier... We'll miss you!
    😭😭😭

  • @moldacious3058
    @moldacious3058 ปีที่แล้ว +1

    Di ako nabuhay noong kapanahonan ng kantang to pero, lumake ako sa mga gantong kanta thanks to the people around me

  • @charliedelarosa4721
    @charliedelarosa4721 ปีที่แล้ว +1

    Ang sarap maging Bata marami kng memory na alam kung saan k laging Masaya

  • @icyrosesmay6873
    @icyrosesmay6873 ปีที่แล้ว +3

    Eternal Rest Grant unto Him Ohh Lord.🙏🙏
    RIP 🪦🪦 Legend Danny Javier...

  • @eduardopascual9964
    @eduardopascual9964 ปีที่แล้ว +1

    Tama Ang buahy natin pag bata tayu walang iniintinde pero pag nag ka idad na Ayan na simula Ng problema sa buhay

  • @markusjordantesoro2992
    @markusjordantesoro2992 ปีที่แล้ว +1

    nakakalungkot nman sarap maging bata kung pwede lang bumalik sa nakaraan at huminto ang oras kaso di ganon ang masakit pa alam mong darating yung oras na kailangan mo din mag paalam sa mundo pag dating ng panahon.

  • @homie.internet2880
    @homie.internet2880 2 ปีที่แล้ว +6

    I am 13 naiiyak ako pag pinakikinggan ko to kahit gusto man nating bumalik o huwag ng tumanda hindi natin mapipigilan ang panhon ang oras patuloy parin sa pagikot.

    • @MJ_2324
      @MJ_2324 2 ปีที่แล้ว +3

      bata kpa naman ah Basta wag klang papatalo sa problema

  • @xtremeplayzroblox10
    @xtremeplayzroblox10 3 ปีที่แล้ว +7

    Miss old memories

  • @toyotatacoma2021
    @toyotatacoma2021 ปีที่แล้ว +1

    Wow a nice song Batang bata ka pa is one my favorite song in 80

  • @Mayuri_Gaming
    @Mayuri_Gaming 3 ปีที่แล้ว +9

    Sa makakabasa neto magiging Successful kayo soon❤ godbless😊

  • @homecruz2431
    @homecruz2431 8 หลายเดือนก่อน

    Sana kung pwede pa, gustung -gusro ko ibabalik ang aking kamusmusan. Walang problemang nadarama, walang pagdadalamhati, at pamgamba 😢😢😢

  • @ericlumapat2045
    @ericlumapat2045 ปีที่แล้ว +1

    Habang pa tanda Ang edad natin palungkot Naman Ang realidad 😔😔

  • @YEIONAH
    @YEIONAH 2 ปีที่แล้ว +1

    gusto ko na bumalik s pagkabata ung naglalaro lng mg hapon uuwe pg nagutom 😢😢😢😢

  • @user-qf8yi2cd7n
    @user-qf8yi2cd7n 2 หลายเดือนก่อน

    OPM,APO mga musikang walang kamatayan ❤️🙏👍

  • @mat0ng
    @mat0ng 6 หลายเดือนก่อน +1

    Reminds me so much of my childhood pati lahat ng payo ng uncle ko ❤

  • @joefreyritoofficial7056
    @joefreyritoofficial7056 2 ปีที่แล้ว

    Sa hirap at ginhawa su support ako🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭🇵🇭

  • @imeldasalvacion1880
    @imeldasalvacion1880 ปีที่แล้ว +1

    mas masarap ang bata...walang problema.....ikaw ang atensyon ng magulang...lahat nsakin 🤣🤣🤣🤣🤣 kung maibabalik lng pero mas masaya ako at may tatlo akong anak.....

  • @josephinedelanoche9819
    @josephinedelanoche9819 ปีที่แล้ว +1

    RIP sir danny javier of Apo Hiking Society...

  • @grachiamoina5517
    @grachiamoina5517 2 ปีที่แล้ว +5

    I miss the old days.