PASAN lyric video (from the Papuri! 25 album): Cherise Katriel

แชร์
ฝัง
  • เผยแพร่เมื่อ 19 ต.ค. 2023
  • PASAN
    Verse:
    Ngalay na damdamin
    Tila pahingal nang pahingal
    Tila pahina nang pahina
    Oh…mayr’on bang pahinga? oh…
    Nawa’y makabawi
    Yung mahirap sana dumali
    Yung mabagal sana dumagli
    Oh… ginhawa’y dumating, oh…
    Pre:
    Sa mga pasaning dala
    Sabi Mo Ikaw nang bahala
    Alay na kalingang karga
    Sa yakap Mo, sasampa
    Chorus:
    PASAAAAAN… sa bisig Mo
    At tapat nakabantay, tila ba awit
    PASAAAAAN… sa piling Mo
    At sapat nakadantay, di mangangawit
    Sa Iyo ang lahat ng bagabag ay awat
    Sa Iyo ang lapag at panatag ang lapat
    Papasaan pa ba kundi sa Iyong pasan
    Pre2:
    Sa mga pasaning dala
    Tunay ngang Ikaw ang bahala
    Alay na kalingang karga
    Sa ngalan Mo, sasamba
    Chorus:
    PASAAAAAN… sa bisig Mo
    At tapat nakabantay, tila ba awit
    PASAAAAAN… sa piling Mo
    At sapat nakadantay, di mangangawit
    Bridge:
    Anuman ang panganib, maalpasan
    Anuman ang pagsubok, malalagpasan
    Anuman ang pasakit, malalampasan
    Sa ‘Yo lang, sa balikat Mo lang papasan
    Anuman ang takbo na mapapaspasan
    Anuman ang bayo ng bagyong hampasan
    Anuman ang nagkulang at natagpasan
    Sa ‘Yo lang, pupunan, mananahan, hanggang…
    (to full Chorus)
    Coda:
    Papasaan pa ba kundi sa Iyo…
    Papasaan pa ba kundi sa Iyo…
    Papasaan pa ba kundi sa Iyong… pasan… PASAN… oohh
    artist (lead & backing vocals): Cherise Katriel
    composer/lyricist: Jungee Marcelo
    arranger: Joshua Capule
    guitars: Ardie De Guzman
    drums: Niño Regalado
    recording engineer: Benjo Casaljay (Studio Z)
    mixing/mastering engineer: Angee Rozul
    track producer: Jungee Marcelo
    for Papuri! 25 album © 2023
    over-all producer: Kahlil Refuerzo
    executive producer: Far East Broadcasting Co. Ph / Papuri! Music Ministry
    Deutoronomy 33:12
    Let the beloved of the Lord rest secure in Him,
    for He shields him all day long,
    and the one the Lord loves rests between His shoulders.
    Mahal ka ni Yahweh at iniingatan,
    sa buong maghapon ika’y binabantayan,
    at sa Kanyang mga balikat ika’y mananahan.
  • เพลง

ความคิดเห็น • 42

  • @angelbandibas1622
    @angelbandibas1622 2 หลายเดือนก่อน

    tagal ko na to hinanap na song huhu, palagi ko to naririnig sa radio and di ko alam yung title. Ginogoogle ko pa lyrics, di ko parin makita. Finally, fave song ko po this!♥

  • @elviefortaliza7412
    @elviefortaliza7412 5 หลายเดือนก่อน

    Love it ❤

  • @sarajoybaria
    @sarajoybaria 7 หลายเดือนก่อน +1

    Wowww🙌🙌 napakagandang awitin at pag awit🙏🙏 God bless po and congratulations🎉🎉

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน +1

      Awww... thanks SaraJoy, God is good, thanks for your support!

  • @user-ec1rj5rg9n
    @user-ec1rj5rg9n 7 หลายเดือนก่อน +1

    thankyou for this Mr. Jungee grabe lss ko here, God bless po❤️❤️

  • @TheCarlAlfred
    @TheCarlAlfred 7 หลายเดือนก่อน

    Grabe! Nakaka-blessed ang song na yan. Kudos to you, Sir Jungee Marcelo. Praise God!

  • @rebeccacandelario5355
    @rebeccacandelario5355 2 หลายเดือนก่อน

    ❤❤❤

  • @stevenatienza9185
    @stevenatienza9185 7 หลายเดือนก่อน +3

    First time ko ito narinig sa Papuri 25 launch, grabe nakaka amaze yung creativity. Indeed God has given us incredible talent. Super appreciated yung artistic touch sa lyrics and melody. Pinag isipan mabuti yung lyrics kasi nagkakaroon ng multiple meaning yung “Pasan”.
    And ang galing din nag paka interpret sa live. On repeat na ako dito sa song. Sana marelease sa apple music or spotify.

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน +1

      Comments like yours truly lifts up our Jehovah Jireh from Whom all blessings flow 🙌 Maraming salamat sa analysis, much appreciated po ❤ Hallelujah!

  • @rebeccacandelario5355
    @rebeccacandelario5355 5 หลายเดือนก่อน

    ❤I watched at ccf💯🙏😘papuri 25th

  • @theblindactor1
    @theblindactor1 7 หลายเดือนก่อน +1

    Papuri 25
    “Bawat Tagumpay, Ikaw Ang Nagbigay.”
    Long post ahead pero sana po basahin nyo.
    Simula pagdating ko pa lang sa CCF Center, ang dami nang magagandang bagay ang nangyari. As in hindi na talaga ako nahirapang pumila para sa registration, hindi na rin nila hiningi ang ticket ko. Pinapila na agad nila ako para makaakyat na. Sa totoo lang ay nakakakaba dahil totally mag-isa lang talaga ako at wala akong kasama, at napakaraming tao.
    Fast forward... Bilang isang pwd, una nila akong pinapasok para makaupo kaya naman naabutan ko pa ang sound check ng mga performers. At doon pa lang, grabe na talaga ang emotion na nararamdaman ko. Lalo nang marinig ko ang boses ni sir Jonathan Manalo noong nag-sound check sila ng kanyang awiting “Dahil Sa ‘Yo… Para Sa ‘Yo.” I prayed: "Lord, kung will nyo po na ma-meet ko si sir Jonathan at makapag-pa-picture ako sa kanya, mangyayari po yon." Pero sa totoo lang ay isang malaking bonus at blessing na lang kung mangyayari yon. Dahil sobrang blessed ko na doon pa lang sa fact na nakaupo ako roon sa loob at nanonood sa soundcheck at concert ng Papuri.
    So after the concert. Inisip ko talaga kung lalapit ako sa stage para makapag-pa-picture sa mga artists. Kasi bukod sa marami ngang tao ay wala pa akong guide. Pero meron talagang nagtutulak sa akin to go there and so I did. Lumapit ako sa harapan kahit wala akong guide. I wouldn’t say na hindi ako nahirapan. Kasi though nasa bandang harap naman ang pwesto kung saan ako iniupo, medyo malayo pa rin and one more thing, nandoon lahat ng tao sa harap ng stage. Kaya nagdalawang isip na ako kung lalapit pa ba ako or huwag na lang. But still I continued heading forward hanggang sa may nadaanan akong tao kaya naman nagtanong ako:
    "Pwede po kayang mag-pa-picture sa artists?" Then he said:
    "I’m not sure, sobrang dami kasing tao, so baka hindi na pwede." I was like:
    "Oh, okay." Pero nagsalita ulit si kuya:
    "Pwede naman kitang picturan d'yan sa kinatatayuan mo, kita rin naman yung mga performers mula dito." And so I handed him my phone para makakuha sya ng picture. Then after that, I was about to leave. Pero nandoon pa rin talaga yung nagsasabi sa loob ng isip ko na pumunta sa harapan kaya naman sige, nagpunta pa rin ako sa stage kahit na walang kasiguraduhan kung makakapag-pa-picture ba talaga ako kahit sa isang performer man lang..
    Pagdating ko sa harap mismo ng stage, nilakasan ko na talaga ang loob ko para magtanong sa mga nandoon:
    "Pwede po bang magpa-picture kasama si sir Jonathan Manalo?" Pero noong tinanong ko yan, I am actually prepairing myself for a no. Someone answered:
    "Umiikot kasi si Jonathan, hindi namin alam kung nasaan na sya. Pero nandito ang Campañer family. Kung gusto mo, pwede ka naming picturan kasama sila." Of course nag-yes kaagad ako. Ang Campañer family kasi yung kasama ni sir Jonathan noong kinanta nya yung “Dahil Sa ‘Yo… Para Sa ‘Yo” kaya naman malaking achievment na rin para sa akin ang magkaroon ng picture kasama sila. After that picture taking, someone from Campañer family told me to stay. Susubukan daw nilang hanapin si sir Jonathan for me. So bigla akong nagkaroon ng hope. Few minutes passed, sumigaw yung isa sa kanila:
    "Jon, may gustong magpa-picture sayo." GRABE!! Hindi ko ma-discribe ang nararamdaman ko, lalo na noong marinig ko ang boses ni sir Jonathan na nasa likod ko na mismo. As in nanginginig talaga ako sa sobrang kaba at saya. Lalo noong sinabi nila sa akin na "Bro, nandiyan na si Jonathan. Can I have your phone?" So I handed my phone sa kanila para makapagpa-picture kay sir Jonathan. Nakakatuwa lang kasi sya pa talaga ang naupo sa stage para lang magkapantay kami. Hindi na kasi ako nakaakyat sa taas dahil sa dami ng tao.
    Sobrang bilis lang ng encounter ko with sir Jonathan pero napakasaya ko pa rin. Maagang birthday gift na sa akin ang magkaroon ng picture kasama sya. Kaya naman masaya akong nagpaalam sa kanila para umalis na. Ngunit hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat.
    Papalabas na ako noon ng concert hall. Naghahanap ng pwedeng mag-guide sa akin pababa ng lobby. Untill may narinig akong tao kaya lumapit ako to ask for help:
    "Excuse me. Is there someone po kaya na pwedeng mag-assist sa akin pababa ng lobby?" He answered:
    "Of course! Ako na, sasamahan na kita." So instantly I thanked him. Habang naglalakad kami papuntang elevator ay nagkukuwentuhan kami. He asked me kung wala daw ba akong kasama and i said wala. So he asked again kung saan nya ako pwedeng iwan. I told him iwan na lang nya ako somewhere na may guard, ka'si do'on na ako magbu-book ng angkas. But I added kung pwede nya muna akong samahan na bumili ng USB album ng Papuri na limited edition lang, thankfully he said yes.
    Kaso lang, pagdating namin doon kung saan nakakakuha ng album, ang sabi sa amin ay ubos na raw. I said okay lang po, kung hindi ako makabili ng album. Kaya nagpahatid na ako sa entrance ng lobby para makapag-book na ng Angkas. But he said:
    "You know what? You were really led to me. Because the one I showed on stage, I’ll give to you." So ang naging reaction ko talaga ay "WOW!!" I asked him kung magkano yung album but he said:
    "No, it's my gift for you." Grabe na naman ang emotion ko. I asked him kung anong name nya, then he said:
    "I’m Lucho, Lucho Castillo." Waaaaah!!! Hindi ko alam na yung kanina ko pang kasama na nag-guide sa akin pababa ng lobby, at yung nagbibigay sa ak'in ngayon ng album ay si sir Lucho. As in si sir Luis Miguel "Lucho" Castillo. Ang president ng 702 DZAS - FEBC Radio mismo. Hindi talaga sya nag-si-sink in sa akin na kausap ko mismo yung president ng FEBC Philippines. Kaya sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko sa kanya at sa regalo nya. I asked him kung pwede kaming mag-picture. He said yes and take note, sya talaga ang humawak ng phone ko. At sya rin mismo ang sumama sa akin na mag-book ng Angkas dahil walang guard na nandoon that time. Talagang hinintay nyang dumating yung rider ko, at sya rin mismo ang nag-guide sa akin papalapit sa motor. Tsaka lang sya umalis noong nakasakay na ako. Sobra talaga akong greatful kasi ginawa nya yon for me kahit na sobrang dami rin nyang kailangang gawin. Plus ang dami rin ng nagpapa-picture sa kanya. And the last thing he told me bago kami maghiwalay ay:
    "Enjoy the album." Thank you po talaga sir Lucho. I know nakailang sabi ako sa inyo nito but I can’t thank you enough and of course, maraming-maraming salamat Panginoon. Dahil simula pagdating ko pa lang sa CCF Center kahapon hanggang sa makauwi ako, ramdam na ramdam ko talaga ang pagkilos mo. 😭
    Sa event na ito ay isa lang ang na-realize ko:
    “Bawat Tagumpay, Ikaw Ang Nagbigay.” 😭🙏🙌
    #PAPURI25
    #45YearsofPapuriMusic
    #BawatTagumpayIkawAngNagbigay
    #PapuriPH
    #FEBCPH

  • @robertsumbillo4602
    @robertsumbillo4602 7 หลายเดือนก่อน

    Sounds good and the lyrics is so better for me thanks for that song To God be the Glory

  • @aldoisip3726
    @aldoisip3726 7 หลายเดือนก่อน +2

    Napaka unique ng kantang to… napapanahon ang tunog, napaka creative ng pagsulat… another hit from Papuri! 👏

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน

      Thanks for the commendation, we're truly encouraged. Much appreciated, glory to God!

  • @IrvinGalang
    @IrvinGalang 7 หลายเดือนก่อน +2

    Yey! First!
    Sobrang ganda tlg, rhema lahat ng linya, lapat na lapat ang tema at akda na may dalang ginhawa sa aking puso habng nakadantay at sumisipra

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน +1

      Salamat, IG, my heart is full 💟

    • @IrvinGalang
      @IrvinGalang 7 หลายเดือนก่อน

      @@jungeemarcelomusic1103thanks for sharing this song po! Now on repeat 🫰🏻

  • @hernanbaluyut9208
    @hernanbaluyut9208 7 หลายเดือนก่อน +1

    GRABE.. very well written lines!! galing na nanggaling sa Diyos na magaling!!! :) napakahusay coach!! Blessings!!!

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน +1

      yun na, galing ni Lord! thanks Herbal, I appreciate your encouragement
      💟

  • @jhenniefernan4244
    @jhenniefernan4244 7 หลายเดือนก่อน

    Ito yung kantang hinahanap hanap ko nung narinig ko to sa Papuri hindi ko siya mahanap, Sabi ko ito na yung paborito kong kanta buti na lang nahanap ng partner ko. 😍😍😍

  • @702jutsu
    @702jutsu 6 หลายเดือนก่อน

    Papasaan Pa Ba ,,ang Pasan malalampasan

  • @joyceenero8492
    @joyceenero8492 7 หลายเดือนก่อน +3

    naalala ko sa Papuri Concert, one speaker told us na “ano yung kantang tatatak sayo” and ito yun ❤ …. super blessed by this song and ang ganda ng boses 😍😍🙌🏻

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน

      I believe that was FEBC President Lucho who spoke of it, we are truly elated, what a blessing to hear that. Thanks for echoing the same encouraging sentiment. Praise God indeed. Sooo glad you like it ❤

  • @user-xu9gq7ds8r
    @user-xu9gq7ds8r 7 หลายเดือนก่อน

    ganda ng song n to...thank you for this song

  • @NatalieJoy_Psalm3418
    @NatalieJoy_Psalm3418 7 หลายเดือนก่อน +1

    LSS.. Sobrang ganda.. message and all.. salamat po sa song na ito.. ❤❤❤ namemorize ko na kakapa-ulit-ulit simula kagabi 🥰🥰🥰

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน +1

      My heart is full, maraming salamat sis Natz, praise God indeed!

  • @user-cn2nf6my9g
    @user-cn2nf6my9g 7 หลายเดือนก่อน +1

    I was so blessed by this song during the Papuri 25 concert on Thursday, Sir Jungee. Speaks to all ages, especially us, the youth. Praise God po 🙏🏾

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน +1

      What an encouragement, thanks for your support, praise God indeed!

  • @user-dt4jj6bj4z
    @user-dt4jj6bj4z 7 หลายเดือนก่อน +1

    The Lord speaks to me by this song. 🥹🙏🏻❤️

  • @protipslady
    @protipslady 7 หลายเดือนก่อน +1

    Hands down my favorite in the Papuri 25 album! Ang galing, Jungee! Sobrang nakaka-encourage.

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน

      I can only praise God for this favor. Salamat also for encouraging me and the team.

  • @dayswithdylancruz
    @dayswithdylancruz 7 หลายเดือนก่อน +1

    heard this live last night @ Papuri 25th. I was blessed. Thank you sir Jungee for your ministry.

    • @jungeemarcelomusic1103
      @jungeemarcelomusic1103  7 หลายเดือนก่อน +1

      You're most welcome. That's good know, praise God for this blessing.

  • @reinillemendoza
    @reinillemendoza 7 หลายเดือนก่อน +1

    Love this one Sir Jungee! Love the beautiful Tagalog words used in the song 💙💙💙

  • @rexondolino143
    @rexondolino143 6 หลายเดือนก่อน

    Ate pwede kantahin namin to sa simbahan

  • @genesiskatecenit3334
    @genesiskatecenit3334 7 หลายเดือนก่อน

    Praise God sir Jungee, sana at instrumental na din para makasingalong

  • @peeveebarrington3421
    @peeveebarrington3421 7 หลายเดือนก่อน +1

    Had been waiting for this!!!

  • @WandanShe
    @WandanShe 7 หลายเดือนก่อน

    Sarap sa puso ❤️

  • @micahpabilonia720
    @micahpabilonia720 7 หลายเดือนก่อน

    Huhu sobrang ganda ng kantaaaa! Thank you po sa pagsulat ng magandang awitin and sa super nakakablessed na pag kanta. :)))
    Kelan po magkakaminus one neto? Heheheee I must say ito yung pinaka tumatak na song sakin during concert sa Papuri 25. :D