Hi Juan Paolo, welcome po at thank you so much din sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa itsura ng dahon nito. 😊 Sana po ay mapanuod niyo rin yung iba pa namin gardening video sa channel at makatulong din po sa inyo 😊 Pwede niyo rin po iclick yung Subscribe button at Notification bell para po mauupdate kayo sa mga next po namin na gardening videos. Comment lang po kayo anytime kung may tanong kayo or suggestion 😊 Happy Gardening! 😊
Hi Choy Choy, welcome po at maraming salamat din po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito 😊 Sana po ay mapanuod at makatulong din sa inyo yung iba pa naming gardening videos sa channel. Sana rin po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification bell para mauupdate na po kayo sa mga bagong gardening videos na iuupload namin 😊 Salamat po ulit! 😊
Thanks po sa panunuod ng video namin kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa dahon nito at kung bakit naninilaw ang dahon ng halaman. Sana po ay nakatulong itong gardening video namin sa inyo. 😊
Hi Lucy, Maraming salamat din sa panunuod ng gardening video namin kung bakit naninilaw ang dahon ng inyong halaman at kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito. Thank you din po sa pagcomment 😊 Sana po ay makatulong at mapanuod niyo rin yung iba pa naming gardening videos sa channel. God Bless po! 😊
Hi Junbert, yes po natry na rin po namin yung ajinomoto / vetsin / MSG sa tanim namin at effective nga po 😊 May tatlo po kaming gardening video tungkol sa experiment namin kung paano gamitin ang vetsin / MSG sa halaman. Sana po ay mapanuod niyo rin at makapagcomment kayo kung pareho tayo ng steps na ginawa 😊 Maraming maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito at sa pagshare ng experience niyo ng paggamit ng ajinomoto sa amin 😊 Sana po ay maclick niyo rin yung Subscribe button at Notification Bell 😊
Thank you po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit ng halaman o nutrient deficiency base sa itsura ng dahon nito 😊 Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification Bell para sa mga next gardening videos na iuupload namin. Comment lang rin po kayo anytime sa iba pa naming gardening videos kung may tanong kayo or suggestion sa amin 😊
Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito / nutrient deficiency . Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification bell. Done Subscribing sa inyong channel 😊
Good day po 🙂 ask ko lang po kung anong ggawin ko sa mga halaman kong simulang malanta dahil nasobrahan ng urea fertilizer? Maraming salamat po sa inyong magging tugon.
Hi daveigh, sana ay nakatulong ang gardening video naming ito para mapigilan mo pa ang pakatuyo ng dahon ng bell pepper mo. Balitaan mo kami kung ano ang mangyayari. Thank you so much sa panunuod ng mga gardening videos namin. 😊 Pwede mo rin pala iclick yung Subscribe button at Notification bell para mauupdate ka kapag nagupload na kami ng new gardening videos soon. 😊
Hi Jaime, salamat sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang nutrient deficiency ng halaman base sa itsura ng dahon nito. 😊 Meron ba kayong tanong or suggestion sa amin? 😊
Hi Frederick, sige po susubukan po namin gumawa ng gardening video tungkol sa ugat at bulaklak ng halaman. 😊 Maraming maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito. Salamat din po sa pagbibigay ng suggestion na gardening topic na pwede namin gawin. Sana ay magustuhan niyo rin yung iba pa naming gardening videos sa channel. 😊 Keep in touch po and God Bless! 😊
@@fredericktampis2993 sorry po medyo nalate ng reply. Opo may kaibahan din po yung pagtatanim depende sa lugar. May mga plants po kasi mas suited sa mga mataas na elevation. Kasama na rin po sa mga factors yung temperature and climate ng lugar.
Hi Evelyn, posible po na hindi calcium deficiency ang dahilan ng pagbrown kaya kahit naglalagay kayo ng eggshell fertilizer ay wala pong epekto. Nakabilad po ba ito directly sa araw ng buong maghapon or nasa shaded area ito?
Hi Ligaya, madalas po talaga nangyayari na nagiging lanta ang dahon ng halaman kapag tanghali dahil sa init at bumabalik sa normal kapag hapon at di na ganin kainit. Basta diligan niyo lang po yung tanim niyong patola sa umaga bago magtanghali ay okay na yun. Wag niyo po bunutin dahil malaki ang chance na magbunga pa yun kung yun lang ang naoobserve niyo na problema 😊 Salamat po sa panunuod ng aming gardening video kung paano malalaman ang sakit ng halaman o nutrient deficiency base sa dahon nito. Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification Bell 😊
ginagamit din namin yung hugas bigas sa pechay na tanim namin at okay naman ito. Pwede ba namin kung gaano niyo kadalas diligan ng hugas bigas yung tanim niyo?
Paano po ba gamitin Ang hugas bigas.kc po nung ipinandilig ko po sa spider plants ko po .nagumpisang mgbrown na mga dahon into unti na cla nalalagas samantalng Ang ganda ganda po nila.pls po pareply po.tnxspo
Hi Cora, hindi namin sure kung bakit nagkaganon ang tanim mo dahil sa hugas bigas pero pwede mo panuorin itong gardening video namin tungkol sa paggamit ng hugas bigas sa halaman. Check mo kung ganito rin yng ginawa mo tapos balitaan mo kami kung nacompare mo na sa nasa video namin. Eto yung link: th-cam.com/video/VCqZzfklT7A/w-d-xo.html
Check niyo po muna kung walang mites o ibang insect na posible rin pong maging dahilan ng pangngulot ng dahon ng tanim niyong sili. Kapag po nasigurado niyo na na hindi insekto ang dahilan pwede niyo po sundin yung nirecommend naming na calphos fertilizer para malaman kung magiging effective din sa inyo kagaya sa amin 😊
Hi Arnel ano po yung gusto niyo malaman na wala sa gardening video 😊 Salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito o kung ano ang nutrient deficiency at kung paano ito masolusyonan. Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification bell para maupdate po kayo sa mga bago naming gardening videos na baka makatulong din sa inyo 😊
Hello po 😊 Kailangan po muna natin maidentify kung ano ang posibleng sanhi ng pagiging black ng stem ng tanim niyong kamatis. Base po sa sinabi niyo nagkakabutas din po ang bunga ng kamatis kaya malamang ay meron pong insekto na sumisira sa inyong tanim at hindi nutrient deficiency ang dahilan. Kung ganon po ay pwede kayong magspray ng mga homemade insecticde depende sa uri ng insekto. Meron po kaming gardening videos kung paano gumawa ng iba’t ibang uri ng homemade or organic pesticide . May nakikita po ba kayong mga insekto na nakadapo sa tanim niyong kamatis? Kung meron po maidedescribe niyo po ba yung itsura para malaman natin kung anong insecticide ang magiging effective
Hi Hilda, kailangan muna natin malaman kung ano ang dahilan ng pagkalagas ng dahon ng inyong sili para malaman natin ang posibleng solusyon. May mga nakikita po ba kayong insekto sa dahon ng inyong sili? Ano po yung itsura ng dahon bago po malagas? May kamukha po ba sa pibakita namin? Nagiging brown or naninilaw po ba muna ito?
Hi Joventino, base po sa pagkakadescribe niyo sa nagiging itsura ng dahon ng tanim niyo ay posibleng potassium deficiency ang dahilan nito dahil parang nasusunog ang paligid nito. Kung kamukha po ito ng pinakita namin sa video about potassium deficiency ay pwede kayong gumamit ng banana peel or banana peel tea fertilizer para madagdagan ang potassium sa lupa na maabsorb ng inyong halaman. Bukod sa potassium deficiency posible pa rin pong may ibang dahilan ang nangyayari sa tanim niyo na dulot ng iba pang external factors sa lugar niyo na hindi namin alam. Nagbase lamang po kami sa kung ano ang pagkakadescribe niyo sa dahon ng tanim niyo at inassume namin na walang ibang nakakaapekto dito. Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin at sana po ay maclick niyo ang Subscribe button. 😊 Sana rin po ay nakatulong sa inyo yung sagot namin 😊
Wala nmn akong ibang inspray kundi Yong vitsin.pero isang beses lng.nasa labas sya Ng bhy .pero hnd nmn masyado na bibilad Ng araw.anu Po Kaya Ang pwdi ilagay nga fertilizer para bumalik Ang green na dahon.tnx Po.
Hi Berna sa tingin ko ay itigil mo muna yung paglalagay ng vetsin sa tanim mo kasi may napansin kang paninilaw ng dahon. Naninilaw na ba yung dahon bago ka pa maglagay ng vetsin or after na? Ang isa pang organic fertilizer na pwede mong subukan na mas safe sa vetsin ay hugas bigas pero sa ngayon kung nanilaw lang siya after lagyan ng vetsin ay itigil lang mo muna yung paglagay then observe niyo kung magiging green na ulit yung dahon. Kung naging green na ibig sabihin vetsin lang ang naging dahilan ng paninilaw. Kung hindi pa rin maging green after ilang days / weeks tsaka niyo na alng subukan yung hugas bigas.
Hi Amy, may kapareho po bang itsura yung pagkatuyo ng dahon ng rubber plant niyo sa mga pinakita namin sa gardening video? May isa po kasi dyan sa mga sample namin na nutrient deficiency na natutuyo rin yung gilid ng dahon pero hindi po namin sure kung ganon din eksakto yung nangyayari sa tanim niyong rubber plant
Paano makontrol yung pumapasok sa bunga ng tanim ko talong nabubutas uod ba yun may nakikita kasi ako higad na maliit sana masagot tatanggaling ko ba na yung may butas sayang kasi
Hi Cris, kung may farm kayo ng talong ang alam ko merong nabibili sa mga garden shop na pesticide / insecticide para mapatay yung mga peste sa talong pero kung naguurban / container gardening lang kayo at paisa isa lang yug tanim niyong talong baka pwede niyo po subukan yung homemade insecticide na iispray sa dahon lang huwag sa bunga mismo kung nasaan yung mga uod nakatira. Tsaka sa ilang dahon lang po muna at huwag sa buong halaman niyo gamitin dahil hindi pa rin po namin iyon nasubukan sa uod kaya di pa namin sigurado kung magiging effective sa inyo. Kung gusto niyo po panuorin yung gardening video namin kung paano gumawa browse niyo na lang po yung videos sa channel namin.
Depende po kung may nakikita kayong sakit or insekto sa gumamela niyo kaya hindi ito nagkakabulaklak . Kung wala po kayong nakikitang visible na sakit at insekto pwede niyo rin po subukan isprayan ng calphos para magkabulaklak . Gumagamit po ba kayo ng any kind ng fertilizer ?
Hi Ma Clara, usually po kapag nangungulubot ang dahon ng halaman na hindi insekto ang dahilan malamang na calcium deficiency ito. Ang pwede niyo pong gawin ay icheck muna ang dahon ng inyong halaman para malaman kung merong mites. Kung may makita po kayo ang pwede niyong gawin ay sprayan ng insecticide para mapatay ang mga mites. May dalawang gardening videos po kami kung paano gumawa ng insecticde sa halaman. Pwede niyo po subukan itong insecticide na ganito: m.th-cam.com/video/it_B0zvw79k/w-d-xo.html o kaya itong ganito na organic insecticide: m.th-cam.com/video/Saa25QYsCFw/w-d-xo.html Kung wala naman pong insect na sumisira at calcium deficiency ang dahilan pwede po kayo gumamit ng calphos fertilizer. Eto naman po yung gardening video namin kung paano gumawa: m.th-cam.com/video/taWMu-oF2bI/w-d-xo.html
Hi Poly, pasensya na po sa late reply. Sa tingin po namin posible pa rin po siguro mabuhay yung rosemary na tanim niyo depende kung ano ang rason kung bakit siya nagdry. Mas maganda kung malaman muna natin ang rason para po magawa natin ang tamang solusyon. Nakulangan po ba ng dilig, nasisikatan po ba ng sobra ng araw or may nilagay po kayo na fertilizer bago magdry?
Hi Marieta , depende sa klase ng insekto na sumisisira ng tanim niyo ang magiging pwedeng solusyon. May gardening video po kami kung paano gumawa ng homemade insecticide sa halaman na pwede niyong gamitin kung aphids, thrips, mites, leaf miners o langgam yung gusto niyo mawala. Eto po yung gardening video namin kung paano gumawa kung gusto niyo subukan: th-cam.com/video/it_B0zvw79k/w-d-xo.html
Hi Jonathan, madalas na ang black rose spot ay cause ng fungi / fungus . Pwede niyo pong subukan gumawa ng homemade fungicide gamit ang baking soda para mawala ang fungi / fungus sa dahon ng inyong rose. May gardening video po kami kung paano ito gawin. Eto po yung link ng aming gardening video about fungicide kung gusto niyo po panuorin: th-cam.com/video/1n_Owqxb6yQ/w-d-xo.html
Hi Juan Paolo, yes kahit anong used tea po as long as yung nasa loob ng tea bag ay dried leaves at hindi powder (not sure kung may tea na powder yung nasa loob ng tea bag) 😊
Hi Angelo, kung kapitbahay lang po namin kayo pwede po namin kayong bigyan ng halaman. Ano ano na po ba yung mga tanim niyo ngayon? Salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito.
Hi Leticia, usually po kapag naninilaw yung dahon is potassium deficiency ang cause pero may kapareho po ba yung itsura ng dahon ng lansones niyo din sa pinakita namin sa gardening video? May iba iba rin po kasing itsura yung paninilaw ng dahon. Kung may kapareho po sa pinakita namin pwede niyo po sundin yung solution po na nasabi namin sa gardening video 😊
Hi Sam, yes pwede rin ang abono sa nitrogen deficiency. Hindi lang yung mga sinuggest naming solution sa bawat nutrient deficiencies ang pwedeng gamitin. Marami pang pwedeng organic fertilizer bukod sa mga nasabi namin. Namili lang kami ng mga nasubukan na namin sa aming tanim. 😊
Ung peace lily ko po ay nangingitim ung dulo ng dahon parang nasusunog sya ano po ggwin ko at ung poinsetia ko pag gising ko kninang umaga ay nanlanta ang dahon
Ung american rose po nmin naninilaw mga dahon, rice husk soil po nsa ibabaw as mulch. Ano po kaya pwde gawin pra mawala paninilaw at bumalik sa pagka-green. Thanks
Hi Jonathan, posibleng may kulang na nutirents po sa american rose niyo kaya po naninilaw ang dahon. Naglalagay na po ba kayo ng kahit anong fertilizer? Naarawan po ba ito?
@@jonathanoliveros8046 ang mairerecommend po namin na gawin niyo ay magapply kayo ng organic fertilizer na mas rich in nitrogen. Kamukha po ba ng sample na dahon na pinakita namin sa nitrogen deficiency yung nagiging itsura ng dahon ng tanim niyo? Ang mga organic fertilizers po na rich in nitrogen ay grass clippings tea fertilizer at coffee grounds
Hi Virginia isa po yun sa posibleng dahilan kaya natutuyo ang dahon ng halaman pero posibleng nutrient deficiency rin po ang sanhi nito kagaya po ng isa sa mga pinakita namin sa gardening video kung saan nagiging brown din ang gilid ng dahon.
Usually po kapag tinatransplant ang halaman sa bagong lugar ay lumalambot po talaga ang dahin nito lalo na kung mainit yung panahon kaya dapat po sa afteroon kayo magtransplant. Diligan niyo lang rin po muna yung sampaguita niyo twice a day at icheck niyo po kung may insects din na baka sumisira. Sana po ay nakatulong yung sagot namin sa inyo 😊 Click niyo po yung Subscribe button at Notification Bell para po maupdate kayo sa mga bago naming gardening videos na baka makatulong sa inyo 😊
Hi Netorius, kung wala po kayong nakikita na insekto sa dahon ng sigarilyas na tanim niyo ang posible pong dahilan ng pangungulubot ng dahon ay calcium deficiency . Ang pwede niyo pong iapply ay calphos fertilizer . Madali lang po itong gawin at gamitin ang kailangan lang ay eggshells . May gardening video po kami sa channel kung paano gumawa nito pwede niyo pong panuorin 😊 Thanks po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito. Sana po ay maclick noyo yung Subscribe button at Notification Bell para po sa mga susunod pa naming videos. Comment lang po kayo kung meron pa kayong tanong 😊
Hello po, ano pong klase ang pagkalanta ng dahon? Meron po bang kagaya sa mga pinakita namin sa gardening video? Meron po isa kaming pinakita na example na nagbobrown po yung dahon sa gilid. Ganon po ba ang nangyari sa tanim niyo? Kailangan po kasi natin malaman yung nutrient deficiency kaya nalanta ang dahon ng tanim niyo
Hi Nancy, pwede pong malaman kung anong fertilizer ang ginamit niyo at gaano karami ang nilagay niyo? Ano po ang naging itsura ng dahon ng inyong halaman para malaman din natin kung sakali na nutrient deficiency naman po ang sanhi. Wala rin po bang insects na sumisira?
Hi Berna, posibleng pong may kulang na nutrients kaya nagiging dilaw ang dahon ng tanim niyo. Naglalagay po ba kayo ng fertilizer? Naarawan po ba ito or laging nasa shaded area?
Posible po kung nagiging yellow ang dahon ng inyong tanim. Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito. 😊
Hi Rosalinda, maraming posibleng dahilan nito. May mga nakikita po ba kayong insects na posibleng makasira sa inyong tanim na langka at bayabas? Kung wala po ano ang nagiging itsura ng dahon nito bago tuluyang mamatay? Posibleng nutrient deficiency din po ang dahilan
Hi Jared, pwede kayong gumamit ng organic compost , coffee grounds , aluminum sulfate , iron sulfate o kahit vinegar para mapababa ang pH level ng inyong lupa or para maging acidic ito. Ku g ano ang pipiliin niyong paraan ay depende kung gaano kabilis niyo gusto bumaba ang pH level ng lupa niyo at kung gaano kalaki ang lupa na gustong niyong pababain ang pH level . Ang bawat paraan na nasabi namin ay may mga advantages at disadvantages kaya mas maigi kung ichecheck niyo muna bawat isa bago kayo magdesisyon kung ano ang pinakaangkop sa sitwasyon niyo. Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin tungkol sa mga sakit ng halaman at kung paano ito masosolusyonan 😊 Sana ay makaSubscribe kayo sa aming channel at mapanuod niyo pa yun iba naming gardening videos. Comment lang kayo kung meron kayo tanong or suggestion sa amin 😊
@@PlantLoversDiary sa tingin nyo alin mas mainam gawin sa halaman na bellpepper na punla 5 inch plang ang taas 1 month na, tapos payat ung stem maliit ang dahon kulubot halos matutuyo na. Hydrogen peroxide po ba o calcium nitrate ang ibigay ko?
Hi NIKKOS DJ maraming posibleng dahilan kung bakit naninilaw at nalalagas ang dahon ng isang halaman. Pwedeng dahil may insekto na pumepeste sa inyong tanim, pwede ring hindi naarawan masyado ang inyong sili o pwede ring nutrient deficiency kagaya ng mga ipinakita namin sa aming gardening video. Kung wala po kayong nakikitang insekto at naaarawan naman ng ayos ang inyong tanim na sili ay malaki ang posibilidad na nutrient deficiency ito. Naglalagay po ba kayo ng organic fertilizer? Ang paninilaw po ba ng dahon ay kagaya ng isa sa mga pinakita naming dahon sa gardening video? Kung ang paninilaw ng dahon ay buo pwede nitrogen deficiency ito at pwede kayong gumamit ng iba't ibang organic fertilizer para malunasan ito. Isang halimbawa ay grass clippings tea fertilizer. May gardening video rin po kami kung paano gumawa nun kung gusto niyo panuorin
Hi Rosita , posible pong fungus / fungi yung reason kung bakit nagkakaganyan yung dahon ng aglaonema niyo dahil nabanggit niyo na may moist pero hindi rin namin masiguro dahil hindi po namin nakita yung itsura ng dahon. Kung sakali po na fungus ang dahilan pwede niyo pong subukan yung homemade fungicide na pinakita namin sa isang gardening video namin. Eto po yung link: th-cam.com/video/1n_Owqxb6yQ/w-d-xo.html
Hi @Echosing, kailangan po muna natin malaman yung sakit ng aloe vera niyo kung bakit nagkakaganon bago po natin magawan ng paraan. Ang madalas po kasi na nangyayari sa aloe vera ay naooverwater. Madalas po ba nababasa yung aloe vera niyo?
yung halaman ko na elephant ear ay natutuyo at nagkukulay brown ang dulo ano ang dapat kong gawin bumalik sa dati ang istsura nito na luntian at malaki ang mga dahon
Hi Evelyn, since hindi po namin makikita yung eksaktong itsura ng pagkatuyo ng dahon ng elephant ear na tanim niyo, itatanong na lang po namin kung may kamukha po siya dun sa mga sample na dahon na pinakita namin sa gardening video. Posible po kasi na hindi calcium deficiency ang dahilan ng pagbrown kaya kahit naglalagay kayo ng eggshell fertilizer ay wala pa rin epekto.
Hi Bert posibleng kulang sa potassium yung kamatis niyo kaya nagiging brown ang dahon. Kamukha ba ng dahon na pinakita namin sa gardening video sa may potassium na part yung dahon ng kamatis niyo?
Hi Carlisa medyo mahirap po sagutin ang tanong niyo kasi hindi po kami basta makakapagbigay ng payo dahil wala pa kaming karanasan sa pagaalaga ng ginger shampoo plants. Mukha rin kasi itong sensitive kaya di namin kayo mapayuhan na subukan yung mga organic fertilizer na ginagamit namin sa karaniwang halaman. Naglalagay na po ba kayo ng fertilizer?
@@PlantLoversDiary Naku hindi ko pa po nasubokang gumamit ng fertilizer. Naging dry napo ang dahon nya at tuloyan ng natumba 😢 hindi ko po alam gagawin ko
@@cascas7451 pasensya na po talaga kung di kami makapagbigay ng advice kasi medyo nagiingat din po kami kapag di familiar sa plants kasi baka mas mapasama pa. Nagtry po kami magresearch tungkol sa Ginger Shampoo at eto po yung nakita naming website na baka makatulong sa inyo kung paano ang tamang pagaalaga ng ginger shampoo. Check niyo po itong link: plantcaretoday.com/zingiber-zerumbet.html
Hi Jaime, kung kulot yung mga bagong tubo na dahon malamang ay kulang sa calcium yung halaman kagaya ng pinakita namin sa gardening video. Ang soluton doon ay gumamit ng Calphos foliar fertilizer or eggshell fertilizer. Pwede mong panuorin itong video namin kung paano gumawa ng Calphos fertilizer: th-cam.com/video/taWMu-oF2bI/w-d-xo.html Sa paninilaw naman ng dahon, anong klaseng paninilaw yung nangyayari? Medyo nagiging brown ba yung gilid? May kaparehas ba na dahon na pinakita namin dun sa video?
Hi Manok, kung wala pong insects kayo na nakikita sa lemon niyo ang posible pong dahilan ay nutrient deficiency kagaya po ng pinakita namin sa gardening video or pwede rin pong fungi . Meron po bang kaparehong itsura dun sa mga dahon po na pinakita namin yung dahon ng lemon niyo? Kung wala pong kamukha yung dahon ng lemon niyo pwede niyo rin po panuorin yung gardening video namin about sa fungicide na gawa sa baking soda at compare niyo din sa sample na dahon na pinakita namin kung ganon ang itsura kagaya sa lemon niyo para malaman natin kung ano ang pwede nating gawin 😊
Yong bago ko pong bili na Golden POTHOS nasunog Yong tagiliran ng isang dahon. Once a week ko lang naman po sila dinidiligan dhil yon daw ang dapat. Kaya ipinasok ko po muna sila sa sala. Bakit po kaya?
Hi Marybeth, yung pagkasunog po ba sa gilid ng dahon ng golden pothos niyo ay may pagkakapareho sa isa sa mga pinakita namin sa gardening video na nagiging brown yung gilid ng dahon?
may tanung ako yung mga sili ko sa paso parang may kumakain pa unti² sA dahon wala akung makita kung anung insekto ito ..baka sa gabi ito umaataki.. anu kaya dapat ko gawin? patulong naman please salamat
Hi John, medyo mahirap po yung problema niyo kasi wala kayong makitang insekto. Kung sasabihin po kasi namin na gumamit kayo ng homemade insecticide na pinakita namin sa isa naming gardening video ng hindi natin alam kung ano yung papatayin natin baka mas mapasama pa. May mga nababasa po kami na madalas daw na umaatake sa mga tanim nila kapag gabi ay mga snail. Hindi ko lang po sure kung pati dahon ng sili ay kinakain ng snail. Wala po ba kayo napapansin na snail sa area niyo?
@@johnpaderno8152 sa totoo lang po nagreresearch pa kami kung ano ang talagang mabisang paraan para mawala yung snails sa garden. Marami po kasi kaming nababasa na maglagay ng crushed eggshells sa lupa para di makalapit ang snail sa tanim niyo. Meron din po na baking soda naman yung ipapaikot niyo sa tanim niyo. Balak po namin tapusin yung research para makagawa ng gardening video tungkol doon. Gusto rin po kasi namin subukan kung ano talaga yung effective. Uupdate po namin kayo kapag tapos na kami sa video or pwede niyo po iclick yung notification bell para po manonotify kayo everytime may bago po kaming upload na gardening video.
@@PlantLoversDiary salamat poh.. parang hindi effective ang crushed egg shells kasi ginawa ko na poh marami parin tiny shells .. salamat poh nag click na poh ako sa notif bell ..
Hi Jose, bago malanta yung mga dahon ng inyong halaman ano po ang nagiging itsura nito? Meron po bang kaparehas dun sa mga ipanakita namin sa gardening video? Wala naman pong insekto kayong nakikita sa tanim niyo? Marami po kasing posibleng dahilan ng pagkalanta ng dahon kaya dapat isa isahin muna natin ang pwedeng maging sanhi nito hanggang sa malaman natin ang totoong dahilan 😊
Hi Dhessa, check niyo po muna kung may mga insects or mites sa ilalim ng dahon ng kamatis niyo. Kung meron po pwede niyong gamitan ng homemade or organic insecticide . May mga gardening videos po kami sa channel kung paano gumawa ng mga insecticide or pesticide kagaya ng kakawate insecticide kung gusto niyo ng organic. Kung wala naman pong insekto ay malamang na calcium deficiency ang dahilan ng pagkulot ng dahon ng tanim niyong kamatis. Yun po kasi ang sign ng calcium deficiency . Ang pwedeng solution naman po doon ay gumamit ng calphos fertilizer para maiwasan ang calcium deficiency . Pwede po kayo gumawa ng calphos gamit ang eggshells . May gardening video rin po kami kung paano gumawa at gumamit ng calphos fertilizer 😊 Sana po ay maclick niyo rin yung Subscribe button at Notification Bell para maupdate na po kayo kapag may bago kaming gardening videos na baka makatulong sa inyo 😊 Comment lang po kayo kung meron pa kayong tanong or suggestion sa amin 😊
May kamukha po ba yung pagitim ng dahon ng tanim niyo sa pinakita namin sa gardening video? Posible po kasing nutrient deficiency yan pero check niyo rin po kung may insects na sumisira rin
Hi Jimalyn, usually ang dahilan ng pangungulubot ng dahon ay calcium deficiency kagaya sa sili kung walang insects na nasa dahon. Madalas din kasi na mites yung dahilan ng pangungulubot ng dahon kaya dapat icheck din kung may mga insects. Kung sure na tayo na walang insects sa talong pwede niyong subukan yung calpos fertilizer na nabanggit po namin sa gardening video. May gardening video po kami sa channel kng paano po gumawa nun kung gusto niyo rin po panuorin. 😊
Hi Belle, sorry sa late reply. Maraming posibleng dahilan kung bakit parang natutuyo ang dulo ng dahon ng tanim niyong bawang. Maaring nasobrahan ito sa fertilizer or kulang o sobra sa dilig. Pwedeng nutrient deficiency kagaya ng pinakita namin dito sa gardening video. Naglalagay po ba kayo ng fertilizer sa inyong tanim nga bawang? Gaano niyo po ito kadalas diligan?
hello salamat po sa pg sagot niyo by the way nag subscribe na po ako sa inyong chanel ayon po nilalagyan ko po yon ng urea kaunti lamang po, dinidiligan ko po kapag napansin ko na tuyo na ang lupa usually po morning ngayon po sinubukan ko pong ilipat sa mas malaking paso kasi po maliit lamang pp ang lagayan niya posible kayang sa lagayan lamang iyon?
@@condophbybelleduenos229 sa tingin po namin ay hindi yung maliit na lagayan ang dahilan ng pagkatuyo ng dulo ng dahon ng bawang na tanim niyo. Pwede po bang malaman kung ilang beses po kayo naglalagay ng urea? Maraming maraming salamat po sa pagsubscribe sa aming channel. 😊
Hi Monya, maraming posibleng dahilan kung bakit parang nasusunog ang dahon ng inyong tanim. May kamukha po ba yung itsura ng dahon niyo sa mga pinakita namin sa gardening video na ito? Posible rin po kasi sobrang nainitan or nasobrahan sa fertilizer kaya nagkaganyan ang dahon ng inyong tanim.
Hi yacabud, usually ang dahilan ng pagkulot ng dahon ng sili lalo na yung mga bagong tubo kung wala naman kayong makitang insekto ay dahil kulang sa calcium. Kapag kulang sa calcium ang inyong halaman pwede niyo po gamitian ng calphos foliar fertilizer or eggshell fertilizer. Panuorin niyo po itong gardening video namin kung paano gumawa ng calphos fertilizer gamit ang eggshell. Eto po yung link: th-cam.com/video/taWMu-oF2bI/w-d-xo.html Eto naman po yung link ng gadening video namin kung paano gumawa ng simpleng eggshell fertilizer: th-cam.com/video/6iWmBUtwXE8/w-d-xo.html
@@kyrasuva-delosreyes8978 welcome! 😊 Sana po ay makatulong din sa inyo yung iba pa naming gardening videos at comment lang po kayo kung meron kayong tanong. 😊
Hi Amanodin, dapat muna po natin malaman kung ano ang sanhi ng pagkakabulok ng bunga ng inyong tanim na atsal para malaman po natin kung ano yung dapat gawin. May mga nakita po ba kayong insekto? Kung wala po pwedeng fungus / fungi naman ang dahilan depende kung anong itsura nung pagkakabulok. Kung hindi po fungus / fungi ang huli pong posibleng dahilan ay nutrient deficiency na. Naglalagay po ba kayo ng mga fertilizer?
Hi Florecita, maraming pwedeng maging dahilan ng pangingitim ng dahon ng repolyo mo at isa sa naiisip namin ay fungi / fungus o di kaya overwatering. Hindi namin sigurado kung ito ba talaga ang dahilan dahil hindi namin nakikita ang actual na itsura at hindi namin alam kung meron kang nilalagay na fertilizer sa tanim mong repolyo. Yun lang yung intial na hinala namin dahil common itong sakit ng ibang halaman na nangingitim ang dahon
Kapag po kulubot ang dahon ng ating halaman at hindi insekto ang dahilan ng pagkulubot posible pong may calcium deficiency ito. Pwede po kayong gumamit ng calphos fertilizer para masolusyonan ito 😊
Hi Elsie usually nutirent deficiency yung nagiging cause ng paninilaw ng dahn ng halaman pero icheck niyo rin muna kung may insects kayong nakikita. Kapareho ba ng isa sa mga dahon na pinakita namin sa gardening video yung dahon ng inyong halaman? Kung pareho siya sa isa doon pwede niyo po subukan yung nirecommend naming solusyon dun sa gardening video na kapareho ng itsura ng dahon ng tanim niyo.
Hi Jenny, kailangan po natin maidentify ang cause ng pagkaalis o pagkalagas ng dahon ng tanim niyo. May mga insects po ba kayong nakita? Naglalagay na pp ba kayo ng fertilizer ?
Hi Marites, maraming salamat po sa suggestion kung paano pa namin mas mapapaganda ang gardening videos sa channel namin. Sobrang naappreciate po namin ito. 😊 Thanks din po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito. 😊 Pwede po ba namin malaman kung saang part po yung sinasabi niyo na nagpuputol putol po para maimprove po namin next video? 😊
Hi Annabelle, pasensya na sa late reply namin. Maraming pwedeng dahilan kung bakit naninilaw ang dahon ng tanim niyong bawang . Kung walang insekto sa tanim niyong bawang malaki ang posibilidad na nutrient deficiency ang cause kagaya ng pinakita namin sa gardening video. Kapareho ba nung dahon na pinakita namin sa nitrogen deficiency yung nangyayari sa dahon ng tanim niyong bawang ?
@@annabellesanantonio2060 pasensya na hindi pa kami nakasubok ng kahit anong organic na pandilig para sa ugat ng halaman. Pero ang posibleng dahilan kasi ng pagkabulok ng ugat ng halaman ay may fungi or insect sa lupa. Susubukan po namin magresearch tungkol doon at kung ano ang pwede niyong gawin. Babalikan po namin kayo agad or maguupload kami ng gardening video kapag nakahanap na po kami ng posibleng solution.
Hi Nita, natutuyo at namamatay po ang dahin ng inyong tanim? May mga kapareho po ba na itsura yung dahon bago natuyo dun sa mga ipinakita namin sa gardening video?
Hi Janjan maraming posibleng dahilan kung bakit naninilaw ang dahon ng kalabasa niyo. Isa sa posibleng dahilan ay kulang sa nutrients. May pagkakapareho ba yung paninilaw ng dahon dun sa picture na pinakita namin sa gardening video? Tsaka naglalagay na po ba kayo ng artificial or organic fertilizer?
Thanks po sa mga tips
Hi Juan Paolo, welcome po at thank you so much din sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa itsura ng dahon nito. 😊 Sana po ay mapanuod niyo rin yung iba pa namin gardening video sa channel at makatulong din po sa inyo 😊 Pwede niyo rin po iclick yung Subscribe button at Notification bell para po mauupdate kayo sa mga next po namin na gardening videos. Comment lang po kayo anytime kung may tanong kayo or suggestion 😊 Happy Gardening! 😊
Salamat sa sharing
Hi Choy Choy, welcome po at maraming salamat din po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito 😊 Sana po ay mapanuod at makatulong din sa inyo yung iba pa naming gardening videos sa channel. Sana rin po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification bell para mauupdate na po kayo sa mga bagong gardening videos na iuupload namin 😊 Salamat po ulit! 😊
Yes gnyn po tanim ko
Thanks po sa panunuod ng video namin kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa dahon nito at kung bakit naninilaw ang dahon ng halaman. Sana po ay nakatulong itong gardening video namin sa inyo. 😊
Sa natutuyong halaman
Salamat sa sharing sir God bless po
Hi Lucy, Maraming salamat din sa panunuod ng gardening video namin kung bakit naninilaw ang dahon ng inyong halaman at kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito. Thank you din po sa pagcomment 😊 Sana po ay makatulong at mapanuod niyo rin yung iba pa naming gardening videos sa channel. God Bless po! 😊
Tanung lang po kung anung gagawin naglalaglagan po ang dahon ng ikmo at kukulay yellow
My thanks are more than words can say.👍
Ajinomoto po pwedi rin po natry q na po
Hi Junbert, yes po natry na rin po namin yung ajinomoto / vetsin / MSG sa tanim namin at effective nga po 😊 May tatlo po kaming gardening video tungkol sa experiment namin kung paano gamitin ang vetsin / MSG sa halaman. Sana po ay mapanuod niyo rin at makapagcomment kayo kung pareho tayo ng steps na ginawa 😊 Maraming maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito at sa pagshare ng experience niyo ng paggamit ng ajinomoto sa amin 😊 Sana po ay maclick niyo rin yung Subscribe button at Notification Bell 😊
Oo marami sa stroberry plant
Thank you po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit ng halaman o nutrient deficiency base sa itsura ng dahon nito 😊 Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification Bell para sa mga next gardening videos na iuupload namin. Comment lang rin po kayo anytime sa iba pa naming gardening videos kung may tanong kayo or suggestion sa amin 😊
Great tips dear!! Thanks for sharing+181
Thank you so much Moody Blooms for supporting our gardening channel and for watching our video! 😊 Keep in touch 😊
Ayos Idol pahug nman jan Idol.
Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito / nutrient deficiency . Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification bell. Done Subscribing sa inyong channel 😊
Good day po 🙂 ask ko lang po kung anong ggawin ko sa mga halaman kong simulang malanta dahil nasobrahan ng urea fertilizer? Maraming salamat po sa inyong magging tugon.
sakto sa hanap ko natutuyo ang dahon ng bell pepper ko. sana maagaapn ko pa
Hi daveigh, sana ay nakatulong ang gardening video naming ito para mapigilan mo pa ang pakatuyo ng dahon ng bell pepper mo. Balitaan mo kami kung ano ang mangyayari. Thank you so much sa panunuod ng mga gardening videos namin. 😊 Pwede mo rin pala iclick yung Subscribe button at Notification bell para mauupdate ka kapag nagupload na kami ng new gardening videos soon. 😊
@@PlantLoversDiary sana nga po maagapan ko yung isa. kahit yung kalabasa ko rin namamatay e. di ko naagapan ng pang alaga na fertilizer.
yes po sir
Hi Jaime, salamat sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang nutrient deficiency ng halaman base sa itsura ng dahon nito. 😊 Meron ba kayong tanong or suggestion sa amin? 😊
Magandang Araw pOH,,ask LG ko Ano pobang gamot sa tabako plants na nangungulobot Ang dahon at naging dilaw
Hi Juvy, kung walang insekto sa inyong halaman ang posibleng dahil may nutrient deficiency. Usually kapag kulubot ang dahon calcium deficiency
Ung sa ugat at bulaklak sana...
Wait check ko lahat ng video mo😊
Hi Frederick, sige po susubukan po namin gumawa ng gardening video tungkol sa ugat at bulaklak ng halaman. 😊 Maraming maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito. Salamat din po sa pagbibigay ng suggestion na gardening topic na pwede namin gawin. Sana ay magustuhan niyo rin yung iba pa naming gardening videos sa channel. 😊 Keep in touch po and God Bless! 😊
Location or elevation po ng lugar din po na gaya ko nasa bundok kami, may kaibahan ba ang way at pangangalaga sa plants?
@@fredericktampis2993 sorry po medyo nalate ng reply. Opo may kaibahan din po yung pagtatanim depende sa lugar. May mga plants po kasi mas suited sa mga mataas na elevation. Kasama na rin po sa mga factors yung temperature and climate ng lugar.
nilagyan ko siya ng dinikdik na eggshell pr fertilizer araw-araw ko din dinidiligan
Hi Evelyn, posible po na hindi calcium deficiency ang dahilan ng pagbrown kaya kahit naglalagay kayo ng eggshell fertilizer ay wala pong epekto. Nakabilad po ba ito directly sa araw ng buong maghapon or nasa shaded area ito?
Good day po sir anu po kaya magandang gamot sa nanunuyong dahong ng pakwan.na para po naglalaying.salamat po.
patola ko yong mga dahon nya pag tanghali lantang lanta pag hapon ok na ,mag bubunga pa ba sya o binutin na walsng pag asa
Hi Ligaya, madalas po talaga nangyayari na nagiging lanta ang dahon ng halaman kapag tanghali dahil sa init at bumabalik sa normal kapag hapon at di na ganin kainit. Basta diligan niyo lang po yung tanim niyong patola sa umaga bago magtanghali ay okay na yun. Wag niyo po bunutin dahil malaki ang chance na magbunga pa yun kung yun lang ang naoobserve niyo na problema 😊 Salamat po sa panunuod ng aming gardening video kung paano malalaman ang sakit ng halaman o nutrient deficiency base sa dahon nito. Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification Bell 😊
Pati Rin po ung ka rerepot ko po na Black Velvet alocasia ko po Ng umpisa manilaw ung sa ibavang dahon
ginagamit din namin yung hugas bigas sa pechay na tanim namin at okay naman ito. Pwede ba namin kung gaano niyo kadalas diligan ng hugas bigas yung tanim niyo?
Paano po ba gamitin Ang hugas bigas.kc po nung ipinandilig ko po sa spider plants ko po .nagumpisang mgbrown na mga dahon into unti na cla nalalagas samantalng Ang ganda ganda po nila.pls po pareply po.tnxspo
Hi Cora, hindi namin sure kung bakit nagkaganon ang tanim mo dahil sa hugas bigas pero pwede mo panuorin itong gardening video namin tungkol sa paggamit ng hugas bigas sa halaman. Check mo kung ganito rin yng ginawa mo tapos balitaan mo kami kung nacompare mo na sa nasa video namin. Eto yung link: th-cam.com/video/VCqZzfklT7A/w-d-xo.html
Yes nangongolot lahat ng dahon ko ng sili
Check niyo po muna kung walang mites o ibang insect na posible rin pong maging dahilan ng pangngulot ng dahon ng tanim niyong sili. Kapag po nasigurado niyo na na hindi insekto ang dahilan pwede niyo po sundin yung nirecommend naming na calphos fertilizer para malaman kung magiging effective din sa inyo kagaya sa amin 😊
Sir paano gagamutin ang mangga nasubrqhan ko paglagay ngvfertikizer nag laglagan mga dahon
How
Hi Arnel ano po yung gusto niyo malaman na wala sa gardening video 😊 Salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito o kung ano ang nutrient deficiency at kung paano ito masolusyonan. Sana po ay maclick niyo yung Subscribe button at Notification bell para maupdate po kayo sa mga bago naming gardening videos na baka makatulong din sa inyo 😊
Hello po yong blackvelvet kopo nasusunog ang dahon nya ano po pwd igamot po salamat po
Ano ang dapat ma spray SA stem nga kamatis na nagiging black Siya at naglalaylay ang dahon at may butas pa ang kanyang bunga
Hello po 😊 Kailangan po muna natin maidentify kung ano ang posibleng sanhi ng pagiging black ng stem ng tanim niyong kamatis. Base po sa sinabi niyo nagkakabutas din po ang bunga ng kamatis kaya malamang ay meron pong insekto na sumisira sa inyong tanim at hindi nutrient deficiency ang dahilan. Kung ganon po ay pwede kayong magspray ng mga homemade insecticde depende sa uri ng insekto. Meron po kaming gardening videos kung paano gumawa ng iba’t ibang uri ng homemade or organic pesticide . May nakikita po ba kayong mga insekto na nakadapo sa tanim niyong kamatis? Kung meron po maidedescribe niyo po ba yung itsura para malaman natin kung anong insecticide ang magiging effective
Pwede po b ang kahit n ano uri ng tea kagaya ng lipton
Hi Vilma, yes pwede po yung lipton na tea
@@PlantLoversDiary thank you po.
@@vilmapalacay830 welcome po
😊 Comment lang po kayo anytime sa kahit saang gardening videos namin sa channel kung may tanong kayo or suggestion po
😊
Ser God pm po ano ang gamot sa seli nasonog ang dahon
salam sehat semoga sukses 124
Thank you so much for watching our gardening video!
Terima kasih 😊
Kung nglalagas ung dahon ng sili sir anu po ba ung sulosyon tnx
Hi Hilda, kailangan muna natin malaman kung ano ang dahilan ng pagkalagas ng dahon ng inyong sili para malaman natin ang posibleng solusyon. May mga nakikita po ba kayong insekto sa dahon ng inyong sili? Ano po yung itsura ng dahon bago po malagas? May kamukha po ba sa pibakita namin? Nagiging brown or naninilaw po ba muna ito?
Maam. Sir pm po ano dahilan yng tanim kng grape hindi n lumaki ang dahon sa taas tapos sunog yng dulo ng dhon paikot
Hi Joventino, base po sa pagkakadescribe niyo sa nagiging itsura ng dahon ng tanim niyo ay posibleng potassium deficiency ang dahilan nito dahil parang nasusunog ang paligid nito. Kung kamukha po ito ng pinakita namin sa video about potassium deficiency ay pwede kayong gumamit ng banana peel or banana peel tea fertilizer para madagdagan ang potassium sa lupa na maabsorb ng inyong halaman. Bukod sa potassium deficiency posible pa rin pong may ibang dahilan ang nangyayari sa tanim niyo na dulot ng iba pang external factors sa lugar niyo na hindi namin alam. Nagbase lamang po kami sa kung ano ang pagkakadescribe niyo sa dahon ng tanim niyo at inassume namin na walang ibang nakakaapekto dito. Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin at sana po ay maclick niyo ang Subscribe button. 😊 Sana rin po ay nakatulong sa inyo yung sagot namin 😊
Hello po ...ano po Kaya dapat gawin SA tanim nmin na siling labuyo nanninilaw ang dahon na my brown at parang naaantala ang paglaki dahil SA paninalaw
Wala nmn akong ibang inspray kundi Yong vitsin.pero isang beses lng.nasa labas sya Ng bhy .pero hnd nmn masyado na bibilad Ng araw.anu Po Kaya Ang pwdi ilagay nga fertilizer para bumalik Ang green na dahon.tnx Po.
Hi Berna sa tingin ko ay itigil mo muna yung paglalagay ng vetsin sa tanim mo kasi may napansin kang paninilaw ng dahon. Naninilaw na ba yung dahon bago ka pa maglagay ng vetsin or after na? Ang isa pang organic fertilizer na pwede mong subukan na mas safe sa vetsin ay hugas bigas pero sa ngayon kung nanilaw lang siya after lagyan ng vetsin ay itigil lang mo muna yung paglagay then observe niyo kung magiging green na ulit yung dahon. Kung naging green na ibig sabihin vetsin lang ang naging dahilan ng paninilaw. Kung hindi pa rin maging green after ilang days / weeks tsaka niyo na alng subukan yung hugas bigas.
Bakit natutuyo ang paligid ng dahon ng rubber plant lalobna yun white teneki.
Hi Amy, may kapareho po bang itsura yung pagkatuyo ng dahon ng rubber plant niyo sa mga pinakita namin sa gardening video? May isa po kasi dyan sa mga sample namin na nutrient deficiency na natutuyo rin yung gilid ng dahon pero hindi po namin sure kung ganon din eksakto yung nangyayari sa tanim niyong rubber plant
Paano makontrol yung pumapasok sa bunga ng tanim ko talong nabubutas uod ba yun may nakikita kasi ako higad na maliit sana masagot tatanggaling ko ba na yung may butas sayang kasi
Hi Cris, kung may farm kayo ng talong ang alam ko merong nabibili sa mga garden shop na pesticide / insecticide para mapatay yung mga peste sa talong pero kung naguurban / container gardening lang kayo at paisa isa lang yug tanim niyong talong baka pwede niyo po subukan yung homemade insecticide na iispray sa dahon lang huwag sa bunga mismo kung nasaan yung mga uod nakatira. Tsaka sa ilang dahon lang po muna at huwag sa buong halaman niyo gamitin dahil hindi pa rin po namin iyon nasubukan sa uod kaya di pa namin sigurado kung magiging effective sa inyo. Kung gusto niyo po panuorin yung gardening video namin kung paano gumawa browse niyo na lang po yung videos sa channel namin.
Paano ba mag pa bolaklak ng gummellq
Depende po kung may nakikita kayong sakit or insekto sa gumamela niyo kaya hindi ito nagkakabulaklak . Kung wala po kayong nakikitang visible na sakit at insekto pwede niyo rin po subukan isprayan ng calphos para magkabulaklak . Gumagamit po ba kayo ng any kind ng fertilizer ?
@@PlantLoversDiary opo complet at urea fertilizer
boss naninilawa ung dahon ng mais kung sweetpearl corn ano po b ang tamang gawin or ilagay salamat po,,bali 15days na po ung mais ko
nag brobrown pla boss na parang nabubulok ung dahon sa ibaba
Nangungulobot ang dahon tpaos malaunan po n22yo na sya ano po ba maganda gawin
Hi Ma Clara, usually po kapag nangungulubot ang dahon ng halaman na hindi insekto ang dahilan malamang na calcium deficiency ito. Ang pwede niyo pong gawin ay icheck muna ang dahon ng inyong halaman para malaman kung merong mites. Kung may makita po kayo ang pwede niyong gawin ay sprayan ng insecticide para mapatay ang mga mites. May dalawang gardening videos po kami kung paano gumawa ng insecticde sa halaman. Pwede niyo po subukan itong insecticide na ganito: m.th-cam.com/video/it_B0zvw79k/w-d-xo.html o kaya itong ganito na organic insecticide: m.th-cam.com/video/Saa25QYsCFw/w-d-xo.html
Kung wala naman pong insect na sumisira at calcium deficiency ang dahilan pwede po kayo gumamit ng calphos fertilizer. Eto naman po yung gardening video namin kung paano gumawa:
m.th-cam.com/video/taWMu-oF2bI/w-d-xo.html
Mabubuhay pkaya ubg rosemary ko nag dry na sya pero diko pa inaaslis sa pot. Thnks
Hi Poly, pasensya na po sa late reply. Sa tingin po namin posible pa rin po siguro mabuhay yung rosemary na tanim niyo depende kung ano ang rason kung bakit siya nagdry. Mas maganda kung malaman muna natin ang rason para po magawa natin ang tamang solusyon. Nakulangan po ba ng dilig, nasisikatan po ba ng sobra ng araw or may nilagay po kayo na fertilizer bago magdry?
Nasira na nga ang aking mga halaman gwa ng insekto,anu ang dpat kung gwin.?
Hi Marieta , depende sa klase ng insekto na sumisisira ng tanim niyo ang magiging pwedeng solusyon. May gardening video po kami kung paano gumawa ng homemade insecticide sa halaman na pwede niyong gamitin kung aphids, thrips, mites, leaf miners o langgam yung gusto niyo mawala. Eto po yung gardening video namin kung paano gumawa kung gusto niyo subukan:
th-cam.com/video/it_B0zvw79k/w-d-xo.html
Paano po ung sa black rose spot? Ano po pwde gawin para mawala ang black spot disease? Thanks
Hi Jonathan, madalas na ang black rose spot ay cause ng fungi / fungus . Pwede niyo pong subukan gumawa ng homemade fungicide gamit ang baking soda para mawala ang fungi / fungus sa dahon ng inyong rose. May gardening video po kami kung paano ito gawin. Eto po yung link ng aming gardening video about fungicide kung gusto niyo po panuorin: th-cam.com/video/1n_Owqxb6yQ/w-d-xo.html
@@PlantLoversDiary thanks
@@PlantLoversDiary tanong na lng po ulit, ok lng po mgspray nyn khit walang black spot disease to prevent lang. Thnks again
@@jonathanoliveros8046 yes pwede naman po kayo magspray ng instant fungicide na gawa sa baking soda for prevention. Huwag lang po sobra
@@jonathanoliveros8046 welcome po 😊 Comment lang po kayo sa kahit anong gardening video namin kung may tanong pa po kayo 😊
Kahit ano po bang used tea pwede gamitin?
Hi Juan Paolo, yes kahit anong used tea po as long as yung nasa loob ng tea bag ay dried leaves at hindi powder (not sure kung may tea na powder yung nasa loob ng tea bag) 😊
sir pano puba lagoin ang halaman na kopeya
Penge ako halaman
Hi Angelo, kung kapitbahay lang po namin kayo pwede po namin kayong bigyan ng halaman. Ano ano na po ba yung mga tanim niyo ngayon? Salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito.
Ano pong gamot sa naninilaw na dahon ng lansones?
Hi Leticia, usually po kapag naninilaw yung dahon is potassium deficiency ang cause pero may kapareho po ba yung itsura ng dahon ng lansones niyo din sa pinakita namin sa gardening video? May iba iba rin po kasing itsura yung paninilaw ng dahon. Kung may kapareho po sa pinakita namin pwede niyo po sundin yung solution po na nasabi namin sa gardening video 😊
Yong ikmo po namin nagkakaroon ng dilaw at nagbubutas butas at nanlalanta ,anu poba ang gamot nito?
Hi Melvin, posibleng may insekto na dahilan ng pagbubutas butas ng dahon ng ikmo niyo at hindi nutrient deficiency. May nakikita ba kayo na insects ?
kung nitrogen deficiency.. pwede rin siguro ang abono...since nitrogen naman sya
Hi Sam, yes pwede rin ang abono sa nitrogen deficiency. Hindi lang yung mga sinuggest naming solution sa bawat nutrient deficiencies ang pwedeng gamitin. Marami pang pwedeng organic fertilizer bukod sa mga nasabi namin. Namili lang kami ng mga nasubukan na namin sa aming tanim. 😊
Ung peace lily ko po ay nangingitim
ung dulo ng dahon parang nasusunog sya ano po ggwin ko at ung poinsetia ko pag gising ko kninang umaga ay nanlanta ang dahon
Ung american rose po nmin naninilaw mga dahon, rice husk soil po nsa ibabaw as mulch. Ano po kaya pwde gawin pra mawala paninilaw at bumalik sa pagka-green. Thanks
Hi Jonathan, posibleng may kulang na nutirents po sa american rose niyo kaya po naninilaw ang dahon. Naglalagay na po ba kayo ng kahit anong fertilizer? Naarawan po ba ito?
@@PlantLoversDiary naarawan nmn po at nglalagay po kmi ng organic feerilizer tulad ng hugas bigas.
@@jonathanoliveros8046 ang mairerecommend po namin na gawin niyo ay magapply kayo ng organic fertilizer na mas rich in nitrogen. Kamukha po ba ng sample na dahon na pinakita namin sa nitrogen deficiency yung nagiging itsura ng dahon ng tanim niyo? Ang mga organic fertilizers po na rich in nitrogen ay grass clippings tea fertilizer at coffee grounds
@@PlantLoversDiary salamat po
@@jonathanoliveros8046 welcome po
😊
Gamot po sa pulang talbos na ng sili
Kapag sobra bang naarawan ang halaman natutuyo sa dulo ang dahon
Hi Virginia isa po yun sa posibleng dahilan kaya natutuyo ang dahon ng halaman pero posibleng nutrient deficiency rin po ang sanhi nito kagaya po ng isa sa mga pinakita namin sa gardening video kung saan nagiging brown din ang gilid ng dahon.
Ano kaya ang dahilan bakit pagkalipat ko sa malaking paso yung sampaguita plant ko ay nanlambot yung dahon nya after 2 days?
Usually po kapag tinatransplant ang halaman sa bagong lugar ay lumalambot po talaga ang dahin nito lalo na kung mainit yung panahon kaya dapat po sa afteroon kayo magtransplant. Diligan niyo lang rin po muna yung sampaguita niyo twice a day at icheck niyo po kung may insects din na baka sumisira. Sana po ay nakatulong yung sagot namin sa inyo 😊 Click niyo po yung Subscribe button at Notification Bell para po maupdate kayo sa mga bago naming gardening videos na baka makatulong sa inyo 😊
have a good day po..pa shoutout nman po sa channel ko..tnx and godbless🙏🙏
Good Day @mikong motofarm sure po. punta rin kami sa channel niyo at support din namin. 😊 Salamat din po and God Bless! 😊
@@PlantLoversDiary maraming maraming salamat po..tnx po sa support.god bless
@@mikongmotofarm walang anuman po.
😊
Ano naman pong problema pag sa sigarilyas nangungulubot tpos may nag bubukol bukol na sa dahon at tangkay na kulay orange..
Hi Netorius, kung wala po kayong nakikita na insekto sa dahon ng sigarilyas na tanim niyo ang posible pong dahilan ng pangungulubot ng dahon ay calcium deficiency . Ang pwede niyo pong iapply ay calphos fertilizer . Madali lang po itong gawin at gamitin ang kailangan lang ay eggshells . May gardening video po kami sa channel kung paano gumawa nito pwede niyo pong panuorin 😊 Thanks po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malalaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito. Sana po ay maclick noyo yung Subscribe button at Notification Bell para po sa mga susunod pa naming videos. Comment lang po kayo kung meron pa kayong tanong 😊
Paano Kong lanta na Ang dahon
Hello po, ano pong klase ang pagkalanta ng dahon? Meron po bang kagaya sa mga pinakita namin sa gardening video? Meron po isa kaming pinakita na example na nagbobrown po yung dahon sa gilid. Ganon po ba ang nangyari sa tanim niyo? Kailangan po kasi natin malaman yung nutrient deficiency kaya nalanta ang dahon ng tanim niyo
Anu ang ibig sabihin Ng urban gardening ,,organic gardening at backyard gardening
morning po halaman q na mamatay na. baka na subrahan ng fertillizer po!
Hi Nancy, pwede pong malaman kung anong fertilizer ang ginamit niyo at gaano karami ang nilagay niyo? Ano po ang naging itsura ng dahon ng inyong halaman para malaman din natin kung sakali na nutrient deficiency naman po ang sanhi. Wala rin po bang insects na sumisira?
Ang orcads ko naninilaw Ang mga dahon. Ano Po pwdi igamot.?tnx Godbless
Hi Berna, posibleng pong may kulang na nutrients kaya nagiging dilaw ang dahon ng tanim niyo. Naglalagay po ba kayo ng fertilizer? Naarawan po ba ito or laging nasa shaded area?
Nitrogen deficiency pala ang nangyayari sa dahon ng siling labuyo ko.
Posible po kung nagiging yellow ang dahon ng inyong tanim. Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit o nutrient deficiency ng halaman base sa dahon nito. 😊
May itatanong lang Po aq bakit Kong kaylan mataas na at na mumunga Ang aKing tanim na langgaka bayabas ay na mamatay bakit ganito???
Hi Rosalinda, maraming posibleng dahilan nito. May mga nakikita po ba kayong insects na posibleng makasira sa inyong tanim na langka at bayabas? Kung wala po ano ang nagiging itsura ng dahon nito bago tuluyang mamatay? Posibleng nutrient deficiency din po ang dahilan
Boss naninilaw po Ang mga dahon nang aking 3months old na lansones at tsaka naglagas po sila anong dapat Kung gawin?
Hi AZ RAEL, pasensya na sa late reply. Pwede po ba namin malaman kung naglalagay na po kayo ng any kind of fertilizer sa lansones na tanim niyo?
Ano nmn po gagawin kung mataas ph level ng lupa? Pno po inormalize
Hi Jared, pwede kayong gumamit ng organic compost , coffee grounds , aluminum sulfate , iron sulfate o kahit vinegar para mapababa ang pH level ng inyong lupa or para maging acidic ito. Ku g ano ang pipiliin niyong paraan ay depende kung gaano kabilis niyo gusto bumaba ang pH level ng lupa niyo at kung gaano kalaki ang lupa na gustong niyong pababain ang pH level . Ang bawat paraan na nasabi namin ay may mga advantages at disadvantages kaya mas maigi kung ichecheck niyo muna bawat isa bago kayo magdesisyon kung ano ang pinakaangkop sa sitwasyon niyo. Maraming salamat po sa panunuod ng gardening video namin tungkol sa mga sakit ng halaman at kung paano ito masosolusyonan 😊 Sana ay makaSubscribe kayo sa aming channel at mapanuod niyo pa yun iba naming gardening videos. Comment lang kayo kung meron kayo tanong or suggestion sa amin 😊
@@PlantLoversDiary salamat
@@PlantLoversDiary sa tingin nyo alin mas mainam gawin sa halaman na bellpepper na punla 5 inch plang ang taas 1 month na, tapos payat ung stem maliit ang dahon kulubot halos matutuyo na. Hydrogen peroxide po ba o calcium nitrate ang ibigay ko?
Sa luya po nanilaw ang dahon anu dapat medicina spray?
Bakit naninilaw at nalalagas ang dahin ng sili ako ano pede ko gawin
Hi NIKKOS DJ maraming posibleng dahilan kung bakit naninilaw at nalalagas ang dahon ng isang halaman. Pwedeng dahil may insekto na pumepeste sa inyong tanim, pwede ring hindi naarawan masyado ang inyong sili o pwede ring nutrient deficiency kagaya ng mga ipinakita namin sa aming gardening video. Kung wala po kayong nakikitang insekto at naaarawan naman ng ayos ang inyong tanim na sili ay malaki ang posibilidad na nutrient deficiency ito. Naglalagay po ba kayo ng organic fertilizer? Ang paninilaw po ba ng dahon ay kagaya ng isa sa mga pinakita naming dahon sa gardening video? Kung ang paninilaw ng dahon ay buo pwede nitrogen deficiency ito at pwede kayong gumamit ng iba't ibang organic fertilizer para malunasan ito. Isang halimbawa ay grass clippings tea fertilizer. May gardening video rin po kami kung paano gumawa nun kung gusto niyo panuorin
Ano dapat gawin pag nag moist yng dahon Ng agloanema oarang natutunaw
Hi Rosita , posible pong fungus / fungi yung reason kung bakit nagkakaganyan yung dahon ng aglaonema niyo dahil nabanggit niyo na may moist pero hindi rin namin masiguro dahil hindi po namin nakita yung itsura ng dahon. Kung sakali po na fungus ang dahilan pwede niyo pong subukan yung homemade fungicide na pinakita namin sa isang gardening video namin. Eto po yung link: th-cam.com/video/1n_Owqxb6yQ/w-d-xo.html
pano po kapag nabubulok po yung bandang ilalim ng aloe vera?? tapos nabubunot yung mga dahon?
Hi @Echosing, kailangan po muna natin malaman yung sakit ng aloe vera niyo kung bakit nagkakaganon bago po natin magawan ng paraan. Ang madalas po kasi na nangyayari sa aloe vera ay naooverwater. Madalas po ba nababasa yung aloe vera niyo?
Ganyan din po ang tanim ko
yung halaman ko na elephant ear ay natutuyo at nagkukulay brown ang dulo ano ang dapat kong gawin bumalik sa dati ang istsura nito na luntian at malaki ang mga dahon
Hi Evelyn, since hindi po namin makikita yung eksaktong itsura ng pagkatuyo ng dahon ng elephant ear na tanim niyo, itatanong na lang po namin kung may kamukha po siya dun sa mga sample na dahon na pinakita namin sa gardening video. Posible po kasi na hindi calcium deficiency ang dahilan ng pagbrown kaya kahit naglalagay kayo ng eggshell fertilizer ay wala pa rin epekto.
sir,mam bkit nagungulubot dahon ng kamatis at nagiging dark brown..thanks
Hi Bert posibleng kulang sa potassium yung kamatis niyo kaya nagiging brown ang dahon. Kamukha ba ng dahon na pinakita namin sa gardening video sa may potassium na part yung dahon ng kamatis niyo?
⁹
Naninilaw po ang ginger shampoo plants ko. Paano po ba ito maibabalik sa dati
Hi Carlisa medyo mahirap po sagutin ang tanong niyo kasi hindi po kami basta makakapagbigay ng payo dahil wala pa kaming karanasan sa pagaalaga ng ginger shampoo plants. Mukha rin kasi itong sensitive kaya di namin kayo mapayuhan na subukan yung mga organic fertilizer na ginagamit namin sa karaniwang halaman. Naglalagay na po ba kayo ng fertilizer?
@@PlantLoversDiary Naku hindi ko pa po nasubokang gumamit ng fertilizer. Naging dry napo ang dahon nya at tuloyan ng natumba 😢 hindi ko po alam gagawin ko
@@cascas7451 pasensya na po talaga kung di kami makapagbigay ng advice kasi medyo nagiingat din po kami kapag di familiar sa plants kasi baka mas mapasama pa. Nagtry po kami magresearch tungkol sa Ginger Shampoo at eto po yung nakita naming website na baka makatulong sa inyo kung paano ang tamang pagaalaga ng ginger shampoo. Check niyo po itong link: plantcaretoday.com/zingiber-zerumbet.html
anopo ba anv gmot sa halaman nanilaw at kulot ang dahon
Hi Jaime, kung kulot yung mga bagong tubo na dahon malamang ay kulang sa calcium yung halaman kagaya ng pinakita namin sa gardening video. Ang soluton doon ay gumamit ng Calphos foliar fertilizer or eggshell fertilizer. Pwede mong panuorin itong video namin kung paano gumawa ng Calphos fertilizer: th-cam.com/video/taWMu-oF2bI/w-d-xo.html
Sa paninilaw naman ng dahon, anong klaseng paninilaw yung nangyayari? Medyo nagiging brown ba yung gilid? May kaparehas ba na dahon na pinakita namin dun sa video?
Yung dahon ng lemon ko may mga batik batik na itim tapos maninilaw na xa
Hi Manok, kung wala pong insects kayo na nakikita sa lemon niyo ang posible pong dahilan ay nutrient deficiency kagaya po ng pinakita namin sa gardening video or pwede rin pong fungi . Meron po bang kaparehong itsura dun sa mga dahon po na pinakita namin yung dahon ng lemon niyo? Kung wala pong kamukha yung dahon ng lemon niyo pwede niyo rin po panuorin yung gardening video namin about sa fungicide na gawa sa baking soda at compare niyo din sa sample na dahon na pinakita namin kung ganon ang itsura kagaya sa lemon niyo para malaman natin kung ano ang pwede nating gawin 😊
Yong bago ko pong bili na Golden POTHOS nasunog Yong tagiliran ng isang dahon. Once a week ko lang naman po sila dinidiligan dhil yon daw ang dapat. Kaya ipinasok ko po muna sila sa sala. Bakit po kaya?
Hi Marybeth, yung pagkasunog po ba sa gilid ng dahon ng golden pothos niyo ay may pagkakapareho sa isa sa mga pinakita namin sa gardening video na nagiging brown yung gilid ng dahon?
may tanung ako yung mga sili ko sa paso parang may kumakain pa unti² sA dahon wala akung makita kung anung insekto ito ..baka sa gabi ito umaataki.. anu kaya dapat ko gawin? patulong naman please salamat
Hi John, medyo mahirap po yung problema niyo kasi wala kayong makitang insekto. Kung sasabihin po kasi namin na gumamit kayo ng homemade insecticide na pinakita namin sa isa naming gardening video ng hindi natin alam kung ano yung papatayin natin baka mas mapasama pa. May mga nababasa po kami na madalas daw na umaatake sa mga tanim nila kapag gabi ay mga snail. Hindi ko lang po sure kung pati dahon ng sili ay kinakain ng snail. Wala po ba kayo napapansin na snail sa area niyo?
@@PlantLoversDiary marami ako nakikita mga tiny snails .. baka yun nga ang salarin.. anu poh ba dapat gawin ko pag ganyan poh? salamat sa sagot poh
@@johnpaderno8152 sa totoo lang po nagreresearch pa kami kung ano ang talagang mabisang paraan para mawala yung snails sa garden. Marami po kasi kaming nababasa na maglagay ng crushed eggshells sa lupa para di makalapit ang snail sa tanim niyo. Meron din po na baking soda naman yung ipapaikot niyo sa tanim niyo. Balak po namin tapusin yung research para makagawa ng gardening video tungkol doon. Gusto rin po kasi namin subukan kung ano talaga yung effective. Uupdate po namin kayo kapag tapos na kami sa video or pwede niyo po iclick yung notification bell para po manonotify kayo everytime may bago po kaming upload na gardening video.
@@PlantLoversDiary salamat poh.. parang hindi effective ang crushed egg shells kasi ginawa ko na poh marami parin tiny shells .. salamat poh nag click na poh ako sa notif bell ..
@@johnpaderno8152 welcome po at thank you rin po. 😊 Susubukan po namin bilisan yung paghahanap ng mas effective na solution para sa snails.
Paano naman kung ang mga dahon ay NALALANTA
Hi Jose, bago malanta yung mga dahon ng inyong halaman ano po ang nagiging itsura nito? Meron po bang kaparehas dun sa mga ipanakita namin sa gardening video? Wala naman pong insekto kayong nakikita sa tanim niyo? Marami po kasing posibleng dahilan ng pagkalanta ng dahon kaya dapat isa isahin muna natin ang pwedeng maging sanhi nito hanggang sa malaman natin ang totoong dahilan 😊
bakit po nakulot kamatis tapos natutuyo dahon nya bakit po.ganun
Hi Dhessa, check niyo po muna kung may mga insects or mites sa ilalim ng dahon ng kamatis niyo. Kung meron po pwede niyong gamitan ng homemade or organic insecticide . May mga gardening videos po kami sa channel kung paano gumawa ng mga insecticide or pesticide kagaya ng kakawate insecticide kung gusto niyo ng organic. Kung wala naman pong insekto ay malamang na calcium deficiency ang dahilan ng pagkulot ng dahon ng tanim niyong kamatis. Yun po kasi ang sign ng calcium deficiency . Ang pwedeng solution naman po doon ay gumamit ng calphos fertilizer para maiwasan ang calcium deficiency . Pwede po kayo gumawa ng calphos gamit ang eggshells . May gardening video rin po kami kung paano gumawa at gumamit ng calphos fertilizer 😊 Sana po ay maclick niyo rin yung Subscribe button at Notification Bell para maupdate na po kayo kapag may bago kaming gardening videos na baka makatulong sa inyo 😊 Comment lang po kayo kung meron pa kayong tanong or suggestion sa amin 😊
@@PlantLoversDiary cge tingnan ku po
Okay po 😊
Yonq akin bulaklak yonq dahon nya umiitim sya
May kamukha po ba yung pagitim ng dahon ng tanim niyo sa pinakita namin sa gardening video? Posible po kasing nutrient deficiency yan pero check niyo rin po kung may insects na sumisira rin
Bakit nag kolubut ang dahon ng talong??ano dapat gawin?
Hi Jimalyn, usually ang dahilan ng pangungulubot ng dahon ay calcium deficiency kagaya sa sili kung walang insects na nasa dahon. Madalas din kasi na mites yung dahilan ng pangungulubot ng dahon kaya dapat icheck din kung may mga insects. Kung sure na tayo na walang insects sa talong pwede niyong subukan yung calpos fertilizer na nabanggit po namin sa gardening video. May gardening video po kami sa channel kng paano po gumawa nun kung gusto niyo rin po panuorin.
😊
hello sir bakit kaya ganon dahon ng bawang ko ung dulo parang natutuyo
Hi Belle, sorry sa late reply. Maraming posibleng dahilan kung bakit parang natutuyo ang dulo ng dahon ng tanim niyong bawang. Maaring nasobrahan ito sa fertilizer or kulang o sobra sa dilig. Pwedeng nutrient deficiency kagaya ng pinakita namin dito sa gardening video. Naglalagay po ba kayo ng fertilizer sa inyong tanim nga bawang? Gaano niyo po ito kadalas diligan?
hello salamat po sa pg sagot niyo by the way nag subscribe na po ako sa inyong chanel ayon po nilalagyan ko po yon ng urea kaunti lamang po, dinidiligan ko po kapag napansin ko na tuyo na ang lupa usually po morning ngayon po sinubukan ko pong ilipat sa mas malaking paso kasi po maliit lamang pp ang lagayan niya posible kayang sa lagayan lamang iyon?
@@condophbybelleduenos229 sa tingin po namin ay hindi yung maliit na lagayan ang dahilan ng pagkatuyo ng dulo ng dahon ng bawang na tanim niyo. Pwede po bang malaman kung ilang beses po kayo naglalagay ng urea? Maraming maraming salamat po sa pagsubscribe sa aming channel. 😊
Yun dahon po ng hlman ko prang n susunog
Hi Monya, maraming posibleng dahilan kung bakit parang nasusunog ang dahon ng inyong tanim. May kamukha po ba yung itsura ng dahon niyo sa mga pinakita namin sa gardening video na ito? Posible rin po kasi sobrang nainitan or nasobrahan sa fertilizer kaya nagkaganyan ang dahon ng inyong tanim.
Hello yung sili ko po nag kulot sya napano po sya :( help po
Hi yacabud, usually ang dahilan ng pagkulot ng dahon ng sili lalo na yung mga bagong tubo kung wala naman kayong makitang insekto ay dahil kulang sa calcium. Kapag kulang sa calcium ang inyong halaman pwede niyo po gamitian ng calphos foliar fertilizer or eggshell fertilizer. Panuorin niyo po itong gardening video namin kung paano gumawa ng calphos fertilizer gamit ang eggshell. Eto po yung link: th-cam.com/video/taWMu-oF2bI/w-d-xo.html
Eto naman po yung link ng gadening video namin kung paano gumawa ng simpleng eggshell fertilizer: th-cam.com/video/6iWmBUtwXE8/w-d-xo.html
Thanks po
@@kyrasuva-delosreyes8978 welcome! 😊 Sana po ay makatulong din sa inyo yung iba pa naming gardening videos at comment lang po kayo kung meron kayong tanong. 😊
anong spray ang dapat gamitin sa bunga ng atsal na nabubolok.
Hi Amanodin, dapat muna po natin malaman kung ano ang sanhi ng pagkakabulok ng bunga ng inyong tanim na atsal para malaman po natin kung ano yung dapat gawin. May mga nakita po ba kayong insekto? Kung wala po pwedeng fungus / fungi naman ang dahilan depende kung anong itsura nung pagkakabulok. Kung hindi po fungus / fungi ang huli pong posibleng dahilan ay nutrient deficiency na. Naglalagay po ba kayo ng mga fertilizer?
Bakit nangingitim ang dahon ng repolyo ko
Hi Florecita, maraming pwedeng maging dahilan ng pangingitim ng dahon ng repolyo mo at isa sa naiisip namin ay fungi / fungus o di kaya overwatering. Hindi namin sigurado kung ito ba talaga ang dahilan dahil hindi namin nakikita ang actual na itsura at hindi namin alam kung meron kang nilalagay na fertilizer sa tanim mong repolyo. Yun lang yung intial na hinala namin dahil common itong sakit ng ibang halaman na nangingitim ang dahon
Kolobot
Kapag po kulubot ang dahon ng ating halaman at hindi insekto ang dahilan ng pagkulubot posible pong may calcium deficiency ito. Pwede po kayong gumamit ng calphos fertilizer para masolusyonan ito 😊
Ang dahon ng halaman ko nag didilaw anu ang gamot?
Hi Elsie usually nutirent deficiency yung nagiging cause ng paninilaw ng dahn ng halaman pero icheck niyo rin muna kung may insects kayong nakikita. Kapareho ba ng isa sa mga dahon na pinakita namin sa gardening video yung dahon ng inyong halaman? Kung pareho siya sa isa doon pwede niyo po subukan yung nirecommend naming solusyon dun sa gardening video na kapareho ng itsura ng dahon ng tanim niyo.
Hello po kamuzta thanks for sharing
Paki support naman po ng aking munting channel thank you Godbless
Sure po. Support ko rin po kayo
😊
@@PlantLoversDiary thank you very much Godbless
@@lhaiche6895 welcome and God Bless you too.
Naalis Ang dahon ng halaman ko pano kaya ito
Hi Jenny, kailangan po natin maidentify ang cause ng pagkaalis o pagkalagas ng dahon ng tanim niyo. May mga insects po ba kayong nakita? Naglalagay na pp ba kayo ng fertilizer ?
Bakit bitin bitin. Dapat deretso na lang sinasabi niyo😊.
Hi Marites, maraming salamat po sa suggestion kung paano pa namin mas mapapaganda ang gardening videos sa channel namin. Sobrang naappreciate po namin ito. 😊 Thanks din po sa panunuod ng gardening video namin kung paano malaman ang sakit ng halaman base sa itsura ng dahon nito. 😊 Pwede po ba namin malaman kung saang part po yung sinasabi niyo na nagpuputol putol po para maimprove po namin next video? 😊
Mga kolobot na dahon
bakit po hinde nabubuhay ang rose ko?
Hi Blythe, ano po yung nangyayari sa rose niyo bago mamatay? Naobserve niyo po ba yung dahon kung ano yung itsura?
nag dilaw po at malagas ang mga dahon😓
ano po ang mas magandang gawin?
@@myrnatrinidad7154 pero naaarawan naman po at nadidiligan ng maayos yung rose n tanim niyo? Wala naman po kayo nilagay na fertilizer?
pinapaarawan kopo at dinidiligan nasisira padin po😓
may black spot ang dahon ng akin halaman
Sir,maàm bakit po naninilaw ng dahon ng tanim kung bawang
Hi Annabelle, pasensya na sa late reply namin. Maraming pwedeng dahilan kung bakit naninilaw ang dahon ng tanim niyong bawang . Kung walang insekto sa tanim niyong bawang malaki ang posibilidad na nutrient deficiency ang cause kagaya ng pinakita namin sa gardening video. Kapareho ba nung dahon na pinakita namin sa nitrogen deficiency yung nangyayari sa dahon ng tanim niyong bawang ?
@@PlantLoversDiary ano nga po pwedeng i spray sir,maàm pag ang ugat niya po ay nasisira nagiging kulay brown sa gitna
@@annabellesanantonio2060 pasensya na hindi pa kami nakasubok ng kahit anong organic na pandilig para sa ugat ng halaman. Pero ang posibleng dahilan kasi ng pagkabulok ng ugat ng halaman ay may fungi or insect sa lupa. Susubukan po namin magresearch tungkol doon at kung ano ang pwede niyong gawin. Babalikan po namin kayo agad or maguupload kami ng gardening video kapag nakahanap na po kami ng posibleng solution.
Natitiy0 at namamatay 2loy
Hi Nita, natutuyo at namamatay po ang dahin ng inyong tanim? May mga kapareho po ba na itsura yung dahon bago natuyo dun sa mga ipinakita namin sa gardening video?
Yong kalabasa ko nanilaw yung dahon niya
Hi Janjan maraming posibleng dahilan kung bakit naninilaw ang dahon ng kalabasa niyo. Isa sa posibleng dahilan ay kulang sa nutrients. May pagkakapareho ba yung paninilaw ng dahon dun sa picture na pinakita namin sa gardening video? Tsaka naglalagay na po ba kayo ng artificial or organic fertilizer?
Puro video video. Dapat sabhin nlang. Pambihira